Kabanata 20

Kabanata 20

Ang huling araw. Pagkagising na pagkagising ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako o hindi. Ang last day ko. Ngayong araw, gagawin ko na lahat ang dapat kong gawin. Tutal ang mga hindi ko pa naman nagagawa sa bucket list ko ay kapag kinagabihan na, ang sunset at matulog kasama ang pamilya ko. Madali na lang 'yon. Ang hindi ko lang alam kung makakakaya kaya nilang wala na ako.

Siguro oo, hihilumin ng panahon ang sakit na 'yan pero hindi na maaalis sa atin syempre 'yong may namimiss tayong tao. Sabi nga ng adviser ko noon sa kaklase kong namatayan, isipin na lang nila na nag-abroad 'yon dahil gano'n din naman daw ang feeling na lalayo sila sayo, hindi mo sila katabi at hindi mo makakahagkan pero ang pinagkaiba kasi no'n sa ngayon panahon ay meron ng technologies, facebook, viber at email. Malayong malayo pa rin sa sinasabi nang adviser kong isipin na nag-abroad lang ang isang taong nawala sayo.

Ang dami ko pang gustong gawin. Gusto ko pa humaba ang buhay ko at makapunta sa ibang bansa, gaya ng Paris, Canada, Japan at South Korea. Lahat 'yan gusto kong puntahan habang nabubuhay pa ako pero ngayon, ngayon na isang araw na lang ang natitira sa akin hindi ko na magagawa pang puntahan ang mga dream country ko. Kung medyo mahaba-haba pa ang deadline na binigay sa akin at hindi lang sixteen days, malamang ay pinuntahan ko na talaga ang Japan o kaya ang South Korea. Hindi ako fan ng kpop o ano, basta gusto ko lang maranasan kung paano sila mabuhay sa bansa nilang 'yon.

Naiiyak lang ako kapag iispin kong hindi pala sapat ang sampung bucket list para maging masaya ka. There are so many things in the world that will make you happy.

Inalalayan ko naman ang sarili ko na makaupo ng wheel chair at tuluyan naman akong lumabas ng kwarto ko. Lalabas kasi kaming pamilya at niyaya ko silang gumala kami kahit papaano. Wala naman akong sinabing lugar kaya kung saan naman nila ako dalhin ay ayos lang sa akin dahil okay lang sa akin dahil ito na ang huling araw ko, ang araw na kailangan ko nang magpasa ng aking mga kailangan para makapasok sa langit. Deadline ko na diba, oras na lang ang binibilang sa akin.

"Ma! Pa!" tawag ko sa kanila para alalayan nila akong bumaba dahil naka-wheel chair pa ako.

"Hey, there pretty girl." Nabigla naman ako nang si Ram ang bumungad sa akin imbis na sina mama at papa.

Tinaasan ko naman siya ng kilay habang paakyat siya sa hagdan, "anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Napakamot naman siya ng ulo niya nang makarating sa gilid ko. "Ano ba naman 'to! Parang ayaw mo naman dito." Pacute pa niya.

"Bakit ka nga kasi nandito?" tanong ko pa habang inaalalayan na niya akong tumayo pababa ng hagdan at naiwan ang wheel sa itaas.

"Kasi tinawagan ako ng papa mo."

"What?"

"Oh nabigla ka pa ata?" aniya at muling umakyat at siya namang kinuha ang wheel at nang makarating sa akin ay dahan dahan naman niya akong inupo. "Bonding daw kasi."

"Eh?" usal ko pa.

"'Wag ka na umarte, nandito na nga ako eh." Ngisi pa niya.

Inirapan ko na lang naman siya at siya rin namang dinala ako sa may salas. Nakita ko rin si mama na kakapasok pa lamang ng pinto. Kakaiba ang mga ngiti ni mama sa akin. Akala mo huling pagkikita na talaga namin. Oh well, ito na nga.

"Tara na, nakahanda na ang kotse." Sabi ni mama.

"Ram! Tulak ko mo na." utos ko sa kanya. Tinulak niya rin naman ang wheel chair palabas ng bahay. At sa paulit-ulit ay siya pa ring inaalalayan ako papasok ng kotse. At nang makaayos na rin naman kami ng aming mga kinauupuan ay umandar na ang kotse.

Sa park daw kami pupunta. Sa isang park kung saan maraming tao, hindi isang amusement park kundi park kung saan makakaupo, higa ka sa mga berdeng mga damo doon. It was the best thing to share our memories together. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Pinapakiramdaman ang bawat isa. At nabali na naman ang katahimkan sa pag-uubo ubo ko.

Hinagod naman ni Ram ang likod ko.

"Okay ka lang?" tanong nito sa akin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, "anong okay ka diyan? Mamamatay na nga ako, okay pa? Baliw ka rin ano." Batok ko pa sa kanya.

Napangiwi na lang siya sa ginawa ko pero sina mama at papa ay nakatingin lang sa akin. Nakating si papa sa rare view mirror at mama ay nakatingin sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko naman si mama para hindi niya isipin na 'wag na lang kami tumuloy dahil baka maka-apekto pa talaga sa akin ang sakit kong ito sa bonding namin.

Ilang saglit nang marating namin ang park na 'yon. At ang alalay-alalayan ko na si Ram ang nag-aalalay sa akin na makaupo sa wheel chair habang sina mama at papa naman ay hawak hawak ang mga ipanglalatag namin sa berdeng damo na 'yon. May dala rin naman kaming pagkain.

Nang makakita naman kami ng space na paglalatagan namin at malilim din naman ay doon na kami pumwesto. Nilatag ni papa ang sapin at si mama naman ay inayos ang mga pagkain namin. Ako naman ay naupo lang sa wheel chair habang pinapanood sila. Ang saya lang nilang tingnan. Mamimiss ko talaga ang mga ganitong moment naming pamilya.

"Ayaw mo dito sa lapag Ruth?" tanong ni mama sa akin.

Umiling naman ako kay mama, "hindi na po. Okay na po sa akin na dito na lang ako."

Para masanay na kayo na wala na ako.

-SIXTEEN-

Mabilis na lumipas ang oras. Ilang oras na lang ay papatak na ang sunset. Ang isa sa kukumpleto ng bucket list ko. Pero bago pa kaming tuluyang umuwi ay dumaan muna kami sa isang chapel. Si mama na ang may tulak sa akin habang papasok kami sa loob at hininto naman ako ni mama sa isang gilid at yumuko ako.

Nagdasal.

Na sana humaba pa ang buhay ko.

Na sana hindi pa huli ang lahat.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Napansin ko sila mama at papa na mga nakayuko pa at nagdadasal kaya ako na mismo ang lumabas at tinulak-tulak ang wheel chair ko at pagkalabas ko naman ay sumalubong sa akin si Ram.

"Oh, nasaan sila?" bungad na tanong nito sa akin.

"Nasa loob pa sila." Sagot ko.

"Eh, saan ka pupunta?" tanong pa nito sa akin.

"Uuwi na."

Nilapitan naman ako ni Ram at humatak ng isang platics na upuan at naupo sa tabi ko.

"Alam mo, hindi ko akalain na aabot tayo sa puntong ganito na kailangan nating iwan ang isa't isa. Noong una mahirap tanggapin kahit ngayon naman eh." Huminto siya at tumingin sa akin. "Iiwan mo na ba talaga kami Ruth? Alam kong marami ka pang gustong gawin pero hindi mo na magagawa pa, hayaan mo kaming tulungan ka. 'Wag ka munang umalis. Gusto pa kitang makasama ng matagal. Wala akong pakelam kung magkaroon ka man ng boyfriend sa future mo pero hindi ko aalisin ko sarili ko na ikaw lang ang bestfriend ko. Ruth, madrama na ba ako?" ngisi pa niya. Pinunasan ko na naman ang luha kong traydor. Ayoko ngang umiyak eh pero siguro kailangan ko ng ibuhos dahil huling araw na eh, naipo simula noong mag-umpisa akong magbilang. Ngayon ko lang ibubuhos lahat. Ngayong huling araw. "Salamat Ruth, salamat sa friendship na nabuo natin." Ngiti pa niya.

"Halika nga dito, payakap." Saka naman siya lumapit sa akin at niyakap ako.

Nang umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanya ay tinapik ko siya sa kanyang balikat, "find someone na magiging mahalaga ka sa kanya ha? Bestfriend ko pa naman, medyo tatanga-tanga pero kapag effort na ang pinag-uusapan ay hindi nagpapatalo. Ang dami mong ginawa sa akin, ang dami natin naging karanasan pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako sinusukuan." Huminga naman ako ng malalim. "salamat din sa lahat, Ram."

"Ruth, uuwi na tayo." Napalingon naman ako kila mama at papa na magka-akap na nakatingin sa aming dalawa. Tinanguan ko nama silang dalawa at muli na kaming umalis at tumungo sa kotse.

Nang makarating naman kami sa bahay ay magpapaalam na sana si Ram pero sabi ko mag-stay muna siya sandali at pumayag din naman siya.

Tiningnan ko naman ang orasan ko at malapit na mag-sunset pero paano ako makaka-akyat ng bubong?

"Paano 'yan?" tanong ko kay Ram dahil kanina pa kami nakatingala kung paano kami makakaakyat doon sa bubong dati kung saan namin pinanood ang sunrise pero iba ngayon ang sitwasyon eh, paano ako makakaakyat eh naka-wheel chair nga ako.

"Alam ko na!" kunot noo naman akong nakatingin kay Ram dahil sa sinabi niya.

"Oh? Paano?"

"Piggyback."

"Ha? Delikado naman ata 'yang iniisip mo." Sabi ko sa kanya.

"Kapit ka lang, hindi ka mahuhulog. Pero kung bumitaw ka, ikaw rin ang may kasalanan dahil hindi mo hinigpitan ang hawak mo. Hindi ko na kasalanan 'yon."

I rolled my eyes to him and nodded to his suggestion. "Sige na, go."

Tinapat naman niya ang likod niya sa akin at dahan dahan naman akong sumampa doon. Dahan dahan lang siyang naglalakad. Sabi ko sa kanya, 'wag na lang ituloy dahil baka nahihirapan siya pero nagpumilit dahil sa gusto ko nga rin matapos ang bucket list ko.

"Succes ka Ram!" yakap ko pa sa kanya nang maka-apak na kami sa bubong ng bahay namin.

"Naman, ako pa?" ngisi pa niya sa akin.

Naupo na rin naman kaming dalawa at pumwesto kung saan kitang-kita namin ang sunset. Ilang saglit na lang din naman ay matutunghayan na namin ang sunset na 'yon.

"Wait, nakakatawa lang." ani Ram.

"Oh? Bakit naman?" tanong ko pa sa kanya.

"You started your 16 days with a sunrise then you end it up with a sunset." Sabi niya sa akin. "Ang galing!"

Napangiti naman ako sa sinabi niya, "nakuha mo pala 'yon Ram. Sabi ko nga dati, magandang way na simulant ang araw sa isang sunrise para matapos ko ang bucket list ko pero ngayon, ngayon na makikita na natin ang sunset ay ito na rin ang katapusan ng lahat." Buntong hininga ko pa.

"Pero mas maganda kung hindi na magpakita ang bukas 'no?" napatingin naman ako kay Ram dahil sa sinabi niya at binalik niya ang tingin niya sa nagsisimula nang sunset. "kasi gusto pa kita makita bukas na ngumingiti at kinakausap ako."

Natapos ang sunset.

"Accomplished." Sabi ko nang matapos naming masaksihan ang sunset na 'yon. Ang last day and night ko para mabuhay. "Baba na tayo para sa last dinner ko." napatitig na lang sa akin si Ram dahil sa sinabi ko.

Last day and night.

Last dinner.

"Oo nga pala, Ram, bukas kinaumagahan. Kunin mo ang notebook ko at chekan mo ang number 10 ko sa bucket list ko. Free mo na ring basahin 'yon dahil hindi na kita mapipigilan dahil wala na ako bukas. Kaya ang gagawin mo lang, chekan mo ang huling listahan ko." tapik ko sa kanya.

"Hindi ko kaya, Ruth, naghabilin ka na talaga." Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Ram.

Kailangan kasi.

-SIXTEEN-

"Ma! 'wag nga kayong umiyak pati ako naiiyak eh." Saway ko kila mama at papa dahil hindi na nila mapigilan ang pag-iyak nila sa akin.

"Paano ba naman kasi hindi kami iiyak, Ruth? Ikaw lang ang nag-iisa naming babae at tapos ikaw pa 'tong mawawala. Hindi ko kaya na kukunin ka na sa akin Ruth." Hagkan sa akin ni mama.

Hinaplos-haplos na lamang ni papa ang ulo ko habang mangiyak-ngiyak rin.

Kaming tatlo na lang din naman dito sa bahay. Simula noong umalis si Ram after ng dinner ay hindi na napigilan ni mama at papa ang umiyak-iyak kaya nag-stay na lang din ako sa kwarto ko dahil hindi ko kayang nakikitang umiiyak silang dalawa. Dalawa silang mahalagang parte sa buhay ko kaya ayokong nasasaktan sila dahil sa akin.

"Ma, Pa, pwede ako humingi ng last favor?"

"Ano 'yon anak?"

"Tabihan niyo sana ako sa pagtulog 'ko."

"Syempre anak..."

Pagkatapos noon ay nagdasal pa kaming muli. At tuluyan anng nahiga sa kama ko. Kahit medyo siksikan kaming tatlo ay wala akong pakelam basta matapos ko ang dapat kong tapusin.

"Ma, pa, salamat..." saka ako huminga nang malalim at pinikit ko ang aking mga mata. "Mahal na mahal ko kayong dalawa pati ni kuya Rocco."

Paalam...

-SIXTEEN-

I stretch my arms up in the air.

I opened up my eyes at natulala na lamang at napabangon sa kama ko at katabi ko sina mama at papa na nakatingin sa akin at nanlalaki ang mga mata sa nasilayan.

"Buhay ako." Sabi ko sa sarili ko nang mapagtanto ko na nalagpasan ko ang ika-16 days ko.

Sixteen days weren't real!

"Ma! Pa! Nandito pa ako!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top