Kabanata 10
Kabanata 10
Pagkagising ko ay naramdaman ko na lang na may bimpo ako sa noo ko. Hindi ko pa rin pala suot ang wig ko. At sunod na lang din na nangyari ay pumasok si kuya Rocco sa kwarto ko kasama niya si Ate Issabela.
"Gising ka na..." sabi ni kuya nang makitang mulat na ako. "Okay na ba pakiramdam mo?" aniya.
Tumango naman ako kay kuya at umayos naman ng pagkakaupo, "Opo kuya, medyo nabigla rin siguro ako kagabi." Sabi ko na lang sa kanya.
"You better get some rests na lang talaga Ruth, makakalala sa katawan mo kung mag-gagalaw galaw ka diyan." Sabi naman sa akin ni ate Issabela.
Napailing naman ako sa kanya at bahagyang napayuko, "Ayoko naman po kasing mawala na lang sa mundo, sa buhay niyo nang wala akong ginagawa. Gusto ko kasi bago ako mawala, marami akong masasayang nagawa. Mas mapapanatag ang loob ko kaysa naman sa walang ginagawa." Ini-angat ko ang ulo ko at tiningnan. Natulala naman ako kay Ate Issabela na umiiyak pero agad niyang pinunasan na nakangiti.
"Halika nga, payakap." Aniya.
Lumapit naman ako kay Ate Issabela at siya namang niyakap ako nito. Sa hagkan niya ay nararamdaman mo na mapagkakatiwalaan mo siya at alam mo na hindi ka niya papabayaan. Ngayon pa lang, alam kong nasa mabuting kamay din si kuya Rocco dahil sa maamong mukha pa lamang ni Ate Issabela ay magkakaroon ng tinatawag nilang forever.
"Hindi man kita nakasama sa buong buhay mo pero dahil sa mga kinukwento sa akin ng kuya mo, parang kapatid na rin ang turing ko sayo, Ruth. Mahal ka namin ng kuya mo." Aniya.
Atleast kahit papaano ay napagaan ni ate Issabela ang pakiramdam ko at umaasa na gagaling nga ako sa sakit ko. Sana nga hindi na pumunta sa stage 3 ang sakit ko at mapigilan ang paglala pero no one knows eh. Hindi natin hawak ang buhay natin pero nandito nga tayo para pangalagaan at humaba ang buhay.
"Ruth, may gagawin ka ba?" tanong sa akin ni kuya nang makaaalis ako sa pagkakayakap kay Ate Issabela.
Tumango naman ako sa kanya ng mabilis, actually marami-rami pa ang gagawin ko. "Meron kuya, bakit?"
"Tatanungin sana kita about doon sa debut mo, ano ba gusto mo?" aniya.
Mas lalo namang ang tibok ng puso ko dahil sa excitement ko, "Omg lang kuya! Ikaw rin? Kahit ano lang, kahit simple lang basta 'yong hindi natin makakalimutan." Ngiti ko pa sa kanya.
"Oh I have an idea."
"Ano 'yon?" tanong ni Kuya kay Ate Issabela.
Tumingin naman sa akin si Ate Issabela, "Maiwan ka muna namin ha?" aniya. Magsasalita pa sana ako pero nauna na silang lumabas ng kwarto ko.
Hindi man lang ako sinama sa pag-uusapan nila pero sige, sila nang bahala doon. Sabi ko nga doon sa bucket list ko, engrande kung maaari pero kung hindi naman mangyari 'yon, atleast dumating sa buhay ko na naging 18 years old ako at naranasan ko ang magdebut kasi ang ibang tao ay hindi nila nagagawang i-celebrate kaya kuntento pa rin kung anong meron sa akin kasi nagagawa ko ang gusto kong gawin.
Kinuha ko naman sa study table ko 'yong binili kong yarn na kulay red, blue at pink. Kaya 'yong tatlong kulay na 'yon ang binili ko kasi may sinisimbolo sila.
Red is for I love you.
Blue is for Thank you.
Pink is for Sorry.
Habang ginugupit ko naman isa-isa ang yarn ay marami na rin akong naisipan na ibigay ng ganito. Marami akong gustong sabihan ng I love you sa pamilya ko at thank you sa mga kaibigan ko at sorry sa mga nasaktan ko. Kung susumahin, marami talaga sila kaya lang hindi ko maisa-isa dahil hindi ko maaalala na 'yong iba pero kahit anong mangyari bibigyan ko sila nito at kapag nabigyan ko sila ng kahit isa sa mga yarn na 'yon ay magiging panatag na ang loob ko dahil doon ay naging expressive akong tao sa way na pagbibigya ng yarn.
Naisip ko lang ang gawaing ito na may mapanood ako sa isang tv kaya ginaya ko na rin. Hindi masama kung gagayahin, for sake rin naman.
Isang oras ang inabot ko nang matapos ko ito at ang iba naman ay tinali ko na parang tirintas na kapag isang tao ay gusto kong bigyan ng yarn na sorry, I love you at thank you ay para na siyang bracelet na reggae basta gano'n siya.
Nilagay ko naman ito sa pouch ko at pinagsama-sama ang color ng red, blue at pink at ang yarn na nasa iisa na lang.
Tumayo ako at tumingin sa salamin. Napangiti naman ako ng makita kong parang normal pa rin naman ako at parang walang dinadalang sakit. Nasanay na rin ako sa kalbo kong ulo na sa tuwing makikita ko ay napapangiti na lang ako, tulad noong nakaraan na naiinis pa ako pero ngayon, parang unti-unti ko na siyang ina-accept dahil kahit anong mangyari doon din ako mapupunta eh.
At kinuha ko naman ang wig ko na nakasabit at sinuot ko sa ulo ko. Gano'n pa rin. Maganda ka pa rin, Ruth kahit may buhok o wala. Oh diba, self-support lang ang peg ko.
Pero bago ako lumabas ng kwarto ko ay ini-scan ko muna ang notebook na pinaglagyan ko ng bucket list ko.
"Dalawa na..." sabi ko nang makita kong dalawa na ang nache-check-an ko o na-accomplished ko sa bucket list ko. So there will have 8 more to go at kailangan ko nang matapos 'to before na lumala ang sakit ko. Ang birthday ko naman kasi ay 2 days before na tinakda sa akin at ang natitirang isang araw na 'yon ay i-reminisce ang lahat ng ginawa ko sa loob ng 18 years ko na nabubuhay pero ngayon na I still have 12 days para sa ganito.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko naman silang lahat na nasa sala kasama si Ram. At kailan ko pa siya na pumunta dito. Ambisyoso 'to.
"Ram, bakit ka nandito?" bungad kong tanong sa kanya nang makita niya rin ako.
Napakamot naman siya sa batok, "Ay bawal?"
"Pinapunta ko siya..." sabi naman ni mama.
Napatango na lang din ako at napansin ko naman kay Ram na matawa-tawa siya kaya inirapan ko na lang din siya. Naupo naman ako sa sofa na kaharap si Ram. Inaabot abot naman ng paa nito ang naka-stretch kong paa kaya sinipa ko siya bigla dahil hindi matahimik.
"Oo nga pala Ram! Aalis tayo!" sabi ko.
"Teka, saan kayo pupunta?" eksena ni kuya Rocco.
Sasagot sana ako ng si Ram ang sumagot sa kanya. Napaka-epal talaga. "May bucket list kasing ginawa si Ruth at kailangan niyang gawin 'yon in 16 days. Ewan ko nga diyan kung ilan na natapos niya eh. Hindi pinapaalam."
Napangisi na lang din si kuya Rocco sa sinabi ni Ram at tumingin sa akin, "May natapos na nga ba?" tanong nito sa akin.
Mabilis naman akong tumango kay kuya pero hindi ko sinabi kung ilan na ang natatapos ko. Ayokong sabihin, ayokong ipaalam. Secret na lang muna 'to sa akin. Malalaman naman nila 'to kapag nawala na ako. Makikita at mababasa na nila ang mga sinulat ko doon.
"Ilan nga kasi Ruth?"
"Bakit ba Ram?" pagtataray ko pa sa kanya. "Basta, samahan mo na lang ako mamaya."
Wala naman siyang nagawa kundi sumunod sa sinabi ko. Siya lang din naman kasi makakasama ko sa ganito at nag-promise naman siya sa akin na tutulungan niya akong gagawin na matapos ang bucket list ko kaya wala lang siyang magagawa na umatras dahil sinabi niya 'yon mismo sa akin.
"Teka lang may tanong ako." Napatingin naman kami kay Ate Issabela na nagsalita. Napakunot naman ang noo sa kanya. "Magboyfriend kayo?" aniya na tinuturo-turo pa kaming dalawa ni Ram.
Mabilis naman akong sumagot, "No way!" sabi ko agad.
"Aray naman." Nanlaki naman ang mata ko sa inakto ni Ram na nasasaktan kunyari siya at may pahawak-hawak pa sa kaliwang dibdib niya. "Bakit mo ko tinaggi Ruth? Masakit!" aniya.
Agad ko naman siyang binato ng unan sa tabi ko at doon siya nagtatawa-tawa.
Inirapan ko naman siya at hinarap ko si Ate Issabela. "Magbestfriend lang kami niyan ate, no more and no less." Ano raw? Haha.
"Ah gano'n ba? Para kasing may something between sa inyo."
"Kay between lang po 'yon." Hagikgik pa ni Ram.
Leche talaga 'to. Nagagawa pang magbiro.
Ilang saglit lamang ay nagpaalam na rin naman kami na lalabas na kami ni Ram para gawin ang bucket list ko. Hindi ko naman sinabi na gagawin ko ang bucket list ko, sinabi ko lang na mag-iikot lang kami.
"Ngayon, ano na namang gagawin mo?" tanong ni Ram sa akin.
"Basta, sumunod ka na lang sa akin." Sabi ko.
At sa paglalakad namin ay may nakasalubong kaming isang babae na mukhang may hinihintay at parang kanina pa siya diyan. Gulo gulo na rin ang kanyang buhok. At dahil sa kuryusidad ko ay nilapitan ko naman siya at kinausap.
"Anong problema mo miss?" tanong ko sa kanya.
Hinarap naman niya ako na mangiyak-ngiyak siya. "Naiwan ata ako ng service namin at hindi ko alam kung saan papunta doon."
Napatingin naman ako kay Ram at kinibit-balikatan niya lang ako. Muli ko namang tiningnan si ate na nag-aalala na. "Saan ka ba pupunta?"
"Sa tagaytay po 'yon at hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa mama ko kapag umuwi ako ng bahay." Ngiyak pa niya.
"Teka, ano bang gagawin niyo sa tagaytay?"
"Tree planting po." Aniya.
Agad naman akong napa-isip no'n. Medyo malayo nga ang tagaytay dito kaya hindi talaga siya makakasunod doon bukod pa ay siguro traffic na papunta doon at tiyak na hindi na siya makakaabot doon.
"Saglit lang, kung hindi ka namin matutulungan papunta doon ay pwede ka naman namin dalhin sa isang tree planting site dito sa city lang natin." Sabi ko sa kanya.
"Oo meron din akong alam, malapit lang dito." Dagdag naman ni Ram.
"Talaga po? Saan?"
"Tara, sumama ka sa amin."
At ayon nga ay naglakad kami sa sinasabi rin ni Ram na malapit lang na tree planting site. Thirty minutes nang maglakad kami papunta doon at nang marating naman namin 'yon ay bumungad sa amin ang isang botanical garden at sa paligid naman ito ay may maaliwalas na kapatagan na napapaligiran ng samut-saring damo at halaman.
"Ang ganda naman po dito!" sabi niya. "Salamat po ate..."
"Ruth." Sabi ko sabay ngiti. "At siya naman si kuya Ram."
"Hello po! Ako po si Renee..." aniya. "Pero ako lang mag-isang magtatanim dito. Wala 'yong mga kasama ko."
At kaagad naman ako nagkaroon ng idea sa sinabi niya, "hayaan mo! Sasamahan ka namin magtanim." Pagpresenta ko naman sa kanya.
"Talaga po?" aniya na parang hindi makapaniwala. Agad din naman kami niyakap nito at napangiwi na lang din ako sa ginawa niya. "Tara po, gawin na po natin."
Agad naman akong hinila ni Renee maging si Ram ay hinila na nito.
At nang pasukin namin ang bonatical garden ay sinalubong naman kami ng isang caretaker doon dahil naka-gloves pa ito at may mga lupa-lupa pa ito.
"Mga hijjo, hija bakita kayo naparito?" tanong naman sa amin ng babaeng caretaker.
"Ahm, ganito po kasi 'yon, naiwan po kasi ako ng service namin na pa-tour tagaytay dahil magkakaroon po kami ng tree planting service pero 'yon nga po ay naiwan ako ng service at dumating naman sila," pagtutukoy ni Renee samin ni Ram. "at sinabi nila na may tree planting site daw po dito at tama nga po sila."
"So? In short?" ani ng caretaker.
"In short po, gusto ko pong tumulong mag-tree planting."
"Kung pwede lang po, and kung okay lang naman po sa inyo." Dagdag ko pa.
Agad namang napangiti sa akin ang babaeng caretaker at tinanguan kami at binigyan ng isang malapad na ngiti, "Mabuti at nandito kayo, halika kayo. Tulungan niyo akong itanim ang mga maliliit na puno ito."
"Wow! Talaga po!" di makapaniwala na sabi ni Renee at gayundin na tinanguan siya ng babaeng caretaker. "Salamat po!"
"Naku! Walang anuman, mas mapapadali na ang pagtatanim ko dahil sa inyo. Sige na, at tayo'y magsisimula na."
At nagtatalon talon naman si Renee. Ang saya makakita nang nakatulong ka sa ibang tao. Napatingin naman ako kay Ram at kinindatan ako bigla nito. Binatukan ko naman siya bigla dahil kadiri haha.
Sabi nga sa bucket list number five ko. Be a volunteer... then magsisimula na ako! So happy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top