Kabanata 17
Kabanata 17
Sa kabila ng pagiging abala nila sa magiging celebration ng debut ko ay hindi ko na sila nakakausap. Naiwan din dito sa bahay si ate Issabela at kuya Rocco dahil sila ang maghahatid sa akin doon sa residence nila tito Ace. Sinabi na rin naman ni kuya Rocco na doon gaganapin dahil kamag-anak lang naman daw namin sila at payag naman sila tito doon dahil nga rin sa nalaman nilang kalagayan ko.
Inalalayan lang ako ni ate Issabela na maligo dahil hindi ko nga kaya ng wala nanag suporta kaya siya na rin ang nagpaligo sa akin at sumunod naman siya doon. Siya rin kasi ang mame-make up sa akin, gaya ng sabi niya na propesyon niya nga daw doon sa new york ay ang make-up artist at isang designer at siya na rin ang nag-isip ng theme at motif ng debut ko at may tiwala naman ako sa kakayahan ni ate Issabela.
"Alam mo natutuwa ako, Ruth, dahil ngayon ko lang tinodo ang lahat ng nalalaman ko sa designing at kahit ano pa, kahit medyo hindi naman pasok sa propesyon ko 'yong pinaggagawa ko eh, pinilit ko. I did my best for my little sister." Yakap pa sa akin ni ate Issabela. Little sister na rin ang tawag niya sa akin dahil para naman talaga kaming magkapatid at na-echapuwera lang si kuya Rocco.
"Salamat talaga ate Issabela, siguro natuyo ang utak mo sa kakaisip kung paano mapaghahandaan ang debut ko. Ngayon pa lang, nae-excite na ako sa kakalabasan ng debut ko. Naghahalo-halo na 'yong pumapasok na idea ko sa isip ko. Naku!" sabi ko na excited talaga.
"Nakakatuwa ka talaga Ruth..." buntong hininga pa ni ate Issabela, "hindi kita makakasama ng matagal. Wala tayong girl bonding."
Nginitian ko na lang si ate Issabela, "hayaan mo 'yon ate, okay na lahat ng efforts na binigay mo para sa akin dito."
"Wala 'yon, nandito talaga ako para tulungan ka, kayong lahat, masaya lang talaga ako dahil nakilala ko si Rocco at kayo, I never imagined that ganito pala kalalim ang pagmamahalan ng pamiya niyo." Haplos ni ate sa likod ko. "Sige na, aayusan na kita dahil ako rin pagkatapos."
"Sige ate, 'wag lang puputok ang blush on ah." Tawa ko pa. Nagtawanan naman kaming dalawa dahil sa sinabi ko. Ayoko lang talaga na sobrang kapal sa blush on tapos pulang pula pa na labi. Okay lang na simpleng touch of make-ups lang, maganda na ako doon. Oh diba, self-support ulit.
Hinanda na rin ni ate ang mga gagamitin niya na halos nakikita ko rin sa mga parlors. Dahil sa wala na nga akong buhok ay hindi na ako mahihirapan pang ayusan ni ate doon pero nagpumilit siyang isuot ko daw dahil mas perfect daw kung isusuot ko kahit atleast daw ay parang prinsesa daw talaga akong tingnan. Siya na rin mismo ang naglagay noon sa ulo ko. Naalibadbaran lang ako noong una dahil sa hindi na nga ako sanay na may patong sa ulo ko but then araw ko ito kaya kailangan paghandaan ko talaga ito.
Nilagyan ni ate ng kulot kulot ang buhok ko para daw hindi daw masyadong halata na wig ang suot ko at kapag titingin naman ako sa salamin, parang normal na Ruth lang naman ang nakikita ko, na nakawheel-chair. Maganda ka na, may sakit ka lang.
Pagkatapos ay inayusan na rin naman ako ni ate ng make-ups.
"Light colors lang ng ilalagay ko sayo kaya kahit anong suotin mo diyan sa tatlo mong gown eh, babagay sa make-up mo." Paliwanag naman sa akin ni ate Issabela.
Tinanguan ko na lang din naman siya at sinimulan na niyang lagyan ako ng eye-shadow, lipstick at light blush on. Nakapikit lang ako all the time dahil sinasabi niya lang naman kung anong sunod niyang gagawin. Kinakabahan nga ako makikita ko eh. Baka ibang Ruth ang makita ko o baka hindi ko na lang imulat dahil baka horror lang ang makita ko.
"Sige na, dilat ka na." sabi ni ate Issabela pero umiling ako. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa, "sige na, dilat ka na." ulit pa nito sa akin.
Bago ko imulat ang mga mata ko ay huminga muna ako ng malalim at ang una ko munang minulat ay ang kaliwa kong mata sunod ay dahan dahan na akong na-inlove sa sarili ko. Napangiti na lang din ako na makita ko ang sarili ko na gano'n kaganda. Agad ko namang niyakap si Ate Issabela dahil sa pagyakap niya sa akin.
"Diba, sabi ko sayo eh, make-up lang 'yan." Tawanan pa namin. "Sige na, mag-aayos naman ako sa sarili ko pagkatapos, isusuot na natin ang gown mo."
"Ano nga pala una kong susuotin?" tanong ko.
"The gold one. Sunod ang pink, last ang blue mo." Aniya saka siya pumwesto sa kaninang kinauupuan ko. Nakaupo lang ako sa wheel chair ko habang kinakabahan ako sa magiging resulta ng debut ko. Alas sais pa naman simula ng debut ko, eh alas cinco pa naman, medyo maaga pa naman kaya okay lang 'yan.
Dahil sa wala naman akong magawa ay pinapanood ko lang si ate Issabela sa ginagawa niya. Para siyang professional dahil ang galing niya. Kahit napaka-simple ng mga gamit na nilagay niya sa akin ay parang kinabog na lahat ng mga nagpagawa ng kanilang mukha.
Nakakabilib talaga.
Ilang saglit lang ng matapos si ate Issabela at sinuot na rin niya ang kanyang kulay blue at purple na pinaghalong kulay na kumikinang dahil sa glitter na pumapalibot dito. Ang princess lang tingnan ni ate dahil doon.
"Ngayon, ikaw naman." Sabi ni ate Issabela.
Pinilit ko namang tumayo at nagagawa ko naman kahit papaano. Nang ilapit na sa akin ni ate Issabela ang gown na kulay gold ay agad ko naman itong sinuot sa akin. Hindi siya mahirap igalaw. Ang comfortable lang sa pakiramdam ko at hindi ako nahihirapan gumalaw kahit na medyo pabilog ang hugis nito dahil may suot pa akong parang mga alambre sa palda ko para daw mas lumubo siya. Basta gano'n 'yon, hindi ko lang alam kung ano tawag don.
Dahan dahan naman akong umikot para ipakita kay ate Issabela ang design niyang gown para sa akin. Ang perfect, paano na lang kaya itong dalawa ko pang gown diba.
"This is your day, enjoy it, Ruth." Saka ako niyakap ni ate Issabela. "Oh, wag kang iiyak! Sayang ang make-up." Saka kami muling nagtawanan doon.
-SIXTEEN-
Dumating ang gabing inaasahan ko. Hindi ko pa nakikita ang venue, o kung saan ginaganap ngayon ang debut ko dahil diniretsyo nila ako sa isang kwarto kung saan ako lang mag-isa. Hindi rin naman matatanaw dito ang open space dahil nasa kabilang side ako ng kwarto, pero nae-excite talaga ako.
May kumatok naman ng kwarto at sumigaw ako, "pasok."
Dahan dahan din naman itong bumukas at lumitaw ang napakagwapo kong pinsan na si Rutheford. "Ready ka na daw ba?" tanong nito sa akin. Gwapo itong pinsan ko dahil blonde siya nang pinangak ang buhok, 'yon daw ay sa genes ng mom side niya tapos may dimples pa ang magkabilang pisngi isama mo pa ang greyish niyang mga mata.
I nodded to him, "oo." Tugon ko.
Tuluyan naman siyang pumasok ng kwarto ko at nang iurong ko ang wheel chair ko gamit ang kamay ko ay nahinto na lamang siya nang lapitan ako kaya nagtaka naman agad ako sa kanya.
"Wait? Naka wheel chair ka?" hindi niya siguro nakita kanina dahil sa laki ng gown ko.
"Oo, I have a cancer, did tito already mention it to you?" tanong ko sa kanya.
Agad naman niya akong inilingan, "I'm sorry, did I offend you?" Aniya.
Agad ko naman siyang inilingan, "no, okay lang."
Saka niya ako nginitian at doon nagpakita sa magkabilang pisngi niya ang kanyang cuties na dimples. "Can I?"
"Sure."
Lumapit naman siya sa akin at siya namang tinulak ang wheel chair ko. At nang malapit na kami sa open space ay naririnig ko na ang mga tunog.
"Be ready." Sabi sa akin ni Rutherford.
Muli naman akong huminga ng malalim at doon niya muli akong tinulak at doon ko lang nakita ang isang napaka-engrandeng selebrasyon ng aking kaarawan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ako mapakali at tinatanaw tanaw ko lang sila. It was such an amazing moment.
Natupad ang inaasam ko sa bucket list ko.
Makakahinga na ako ng maluwag.
Hindi rin ako makapaniwala sa dami ng tao na naririto. Mga kamag-anak namin, mga kaibigan ko, classmates at maging mga teachers ko. Ang dami nila. Gusto kong isa-isahin silang banggitin pero hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo halo ang feels na ngayon gabi, ganap na akong 18 years old.
Nakita ko rin ang 4 layers kong cake.
Hindi ako makapaniwala. Parang ang lahat ay isang panaginip na kapag kinurot ka nang isang beses magigising ka na pero ngayon, wala. Totoong too siya.
Umandar ang selebrasyon ng aking birthday hanggat sa time na for 18 roses.
Una kong mga nakasayaw ang aking mga pinsang lalaki na hindi ko naman masyadong close pero atleast bago ako mawala ay nakita ko sila at nakilala. Si Rutherford din ay naka-stay siya ngayon sa Australia at umuwi lang siya para dito sa 18th birthday ko at tuwang tuwa ako dahil hindi niya ako pinandirihan.
'Yon nga lang, ang kakaiba sa debut ko ay may mga mask silang lahat.
Hindi ko na lang iniisip na may sakit ako. Kasi alam kong mabubuhay pa ako ng matagal.
Nauna si Ram na sumayaw sa akin kasi sabi niya, first dance never dies pero ang pagkakaalam ko sa katagang 'yon ay first love never dies. At so kuya Rocco na pang 17 ko at si papa ang huli.
"Dalaga ka na..." sabi ni papa sa akin.
"Pa, naman..." ayokong umiyak kasi sabi ni ate Issabela masisira lang ang make up ko. "Pa, kapag nawala na ako. 'Wag niyo akong kakalimutan ah? Ipag-pray niyo ako lagi kasi ako hindi ko kayo iiwan, sasamahan ko pa rin kayo. Pa, mahal na mahal ko kayong dalawa ni mama. You're the best parents all over the world." Hagikgik ko pa pero si papa ay naiiyak na pala sa kadramahan ko.
Nang matapos ang 18 roses ay muli akong pinaupo sa aking wheel chair at muli akong dinala sa kwarto kung saan ako dinala kanina. Papalitan na nila ako ng gown at for the last program of my debut.
"Yey! Nakakatuwa kayo Ruth." Tawa pa ni ate Issabela habang sinusuot sa akin ang blue gown ko na halos umabot ng 3 pulgada ang haba ng palda nito. "Ayan! Perfect Princess!" sabi niya nang makita nang suot suot ko ang final gown na sinuot ko.
"Salamat ate."
"Ito na ang best part Ruth, i-cherish mo ito."
"Naman ate." Ngiti ko pa.
At tinawag na muli ni ate si Rutherford na siyang magtutulak na naman papunta sa akin sa open space. Siya nga rin pala ang escort ko dahil sila mama at tito ace ang may gusto no'n. Pero we're just cousins and friends.
"You're so beautiful." Sabi ni Rutherford sa akin.
"Ay nako, nahiya naman ako doon." Pabebe ko. "pero salamat." Ngiti ko sa kanya.
"Happy birthday again,"
"Thank you..." sabi ko pero walang salita kundi sa hangin lang.
At nang dumating ang oras para sa best part na ito ay dahan dahan na akong nilabas ni Rutherford sa stage na kanina ko ring pinasukan. Halos masilaw pa ako sa mga ilaw na tumatama sa akin dahil nagliliwanag ang kapaligiran at isama mo pa ang kalangitan na nagliwanag dahil sa mga fireworks na 'yon. At nang unti-unting mawala ang ilaw at sa akin na lamang ito nakatutok ay hindi magkamayaw ang kanilang palakpakan sa akin. Mas hindi ko naman mapigilan ang pag-iyak na nadarama ko. Nakita ko ang pamilya ko na tuwang tuwa sa akin. Lahat ay hindi ko kayang paniwalaan.
Pero natigil ang lahat, ang palapakan ng biglang humangin ng napakalakas.
Kahit ako ay natigil.
Naningas ang buong katawan ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.
Pero agad nila akong pinalkapan sa nangyari. Paano ba naman, hinangin ang suot kong wig. Natawa ako sa nangyari dahil parang tumigil ng tatlong segundo ang pangyayaring 'yon pero nabali muli ng kasiyahan.
Sabay sabay nila akong binati ng happy birthday na parang childrens party lang saka ko hinipan ang 4 layer cake ko at nagwish na.
"Kahit isang taon na lang tumagal pa ako, sana."
Saka ako dumilat at pinunasan ang mga luha ko.
"Maraming maraming salamat sa inyong lahat, I would never ever forget this event of my life. Siguro, kapag nawala na ako itong moment na 'to sa buhay ko ang dadalhin ko. Lahat kasi ng mga taong mahahalaga sa akin, nandito na. Guys, hindi pa ito ang huli. Hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Salamat sa inyo."
At nilapitan ako ng aking pamilya at nabuo ng isang malaking yakap.
Bucket list number 9. 18th Birthday Grande Celebration. Tapos na kita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top