Kabanata 3
Kabanata 3
Ram hugged while still can't sink it in my head. I don't understand, all of what happened to me... nakataya na pala ang buhay ko. Mawawala na pala ako sa hindi inaasahang pagkakataon, well, hindi naman inaasahan pero aasahan mo na kasi mamamatay ka rin naman in the end. So hopeless din, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat.
"Ruth, paano ka naman nakakasigurado na you have 16 days left? No one had sure about the giving time kapag may mamamatay diba, they could just say this day and month pero nangyayari ba?" aniya.
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya, "Oo may point ka sa sinabi mo Ram pero paano kung gano'n nga diba?" at muli na naman akong nagpakawala ng hangin.
Hinimas naman ni Ram ang likod ko upang mapakalma naman ako pero parang mas lalo kong iniisip ang lahat. Parang hindi ko kakayanin. Ang bilis lahat ng pangyayari, hindi ko rin inaasahan. May sakit na pala ako at 'yon ang magdadala sa akin para iwanan ko ang mga taong mahahalaga sa akin.
"Ang dami ko pa naman gustong gawin pero in just 16 days, mawawala na agad ako." Bakas na bakas sa mukha ko ang pagkalumo. Kung sino man ang magiging nasa kalagayan ko tapos malalaman mo na lang kung kailan ka mamamatay diba, parang ang saklap. Pinagkaitan kang mabuhay ng matagal sa mundo sa kadahilanang may sakit ka. Bakit kasi nauso pa 'yang mga sakit sakit na 'yan, pinapatunayan atang may forever.
"Wait!" natigil naman ako sa pagsalita ni Ram at tiningnan na lamang siya, na wala pa ring emosyon. Kulang na nga lang maghalumapasay ako sa kakaiyak pero ayokong ipakita sa kanila na nahihirapan ako. Kapag nalaman nila 'yon, masasaktan lang ako kapag nakikita ko silang naghihirap sa akin at mas lalo akong nasasaktan doon. "Diba sabi mo, madami ka pang gustong gawin?"
Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Oh tapos?"
Saka niya itinaasa niya ang hawak niyang papel at ballpen, "Ang bucket list!" napatigil naman ako at naalala ko nga bigla kung bakit siya naghahanap ng papel kanina. "Isulat mo na lahat ng gagawin mo." Aniya na nakatitig pa sa akin.
"Oh ano pang ginagawa mo dito?"
"Eh? Tinitingnan ko mga isusulat mo."
Binatukan ko naman siya kaagad, "Baliw ka, give me time, space para makapag-isip isip ako ng mga gusto kong gagawin in just few days. So Ram, excuse yourself."
Tumawa naman siya at tumayo sa pagkakaupo sa higaan ko at nang matungo na siya sa pinto ay huminto siya at muling humarap sa akin, "Basta Ruth, ang mga makakapagpasaya sayo ang ilista mo." Ngiti pa niya at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.
Napabuntong hininga naman ako at napasandal sa kama ko.
Napasapok kaagad ako sa noo ko dahil hindi ko alam kung anong ipaglalagay ko sa listahan na 'to na binigay ni Ram tapos in just 16 days lang magagawa ko na siya. Napakahirap naman nito at nang kalagayan ko. Kung pwede kasi may extend pa ang buhay ko mas marami pa akong magagawa pero limited na lang, ano nang gagawin ko?
Pero napa-upo kaagad ako ng pumasok sina mama at papa sa kwarto ko. Sabi nga ng gusto ko muna mapag-isa para makapag isip isip pero siguro kailangan ko muna na nang refreshments mula sa kanila.
"Opo ma, alam ko na..." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ko. Dapat hindi ko muna ipaalam na alam ko na 'yong nalalabi kong araw dapat hindi. Napakatanga mo Ruth pero sige, act normal na lang muna. Kunyari wala kang sakit.
Kunyari di ka mamamatay.
"Anong alam mo na?" ani mama at nagtinginan naman sila ni papa.
Napangiwi naman ako, "Ah w-wala po 'yon."
Napangiti naman silang dalawa at lumapit sa akin. Umupo si mama sa left ko at si papa naman sa rigt ko at mayamaya lamang ay sabay nila akong niyakap. Nagulat ko ako sa ginawa nila dahil nakakabigla, minsan lang mangyari 'to sa amin pati 'to di ko inaasahan. Parang kumirot din bigla ang puso ko na parang gusto kong maiyak. Ang sarap din pala sa feeling na kayakap mo ang family mo.
Naiiyak lang ako dahil ilang araw na lang... sure ba talagang mamamatay ako in just 16 days o tinatakot lang ako?
At nang umalis sila ng pagkakayakap sa akin pinigilan ko bigla ang pag-iyak ko at ngumiti sa kanila pero matamlay.
"Ano, Ruth... may ibabalita kami sayo ng mama..." sabi ni papa habang nakatungo ako sa kanya. Kita ko naman sa mukha ni papa na hindi maganda ang ibabalita niya sa akin, kahit medyo nakakagulat ang mga nalaman ko kanina, siguro matutunan ko ring i-accept ang lahat ng ito.
"Oo 'nak, ang sabi ng doctor mo—" sabi ni mama pero sinigitan ko siya.
"Na may sakit ako? Na mamamatay na ako?" tawa ko pa sa dulo pero napansin nila ako dahil para akong baliw sa sinabi ko kaya natahimik ako at napayuko at tumango na lang ng bahagya. "Opo ma, alam ko na ang ibabalita niyo sa akin... na may sakit ako, na mamamatay na ako in just 16 days left." Itinaas ko ang ulo ko at tiningnan sila, "Ma, Pa, I can't say this personal pero ngayon sasabihin ko na, I love you..." at saka ko silang niyakap na dalawa.
Hindi ko na rin napigilan ang pagluha ko at bumigay na ako. Humagulgol as in at sa nanlalabo kong paningin ay natanaw ko pa doon si Ram na nakatingin sa amin pero hindi ko na lang pinansan dahil mas umaapaw ang pag-iyak ko.
"Ruth... isipin mo lang na hindi ka namin iiwan ng mama mo." Sabi ni papa habang hinahangod ang likod ko.
Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanilang dalawa at inabutan naman ako ni mama ng panyo niya na basa na rin at pinunas ko sa naglalawang mata ko at sa pisngi kong basang basa.
Hinawakan ni mama ang kamay ko, "Ruth malala na ang sakit mo. Stage 2 cancer... lung cancer, Ruth."
At mas lalo akong natulala na malaman ko na ang kikitil pala sa buhay ko ay ang cancer. Ang kinatatakutan ng lahat na sakit dahil minsan lang magkaroon ng survivor sa ganitong sakit. Kung makakaligtas man ako sa ganitong sakit, thank you Lord.
Pero kung hindi, salamat din kasi nabuhay pa ako.
Naubo pa din ako ng ilang beses at sa ngayon ay wala na namang sumasamang dugo sa tuwing uubo ko. Mas delikado kasi kapag ganoon na may kasamang dugo ibigsabihin malala na talaga 'yon. Ayon sa pag-aaral namin noon sa science, kaya medyo may alam ako kahit papaano kaya noon takot na takot akong madapuan ng kahit anong sakit pero ngayon... wala na ata akong takas.
Pero sa kabila ng lahat ay nakuha ko pang ngumiti. Wala naman dapat na ikalungkot, kung nabuhay ako sa mundong ito edi good at marami naman akong ala-ala na nagawa na.
"Ma, Pa, may isang favor lang po sana ako..." ngiti ko pa.
"Kung hindi niyo po mamasamain, gusto ko po sanang sa bahay na lang manatili."
At sa iniisip ko nga tama nga ang naging hinala ko, "Hindi anak, mas magiging maayos kung nandito ka sa hospital." Sabi ni mama.
"Oo, mas maaalagaan ka pa dito. Sa mga vitamins, medical at iba mo pang kailangan. Mas mabuti nang manatili ka dito, Ruth." Ani papa.
Nalungkot naman ako bigla doon sa sinabi niya, "Pa, 'yon lang naman gusto ko. Kung mamamatay man ako, 'yon lang gusto ko pa. Ibalik niyo na lang ako dito kapag hindi na ako okay." Tingin ko sa kanilang dalawa at napabuntong hininga na lamang sila.
"Sige Ruth, pagbibigyan ka namin sa gusto mo at gaya ng sabi mo kapag lumala ang sakit mo, ibabalik ka namin dito? Okay ba 'yon?" mabilis naman akong tumango kay papa.
"Anak, ano ba 'yang hawak hawak mo?" pansin pala ni mama ang papel na hawak hawak ko kanina pa at hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiiisip na mailalagay doon.
"Ah ito ba ma, bucket list!"
"Sige nga, patingin nga..." kinuha naman sa akin ni mama ang papel pero kumunot naman kaagad ang noo niya sa nakita niya, "Bakit number 1 to 10 lang 'to? Nasaan na ang mga gagawin mo?"
Napanguso naman ako, "'Yon nga po, wala pa akong nagagawa. I want to list things na magagawa ko lang in just 16 days."
At napansin ko naman kay mama at papa ang kanilang mga ngiti, walang gana pero nakakapagpagaan ng pakiramdam. "Sige, maiiwan ka muna namin at aayusin na rin namin ang mga bills para makauwi ka na sa bahay."
"Sige po ma, pa..."
Tumayo naman silang dalawa at lumabas ng kwarto at kasabay naman nila na pagpasok ay si Ram pero sinenyasan ko naman siya na lumabas muna dahil wala pa akong naiisip. At sumunod naman kaagad siya sa akin.
Mag-isa na naman ako. Nakakagat ko na tuloy 'tong dulo ng ballpen at masira pa ngipin ko. Nababalutan ako ng putting ambiance at amoy ng mga gamot at napasandal na lang ulit ako. Ano nga ba ang magagandang isulat para gawin ko in just sixteen days?
At oo nga pala, malapit na rin ang birthday ko. Oo! Isasama ko na lang ang magiging debut ko. Ang last birthday ko na nga ba 'yon?
At ayon, nagtuloy tuloy na ang mga ideas na naiisip ko hanggat sa natapos ko ang mga ito. Nakakagaan sa pakiramdam dahil naisip ko lahat 'to na gagawin ko in just 16 days.
At ito ang mga iyon.
Ruth's BUCKET LIST
1. Experience sunrise and sunset. (Masaya sana 'to gawin sa tabing dagat pero dahil kulang sa oras, sa bubong ko na lang gagawin.)
2. Do an extreme sport. (Exercise na rin para hindi agad bumigay ang katawan ko.)
3. Donate my hair to some cancer survivors. (Kasi malalagas lang din ang mga buhok ko kaya maganda na kung idonate ang mga ito.)
4. Conquer your biggest fear. (Sa ngayon, hindi ko na lang muna sasabihin.)
5. Be a volunteer. (Naisip ko lang 'to, kahit anong klase na makita ko basta makakatulong ako.)
6. Forgive, Forget, and spread love. (Gusto ko kapag nawala na ako, maaalala nila ako in good times."
7. Meet my favorite author. (Si Celina Montevaldez ang author ng A Writer Damned Story.)
8. Confront my feelings to the one I love and fall in love. (At sino nga kaya 'yon, syempre secret.)
9. 18th Birthday Grande Celebration (if ever.)
10. I want to sleep before the day comes with my parents. (the night before I die, right?)
And that's all I want to do. Ang sisimple nito pero magiging malaking bahagi nito sa buhay ko. Ang aking bucket list.
And after a minute nakarinig ako ng katok sa pinto, "Ruth tapos ka na ba?" tanong nito sa akin.
"Oo." Sagot ko at tumuloy naman siya sa loob ng makumpirma ko 'yon.
"Patingin ako!" excited nitong sabi sa akin.
Pero inilayo ko sa kanya at inilingan ko siya, "Secret muna 'to, Ram... akin na lang muna 'to." Ngiti ko pa sa kanya.
Napanguso naman siya sa akin, "Ang daya naman nito. Pero sige, sasamahan kita kung ano man mga sinulat mo diyan. 'till 16 diba?"
Napangiti naman ako doon kahit papaano, "Oo, 'till 16."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top