Chapter 6
"Aray! Ano ba!" reklamo ni Zafy nang mabitawan ko siya dahil sa narinig naming pagring ng doorbell. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Sasaluhin mo ko tapos bibitawan mo rin pala ako sa huli! Masakit, ah!" sabi niya habang di malaman kung saang parte ng katawan niya hahawak.
"'Wag mo kasing gawing hobby yung madalas mahulog, Casper," sabi ko na nakababa ang tingin sa kanya.
"Na out of balance ako eh! May ipis kasi!" reklamo niya.
"Ano? Ipis? Takot ka sa ipis?" nakangising sambit ko. Patay ka ngayon!
"Eh ano naman sayo? Ikaw nga takot sa mantika!"
"Ah, talaga?" sarkastiko kong sambit. "Uy may ipis! Gumagapang papunta sayo!" sigaw ko na itinuro ang kanan niya.
Agad-agad naman siya napatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. "Omygosh! Nasaan?!" tanong niya na napatungtong sa sofa.
"Ayan! Nasa may paanan mo!" Turo ko sa paanan niya.
"Putek!" Napatalon siya ng bahagya dahil sa gulat. Napaupo siya sa may sandalan ng sofa at tinaas ang paa.
Natawa naman ako ng malakas dahil sa itsura niya.
"Ano ba?! Pinagloloko mo ba ko?!!" Tumayo siya at naglakad papalapit sakin.
Patuloy naman ako sa pagtawa. Natigil lang ako ng tumama sa akin yung walis na hawak ni Zafy. "Ouch! Casper?! Masakit!"
"Ouch?? Masakit?! Ano kamo? Masakit?!" nanggigigil nitong ani. "Ano sa tingin mo yung ginawa mo kanina? Yung binitawan mo ko at sumalampak ako sa sahig?! Hindi masakit?!"
"Hindi naman kita binitawan! Nabitawan kita. Magkaiba yun, Zafy!" bwelta ko.
"Nabitawan, binitawan--parehas lang yun! Nasaktan pa rin ako!" pakikipaglaban niya.
Akmang babatuhin niya ako ng dustpan nang tumunog ulit yung doorbell.
"Labasin mo na muna yung nagdodoorbell, Zafy. Kanina pa yun," utos ko kay Zafy.
"Manahimik ka, batuhin kita diyan eh, hmp!" Inambahan niya ulit ako ng dustpan kaya umiwas ako habang natatawa pa rin.
Nang makaalis si Zafy ay naupo na lang ako sa sofa at inilabas ang cellphone ko para maglaro.
Hindi naman nagtagal at nakabalik na ulit si Zafy.
"Si mama?" tanong niya sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nahagip ng mata ko yung mag-inang nasa likod niya. Nagtaka ako bago ibinalik ang tingin kay Zafy.
"I don't know," kibit-balikat kong sagot.
Hinarap naman niya yung mag-ina. "Upo muna po kayo." Sinenyas niya ang sofa kung saan ako nakaupo kaya tumayo ako para makaupo sila ng maayos. Tumabi ako ng tayo kay Zafy.
"Boyfriend mo po, ate?" tanong nung bata kay Zafy. Pareho naman kaming napatingin dun sa bata na nakangiti na ngayon sa amin.
Napangisi naman ako sa sinabi nung bata. Paano ba yan? Sa gwapo kong 'to ay boyfriend niya ang akala ng iba, hindi houseboy!
"Nako, hindi, hindi!" agap na sagot ni Zafy na isinesenyas pa ng pagtanggi ang mga kamay.
"Eh, suitor po?" tanong muli nung bata.
"Ano ka ba, Daphne! 'Wag kang nagtatanong ng ganyan," suway ng nanay nito. Napanguso lang yung bata matapos siyang pagsabihan.
"Okay lang po yun. Wala naman pong masama sa tinanong ng anak niyo," sabi ko.
"Nako, pagpasensyahan niyo na 'tong anak ko, madaldal talaga siya eh. Sorry," paghingi ng pasensya ng ina ni Daphne. "Ako nga pala si Kaira. Ate Kaira nalang, ah. Di pa ko matanda."
"Okay lang po. 'Wag na po kayong mag sorry. Cute naman yung baby niyo, eh!" sabi ni Zafy. Naupo naman siya ng bahagya para magpantay ang tingin nila ni Daphne. "Hi! Daphne, right?" nakangiting tanong ni Zafy sa bata.
"Opo, hi, ate..." Nabitin siya sa pagbati kay Zafy dahil inaalam ang pangalan nito.
"Zafy. Ate Zafy," sagot ni Zafy.
"Hi Ate Zafy!" magiliw na bati nung bata. Nagawi naman ang tingin nito sa akin. "Hello po!" bati ni Daphne sa akin na iwinawagayway pa yung maliliit niyang kamay. Napakacute.
"Hello, little girl," bati ko pabalik. "Ako si Kuya Night."
"Night? As in yung gabi po?" takang tanong ni Daphne. Tumango naman ako bilang sagot. "Eh, kaso, afternoon po ngayon. Should I call you afternoon instead?" inosenteng tanong nito.
Natawa naman nang nakakaloko si Zafy. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Daphne!" suway uli ni Ate Kaira kaya muling nanahimik si Daphne.
"Ahh, gusto niyo po bang makita yung mga rooms para makapili po kayo?" tanong ni Zafy.
"Sige," sagot ni Ate Kaira.
Tumayo na sila at naglakad papunta sa mga kwarto. Sumunod ako para makapunta na sa kwarto ko.
"Bakit mo ba ko sinusundan?" baling sa akin ni Zafy.
"Pupunta ako sa kwarto ko, Zafy. Huwag kang feeling," ngisi-ngisi kong saad bago siya lagpasan at naglakad papunta sa kwarto ko.
"Hmp!" Inambahan niya ako ng suntok nung makalagpas ako sa kanya. Hindi ko na lang pinansin at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa kwarto ko.
Agad ko namang kinuha ang twalya ko at dumiretso sa banyo.
❁ ・ ❁ ・❁
"Pre, good morning!" masiglang bati ni Morgon nang sinagot ko ang tawag niya.
"Ang aga-aga tapos nag-iingay ka dyan," reklamo ko. Nahirapan pa ako tumayo dahil masakit ang ulo ko.
"Sama ka sa amin ni Gio," aya niya.
"Saan?" tanong ko.
"Mall lang," sagot niya.
Napakunot ang noo ko. "Ano namang gagawin natin dun?"
"Shopping, duh!" boses babaeng aniya.
"Nakakalalaki, brad, ah!"
"Pumayag ka na kasi! Kami lang naman ni Gio ang maglulustay ng pera," sabi niya kaya bumuntong-hininga ako.
"Sige na! Sige na! Maliligo lang ako," pagsuko ko.
"Kaya mahal kita, 'tol, eh! See you mamaya. Mwah!" paalam niya bago ipinatay ang tawag. Binato ko sa kama yung phone ko bago tumayo at nagstretch. Nang gumaan ang pakiramdam ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.
Nang matapos maligo ay agad akong nagbihis at inayos ang sarili sa salamin. Itinext ko pa si Morgon na paalis na ako bago lumabas ng kwarto at inilock yun.
"Hi, Kuya Morning!" bati sa akin ni Daphne.
"Hay! Napakapilya talaga ng batang 'to! Pasensiya na, Night," sabi ni Ate Kaira.
"Okay lang po," nakangiting saad ko. "Good morning, Daphne!" bati ko kay Daphne.
"Saan ka pupunta, Kuya Night?"
"Sa mall. Kikitain ko si Kuya Morning at Kuya Afternoon," sagot ko na ginulo ang buhok niya.
"May kaibigan po kayo na Kuya Morning at Kuya Afternoon?" excited na tanong ni Daphne.
Natawa ako bago tumango. Nakakatawa nga na naging kaibigan ko yung dalawang yun. Parang meant to be talaga na maging magkaibigan kaming tatlo. Ang Morgon kasi ay Swedish word for Morning and ang Pomeriggio naman ay Italian word for Afternoon.
"Gusto mo ba sumama?" nakangiting tanong ko kay Daphne. Nagliwanag naman ang mukha nito.
Hindi ko din alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa cute na batang 'to. Parang ang sarap lang niyang kasama.
"Mommy, sama ako kay Kuya Night, please!" paalam nito kay Ate Kaira.
"Next time na lang, anak. Magsisimba pa tayo, 'di ba?" sagot ni Ate Kaira. Napapout naman si Daphne.
Naguilty naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Ate Kaira. Feeling ko ang demonyo ko na dahil matagal na akong hindi nagsisimba.
Natigil lang ako sa pagrereflect ko sa buhay ko nang may narinig akong nag-uusap sa sala.
"May bisita nga pala sila, Night pero hinahayaan lang naman nila tayong magpadaan-daan," imporma ni Ate Kaira.
Napakunot naman ang noo ko nang may marinig akong boses ng lalaki na nanggagaling sa sala.
"Handsome din po yung bisita nila like you, Kuya," pambobola ni Daphne. "Feeling ko boyfriend siya ni Ate Zafy," dagdag niya at nanlaki naman ang mga mata ko.
"Ikaw talagang bata ka! Tara na!" sabi ni Ate Kaira sa humahagikhik nang Daphne. "Sige, Night. Una na kami at baka malate kami sa misa," paalam ni Ate Kaira bago ko sila tinanguan at pinanood na maglakad palayo.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Laking gulat ko lang nang mapadpad ako sa sala ay nakita ko kung sino ang bisita. Napakamapaglaro nga naman ng tadhana dahil ang iniiwasan kong si Edmond Allister Arabella ay nandun at nakaupo sa sofa.
Arabella? Pareho sila ng apelyido ni Zafy. Pinsan ni Allister si Zafy?!
"Night, hijo, magandang umaga!" bati ng nanay ni Zafy sa akin at dahil dun, tinignan ako ni Zafy at Allister.
"Good morning po," bati ko pabalik sa mama ni Zafy.
"Ay, Night! Si Allister, pamangkin ko at pinsan ni Zafy," pagpapakilala niya kay Allister.
Nginitian ko naman si Allister ngunit inirapan ako nito. Aba! Attitude ka, bro?
"Maiwan ko muna kayo at titignan ko yung isinalang kong puto doon," paalam ng mama ni Zafy bago tumayo at naglakad papuntang kusina.
"Long time no see, Night Sage Arden," sabi sa akin ni Allister.
"Likewise, Edmond Allister Arabella," sagot ko pabalik.
Binigyan kami ni Zafy ng nagtatakang tingin. "Magkakilala kayo?"
"Magkalaban ang mga kumpanya ng parents namin," sagot ko. Totoo namang magkaribal talaga ang Arden Corp. at Arabella Group of Companies. Never ko nakuha kung saan nagmula yung rivalry basta namulat ako na dapat kamuhian ang mga Arabella.
Sandali! Kung related si Zafy kay Allister, ibig sabihin may shares ang pamilya ni Zafy sa kumpanya nito, eh bakit kaya ganito ang pamumuhay nila?
"Bukod dun, remember Sofia?" tanong ni Allister kay Zafy. Bumuntong-hininga naman ako.
"Yung ex mong kaboses ni Sofia the first pero kaugali ni Amber? Yung first love mong niloko ka?" sunod-sunod na pagkukumpirma ni Zafy.
"Yup," sagot ni Allister na masama pa rin ang tingin sa akin.
"Oh, ano meron sa kanya?" takang tanong ni Zafy.
"Zafy, meet the guy she slept with," sabi ni Allister na itinuro ako. Napapikit naman ako sa inis.
Nang imulat ko ang mga mata ay nakita kong gulat na nakatingin sa akin si Zafy habang nakabuka ang bibig.
"Isara mo yung bibig mo, Casper at baka mapasukan yan ng ipis," sabi ko at tinignan lang ako nito ng masama.
"Casper, huh? So you're after my cousin as well?" sarkastikong tanong ni Allister.
"No and for your information, hindi ko alam na may boyfriend si Sofia. Hindi sinabi sa akin ng ex mo na taken na pala siya," paliwanag ko.
"Huy! Tama na nga yan! Baka magsapakan pa kayo dito tapos ako pa paglilinisin kapag nagkaroon ng dugo dito," pag-awat ni Zafy sa amin.
Ibang klase rin talaga 'tong babaeng 'to, eh! At yun pa talaga ang inalala niya.
"Mauuna na ako," sabi ko bago nilagpasan si Zafy at Allister na hanggang ngayon ay masama ang tingin sa akin. Hindi ko na lamang pinansin at tumuloy na lang palabas para makasakay sa kotse ko.
Nang maayos ko ang sarili ay inistart ko ang sasakyan at pinaharurot iyon papunta sa mall.
❁ ・ ❁ ・❁
"Ano mas maganda? Itong red or itong black?" tanong sa akin ni Morgon na itinaas ang dalawang rubber shoes na hawak niya.
"Ewan ko sayo. Ako ba magsusuot?" walang gana kong sagot.
Nang magkita-kita kami kanina ay dito nila naisipang dumiretso. Hindi ko din alam sa dalawang siraulong 'to kung bakit ang hilig mamili ng sapatos.
Noong malaki-laki ang allowance ko ay nasasabayan ko sila pero nang makita ko kung gaano karami na yung sapatos ko ay pinagtuunan ko na ang pagtingin-tingin sa mga damit o minsan ay hindi na lang ako bumibili ng kung ano-ano. Ngayon naman ay malaki-laki pa rin ang nakukuha kong allowance mula dun sa lalaking tumulong sa akin pero kapag ginasta ko yun sa pagshashopping ay paniguradong mauubos agad yun.
"Ang sungit nito. Hoy, Night Sage Arden! Alam kong naiinggit ka sa amin dahil naghihirap ka na pero huwag mo naman kaming bulyawan!" saad ni Morgon na nakapameywang pa.
"G*go," mahina kong mura.
"Ang ingay mo, pre! Konti na lang palalayasin na tayo dito," sita ni Gio kay Morgon.
"Ikaw na nga lang, pre," baling ni Morgon kay Gio. "Red or black?"
"Problema mo yan," sagot ni Gio na naging dahilan para matawa ako.
"Walang kayong kwenta!" sigaw ni Morgon bago naglakad pabalik sa stand ng mga sapatos.
Pareho lang kaming napailing-iling ni Gio. "Hindi ka talaga titingin?" tanong niya sa akin.
"Wala sa budget talaga, dude," sagot ko. "Eh, ikaw? Bakit sa women's section ka tumitingin? Change of heart?"
"G*go, hindi! Malapit na birthday ni Cass. Plano ko isurprise kasi matagal na niyang tinitignan 'tong sapatos na 'to," pagpapaliwanag niya. Bilib din talaga ako dito kay Gio. Ganun niya talaga mahal yung girlfriend niya. Kung ako, hindi ko kaya. Commitment kasi talaga ang kailangan na sa tingin ko, hindi ko kaya ibigay.
"Sige na. Bilhin ko na 'to," paalam ni Gio bago tumayo at nagpunta sa counter. Nang makarating si Gio sa counter ay siya namang lakad ni Morgon papunta sa akin dala-dala ang malaking paper bag.
"Oh, ano nang napili mo?" tanong ko nang sumalampak siya sa tabi ko.
"Binili ko na lang parehas," kibit-balikat na aniya.
"Yabang," mahinang bulong ko.
"May maipagmamayabang naman," sagot niya.
"Tara na," aya ni Gio nang matapos siya sa pagbayad.
Tumayo na kami ni Morgon at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa food court dahil pare-pareho na kaming nagugutom.
Agad kaming nagkanya-kanyang punta sa kung saan-saang stall para umorder ng pagkain. Nang matapos ay nagkita-kita kami sa isang table.
"Anong oras tayo uuwi?" tanong ko habang kumakain.
"Pucha, pre! Kakarating lang natin, gusto mo na agad umuwi?!" nakasigaw na namang tanong ni Morgon.
"Intindihin mo na lang, bro. Baka kasi may naghihintay sa kanya sa kanila," sagot ni Gio.
"Hindi ganun yun! Pagod lang ako. Huwag nga kayong issue," sita ko.
"Ayan ka na naman kasi, 'tol. Huwag ka nga daw kasing issue. Hindi naman daw siya hinihintay, namiss niya lang si–"
Hindi natapos ni Morgon ang kanyang sasabihin dahil ibinato ko sa kanya yung stick na tapos ko nang gamitin.
"Kadiri ka! May laway mo yan, eh!" reklamo niya habang pinapagpagan ang sarili.
"Hanggang closing daw tayo dito," baling ni Gio sa akin.
Napailing-iling ako. "Pero pwede ka na umuwi kung atat ka nang makita si Zafy," sabi ni Morgon nang matapos pagpagan ang sarili.
Bumuntong-hininga ako. Lahat talaga ng bagay sa kanila may meaning. "Para tumigil na kayo sa kakaasar niyo, oo. Nakakapika kasi, alam niyo yun? Sige, sasamahan ko kayo kahit pa abutin tayo ng madaling araw dito."
❁ ・ ❁ ・❁
"Napagod ako. Mula opening hanggang closing nandito tayo!" reklamo ko nang maupo sa sasakyan ko at pinagmasdan silang ilagay sa kotse nila yung mga pinamili nila.
Mga kalalaking tao, ang gastador!
"Pinapauwi ka na nga namin para hindi na mag-alala si Zafy sayo, ayaw mo pa," sabi ni Morgon.
"Bakit ba iniisip niyo na hihintayin niya ako? Mga loko talaga 'to," sabi ko na minamasahe ang mga paa ko.
"Sige na, brad. Okay na. Umuwi ka na," sabi ni Morgon.
Inismiran ko lang siya bago inistart ang kotse ko at iminaneho pauwi. Mabilis lang naman akong nakarating dahil hindi na traffic dulot ng gabing-gabi na.
Nang maipark ang kotse ay agad akong bumaba at inilock yun. Madilim na ang bahay kaya inaasahan ko na tulog na ang mga tao.
Agad tuloy akong nag-alala dahil wala naman akong susi ng bahay nila. Nagbaka sakali na lang ako na baka bukas ang gate at laking gulat ko nang bumukas nga. Nakahinga rin ako ng maluwag nang makitang bukas pa ang ilaw sa sala nila.
"Hindi na talaga ako magpapagabi. Nakakahiya sa parents ni Zafy," bulong ko sa sarili. Dahan-dahan kong tinahak ang daan papasok at handa na akong magpasalamat sa mama ni Zafy pero agad nanlaki ang mata ko nang si Zafy mismo ang nakita kong nakaupo sa sofa.
"Umuwi ka na rin sa wakas! Alam mo naman sigurong may pasok bukas, 'di ba? Paano kapag hindi ka nagising ng maaga, ha?!" sunod-sunod na sita niya pero imbes na mainis ay hindi ko mapigilan ang mapangisi. "Anong iningingisi-ngisi mo dyan?!"
Humalukipkip ako. "Hinihintay mo ba ako?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top