DAY 1 , WEEK 4

After everything that happened on the resort the other day, parang nag-iba ang ihip ng hangin. Coincidentally, hindi na rin nagparamdam si Eloise simula noong araw na iyon. Hindi ko alam kung dahil sa nangyari sa amin kaya hindi siya nagpakita ulit, o dahil nabalitaan niya ang nangyari kay ate Sisa.

Pagkatapos ko ring umamin kay Reverie, katulad pa rin ng dati ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Walang may nagbago, pero ramdam kong mas may laman ang pagsasama naming nagmula nang nag-confess ako sa kaniya.

“What are you watching, Reverie?” tanong ko sa kaniya nang nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nakatingin sa tv.

“Yung teleseryeng sinasabi ko sayo noong nakaraan. Yung babaeng nagloko sa asawa niya,” sabi ni Reverie habang ang mata’y nasa tv pa rin.

Nadiskubre kong mahilig manood si Reverie ng mga teleserye, lalo na ng mga teleserye na kung saan may cheating na nangyayari sa mag-asawa’t may paghihiganti na nagaganap.

“Ang saya kaya manood ng mga ganito. Satisfying makita yung pag-revenge ng main lead sa taong nanloko sa kanila,” sabi niya sa akin noong tinanong ko sa kaniya kung bakit mahilig siyang manood ng mga ganiyang bahay.

Napangiti naman ako ng nakita sa mga mata niya nan aga-anticipate sa susunod na mangyayari.
Tumabi ako sa kaniya at sinabayan siya sa panonood. Nasa part na pala siya na kung saan kinompranta na ng totoong asawa ang kabit ng asawa niya.
Halos nawili na rin ako sa pannonood ng bigla namatay ‘yong tv.

“Hala! Ano ba ‘yan,” nadidismayang sabi ni Reverie. Napansin ko ring namatay yung electric fan namin.

“Kung saan nasa exciting part na, doon pa nag-brownout,” sabi niya pa at saka napailing na lamang.

“Oon ga eh, kahit ako nawili na sa panonood. Mamaya, magiging katulad na ako sayo na mahilig sa mga ganitong palabas,” biro ko sa kaniya na tinaasan niya naman ng kilay.

“Mabuti nga ‘yan para may kasama na ako palagi sa panonood,” sagot niya sa akin at saka pinaypayan ang sarili niya gamit ang kaniyang mga kamay.

Brownout pa ngayon kaya walang electric fan, at alas dos pa ng hapon kaya sobrang init ng panahon ngayon.
Halata sa mukha niya na naiinitan siya, kaya kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at saka binuklad sa pagkakatupi, at saka pinaypay iyon sa kaniya. Nang naramdaman niya ang kaunting hangin na dumampi sa kaniya ay nagtataka naman siyang napatingin sa akin.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya.

“Pinapaypayan ka,” sagot ko sa kaniya at saka mas tinodo ang pagpaypay sa kaniya para lumakas ang hangin.

“Eh, ikaw? Hindi ka ba naiinitan?” Napangiti naman ako sa tanong niya.

“Naiinitan din, but you’re my priority,” I answered. Napatigil naman siya sa pagpaypay sa sarili niya at saka ilang segundong napatingin sa akin.

Hindi ko alam, pero may nararamdaman akong kakaiba sa kaniyang mga tingin, pero hindi ko ma-explain kung ano iyon.

“Okay na, hindi na ako naiinitan,” mahina niyang sabi at saka ngumiti sa akin.

“Talaga?” pagsisigurado ko. Tumango naman siya at saka nagsalita,

“Oo. I feel better now. Thank you, Finn,” sagot niya at saka muling ngumiti. Kaya, unti-unti ko namang binaba ang panyo ko at saka pinunasan ang pawis na dumaloy sa aking mukha.

“Anything for you, Reverie.”
Everything was going well, walang nagbago sa amin. Not until, Reverie left the beach without telling me and hasn’t returned for a day.

“This hasn’t happened before,” mahina kong usal at ilang beses nagpabalik-balik sa paglalakad. Isang araw na siyang hindi bumalik dito. Paano kung may nangyari sa kaniya kaya hindi siya nakakabalik?
Dahil dito, nilibot ko ang buong isla para hanapin si Reverie.

“Hindi po talaga siya pumunta rito, Aling Sisa?” tanong ko sa kaniya, pero malungkot naman siyang napailing.

“Hindi, hijo. Pasensya na,” malungkot na sabi ni Aling Sisa at saka umalis. Kaya nagpatuloy ulit ako sa paghahanap sa kaniya.

Nang umalis ako ay nakita ko si Shasha mula sa malayo, at nakita niya rin ako at saka napatakbo sa kinatatayuan ko.

“Kuya! Bakit mo hinahanap si ate Riri? Nawawala po ba siya?” nag-aalalang sabi ni Shasha at tila’y parang iiyak na. Umupo naman ako para maging maging pantay kami.

Ginulo ko ang buhok niya at saka nagsalita, “Hindi. Naglalaro lang kami ni ate Riri ng tagu-taguan.” Unti-unti namang umayos yung mukha niya ng narinig niya ang sinabi ko.

“Talaga po?”

Tumango ako,
“Oo, kaya huwag ka nang mag-alala ah?” malumanay kong sabi. Tumango naman siya at saka niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

I’m sorry for lying, Shasha.
Hindi ko alam kung nasaan si ate Riri mo, pero gagawin ko ang lahat para makita siya.
Madilim na ang paligid, at mukhang uulan pa dahil sa kulay ng ulap sa langit. Gabi na, pero hindi ko pa rin nakita si Reverie.

“Reverie, saan ka ba pumunta?” mahina kong usal at saka napaupo sa sahig. Buong araw ko na siyang hinanap pero hindi ko pa rin siya makita. Tila’y bigla na lang siya naglaho ng parang bula.

Sabi mo, hindi mo na ako biglang iiwan sa ere. Pero, nasaan ka ngayon?
Tuluyan mo na ba akong iniwan ulit?
Ramdam ko ang pagkirot ng aking puso sa naisip. Ginulo ko ang buhok ko at saka malalim na bumuntong hininga.

“Finn, tama na, tama na,” usal ko sa aking sarili. Hindi ako iniwan ni Reverie. Nangako siyang hindi niya na ako iiwan ulit. Nangako siya.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ako gumalaw mula sa kinauupuan ko kahit na basang basa na ako sa ulan. At kasabay ng pagbuhos ng ulan, ay ang unti unting pagtulo ng mga luha ko.

“Finn? Finn!” rinig kong pagtawag sa akin habang niyuyugyog ang katawan ko. Unti-unti ko namang minuklat ang mga mata ko, pero sumakit ang mata ko sa sikat ng araw. My vision was still blurry, but I can see a woman’s figure that’s trying to wake me up.

“R-reverie?” mahina kong usal.

“Finn! Jusko, salamat sa Diyos at gising ka na!” When my vision was already clear, hindi si Reverie ang bumungad sa akin kung ‘di si Auntie Ysa.

“Anong… nangyari?” mahina kong tanong at saka unti unting bumangon mula sa pagkakahiga.

“May bibilhin lang sana ako pero nakita kitang nakahiga rito. Dito ka ba natulog buong magdamag? Jusko, umulan pa kagabi!” nag-aalalang sambit ni Auntie Ysa sa akin.

Nakatulog pala ako rito kagabi habang umuulan. Hindi ko namalayan.
Eh, si Reverie?

Sinubukan kong tumayo pero muli lang akong napaupo sa sahig. May mga buhangin pang nakatapik sa katawan ko. Kinapkap naman ni Auntie Ysa ang noo ko at halos nanlaki ang mata niya.

“Huwag mong pilitin na tumayo, hijo, at inaapoy ka pa sa lagnat! Sandali, tatawag ako ng makakaalay sayo,” nagmamadaling sambit ni Auntie Ysa at saka umalis.

Hindi ako makapaniwala na dito pa ako natulog buong magdamag at nilagnat pa ako. Hindi dapat ako lalagnatin dahil hahanapin ko pa si Reverie.
Baka ano nang nangyari sa kaniya.

“Iyon siya, Ron! Hindi ko alam kung anong nangyari at nagulat na lang ako nang nakita ko siyang nakahiga roon,” rinig kong usal ni Auntie Ysa mula sa malayo. Napatingin naman ako mula sa kinaroroonan niya at nakitang kasama niya si Mang Ron.

“Finn!” tawag ni Mang Ron sa akin at saka nilapitan na ako ng tuluyan.

“Mang Ron,” mahina kong usal sa kaniya. “Kumapit ka sa akin,” sabi niya at saka umupo sa sahig. Kumapit naman ako sa kaniya at saka dali-dali nila akong dinala sa clinic ng islang ito.

“Maraming salamat po, Auntie Ysa, Mang Ron,” pasasalamat ko sa kanila pagkatapos umalis noong nurse na nag-check sa akin.

“Nako kang bata ka! Ginulat mo ako kanina. Ano bang nangyari at doon ka na napadpad?” nag-aalalang sabi ni Auntie Ysa.

“May nangyari ba, hijo? Kahit ako nagulat noong sinabi ni Ysa na nakita ka niyang nakahiga sa sahig. At si Reverie, nasaan?” tanong din ni Mang Ron sa akin, pero kumirot ang puso ko nang narinig ko ang pagsambit niya sa pangalan ni Reverie.

“Hindi ko po makita si Reverie,” mahina kong usal sa kanila. Naguguluhan naman silang napatingin sa akin.

“Anong ibig mong sabihin, hijo?”
tanong ni Mang Ron.

“Bigla na lang po siyang nawala na parang bula. Kaya, hinanap ko po siya at sa kalagitnaan ng paghahanap…” hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil alam kong kuha na nila kung anong nangyari pagkatapos.

Pagkatapos noon ay nangako si Auntie Ysa at Mang Ron na tutulungan nila akong maghanap kay Reverie, basta magpahinga na raw muna ako ng ilang araw para mawala na ang lagnat ko.

Dahil doon, nanatili ako sa bahay namin ni Reverie ng ilang araw. Nagpapasalamat ako sa kanila at tinulungan pa nila ako sa paghahanap kay Reverie.
Halos araw-araw pumupunta sina Mang Ron at Auntie Ysa sa bahay para ipaalam sa akin na hindi pa nila nakikita si Reverie, na ikinalulungkot ko naman.

Lumipas ang dalawang araw, tatlong araw, hanggang sa isang linggo na simula nang nawala si Reverie. Isang linggo na ang lumipas, pero hindi pa rin siya nakikita.
Baka, may nangyari nga sa kaniya.

“Sigurado kang kaya mo nang maghanap sa kaniya, Finn?” nag-aalalang tanong ni Auntie Ysa sa akin. Tumango naman ako.

“Opo, Auntie Ysa. Kaya ko na po, magaling na rin naman ako,” sabi ko sa kaniya para mapanatag ang loob niya.

“Oh siya, sige. Iiwan ko na lang yung ulam mo rito sa lamesa ha. Mauuna na ako,” sabi ni Auntie Ysa at saka nilapag ang tray sa mesa.

“Sige po, maraming salamat po talaga,” sinsero kong sabi sa kaniya na sinuklian niya naman ng ngiti. Pagkatapos noon ay umalis na siya.

Sabi ni Mang Ron sa akin, sa mga napagtanungan niya raw na mga kaibigan nila, madalas raw na nakikita nilang bumibiyahe si Reverie papuntang city, kaya doon ko siya susubukang hanapin.

“Sigurado kang kaya mong bumiyahe mag-isa?” tanong ni Mang Ron sa akin. Ilang beses na niyang sinabi na pwede niya akong samahan pero palagi kong tinatanggihan dahil alam kong may iba pa siyang ginagawa.

“Opo, Mang Ron. Kaya ko, kaya huwag na po kayong mag-alala,” malumanay kong sabi sa kaniya at saka ngumiti.

“Sige, hijo. Basta mag-ingat ka,” sabi ni Mang Ron sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.

Pagkatapos noon ay bumiyahe na ako papuntang city. May mga iilang trabahador din akong pinagtanungan. And surprisingly, kilala nila si Reverie. Halos sa lahat ng pinagtanungan ko’y nagsasabi sila na halos walang buwan raw na hindi bumibiyahe si Reverie papuntang city. And the place where she usually goes to? Sa hospital.

“Nagta-trabaho po ba siya roon sa hospital?” tanong ko kay kuya nang hindi ko na napigilan ang kuryosidad ko.

“Hindi, hijo. Pero, madalas siyang pumupunta roon,” sagot niya naman sa akin. Pagkatapos noon ay nagpasalamat ako.
Nang nakarating na ako sa city ay tuluyan ko nang tinahak ang daan papunta sa hospital na sinasabi nila. Pagkarating ko sa hospital na sinasabi nila ay kita kong maraming pasyente at nurse ang naroon. Katulad lang sa ibang hospital na napuntahan ko.

Dahil sa mga nasaksihan ko ay muli kong naalala ang mga pinagdaanan ko nang nasa hospital pa lamang ako. Ang paghihirap ko, at ang pagkilala ko kay Reverie bilang nurse ko na pumalit kay Nurse Ali. Hilaw akong napangiti dahil sa mga alaalang pumapasok sa utak ko.

Balang araw, babalik na rin ako sa hospital at muli akong maghihirap.
Pumunta na ako sa reception, at napansin naman ako kaagad ng nurse.

“Good day, sir. How may I help you?”
Magtatanong na sana ako sa reception tungkol kay Reverie nang may nakita akong anino. Mabilis ko namang tiningnan iyon at nakita ko si Reverie na naglalakad palabas ng hospital.

“Sir?” pagtawag sa akin ng nurse.

“Ah, okay na pala, miss. Thank you,” nagmamadali kong sabi at hinabol si Reverie.

Mabilis ang paglalakad niya kaya binilisan ko rin ang paglalakad ko. Akmang tatawagin ko n asana siya ng bigla siyang napaupo sa upuan na malapit sa hospital, kaya bigla rin akong tumigil sa paglalakad.

Hindi ko alam kung niloloko lang ako ng mga mata ko, pero parang hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko ngayon.

Umiiyak si Reverie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top