Kabanata 2

Kabanata 2

I've woke up seeing the white walls in between, white roof deck and the smell of the medicines.

            Unti-unti naman akong bumangon pero nakita ako nila Mama at Papa maging si Ram na nandito ngayon sa kwartong ito. Binalalaan naman nila ako na 'wag muna babangon dahil baka kung ano pang mangyari sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala dahil sa nangyari sa akin.

            "Ano po bang nangyari sa akin?" tanong ko naman sa kanila.

            "Ikaw, Ruth ang dapat na tanungin namin, anong nangyari sa'yo at nakita ka na lang namin sa kwarto mo na walang malay. Ruth, pinag-alala mo kami nang sobra." Aniya. Hinawakan ni mama ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

            Nalungkot naman ako sa mga sinabi ni mama. May kapabayaan ba ako sa sarili ko kaya ako nahimatay? Sa pagkakaalam ko, maayos naman ang pakiramdam ko, 'yon ang pagkakaalam ko dahil ilang taon na rin akong hindi nagkakaroon ng general check-up sa doctor kaya gano'n pero alam ko naman na wala akong sakit.

            "Alam mo Ruth, kailangan mo nang manatili sa bahay."

            Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Nawala bigla ang kalayaan ko doon. Parang ang sakit naman isipin na dahil sa minor na nangyari sa akin, bawal na akong lumabas ng bahay. "Pa naman, ang unfair. Nahimatay lang ako."

            "Oo nga, nahimatay ka lang pero hindi malayong mangyari na maulit 'yon, Ruth. Alam mo 'yan." Dagdag pa ni Papa. Feeling ko, babagsak na ang mga luha ko sa mata ko, hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Hindi naman malala 'to eh, wala naman kasi akong sakit. Bakit kailangan pa akong manatili sa bahay at ikulong?

            So unfair. I want my life for being a teen.

            "Sige na, Ruth, tatawagin lang namin ang Doctor mo dahil inexamine ka rin ng mga Doctor mo dahil diyan sa pagkakahimatay mo." Ani Papa. "Sige lalabas muna kami..." saka siya humarap kay Ram. "Ram, pakibantayan mo muna si Ruth."

            "Opo tito!" ngiti pa ni Ram.

            Bago pa lumabas sina Papa at Mama ng kwarto ko ay naubo ako bigla, natakip ko ang mga kamay ko sa bibig ko pero nanlumo ako bigla ng may makita akong dugo sa kamay ko.

            "D-dugo..." bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa nangyayari. "Ma! Pa! May dugo!"

            Dali dali namang lumapit sa akin sina mama at papa at tiningnan nila ang dugo ko sa kamay at dahil doon labis na pag-aalala ang nakita ko sa mga mukha nila, agad agad silang lumabas ng kwarto ko para tumawag  ng doctor. Mabilis naman akong naiyak sa nangyari at niyakap na lamang ako ni Ram.

            "R-ram, wala akong sakit diba?" nauutal kong sabi sa kanya.

            Umiling-iling naman siya sa akin, "Wala Ruth, wala..." habang hinahaplos niya ang buhok ko.

            Nang dumating ang mga doctor ay agad tumabi si Ram at sinuri kaagad ako. Kinakabahan ako sa magiging resulta. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Hindi naman 'to pwede. May tiwala ako kay God. Alam kong hindi niya ako papabayaan sa nangyayari sa akin. He won't let me die.

            Habang sinusuri ako ng mga doctor ay natatawa na naiiyak na lang ako. Wala akong magawa eh. Inisiip ko na lang na wala 'to, hindi totoo ang lahat at sinusuri lang talaga nila ako. Naiiyak ako kasi baka mali lahat ng iniisip ko.

            "Doc, ano pong nangyayari sa anak ko?" tanong ni mama sa doctor.

            At naulit muli ang pag-uubo ko ngunit wala na naman itong kasamang dugo. Masakit na sa lalamunan ang pag-uubo ko, paminsan minsan ay may sumasamang dugo at doon ako laging kinakabahan.

            "Hija, wala ka bang nararamdaman na iba bukod sa pag-ubo mo ng may kasamang dugo?"

            Sa pagkakaalama ko wala. Umiling naman ako.

            "Kung wala maganda pa 'yon pero kung ilang araw lamang ay lalabas ang mga simtomas kagaya ng ganito lamang ay hindi na maganda 'yon." Hinto pa niya. "Isa pa, exposed ka ba sa mga usok lalo na sa mga sigarilyo?"

            Tumango naman ako, "lalo na po sa polusyon at bahagya naman po sa usok ng sigarilyo kapag nagpupunta kami sa bahay nina tito Ace. Doc, anong meron sa akin?"

            Iniisip ko pa lang, parang gusto ko na kaagad sumuko.

            "Ah," humarap si Doc sa magulang ko. "Sa labas po tayo mag-usap."

            "Doc, hindi niyo ba sasabihin sa akin? Ako ang may sakit? Doc naman..." lumapit sa akin si Ram at hinihimas ang likod ko.

            "Nak, saglit lang..." ani mama na maluha-luha pa.

            Tuluyan naman silang lumabas ng kwarto ko at naiyak na lamang ako. Pinapatahan naman ako ni Ram pero hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak dahil sa magiging resulta no'n. Wala akong alam sa sakit ko. Wala akong nararamdaman na simtomas noon, ngayon lang. Anong simtomas? Anong sakit? Bakit parang ang hirap tanggapin kung sakaling totoo nga?

            "Ruth, maniwala ka lang... wala kang sakit." Aniya.

            Sana nga madaling i-sink in sa utak ko na wala nga akong sakit na ngayon na alam kong may magiging hindi magandang resulta ang lahat.

            "Ruth, inhale... exhale." Inulit-ulit ko pa at nagawa naman akong pakalmahin ni Ram at ilang saglit lamang ay pumasok na muli si papa at hindi niya kasama si mama.

            "Pa, ano na pong nangyari? Nasaan po si mama? Ano pong resulta? Pa?"

            Hinawakan ni papa ang kamay ko at natigil ako sa pagtatanong ko sa kanya, tumitig siya sa mga mata ko ngunit bigla ko namang iniwas ang mga 'yon mula sa kanya. Parang ayoko kasing tanggapin ang lahat.

            "Kailangan mo nang manatili dito sa hospital, Ruth."

            Nahila ko kaagad pabalik ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni papa at nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Tuluyan pa ring tumutulo ang mga luha ko at hindi ko kayang tanggapin ang lahat.

            "Edi may sakit nga ako pa, sabihin niyo na lang." ngisi ko pa.

            "Kailangan Ruth para gumaling ka." Ani papa.

            Napailing na lang ako sa sinabi ni papa, "Tama ka pa, kapag nandito ako sa hospital gagaling ako pero paano naman ang mundo ko? Buhay nga ako pero nakikipagsapalaran ako para mas humaba pa ang buhay ko. Pa, mas gusto ko pa sa bahay. Kung kailangan ng gamot, edi go. Ayokong manatili dito pa. Kung mamamatay din pala ako, gagawin ko na lang ang lahat ng gusto ko. Pa, please..."

            Napabuntong hininga na lamang sa akin si Papa, "Sige pagbibigyan ka muna namin ngayon pero kapag lumala ang sakit mo, kailangan mo nang manatili dito."

            Hindi naman ako sumagot na kay papa. Ayaw nilang sabihin kung anong sakit ko. Pero kailangan talagang tanggapin eh, siguro I will cherished every moments of my life na lang.

            "Sige, Ruth, pupuntahan ko lang mama mo."

            Tinanguan ko naman si papa at tuluyan naman siyang lumabas ng kwarto ko.

            "Anong tinitingin-tingin mo diyan Ram?" pagtataray ko pa sa kanya.

            Nginitian naman ako ni Ram at nagawa niya pa talaga 'yon kaya napingot ko kaagad siya, "Aray naman, Ruth!" haplos pa niya sa tenga niya. "Ruth, sabi mo diba, gusto mong gawin ang mga gusto mo?"

            Tumango naman ako sa kanya, "Oh ano ngayon?"

            "List your things that you wanted to do." diretsyo nitong sabi sa akin.

            "You mean?"

            "A bucket list, list the things you wanted to do. Before dying or not, do what you want Ruth. It is the best thing you could ever done, so?"

            I think of it? List the things? Baka hindi naman masunod ang lahat ng 'yon kaya parang balewala rin kaya saying lang din.

            "Ano?"

            Nagkibit balikat naman ako sa kanya, "Sige, go ako diyan. Kailan natin sisimulan?"

            "Ngayon na, gusto mo?" tumango ako sa kanya. "Sige, kukuha lang ako ng papel."

            "Ay wait, Ram, pasuyo lang magsi-cr lang ako."

            "Ah sige." Saka niya ako tinulungan at naghanap na muli siya ng papel na masusulatan at ballpen pero hindi ako sa cr nagpunta kundi sa may pinto at nakita ko sina mama at papa na nakaupo lamang sa upuan doon habang si mama ay umiiyak si papa naman ay pinapatahan si mama.

            "'Wag ka ng umiyak, everything is going to be fine."

            "Anong 'wag umiyak, ikaw hindi ka ba iiyak na alam mo na kung kailan mawawala ang anak mo sayo? Pa naman!"

            Napansin ko naman na bumuntong hininga si papa at umiling at napayuko bahagya, "16 days are left. Hindi siya pwedeng mawala sa atin."

            Agad akong napabalik sa kama ko pagkatapos ko marinig ang lahat ng usapan nila.

            "Ito na, Ruth, may papel na ako! Ta—" at napansin niyang umiiiyak na naman ako. "Anong nangyari Ruth?"

            Umiling ako, "Wala Ram, wala... there were 16 days left and I have to say goodbye." Napapikit na lang ako. Ang hirap tanggapin, shet!

           

           

            

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top