Kabanata 13

Kabanata 13

It was such a badass thing that I will spend the half of my existence here in the hospital because of my illness. I don't like here, I'd rather to take some rest at home. I'm still at the point of how could I finish my bucket list when I'm at here. Well, 'yong mga natira na lang din naman eh 'yong madadali na lang din at hindi ako mahihirapan pero syempre kailangan mong kumilos just to finish it.

Ang mga natira na lang ay:

1. Experience Sunrise and Sunset.

2. FINISHED.

3. Donate my hair to some cancer survivors.

4. FINISHED.

5. FINISHED.

6. FINISHED.

7. Meet my favorite Author.

8. Confront my feelings to the one I love and fall in love.

9. 18th Grande Debut Celebration/

10. I want to sleep when the day comes with my parents.

I almost finished four lists, one and three is so simple but then how could I see sunset if I'm here at the hospital room. You can see just white walls beneath your surroundings and such. Hindi ako magtatagal sa isang lugar na hindi ko mahahanap ang kasiyahan ko. Hindi ko alam kung paano ako kakagaling kung lagi akong nakakulong sa isang kwarto. Mas kinakain ako ng sakit ko. Mas lalong lumalala kung nakahiga lang ako.

So ang mahirap lang talaga gawin ang pang-seven at eight. Wala pa akong alam kung may progress na ba sa nangyaring pag-email ni Ram kay Celina Montevaldez at mukhang mahihirapan dahil alam kong busy naman ang taong 'yon sa career niya at syempre may asawa siya kaya siguro hindi papasok ang pag-iimbita ko na makita ko siya. Ano ako special para lang makita siya? Hindi 'yon papayag.

Edi hindi ko rin pala matatapos ang bucket list ko kasi hindi naman pala mangyayari ang number seven and number eight. Kanino ba ako magtatapat? Sa taong papasok ng kwarto ko at sasabihan akong okay na ako? Imposible naman diba? Pinag-isipan ko ba talaga 'to? Kung kailan nalalapit na ang mga araw ko ay doon pa ako susuko.

Natigil lamang ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto, pumasok siya at nang makita kong si Ram iyon at may suot siyang kulay blue na mask sa kanyang mukha. "Oh! Ruth? Okay ka na ba?" tanong nito sa akin.

Napahinto naman ako sa sinabi ni Ram dahil kanina lang inisiip ko na ang taong mapagtatapatan ko ng feelings ay 'yong taong papasok sa kwarto ko sasabihan ako ng okay ako at sa kinamalas-malasan nga naman oh at si Ram Samonte pa iyon. Well, hindi ko rin naman maitatanggi na may something talaga sa pagiging bestfriend namin pero hindi namin binigyan ng malisya ang nasa pagitan naming dalawa.

Mag-bestfriend lang talaga kami. Ewan ko kung lumalala pa.

"Medyo okay na naman ako." Ngiti ko pa sa kanya.

Naupo naman siya sa kama na pinaghihigaan ko sa bandang paanan ko. "Sigurado ka? Kasi kung hindi iiwan muna kita para makapagpahinga ka." Aniya.

Mabilis naman akong napailing sa kanya, "okay lang talaga, Ram. Umuwi ka ba?" tanong ko naman sa kanya.

"Oo, umuwi ako at nagpaalam ako na dito ako pupunta sayo. Sabi nga ni mama eh gusto niyang pumunta sabi ko 'wag na kasi baka mairita ka pa kapag maraming tao dito sa loob ng kwarto mo." Paliwanag naman niya sa akin.

Bumangon naman ako ng dahan dahan na siyang inalayan naman ako, agad ko namang hinawakan ang kamay niya at hinaplos-haplos ito. "Alam mo sobra kang caring sa akin, sobra mo kong inaalala. Kahit gasgas lang noon ang nangyari sa akin, natataranta ka na. Ram, alam mo, hindi ko alam kung ano pa ba ang ituturing ko sayo. Bestfriend na nandiyan palagi sa akin o manliligaw na gagawin ang lahat para lang mapasagot siya ng babaeng kinahuhumalingan niya. Ano ka ba talaga sa akin Ram?"

Diretsyo kong titig sa kanyang mga mata. Ngayon ko lang din napansin na mapupungaw ang kanyang mga mata na parang walang dinadalang problema, kulay brown din ang mga ito.

"Gusto mo malaman?" ngisi pa niya. Wala naman akong sagot sa kanya at hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa kanya. "Kasi gusto kita, Ruth."

May biglang kung anong kumabog sa kaliwang dibdib ko na hindi ko alam kung anong pinahihiwatig. Maging ang paghahalo-halo ng pakiramdam ko ay hindi ko maipinta ang nararamdaman ko. At sa mga salitang binitawan niya sa akin ay napangiti na lang din ako. Napangiti kasi alam kong may hihigit pa pala doon sa pagiging bestfriend na turingan namin sa isa't isa.

"Ikaw, ano ba ako sayo?"

"Bestfriend." Sagot ko.

Agad naman niyang hinila ang kamay niya sa pagkakahawak ko sa kamay niya at tinalikuran pa niya ako. Kinikilit ko naman siya pero wala siyang response doon. Nasaktan ko ba ang damdamin niya doon? Ang hirap naman kasi ng kalagayan ko ngayon eh. Hindi ko alam kung meron din ba dapat akong maramdaman sa kanya.

Hinawakan ko naman siya sa balikat niya. Nagtampo pa ang isang 'to. Nako.

"Alam mo Ram..." buntong hininga ko pa bago ituloy ang sasabihin ko. "Don't ever fall inlove with me."

At sa mga sinabi kong iyon ay doon niya lang ako hinarap. Kahit masakit sa damdamin na itapon mo na lang 'yong nararamdaman niya para sayo eh wala kang magagawa dahil hindi ko naman mapapanagutan 'yon kapag nawala na ako. Hindi ko mababalik ang mga effort na binigay niya kasi wala na ako. Ika nga, one sided love kung ipagpapatuloy niyang mahulog sa akin. Siya lang ang nagmamahal. Minamahal niya 'yong puntod ko.

"Ruth..." aniya.

Bahagya ko naman siyang nginitian, "Ram, everything happens for a reason. You can't fall in love to a person that will die sooner or later. Please fall for the one that will live longer than 18 years. I'm not the one for you Ram, maybe we can still be bestfriends for life and death but I can assure, If I don't die..."

"What?"

"Come back to me."

Hindi siya sumagot kundi humugot lamang siya ng malalim na hininga maging ako rin.

"I will." Aniya.

Mayamaya lamang ay inaya niya akong lumabas kami papunta doon sa hospital garden daw. Kinuhaan naman nila ako ng wheel chair dahil medyo hinihingal na nag rin ako kapag naglalakad ako kaya kailangan ko na talaga mag-wheel chair. Inalalayan naman ako ni Ram na makaupo wheel chair at inayos niya rin ang nakasuot sa aking dextrose at saka niya ako tinulak palabas ng kwartong iyon.

Pero hindi pa rin ako nakakawala sa prisinting ito. Oo para sa akin para akong nasa-selda na may sakit dahil nakakulong ako doon at naghihintay ng may magsisiitensya sa akin pero sa kalagayan ko, hinihintay ko na gumaling ako pero sobrang imposible na mangyari ngayon sa akin iyon. Papunta na rin daw kasi sa stage 3 cancer ang sakit ko.

Kung hindi ko daw sana pinapagod ang sarili ko noon na namamahinga lang daw dapat ako sa bahay at posibilidad na maging survivor ako pero hindi eh. Lalala pa ata siya. Patuloy pa rin naman ang pagki-chemo ko dahil sabi nila na pinapatay nito ang cancer cells ko sa katawan ko pero parang hindi naman, ako ang pinapatay nito.

Namamayat na rin ako.

At mukhang walang sigla.

Napapalibutan lang talaga ng sakit na papatay sa kain.

Nang madala naman ako ni Ram sa hospital garden ay may nadatnan naman kami doon na batang naka-wheel chair naman. At nang makita ko siya ay batang babae ito na katulad ng kalagayan ko ngayon, kalbo rin siya.

"Hello." Nakangiting bati ko naman sa kanya.

"Hello din po ate." Aniya pero wala akong nakitang ngiti sa kanyang mga labi niya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko naman sa kanya.

"I have a cancer po ate." Sagot naman nito sa akin.

"Pareho pala tayo." Sabi ko sa kanya at nang tumingin siya sa akin na kunot ang noo. "Pero sakin palala ng palala." Buntong hininga ko pa.

"Baliktad pala tayo ate eh..." she paused. "Ako gumagaling na po ako sa sakit ko, skin cancer po ang meron ako at mabilis naman pong naagapan ito pero hindi po talaga naiwasan ang paglalagas ng buhok ko. Ikaw ate ano sayo?"

"Lung cancer, and I still have 8 days para mabuhay sa mundong ito." Muli ko na namang buntong hininga.

"Ah, Ruth, bibili muna ako maiinom natin ha?" sabi ni Ruth. Tinanguan ko naman si Ram at siya namang umalis.

"Ano mo 'yon ate? Boyfriend mo?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Bakit ba lahat sila pinagkakamalaman na boyfriend ko si Ram kahit hindi naman. "Hindi ah, bestfriend ko lang siya."

"Ah, ang close niyo po kasi masyado eh." Aniya. "Pero po, ano pong sinasabi niyong 8 days na lang po kayo?"

Umayos naman ako ng pagkakaupo ko sa wheel chair ko.

"Noon wala pa akong alam sa sakit ko, ni hindi ko nga maramdaman 'yong mga sintomas noon sa akin pero noong isang araw na mahimatay ako at dinala ako sa hospital at dito rin 'yon ay nadiagnosed akong may lung cancer at doon ko na rin naramdaman ang mga sintomas sa akin. At ang malala ko pang nalaman no'n eh 'yong 16 days na lang ang nalalabi kong araw para mabuhay at ngayon, 8 days na lang ang natitira sa akin. At sa 8 days na 'yon, mamamaalam ako sa mga mahahalagan tao sa buhay ko." pinunasan ko naman ang luhang hindi ko na namalayan na tumutulo na pala. "Alam mo, pagaling ka na, alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang magpapabaya sa sarili mo. Kasi life is just one time."

Hinawakan naman niya ang kamay ko, "ate alam kong gagaling ka. Alam kong tatagal ka pa. Alam kong kaya mo pa."

"Maxine!" napatingin naman kaming dalawa sa lalaking nagsalita at nakita ko ang lalaking pamilyar sa akin, na nakita ko na noon.

"Kuya!" sabi naman nitong batang babae na hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Wait! I know you." Tinuro pa ako nito nang makalapit siya sa akin. "Oo natatandaan kita, ikaw 'yong nalaglag sa threadmill noon." Aniya pa.

At doon ko lang din naalala na siya nga pala iyong tumulong sa akin noon. Kapatid niya siguro itong kinakausap ko kanina na siguro'y pangalan ay Maxine ayon sa pangkakarinig ko sa kanya.

"Naaalala mo pa ako, nice." Ngiti ko pa sa kanya.

"Oo naman, hindi ko makalimutan kung paano ka nalaglag doon sa threadmill." Tawa pa niya. Napangiwi naman ako sa pagtawa niyang iyon at natigil din naman siya bigla. "Ano nga palang nangyari sayo?"

"Kuya, may cancer siya at may walong araw na lang siyang natitira para mabuhay." Sagot naman ni Maxine.

"Pero bakit noon? Para wala ka namang sakit?" tanong pa niya sa akin.

"Kasi hindi pa ako kinakain ng sakit ko no'n ngayon, lumalala na siya." Ngiti ko pa sa kanya.

Nagkaroon naman ng katahimikan sa paligid at kahit ako ay hindi na nagsalita. Nakatingin lang ako sa view na ang sarap sa mata at ang huminga dahil nasa garden ka naman.

"Ah, Ruth? Tama ba? Mauuna na kami sayo ha, hinahanap na kasi si Maxine sa loob eh." Aniya.

"Sige..." at maalala ko ang yarns ko. "Saglit lang, may ibibigay lang ako kay Maxine."

Kinuha ko naman ang kulay blue na yarn sa bulsa ko ay isinuot naman 'yon sa kanyang right wrists at binulungan ko na lamang siya ng thank you at saka sila umalis ng kuya niya.

Naiwan na naman din akong mag-isa at sakto rin naman ang pagbalik ni Ram na may dala dalang Gatorade na kulay blue at yellow.

"Yellow sa akin." Sabi ko. Inabot naman niya sa akin 'yon at binuksan ko naman.

"Nasaan na pala 'yong kasama mo kanina dito?" tanong niya sa akin.

"Bumalik na sa kwarto niya, Ram..." hinto ko pa. "Sige na, ibalik mo na rin ako sa kwarto ko. Manood na lang tayo doon ng cartoons."

"As you wish." Saka niya tinulak ang wheel chair ko patungo sa kwarto ko.

At nang makarating naman ako sa kwarto ay inalalayan niya akong makahiga at kinuha ko naman ang notebook ko. Binasa ko, ano na nga bang sunod kong gagawin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top