Chapter 9
"Ewan ko sayo," sagot ni Zafy bago ako tinalikuran. Naglakad siya papunta sa shotgun seat at agad na sumakay.
"Aguy! Awit yon, lods," pang-aasar ni Morgon.
"Waepek panlalandi mo, bro," sabi ni Gio.
Napaismid naman ako. Hindi man lang kinilig yung babaeng yun?
"Wala na ang skills ni fafi Night. Nangangalawang na! Hindi na marunong magpakilig," sabi ni Morgon.
"Manahimik ka nga! Ikaw nga hindi nakascore kay Chen," bwelta ko bago binuksan ang pintuan sa driver's side ng kotse ko.
"Mamatay ka na, Night!" dinig kong sigaw ni Morgon bago ako sumakay nang tuluyan.
Tumingin naman ako kay Zafy na busy sa kakakalikot ng cellphone niya. Hindi ko na lang siya kinausap at nagmaneho na lang ako nang tahimik pauwi.
Nang makarating sa bahay nila ay hindi na ako pinansin ni Zafy at nagdire-diretso na siya sa taas habang ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko at nagshower.
❁ ・ ❁ ・❁
"Ay! Ang bobo naman!" reklamo ko nang matalo na naman kami dahil sa isang kateammate namin.
Maglalaro pa dapat ako ng isang round nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Pasok!" sigaw ko. Pinanood kong bumukas ang pinto at iniluwa nun si Zafy. "Bakit, babe? Miss mo na ko agad?" pang-aasar ko sa kanya.
Inirapan niya ako. "Inaaya ka ni mama, kumain ka daw dun. Kung gusto mong kumain lumabas ka lang," sabi niya at sinara na ang pinto ng kwarto ko nang hindi man lang hinintay ang sagot ko.
Napailing-iling na lang ako at tumayo mula sa kinauupuan ko. Nag-unat ako ng buto kasi kanina pa ako nakaupo doon.
"Night, hijo! Halika, kain!" dinig kong tawag sa akin ng mama ni Zafy. Lumabas na rin naman ako matapos niya akong tawagin.
Naglakad na ako papunta sa lamesa at naupo sa harap ni Zafy. "Thank you po, tita," sabi ko at tumingin kay Zafy. Nakita kong napairap siya kaya natawa ako sa reaksyon niya.
"Zafy, kuhanin mo yung softdrinks sa ref, tapos yung juice din para kay Daphne," utos ni Tita kay Zafy. Bumuntong hininga naman ito bago tumayo at nagpunta sa ref nila. Kumuha naman na ako ng carbonara na nakahain doon sa lamesa.
Unang binigay ni Zafy ang softdrinks ni Ate Kaira at juice box ni Daphne.
"Thank you, ate!" masiglang sabi ni Daphne kay Zafy. "Mommy pa-open, please!" baling naman nito kay Ate Kaira.
Sumunod ay inabot ni Zafy ang baso ng softdrinks sa mama niya at huli niya akong inabutan.
"Thank you..." sabi ko habang pinapanood siyang makaupo at nang makaupo siya at pinagmasdan ako ay inihabol kong sabihin nang hindi isinasatinig ang salitang, "Babe."
Muli kong ibinalik ang tingin sa kinakain kong carbonara habang ngingisi-ngisi dahil nainis ko na naman ang babaeng nasa harapan ko.
"Aww!" daing ko nang bigla na lang sinipa ni Zafy ang paa ko. Napayuko tuloy ako para himasin yun dahil sobrang sakit.
"Ayos ka lang, Night?" tanong ni Tita sa akin.
Nginisian ko naman si Zafy dahil balak ko nang magsumbong kaso pinandilatan niya ako.
"Ah, ayos lang po, tita. May kumagat lang na lamok sa paa ko," pagsisinungaling ko.
"Ganoon ba? Malaki siguro ang lamok na yan para maramdaman mo ang kagat," sabi ni Tita.
"Oo nga po eh, hindi ko po inaasahan," sabi ko na bahagyang ngumisi.
Nakita kong hindi na ako pinansin ni Zafy at binilisan na ang pagkain. Itinuloy ko na lang din ang pagkain.
Nang matapos ay inilagay ko lang ang pinagkainan sa lababo bago bumalik sa kwarto at nahiga saglit.
❁ ・ ❁ ・❁
"Alam mo, wala akong pakialam," sabi ko kay Morgon. Kausap ko kasi siya ngayon. Magtatanong lang dapat ako ng assignment kaso dumaldal na siya ng kung ano-ano.
"Ang sama mo sakin, Night! Matapos ng lahat ng pinagsamahan natin," pagdadrama niya.
"Ewan ko sayo," sagot ko.
"Uy! Nahawa na siya ng kasungitan ni Zafy," pang-aasar niya.
"Bahala ka na nga dyan!" sabi ko at ibinaba ang linya.
Kinuha ko na ang bag ko at inilabas ang worktext sa Finance. Binuklat ko na sa page kung saan may pinapasagutan sa amin. Pasalamat na lang ako dahil ito lang assignment namin. Late na kasi at hindi ko rin alam kung bakit ngayon ko lang sinimulan gawin 'to.
Nang tinignan ko na ang first question ay kinailangan ko na agad ng calculator kaya hinanap ko siya sa bag ko.
Mga limang minuto din ako nagkakakapa doon bago ko inilabas lahat ng laman. Dismayado naman ako nang walang calculator na nagpakita.
Bumuntong-hininga ako. "Nasaan na ba yun? Nawala ko ba? Sayang naman! Casio pa man din yun," pagkausap ko sa sarili.
Bigla naman ay napahawak ako sa ulo ko nang maalalang naiwan ko nga pala sa locker.
"Bwisit ka, Night!" sita ko sa sarili bago inayos ulit ang mga gamit sa loob ng bag ko.
Bumuntong-hininga naman ako at ibinalik ang tingin sa sasagutan ko. Sinubukan kong buksan ang phone ko para sana yun na lang ang gamitin kaso lowbatt na pala ako. Bwisit na Morgon! Sige, telebabad pa!
Isinaksak ko na lang ang phone at sumalampak ulit sa upuan.
"Si Zafy kaya? For sure may calcu yun," sabi ko sa sarili. Napatango-tango naman ako bago tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Umakyat na ako ng hagdan at sinubukan hanapin ang kwarto ni Zafy.
Malawak din ang second floor nila. May sala sila doon at tatlong pintuan na sa tingin ko ay master's bedroom, kwarto ni Zafy at banyo.
"Oh, Night? Bakit ka napaakyat?" tanong ng mama ni Zafy nang makita niya ako sa sala nila na takang-taka na kung saang pinto ang papasukan.
"Si Zafy po sana pupuntahan ko," sagot ko.
"Yung gitnang kwarto ang kanya," sabi niya at nagpasalamat naman ako bago kumatok.
"Pasok!" dinig kong sabi ni Zafy kaya pumasok na ako.
Nang makapasok ay namataan ko ang friendly ghost na busy sa study table niya. Naglakad naman ako papalapit sa kanya at pinagmasdan ang ginagawa.
"Ma, bakit---" Hindi na naituloy ni Zafy ang sasabihin nang paglingon niya ay ako ang sumalubong sa kanya.
"Gen. Math?" tanong ko na tinutukoy ang pinagkakaabalahan niya.
"Oo, pano mo nalaman?" tanong niya naman pabalik.
Nagkibit-balikat lang ako bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya. Simple lang naman ang kwarto niya. Halatang-halatang babae ang naglalagi.
Napukaw naman ng paningin ko ang picture frame na nasa bedside table niya. Nilapitan ko yun at tinignan.
"Sino 'tong mga 'to?" tanong ko na kinuha ang picture frame na may picture ng pitong lalaki na magkakamukha. Septuplets, siguro.
Napatikhim siya. "Bangtan Seonyeondan," sagot niya. Napakunot naman ang noo ko. Ano daw? Bangtan Conyo Dan? Ang pangit namang pangalan sa septuplets!
"BTS," paglilinaw niya sa sinabi niya kanina.
"Ah, yung mga koreanong hilaw?" tanong ko.
"Anong koreanong hilaw? Excuse me?!" OA na saad niya. Natawa naman ako. Bigla ko tuloy naalala yung dati kong nakadate na babae. Dinala niya ako sa kwarto niya kaso napaatras ako kasi puro mukha nung mga koreanong hilaw yung nasa dingding niya. Parang nakatingin samin tapos nakangiti pa. Creepy, amputek!
"Ano bang kailangan mo at kumatok ka sa kwarto ko?" iritang tanong niya.
Binaba ko naman yung frame at naglakad papalapit sa kanya. "Zafy, pwede favor?" tanong ko.
"Ano na naman?"
"Pwede pahiram ng calculator mo? Mabilis ko lang naman gagamitin," sabi ko na tinignan ang calculator niya.
Hinablot naman niya yun. "Di mo ba nakikita na ginagamit ko pa?"
"Sige na, Casper. Saglit lang naman," pagmamakaawa ko.
"Ayoko."
"Babe, please," sabi ko na nagpout pa.
"Nasaan ba kasi yung calcu mo?! ABM student tapos walang calculator!" sita niya.
"Eh, naiwan ko kasi sa school. Pahiram na kasi. Five minutes lang," pakiusap ko.
"Napaka-iresponsable mo naman! Ayoko sabi!" pagmamatigas niya.
"Please," pangungulit ko.
"Ayoko."
"Please."
"Ginagamit ko pa nga."
"Mamaya mo na gamitin. Mag-analayze ka muna ng anatomy ng palaka at ipis diyan," sabi ko bago tumawa.
"Bahala ka diyan," sabi niya at humarap sa ginagawa niya kanina.
"Casper, sige na, oh! Para sa ekonomiya ng bansang Pilipinas!" sabi ko sabay alog sa balikat niya.
Padabog naman niyang ibinagsak ang ballpen niya kaya natigil ako sa pag-alog ng balikat niya. Humarap siya sa akin na masama ang tingin. Hindi na siya friendly ghost, mama!
"Night, ano ba! Ang kulit naman eh! Ayoko nga! Hindi mo ba maintindihan yung salitang ayoko?! Ang gulo-gulo mo tapos ang kulit-kulit tapos ang ingay pa. Dagdag mo pa 'yang pagiging babaero mo na ewan ko ba kung bakit mo ginagawa! Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo, ha?! Hindi ka nakakatulong so please, tumahimik ka na," sunod-sunod niyang saad.
Natigilan naman ako dahil sa mga sinabi niya. Parang mga bubog na sunod-sunod tumarak sa puso ko ang mga salita niya. Parang inatake ako na wala man lang kalaban-laban.
Naalala ko bigla ang ginawa ng mga magulang ko sa akin.
"Tama ka. Ganito nga ako pinalaki ng mga magulang ko. Ginawa nila akong walang kwenta kasi wala rin silang kwenta. Sorry, ha? Naabala ka pala ng isang walang kwentang tulad ko," sabi ko na diretsahan siyang tinignan sa mata bago naglakad ng mabilis palabas.
Nang makababa ng hagdan ay dali-dali akong tumakbo papalabas ng bahay at papunta sa kotse ko.
Sinusubukan kong huminga ng malalim para hindi matuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Nang makarating sa tapat ng sasakyan ko ay binuksan ko ang driver's side kaso nakalock iyon. Nahampas ko tuloy ang kotse ko sa inis. Naiwan ko kasi sa kwarto ko ang susi at wala na akong balak na balikan pa yun.
Dahil sa hindi ko na malabanan ang emosyon ko, napagpasyahan kong tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako papunta basta hinahayaan ko na lang dalhin ako ng paa ko sa kung saan.
Pakiramdam ko ay mukha na akong tanga dahil sa pagkaripas ko ng takbo sa isang tahimik na kalye sa kalagitnaan ng gabi. Parang hinahabol ako kahit hindi naman talaga.
Habang tumatakbo ay naalala ko ang lahat. Naalala ko nung bata pa ako. Napakamasayahin kong bata. Ni minsan ay hindi ako naging malungkot. Madalang lang din akong umiyak.
Naiinggit ang lahat sa paraan ng pagpapalaki sa akin nila Mom at Dad. Lumaki daw kasi akong optimistic na bata kaso lahat ng yun ay nabago.
Napaupo ako sa konkretong sahig nang maalala ang mga mapapait na alaala ng kahapon. Napayuko ako at napahagulgol.
Ang dating batang Night na masayahin ay naging bugnutin dahil sa isang pangyayari na kasalanan ng mga magulang niya na minahal niyang higit pa sa sarili niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top