Epilogue
Epilogue
~Ram's POV
Two years past.
And almost one year since she passed away...
Lahat kami noon nabigla sa hindi inaasahang pagkakataon na makikita naming buhay na buhay si Ruth matapos ang deadline niyang sixteen days. Halos lahat kami ay hindi makapaniwala kung paano nangyari pero para sa kanya himala ang nangyari. Akala namin sa pagkakataong din 'yon ay maayos na ang lahat na okay na, na ligtas na talaga si Ruth.
Na isa siya sa mga cancer survivors pero mali kami doon.
Simula noong umaga nang magising siya, hindi makapaniwala sila tito at tita sa nakikita nila na bumangon mismo si Ruth. Hindi nga daw sila natulog noon dahil binabantayan nila si Ruth noong gabing 'yon. Hindi rin ako makapaniwala dahil akala ko huli na talaga ang araw na 'yon. Naghabilin na siya sa akin eh, umiyak iyak pa ako pagkauwi ko noon dahil hindi ko talaga kayang i-atim ang nararamdaman ko no'n. Hindi pa nga ako nakatulog dahil doon eh pero kinabukasan na nalaman kong gising pa siya.
At hindi nangyari ang sixteen days na kanyang inaasahan.
Akala namin okay na siya sa kalagayang iyon na, survivor na nga siya sa sakit niya. Nagdadaan ang buwan ay nagkakabuhok ulit siya gaya ng dati na humaba na muli. Ang dating kalbo na si Ruth ay muling nagkabuhok. Natuwa pa nga siya noon dahil noong winish niyang kahit tumagal pa daw siya ng isang taon ay hindi niya inaasahang mangyayari nga.
Tumagal nga siya ng isang taon. Nagpunta siya sa ibang bansa gaya ng gusto niyang tuparin noon na dapat isasama niya sa bucket list niya kung hindi 16 days ang natitira sa kanya. Marami siyang nagawa sa loob ng isang taon na binigay sa kanya.
You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky.
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.
Mas marami pa siyang naging kaibigan noon. Marami as in, na parang ginawa na niya ang 100 bucket list. Masayang masaya siya dahil akala niya ligtas na siya. Na buong buhay na siya magsasaya pero nagkamali pala siya doon.
Nasa kanya pa rin ang sakit niya. Dala dala niya hanggat sa bawiin na siya sa amin.
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.
Ayon ang hindi namin inaasahan na pangyayari mula sa kanya na bawiin na lang siya bigla sa amin. Na malalaman na lang namin kinabukasan na wala na pala siya. Binigyan lang pala talaga siya ng isang taon na palugit para i-enjoy ang mga gusto pa niyang gawin. Everythings happen for a reason nga daw eh. Pero magagawa pa ba naming magsaya kung nawala na ang taong nagbibigay saya sa amin.
At ang isa sa hindi ko matanggap.
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
Nakalimutan niyang tapusin ang sampung to do list niya bago siya mawala.
☑ 1. Experience sunrise and sunset.
☑ 2. Do an extreme sport.
☑ 3. Donate my hair to some cancer survivors.
☑ 4. Conquer your biggest fear.
☑ 5. Be a volunteer.
☑ 6. Forgive, Forget and Spread love.
☑ 7. Meet my favorite author.
☑ 8. Cofront my feelings to the one I love.
☑ 9. 18th Birthday Grande Celebration.
10. I want to sleep before the day comes with my parents.
Kung ano pa ang huli, ayon pa ang hindi niya nagawa. Biglaan na lang din naman kasi 'yon. Hinabilin niya sa akin noong dalawang taon na ang nakakalipas na kapag dumating ang araw na wala na siya, tse-tsekan ko ang number 10 sa kanyang bucket list ngunit hindi naman nangyari 'yon hanggat sa nakalimutan na lang din niya.
Sa bawat araw araw na lumilipas araw araw kong binabasa ang bucket list na kanyang ginagawa. Sa labing anim na araw na ginawa niya ang mga to-do list niya ay halos makumpleto ko na nga ang araw na 'yon dahil ako ang kasa-kasama niya kapag may gagawin siya sa bucket list niya. Nakakatuwa nga noon dahil sa mga pinaggagawa namin. Akala ni Ruth na huling beses na niya iyon gagawin pero hindi, inulit niya ang mga 'yon. Nakapunta siya sa event nina Wynwyn sa kanilang planting site at mas gumanda ang kanilang site, ang kaso nga lang ay hindi na siya for free lalong lalo na sa botanical garden. Napanood din ni Ruth ang A Writer Damned Story movie adaptation ng story ni Celina Montevaldez at nabigyan pa siya ng free for premiere night at syempre kasama na ako doon.
Kung susumahin mo ang isang taon na naging palugit ni Ruth ay isa lang ang masasabi ko, naging masaya ang journey niya sa kanyang buhay at ang huling destination niya ang langit.
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.
Bukas na ang kanyang 1st death anniversary.
Napakabilis ng panahon ngayon, hindi ko na siya kasama sa mga lakad ko, sa biruan naming dalawa at nami-miss ko ang pangbabatok niya sa akin. Maging ang pagtutulak ko ng wheel chair niya noong sinasagawa pa namin ang bucket list niya. Marami akong nami-miss kay Ruth, sabi niya nga dati, ang mga memories na lang ang iiwan niya sa amin at hindi nga siya nagkakamali doon dahil hinding hindi nga namin siya nakalimutan doon.
Nauna na akong bumisita sa kanya dahil bukas hindi ako sigurado kung makakapunta ako.
"Siya na ba 'yon?" tanong ni Aicka sa akin. Girlfriend ko.
Tinanguan ko naman siya, "siya na nga 'yon. Sayang hindi mo siya nakilala ng personal, tiyak magiging bestfriend din ang turingan niyo sa isa't-isa." Sabi ko pa sa kanya.
"Namimiss mo siguro siya 'no?"
"Syempre naman, bestfriend ko 'yan eh." Napangiti na lang ako sa sinabi ko. Paano kaya kung kaharap kita ngayon? Ngingitian mo ba ako o babatukan? Nakakamiss ang lahat ng ginagawa mo sa akin Ruth. "Sige, ipapakilala kita ngayon kay Ruth."
"Ruth! Ipapakilala ko sana sayo si Aicka, ang girlfriend ko." ngiti ko. "At Aicka, siya si Ruth ang bestfriend ko."
"Hello Ruth! Ako si Aicka Jacinto. Boyfriend ko ang bestfriend mo." Eh? Napakamot naman ako ng batok dahil sa sinabi niya. "Sayang nga at hindi kita nakilala nang maaga. Pero natutuwa naman ako sa tuwing iku-kwento ka ni Ram sa akin, parang ang dami niyong talagang pinagsamahan na magkaibigan. Pinatunayan niyo talaga ang salitang bestfriend ano?" hagikgik pa niya. "Sorry ha? Medyo napaaga kami ng isang araw dahil hindi kami makakapunta bukas dahil may pupuntahan kaming dalawa ni Ram." Sabi ni Aicka saka nilapag ang dala naming bulaklak sa kanyang puntod. Tumabi naman sa akin si Aicka at hinawakan koi to sa baywang.
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song, I'm just a sad song
"Oo nga Ruth, pasensya na ha kung hindi kami makakapunta bukas. Bukas na rin kasi gaganapin ang birthday ni Aicka. Dibale, sa susunod, nag-promise na rin naman si Aicka na kapag death anniversary mo..."
"Kahit birthday ko man 'yon, mas pipiliin naming dito idaraos. Sayang nga lang dahil bukas, on trip kami sa Japan." Nguso pa ni Aicka.
Lumuhod naman ako sa harap ng puntod ni Ruth at nilapag ang notebook na kanyang pinagsulatan ng kanyang bucket list. Nilagay ko na rin sa plastic wrapper iyon kung sakaling umulan man ay hindi mababasa. Wala naman sigurong mag-iinteres niyan eh, notebook lang 'yan. Matakot na lang sila kung kunin pa nila ang nasa patay na.
"Ayan na, Ruth, binabalik ko na sayo ang notebook mo. May kailangan ka pang tapusin sa bucket list mo. Kailangan mo pang tsekan ang huling numero na hindi mo nagawa." Tumayo na ako. "Paalam, bestfriend."
Tinanguan ko naman si Aicka at tinalikuran na namin ang puntod ni Ruth. At naglakad na palayo.
May pinunit din ako sa notebook na maliit lang namin dahil mukhang sa akin niya 'yon gustong iparating. Nakakakilabot man ang mensaheng 'yon, hinding hindi ko naman makakakalimutan ang mga ala-alang binahagi niya sa amin.
See you soon, Bestfriend.
♡ Ruth Avila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top