DAY 2 , WEEK 2
THIS CHAPTER IS DEDICATED TO :
HatingYouIsGreat
I HOPE YOU ENJOY READING!
"Do you know what keeps me going?"
she asked as she stared at the waves of the ocean.
"What is it, Ma?" I asked, looking at her as she admired the waves. I can hear the sound of the waves splashing, and I can feel the cold breeze brush through my skin.
Napatingin siya sa 'kin. Ngumiti siya at saka tinapat ang kamay niya sa aking dibdib.
"What keeps me going is this." She softly tapped on my chest.
"Your heartbeat is what keeps me going," she softly said and let out a chuckle.
What I heard warmed my heart. My mom rarely says sweet things. And whenever she does, it's sweet enough to stay in my mind for a long time.
"Pero, bakit 'yong tibok ng puso ko, Ma?" tanong ko naman. Tinanggal niya sa pagkakatapat ang kaniyang kamay sa aking dibdib at saka tinanaw ulit yung alon ng tubig sa dagat.
"Your heartbeat is the one that reminds me that I bore a life; a life that was once inside my womb. A life that I, still, cherish." malumanay niyang sabi.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. I hugged her because of the overwhelming feeling that formed in my heart, and there are no other words that fit perfectly with what I'm feeling right now.
"I love you, Ma," I sweetly said.
Niyakap naman ako ni mama pabalik.
"I love you too, anak."
Nagising akong may naramdaman na parang mabasa sa aking mata. Nang kinapkap ko 'yon, napagtanto kong luha ko pala 'yon. Sa hindi malamang dahilan, parang mabigat yung puso ko. Tila bang ako'y nangungulila sa isang bagay... o tao.
Unti-unti akong bumangon at nakitang nakabukas na naman 'yong kurtina ng bintana. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na 'wag bubuksan kasi hindi ko gusto, pero sa huli ay siya pa rin 'yong nasusunod. Napatingin naman ako sa kanan ko at nakitang nag-aayos si Reverie ng mga bagay na nasa sahig.
"Ako na naman ba... yung gumawa niyan?" Napatingin naman siya sa akin nang narinig niya akong nagsalita. Tumango naman siya bilang pagsagot sa tanong ko.
"Good morning, Finn."
"Morning." Tipid kong bati sa kaniya
"Sorry, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yan," mahina kong sabi. Napailing naman siya.
"Okay lang, naiintindihan ko naman."
"After you organize those things that... i threw, please leave. I want to be alone for now." Napatayo naman siya sabay kapit sa baywang niya.
"What? No, hindi kita pwedeng iwan," pagtututol niya kaagad.
"No, umalis ka pagkatapos mong magligpit niyan. Pipindutin ko naman yung buzzer kapag kailangan na kita."
"Hindi pa rin ako papayag. Paano kung may mangyari sa 'yo at hindi mo na maipindot yung buzzer?" Agaran niyang pagtutol ulit. Inis naman akong napatingin sa kaniya.
"Alis nga sabi pagkatapos mo niyan. Sumasakit pa lalo yung ulo ko kapag ikaw yung kaharap ko eh," masungit kong sabi.
Nilapag niya sa mesa ang mga pinulot niya mula sa sahig at saka nilapitan ako. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinawakan sa aking balikat at saka ngumiti.
"Hmmm, no," masaya niyang sabi sabay bitaw sa pagkakahawak sa balikat ko.
Damn, this woman is really...
Hinayaan ko na lang dahil pagod na akong makipagtalo sa kaniya. Kailan pa kaya ako mananalo laban sa kaniya? Palagi na lang 'yong gusto niya yung nasusunod, at palagi siyang tutol sa kung ano 'yong gusto ko. Sa ilang araw na siya 'yong nurse ko, napagtanto ko na minsan ay parang hindi siya nagt-trabaho dito kung tratuhin niya ako. Pero, hindi pa ba ako nasanay? Kaya hindi ko na siya tinatawag na nurse, and she doesn't look bothered by it, but in return, she started calling me by my name too.
"Oh, by the way, Finn." Napatingin naman ako kay Reverie nang bigla niya akong tinawag.
"May napadaan pala rito kanina, pero hindi namin pinapasok dahil kabilin-bilinan mo na 'wag magpapasok ng kahit sino na bisita," usal niya naman at umupo sa upuan na nasa tabi ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang narinig ko nag sinabi niya.
"S-sino raw yung pumunta kanina?" tanong ko naman. Ramdam ko ang pagtibok ng ugat ko sa ulo nang may isang babae na pumasok sa isip ko.
Si... Eloise ba?
"Si Mrs. Gazier daw, yung mama mo," maingat niyang sabi. Parang kinapos naman ako ng hininga sa narinig.
"Yong... mama ko?" Tumango naman siya. Dumoble ang sakit ng ulo ko nang pinilit kong alalahanin kung ano 'yong itsura ng mama ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.
"Finn, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na alalahanin kung sino yung mama mo," mahina niyang usal at saka hinawakan yung balikat ko.
"S-sinabi niyo ba sa kaniya? Yung... kondisyon ko," nauutal kong tanong at tiningnan siya sa kaniyang mata.
"Wala kaming sinabi, at hindi naman siya nagtanong tungkol sa kondisyon mo. Ang tanging tanong niya lang sa amin ay kung inaalagaan ka namin ng mabuti rito."
Tumango naman ako at dahan-dahang humiga, tinulungan naman ako niya ako.
"Does your head hurt too much? Do you want me to call the doctor?" May bahid na pag-alala sa boses niya nang tinanong niya iyon. Umiling ako.
"Hindi na, matutulog muna ako ulit," sabi ko at marahan na pumikit.
"Sige, nandito lang ako sa tabi mo." Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko, at doon ay tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Hindi ko alam, pero may pagkakataon na nag-aabang ako sa pintuan ng aking silid, na baka bummukas iyon at bubungad sa akin si Eloise, o umaasang magsasabi sa akin si Reverie na may dumaan para tingnan ako't siya iyon, pero sinong niloloko ko? Hindi na babalik dito si Eloise, pagkatapos ko siyang sabihan na 'wag na bumalik dito.
"Dahan-dahan lang, Finn," sabi ni Reverie habang inaalalayan akong tumayo. Sa nakalipas na ilang linggo, tila'y mas lumalala ang aking abilidad sa paglalakad. Unti-unti na akong nahihirapan lumakad, that's why it has been decided that I should use a wheelchair whenever I want to go out. Tuluyan na akong napatayo ni Reverie, at pinaupo sa wheelchair na nakahanda na para sa 'kin.
"Saan tayo pupunta ngayon, Finn? Sa hardin pa rin ba?" tanong niya, kahit alam niya naman ang sagot doon. Tumango ako at agaran niya namang tinulak 'yong wheelchair. Sa nakalipas na ilang linggo, I began to like taking a walk, or more like, go outside and go to the garden of this hospital. Whenever I feel the warm breeze outside, and the familiar smell of grass, it gives me the feeling of peace that I miss.
Nang nakarating na kami sa hardin ay muli kong nakita ang mga pasyente sa ospital na ito kasama ang kanilang nurse, ang iba naman ay kasama nila ang kanilang pamilya. Hilaw naman akong napangita nang may naalala ako.
Noon, halos araw araw pumupunta rito si Eloise, at sinasamahan ako rito sa hardin. Pero ngayon, wala na. all of what we shared together became a memory.
"Finn, anong iniisip mo?" Napatingin naman ako kay Reverie na nasa tabi ko dahil do'n.
"Wala, may naalala lang," sabi ko naman at ibinalik 'yong tingin sa mga pamilyang magkakasama.
"Ano naman 'yon?" tanong niya ulit.
"Naalala ko yung panahon na hindi pa ikaw yung nagbabantay sa akin," pabiro kong sabi, ramdam ko naman ang masama niyang tingin sa akin.
"Ang peaceful pa no'n ng buhay ko rito sa ospital. Kailan kaya babalik dito si Nurse Ali?" pagpatuloy ko pa.
"Wow, ganyan ka na ba kagalit sa 'kin?" tanong niya na parang nasaktan talaga siya sa sinabi ko, na alam ko nama'y hindi.
"Tingin mo?" pabiro kong tanong at saka mahinang tumawa.
"Ewan ko sa 'yo," ani niya at saka tumingin na lamang sa paligid. Bigla ko naalala ang pag-uusap ni Eloise at no'ng isang nurse dito sa hardin noon. Parehas lang kaya sila no'ng nurse ng rason kung bakiit siya nag-nurse? Ibinuka ko 'yong bibig ko para sana tanungin siya, pero hindi ko na lang itinuloy dahil ayokong may malaman ako ng kahit konti sa buhay niya, at ayoko rin na may mamumuong koneksyon sa aming dalawa.
"Oo nga pala," biglang sabi niya.
"I won't be here on the weekend. May pupuntahan lang ako." tumango lang ako at hindi na nagtanong sa kaniya.
Lumipas ang ilang oras, at tuluyan ko nang nakita ang unti unting pagdilim ng langit. "Balik na tayo, Finn. Dumidilim na. Mgkakasakit ka pa niyan.
" Umiling naman ako at saka tiningnan ang langit.
"Dito muna tayo."
I felt the cold breeze touch my skin. Ang tagal ko nang hindi naramdaman ito, kaya napapikit ako ulit at dinamdan ang malamig na hangin.
"Sige, pero limang minuto lang, ha," marahang sabi niya naman.
"5 minutes is more than enough for me,"
I softy said. I opened my eyes and looked at her.
"Thank you." Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos kong sabihin iyon. Umiwas naman siya ng tingin at saka napatikhim.
"N-no worries. Siguraduhin mo lang na hindi ka magkakasakit dahil dito."
I continued to enjoy my 5 minutes of being outside during the night, and when it was already over, I felt sad. When will I ever get the chance to stay out at night, anyway?
"Here's your dinner," sabi niya sabay lapag ng pgkain sa harap ko. Napangiwi naman ako ng muling nakita ang mga gulay na nasa harap ko.
"Ito na naman? Won't you serve me meat for once?"
Inis na sabi ko. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya n hindi ako mahilig sa gulay, pero hindi pa rin niya ako pinapakinggan.
"Ilang beses ko na rin sinabi sa 'yo na kailangan mong kumain nito para healthy ka pa rin. And, this is what the hospital usually serves," dire-diretso niyang sabi.
I rolled my eyes and didn't argue with her anymore. Kung may isang bagay man na hindi niya tinutulan, iyon ay ang hayaan akong ako yung susubo sa sarili kong pagkain. Noong una kasi, siya yung sumusubo ng pagkain sa akin, which I totally didn't like. Kaya nang sinabi kong ako lang yung susubo sa sarili kong pagkaim, laking tuwa ko na pumayag siya.
Akala ko kahit 'yon ay tutulan niya. Buti naman at hindi.
Pinilit ko na lang kainin 'yong binigay niya sa akin. Wala naman akong choice dahil wala namang ibang pagkain dito bukod dito sa binigay niya at ilang prutas na nasa basket.
"Tapos na 'ko," sabi ko sabay tulak ng pinagkainan ko. She looked at the plate, and it's evident that she's satisfied with just a look at her face.
"Very good," masaya niyang sabi sabay kuha ng pinagkainan ko. Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"What? I'm not a child," sabi ko naman na ikinatawa niya.
"But you look like child, though. Dagdag na rin na hindi mo gusto 'yong gulay katulad ng ibang mga bata." Napairap naman ako.
"Are you sure na sa Saturday at Sunday ka lang? Hindi na mas hahaba pa roon?"
Napasinghap naman siya sa narinig. "Wow, mukhang masaya ka pa nga na wala ako rito mag-weekend." Loko-loko akong tumango ng mabilis.
"Oo, magiging 'sobrang' masaya ako kung matagal kang mawawala rito. Magagawa ko yung gusto ko na walang tumutol," ani ko at nakita kong tumaas naman 'yong kilay niya sa narinig.
"Hmm, what if hindi na lang ako tumuloy?" Nanlaki naman ang mata ko at magpo-protesta na sana nang tumawa siya.
"Biro lang, tutuloy ako sa weekend. Hindi pwedeng hindi ako matutuloy kasi mapapagalitan ako ng papa ko," sabi niya. I sighed in relief after hearing what she said.
"Sige, ingat ka," masaya kong sabi. Napasimangot naman siya. "Sige, sana maging 'masaya' ka rito habang wala ako," may diin niyang sabi na ikinatawa ko naman.
"Oo, susulitin ko talaga ang dalawang araw na wala ka rito," sabi ko at saka ngumisi. Umiling naman siya at nagsimula nang magligpit.
Even though I told her that I would be happy with her absence for two days, there's a small feeling deep within my heart that I didn't want to accept. Napailing na lamang ako ng unti unting may namuong sa puso ko.
As much as possible, I don't want myself to be attached to someone I know will disappear from my life anytime soon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top