DAY 2 , WEEK 4
I Don’t Know What To Do.
I want to approach her and comfort her, but there’s another part of me that says that I shouldn’t, that it feels wrong to see her like this. Parang, hindi ko dapat siya nakikita sa ganitong sitwasyon ngayon.
Kita ko ang pagpunas niya sa kaniyang mga luha at saka ang paghinga niya ng malalim.
Bakit siya nandito? Did she get a checkup here? O baka may pamilya siyang nasa hospital na dinadalaw niya rito?
I shook my head to erase the thoughts that are constantly going into my mind. I should wait for her to open up. Uuwi rin siya.
Ang mahalaga ay alam ko na kung nasaan siya ngayon.
After seeing Reverie in that state, I decided to go back to our home.
Madilim na nang nakabalik ako sa isla.
Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero maghihintay ako na masabi niya sa akin kung bakit siya nawala ng ilang araw, at kung mayroon siyang pinagdadaanan. I will wait patiently, dahil may tiwala ako sa kaniya.
“Oh, Finn! Nakabalik ka na,” bungad sa akin ni Auntie Ysa nang nakita niya akong pabalik na sa bahay. Tumango ako bilang sagot at tipid na ngumiti.
“Bakit ikaw lang? Hindi mo pa rin ba nahanap si Reverie?”
Ilang sandali akong natahimik bago siya sinagot, “Nahanap ko na po.” Tiningnan niya lang ako, parang hinihintay na dugtungan ko ang sinabi ko.
“Nahanap ko na po siya, pero hihintayin ko pong siya ang kusang umuwi dito, at saka po kami mag-uusap,” dugtong ko. Tumango naman siya at saka bumuntong hininga.
“Sige, hijo. Kapag kailangan mo ng uulamin, punta ka lang sa akin ha?” Ngumiti naman ako at saka tumango.
“Sige po, Auntie Ysa. Maraming salamat po.” Ngumiti rin siya pabalik at saka umalis na.
Nang nakapasok na ako sa bahay ay malalim akong napabuntong hininga at saka humiga sa sofa. Parang ngayon ko lang naramdaman ang labis na pagod simula nang nagkasakit ako’t no’ng hinanap ko si Reverie sa kahit saang lupalop.
Pero ang mahalaga ay alam ko na kung nasaan siya. Pumikit ako at muli kong naalala ang pag-iyak ni Reverie kanina. Her crying at the hospital earlier worries me. Umiiyak lang si Reverie kapag masyado nang mabigat ang nararamdaman niya, kaya labis akong nag-aalala.
‘Yan ang aking inalala hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit na mag-alas dose ng tanghali. Dahil doon ay ramdam ko ang paggalaw ng aking tiyan; wala palang laman ang tyan ko dahil hindi ako nakakain kagabi. Nanghilamos ako at saka nag-tootbrush, pagkatapos noon ay lumabas ako ng bahay at saka pumunta kina Auntie Ysa.
“Magandang araw po, Auntie Ysa,” bati ko sa kaniya pagkarating ko sa kaniyang karinderia.
“Magandang araw din, hijo. Bibili ka ba ng uulamin mo?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.
“Bibili na rin po sana ako ng rice dahil hindi na po ako nakakapagsaing. Late na rin po kasi akong nakagising,” sabi ko sa kaniya at saka hiyang ngumiti.
“Ah sige, hijo. Anong bibilhin mo?” tanong niya sa akin. Tumingin naman ako sa mga naka-display na pagkain, at bigla naman akong natakam nang nakita ko ang pork steak.
“Isang pork steak po at isang serve ng rice. Dito ko na po kakainin,” sabi ko sa kaniya.
“Maupo ka muna habang hinahanda ko yung pagkain mo. Kapag okay na ibigay ko na sa ‘yo,” usal niya na tinanguan ko naman.
“Sige po, maraming salamat.”
Umupo ako kung saan malapit lang sa mga naka-display na pagkain para hindi na mahirapan si Auntie Ysa. Habang hinihintay ko yung pagkain ay tumingin muna ako sa paligid at saka nakita na parang ang payapa ng araw na ito.
Babalik kaya si Reverie ngayon?
Napabuntong hininga ako dahil sa naisip.
Maaaring babalik siya ngayon, at maaaring hindi.
Baka, babalik lang siya kapag okay na siya. Pero sana, huwag niyang tagalan dahil nami-miss ko na siya.
“Ito na ang pagkain mo, hijo,” bungad ni Auntie Ysa sa ain at saka nilapag sa lamesa ang plato na may laman na ulam at kanin.
“Maraming salamat po. Magkano po lahat?” tanong ko sa kaniya at saka kinuha yung wallet ko.
“75 lahat,” sagot niya naman. Kumuha ako ng 100 at saka ibinigay sa kaniya.
“Wala ka na bang idadagdag?”
Napaisip naman ako ng ilang sandali.
“Magkano po yung coke nyo?”
“22, hijo,” sagot niya naman sa akin.
“Sige po, magdadagdag po ako ng isang coke. Thank you po,” tumango naman si Auntie Ysa at saka kumuha na ng coke.
“Ito yung coke mo at saka yung sukli,” sabi ni Auntie Ysa at saka binigay iyon sa akin. Muli naman akong nagpasalamat, at pagkatapos noon ay tuluyan na siyang umalis at umasikaso sa ibang mga customer.
Pagkatapos noon ay kumain na ako ng lunch, at nang natapos na ako ay doon muna ako nag-stay sa karinderia ni Auntie Ysa, dahil kapag doon lang ako sa bahay ay baka kung ano-ano lang ang maisip ko.
“Finn, nandito ka pala,” sabi ni Mang Ron sa akin nang nakita niya ako pagkapasok niya sa karinderia ni Auntie Ysa.
“Opo, kumain po ng lunch. Kayo po?” usal ko naman sa kaniya. Nakita kong napasulyap siya kay Auntie Ysa, kaya sumulyap din ako at nakitang busy pa si Auntie Ysa sa pag-aasikaso sa iba niyang customer.
“May pag-uusapan lang sana kami ni Ysa, pero mukhang hindi pa siya maistorbo ngayon,” sabi niya at saka ngumiti.
I gestured the seat that was available at the front of my table,
“Upo muna po kayo rito Mang Ron habang hinihintay nyo si Auntie Ysa.” Nagpasalamat naman siya at saka napaupo na sa upuan na itinuro ko.
“Nakita mo na ba kung nasaan si Reverie?” tanong bigla ni Mang Ron sa akin. Tumango naman ako at saka bumuntong hininga.
“Nakita ko po siya, pero hindi kami magkasabay umuwi dito, at hindi niya rin alam na nakita ko siya kahapon,” sabi ko kay Mang Ron.
“Pero, alam mo ba kung kailan siya babalik, hijo?” tanong ni Mang Ron.
Umiling ako bilang sagot at saka napayuko. “Nang nakita ko po kasi siya kahapon, hindi po siya okay. Parang, may problema siya. At pakiramdam ko, hindi ko dapat siya makita na gano’n.”
Mang Ron tapped my shoulder. I looked at him and he gave me a reassuring smile. “Baka babalik na siya mamaya, hijo. Kung hindi man mamaya, baka bukas, o sa susunod na araw,” tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ko,
“Reverie will come back, hijo. May tiwala ka naman na babalik siya rito, hindi ba?”
Ilang sandali bago ako nakasagot kay Mang Ron,
“Oo naman po, may tiwala po ako sa kaniya. Alam kong babalik siya rito.” Tumango naman siya pagkarinig niya ng sinabi ko.
“Mang Ron! Nandito ka na pala,” tawag ni Auntie Ysa sa kaniya. Napatayo naman si Mang Ron dahil doon.
“Oo, pero ayaw naman kitang istorbohin kanina dahil marami kang inaasikaso na customer,” sagot naman ni Mang Ron sa kaniya.
Napatayo na rin ako pagkatapos noon. “Ah, Auntie Ysa, Mang Ron,” pagtawag ko sa kanilang dalawa. Parehas silang napatingin sa akin.
“Mauuna na po ako,” pagpapaalam ko sa kanilang dalawa. Parehas naman silang napatango at saka nagpatuloy sa pag-uusap.
Pagkatapos noon ay tuluyan na akong napaalis sa karinderia ni Auntie Ysa.
Habang naglalakad ako pabalik sa bahay ay muling pumasok sa isip ko ang imahe ni Reverie na umiiyak. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan iyon. Kung konektado man ang ilang araw niyang hindi pag-uwi sa bahay sa pagpunta niya sa ospital, ibig sabihin baka sobrang lala ng sitwasyon, kaya rin siya umiyak?
I shook my head and tried to think of something else.
Sasabihin din ni Reverie kung ano man ‘yon, magtiwala lang ako.
“Kuya Finn!”
Napatingin naman ako sa tumawag sa akin at nakitang si Shasha iyon.
“Oh, Shasha. Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya at saka ngumiti.
“Pupunta po ako sa karinderia ni Auntie Ysa, may pinapabili lang po yung mama ko na ulam,” sabi niya sa akin at saka ngumiti.
Tumango naman ako. “Kaya mo bang pumunta roon na ikaw lang?”
“Oo naman po! Saulado ko naman na po yung islang ito at dito rin po ako lumaki,” mayabang na sabi ni Shasha. Napatawa naman ako at saka ginulo yung buhok niya.
“Very good naman ni Shasha. o siya, sige na. Mag-ingat ka papunta roon ha?” sabi ko sa kaniya.
Tumango naman si Shasha at saka umalis na.
Parang kailan lang, tino-tour pa ako ni Shasha sa islang ito, pero ngayon ay halos alam ko na rin ang mga pasikot-sikot rito. Ang bilis nga naman ng oras.
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad.
Nang nakarating na ako sa bahay ay nagulat akong nakabukas yung pintuan, kaya dali-dali akong pumasok at nakitang ang mga hugasin na hindi ko nagawa kahapon ay nahugasan na at nakaayos pa.
Ibig sabihin ba nito…?
I quickly went to Reverie’s room and knocked a couple of times.
“Reverie? Nandyan ka ba?”
Walang sumagot, kaya kakatok na sana ako ulit nang biglang bumukas yung pintuan, at bumungad sa akin si Reverie na mukhang bagong ligo’t bihis.
Nanlaki ang mata ko nang nakita ko siya. Kita ko ang unti unting pagngiti niya nang nakita niya ako.
“Finn,” pagtawag ni Reverie sa akin.
Ilang segundo akong napatulala muna sa pagtingin sa kaniya bago ko siya tuluyang niyakap.
“Welcome back, Reverie,” sabi ko sa kaniya at saka mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya. She hugged me back and caressed my back.
“I’m sorry, Finn,” mahina niyang sabi. “I’m sorry for leaving all of a sudden, for days, without telling you,” dugtong niya pa at saka hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Hindi ako nagsalita at saka nanatili lang na nakayakap sa kaniya. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumitaw na kami sa pagkakayakap.
Umupo muna kaming dalawa sa sofa habang nakatingin pa rin sa isa’t isa.
“Reverie,” pagtawag ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa akin.
“Yes, Finn?” sabi niya.
Umiling lang ako at saka nanatili ang tingin sa kaniya.
“Hindi ako nanaginip, ‘di ba? Nandito ka talaga sa harap ko ngayon?” tanong ko kay Reverie. Napatawa naman siya at saka umiling.
“Nandito ako, Finn. Bumalik na ako,” mahina niyang sabi at saka yumuko.
“Akala ko—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang nag-crack na ang boses ko.
Kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na babalik siya at may tiwala akong babalik talaga siya, there was still a part of me that got scared.
I was scared that she would eventually leave me again, na hindi niya matutupad yung pangako niya sa akin.
“I’m sorry, Finn,” muling usal ni Reverie. Kita ko sa kaniyang mukha na malungkot siya. Maybe, she knows.
Maybe she knows how scared I was that she suddenly left without saying anything, maybe she knows what I have thought for the past few days.
If she did, then why didn’t she return earlier?
I shook those thoughts from my mind because I know that those thoughts are immature. I shouldn’t think that way, because I know she also has problems of her own.
“Reverie, I’m not mad. I just, I want to know. Sa ilang araw na nawala ka, anong ginawa mo?” mahina kong tanong sa kaniya. Nanatili siyang tahimik, at saka yumuko.
“Can’t you tell me? So that at least, I would know. I’ll understand you, whatever it may be,” muli kong sabi, pero hindi pa rin siya nagsalita.
“Ah, Finn. Ano pala ang ginawa mo noong wala ako rito?” biglang sabi niya at saka tumingin sa akin.
I stared at her for a long time before answering, “Hinanap kita, Reverie. Hinanap kita,” sabi ko sa kaniya. Unti-unti naman napawi ang kaniyang ngiti nang narinig niya ang sinabi ko.
“Halos baliktarin ko na ang buong isla para mahanap ka, but you were nowhere to be found.”
Umiwas siya ng tingin at saka napakagat sa kaniyang labi.
“So, can you please tell me what you’ve been up to since you disappeared?” I asked, almost pleading.
But in the end, hindi niya pa rin ako sinagot.
That’s when a thought crossed my mind.
Hindi niya pa rin ba ako pinagkakatiwalaan, kahit matagal na kaming magkakilala?
Or… What is she hiding that makes her afraid of telling it to me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top