Kabanata 8
Kabanata 8
Kinakabukasan dahil nga sa nalaman nila mama ang kondisyon ko na pag-uubo ko ng may kasamang dugo ay kailangan ko daw sumailalim sa isang chemotherapy para kahit papaano ay gumaling ako pero ang sabi ng iba, pinapatay lang dawn g chemotheraoy ang white cells nito sa ating katawan pero sige, susubukan ko pa rin dahil gusto ko pang mabuhay. No harms in trying naman, buhay ko naman ang nakataya dito.
So ang pagki-chemo theraphy ko naman ay mangyayari every other day. So okay lang naman 'yon. Habang ginagawa ko ang mga gusto kong gawin hanggat may araw pa ako ay nagpapagaling naman ako.
Kinuha ko naman 'yong notebook ko na naglalaman nang bucket list ko. Nilipat ko kasi doon noong sinulat ko siya sa hospital. At nang sinuri ko ang mag ito, isa pa lang ang naaccomplished at may nine to go pa akong gagawin at kung iisipin ay ang dadali lang ng mga nilagay ko dito dahil mabilis lang naman na dumating ang araw eh kaya nilagay ko 'yong mga bagay na kaya kong gawin in just 16 days and today I only have 14 days left. Nagamit ko na ang two days ko at tatlo na naman agad ang nagawa kong dapat gagawin pero isa pa lang talaga ang na-accomplished ko dahil hindi ko pa nakikita ang sunset at hindi ko pa naido-donate ang wig na suot ko. Kapag malapit na talaga, doon ko na lang siya ibibigay.
Binasa ko muli ang listahan ko at ang pang-apat na nakalagay ay...
4. Conquer your biggest fear.
Ano nga bang kinatatakutan ko? Marami.
Ang mamatay ang ina sa listahan ko niyan pero I have to conquer it dahil doon naman ako mapupunta. Hindi ko lang tanggap na nalalabi na lang talaga ang mga araw ko at tuluyan na akong nilalamon ng sakit ko kahit alam kong kaya pa pero sa loob hindi na pala. Maliban naman sa mamatay syempre ang mga minor kong kinatatakutan kagaya ng multo o kahit anong element diyan, insects gaya ng salagubang, ipis, ahas at kahit ano pa basta reptiles, insects ang mga kinatatakutan ko.
Pero ano nga mga ang biggest fear ko maliban sa mamatay?
Napaisip din ako doon bigla. Hindi naman ako takot sa mga heights di katulad ni Ram na takot pero nalabanan niya 'yon noong sinubukan ko siya sa bunjee jumping at rappelling. Masaya talagang magkaroon ng buddy mo kapag sa mga ganoong bagay at 'yon na rin naman ang huling pagkakataon na magagawa ko 'yon.
Bumalik tayo, ano nga ba?
"Fear of clowns..." bulong ko.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ko at nataranta ako na parang baliw at hindi ko kaagad inisip 'yon. Yes. They are one my fears. Clowns. I don't know pero kais no'ng bata pa ako, kapag umaattend ako ng birthday party sila agad ang unang kong nakikita at 'yong mukha nila. So creepy.
Lalo na kapag nagpupunta kami sa McDo. Minsan ayoko nang pumasok kapag may statwa siya doon.
"Naku! Ruth! 'Wag mo nang isipin 'yon!" sigaw ko.
Nabigla na lang din ako ng may biglang pumasok sa kwarto ko at si mama na nagmamadaling pumasok sa kwarto ko na nakatuwalya lamang ang saplot sa kanyang katawan. Natulala naman ako sa kanya saka natawa dahil alam kong galing pa siyang banyo.
"Ano? Ruth, anong nangyari?" nag-aalalang tanong sa akin ni mama. Nilapitan pa ako nito at hinawakan sa leeg at noo ko. "Bakit ka nagsisigaw Ruth? May masakit ba sayo?"
Umiling at ngumiti naman ako kay mama at inalis ang kamay niya sa noo ko at hinawakan ang kamay niya, "Ma, okay lang ako... may naalala lang ako."
"Ano 'yon?"
Nanlaki naman ang mata ko at ayoko ng banggitin pa 'yon muli. "Wala ma... hehehe." Ngiwi ko pa sa kanya.
"Ikaw talagang bat aka, sige na, mag-ayos ka na. Pupunta na tayo sa hospital at maguundergo ka na anng chemo mo, first session 'to kaya pumunta ka." Sabi ni mama sa akin.
Tumango naman ako at sumunod sa sinabi niya.
Lumabas naman muli si mama nang kwarto ko sinara 'yon. Napahiga na lang ulit ako sa kama ko na matawa-tawa. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako sa mga clown na 'yon. Pati kay mcdo, takot na rin ako pero syempre hindi sa foods sa mascot lang talaga na 'yon. Weird and creepy.
Siguro time na rin para kalabanin ko ang takot ko sa kanya.
TAMA! Para ma-accomplished ko na rin ang number four ko sa bucket list ko. Oo tama. Pero paano? Hmm. Tawagan ko na lang si Ram mamaya kasi pupunta pa kami ng hospital para magpachemo ako at after no'n siguro kami mag-uusap ni Ram tungkol naman doon. At wala pa rin pala siyang idea sa mga sinulat ko sa bucket list ko dahil hindi ko nga pinapakita sa kanya kasi nga para sa akin lang 'yon, ipapakita ko lang sa kanya 'yon kapag natapos ko na lahat.
Kapag wala na ako. Bahala na siya maghanap no'n.
Nag-ayos na rin naman ako ng sarili ko. Sinuot ko na rin ang wig ko sa ulo ko at tumapat ako sa salamin. Maganda ka naman talaga Ruth kapag walang buhok o meron. Siguro natatangi lang din. Oh diba, self support. Pero diba sabi nga nila, kahit anong mangyari kahit anong baguhin mo sa sarili mo mananatili pa rin sayo 'yong nag-iisang ikaw dahil wala ka namang binago sa katauhan ko, physical outlook lang ang binago mo.
Kaya iniisip ko na, hindi ako matatakot na ipakita sa kanila na kalbo ako. Kasi may cancer ako. Hindi. Mas magiging masaya ko kung sila rin ay matututong tanggapin sa buhay nila na dadaan talaga tayo sa puntong maghihirap tayo at nag-aalinlangan sa buhay pero nandoon talaga 'yon, you have to accept it. No matter what happen, it will.
Nang matapos naman akong ayusin ang sarili at lumabas na rin ako ng kwarto na dala dala ko ang paborito kong libro. At nadatnan ko na naman si mama at papa na hinihintay na lang din pala ako.
"Ready na?" tanong ni papa.
Tumango naman ako.
At saka tumungo doon sa kotse namin. Sa likod lang ako naupo at dalawa silang naharapan syempre. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng chemo therapy na 'yon. Mas lalo ba akong hihina o lalakas kapag natapos ang sessions ko no'n? Wala akong idea at umaasa pa rin ako na gagaling ako at mabubura ang 16 days na nilaan sa akin.
Isang oras ng biyahe ng makarating kami sa hospital. Parang ayokong pumasok sa loob. Parang kusang umaatras ang mga paa ko na ayaw ko anng bumalik diyan kasi anytime na lumala ang sakit ko diyan din ang kakahantungan ko.
"Tara na..." sabi ni mama habang hawak hawak ako sa likuran ko at lumakad naman kami papasok sa loob ng hospital. Kinakabahan ako na ewan, di ko lang talaga feel na papasok ulit ako dito at ngayon na maguundergo ako ng chemo theraphy ko.
At nang makarating naman kami sa isang room ay sinalubong ko ng isang doctor na siyang magiging doctor ko for this chemo session.
"Naka wig ka na?" tanong sa akin ng doctor.
Tumango naman ako, "opo, nagpakalbo po ako kahapon. Gusto ko po kasing i-donate 'tong buhok ko kapag malapit na akong mawala."
Tinanguan din naman ako ng doctor, "di bale, magtiwala ka lang sa sarili mo... gagaling ka."
Gagaling ako? Sana.
Nasa stage 2 cancer na ako pero kung ngayon na naaagapan pa siya, sana may chance na gumaling nga ako.
"Sige na, simulan na natin."
Bago ako umupo doon ay napahugot pa ako ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Alam ko naman na may side effects 'tong chemo therapy kaya natatakot din ako pero kung ito ang way para mapigilan ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ko, edi gagawin ko para lang mabuhay ng matagal.
"Timbang ka muna..." sabi ng doctor sa akin. "Pagkatapos ay kukuhan ka namin ng dugo para malaman namin kung hanggang saan tatalab ang chemo sayo."
Hindi naman ako sumagot kundi tumimbang ako sa timbangan, "45 po." Sabi ko.
Sana naman normal pa 'yong weight ko, pati rin height ko ay sinukat. 5'2 lang naman ako kaya ito hindi talaga magagamot. At pagkatapos ay umupo muli ako at hinintay ko na lang na kuhaan nila ako ng dugo.
Ilang saglit lang ay kinuhaan na ako ng dugo. Kainis lang! Ang sakit pero okay lang. Kaya ko namang tiisin eh kahit nasasaktan na ako. At ang sunod na ginawa sa akin ay pinasok ako sa isang CT Scan para daw makita kung may tumor or gano'n daw na namumuo sa katawan ko.
Nang matapos ay pinaupo na ako sa isang reclining chair at lumapit sa akin ang doctor, "Ito na ang first session mo... hindi 'to masakit kaya easy ka lang." aniya.
Gaya ng sabi niya ay parang kagat lang ng langgam ang nangyari sa akin pero masakit sa akin. Para na akong nakadextrose ngayon dahil nga sa gamot na pumapasok ngayon sa katawan.
"Two hours, babalik ako." Sabi ng doctor at lumabas na siya ng pinto.
Napabuntong hininga naman ako. So every other day mangyayari sa akin ang session na 'to, paulit-ulit na mangyayari sa akin 'to pero parang ayoko siyang ituloy kasi parang mas lalamunin ang ng chemo eh kaysa ng cancer. Hindi ko alam pero gusto ko lang talaga mas tumagal pa ang araw ko.
Magdedebut pa ako, please lang!
-Sixteen-
Natapos ang dalawang oras at nakatulog din pala ako sa oras na 'yon at nagising lang ako nang maramdaman kong tinatanggal na sa akin ng doctor ang karayom sa kamay ko. Nakahinga na naman ako ng maluwag at kailangan ko nang gawin ang isa ko pang listahan sa bucket list ko.
"Ma, pa, dalhin niyo ako sa milk shake store ha, magkikita po kami doon ni Ram."
"Hindi ba mas okay na sa bahay ka na lang muna?"
Umiling ako, "Remember right?" ngisi ko pa.
"Oo na, sige na... tara na." sabi ni papa.
Pagkatapos ay umalis na rin naman kami ng hospital at pinuntahan 'yong store na pagkikitaan namin ni Ram at nang makarating naman kami doon ay wala pa si Ram.
"Ma, iwan niyo na lang po ako. Hihintayin ko na lang po dito si Ram." Sabi ko pa.
"Ay! Hindi! Hihintayin din namin si Ram na dumating." Napaikot ako ng mata sa sinabi ni mama. "Bakit di mo kaya tawagan ulit?" dagdag pa niya.
"Eh ayan na pala oh!" sabi ni papa. Napatingin naman kaming dalawa ni mama sa direksyon na tinitingnan ni papa at nakita nga namin doon si Ram na humahangos sa kanyang pagtakbo na kumakaway kaway pa sa amin. Bineletan ko naman siya at ilang saglit lang ay nakalapit na siya sa min, agad niyang kinuha 'yong upuan sa tabi ng mesa namin at doon naupo.
"Kapagod." Aniya na hingal na hingal.
"Oh, nandiyan na si Ram. Uuwi na kami." Sabi ni Papa. "Ram, alam mo na ha!" tinanguan naman siya ni Ram at sumakay na silang dalawa sa kotse at umalis na ring dalawa.
"Ang tagal mo." Sabi ko.
"Sorry naman..."
"So tara na!"
"Saan na naman ba tayo?" tanong niya.
Napatigil naman ako doo nag napaisip, "Saan nga ba?"
"Eh ikaw? Ano bang gagawin mo?" tanong niya sa akin.
Kahit na ayaw na ayaw kong banggitin 'yon, kailangan ko dahil gusto ko siyang maacomplished eh. "Gusto ko makakita ng clown."
"WTF!" sabi niya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at halatang nagulat. "Seryoso?"
Ngitian ko siya habang tumatango, "Mukha ba akong nanloloko? Syempre oo!" sabi ko pa.
Pero siya halakhak niya lang ang naririnig ko kaya nang batukan ko ay natigil siya bigla.
"Alam ko kung saan." Aniya saka niya ako hinatak sa kung saan.
"Saan?" tanong ko.
"Basta... tiyak na magugustuhan mo 'to." Ngisi pa ni Ram.
Nako, Ram! Mamamatay na nga lang ako nakuha mo pang manakot! Juice colored! Ano na naman ang nasa isip ng mokong na 'to? Iligtas niyo po siya! Kaiyak. Humanda ka Ram kapag ako nawala bigla. Kaasar! Naisip no'n!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top