Kabanata 7
Kabanata 7
Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao sa labas ng bahay namin at mga kapitbahay lang naman pala namin 'yon na mga madadaldal talaga. Bumangon naman ako sa kama ko pero kaagad ko namang napansin dito ay ang ilang hibla ng buhok sa unan ko maging sa kamay ko ay meron din. Agad naman akong tumayo at pinagpagan ang kama ko na napapaligiran ng hibla ng buhok, hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon. At nang hawiin ko naman ang buhok ko ay nagulat na lamang ako ng may sumamang buhok sa kamay ko.
Napatulala na lang ako sa nakikita ko. Kusa akong pumunta sa harapan ng salamin at inayos ang buhok ko at sinuklay ng dahan dahan at nang medyo maayos naman ay may mga hibla talaga ng buhok na sumasama sa suklay.
Napabuntong hininga na lang ako.
Napaupo ako sa kama ko at hindi ko alam kung maaiyak ba ako o kung anong mararamdaman ko. Nagsisimula nang maglagas ang buhok ko. Ito na ang ibang senyales na lalala na ang sakit ko. Nakakailang buntong hininga na ako.
Nakakailang din tuloy na galawin ang buhok ko dahil baka mamaya kapag hinawakan ko lang ay maubos lahat. Tuluyan na akong magiging kalbo nito. Naiisip ko pa lang na magiging kalbo ako, hindi ko ma-imagine dahil ang nakikita ko talaga sa sarili ko ang Ruth Avila na may buhok. Ika nga, ito ang crowning glory sa aming mga babae pero nagsisimula na siyang malagas sa akin.
Dumiretsyo naman ako sa sala at nakipagsabayan naman ako kila mama at papa sa aming almusal.
"Ruth, nagsuklay ka ba? Ang gulo ng buhok ko." matawa-tawa pang sabi ni mama sa akin.
"Oo nga 'nak, mukha ka tuloy bruhilda diyan." Tawa pa nila sa akin.
Napapangiwi na lang ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung tatawa rin ba ako dahil sa magulo ang buhok na inayos ko naman pero dahil natatakot akong ipadulas ang suklay medyo hindi nga maayos ito. Nang mapansin nilang hindi naman akong ngumingimiti ay hinawakan ni papa ang kamay ko.
"Ruth, malapit nang umuwi ang kuya mo! Makakasama mo siya sa debut mo?"
Parang may liwanag na bumulaga sa akin sa sinabi ni papa, "Talaga po?"
"Oo, at excited na rin ang kuya mo na makita ka." Sabi pa ni mama.
Pero nawalan na naman ako nang gana at napabagsak na lang ang balikat ko. "Aabot pa kaya si kuya? Kasi ngayon pa lang, nagsisimula na lang..." nahinto ako nang maubo ako bigla. "malagas ang mga buhok ko."
"Ano 'yon, Ruth?" pagpapaulit pa ni mama.
"Ma, nalalagas na nang unti-unti ang buhok ko." at humawi naman ako sa buhok ko at doon pa lang ay may nasama na kaagad na hibla at pinakita ko naman sa kanila. "'Yan ma, naglalagas na talaga siya."
Kahit silang dalawa ay natahimik sa binalita ko. Masaya na sana eh. Kasi uuwi na si kuya pero kung patuloy na lumalala ang sakit ko, ang mga saying ginagawa ko ngayon papalitan ng sakit at kasadlakan sa buhay ko. Pero kahit anong mangyari, kailangan ko pa ring maging matatag eh, hindi ako pwedeng sumuko na ako.
Mahal ko ang buhay ko.
"Ruth, anong gusto mong gawin?"
Sa sinabi ni papa ay bigla ko na namang naalala ang sinulat ko sa bucket list ko. Para naman akong nabuhayan dahil sa gagawin ko pero parang nakakamiss din. Parang ayoko pero kailangan.
"Ido-donate ko po ang buhok ko." ngiti ko pa.
"Paano?" tanong ni mama.
"Magpapakalbo po ako tapos ibibigay ko po 'yong buhok ko sa survivors ng cancers. Alam kong 'yon lang din ang best way para makatulong." Tugon ko.
"Hindi ko alam kung anak ba talaga kita, Ruth. Tama ang desisyon mo." Sabi ni papa. "Sige na, kumain ka na muna."
"Opo pa, magpapasama na lang ulit ako kay Ram mamaya."
Natapos naman kaming kumain at tumungo naman ako sa kwarto ko at binasa ko ulit ako number three ko sa bucket list ko.
3. Donate my hair to some cancer survivors.
Muli ko naman sinuri ang sarili ko sa salamin. Maganda ka, Ruth. Kahit saang parte naman may tinatago kang kagandahan. Alam kong hindi pa ngayon ang huli dahil may ilang araw pa naman para igugol ang lahat sa mundong ito pero ngayon, kailangan ko munang magpasaya ng ibang tao sa paraan na kaya ko. Sa paraan na makakatulong at mapapasaya ko sila.
Dahan dahan ko namang hinahawakan ang buhok ko. Magpapaalam ka na sa akin. Hindi na muli tayong magkikita pa. Hindi ka na muling tutubo pa sa akin. Masyadong masakit, ayoko pa sanang gawin 'to pero ito ang nilagay ko sa bucket list ko at willing naman talaga akong gawin.
I wouldn't regret everything just for the sake of helping other people and see them happy for just kind of little things.
Kinuha ko naman 'yong cellphone ko at tinawagan ko si Ram. Alam kong umaga pa pero tanghali na kaya kaya dapat magising na siya dahil gagawin na namin ang number three bucket list ko. Agad naman din itong nagring at may sumagot kaagad.
"Hello..." his husky voice appeared.
"Ram? So, ano? Hindi ka pa babangon diyan?" pagtataray ko.
"Wait—Ruth?"
"As if." Sabi ko pa.
"Bakit ka napatawag?" tanong niya sa akin.
"Sasamahan mo 'ko." nakangiti ko pang sagot kahit hindi naman niya nakikita bakas naman sa boses ko.
"Na naman? Saan?" aniya.
"Sa parlor."
"What?!" at may narinig akong bumagsak sa kabilang linya and I wonder na si Ram siguro 'yon na bumagsak sa kama niya. Buti nga sa kanya. "Seriously?" gulat pa nitong tanong sa akin.
"Yup! At sino 'yong bumagsak? Ikaw? Tanga!" pang-aasar ko pa at ilang saglit naman ay bumalik ako sa pagiging seryoso. "So, sasamahan mo ako ah?"
"Bakit naman? May sakit ka na nga, nakuha mo pang magpaganda."
"Bwisit! Hindi ako magpapaganda!" sigaw ko sa kanya sa kabilang linya. Kaasar! Nakukuha pa akong asarin.
"Eh ano?"
"Magpapakalbo na ako." Nagkaroon naman ng katahimikan sa aming dalawa sa telepono. "So, yeah, 'yon lang sasabihin ko. Punta ka na lang dito sa bahay by 10 ha? See you!"
"Wai—" magsasalita pa sana siya pero agad akong binaba ang cellphone ko.
Napahiga na lang din naman ako.
"Ay! Kailangan ko mag-picture sa sarili ko." agad agad naman akong bumango sa pagkakahiga ko at kinuha ang cellphone ko at nag-selfie rin ako. Goodbye long hair pa ang naging caption ko. Parang ang hirap tuloy tanggapin na mawawala na ang aking crowning glory pero mas mahirap tanggapin na papatayin ka dahil sa sakit kong cancer.
Aray.
Naligo na rin naman ako pero hindi ko na sinamang basain ang buhok ko dahil baka lalong maubos pa 'to at nang matapos naman ako ay nadatnan ko na lang sa kwarto ko si Ram na nagbabasa no'ng libro kong A Writer Damned Story.
"Huli ka Ram!" sabi ko sa kanya.
Halata namang nagulat siya sa ginawa ko dahil nalaglag pa nito ang hawak hawak niyang libro. Pinulot niya rin naman kaagaran 'yon at tinabi sa study table ko.
"Hindi ka man lang nagsabi na nandito ka na! Ang aga pre! Wow!" amaze ko pang sabi sa kanya.
"Nagtext ako, naliligo ka ata..." at sinuri niya. "Eh, bakit diba basa buhok mo?"
"Ram, kaya nga tayo magpaparlor kasi magpapakalbo ako diba?"
"Bakit mo ba kasi naisipan 'yon ha?" aniya.
Ngitian ko naman siya at hinawi ko naman ang buhok ko at pinakita sa kaniya ang ilang hibla na sumama sa buhok ko, "See? Naglalagas na sila. At naisip kong magpakalbo ako at ibigay sa ibang cancer survivor ang buhok ko for free diba?"
Tumango naman siya sa akin. "Okay..." at may halong lungkot ang mga salitang kanyang binitawan. Hindi ko tuloy kayang nakikitang malungkot siya, Nahihirapan ako.
"Tama na nga drama, tara samahan mo na ako."
"Hanggang sa huli..."
"Ha? May sinasabi k aba Ram?" tanong ko.
"W-wala... tara na! Baka maraming nakapila at mauna ka doon."
Napangiti na lang ako kay Ram atleast hindi niya ako iniiwan saan man at kung ano man ang gusto kong ipagawa sa kanya.
Ilang lakaran lang naman ay narating namin ang isang parlor shop na madalas pinag-aayusan ni mama kaya dito na lang din ang napili kong parlor. Hindi naman ako magpapaganda eh. Magpapakalbo ako.
"Hi! Hello! Ma'am, Sir! Welcome sa aming Parlor..." at dinala naman ako ng isang bakla sa isang reclining chair at nilagyan ako ng tela sa aking harapan at si Ram naman ay naupo sa gilid na inalukan pa nang free haircut. Nakakatawa dahil ang lakas ng charisma niya sa mga bakla hindi sa babae. "Anong gupit Ma'am? Apple cut? Bangs? Octopus? Ano po?"
Inilingan ko naman siya sa mga sinabi niya.
"Edi anong gusto mong haircut? Magpapa-rebond ka ba? May promo kami ngayon." Galak pa na sabi ng bakla sa akin.
Muli na naman akong umiling, "magpapakalbo po ako."
At namilog ang mata at bibig niya sa sinabi ko. "Hindi bebe! Ang ganda ganda ng buhok mo, sasayangin mo lang. Rebond na lang kung gusto mo. Sayang talaga!"
"Hindi naman po masasayang 'yon, kasi ido-donate ko naman po 'yon." Ngiti ko pa.
"Bakit ba?" takang tanong nito sa akin.
"May cancer po kasi ako, nagsisimula na pong maglagas ang buhok ko magpapakalbo po ako at ang buhok po na mula sa akin ay ido-donate ko sa ibang cancer survivor for free. May taning nap o ang buhay ko, kaya hanggang sa ngayon na nakikita at nakakausap niyo pa ako. Hanggat kaya ko, magpapasaya ako ng tao sa abot ng makakaya ko."
"Aww, na-touch naman ako doon bebe. Sige, dahil 'yan ang gusto mo. Kami na rin ang gagawa ng wig na ido-donate mo for free."
"Talaga po?" tinanguan naman niya ako.
"Sige, wait ka lang diyan at sisimulan na natin."
Tumango naman ako sa kanya. Tinitigan ko naman ang sarili ko sa harap kong salamin at ilang saglit na lang ay mawawala na sa akin ang buhok. Para sa akin, gandang ganda na ako sa buhok ko pero ngayon after kong makalbo, ako muna ang gagamit tapos ido-donate ko na lang kapag malapit na ang araw.
At ilang saglit lamang sinimulan nang ikalbo ang buhok ko at inabot ng thirthy minutes ay tuluyan na akong kalbo.
"Mas maganda ka ngayon, girl! I'm so proud of you!" niyakap naman ako bigla ng bakla. "keep praying lang be, God will guide you."
"Opo."
At 'yon, binarayan na rin namin pagpapakalbo ko at nag-stay pa kami ng ilang minute para hintayin ang finish product ng aking buhok o wig. Tumabi naman ako sa kinauupuan ni Ram at nginitian niya ako.
"Tama nga siya, mas lalo kang gumanda." Ngiti niya.
"Sus! Bola pa more, Ram." Tatawa-tawa ko pa.
"Hindi nga, mas gumanda ka."
"Sige na nga, salamat." Mahinhin kong tugon sa kanya.
At hinihintay pa namin na makuha ko ang wig ko at ilang saglit lamang ay inabot na sa akin ng nagkalbo sa kain ang buhok ko. Siya na rin mismo ang naglagay nito sa aking ulo at inayos saka niya ako hinarap sa salamin.
Parang wala namang nangyari.
"Ayan! Oh, parang gano'n parin. You're still pretty!"
"Salamat po." Ngiti ko. "Sige po, mauuna na kami."
At hindi na naalis ang ngiti niya sa mukha niya at tuluyan naman kaming lumabas ni Ram nang Parlor at sakto pa bigla akong inubo at nagulat na lamang ako nang may mamasa-masa akong naramdaman sa kamay ko na pinantakip ko sa bibig ko.
"Teka, anong meron Ruth?"
Umiling ako.
"Ano nga Ruth?"
At iling pa rin ang sagot ko sa kanya.
"Ano nga 'yon!" saka niya inagaw ang kamay ko sa akin at ayon nabigla siya nang makita niyang may dugo ang kamay ko na inubo ko kanina. "Ilang beses na 'to nauulit?"
"Kahapon lang din." Sabi ko.
"Kailangan mo munang magpahinga, Ruth. Baka mas lalong lumala ang sakit mo." Aniya.
"Hindi, kaya ko naman!" pagpupumilit ko.
"Oo nga kaya mo nga, pero sa loob loob mo pinapatay ka na."
Natigilan naman ako sa sinabi niya at sumunod na lang din sa sinabi niya. Inuwi niya ako sa bahay at sinabi ni Ram 'yon kilala at narinig ko rin na pupunta kami sa hospital para umanderdo ako ng Chemotherapy.
I still have something to do... 9 more left to go? Please?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top