Kabanata 14
Kabanata 14
☑8. Confront the feelings to the one I love and fall in love.
It was accomplished. Though confronting my feelings for him is enough for saying that he's only just a bestfriend to me pero sinabihan ko siya na kapag nabuhay ako at hindi ako namatay sa araw na binigay sa akin ay sinabihan ko siyang bumalik sa akin at sasabihan ko na talaga sa kanya ang true feelings ko for him, just for now ayoko siyang paasahan sa sitwasyong ito dahil kapag pinilit ko naman ang gusto ko tapos sa huli siya rin ang maghahanap sa akin. No way pa rin kaya pipiliin kong manahimik na lang muna ngayon hanggat hindi pa dumadating sa akin ang puntong kailangan na akong kunin.
Nakakalahati na rin naman ako ng bucket list ko. Lima na ang nagagawa ko sa bucket list ko at lima na lang ang natitira pero tatlo na lang naman ang gagawin ko kasi ang dalawa naman madali na lang din sa akin ang makita ang sunset at ang madonate ang wig ko sa ibang cancer survivor. So tatlo na lang talaga ang medyo aasa ako... ang makita ang favorite author kong si Celina Montevaldez at ang inaasahan kong engrandeng debut ko.
Sinabi ko kasi sa kanila na simple na lang ang gawin pero aasa ako na mas gagawin nilang engrande ang pagdiriwang ko na 'yon.
Nandito pa rin ako sa hospital at tumagal na ako dito ng ilang araw na pananatili ko dito at pilit ko namang nilalabanan ang boredome ko dito. Patuloy lang din ang chemo therapy session ko na umabot na sa fifth session kanina lamang. Pero kahit na kini-chemo ako ay nararamdaman ko ang side effects no'n sa katawan ko, ang pamamayat ng katawan ko. Minsan nawawala na ako ng ganang kumain at hindi ako makapaglakas ng walang aalalay sa akin kaya kailangan lagi akong naka-wheel chair kung saan man gusto ko na pumunta.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon si Ram kasama nina kuya Rocco at Ate Issabela. May dala dala silang j.co donuts at drinks. Napangiti naman ako sa kanila pero baka bawal lang din sa akin ang kumain ng matamis at baka lang mas lalong makasama sa akin.
"Kain ka, Ruth?" pagyaya sa akin ni ate Issabela.
Inilingan ko naman siya, "hindi na po. Okay lang po sa akin." Ngiti ko pa sa kanya.
"Kahit isa lang Ruth, hindi naman ata makakapatay sayo ang isang donut diba?" sabi naman ni kuya Rocco.
"Tama si Rocco..." pagsang-ayon ni Ram. "Ito oh." Saka niya ako inabutan ng isang donut. "At isa pa, may sopresa pa kami sayo."
Napakunot naman ang noo sa sinabi ni Ram. Surpise? Kailan pa natuto si Ram gumawa ng surprises, sa pagkakaalam ko hindi siya mahilig sa surprises dahil ang gusto niya eh 'yong biglaan pero parang gano'n na rin 'yon diba? Dibale na, minsan lang kung mag-surprise at kung ano man 'yon, kailangan masurprise talaga ako doon.
"Saglit lang." sabi ni Ram at tuloy tuloy naman siyang pumunta sa pinto na parang may kinakausap doon.
Kunot noo na lang ako dahil hindi ko alam o kung sino man 'yon, "sino ba 'yon?" tanong ko kila kuya at ate Issabela pero ngiti lang ang binigay nila sa akin.
Nang ibaling ko muli ang tingin ko sa pinto ay unang pumasok muli si Ram at ang kasunod nito ay isang babae na nakaharap pa kay Ram at nang sa akin naman ito lumingon ay halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko at kasama nito ang kanyang asawa na si Yuie Danaro. Hindi maalis sa mga labi ko ang labis na pagkamangha na makita ko sila mismo sa harapan ko. Palapit siya ng palapit sa akin hanggat doon hindi ko pa rin ma-realize na totoo ang lahat na nangyayari sa akin. Na totoo ang lahat.
"M-miss Celina?" nauutal ko pang bigkas ng pangalan niya at nang tinanguan niya ako ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya at kitang kita ko ang magaganda niyang ngiti. Nakakabilib dahil noon binabasa ko lamang ang kanyang mga akda pero ngayon siya na mismo ang nasa harapan ko.
"Ruth right?" bigkas niya naman sa pangalan ko. Mas lalo kong hidni napigilan ang feels ko dahil parang sasabog na ako anytime at kahit kailan hindi ko naimagine na masosolo ko siya at kasama pa niya ang asawa niya na si Yuie.
Mabilis ko naman siyang tinanguan at anng makalapit naman sila sa akin ay bumango ako para yakapin ko siya. Ang lambot ng yakap niya at ang warm lang sa pakiramdam at nang mapansin kong nakatingin sa amin ang asawa nitong si Yuie na naka-leather jacket ay pinalapit ko rin saka ko niyakap.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at naiiyak na ako. Bumuhos na ang feels ko at nang umalis ako sa pagkakayakap sa kanila ay nakita nila ang mga mata kong umiiyak sa kaligayahan.
"Naku! Bakit ka umiiyak?"
Tumawa-tawa naman ako habang pinupunasan ko ang luha ko sa pisngi ko, "tears of joy lang po."
"Nakakatuwa ka naman." Aniya. "Salamat naman at gusto mo akong makita." Dagdag pa niya.
"Opo! Isa ka po kasi sa favorite kong authors maliban po kay John Fowler ay isa ka po doon. Nakakabilib po kasi ang story mo at akala mo ay ikinumapara sa totoong buhay." Pagpupuri ko pa. "Totoo nga po ba 'yon?" ngiwi ko pa.
Tinawanan naman nila ako sa tanong ko maging si Yuie. "No, they were written pure fiction." Sabi ni Miss Celina na tinanguan ko naman. "At oo nga pala, magkakaroon na rin ng movie ang A Writer Damned Story at gusto ko kasama ka sa mga manonood kasama namin." Nakangiti pang sabi niya sa akin.
Pero napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at bahagyang ngumiti, "mukhang hindi ko na po ata aabutan 'yang movie po ng AWDS dahil mas pitong araw na lang po akong natitira na mabuhay. Bilang na lang po ang oras ko. Hinding hindi na po ako aabot." Sabi ko pa.
Nagkaroon naman ng katahimikan sa paligid na binali ni ate Issabela na binigyan naman ang mga bisita ko nang pagkain. Pinapanood ko lang silang dalawa dahil hindi ko akalain na makikita ko sila ngayon. Na hanggang pangarap na lang ang one to one ko sa kanya pero ngayon na nangyari ang lahat na pinapangarap ko. Nakita ko siya at nakasama ko siya bago ako mawala. Natutupad na nga isa-isa ang mga bucket list ko at hindi ako mahihirapan dahil sa araw na palapit na palapit ang deadline ko ay doon ko nagagawa ang mga naka lista sa bucket list ko.
"Nga po pala, paano niyo po nalaman dito?" tanong ko naman kay Miss Celina.
Hinarap naman niya ako at tinuro si Ram na kumaway din sa akin, "Siya si Ram Samonte. Last week nang mag-email siya sa akin pero in-ignore ko lang dahil akala ko fan message lang pero may nag-ugat sa akin na kailangan kong i-open 'yong email na 'yon at nang mabuksan ko naman ang email na 'yon ay nabasa kong gusto mo nga daw akong makita dahil fan na fan mo nga daw ako tapos nang mabasa ko an may cancer ka, hindi na ako nag-atubili na hindi reply-an si Ram at sinet ko ang date na 'to para makita ka."
Napatingin naman ako kay Ram at kinindatan naman niya ako.
"Salamat kay Ram dahil nakilala ko ang isang tulad mo. Thank you sayo dahil may isang tao pala talaga na hindi nagsasawang suportahan ka. Payakap nga."
Agad ko namang binigyan ng yakap si Miss Celina. Ang sarap sa feeling na nag-effort pala talaga si Ram sa sinabi ko noon sa kanya na gusto kong makita si Miss Celian at hindi naman niya ako binigo. Akala ko nga nakalimutan na niya 'yon dahil wala naman siyang kinukwento sa akin kaya hindi ko na rin naman siya pinakelamanan do'n kasi baka wala talaga siyang balak pero ibang klase talaga si Ram. Hindi niya talaga ako pinapaaasa.
"Ram! Pakuha no'ng libro dali!" utos ko kay Ram dahil sa sobrang excited ako. Hindi ko pa rin maipinta ang halo-halong excitement sa akin dahil kahit ngayon na isang oras nang nagtatagal sila ay hindi pa rin ako nagsasawag makasama sila. Si Ram kasi katabi si Mister Yuie sa upuan habang magkausap silang dalawa habang si Miss Celina ay nakaupo sa paanan ko.
Agad namang binigay ni Ram ang libro sa akin at inabot naman ito kay Miss Celina.
"Wow naman, alagang alaga." Sabi ni Miss Celina nang makita niyang naka-plastic cover pa ang book, at walang ni isang gasgas o lupi sa mga pages. Maingat lang talaga ako sa mga bagay na mahalaga sa akin dahil kahit kailanman ay hindi mapapalitan ng isang bagay ang isang bagay na may kakaibang kahalagan. "Saan ko ba ilalagay?" tanong niya sa akin.
"Kayo po bahala." Sagot ko naman.
At pinanood ko naman siya habang pinipirmahan ang libro ko pero hindi lang basta pirma iyon dahil may mahabang dedication pa siyang sinama. Natigil lamang siya ng tawagin siya ni Mister Yuie.
"Ngayon na talaga?" dismayadong sabi ni Celina sa asawa niya. Humarap naman sa akin si Miss Celina na nakanguso. Wah! Ang cute niya. "Sorry Celina pero kailangan na naming umalis dahil may dadaanan pa daw si Yuie." Saka niya inabot sa akin ang libro ko.
"Okay lang po, atleast nakita ko na kayo."
"Oo nga, salamat din sayo."
"Pwede po ba pa-picture?"
"Ay oo naman!" excited pa niyang sabi.
Si ate Issabela na ang nag-prisinta na magpipicture sa amin kasama si Ram at si Yuie. Kaming apat sa isang litrato at humirit pa si Miss Celina na sa cellphone naman daw niya kami magpicture. Nakakatuwa lang dahil nakikisama silang dalawa sa amin at enjoy na enjoy rin naman.
Humirit din ako ng isang yakap kay Miss Celina ng isang yakap at tuluyan na silang lumabas ng kwarto ko.
Napahiga na lang ako bigla sa kama habang yakap yakap ko ang libro na pinirmahan niya. Itatago ko rin itong ballpen na hinawakan niya. Hindi ko talaga ma-explain ang nararamdaman ko ngayon basta ang nangingibabaw doon ay sobrang tuwa.
Binuksan ko namana ng libro at sa unang page nito ay halos mapuno na nang dedication ni Miss Celina sa akin at ang nagpaiyak naman sa akin sa nabasa ko ay ang 'See you soon, again Ruth'. Hindi ko alam kung magkikita pa kami soon pero atleast nakita ko na siya ngayon bago ako mawala.
"Ano masaya ka na?" lapit ni Ram sa akin.
Agad ko naman siyang niyakap din at hindi ko rin mapigilan ang pagyakap ko sa kanya dahil sa sobrang kaligayahan na binigay niya sa akin. Akala ko kung ano nang surprise ang bibigay niya sa akin, 'yon pala eh si Miss Celina na pala 'yon.
"Salamat, Ram. Akala ko sinukuan mo an dati 'yong pag-email mo kay Miss Celina eh. Thank you talaga dahil hindi mo ko binigo. Nasurprise din talaga ako doon. Thank you for everything, Ram. Isa ka talagang maasahan."
Bago pa siya magsalita ay nagpapogi pa, "syempre naman. Ako pa ba?"
"Ang saya niyo talagang tingnan, parang kayo talaga." Napatingin naman kami kay Ate Issabela at sabay sabay na nagtawanan.
Ngayon ko lang ulit ito naramdaman. Ang sobrang sumaya sa isang bagay na inaasam ko.
Dumating din naman ang kinagabihan at muli kong kinuha ko ang notebook ko, isa na naman ang naacomplished ko sa bucke list ko at kaunti na lang talaga ay matatapos ko na siya. Matatapos ko na talaga siya.
☑ 7. Meet my favorite author.
Four more to go and I am done.
"Wait, Ruth, ilan pa ba ang hindi mo natatapos?"
Nilingon ko naman si Ram, "apat na lang Ram. Apat na lang para sa pitong araw."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top