Kabanata 6
Kabanata 6
Nakita ko nang pabalik si Ram at may dala dala na siyang dalawang bote ng tubig at nang makarating naman siya sa akin ay binigay niya sa akin ang tubig at siya namang ininom ko ito. Nakahinga naman ako ng maluwag hanggat sa naubos ko rin ang laman ng bote ko. It feels great pero 'yong nangyari sa akin kanina. Hindi great 'yon.
"Ayos ka na ba?" bakas sa boses ni Ram ang pag-aalala niya sa kin. Tumango naman ako sa kanya. "Sigurado ka? Uuwi na tayo kapag hindi ka okay." Aniya.
Napatayo naman ako sa kinauupuan ko, "Hindi nga kasi. Okay lang ako." Pagpupumilit ko.
Sabi ko nga, lalaban ako. Hindi ako magpapatalo sa sakit ko.
"Nainom mo na rin ba gamot mo?" tanong nito sa akin.
At nang maalala ko ay kinuha koi to sa bulsa ko kaso naalala ko ubos na pala tubig ko, "Painom." Sabi ko.
"Sige, sa'yo na lang." aniya saka inabot ang bote pero hindi ko pa kinukuha.
"Hindi, sige, inom ka muna." Ngiti ko pa.
"Sure ka?"
"Oo, tirhan mo na lang ako." Sabi ko pa.
At ayon nga ay tinirhan niya ako ng tubig at uminom naman ako ng gamot ko upang hindi ulit mangyari 'yong katulad no'ng kanina. Ewan ko pero feeling ko mas magiging malala pa ang mangyayari sa akin no'n. Medyo umikot lang ang paningin ko no'n pero okay na ako ngayon. Maayos pa naman ako.
Buhay na buhay.
"Okay na! Simulan na natin!" ang lawak na nang ngiti ko pero si Ram nakatitig lang sa akin. Napakunot noo naman ako sa mga titig niyang 'yon. Winagayway ko naman sa mukha niya 'yong kamay ko at doon lang siya natauhan. "Ram, are you with me?"
Mabilis naman siyang tumango, "Oo, Ruth bakit?"
"Tulala ka kasi eh. Anong iniisip mo?"
Umiling naman siya sa kain, "Wala... tara saan na ba tayo?"
Kung wala, edi okay. Agad ko naman siyang dinala doon sa Threadmill kung saan nandoon lahat ng gym equipments.
"Dito na lang muna..." sabi ko.
Tinanguan naman niya ako at pumwesto naman ako sa threadmill at napansin ko naman na umupo lang siya sa isang tabi at pinanood ako kaya bumaba ako sa threadmill at nilapitan.
"Hindi ka susubok?" tanong ko.
Umiling siya, "I just wanted to see you enjoying it. Masaya ka kasing panooring kapag nag-eenjoy ka eh."
Ilang saglit akong natigil sa sinabi niya. Napangiti pero agad ko siyang inasar, "Sus! Kaartehan mo. Bahala ka diyan. Ako na lang mag-isa doon."
"Sige... I'll wait." Aniya.
Edi pumwesto na muli ako sa threadmill at nang binalikan ko naman ng tingin 'yong kinapupwestuhan ni Ram ay nawala siya bigla doon. Napakibit balikat na lang ako bigla at sinimulan ko na ang pagtakbo ko. Simula sa mabagal hanggat sa pabilis ng kaunti, pabilis ng pabilis hanggat sa gumulong ako pababa ng threadmill kahiya.
"Miss okay ka lang?" then he handed over his hands para alalayan akong makatayo.
Kinuha ko naman ang kamay niya at inalalayan niya nga akong tumayo. Ang tanga ko pero ang swerte ko dahil ang gwapo nitong lalaking nasa harapan ko. Tho parang magka-age lang kami pero nandito kami sa gym at agad kong napansin ang manly niyang balikat. Shete! Ang sarap!
"Miss?"
"Ha? Oo okay lang ako! Salamat!" ngiti ko pa pero deep inside kinakabahan ako. Nakita niya akong gumulong-gulong doon sa threadmill na 'yon.
"A-ah ano nga palang pangalan mo?" nilakasan ko na talaga ang loob ko dahil alam mo na, chance din na naman 'to.
"Theodore." Saka niya nilahad ang kamay niya at nakipagkamay naman ako sa kanya. "Nice to meet you... see you soon?"
"Nice to meet you din!" ngiti ko pa at sana doon sa see you soon, magkita pa kami pero mukhang imposible na mangyari eh.
At ilang saglit lamang ay humahangos na lumapit sa akin si Ram at si Theodore naman ay pansin kong naglalakad na palayo sa akin bitbit niya ang kanyang gym bag. Hindi naman mawala 'yong ngiti ko dahil sa nangyari. Kahit sa katangahan ko ay may nakilala pa akong tao na tutulong sa akin. Ano kayang dadalhin niya sa buhay ko o sadyang dumaan lang siya para tulungan akong tumayo.
"Sino 'yon Ruth?"
"OMG!" napatakip pa ako ng bibig ko nang maalala ko na hindi ko pala naipakilala ang sarili ko. "Omg lang talaga!"
"Ano 'yon Ruth? Takte naman oh! Pinapakaba mo oh!" aniya.
Napanguso naman ako. "Hindi ko kasi naipakilala sarili ko do'n sa tumulong sa akin eh. Hindi niya kasi tinatanong." Buntong hininga ko pa.
"O baka wala lang talaga siyang pake na makilala ka?" sinamaan ko naman ng tingin si Ram sa sinabi niya at pinagpapalo siya sa balikat niya. "Oo na! Masakit!" pag-awat niya sa akin at nang tumigil naman ako ay muli na naman akong napabuntong hininga. Kaasar talaga. Ang tanga ko. "Ano bang nangyari sayo?" tanong niya sa akin.
"Wala!" sabi ko. "Gumulong lang naman ako sa threadmill pero no worries! Di ako nasaktan!" ngiti ko pa.
"Tss." Ngisi pa niya sa akin. "May susubukan ka pa dito?"
Mabilis naman akong tumango sa kanya. "Oo naman!"
"Ano naman 'yon?"
Lumapit naman ako sa kanya at inakbayan, "Kita mo 'yon?" turo ko naman doon sa swimming pool kung saan nandoon ang jump board na sa tingin ko ay nasa 7 feet ang taas. "Diyan ako."
"Delikado 'yan, Ruth." Babala niya sa akin.
Umalis naman ako sa pagkaka-akbay sa kanya, "trust me. I can." Ngiti ko pa. "Tara! Samahan mo ako magpalit!" saka kami tumungo sa CR at kanya kanya naman kaming nagpalit ni Ram at ilang saglit lang ay ready na ako sa suot kong shorts at sando at nakita ko rin naman si Ram na lumabas ng boys CR nan aka boxer na lang.
"Hindi ba mas okay nan aka short ka rin?"
Nagpa-pogi naman 'to sa akin bigla, "Bakit gwapo ba?"
Natawa na lang din ako sa kanya at nagtatakbo naman ako patungo sa jump board. 7feet tall wala 'yan kumpara sa sakit na dinadala ko ngayon. Kaya ko 'to. At nang makarating naman ako sa pwesto ko ay si Ram naman ay lumublob na sa swimming pool.
"Ingat ka, Ruth!" sigaw nito sa akin.
Nag-okay sign naman ako sa kanya. "Ready na ako!" at pumosition naman ako at ilang saglit lang ay umapak na ako sa jump board saka tumalon sa swimming pool. Nakakalula ang feeling pero nang bumagsak na ako sa tubig ay ang sarap sa pakiramdam dahil nakayanan ko 'yon. Hindi naman kasi ako takot sa matataas na bagay, like fear of heights? Wala ako no'n. Malakas lang talaga ang loob ko pero sa mga bagay na kinatatakutan ko, una pa lang aatras na kaagad ako.
At nang umahon na ako ay nakita ko sa harapan ko si Ram.
"Oh ano? Bilib ka na sa akin 'no?"
Napangisi naman siya sa akin. "Sus! May tubig lang kasi, kung wala tatalon ka ba?" aniya.
Binatukan ko naman siya bigla, "Adik! Hindi na swimming pool tawag do'n, so why would I jump then off?" taas kilay ko pa sa kanya.
"Oo na, huhugot ka pa eh." Inirapan niya lang ako.
"Unahan tayo?"
Agad niya akong tinanguan, "Ako pa ba?" pagmamalaki niya sa sarili niya.
"Game?"
"Game!"
At pumwesto naman kaming dalawa at sa pagkasigaw ko ng tatlo ay nagpaunahan naman kaming dalawa na makarating sa dulo at makabalik uli sa pinagumpisahan namin. Pero feeling ko hindi ko kakayanin makabalik. Feeling ko malulunod ako anytime pero hindi ko na lang pinansin at tuloy tuloy lang ako dahil nakakasabay ko naman siya pero parang napagod ako bigla kaya medyo nauna siya sa akin at mayamaya lamang ay pinulikat ang kanang paa ko.
Napahawak ako sa paa ko at nalulunod na ako.
"R-ram..." sigaw ko sa pangalan niya pero siguro hindi niya ako maririnig dahil nasa ilalim siya nang tubig. Ang isang paa ko ay pinipilit kong ipadyak pataas at mamimilipit pa rin ako sa pulikat ko at tuluyan na akong nilamon ng tubig. "R-ram..." sabi ko habang nasa ilalim ng tubig.
--SIXTEEN—
Nagising na lang ako nang maubo ako kasama ng lumabas ng tubig sa bibig ko at nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si Ram. Una ay malabo pa dahil sa maliwanag ang paligid pero naging malinaw din naman kalaunan.
"Anong nangyari sa akin?" tanong ko kay Ram.
"Pinulikat ka tapos nalunod ka. Ayan kailangan pa tuloy kitang ICPR."
"What?" sabi ko sa kanya. Nanlaki pa ang mata ko sa sinabi niya.
"Joke lang syempre! 'to naman!"
"Akala ko talaga eh, pero thank you for saving me again. Ram."
"Wala 'yon pero sa tingin ko malas ka lang talaga."
Agad ko naman siyang binatukan, "Ako malas?!"
"Oo..." aniya. "Una, sa rappelling, sunod 'yong sa threadmill na gumulong ka tapos itong sa swimming pool. Ano magpapakamatay ka ba talaga?"
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya, "Hindi Ram. Sinusulit ko lang ang mga oras ko dito. Hindi na 'yan mangyayari sa akin sa pangalan buhay."
Natahimik naman kami sa paligid.
"Tara na! Uwi na tayo!"
"Ay wait, may naalala ako!" napatingin naman ako kay Ram. "Diba sabi mo no'ng isang araw, ililibre mo ako? Kasi binilihan kita ng libre, diba?"
I rolled my eyes to him, "Oo na... sige na magbanlaw ka na. Magbabanlaw na din ako." Sabi ko.
Kinuha ko naman sa dala naming bag ang pamalit kong damit at tumungo na rin ako sa CR. Pagkatapos kong magbanlaw ay hinintay ko naman si Ram sa may reception area at nang makita ko naman siya ay lumabas na rin naman kami kaagad at tumungo sa isang store kung saan ililibre ko daw siya.
"Oo nga pala, Ram... ipapaalala ko lang 'yong sa favorite author ko ah?" paalala ko sa kanya.
Tinanguan naman niya ako, "Sige, akong bahala." Sabi nito sabay inom sa kanyang shake.
Nag-stay pa naman kami ng ilang minute sa store na 'yon at naisipan na naming umuwi. Hinatid naman ako ni Ram sa bahay at uuwi din daw siya at dadalaw na lang kinabukasan. Pagkapasok ko naman sa bahay ay sinalubong ako nina mama at papa na nakangiti silang dalawa.
"Ma, pa, anong meron?" tanong ko.
"Anak, sino-sino ba gusto mong pumunta sa debut mo?" umigting naman ang tenga ko sa sinabi ni mama kaya naging interesado kaagad ako sa usapan namin.
"Naku ma, okay lang kahit 'yong mga friends ko lang diyan, saka 'yong ibang relatives natin. Okay na rin kung simple diba?"
Nagtinginan naman silang dalawa at tinanguan nila ako.
"Sige ma, pa akyat na po ako."
"Sige, anak, magpahinga ka na rin." Sabi ni papa.
Tumakbo naman ako papunta sa kwarto ko at agad kong kinuha ang notebook ko at chinekan ko ang tapat ng number two ko sa bucket list ko dahil na-accomplished ko naman siya nang gano'n kadali. Extreme sports na rin 'yon para sa akin dahil kung dadayo pa ako sa ibang lugar ay kukulangin naman ako para sa ibang gusto kong gawin so, okay na rin 'yon atleast nagawa ko naman ng masaya kahit na puro epic fail ako no'n.
☑ 2. Do an extreme sport.
Ilang oras ang nakalipas na nakatulog pala ako at nagising ako nang gabi na.
"Naiiyak ako." Sabi ko dahil hindi ko naabutan ang sunset na hinihintay ko. Machechekan ko na rin sana ang number one pero dibale may iba pa namang araw, I still have 15 days left to do the bucket lists.
Ano naman kaya ang magagawa ko bukas? Hmm.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top