Chapter 7
"Saan ka galing?" tanong ni Zafy na humalukipkip din at inirapan ako. Tipid naman akong ngumiti dahil halatang-halata na asar na asar siya.
"Sinamahan ko lang sa mall sila Morgon at Gio," sagot ko.
"Mall? Maghapon kayo dun?" nakakunot noong tanong niya.
"Oo, dami kasi nilang pinagbibibili eh. Wala naman ako binili, sinamahan ko lang talaga sila," sagot ko.
"Kung makagala akala mo walang pasok bukas." bulong niya sa sarili na rinig ko naman. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Kalalaking tao hilig mag-shopping," dagdag pa niya na kinakausap pa din ang sarili.
"May gender ba ang pagshoshopping, Zafy? For girls lang ba dapat yun?" sarkastiko kong tanong.
"Hindi yun ang punto ko. Ang sakin lang simula umaga hanggang magsara ang mall nandun kayo?! Considering may pasok pa bukas ah?! Di ba kayo napagod? Yung tinagal niyo dun parang bumili na kayo sa lahat ng shops dun. Sabagay ganun talaga siguro pag mapera noh?!" litanya niya. Napamaang naman ako sa haba ng sinabi niya.
"OA mo naman, Zafy! Nakita mo ba may bitbit ako? Asan?! Sila lang naman ang naglustay ng pera," pagdedepensa ko sa sarili.
"Oh, eh anong ginawa mo dun? Pinanood mo lang silang mamili magdamag?!" tanong niya.
"Makasermon ka naman, Casper. You sound like an angry wife," nakangising pang-aasar ko.
"You're spitting nonsense," bwelta niya bago ako inirapan.
"So ano nga, Casper? Hinintay mo talaga ako? Bakit?" nakangiting pang-aasar ko.
"Magpasalamat ka nalang na hinintay kita kundi sa labas ka talaga matutulog." Inirapan niya ako ulit.
"Huwag kang irap ng irap, Casper. Mahipan ka ng hangin diyan, sige," pananakot ko.
"Whatever," maarteng saad niya bago ako tinalikuran.
Napaismid naman ako. Attitude niya, ah!
Nang makabalik siya ay tuloy-tuloy lang siya sa paglakad at hindi na ako pinansin. Iiling-iling naman akong naglakad papunta sa kwarto ko.
Tumigil siyang bigla nang nasa hagdanan na siya at hinarap ako. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"Sa susunod na magpagabi ka nang may pasok kinabukasan, di na talaga kita hihintayin. Hindi ako nagpupuyat," sabi niya sa akin.
"Thanks for waiting, Zafy. Goodnight," sincere na saad ko at pumasok na sa kwarto ko.
Nagpalit lang ako ng damit at nahiga na. Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog na din naman ako agad.
❁ ・ ❁ ・❁
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naunahan ko pa yung sinet kong alarm.
Kapag puyat kasi ako ay maaga rin akong nagigising. Hindi ko din maintindihan bakit.
Tinamad akong tumayo agad kaya napatitig lang ako sa kisame nang mga ilang minuto at nang tumunog na ang alarm ko ay bumangon na ako at naligo.
Matapos maligo at makapagbihis ay inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Sakto namang paglabas ko ay siya ring pagbaba ni Zafy. Nakabusangot ang mukha niya at mukhang pagod na pagod.
"Good morning, Casper!" masiglang bati ko.
"Walang good sa morning," sagot niya bago ako nilagpasan.
"Sungit," bulong ko sa sarili bago sumunod sa kanya.
Pagkarating namin sa dining table ay nandoon ang parents ni Zafy at si Ate Kaira na pinapakain si Daphne.
"Good morning, Ate Zafy!" masiglang bati ni Daphne kay Zafy.
"Good morning, Daphne!" bati ni Zafy pabalik na pinisil ng bahagya ang matambok na pisngi ni Daphne. "Good morning, Ate Kaira!" baling niya naman kay Ate Kaira.
"Akala ko ba walang good sa morning? Psh!" inis kong bulong sa sarili.
Naupo na si Zafy at umupo ako sa harapan niya. Saktong pag-upo naman namin ni Zafy ay siyang pagtayo ng papa niya.
"Mauuna na ko at malelate na ko sa trabaho," sabi ng papa ni Zafy sa mama ni Zafy. "Mag-aral ng mabuti, Zafy," pagpapaalala nito kay Zafy.
"Sige, pa. Ingat ka!" sabi ni Zafy habang kumukuha ng pagkain. Tumango naman ang papa ni Zafy sa amin nila Ate Kaira bilang paalam.
"Ihahatid na kita sa labas." Tumayo din ang mama ni Zafy. "Kumain lang kayo diyan, ah," sabi niya sa aming lahat.
Nagsimula na kami kumain ni Zafy. Tahimik lang naman akong kumain dahil wala naman akong sasabihin at wala naman sila Morgon dito na kabiruan ko.
Napapasulyap ako minsan kay Zafy at nakatitig lang siya palagi kay Daphne. Ni minsan ay hindi niya nilingon ang gwapo kong mukha.
"Daphne, we go to the same school!" biglang sabi ni Zafy.
"Talaga, Zafy?!" sagot ni Ate Kaira. "Doon din kayo nag-aaral sa school ni Daphne?"
"Oo, Ate Kaira! Eto po oh, same badge kami," sabi ni Zafy na hinawi ang buhok para mapakita ang school badge na nasa collar ng uniform niya.
Napatitig naman ako kay Daphne at kapareho nga namin siya ng badge. Pareho din kami ng kulay ng uniform.
"Kung ganun ay isabay ko nalang po si Daphne papasok. Nakakotse naman po ako at kasama naman si Zafy," sabi ko.
"Naku, nakakahiya naman, Night!" sagot ni Ate Kaira. "Ako nalang ang maghahatid kay Daphne papasok."
"But mommy gusto ko sumabay kay Kuya Night and Ate Zafy!" sabat ni Daphne.
"Sige na po, Ate Kaira. Para hindi na rin po kayo mag commute," nakangiting pamimilit ni Zafy.
"Oh siya, sige," pagpayag ni Ate Kaira. "Basta huwag kang malikot kay Ate Zafy at Kuya Night, ha? Behave ka lang!" pangaral ni Ate Kaira kay Daphne.
"Yehey!" masiglang sambit ni Daphne. "I will behave mommy, promise!" sabi niya sabay taas ng kanang kamay.
Napangiti naman ako dahil nakakatuwang pagmasdan si Daphne. Tinignan ko naman si Zafy at saktong nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Agad na nawala ang ngiti niya nang magtama ang mga mata namin. Mabilis din naman niyang binawi ang tingin at itinuon na lang sa pagkain.
Nang matapos kumain ay naghanda na kami papasok. Nauna na ako sa kanilang lumabas para maistart ko na ang kotse ko.
Nakita kong kumaway pa si Zafy at Daphne sa mama ni Zafy bago sila naglakad papunta sa sasakyan. Agad ko namang binuksan ang likurang pintuan para kay Daphne.
"Oh pano, kayo na ang bahala dito kay Daphne ah? Salamat, Night!" sabi ni Ate Kaira.
"No problem po," nakangiting sagot ko.
"Baby, behave ka, okay?! And mag-aaral ng mabuti!" sabi naman ni Ate Kaira kay Daphne.
"Yes, mommy! Bye mommy!" sagot ni Daphne na yumakap sa ina.
Nakaramdam naman ako ng lungkot habang pinagmamasdan sila. Namiss ko si Mom kahit na galit pa din ako sa kanila ni Dad. Magulang ko sila kaya hindi ko maiwasang mamiss sila kaso sawang-sawa na ako sa buhay namin.
Napailing-iling na lang ako bago ibinalik ang ngiti sa mukha. "Daphne, sakay ka na," sabi ko kay Daphne. Sumunod naman si Daphne at agad na sumakay. Nang prente na siyang nakaupo ay isinukbit ko ang seatbelt sa kanya at isinara ang pinto.
"Mauuna na po kami, Ate Kaira. Kami na po ang bahala kay Daphne," sabi ni Zafy.
"Sige sige, mag ingat kayo ah! Salamat uli!" sabi ni Ate Kaira. Nagpaalam na ako kay Ate Kaira bago naglakad papuntang driver's seat. Nagseatbelt lang ako bago pinaandar ang sasakyan.
"Ako na maghahatid kay Daphne sa room niya since mas malapit yung building namin sakanila," sabi ni Zafy matapos ang sandaling katahimikan.
"Pwede bang the both of you nalang, ate?" sabi ni Daphne. "Please??"
Wala namang sumagot sa amin ni Zafy. Saglit ko siyang tinignan at saktong nahuli ko rin siyang nakatingin sa akin. Napangisi ako dahil dun.
"Sure, Daphne. Kaming dalawa na ni Ate Zafy ang maghahatid sayo," sabi ko na ibinalik ang tingin sa daan.
"Yehey!" excited na saad ni Daphne.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa school. Nang makapark ay agad kaming bumaba. Tinulungan naman ni Zafy si Daphne na matanggal ang seatbelt nito.
Nang isara nila ang pinto ay inilock ko na ang kotse. Hinawakan ni Zafy ang kamay ni Daphne at nagtuloy sa paglalakad. Nakasunod naman ako sa kanila. Maglalakad na dapat kami papunta sa classroom ni Daphne nang makita namin si Morgon.
"Uy, Night!" bati niya sa akin. Napatingin naman siya kila Zafy at Daphne. "Hi Zafy!"
"Hello," bati pabalik ni Zafy.
"Wow! Last week ay si Zafy lang ang kasabay mo. Ngayon may bata na! School service ka na ba pre?!" pang-aasar niya sakin.
"T*nga, hindi!" sabi ko. Pinandilatan naman ako ng mata ni Zafy at saka ko lang narealize na nagmura ako. Napatakip tuloy ako ng bibig.
"Eh, ano?! Sino naman to si baby girl? Padami ng padami ang sinasabay mo ah!" tudyo ni Morgon.
"Daphne ang pangalan niya. Umuupa rin kila Zafy," sagot ko.
"Ah, I see," tumatangong ani Morgon. "Hi, Daphne!" bati ng mokong kay Daphne.
"Hello po!" magiliw na bati naman ni Daphne.
"Night, tara na. Malelate tayong pare-parehas 'pag di pa natin hinatid si Daphne," sabi ni Zafy sa akin.
"Kita nalang tayo sa room, pre," paalam ni Morgon.
"Sige, sige," sagot ko. Nanguna naman maglakad sila Zafy.
"Ayos pre ah, mukha kayong happy family!" bulong ni Morgon.
"Ugok!" Binatukan ko siya. "Pinagsasabe mo diyan?! Sige na!" sabi ko kay Morgon bago sumunod kila Zafy. Narinig ko pang tumawa ang loko bago pumasok sa loob.
❁ ・ ❁ ・❁
"Pre, I have chika," sabi ni Morgon kay Gio nang makalabas yung teacher namin sa first period.
"Baklang 'to!" sabi ni Gio sa nagbabakla-baklaang tinig. "Ano ba yun?"
"May anak na si Zafy at Night," sabi ni Morgon na bumulong pa pero rinig na rinig ko naman.
Binatukan ko siya. "Ako na naman topic niyo!"
"Syempre, brad. Ikaw lang naman interesting ang buhay dito," sagot ni Morgon.
"Hindi mo naman agad sinabi sa amin na batang ama ka na pala," pang-aasar ni Gio.
"G*go, hindi! Anak yun nung umuupa kila Zafy, okay? Ang gaan lang ng loob ko sa batang yun kaya isinabay ko."
"Hindi ko naman alam na younger girls na ang tipo mo ngayon, pre," panggag*go ni Morgon.
Binatukan ko siya ulit. "Wala na talagang matinong lumabas sa bibig mo!"
"Naisip ko lang, Night," sabi ni Gio kaya napalingon kaming pareho sa kanya. "Ang dalas niyo na yatang magkasama ni Zafyra."
"Nakatira kami sa iisang bubong, pre. Ano pa bang expect niyo? Tsaka ayan na naman tayo sa issue," inis kong sagot.
"Diyan kasi nagsisimula yan. Hindi mo mamalayan pero dahil palagi mo siyang kasama, nahuhulog ka na pala sa kanya," seryosong saad ni Gio.
"Ang corny mo," sabat ni Morgon. Tinignan naman siya ng masama ni Gio.
"Ganyan nangyayari kapag nagcommit. Hayaan na lang natin," sabi ko kay Morgon.
Napailing-iling si Gio. "Malapit ka na rin," sabi ni Gio na nakatingin sa akin.
"Never gonna happen, bro," sagot ko.
Magsasalita pa sana si Gio kaso dumating na ang second period teacher namin kaya hindi na niya naituloy kung ano man ang sentimyento niya.
Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya at sa halip ay kinalimutan na lang.
Napakaimposible naman kasi ng sinasabi niya. Never ako magsesettle sa isa kasi nasaan ang thrill doon?
❁ ・ ❁ ・❁
"Kung kailan naman maaga ako, ikaw yung late," reklamo ni Zafy nang makalapit ako sa kotse. Nakatayo siya sa tabi ng kotse ko at mukha na nga siyang bagot na bagot.
"Nag-overtime yung teacher namin, eh," paliwanag ko.
"Tara na. May gagawin pa ako," sabi niya kaya inunlock ko na ang kotse ko. Agad naman siyang sumakay sa shotgun seat.
Napailing-iling na lang ako bago sumakay sa driver's seat at pinaandar ang kotse.
Naging tahimik lang ang byahe namin pauwi. Wala naman kasi kaming pagkekwentuhan.
Nang makarating sa kanila ay dumiretso lang ako sa kwarto ko. Si Zafy naman ay hindi ko na alam kung saan nagpunta. Nakauwi naman na kami kaya wala na akong pakialam.
Pagkapasok ko sa kwarto ay ilinapag ko lang sa kung saan ang bag ko at nahiga. Plano ko sanang matulog kaso naalala ko na may pag-uusapan pa pala kami ni Gio tungkol sa report namin bukas.
Dahil dun, napilitan ako tumayo at kunin ang phone ko. Laking gulat ko naman nang kapain ko ang bulsa ko ay wala yun doon.
"Nasaan na yun?" tanong ko sa sarili bago tumayo at hinalungkat ang bag ko.
Nang hindi mamataan ay naisipan kong tignan sa kotse ko. Buti na lang nalock ko yung kotse dahil doon ko nga naiwan. Agad ko yun kinuha at inilock ko na ulit ang sasakyan.
"Pumasok ka na kasi dito sa jar para tapos na ang problema ko," dinig kong sabi ng isang babae. Agad kong hinanap kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Zafy sa bakanteng lote na katapat ng bahay nila.
May hawak siyang garapon na nakabukas. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Nakaisip naman ako ng kalokohan. Dahan-dahan akong lumapit at saka buong pwersa siyang tinapik.
"Ay, anak ng palaka!" sigaw niya kaya natawa ako ng malakas. Pinagpapapalo naman niya ako. "Bwisit ka talaga! Tumalon tuloy palayo yung palaka dahil sayo!"
"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?" tanong ko na medyo natatawa-tawa pa rin.
"Nanghuhuli ako ng palaka para sa bio," sagot niya.
"Eh, bakit hindi mo damputin tsaka ilagay diyan. Narinig ko kanina kinakausap mo pa," sabi ko bago siya tinawanan ulit.
"Ang kadiri kaya! Parang hihimatayin na ako dito," sabi niya.
Binigyan ko siya ng nakakaasar na ngiti. "Takot ka ba sa palaka?"
Nanlaki ang mata niya. "H-hindi kaya," nauutal niyang sagot.
Tumango-tango ako. "Ayun yung palaka sa paa mo, oh!" Turo ko sa paanan niya.
"Ay, putragis! Nasaan?!" sigaw niya sabay talon kaya tinawanan ko siya ulit. "Napakabwisit mo talaga!" sabi niya na pinaghahahampas na naman ako. Hindi naman ako matigil sa kakatawa.
"Akin na nga! Tulungan na kita," sabi ko sabay hablot nung garapong hawak niya. Hindi naman ako nahirapang makahanap ng palaka. Buti na lang ay medyo mamasa-masa ang damo kaya marami-rami sila dito.
Dinampot ko na ang isa at akmang ilalagay na sa garapon nang may maisip na naman akong kalokohan.
"Zafy," tawag ko sa nakatalikod nang si Zafy. Itinapat ko sa kanya ang palaka para paglingon niya ay ito ang una niyang makita.
"Ano bang- Ay, t*ng*na ka!" sigaw niya nang makitang sobrang lapit sa kanya ng palaka. "Hoy, Night! Ilayo mo sakin yan sinasabi ko sayo!"
"Bakit? Gusto niya daw makipagfriends sayo." Inilapit ko pa sa mukha niya yung palaka.
Napatili siya sabay takbo palayo. Hinabol ko naman siya habang dala ko pa rin yung palaka. "Huy kasi! Mahihimatay na ako legit!" sigaw niya.
"Ang OA naman nito," sabi ko bago inilagay na sa garapon yung palaka. Akmang aabutin ko na sa kanya yung garapon nang inisin ko siya ulit at nagkunwaring bubuksan yung garapon. Napatili naman siya kaya tinawanan ko siya ulit.
Hinampas niya ako. "Nakakainis ka! Pakamatay ka na!" sigaw niya bago hinablot yung garapon at naglakad papasok ng bahay. Tatawa-tawa ko naman siyang sinundan at pumasok na rin.
❁ ・ ❁ ・❁
"Boys, pwede makisuyo?" tanong ng isa sa mga teacher namin nang makita kaming nakatambay malapit sa faculty room. May bench kasi dito at tinatamad pa raw kasi magdrive 'tong si Gio at Morgon. Hinihintay ko naman si Zafy kaya okay lang na magkwentuhan muna kami.
"Sige po, maam. Ano po ba yun?" sabi ni Morgon.
"Padala nito sa Registrar malapit sa Science Lab," sabi ni Maam sabay abot ng brown envelope.
"Sige po," sagot ni Gio habang kinukuha yung envelope.
"Maam, baka naman may paplus ka dyan," tudyo ni Morgon.
"Plus ano? Plus 50,000 stab wounds?" pagbibiro ni Maam.
"Maam, naman!" Napakamot sa batok si Morgon.
"Hintayin niyo na lang," sabi ni Maam.
"Alam ko naman mahal na mahal mo kami, Maam," sabi ni Morgon na tinawanan lang ni Maam.
"Sige na at baka umalis na yung mga nandun sa Registrar," sabi ni Maam kaya nagpaalam na kami.
Kung ano-ano ang ikinekwento ni Morgon habang papunta kami doon. Walang nakakasingit sa kanya dahil walang tigil ang bunganga niya sa kakadada.
Nang makarating sa Registrar's Office, agad naming inabot ang envelope sa mga tao dun at nagpaalam na. Napadaan naman kami sa Science Lab at agad kong nakita si Zafy na tinititigan yung palaka na hinuli namin kahapon.
"Anong tinitignan mo dyan?" tanong ni Gio na sumilip din sa Lab.
"Nagdidissect yata sila," sabi ni Morgon na nakasilip na rin.
Nakatingin lang ako kay Zafy. Kitang-kita ang panginginig ng kamay niya habang hawak niya yung panghiwa. Nang mahiwa niya na ang palaka at napakaraming dugo ang bumulwak doon, bigla na lang siyang bumagsak sa sahig.
Nagkumpulan ang mga kaklase niya sa pwesto niya. Hindi na magkandaugaga ang lahat dahil sa nangyari. Napatakbo naman ako papasok at agad na binuhat si Zafy.
Nang maayos ko na siyang naisettle sa mga braso ko, dali-dali akong lumabas ng Science Lab. Binigyan pa ako ni Morgon at Gio ng nagtatakang tingin pero hindi ko na lang sila pinansin at sa halip ay tumakbo ako papuntang clinic.
"Huy! Saan mo siya dadalhin?" tanong ni Morgon na sinabayan ako sa pagtakbo.
"Saan pa? Sa clinic syempre. Slow nito," sabi ni Gio na kasama rin namin.
Hindi ko na lang sila pinansin dahil kailangang-kailangan na agad maidala itong si Zafy.
Ano ba naman kasi ang nangyari dito? Ganun ba talaga siya katakot sa palaka para mahimatay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top