Kabanata 4
Kabanata 4
Kinagabihan ay naayos na nila mama at papa ang bills sa hospital kaya makakalabas at makakauwi na ako nang bahay dahil simula bukas sisimulan ko nang gawin ang bucket list ko. Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras dahil sa limitado na lamang ang araw na natitira sa akin kaya hanggat kaya ko at wala pa ako masyadong nararamdaman except sa laging pag-ubo ay kaya ko pa naman at siguro matutuwa ko kung before I die, magagawa ko ang lahat nang iyon.
Kung iisipin nga napakabilis ng mga araw na 'yon para ibigay nila sa akin. Hindi ko nga maisip kung bakit ngayon lang 'to, lumabas. Hindi 'ko alam kung paano. At kailangan ko ring tanggapin na bawat araw at kapag dumating ang ika-16 days ko, mawawala na ako. Nakakaiyak dahil may sakit ako. Nakakalungkot dahil iiwanan ko na sila. Pero kahit kailan hindi naging magandang dahilan 'to para magawa ko ang mga gusto ko, way 'to para kahit papaano naging masaya ako sa mundong ito.
"Ruth, uuwi ka na, ngayon mag-stay ka na lang muna sa bahay at magpahinga." Sabi ni mama sa akin.
Napanguso naman ako sa sinabi niya, "Ma, diba may bucket list ko at kailangan kong gawin ang mga 'yon."
Wala namang nagawa sa akin si mama kundi pumayag na siya pero binilin niya 'yong mga gamot ko at kahit ano at kapag lumala ang sakit ko, kailangan ko ng manatili sa hospital and that's make my feeling worse. Nakakadepress kasi eh.
There is no chances if you were in this kind of situation. Bihira lang ang survivors.
"Sige na, tumayo ka na diyan, nasa parking lot na papa mo." Sabi pa ni mama.
Tumango na lamang ako at sumunod sa kanila. Nandito pa rin naman si Ram at hindi umalis sa tabi ko. Sinabi niya rin kasi 'yon sa magulang niya at pinayagan naman siyang mag-stay siya dito dahil kilala naman ako ng mga magulang niya kaya okay lang daw at ngayon na pauwi na ako sa bahay. Isasama ko si Ram sa mga gagawin ko sa bucket list ko.
Pinauna ko naman maglakad si mama at sinabayan si Ram sa paglalakad na buhat buhat ang mga gamit ko. Dalawang bag lang naman 'yon at hindi naman mabibigat kaya ayos lang sa kanya 'yon. Bestfriend ko naman 'yan eh.
"Nga pala, Ram, bukas na natin sisimulan 'yong bucket list ko ha?" ngiti ko pa sa kanya saka ko siniko.
Natawa naman siya do'n, "Ano ba unang gagawin natin?"
"Hmm..." nag-isip naman ako. To start the day, syempre 'yong madali lang at naisip ko naman agad dahil 'yon din ang unang-una ko sa bucket list ko. "Basta pumunta ka ng maaga sa bahay mga, 5am or 5:30 am basta mga gano'n..."
"Ang agad naman no'n." kamot pa niya sa ulo niya.
"Edi ah, mag-stay ka na lang sa bahay. Paalam ka ulit, diba?" suhestiyon ko sa kanya.
Naging malapad naman ang ngiti niya sa akin, "Sige ba, sabi mo 'yan ah!" saka niya ako inakbayan sa balikat ko. nabigatan naman ako bigla sa ginawa niya dahil may bitbit pa nga siya, inakbayan pa ko pero hindi na ako umangal at kusa naman din niyang tinanggal nang makarating na kami sa parking lot.
Inalalayan niya din ako makapasok sa loob ng kotse at natawa naman ako sa ginawa niya.
"Bakit ka naman tumawa? May mali ba sa ginawa ko?" kunot noo niyang tanong sa akin habang papasok na rin sa kotse at tumabi sa akin.
"Kasi naman, kaya ko pa naman mag-isang pumasok, hindi pa ako mamamatay Ram... 'wag ka mag-alala." Tatawa-tawa ko pang sabi sa kanya.
"Hindi pa? So... iiwan mo rin kami?" at nabago na naman ang atmosphere namin dito sa paligid at natahimik ako bigla, napayuko at pinipigilan kong hindi maiyak. Ayokong ipakita sa kanila na may sakit ako. Gusto kong makita nila na normal pa rin ako.
Na mabubuhay pa ako ng matagal pa sa 16 days.
"Naku, kayo talagang mga bata kayo! Uuwi na tayo at magpapahinga ka na Ruth..." saka ako tumango kay mama at napansin ko naman kay papa na nakatingin sa rearview mirror sa harapan ng kotse at umiwas na lamang ako ng tingin niya dahil ayokong pati si papa mahihirapan sa kalagayan ko.
Actually, hindi naman ako only child. Bunso ako actually, nasa ibang bansa lang 'yong kapatid ko na si Rocco. Dalawa kaming magkapatid at madalang lang siyang umuwi dahil busy siya sa trabaho niya doon.
"Oo nga pala, Ruth, alam na ng kuya mo nangyari sayo. Uuwi daw siya this month."
"Bakit pa daw po?" kunot noo kong tanong kay papa.
"Gusto ka daw niyang makasama at makabonding atleast kahit daw doon makakasama niya ang kapatid niya."
Napa-ah naman ako isipan ko, kahit kailan talaga hindi kami kinakalimutan ni papa at maalaga siya sa amin at maalala. Ngayon, hindi ko alam kung paano ako makikita ni kuya sa kalagayan kong ito.
Sa ngayon, hindi pa naman ako kinakain ng sakit ko kahit papaano, lalaban ako.
"Sabihin niyo pa, 'wag na siyang tumuloy, mabilis lang naman ang 16 days. Hindi siya aabot."
Walang sumagot sa akin at natahimik ang naging biyahe namin pauwi kaya hanggang sa bahay ay natuon na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana ang tinatanaw-tanaw ang mga kapaligiran kahit medyo madilim na.
At nang makarating na kami sa bahay ay nauna na akong bumaba ng kotse at gaya ng kanina si Ram ang nagbuhat ng gamit ko.
Nagkulong din kaagad ako sa kwarto ko at pagkapasok na pagkapasok ko nang kwarto ko ay bumuhos na lamang bigla ang mga luha ko. Hindi ko napigilan ang bawat patak nito dahil sa mga nalaman ko ngayon. Napaupo na lang ako sa kakaiyak. Hindi ko akalain na makakakuha ako ng ganitong sakit at ang malala pa ay cancer 'to.
NAKAKAINIS!
Parang hindi naging worthy ang buhay ko dahil sa mga dumarating sa akin. Pinapakita kong ayos lang ako pero sa loob loob ko hindi eh. Masakit eh. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat. Mahirap ipakitang ayos ka lang pero hindi naman talaga.
In just 16 days babawiin na ang buhay ko.
Kakainin na ako ng sakit ko.
Mawawalan na nang saysay ang buhay ko.
Bakit ko pa nga gagawin ang bucket list ko kung mamamatay din naman ako? Sayang lang diba? Kung nagpapahinga na lang ako, may chance pang mabuhay ako. Diba? Gano'n naman talaga eh. Mamamatay din naman ako. Lahat ng effort ko, wala rin!
Dumapa ako sa kama ko at hindi ko pa rin kayang pigilan ang pag-iyak. Madilim ang paligid ng kwarto ko. Iiwanan ko ang lahat ng ito.
Pero sabi nga nila, mamamatay din tayo sa dulo pero kailangang i-cherish ang every moment.
Nakakaasar mabuhay. Ang unworthy ng buhay ko. Bakit kasi sa akin ka pa dumapo? Buong buhay ko, takot na takot ako magkasakit at ang pinakamalala pa ang napunta sa akin. Pero gusto ko pang tumagal ng 16 days. Kaya ko pang lumaban.
Natigil lang ako ng may biglang kumatok sa kwarto ko. dahan dahan kong pinunasan ang pingi ko at mga mata ko dahil sa pag-iiyak ko. Huminga rin ako ng malalim upang hindi nila mahalata pero kahit anong gawin ko, nasayo na eh. Wala na akong magagawa para alisin sa katawan ko 'to.
Ang daya daya eh, ang dami daming sakit 'yong papatay pa sa akin ang dumapo.
"S-sino 'yan?" nauutal kong sabi.
Pinipilit ko pa rin na huwag nang umiyak dahil kapag sila naman ang nakita kong umiiyak. Mas mahihirapan akong lumaban.
"Si Ram 'to, Ruth." Aniya.
"Sige... pasok ka." Sabi ko.
At mayamaya lamang ay pumasok na siya, nagkaroon naman ng liwanag sa kwarto ko dahil sa ilaw sa labas.
"Ang dilim naman dito? Hindi ka nagbukas ng ilaw?" aniya at binuksan naman ang ilaw at nagkaroon na nang liwanag sa kwarto ko.
"Bakit pa, Ram kung ngayon madilim na ang mga nangyayari sa buhay ko. Wala nang pag-asang lumiwanag pa. Hopeless na nga ako diba? Sa bilis ng mga pangyayari, babalutin ng itim ang maliwanag kong buhay. Easy as that, I'm so lifeless." I sighed.
"No, Ruth, don't ever think of that. You will never be lifeless as long as you're with us. Your life is worthy living for." Ngiti pa niya sa akin.
Tinapik ko naman ang balikat niya, "Thanks for everything, Ram. You had the biggest part of my life." Ngiti ko pa sa kanya. Ngiting alam mo na may sakit pa rin sa loob loob.
Pero sa ginawa ko niyang 'yon, pansin ko na lumungkot ang mukha niya kaya pati ako nadamay sa ekspresyon niyang 'yon, "That's not the sign yet?"
"A sign of what?"
"A sign of saying goodbye."
Hindi ko magawang ngumiti o kahit ano. Niyakap ko na lang din naman siya bigla at siya namang hinagod ang likod ko. Napapikit na lang ako habang pinipigilan kong umiyak. Mami-miss ko ang bestfriend ko. But not just a bestfriend...
Humilay din naman ako ng pagkakayakap sa kanya at muli siyang tinapik.
"Bukas ha? Kailangan 6am ready na tayo."
"Bakit parang ang aga naman kasi?"
"Kasi that's my first list on my bucket list, Ram. I'll start the day with it." Ngiti ko pa.
"Alam mo Ruth. I don't know how to say goodbye. It's fvckin' hard to say to the person that truly important to you. Ruth, I will never say goodbye because I have a point of view that you won't die... you'll stay and..."
"Ruth! Ram! Ano pang ginagawa niyo diyan?" natigil naman bigla sa pagsasalita si Ram ng biglang pumasok si mama sa kwarto ko. "Halika na kayong dalawa, maghapunan na tayo. At ikaw, Ram, nagpaalam ka na ba sa magulang mo?"
Tumango naman si Ram kay mama, "Opo! Tita!"
"Oh! Sige, 'yon naman pala. Bumaba na kayo at sabay sabay na tayong kumain."
Naunang bumaba si mama. At tumayo naman si Ram sa kama ko pero ako nakaupo pa rin at parang ayoko nang bumaba sa sahig.
"Halika ka na..."
"Tinatawag mo na ba ako?"
"Huh?" tinaasan naman ako ng kilay ni Ram, "Ano na naman sinasabi mo diyan, sige na. Tara na." then he stretch his hands over to mine and I hold his hand at saka ako tumayo.
Tumuloy na rin naman kami sa hapag-kainan at nagsimulang kumain. Napakatahimik ng kainan namin kaya binali ko naman agad ang mga katahimikan sa paligid.
"Ma, pa, malapit na debut ko." ngiti ko pa.
Nagtinginan naman si mama at papa na pansin ko ay parang nakalimutan ang birthday ko. Saklap. "Oo nga anak, malapit na." ngiti pa ni mama.
Nahihiya lang akong sabihin na gusto ko sanang engrandeng debut pero alam kong mas maganda ang magiging simple na lang. Mabuti na nga lang bakasyon ngayon kaya pili lang din ang magiging imbitado dahil kung hindi, dadagsain ako.
"Sige na, hayaan mo kaming bahala." Nagulat naman ako sa sinabi ni papa.
Lumapad naman ang ngiti ko, "Salamat pa, ma... dabest talaga kayo."
"Wala 'yon Ruth, para sa nag-iisa naming babae."
Naging magaan naman ang pakiramdam ko kahit papano at pagkatapos namin na kumain ay tumuloy kaagad ako sa kwarto ko. Si Ram naman ay sa kabilang kwarto matutulog, sa kwarto ni kuya Rocco dahil wala rin namang gumagamit no'n ngayon doon na lang muna siya.
Nakahiga ako sa kama ko. Hindi ako makatulog. Excited na akong panood ang sunrise at ang sunset.
Ilang oras na akong hindi makatulog dahil sa haba na rin ng naitulog ko sa hospital kaya hindi ako makatulog. Kaya nakadungaw lang ako sa bintana magdamag habang tinatanaw ang kumikinang na bituin sa kalangitan. I can't count them of dahil sa napakarami nila.
At sa huli nang makaramdam ako ng antok ay bigla na lang tumunog ang alarm clock ko at nang tiningnan ko ay 5:30 na nang umaga at ilang minuto lamang ay susulpot na si haring araw. Kaya kahit inaantok na ako ay lumabas na kaagad ako ng kwarto ko at tumungo sa kwarto na pinagututugan ngayon ni Rocco at dahil nakabukas naman ay tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto niya at niyugyog ko siya nang malapitan ko.
"Ram! Gising na!"
"Ruth! Gabi pa kaya, mamaya na." aburido nitong sagot sa akin.
"Anong gabi! Leche ka! 5:30 na kaya! Tara na bumangon ka na diyan!" saka ko siya hinatak-hatak.
At nang maitayo ko naman siya ay dire-diretsyo kami sa bakuran kung saan may madadaanan kami paakyat sa bubong ng bahay namin.
"Ano bang ginagawa natin dito Ruth at naisipan mo pang umakyat sa bubong. At tingnan mo, gabi pa kaya!" aniya.
Napailing iling na lang ako sa kanya at dinala ko sa bandang silangan upang doon maabangan ang sunrise. Gabi pa naman kaya aasahan ko na magiging maganda ang unang gagawin ko.
"Pahiga ako?" sabi ko saka siya dinantayan sa balikat.
"Tingnan mo 'to, hihigaan mo lang pala ako." Ngisi pa niya.
"Maghintay ka lang kasi Ram... isa 'to sa bucket list ko."
At natahimik naman siya doon.
At dumating ang hinihintay kong oras. Unti-unti nang nagpapakita ang araw at manghang-mangha naman ako sa nakita kong sunrise. Simula hanggat sa huli hindi ako binigo nito. Nakita ko na ang sunrise, ang sunset na lang ang kulang.
"So, sunrise pala ang gusto mong makita kaya tayo nandito?" tanong niya sa akin.
Tumango naman ako, "And it was good to start the day, Ram... at alam mo may sasabihin ako sayo."
"Ano 'yon?" at nilapit pa niya ang tenga sa akin.
"Ang baho ng hininga mo, magtooth-brush ka nga!"
At sinamaan lang niya ako ng tingin. "Ikaw rin kaya, may tartar ka pa."
Saka ko siya binatukan, "Ang daya mo talaga!" aniya.
"Ruth! Ram! Anong ginagawa niyo diyan?! Kala namin kung ano nang kumakalampag sa bubong! Magsisibaba nga kayong dalawa!" natawa naman kami sa paglabas bigla ni mama at papa na siguro'y nagising sa amin.
Hindi naman nawala ang ngiti ko. Ito ang 1st day ko... I still have 15 days to this bucket list.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top