Chapter 8
"Ano po ang nangyari?" tanong nung nurse sa teacher nila Zafy na sumunod pala sa amin kasabay ng mga kaibigan ni Zafy. Inalalayan naman ako ni Morgon at Gio para maihiga ng maayos si Zafy sa kama.
Matapos nun ay naupo sila sa bench dito sa loob ng clinic. Ako naman ay umupo sa monoblock katabi ng kama na hinihigaan ni Zafy. Wala na kasing mauupuan dahil umupo na ang mga kaibigan ni Zafy sa katapat na bench.
"Bigla na lang daw hinimatay pagkadissect nung palaka, eh," sagot nung teacher nila.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ni Zafy na nakaupo sa harapan ni Gio at Morgon. Binatukan ni Kai si Chen.
"Alam mo naman kasing takot sa dugo at palaka 'yang si Zafy, siya pa ang pinagawa mo!" sita ni Kai kay Chen.
"Nakalimutan ko, eh! Dapat kasi ikaw na lang gumawa!" bwelta ni Chen.
"Girls!" tawag ng teacher nila sa kanila kaya pareho silang natahimik. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Morgon kaya pinandilatan ko siya.
"Bakit hindi niyo naman sinabi na hindi pala kaya nitong si Zafyra? Nagtanong ako nung huli kung sino ang takot sa palaka," nakapameywang na saad ng teacher nila.
"Maam, kasi ayaw daw po ni Zafy bumagsak sa subject niyo," nahihiyang sagot ni Chen.
"Magbibigay naman ako ng exemption o kaya ay sana kayo na lang ang nagdissect at si Zafyra na lang ang pinasulat niyo sa worksheet," sabi ng teacher nila. Kinurot naman ni Kai si Chen kaya nagkatinginan sila ng masama. "Babalikan ko lang ang mga kaklase niyo at baka nagkakagulo na sila doon. Exempted na kayo sa activity kaya pakibantayan muna si Zafyra," utos ng teacher nila sa kanila.
"Yes, maam," sabay nilang sagot.
"Tsaka, boys," baling ng teacher nila sa aming tatlo. "Anong mga pangalan niyo?"
"Morgon po," nakangiting sagot ni Morgon.
"Gio," sabi ni Gio.
"Night po," sagot ko.
"Boyfriend po ni Zafy," dagdag ni Morgon. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Ah, kaya pala," sabi ng teacher nila. "Salamat sa tulong niyo, ha? Ewan ko ba dito sa mga estudyante kong 'to at tinitigan lang ang kaklase nilang nahimatay. Don't worry. Papaalam ko sa mga teachers niyo ang ginawa niyo. ABM students, right?"
Tumango kami bilang sagot.
"Sige. Salamat ulit. Babalik na ako dun. Tawagin niyo ako kapag nagising na si Zafyra," sabi niya sa amin bago lumabas ng clinic.
"Kailan po ba siya magigising?" tanong ko sa nurse.
"Mamaya-maya pa siguro. Pahinga lang naman ang kailangan niya at maayos na ang lagay niya," sagot nito.
"Uy! Concerned!" pang-aasar sa akin ni Gio. Tinignan ko siya ng masama.
"Sila na ba talaga? Baka may hindi na pala sinasabi sa amin si Zafy," tanong ni Kai kay Gio.
"Hindi. Pakulo lang yun nito," sabi ni Gio na tinapik-tapik sa likod si Morgon.
"Pero magkatabi sila ngayon, oh! Parang may something, eh," bulong ni Kai kay Gio na rinig na rinig namin.
"Yun nga, eh. Nararamdaman ko rin," sagot ni Gio at pareho silang natawa. At mukhang naging magkaibigan na sila. Sumbong ko 'to si Gio sa girlfriend niya, eh!
"Ang issue talaga! Baka kasi wala na akong maupuan diyan, 'di ba?" sabi ko na itinuro ang pwesto nila. Napailing-iling na lang silang dalawa.
Hindi na ulit nila ako pinansin at nag-usap na sila. Ang saya-saya nilang mag-usap na akala mo ay ang tagal na nilang magkakilala.
Bumaling naman ako kay Morgon. Nagcecellphone lang siya sa isang tabi at nananahimik. Minsan ay nahuhuli ko pa siyang tumitingin kay Chen at kapag nagkakasalubong ang mga mata nila ay agad silang nag-iiwas ng tingin.
Napangisi ako dahil naalala ko na nagdate nga pala sila dati. "Morgon, nanahimik ka yata," sabi ko kaya napatingin si Gio at Kai sa kanya.
"Oo nga, pre. Ano bang meron?" nang-aasar na tanong ni Gio. Naalala niya rin siguro ang ikinwento noon ni Morgon.
"Kanina pa sila nagdadaldalan. Bakit hindi ka sumasali?" tanong ko.
"Si Chen din parang nanahimik. May dapat ba kaming malaman, sis?" tanong ni Kai kay Chen.
"Nakakainis yung mukha mo," sabi ni Chen na inirapan si Kai.
Agad namang inasar-asar ni Gio at Kai si Morgon at Chen habang ako ay tinatawanan lang sila.
"Ang ingay niyo," reklamo ng nasa gilid ko. Natahimik naman sila at lahat kami ay gulat na napalingon kay Zafy na gising na ngayon.
"Zafy, okay ka na?" agad na tanong ko.
"Sila dapat yung asarin niyo! Kitang-kita naman na gusto na nila ang isa't-isa," sabi ni Morgon.
"Oo nga! Ang obvious kaya!" pagsang-ayon ni Chen at pareho silang natawa ng peke.
"Kayong dalawa yung obvious. Sumasakit ulo ko sa inyo," sabi ni Zafy kaya inasar ulit namin sila Morgon at Chen.
"Zafyra, okay ka na ba? Kaya mo na bang tumayo?" tanong nung nurse kay Zafy.
Dahan-dahan namang umupo si Zafy na inalalayan ni nurse.
"Medyo masakit lang po ang ulo ko," sabi ni Zafy na minasahe ang sentido. Kumuha naman si nurse ng gamot sa medicine cabinet at pinainom kay Zafy.
"Kapag medyo okay ka na, sabihin mo lang at pauuwiin na kita," sabi ni Nurse kay Zafy. Tumango si Zafy bilang tugon.
"Tara, Chen. Kunin na natin mga gamit natin tsaka kay Zafy. Tawagin na rin natin si Maam," sabi ni Kai na hinila patayo si Chen.
"Sige, tara!" agad na sabi ni Chen at mabilis na hinila si Kai sa braso.
"Wait lang," sabi ni Kai na huminto sa may pintuan. "Gio, tara! Samahan niyo kami ni Chen," aya nito kay Gio.
"Sige, sige. Tara, pre," sabi ni Gio na hinawakan sa braso si Morgon.
"Ayoko! Ikaw na lang," sagot ni Morgon.
"Dali na," pamimilit ni Gio.
"Hindi na lang ako sasama," sabi ni Chen.
"Hindi ko kukunin gamit mo. Bahala ka dyan!" sagot ni Kai sa kanya.
"Pare-pareho na lang kasi kayong umalis. Ang iingay niyo," reklamo ni Zafy.
Parehong bumuntong-hininga si Morgon at Chen habang pinipigilan ni Kai at Gio na matawa. Sabay-sabay na silang lumabas at mabilis na nawala sa aming paningin.
"Anong nangyari?" tanong ni Zafy sa akin.
"Hindi mo maalala?" tanong ko pero hindi siya sumagot. "Kinain ka kasi ng palaka tapos iniluwa ka ulit kasi pangit daw yung lasa mo. Akala nga namin natuluyan ka na kasi talagang nginuya kang mabuti nung palaka kaya second life mo na 'to. Congrats!" pagkekwento ko.
"Baka pwede yung seryoso naman," inis niyang saad kaya natawa ako.
"Hinimatay ka pagkatapos mo hiwain yung palaka kaya agad kitang binuhat papunta dito. Bigat mo nga, eh," sabi ko na inunat ang mga braso ko.
"Salamat, Night, ah," sabi niya kaya gulat ko siyang nilingon. First time niya yatang nag-thank you sa akin.
"You're welcome, Casper," sagot ko bago siya binigyan ng tipid na ngiti na kanya rin namang tinugunan.
❁ ・ ❁ ・❁
"Zafy, eto na yung bag mo oh," sabi ni Kai na inabot kay Zafy ang mga gamit niya.
Nandito na kami sa parking lot ngayon dahil pinauwi na si Zafy ng nurse. Magkakasama pa rin sila Kai, Chen, Gio at Morgon.
"Thank you pala, Gio at Morgon, ah!" pasasalamat ni Zafy sa dalawa kong kaibigan.
"Bakit ka nagpapasalamat sa mga yan? Wala naman silang ginawa, ako lang nagbuhat sayo papunta sa clinic!" sabat ko sa moment nila.
"Epal ka, pre! Paano kami tutulong sayo eh bigla bigla ka nalang nangbubuhat diyan, nagmamadali ka pa! 'Wag kang magrereklamo samin, men!" sabi ni Morgon.
"Pwede bang nagpasalamat lang siya dahil sinamahan namin siya dun sa clinic at nagpakita kami ng concern?!" sabi naman ni Gio.
"Sige na, sige na! Basta thank you sa inyong tatlo, di ko ineexpect na kayo pa tutulong sakin." sabi ni Zafy. Nginitian naman namin siya.
"Oh pano, mauuna na kami ni Chen. See you nalang uli!" paalam ni Kai. "Oy Chen, magpaalam ka na kila Gio at Morgon," baling ni Kai kay Chen na pinagkadiinan pa ang pangalan ni Morgon.
Kinurot naman ni Chen si Kai sa braso. "Kanina ka pa, ah! Di ka titigil?!" gigil na saad ni Chen.
"Aray ko! Masakit, ah! Yung kuko mo tumutusok!" reklamo ni Kai sabay bawi ng braso niya kay Chen. "Ano bang masama sa pagpapaalam, ha?! Magpapaalam ka lang naman, bakit nangungurot ka pa?!"
"Nang-aasar ka, eh! Bakit kailangan may diin pa sa pangalan ni.." Tumikhim si Chen. "Morgon," mahina niyang dagdag. Natawa naman kami sa kanya maliban kay Morgon na halatang kanina pa gustong umalis.
"Sige na, ikaw nalang magbabye, Morgon, dali!" pamimilit ni Gio kay Morgon. Tinignan siya ng masama ni Morgon.
"Bakit 'di ikaw gumawa? Ikaw nakaisip eh!" bwelta ni Morgon.
"Parang mga t*nga, magpapaalam lang, ayaw pa! Nagpapapilit pa talaga!" sabi ni Gio habang natatawa. "Sige na, mauuna na rin kami. Ingat kayo, Night at Zafy. Kayo rin Kai," paalam ni Gio sa amin.
"Ingat kayo! Bye guys! Pagaling ka Zafy!" sabi ni Chen. "Tara na, babaita ka!" sabi niya sabay hila sa kamay ni Kai.
Natawa nalang kami sa inasta nila, bukod kay Morgon na pikon na pikon na ngayon.
"Tara na rin, ugok! Tigil-tigilan mo ang pagtawa at bibingo ka na sakin!" sabi ni Morgon kay Gio. Hindi naman nagpaalam sa amin ang mokong at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad palayo. Tinanguan naman kami ni Gio bago sumunod.
"Umuwi na tayo, masakit ang ulo ko," sabi ni Zafy na pumasok na sa shotgun seat. Sumakay na din ako at nagdrive na pauwi.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Zafy?" tanong ko nang makauwi kami. Paakyat na siya sa taas nang tanungin ko.
"Oo, okay na. Medyo masakit lang ang ulo ko pero itutulog ko lang naman 'to," sagot niya.
Tinanguan ko lang siya kaya nagtuloy na siya sa pag-akyat. Pumasok naman ako sa kwarto ko at nagpahinga lang ako saglit bago naligo at sinimulan na ang paggawa ng mga assignment.
❁ ・ ❁ ・❁
"I need your homeworks tomorrow. Bawal ang late, alright?" paalala ng teacher namin sa Philosophy bago siya lumabas ng room.
"Yes, Maam," sabay-sabay namin na sagot.
"Okay, sige," sabi niya bago binuksan ang pinto. "Nga pala," pahabol niya kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Night, how's your girlfriend?" tanong sa akin ni Maam na narinig ng lahat. Tinignan ko si Gio at Morgon na nakangisi na sa akin.
"May girlfriend na si Night?" tanong ng isa sa mga kaklase ko kay Morgon. Humarap naman si Morgon sa kanya at bumulong.
"Bakit naman si Night pa?" maarteng sambit ng isa sa mga kaklase kong babae sa likuran.
"Ops! Mr. Babaero no more!" tudyo naman nung isa sa mga kaklase kong lalaki.
Bumuntong-hininga ako bago nginitian ang teacher namin. "Okay naman siya, Maam. Malakas na."
"Syempre, malakas na yun, Maam. Iba mag-alaga ang kaibigan namin," sabi ni Morgon. Inasar-asar naman ako ng mga kaklase ko.
"That's good to hear. Sige na at baka malate na ako sa next class ko," sabi ni Maam.
"Bye, Maam!" sabay-sabay na sambit ng mga kaklase ko.
Nang makalabas si Maam ay linapitan ko si Morgon. Agad niya naman nakita na naglalakad na ako papalapit sa kanya kaya tumayo siya at tumakbo papunta sa dulo ng room. Hinabol ko naman siya.
"T*ng*na mo talaga, Morgon! Kasalanan mo lahat 'to!" sigaw ko habang hinahabol siya. Tinatawanan lang naman kami ng mga kaklase namin.
"Tinulungan lang naman kita magkagirlfriend, bro! Makisakay ka na lang!" sabi niya na kumakaripas pa rin ng takbo.
"Bwisit ka talaga!" sabi ko at naghabulan na kami sa buong classroom.
❁ ・ ❁ ・❁
"Tara, pre! Kain tayo. Nagugutom na ako," aya ni Morgon kay Gio. Wala kasi yung teacher namin sa fourth period kaya free time namin ngayon.
"Ang takaw mo," puna ko. Sinamaan ako ng tingin ni Morgon at tinawanan naman kami ni Gio. Hindi ko na lang sila pinansin.
Kinuha ko na lang ang bag ko at hinanap ang notebook ko para sana magreview para sa quiz mamaya.
Habang nagkakakapa ako dun ay nagtaka ako nang may makapang parang paper bag. Hinugot ko yun at napapalatak nang makitang gamot yun ni Zafy na pinaaabot ni Tita.
Bakit nga ba nakalimutan ko?!
"Huy, mga 'tol! Samahan niyo ako. Dadalhin ko 'to kay Zafy," aya ko sa kanila.
"Aba! Miss na niya ang baby niya," pang-aasar ni Morgon.
"Oo nga, eh! Balita ko miss na miss mo na rin si Chen," balik ko sa kanya.
Mabilis naman na nawala ang nakakaasar na ngiti niya at napalitan yun ng pagkapikon. Tinawanan tuloy siya ni Gio.
"Tara na," sabi ko at tumayo. Padabog namang sumunod si Morgon at tatawa-tawa naman si Gio.
Hindi rin nagtagal at natunton na namin ang room nila Zafy. Dahil ako ang nangunguna ay kinatok ko na ang pintuan ng classroom nila. Lumabas naman doon ang teacher nila.
"Good morning, Sir. Pwede po kay Zafyra?" tanong ko.
"And you are?" tanong niya pabalik.
Isasagot ko na sana na kaibigan ako ni Zafy kaso naisip ko yung kalokohang sinimulan ni Morgon na sinabi niya ay sakyan ko na lang. "I'm her boyfriend, Sir," sagot ko.
"Zafyra," tawag niya kay Zafy. "May naghahanap sayo sa labas. Boyfriend mo daw," anunsyo niya sa buong klase kaya natawa ako.
"Akala ko ba ayaw mong inaasar ka na girlfriend mo si Zafy, eh bakit ikaw pa ang nagsimula?" tanong ni Gio.
"Ayoko nga pero ayaw rin ni Zafy at nakakatuwang asarin yung friendly ghost na yun," nakangising sagot ko.
"Kunyari ka pa! Ang sabihin mo, bet mo lang talaga si Zafy," sabi ni Morgon.
"Alam ko rin namang gusto mo si Chen," balik ko kaya tinignan ako ng masama ni Morgon.
"Anong kailangan niyo? Bakit kayo nandito?" inis na tanong ni Zafy na nakalabas na pala.
"Aguy, magkakaroon pa ata ng LQ," pang-aasar ni Morgon kaya tinignan siya ni Zafy ng masama. Mabilis naman siyang napaiwas ng tingin. Taob!
"Babe, nakalimutan mo yung gamot mo," sabi ko sabay abot sa kanya nung gamot. "Nakalimutan mong kunin 'yan sa bahay, uminom ka daw sabi ni tita, para sa sakit ng ulo mo," dagdag ko.
Kinuha niya sa akin yung gamot. "Huwag mo kong tawaging babe. Tsaka 'wag mo nang uulitin yung sinabi mo sa teacher namin kanina. Di naman kita boyfriend," sabi niya.
"Ouch naman! Ang expect kong sasabihin mo, thank you, eh," sabi ko na napahawak sa dibdib ko.
"Eh, sino ba kasing matutuwa dun sa mga pinagsasabi mo? Magdadala ka na nga lang ng gamot sasamahan mo pa ng kalokohan," sabi niya.
"Tablado ka pala, Night, eh!" pang-aasar ni Gio kaya tinignan ko siya ng masama.
"Sige na may klase pa ko," sabi ni Zafy na tinalikuran kami at naglakad pabalik sa room nila.
Napaismid ako. "You're welcome!" sigaw ko pero hindi na niya ako pinansin.
"Tara," aya ni Morgon.
"Saglit," sabi ni Gio bago lumapit ulit sa pintuan ng room nila Zafy.
"Anong gagawin mo?" tanong ko.
"Tawagin natin si Chen. Namimiss na daw ni Morgon," sabi niya at akmang kakatok nang malakas siyang hilahin ni Morgon palayo. Tinawanan ko naman sila bago ako sumunod.
❁ ・ ❁ ・❁
"Saan tayo uupo?" tanong ni Morgon habang dala-dala namin ang kanya-kanyang tray ng pagkain. Puno kasi ang canteen at walang mauupuan.
Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng canteen at agad kong namataan sila Zafy. May bakante pa sa kanila at naalala ko bigla ang tungkol sa gamot niya. "Tara kila Zafy kakamustahin ko lang."
"Iba na talaga ang fafi Night sa concern," asar ni Morgon pero di ko na lang siya pinansin at sa halip ay naglakad papalapit kila Zafy.
"Babe, nainom mo na ba gamot mo?" tanong ko na tumabi sa kanya.
"Naks, may endearment pa! Tamis naman!" tudyo ni Morgon na sumunod sa akin.
"Bakit? Inggit ka?" nakangising tanong ni Gio.
"Bakit ba nandito na naman kayo?" tanong ni Zafy na nakatingin sa akin.
"Pwede naman siguro kaming maki-table?" nakangiting tanong ko.
"Bakit dito?!" sabay na tanong ni Morgon at Chen.
"At bakit hindi?! Tara upo kayo!" sabi ni Kai na sinenyasang maupo si Gio at Morgon. Nakangiti namang umupo si Gio habang si Morgon ay nanatiling nakatayo.
"Akala ko ba ay kakamustahin mo lang 'yang babe mo?! Wala kang sinabi na sasabay tayo sa kanila, Night!" reklamo ni Morgon.
"Sus kunwari ka pa, alam ko namang gusto mo dito, eh. Magpasalamat ka nalang, bro. Ginawan kita ng pabor. May utang na loob ka na sakin," sabi ko na kinindatan si Morgon.
"Anong utang na loob pinagsasabi mo diyan?! Sama ng loob ang meron ako sayo! Ulol ka!" sigaw ni Morgon na naupo na rin sa tabi ni Gio. Kaharap niya pa si Chen.
"Uy, since nandito na rin naman na tayong lahat. May gusto lang akong itanong," panimula ni Kai.
"Ano?" sabay-sabay naming tanong.
"May feeling na ako eh pero i-coconfirm ko lang," sabi niya. "Chen, si Morgon ba talaga yung naka-date mo dati na taga-ABM?" tanong niya kaya nasamid naman si Chen sa tubig na iniinom niya.
"Uy, nasamid! Ibig sabihin totoo!" panggagatong ni Gio.
"Alam mo ba na si Chen yun, Gio?" tanong ni Kai.
"Oo naman! Alam namin ni Night yun," sagot ni Gio na sumulyap sa akin.
"Si Chen kasi di naman nagsasabi samin! Ang alam lang namin taga-ABM!" sabi ni Kai. "Diba, Zafy?!" baling niya kay Zafy kaya tumango ito.
"Ngayong alam mo na, pwede ka na bang manahimik?" iritang tanong ni Chen sa kanya.
"Sus! Alam mo ba Morgon, naiinggit yan kila Zafy at Night! Baka naman daw!" sabi ni Kai.
"Ano?" inis na tanong ni Morgon.
"Pa experience!" pag-uulit ni Kai kaya natawa kami.
Binatukan naman siya ni Chen. "Wala akong sinasabing ganon! Walangya ka!" sigaw niya.
"Ay talaga?! Ganun din si Morgon eh, naiinggit gusto nang may inaalagaan!" sabi ni Gio.
"Oh?! Pwedeng pwede pala, eh! Muling ibalik na!" sabi ni Kai.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig! Sayang naman ang ating nakaraan!" sabay na kanta ni Gio at Kai na halatang tuwang-tuwa sa pang-aasar kay Morgon at Chen.
Napatingin naman ako kay Zafy na pansin kong tahimik lang sa tabi ko. "Casper, okay ka lang? Parang tahimik ka ata," puna ko.
"Tahimik naman talaga ako," sagot niya.
"Inumin mo na yung gamot mo pagtapos kumain," pagpapaalala ko na tinanguan niya lang.
"Uy, yung magjowa nagmomoment! Lipat na ba kaming table?" sabi ni Morgon.
"Baka nakakaistorbo kami, sabihin niyo lang!" sabi naman ni Chen. Bumuntong hininga si Zafy.
"Huwag na kayong magulo, naiingayan na yung babe ko," sita ko sa kanila kaya tinignan ako ng masama ni Zafy.
Namutawi na ang katahimikan matapos nun pero ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsalita muli si Kai.
"Kamusta pala sa ABM? Mahirap ba?" tanong niya kay Gio.
"Sobrang hirap! Lalo na yung math subjects!" sagot niya.
"Mas mahirap pa sa Pre-calculus at Basic Calculus namin?" tanong uli ni Kai.
"Madugo rin Stats! Nakakaubos ng brain cells!" sagot ni Gio.
"Relate. May Stats din kasi kami," sabi ni Kai.
"Eh business math at accounting meron kayo? Mahirap din yun! Iniiyakan naming subjects yun!" pagmamalaki ni Gio.
"Wala, syempre! Specialization subject yan para sa strand niyo," sagot ni Kai.
"Edi same lang sa pre-cal at basic cal niyo," balik ni Gio kay Kai. "Atleast kami di lang puro talino, madiskarte rin kami!" pagmamayabang nito.
"Uy kami rin kaya!" bwelta ni Kai.
"Eww gaya gaya!" pang-aasar ni Gio.
"Ah, basta! Mas mahirap sa STEM!"
"Mas mahirap ABM!"
"STEM!"
"ABM!"
"Ano ba yan nagtatalo pa kayo! Parehas lang naman yan! Sa mga estudyante nalang natin ibase!" biglang singit ni Morgon. "Nasa strand namin lahat ng gwapo at magagandang students! Alam ng lahat yan!" pagmamalaki niya.
"Malakas naman mambabae at manlalaki! Wala, ekis! Personality over looks pa rin!" sabi ni Chen na nakatingin kay Morgon.
"Ooohhh!" sabay-sabay na ungol namin dahil halatang namemersonal si Chen.
"Hala, Morgon oh, namemersonal!" sabi ko.
"Ganyan ka rin, tanga! Huwag ka magmalinis!" sigaw ni Morgon.
"Magbago ka na kasi para kayo na ulit ni Chen," sabi naman ni Gio.
"Asa!" sigaw ni Morgon. "Ayoko na nga! Lagi mo nalang akong tinitira, Gio, eh! Kahapon ka pa, ah! Isusumbong na kita sa jowa mong payatot!" dagdag niya.
"Hoy! Bawiin mo yung sinabi mo!" Kinwelyuhan ni Gio si Morgon.
"Tama na nga yan, ang gulo niyong dalawa!" sita ko kaya natahimik silang dalawa.
Napansin kong minasahe naman ni Zafy ang ulo niya.
"Masama ba pakiramdam mo, Zafy?" tanong ni Kai.
"Masakit lang ang ulo ko. Iingay niyo, eh," sagot ni Zafy.
"Inumin mo na kasi 'to, Casper para mawala na yung sakit ng ulo mo," sabi ko na pinagbuksan siya ng gamot at inuminan.
Agad naman niyang kinuha sa akin yun at ininom.
"Sure ka, okay ka lang?" tanong ko na hinagod ang likod niya.
"Ayos lang," sagot niya.
"Tsk! Kainggit talaga! Hanapan mo nga ako, Gio sa strand niyo, yung gwapo, ah! At nang maexperience ko naman yan!" sabi ni Kai.
"Tigilan mo ko, Kai. Sinabi ko nang 'di kami ni Night. 'Wag ka na mang-asar," sabi ni Zafy.
"Sus, dun na rin punta nun!" sabi naman ni Chen.
"Oo nga, babe," pagsang-ayon ko sa nakakaasar na tono.
"Nakikisakay ka rin kasi! Sabing 'wag mo kong tatawaging babe eh!" sabi niya sa akin at natawa naman ako dahil pikon na pikon na siya.
"Oh, magtatime na pala! Tara na mga sis! Malapit na next subject," sabi ni Kai.
"Tara na," sabi ni Zafy bago tumayo. Tumayo na rin sila Chen at Kai. "Una na kami," paalam nila Zafy sa amin.
"Sige, see you later nalang!" sabi ni Gio.
"See you later, babe!" malakas at masiglang paalam ko. Pinandilatan niya naman ako ng mata bago tinalikuran.
❁ ・ ❁ ・❁
"Pagod na ako, pre! Ayoko na mag-aral," reklamo ni Morgon habang naglalakad kami papuntang parking.
"Pwede ka namang hindi mag-aral. Hindi naman kami ang nagbabayad ng tuition mo kaya anong pake namin," sabi ni Gio.
"Alam mo, bad ka!" sabi ni Morgon.
"Tama naman siya, eh," sabat ko.
"Magsama nga kayo!" sabi niya bago kami inunahan sa paglalakad. Tinawanan lang namin siya ni Gio.
"Napakamatampuhin talaga ng kaibigan mong 'yan," sabi ni Gio.
"Ano pa bang bago dun?" sabi ko bago natawa ulit. Natigil lang ang pag-uusap namin ni Gio nang maabutan namin si Morgon na nakahinto at parang may tinitignan.
"Huy! Anong ginagawa mo at nakatulala ka pa dyan?" tanong ko nang malapitan siya.
"Si Zafy yun, 'di ba? Kasagutan yata yung dating flavor of the month mo," sabi ni Morgon na itinuro ang nasa harapan niya. Agad ko namang tinignan at nandun nga si Zafy at yung taga-HUMSS na ilang months ago na yata mula nung huli kong makita.
Dali-dali ko naman silang linapitan.
"Ano pa bang issue mo?! Eh, tapos na nga kayo!" rinig kong argumento ni Zafy.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko.
"Itong babae mo, pagsabihan mo! Ginugulo ba naman ako eh wala naman akong ginagawa sa kanya!" galit na ani Zafy.
"Night, baby," malanding tawag sa akin nung babae. Napapikit ako sa inis.
"I don't remember who the hell you are pero wala kang karapatan na pagsalitaan ng kung ano-ano si Zafy," medyo kalmang pagkakasabi ko.
"How can you not remember me, baby? Hindi mo ba maalala lahat ng pinagsamahan natin?" nagpapacute niyang tanong.
"Can you stop calling me your baby? It's annoying! I got what I want from you kaya hanggang dun na lang yun," sagot ko.
"Pero yun lang din naman ang gusto mo sa kanya, 'di ba?" Itinuro niya si Zafy.
Bumuntong-hininga ako. "Zafy's different," sagot ko.
"Ano bang meron siya na wala ako, Night? I can be like her too if you want. I can be a hundred times better," aniya.
"Alam mo ang pagkakaiba niyong dalawa?" tanong ko na medyo lumapit sa kanya. Taas-noo niya namang sinalubong ang tingin ko. "She has me and you don't," sabi ko bago lumayo sa kanya at hinila si Zafy papunta sa kotse ko.
"Alam mo, kasalanan mo 'to, eh! Ang landi-landi mo kasi!" inis na sambit ni Zafy nang harapin ko siya matapos namin makarating sa gilid ng kotse ko.
"Huwag ka na magalit, babe. Iniligtas naman na kita doon," sabi ko na pinapakalma siya.
"Kaya nanghamon ng away yun, eh! Hinahabol ka nung mga ex mo dahil diyan sa pa-babe babe mo na yan tapos imbes na ikaw ang puntahan nila, ako pa ang ginugulo. Nakakainis! Bakit ba kasi hindi sila makamove on?!"
"Sorry na nga, eh! Huwag ka na magselos," sabi ko at nanlaki ang mga mata niya.
"Hindi ako nagseselos!" dali-daling sagot niya.
Natawa ako. "Hay nako, Casper!" sabi ko kaya nagsalubong ang mga kilay niya.
"Ano na naman?" inis na tanong niya.
Nginitian ko siya. "Don't worry too much, babe. Ikaw lang, promise."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top