DAY 1 , WEEK 5

"Mr. Gaizer," bungad ni Doctor Miranda sa akin nang pumasok ako sa loob ng office niya.

"Doctor Miranda, good morning," I plainly said.

He gestured the seat in front of him, kaya umupo ako roon.

"So, how have you been feeling these past few weeks?" he asked.

Pagkatapos noon ay sinabi ko sa kaniya ang mga naramdaman kong simtomas, at kung anong ginagawa ko kung maramdaman ko man iyon. Kasunod noon ay ginawan niya ako ng tests at iba pang mga kailangan niyang gawin para mas malaman pa ang kalagayan ko.
And while he was doing those, the only thing that is in my mind is to return immediately after this.

"Tapos na ba, 'dok?" tanong ko sa kaniya. Tumango si Doctor Miranda habang tinitingnan ang mga naging resulta ng tests ko.

"Mr. Gaizer, it seems you need to be admitted, again," sabi ni Doctor Miranda sabay tingin sa akin.

Agad naman akong napailling dahil doon. "I'm sorry, doc. I can't do that. May naghihintay pa sa akin na bumalik. She needs me," marahan kong sabi sa kaniya.

He took a deep breath and sighed.

"But your condition is getting worse, and you will experience more pain. You need to be admitted for us to monitor and help you," mahabang lintaya niya naman sa akin.

"No, doc. I won't. Babalik ako sa hospital kung saan nandoon si Reverie," I uttered, and it was too late to realize what I just said.

"So it was Reverie. She's the reason why you don't want to be admitted," he paused and spoke again, "And it seems like... you already know about her condition."

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kaniya, determinado na umalis at hindi manatili doon.
Muli siya napabuntong hininga. Napapikit siya ng ilang sandali at saka iminulat ang mata niya.

Ibinaling niya sa akin ang tingin niya at saka nagsalita, "How about this, we will transfer Reverie here."

"What?" gulat kong sabi.

"Ita-transfer naming dito si Reverie sa hospital na ito, so that the both of you will be together while being monitored. How does that sound?"

Napaisip naman ako sa sinabi ni Doctor Miranda.
Kung isipin, tama nga naman siya. Mas mabuting kasama kami rito kaysa sa magkahiwalay kami, nang sa ganoon ay maging panatag na rin ako.
But, I need to know what she thinks about this, too.

"I will give you time to think about this, but I hope I can receive an answer by tomorrow, dahil kailangan kang i-admit at monitor dito as soon as possible," muling sabi niya sa akin.

"Sige, dok. Thank you. I will contact you once we finish talking about this," sabi ko sa kaniya at saka tumayo.

Pagkatapos noon ay umalis na ako at saka bumiyahe pabalik sa hospital kung saan naroon si Reverie.
Nang nakarating na ako sa hospital ay agad akong tumungo sa silid ni Reverie. Pero bago pa man ako makarating doon ay may nakasalubong naman akong tao na ayoko nang makita.

"Finn..." mahinang sabi ni Eloise.
Napatigil naman ako sa paglalakad dahil doon. I blankly staired at her and didn't utter a word.

"Why are you still here?" she asked, but seconds later she gasped. "Wait, is your condition-"

"Enough, Eloise," I cut her off, "You don't need to know," I coldly said and was about to walk away when she stepped forward, enough to be close to me.

"Finn... I just want to know. Kahit ganito tayo ngayon, I can't help but feel worried for you," she gently said and looked at me in the eyes.
Those eyes. Those eyes that I used to love.

Napaiwas naman ako ng tingin at saka nagsalita, "Really? I don't even know if the Eloise that I was with before was the real you, considering the horrible things that you did to Reverie..." I trailed off. Hindi ko na itinapos ang dapat kong sabihin at muling tumingin sa kaniya.

Kita kong dumaan ang sakit sa mga mata niya, pero agad din iyon Nawala at napalitan ng kakaibang emosyon na hindi ko mapangalanan.

"What I showed you before was... real," her voice cracked. She bit her lip and breath deeply before she continued speaking, "I have always been real to you, Finn. And if only, if only you will give me the chance to explain-"

"No, what I heard from her was enough, Eloise."

She smiled painfully at me after hearing what I said, at may kakaibang emosyon na dumaan sa akin, pero mas nangingibabaw ang pagkasuklam ko sa kaniya dahil sa ginawa niya kay Reverie.

"I don't want to talk to you nor ever want to see you again. Excuse me."
Muli akong naglakad ng mabilis at saka nilagpasan siya.


"Finn!" rinig kong tawag niya sa akin.
Hindi na ako lumingon nang tinawag niya ako, kung 'di ay nagpatuloy na lang sa paglalakad.

I hope I never see you again, Eloise. It would be better for me, and for Reverie as well.
Pero napatigil ako sa paglalakad nang bigla ko naramdaman ang muling pagsakit ng ulo ko.
Pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko kasabay ng pagsakit ng ulo ko, parang pinipiga ito at pinupukpok.


"A-aray," mahina kong daing at saka napahawak sa ulo ko.

"Finn? Finn!" rinig kong tawag sa akin.

Pero bago ko pa malaman kung sino iyon ay nandilim na ang paningin ko.


"Finn!" Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita si Reverie sa harapan ko.

Nakasuot siya ng nurse' uniform habang kumakaway sa akin. May ngiting nakaguhit sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Reverie?" pagtawag ko sa kaniya.
Tumigil naman siya sa pagkaway at saka unti unting lumapit sa akin.

"Ang haba ng tulog mo ah. Ang tagal na kitang ginigising pero wala pa rin. Tulog mantika ka pala," biro ni Reverie at saka tumawa ng marahan.


"Talaga? Sorry," I sheepishly said at saka napakamot na lang ng ulo ko.

"If you are really sorry, then you should wake up," sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Huh? But I am awake right now," usal ko sa kaniya.

She slowly shook her head and tightened her hold on my hand.
"I'm worried, so please wake up now, Finn."

Pagkatapos noon ay may liwanag na muling sumalubong sa akin, at nang nawala na ang liwanag ay ang sumalubong sa akin ay ang isang puting kisame.

"Nasaan ako..." my voice was hoarse, and I tried to move my hands, which I easily did so.

Napatingin ako sa paligid at napagtantong nasa hospital ako.
But this room doesn't look like the one from where Reverie is. Don't tell me?
Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at saka tumingin sa paligid. Nang napatingin ako sa kaliwa ko ay pansin kong may kurtinang namamagitan sa aking hinihigaan, kung kaya ay ibinuksan ko ito.

"Reverie," gulat kong usal nang nakita ko si Reverie na nakahiga sa kama at natutulog.

Magkatabi ang higaan namin, at tanging ang kurtina lamang ang naging pader sa aming dalawa.
Kahit nanghihina, pinilit ko pa ring tumayo at pumunta sa kinaroroonan ni Reverie.
Hirap na hirap ako sa pagtayo dahil nanginginig pa ang mga paa ko, pero pinilit ko pa rin at kumapit sa maliit na mesang nasa tabi ko at tumungo sa kinaroroonan niya.

I held her hand and softly called her name, "Reverie."

Muli naman akong kinabahan dahil kahit ilang beses ko siyang tinawag ay hindi pa rin ito nagigising. Ramdam ko ang pangigninig ng kalamnan ko, kung kaya ay dali-dali kong pinindot yung buzzer para tumawag ng nurse.
Pagkaraan ng ilang sandali ay kaysa sa nurse yung pumasok, ay si Doctor Miranda ang pumasok sa silid.

"Doctor Miranda, anong..." gulat kong sabi nang nakita ko siya.

"Mr. Gaizer, please sit first on your bed. Kakagising mo lang, and it is not right for you to force your body to move and exhaust yourself just yet," mahabang lintaya ni Doctor Miranda, kung kaya ay umumpo na ako sa higaan ko at saka ibinaling ang tingin sa kaniya.

"What happened and how long was I unconscious? At bakit... bakit nandito kami ni Reverie?" sunod-sunod kong tanong kay Doctor Miranda.

"You were unconscious... for 5 days."
Nanlaki naman ang mata ko nang narinig ko ang sinabi niya.

"Nang nalaman ni Reverie ang nangyari sa 'yo, agad niya akong tinawagan para ipaalam sa akin ang nagyari sayo. And at that time, we needed to hospitalize you here, so I discussed to her what we talked about and she agreed... to be transferred here with you," mahabang sabi ni Doctor Miranda.

Kaya pala... kaya pala nandito kami ngayon.
She actually agreed to be with me? To stay in this hospital that she used to work at... just to be with me.
Kahit may parte sa akin na natuwa dahil sa narinig ay isinawalang bahala ko muna ito at saka tinanong kay Doctor Miranda ang bagay na bumabagabag sa akin.

"And Reverie? How is her condition? Bakit hindi siya... nagigising?" mahina kong tanong at saka napatingin kay Reverie na nakahiga sa kaliwang bahagi ng kwartong ito.
Doctor Miranda breathed deeply and uttered,

"Reverie is getting weaker every day, Finn. And she is... weaker than you."

Halos putulin ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Napakuyom ako ng kamao ko, napakagat ng labi, at saka yumuko.

"And she... is close to dying, Finn."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top