Kabanata 9
Kabanata 9
Agad agad naman akong dinala ni Ram sa bahay niya. Walang tao kundi kaming dalawa lang. Sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin dahil medyo nag-iba ang pumasok sa utak ko kaya hindi ako pumasok sa loob ng bahay niya at sa labas lang nakatayo at masama ang tingin sa kanya.
"Ram, alam ko nang iniisip mo." Babala ko pa sa kanya.
Natawa-tawa naman siya sa sinabi ko, "baliw ka talaga! Saglit lang, kukuhaan lang kita ng makakain." Aniya. Wala naman akong sagot kundi tiningnan ko na lang siya maglakad papunta doon sa kusina nila. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid ng bahay niya at kusa na rin akong pumasok. Naupo naman ako sa sofa na nakaharap ang tv. Mayamaya lang din naman ay bumalik na si Ram na may dala-dalang isang baso ng juice at tinapay sa pinggan.
"Nag-abala ka pa talaga!" sabi ko sa kanya nang malapag niya sa lamesa sa harapan ang meriena na binigay niya sa akin.
"Sus! Wala 'yon, matatagalan kasi ako, diba?"
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "Teka ano ba kasi gagawin mo?"
"Basta! Maghintay ka lang diyan!"
Napangiwi naman ako sa kanya. At saka siya umalis at nagtatakbo na pumasok sa kwarto doon. Mag-isa naman ako dito sa sala nila at walang magawa kaya kinuha ko na lang 'yong inihinain niyang juice at tinapay sa akin. Ilang minuto na rin naman ang nagtagal pero ang tagal tagal na ni Ram sa loob ng kwarto.
Tumayo naman ako at lumapit sa pinto ng kwartong pinasukan ni Ram. Nilapat ko naman ang tenga ko at pinakinggang mabuti ang nasa loob pero tahimik lang at parang walang tao.
Kumatok na ako, "Ram! Nandiyan ka ba? Kasi nandito ako, naghihintay? Natulog ka ba o-"
Natigil lamang ako ng sumabat siya, "Oo nandito pa ako! Saglit na lang! Five minutes!"
I rolled my eyes to him kaya bumalik na lang ako sa kinauupuan ko kanina. Naubos ko na lahat lahat no'ng binigay niya sa akin ang tagal niyang lumabas. Kung ano man 'yong pinaghahandaan niya tiyakin niya lang na matutuwa ako doon dahil kung hindi, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Kainis.
Limang minuto na ang lumipas at nainip na ako.
"Uuwi na ako, Ram!" sigaw ko dito.
"Saglit lang!" aniya.
Gaya nang sabi niya, hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Dahil wala naman akong magawa ay dinala ko na lang sa kusina 'tong baso na ininuman ko at pinggan at pagbalik ko ng sala ay nahinto ako ng may taong nakatayo na nakatalikod sa akin. Ang weird dahil ang colorful nang suot niya, na naka-jogging pants pa. Mas naging weird din dahil kulay red ang buhok nito.
At sa huli nang ma-realize ko.
Mcdo!
Agad agad akong napasigaw at dahil doon ay naagaw ko ang atensyon niya at nagtama ang mga mata namin. Agad niya akong nialapitan pero tumakbo ako palayo sa kanya at lumabas ng mabilis ng bahay na 'yon. Nasaan ka ba Ram! May halimaw sa bahay mo, hindi mo naman sinabi.
"Ruth!" at ang nakakabigla pa ay tinawag nito ang pangalan ko.
"'Wag! Mamamatay lang din ako kaya wag mo na akong kainin. Mahawa ka lang ng cancer ko, please! Wag!" sabi ko dito.
Pero tinawanan lang ako nito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid pero napaluhod na lang ako at napayakap sa binti ko nang mapansin kong palapit na sa akin ang clown na 'yon. Ang weird niya kasi! Hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak ko dahil sa hindi ko talaga kayang labanan ang takot ko. Iyak lang ako ng iyak hanggat sa maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko habang binabanggit ang pangalan ko pero pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kamay niya.
"Please! Leave me alone!" ngarag na ang boses ko.
"Ano ka ba, Ruth." Saka tumawa ito. "Si Ram 'to."
At natigilan naman ako nang pagbanggit niya nang pangalan ni Ram at siya daw ito, tinitigan ko naman ito sa mata dahil ayoko sa mukha.
"Hindi ikaw si Ram!" tulak ko pa dito.
"Nako naman!" At sa huli ng tanggalin niya ang kulay pulang wig niya at doon ko lang talaga nakilala si Ram. "Oh ano? Maniniwala ka na si Ram ako?"
Hindi pa rin ako makapaniwala at makasagot sa kanya.
"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at nagawa mo akong takutin?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Diba sabi mo gusto mong makakita ng clown? Edi binigay ko sayo, diba dapat happy ka?" ngiti pa niya.
Kinurot ko naman siya pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya dahil ang weird talaga ng mukha nito. Akala mo mamamatay tao na ewan.
"Oo, sabi ko gusto kong makakita hindi 'yong papatayin ako sa takot." Singhal ko pa.
Ngisihan naman niya, "I'm sure it was listed on your bucket list na ma-conquer mo yo'ng fear mo sa clowns, so give it a try."
"Tapos na diba?" pagtataray ko sa kanya.
Pero mayamaya ay hinawakan niya ang kamay ko at hinarap sa kanya pero nakayuko lang ako at ayoko siyang makita pero dahan dahan niya ring inangat ang ulo gayong ipinikit ko naman ang mata ko.
"Ruth, open your eyes." Aniya.
"No." tipid kong sagot sa kanya.
"Sige na, isang beses lang."
"No."
"Sige ka, kapag hindi ka dumilat mapapaginipan mo ang-"
"Oo na!" sigaw ko sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Kahit na takot na takot ako ay nagawa ko na siyang tingnan sa mukha niya at agad akong umiwas, "Okay na? Burahin mo 'yang make up sa mukha mo. Ang pangit mo." Asar ko pa.
"Atleast you conquer it." Aniya at tumuloy na siya papasok sa loob ng bahay.
Napaupo naman ako sa gather sa gilid ng kalsada. At natulala na lang bigla. Kung hindi ko minulat ang mata ko, siguro hindi ko magagawang labanan ang takot ko kahit anong gawin ko hindi ko tititigan 'yon pero nagawa ko.
Nagawa kong harapin ang bagay na kinatatakutan ko.
Ang mamatay lang ang hindi.
"So, tayo ka na diyan." Narinig ko naman si Ram at tumingala naman ako ng makita ko siyang wala nang make-up at wig sa kanya. He offered his hands naman at kinuha ko naman 'yon at pinagpagan ang puwitan ko. "Saan naman tayo?"
"Saan?" ulit ko.
Wala akong alam kung saan naman kami pupunta ngayon. Saan nga ba?
"Ay oo!" naalala ko bigla. "Samahan mo na lang ako sa school supplies."
"Libro na naman?" taas kilay niyang sabi sa akin.
Inilingan ko naman siya, "Hindi ah. Bibili ako ng yarn."
"Yarn? Para saan naman 'yon? Magbibigti ka?"
Binatukan ko naman siya, "Baliw! Basta samahan mo lang ako."
At tumungo naman kaming dalawa ni Ram sa malapit na isang school supplies shop at dali dali naman akong bumili ng yarn. Color Red, Blue at Pink.
"Kailangan talaga color coded?" tanong ni Ram.
"Oo, basta malalaman mo rin sa susunod na araw."
"At sa susunod na araw na 'yon, nandito ka pa diba?" aniya. Bakas sa boses niya 'yong lungkot.
Dahan dahan naman akong tumango sa kanya, "I still have 14 days, Ram..."
At wala naman siyang sinagot sa akin kundi umuwi na lang din naman ako at hinatid niya ako. Bukas magkikita muli kami para gawin ko ulit ang isa kong bucket list. Nang makarating ako sa bahay ay kinuha ko naman kaagad ang notebook ko at chinekan ko naman kaagad ang number four ko sa bucket list ko.
☑ 4. Conquer your biggest fear.
I was so happy na dalawa na kaagad ang na-accomplished ko sa listahan ko. Actually, apat na dapat pero hindi ko pa nakikita ang sunset at hindi ko pa nado-donate ang buhok ko so ibigsabihin hindi ko pa naaa-accomplished ang mga 'yon so steady lang sila. May right time naman para do'n.
Tinanggal ko na ang wig ko sa ulo ko at humiga na sa kama ko.
Ang refreshing ng pakiramdam sa ulo ko dahil malamig pero ang skait isipin na hindi na muli tutubo ang buhok ko sa ulo ko.
"Ruth!" napabangon naman ako bigla sa pagsigaw ni mama sa baba. "Bumaba ka na diyan ngayon!"
Napatayo naman ako bigla at tumuloy sa pinto pero pagkabukas ko noon ay biglang bumungad sa akin ang kuya ko. Hindi pa ako una na makapaniwala na nandito na siya ngayon. Agad ko siyang niyakap.
"Umabot ka kuya..." sabi ko na lamang.
"Umabot saan?" tanong nito sa akin.
Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanya, "Umabot ka pang nandito ako."
"Naman! Syempre, kailangan natin i-celebrate ang birthday mo. Diba?" ngiti pa ni kuya.
"Pero kuya! Nandito ka na talaga!"
Nagtawanan naman kaming dalawa bigla. "Oo nga pala, may ipapakilala ako sa'yo."
"Sino 'yon kuya?"
"Tara sa baba..." tawa pa nito. Kaya napakunot noo naman ako sa kanya.
Tumango naman ako kay kuya at sabay naman kaming bumaba at tumungo sa sala. Unang nakaagaw ng atensyon ko ang babaeng nakaupo sa sofa na nakatikod mula sa direksyon ko. Mahaba ang buhok nito at nang humarap ito ay napangiti kaagad ako sa kanya.
At naalala ko pala na wala akong suot na wig.
"Hello, ikaw ba si Ruth?" aniya. Ang smooth ng boses niya.
Nagtago naman ako sa likod ni kuya at doon sumagot sa tanong niya, "opo hehehe..."
"Bakit ka nagtatago?"
"Kasi wala akong buhok." Simple kong sagot sa kanya.
Naramdaman ko naman ang katahimikan sa paligid. "Alam mo, okay lang naman sa akin. You're still pretty without your hair. Kaya lumabas ka na diyan sa likod ng kuya mo." At gaya ng sabi niya ay dahan dahan naman akong lumabas sa likod ng kuya ko.
Napangiwi naman ako. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at nahiya naman ako bigla. Kaya siguro ako pinagtatawanan ni kuya dahil sa nakalimutan ko ang suot kong wig. Kainis!
"So, sino po pala kayo?"
She giggles before she answer me, at tumayo siya at lumapit sa akin. "Issabela. Girlfriend ng kuya mo."
Napatingin naman ako bigla kay kuya at tinanguan niya ako, "Yep! Siya ang ipapakila ko sayo Ruth, my girlfriend. Issabela."
Agad ko namang tiningnan si Ate Issabela at ang ganda lang din ng ngiti niya. Hindi ko alam pero agad ko din siyang niyakap. Mahigpit at hindi ko alam, na naiyak na lang din ako bigla. Hinimas himas naman niya ang likod ko upang mapatahan ako.
"Huy, 'wag kang umiyak..." sabi ni kuya sa akin.
Umalis naman ako ng pagkakayakap kay Ate Issabela, "Mabuti po at nakilala kita bago ako mawala. Take care of kuya ate ha?"
"Wait, baliktad ata Ruth. Ako dapat magtake care sa kanya diba?" tawa pa ni kuya at sinabayan din ni Issabela.
"Ay nako, alam niyo, mamaya na 'yang kadramahan niyo at pati ako naiiyak na. Hapunan na muna tayo." Sabi ni mama na sinundan naman ni papa patungo sa kusina.
Nilapitan naman ni kuya si Ate Issabela at naiwan na naman ako.
Oh diba, parang feeling ko wala na talaga ako sa kanila. Pero syempre, ayon sinundan ko na lang sila sa kusina at alam kong minsan na lang din 'to sa buhay ko. Ang makumpleto at makitang masaya ang pamilya ko.
At nang makaupo ako sa silya ay para akong nahilo.
"Ruth, kailangan mo ba ng tubig?" alok sa akin ni Ate Issabela.
Umiling ako, "hindi okay lang."
Pero pakiramdam ko bibigay ako. Huminga ako nang malalim at nang tiningnan ko naman silang lahat sa harapan ko na nakatingin sa akin na pero umiikot talaga ang ulo ko hanggat sa naramdaman ko na lang na sinalo na lang ako ni Kuya Rocco.
Please... let me have fun for about just days... just days... then I gave up.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top