Kabanata 1
Kabanata 1
It was afternoon of the month of May, I can still do what I want. Go wherever I want. All of the things I want to do are everything I get just by that easily and somethings change when I've been diagnosed that I have a stage 3 cancer but I don't feel the symptoms of it.
And my life change how it goes by this illness...
"Ano na naman 'yang pinaplano mo, Ruth?" Tanong sa akin ng bestfriend ko na si Ram. Boy bestfriend actually, simula grade school we've known each other kaya ngayon na nasa kolehiyo na kami ay hindi pa rin nagbabago ang friendship namin. Alam namin ang limitation as bestfriends at hanggang doon na lang 'yon.
I glared at him, "Hindi mo ba nakukuha ang iniisip ko?" ang lapad na ng ngiti ko sa kanya na baka makuha niya kung ano man 'yong iniisip ko. Minsan may pagka-slow din talaga 'tong bestfriend ko pero may utak naman. Slow lang talaga.
Tinaasan lamang ako ng kilay ni Ram, "Alam mo, hindi naman ako manghuhula Ms. Avila para malaman ko 'yong nasa isip mo, eh ano nga ba 'yon?"
Napabuntong hininga na lamang ako sa kanya dahil mukhang walang pag-asa na makukuha niya 'yong gusto kong iparating sa kanya. "Alam mo, Mr. Samonte... kay tagal tagal na nating magbestfriend pero hindi mo pa rin ako lubos na nakikilala." Saka ko pinitik ang tenga niya. Umaray naman siya doon pero tinawanan ko na lang siya. "Baka kapag malapit na akong mamatay, doon mo lang makabisa lahat ng iniisip at galaw ko."
Sa sinabi ko naman ay natahimik na lamang ako dahil sa kanyang mga titig, diretsyo sa aking mga mata ang mga mapupungay niyang mata na may halong brown na kulay at medyo kapakalan na kilay. Napalunok ako ng sarili kong laway... alangan namang sa kanya ang lunukin ko. Kadiri lang!
"A-ano, Ram?" banggit ko sa pangalan niya.
"Don't dare to talk such about deaths Ruth, hindi mo masasabi ang panahon. Just enjoy your life. Sabi nga nila, mas masaya kung araw araw mong nabibigyan ng kasiyahan ang buhay mo, ano man ang mapansin ng tao sayo ang mahalaga nakakasalamuha ka nila."
Dahan dahan naman akong napatango sa sinabi niya at hindi na inintindi kung ano man 'yon, "So tara?"
Napakunot naman ang noo niya sa akin, "Ha? Saan naman?"
"Basta!" saka ko hinigit ang kanyang kamay at napatayo na lamang siya sa kaninang aming kinauupuan sa coffee shop.
Habang hinihila ko ang kamay ni Ram ay sumasapul naman sa mukha ko ang hangin at lumilipad naman ang buhok ko sa mukha ni Ram pero inisip ko na lamang na nagiging romantic an gaming pagtakbo as friends syempre at ngayon hindi ko namalayan na napatid na pala ako ng bato at dahilan para maituhod ko ang tuhod ko sa semento at nang makita ko ang tuhod ko ay gasgas ito na may lumalabas pang dugo. Eww!
"Lampa ka talaga, Ruth!" saka siya pumwesto sa harap ko at inalis ang kamay ko sa bandang tuhod ko at siya ang sumuri nito. "Hindi naman malala..." saka niya hinipan hipan ito.
"A-aray..." ani ko pero pinagpatuloy lang din naman niya ang ginagawa niya. "S-salamat, Ram."
Iniangat naman niya ang ulo niya at tumingin sa akin, biglang sumulyap sa kanyang labi ang isang magandang ngiti, "Bestfriend kita eh..." at saglit na titigan ang nangyari sa amin. "Sige na, gagamutin muna natin 'yan bago ka magpunta sa kung saan mo gusto."
Inalalayan naman niya akong makatayo at inilagay niya ang isang braso ko sa batok niya. Hindi rin naman masyadong masakit pero mahapdi at damang dama mo dahil sa lakas ng hangin na umiihip din.
Ilang saglit ng paglalakad ay may nadaanan naman kaming botika at bumulit ng bandage si Ram at betadine. At nang makabili naman siya naghanap kami ng bench kaso wala kaming nakita kaya ang napagdiskitahan namin ay maupo sa gather o sa gilid ng kalsada. Naupo naman ako at sa harapan ko si Ram. Binuhusan naman niya ng betadine ang sugat ko at pagkatapos ay nilagyan na niya ito ng bandage. Nilagyan niya ng tape at pinaikot ito. Nang matapos ay inalalayan naman niya akong tumayo at medyo hindi na naman mahapdi gawa ng okay na naman.
"Malayo naman kasi sa bituka 'yan, Ruth." Aniya pa.
"Sus! Porket kasi mas makinis ang balat ko sa kayo nanggaganyan ka na. Maalaga lang talaga ako, Ram. Ayokong mangulubot at masira ang maganda kong katawan."
Natawa na lamang sa akin si Ram at bigla akong inakbayan, "Alam mo, kahit anong mangyari... beauty on the outside is not worth it." Napakunot noo naman ako sa kanya, "Because the true beauty is located there... " then he pointed to my left chest, where my heart beating normally. "When you get old, the beauty inside of us will remain."
"Alam mo, Ram... pansin ko lang!"
"Ano 'yon?"
"Panay english mo ngayon? May recitation na naman ba kayo diyan sa foreign language niyo, kasi naman... hindi na lang sumama sa akin. Information Technology lang course ko, madali lang." pagmamayabang ko pa sa kanya.
Nginisihan naman ako ni Ram sa sinabi ko at napailing-iling na lang siya sa akin at hindi sumabat sa akin. Tuluyan naman din kaming naglakad na kung saan ko gustong pumunta, sa isang bookstore dito sa lugar namin na laging dinadayo sa kalidad ng libro at may mga bagsak presyo rin sila kaya parang heaven ka na kapag pumasok ka sa bookstore na 'yon.
"Wait, doon na naman tayo pupunta?" nahalata na ni Ram ang pupuntahan namin dahil sa dinadaanan namin ngayon. "Sige na, para lang sayo..."
Napangiti na naman ako ni Ram.
Ang saya lang din sa pakiramdam na kapag sumasang-ayon din sayo ang matalik mong kaibigan sa lahat ng bagay na gugustuhin mo dahil go lang din siya sa kung anong gusto mo kaya minsan hindi nakakasawa na lagi mong kasama ang bestfriend mo. Nakakapit lang din naman ako sa braso niya at hindi naman siya umaangal doon. Kung susuriin kaming dalawa ay parang may namamagitan pero wala, sadyang ganoon lang talaga kaming dalawa.
Nang marating naman naming dalawa ni Ram ang bookstore ay ako na mismo ang natulak ng glass door at tuluyang pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang amoy ng libro, lalo na kapag inaamoy-amoy mo ang bagong printa na libro na galing pa mismo sa factory. Ang saya lang talagang makakita ng libo-libong libro sa kapaligiran mo.
Umagaw naman sa aking pansin ang isang libro doon na nasa isang table na nasa bestseller list at binasa ko naman agad ang title nito, "A Writer Damned Story A story of Celina Montevaldez..."
"Ano na naman 'yan? Libro ka na naman." Kamot batok pa ni Ram.
"Alangan, Ram! Nasa bookstore kaya tayo saka tingnan mo 'to, ang ganda ng blurb ng story at mukhang realistic ang mga nangyari sa author." Tumingin ako sa kanyang mga mata.
"Wait, anong mga tingin 'yan... Ruth?" dahan dahan siyang umiiwas ng tingin.
"Ram, hindi mo pa ba alam kung anong ibigsabihin ng puppy eyes?"
"Eh-eh?" nauutal pa niyang sabi hanggat sa sumuko na siya, "Oo na, Ruth. For this time, ibibili ko 'yan sayo tapos ililibre mo ako ng snacks, deal?"
"Well, I will think of it muna pero sige na nga!" I laughed, "Oo na! Deal!"
Napakamot naman sa ulo si Ram. Hindi niya siguro mafeel kung paano ako nagke-crave sa isang libro na makabasa ng bagong genre and I'd like to read books with drama scenes kahit na naiinis na ako minsan doon. Iniwan ko naman saglit si Ram na nagpunta sa magazines section lalo na sa FHM Magazines at napunta naman ako sa section ng mga pang medicine, and my eyes actually caught the attention a book with a title of, "Cancer makes your life predictable" and I got the book and I've got interested with this matter. I don't know why but I just like it that way.
"Ano 'yan?" nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Ram at hinarap ko naman sa kanya 'yong hawak hawak kong libro, "Anong gagawin mo diyan sa Cancer book na 'yan?"
I thought of it, "Nah, basta gusto ko lang siyang basahin. Wait—uunahan na kita, hindi ikaw ang magbabayad okay? Ako na." pagboboluntaryo ko naman sa kanya.
"Okay, you said it. Ayokong bawiin 'yon." Saka niya ginulo buhok ko at sinuntok at braso niya dahil ginulo na naman ang buhok ko. Okay n asana 'yong hanginin ng malakas na hangin pero ginulo pa. Mukha na ba akong si Sisa? "Tara na, pay it first baka iuwi mo na lang ng hindi binabayaran katulad dati." Tawa pa niya.
Pinalo ko naman siya sa balikat niya at pinatahimik, "Secret lang 'yon. Ayokong makulong." Mistulang pabulong kong sabi sa kanya.
Nakakahiya 'yong time na 'yon dahil sa sobrang excitement ko na mabasa 'yong libro na 'yon ay hindi ko na siya nabayaran at wala namang sumita sa akin kaya tuloy tuloy lang ako sa paglabas ko ng libro at maalala ko lang na hindi pa bayad noong nasa bahay na ako habang binabasa ko na siya. Ako at si Ram lang naman nakakaalam no'n kaya isang matagumpay na sikreto 'yon.
Nang mabayaran naman namin ni Ram ang binili kong libro ay lumabas na rin kaagad kami. Habang naglalakad kami patungo sa bahay ay hindi namin inaaasahan ang pagbuhos ng ulan, agad kong sinilid ang libro sa loob ng t-shirt ko para hindi mabasa at mabilis naman kaming nagpatila ni Ram sa katabing establishment.
"Panira 'tong ulan na 'to, ang ganda ganda ng mood ko eh." Pang aalburuto ko pa.
"You can't please everybody, Ruth." Tawa pa ni Ram. "Hanggang anong naman tayo tatambay dito sa silong na 'to? Forever na gano'n."
"There are no forever, Ram. Just believe me." Sabi ko pa sa kanya.
Kinibit balikat niya lang naman ako at natahimik habang binabasa ang unang kabanata ng binili kong libro pero natigil naman kaagad ako ng may bumusina sa amin at nang nakita namin ang sasakyan na 'yon ay binababa na ang windshield at nakita namin si Tito Ace.
"Anong ginagawa niyo diyan?" tanong nito sa akin.
"Tito, nagpapatila lang po kami!" sagot ko.
"Tara na! Sumakay na kayo, ihahatid ko na kayo sa bahay mo."
Napatingin naman ako kay Ram, "Ano Ram sasama ka?"
"Hindi na, Ruth... magpapatila na lang ako." Ngiti pa niya sa akin. Tinapikan naman niya ako sa balikat ko. "Mag-iingat ka."
"Syempre, mahal ko ang buhay ko." kindat ko pa sa kanya. "Sige na! Mauuna na ako sayo, ikaw rin mag-ingat, maraming rapist ngayon." Hagikgik ko pa sa kanya.
"Baliw ka talaga." Ngiti niya.
Tumuloy naman ako sa kotse ni Tito, malamig ang loob kaya gininaw din kaagad ako gawa ng nabasa ako ng ulan.
"Boyfriend mo, hija?"
Mabilis ko namang inilingan si tito, "Hindi po, tito! Bestfriend ko lang ko 'yun si Ram. Nothing no more." Ngiwi ko.
Ilang saglit lamang ay nakarating na ako sa bahay. Nagpasalamat ako kay tito sa paghatid at tumakbo na rin kaagad ako papasok sa loob ng bahay at nadatnan ko pagpasok ay si mama na nakatingin sa akin mula sa ulo hanggang paa at na-stock ang tingin niya sa tuhod ko.
"Ano na namang nangyari sayo?" pag-aalala sa akin ni mama.
"Ma, galos lang 'yan. Malayo sa bituka." Hagikgik ko.
"Naku, hindi ka talaga nag-iingat."
"Ma, 'yong bato talaga may kasalanan no'n kaya ako napatid." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Bahala ka nga diyan, tingnan mo rin buhok mo, basa ka, nagpaulan ka ba?" sobrang daming tanong ni mama. Kakapasok ko pa lang ng bahay, binungadan kaagad ako ng mga tanong.
"Nabasa lang ma, nakita naman ako ni tito Ace at hinatid niya ako, gamit kotse niya."
"Malamig sa kotse, nabasa ka ng ulan tapos lampa ka pa, naku Ruth bata ka! Sige na, sige na, magbanlaw ka doon at magpalit ng damit. Palitan mo rin 'yang bandage mo, madumi na ulit."
Tinanguan ko na lang din naman si mama at tumungo na ako sa kwarto ko sa ikalawang palapag. Isinantabi ko muna 'yong mga bagong libro ko na naibili. Papasok na sana ako ng banyo ng may maramdaman akong kakaiba sa ulo ko at katawan ko.
Bibigay ata ang katawan ko. Huminga ako ng malalim pero ilang saglit lamang ay nanlalabo na ang paningin ko. Tulong...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top