Kabanata 5

Kabanata 5

No wonder how life is beautiful kaya dapat i-cherish ang lahat ng mga gagawin mo kasi kapag dumating 'yong point na 'di mo na kaya, hindi mo na magagawa pang gawin ang mga gusto mo. Kaya hanggang ngayon na kaya ko pa, kakayanin ko hanggang sa dulo.

            Nasa kusina kami ngayon at kakain na nang breakfast. Hindi pa rin ako nakakatulog dahil excited na akong gawin ang bucket list ko. Ang dami ko na ngang idea sa mga gagawin ko eh pero kailangan i-cherished talaga ang mga 'yon. Kung ano ang kaya ko pa ngayon, 'yon ang gagawin ko.

            "Ruth, kailan mo ba sisimulan 'yang bucket list mo? Di ba mas mukhang delikado kung magpapagod ka?" tanong ni papa sa akin.

            Napangiti at umiling naman ako sa kanya, "Ngayon na pa, after breakfast gagawin ko na ang mga gusto kong gawin at hindi naman siguro makakapahamak sa akin 'yon. Mas okay nga 'yon pa diba, mas feeling ko kaya ko kapag gagawin 'to kaysa naman sa walang gagawin edi mas kakainin lang ako ng sakit ko, diba pa?"

            Nagtingin naman sina papa at mama sa sinabi ko. At sabay naman silang nagkibit balikat nang dalawa. "Sige, kasama mo naman ata si Ram eh. So may tiwala kami... diba Ram?" ani mama na nakatingin pa kay Ram.

            Ngumiti naman at tumango si Ram habang kumakain.

            Nang matapos naman kaming kumain ay tumuloy naman ako sa kwarto ko para maghanda maligo dahil gagawin ko na nga ang second list ko sa bucket list ko. Hindi ko pa chini-check ang number one ko dahil hindi ko pa naman nakikita ang sunset so, number two na agad tayo and it was...

            2. Do an extreme sport.

            Napakunot noo na lang din ako sa binasa ko. Bakit ko nga pala sinulat 'to? Ano bang sport ang kaya kong gawin extreme pa talaga ang nilagay ko. Hmm. Mas magiging masaya ata ang mga natitira kong araw sa mga gagawin ko. This is the best way to start the the memories I want to live with them.

            "Ruth?"

            Bigla akong napatakip sa dibdib ko ng tuwalya ko dahil biglang pumasok si Ram sa kwarto ko. Agad ko naman siyang binato ng unan na malapit sa akin at bigla siyang nagtakip ng mata niya gamit ang kamay niya at dali daling lumabas ng kwarto ko.

            "Sorry, Ruth!" matawa-tawa pa nitong sabi sa akin.

            "Bwisit 'to! Uso kumatok Ram!" sabi ko pa dito.

            "Pa'no ba naman kasi, nakabukas 'tong pinto mo. Eh malay ko ba." Halata ko pa rin sa boses ang niyang matawa-tawa siya. "Tv ah." Pahabol pa nito.

            "Anong tv?" tanong ko pa dito.

            "Flat screen tv." Saka siya tumawa at narinig ko na ang pagtakbo niya pababa ng hagdan.

            At napatingin naman ako sa dibdib ko at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiinis. Agad ko rin namang sinarado ang pinto ko. Ilang saglit lamang ay naligo na ako. Pagkatapos ay namili ako ng damit na komportable akong suotin sa maghapon kong gagawin. So ang sinuot ko na lang ay black na leggings at medyo loose na white t-shirt para comfy lang tingnan diba.

            At nang tumungo naman ako sa baba ay nakita ko si Ram na nakahilata sa sofa na akala mo pagmamay-ari niya. Dahan dahan naman akong naglakad doon at kumuha ng unan at nang makalapit na ako ay idinagan ko 'yon sa mukha niya.

            "Yes! Nakabawi ako!" halakhak ko pa. Pilit namang inaalis ni Ram sa mukha niya 'yong unan pero ako dinidiin ko pa talaga at tawang tawa ako doon. At nang medyo manghina ako dahil sa kakatawa at ilang pag-ubo ko ay nakawala na si Ram na hinihingal din.

            "Papatayin mo ba ako?" aniya na hinahabol ang hininiga.

            Umupo naman ako sa tabi niya.

            "Pwede rin." Hagikgik ko pa.

            Kinurot naman niya ako sa pisngi at siya naman ang nanggigil sa akin. Aambahan ko sanang susuntukin ang ahem niya kaya agad siyang umalis sa akin. Hinaplos ko naman ang kawawang pisngi ko sa kanya at baka lumawlaw pa ito. Kaiyak. Ayoko pa naman ng gano'n.

            "So 'yon ang second list mo sa bucket list mo ang pagtripan ako?" ngisi pa niya.

            Umiling ako, "Nope."

            "Eh ano?"

            "Basta samahan mo na lang ako sa isang gym."

            Nagulat naman siya sa sinabi ko, "Gusto mo magka-muscle?"

            "Adik! Baliw ka basta samahan mo lang ako, syempre gagawin mo rin ang gagawin ko."

            He rolled his eyes, "ano pa nga bang magagawa ko diba?" aniya.

            "Yay! Thank you Ram!" yayakapin ko sana siya kaya lang 'yong mukha niya parang nandiri bigla sa akin kaya binatukan ko na lang siya. Kainis. Panira ng moment. May agad din naman akong naalala sa isa sa mga listahan ko. "Oo nga pala, pwede mo bang i-email o tawagan 'yong favorite kong author?" sabi ko with matching puppy eyes pa.

            Tinaasan niya lang ako ng kilay, "Sino na naman 'yon?"

            "Hindi mo kilala?" inilingan niya ako. "Sige, kunin mo sa kwarto ko 'yong libro niya. Nasa study table lang 'yon! Dali dali!" sabi ko habang tinu-tulak tulak pa siya.

            "Ano ba 'to! Utusan lang pala ako eh." Angal pa niya.

            Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Naubo naman ako bigla at may nasama na namang dugo. Nataranta na naman ako bigla kaya dali dali akong tumungo ng lababo para hugasan 'yon sa kamay ko at magmumog. Hindi pa naman malala diba. Ubo pa lang naman 'yon diba? May kasama nga lang dugo diba? Diba diba diba?

            At ilang saglit lang ay naabutan ko si Ram sa sala at parang binabasa niya 'yong blurb ng libro at nang makita niya ako ay agad akong tinanong, "Saan ka galing?"

            "Ay bawal uminom?" palusot ko pa.

            "Tss..." ngisi niya. "Ito ba 'yong sinasabi mo?" saka niya tinaas 'yong libro na sinasabi ko.

            Patakbo naman akong lumapit sa kanya at dumamba sa sofa. At kinuha ko sa kamay niya ang libro at hinanap ang about the author na page at hinarap sa mukha ni Ram. "Ayan siya! Siya si Celina Montevaldez! Siya ang author na gusto kong makita! Magagawan mo ba ng paraan 'yan?"

            Kunot noo naman niyang inaalis sa mukha niya ang libro at tinitigan lang ako, "Katulong ba ako?"

            "Please, dali na!" pagmamakaawa ko pa.

            Hindi pa nagtatagal ay bumigay agad siya sa akin, "So paano mako-contanct 'yan?"

            "Edi thru email or tawagan mo."

            "Paano?"

            "Ito oh!" Muli kong hinarap sa kanya ang page no'ng libro habang tinuturo ko 'yong email ni Celina. "Ayan diyan mo siya i-email."

            Nilayo niya sa mukha niya ang libro at napabuntong hininga, "Sige, ita-try ko."     

            Pinalo ko naman siya sa balikat niya at ikipinagtaka naman niya bigla 'yon, "just don't try! Do your best!" cheer ko pa.

            Again, he rolled his eyes na parang naiirita na sa akin. Sige lang gawin niya lang 'yon baka hindi na siya ang magiging bestfriend ko dito. "Oo na. Oo na... kasama ba 'to sa bucket list mo? Bakit  kasi ayaw mo pang ipakita sa akin 'yong mga nakasulat." Aniya.

            Nginitian ko lang siya. "Basta, it's a girl thing you wouldn't understand."

            "Tss, daming alam."

            "Tara na nga!" yaya ko na sa kanya.

            "Saan?"

            "Gym, haler?"

            "Wait, naka ganito lang ako?"

            Mabilis naman akong tumango sa kanya, "Oo, okay na 'yan. Kahit wag ka na magpantalon, okay na 'yang boxer mong si squidward. Saka gwapo ka naman diyan eh."

            "Ano sabi mo?" aniya na parang nabinging kunyari. "pakiulit, ano sabi mo?"

            "Wala!" saka ko siya piningot. "Magbihis ka na nga doon! Bilisan mo! Hindi ka na pala gwapo diyan sa boxer mo. Felix."

            At nang tiningnan niya ako habang nanlalaki ang mata niya, kumaripas agad siyang tumungo sa kwarto na pinagtulugan niya.

            Ilang saglit lang naman ay bumalik na siya nang naka basketball short at laking pagtataka ko dahil wala naman siyang dala na kahit anong short.       

            "Oy, saan mo ninakaw 'yan?"

            "Ay! Ninakaw agad? Di ba pwedeng hiniram muna sa kuya mo?"

            "Tss, di ka man lang nagpaalam. Papahiramin ka naman... tss." Iiling-iling ko pa. "Sige na, tara na nga!" saka kami  lumabas ng bahay.

            Actually 'yong gym na pupuntahan namin ay hindi siya basta gym lang, may mga rapelling, swimming, and such 'yong gym na 'yon may kamahalan nga lang ang entrance doon pero sulit-sulitin na ang huling pagkakataon. Minsan lang mangyari 'to.

            Isang oras nang mapuntahan namin ni Ram ang tinutukoy kong gym. Medyo malayo sa amin 'to dahil malaking gym nga itong pinuntahan namin. Malaking landfield siya tinayos for this kind of sports at may gym naman for 'yong mga pang muscle gano'n. Minsan na kasi akong napadaan dito noon kaya may alam ako kaunti.

            "Papasok ba tayo o hindi?" tanong ni Ram.

            Agad ko siyang hinigit papasok sa loob at syempre nagbayad kami for entrance and it will long last just for eight hours. Matagal na rin 'yon para sa isang kasiyahan. At nang tuluyan na kaming pumasok sa loob ng gymnasium ay sari-sari game and sports ang makikita mo at lahat ay parang gusto kong subukan.

            "Tara, try natin 'yong bunjee jumping."

            "Ikaw na lang." sagot ni Ram.

            "Kaya nga kita sinama dito para mag-enjoy tayo." Kumapit ako sa balikat niya. "'Wag kang kj."

            "Edi tara!" at siya naman ang humigit sa akin patungo doon sa bunjee jumping na 'yon. "Alam mo, ikaw lang nakapilit nito sa akin."

            "Bakit ba?"

            "I'm afraid of heights." Aniya.

            Natawa naman ako doon, "Sus. Now, you will conquer your biggest fear."

            Wala naman siyang sagot sa akin do'n, "Ikaw?" tanong niya.

            "You will know, sooner!" ngiti ko pa. "Ayan na!" sabi ko nang marating namin 'yon.

            Sinalubong naman kami ng instructor at sinuotan kami ng safe gear. Mauuna naman akong susubok kaysa kay Ram at nang ready na ay huminga naman ako ng malalim at nagsitalon-talon na ako. Ang saya saya parang gusto ko pang humiling ng mas mahabang buhay, nang mas matagal pa sa sixteen days pero wala akong magagawa. Ie-enjoy ko na lang ang lahat.

            Hindi naman maalis ang mga ngiti ko nang matapos ako doon at nang si Ram naman ang susubok ay parang gusto nang umatras pero pinush ko talaga siya at success naman dahil napilit ko siya doon at nang magsimula na siya sa una ay bakas mo ang takot sa kanya pero nang kalaunan ay mababakas mo sa mukha niya na nag-eenjoy na siya sa ginagawa niya hanggat sa natapos siya ay hindi na naalis sa labi niya ang ngiti niya.

            "Oh ano? Masaya ba?"

            "Wow! As in wow! Hindi ko inexpect na magagawa ko 'yon Ruth. Thank you!" yayakapin niya sana ako pero nagsimula na akong tumakbo patungo sa rappelling.

            At nang makarting naman kami doon ay kinabitan na rin ako ng safe gear ko ulit at si Ram nang makarating sa tabi ko.

            "Bakit puro heights ha?" angal niya.

            "Okay lang 'yan! Dali isuot mo na sayo."     

            "Okay..." aniya.

            Hinintay ko naman na masuot din ni Ram ang safe gear niya at at maka-pwesto na kaming dalawa ay ngisihan ko si Ram.

            "Unahan?" half-smile ko pa. Nanghahamon talaga ako, kasi gusto ko talunin si Ram.

            "Go?" wow ha!

            "1... 2... 3..." At wala pa nga ay umakyat na kaagad ako. "Go!"

            "Madaya ka!" aniya saka ako matawa tawa naman.

            15 feet naman ang taas na kailangan naming akyatin at nang medyo maabutan na ako ni Ram ay binilisan ko naman ang pag-akyat ko.

            "Mauunahan na kita!" belat pa nito sa akin.

            "Madaya ka!" sigaw ko.

            At sunod ko na lamang napansin ay nauuna na siya akin. Aakyat pa sana ako nang maramdaman kong medyo bumigat ang pakiramdam ko pero inilingan ko na lamang at pinagpatuloy ang pag-akyat ko. Kaya mo 'yan, Ruth! Wag kang susuko.

            Ilang saglit lamang ay sumisigaw-sigaw na si Ram sa itaas at nakita ko siyang nandoon at nauna na sa akin.

            "Talo ka na Ruth!" pang-aasar pa nito sa akin. "Ako talaga ang dabest!"

            Gusto ko pa sana siyang habulin kaya nang humakbang ako sa isang apakan ay nawalan na lang ako nang balance dahilan para bumangga bangga ako sa pader na ito at tuluyan na akong sumuko. Nakalambitin na lang ako sa safe gear ko.

            "Ruth! Ayos ka lang? Teka lang bababa na ako. Baba niyo na rin siya!" rinig kong pag-aalala ni Ram sa akin at nang makababa ako ay agad niya akong niyakap. "Ayos ka lang ba?"

            Kahit medyo hindi, tumango ako sa kanya.

            Dinala naman niya ako doon sa upuan, "Saglit lang! Babalik ako, bibilhan lang kita ng tubig. Saglit lang!" at tumakbo naman siya para kumuha ng tubig ko.

            Napahugot na lamang ako nang malalim na hininga. Please, wag muna ngayon. Marami pa akong gagawin.

            Hindi pa ako handa.

           

            

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top