Chapter 4

"Mali ang iniisip niyo!" sabay naming tanggi ni Zafy. Nagkatinginan kami bago umiwas ulit dahil sa pagkailang.

"Halika na nga!" sabi ni Zafy na hinila ang kaibigan papasok. Sobrang bilis niyang maglakad kaya agaran rin silang nawala sa paningin namin.

"Akala ko ba ako lang, Night?" nag-iinarteng tanong ni Morgon. Inismiran ko lang siya. "Sabi ko na talaga nagsisinungaling ka kanina, eh! Ganun kagandang binibini tatanggihan mo?! Bago yun, ah!"

"Huwag kang issue," sabi ko bago naglakad papunta sa building namin.

"Ano nga? Kamusta ang gabi? Pumayag na maging fubu mo, noh?" sunod-sunod na tanong niya.

"T*ng*na!" mura ko nang marinig ang huling linya.

"Fubuo kasi ng buhay mo! Ano bang iniisip mo?" nang-aasar niyang sambit.

"G*go," sabi ko at hindi na pinansin ang pangdadaldal niya hanggang sa makarating kami sa classroom.

❁ ・ ❁ ・❁

"Huwag mo akong niloloko, Morgon Noah! Paanong mangyayaring nailabas na siya, eh nung huli kong tingin wala pa," saad ni Gio. Nagkekwentuhan sila ni Morgon tungkol dun sa inaabangan nilang limited edition na rubber shoes. Wala naman akong pakialam kasi kailangan ko magtipid.

Nandito kami ngayon sa canteen at nakapila para umorder ng pagkain.

"Hindi ka talaga naniniwala sa akin? Oo nga! Nakita pa ng dalawa kong mata," sagot ni Morgon.

Napahawak si Gio sa bibig na parang nagulat.

"Oh, bakit?" tanong ni Morgon sa kanya.

"May mata ka pala," kunyaring gulat na sambit nito. Natawa ako ng malakas. Binatukan naman ni Morgon si Gio.

Nang makarecover ako sa pagkakatawa ay saktong kami na ang susunod na oorder. Nag-order na kami at gumilid para hintayin ang pagkain.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Zafy kasama ng mga kaibigan niya. Agad akong napaiwas ng tingin at nagkunwari na lang na interesado sa ginagawa ng mga server.

"Uy!! Hello!" bati ni Morgon sa kanila. Napapikit ako sa inis.

Wala tuloy akong choice kundi lingunin sila.

"Hi," ilang na bati ni Zafy.

"Diba ikaw yung kasabay ni fafi Night kanina? Zafy, right?" nakangiting tanong ni Morgon sa kanya.

"Pano mo nalaman yung pangalan ko?" takang tanong niya. Palihim ko naman na tinignan ng masama si Morgon. Lusutan mo yan, g*go!

"Ahh, sinabi lang sakin ni Fafi Night kanina," pagsisinungaling niya na sumulyap pa sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi kapani-paniwala ang dahilan niya. "Ako nga pala si Morgon, pero pwede ding babe nalang," pagpapakilala niya sabay kindat. Ang landi talaga kahit kailan!

"Uy! Anong kasabay? This beautiful girl?" sabat ni Gio. Napakaepal talaga ng dalawang 'to!

"Oo! Kasabay kanina ni fafi Night papasok! Kitang kita ko! Magkasama sila sa kotse!" sobra-sobra sa emosyong kwento ni Morgon.

Dahil sa kinwento ng mokong ay nang-aasar akong tinignan ni Gio. Ganun din ang ginawa niya kay Zafy.

"I'm Gio. Nice to meet you," pagpapakilala ni Gio na inilahad ang kamay. Tinanggap rin naman iyon ni Zafy.

"Hoy! Kayong dalawa, nandito na yung order natin!" tawag ko sa kanilang dalawa nang ilapag na sa harap ko ang pagkain namin. 

Nagpaalam ang dalawang ugok kay Zafy bago kinuha ang pagkain at sabay-sabay naming tinungo ang table na nasa medyo nasa dulo ng canteen.

"Road to permanent girlfriend na ba ito?" nang-aasar na tanong ni Gio. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Ang weweak naman! Akala ko ba no permanent kalampungan rule?" malokong sambit ni Morgon. Napailing-iling na lang ako at kumain ng payapa kaysa makinig sa pinag-uusapan nila.

❁ ・ ❁ ・❁

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Morgon nang makitang hindi ako sumakay sa kotse ko at sa halip ay sinandalan lang ito. Taka rin akong tinignan ni Gio.

"Mauna na kayo. May hinihintay pa ako," sagot ko. Medyo maaga-aga kaming dinismiss ng Business Finance teacher namin. Yun kasi ang huling subject bago mag-uwian.

"Hulaan ko, pre, ah! STEM student, noh?" nakangising sambit ni Gio. Tinignan ko naman si Morgon at nakangisi na din ito nang nakakaloko.

"Huwag kayong issue," iiling-iling na sabi ko. "Humingi ng pabor yung mama niya."

"Ah, yun naman pala, Gio, eh! Issue ka kasi!" sarkastikong wika ni Morgon.

"Umuwi na kayo!" utos ko at sumunod naman ang dalawang loko. Binusinahan pa nila ako bilang paalam bago nagsialisan.

Inilabas ko na lang ang phone ko at nagml. Ang tagal ko nang naglalaro pero tahimik pa rin ang paligid. Nakaonline na rin si Morgon at Gio para makalaro ko pero wala pa ring Zafy na lumabas.

Napabuntong-hininga ako nang bigla na lang mamatay ang telepono ko. Ang dami pang battery niyan kanina, ah! Ganun ba talaga katagal akong naghintay?

Inis kong binuksan ang glove compartment at hinanap ang powerbank ko. Napapikit na lang ako nang maalalang bagong kotse nga pala 'to at naiwan ko sa kotse kong isa yung powerbank!

Bumaba ulit ako ng sasakyan at padabog na sinara ang pinto. Kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob ko sa pamilya ng babaeng 'to, iniwan ko na sana siya!

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang may mga papalabas na estudyante na sa tingin ko ay STEM students dahil sa ID lace nila. Hindi naman nagtagal ay nakalabas na rin si Zafy kasama ng mga kaibigan niya.

"Kung ganito naman kagwapo ang susundo sa akin, baka binusalan ko na yung bibig ng madaldal nating teacher at nauna na dito," pagbibiro nung kaibigan niyang si Kai yata. Walang pumansin sa kanya. Naglakad lang silang tatlo palapit sa akin.

"Hoy! Ingatan mo 'tong best friend ko! Dapat makauwi yan ng isang buo, naiintindihan mo?!" nakadurong sambit ng kaibigan niya na si Chen yata yun.

"Chen!" suway ni Zafy sa kanya. Tinaasan lang siya nito ng kilay. "Sige na, uwi na. Ingat kayo," paalam ni Zafy sa kanila. Kumaway na ang dalawa bago naglakad palayo. Umikot naman si Zafy papunta sa shotgun seat at sumakay. Sumakay na rin ako sa driver's seat.

"Ang tagal mo!" reklamo ko habang iniistart ang engine.

"Try mo kaya maging STEM student," sagot niya na inirapan ako. "Ang kulit mo kasi! Sinabi na sayong magcocommute na lang ako."

"Okay na. Panalo ka na," pagsuko ko bago inilabas ang kotse mula sa pagkakapark at iminaneho paalis ng school.

Katulad kanina ay tahimik lang ang byahe. Nagcecellphone lang si Zafy para siguro ay mabawasan ang awkwardness na namamagitan sa amin.

Nag-angat lang siya ng tingin nang makitang tumigil ako sa isang bangko. Hindi naman siya nagtanong kung bakit. Bumaba na ako at iniwan siya sa loob ng kotse. Hindi naman siya nagreklamo kasi iniwan ko ring bukas ang aircon.

Naglakad ako papunta sa atm machine at nagwithdraw ng pera. Nang makuha ang perang iniluwa ng machine ay tinupi ko ito at hinawakan ng mabuti.

Dali-dali akong naglakad pabalik ng sasakyan. Sumakay na ako at pagkasarang-pagkasara ng pinto ay inabot ko na agad ang pera kay Zafy.

Kumunot ang noo niya bago tinanggap. Mahina akong natawa bago nagwika ng, "Kita mo. Wala talaga akong kawala sayo."

❁ ・ ❁ ・❁

"Hay! Buhay!" sabi ko nang matalo na naman kami ni Morgon at Gio. "Ang bobo naman!"

Minessage nila akong dalawa para mag-isang round pa daw kami. Hindi ko na sinagot dahil ayoko na maglaro. Inilapag ko na lang ang phone ko at nahiga sa kama. Unti-unti rin naman akong inantok kaya agad akong nakatulog.

Nagising ako mula sa pagkakahimbing nang bigla kong maramdaman na parang nanunuyo yung lalamunan ko. Napaupo ako at tinignan ang oras sa cellphone ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang 3am na pala. Parang nanlamig ang buong katawan ko at ayoko nang lumabas dahil sa takot na may makita akong masamang elemento sa labas. Kasalanan kasi ni Morgon! Kung hindi niya kami pinanood ng mga 3am videos at horror movies noon, hindi siguro ako matatakot ng ganito ngayon!

"Night, kaya mo 'to! Hindi totoo ang mga multo," pagpapagaan ko sa loob ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Agad akong naghanap ng light switch kasi nakapatay ang lahat ng ilaw. Nagpapanic na ako nang hindi ko ito makapa.

Mga dalawang minuto rin ata ako naghahanap bago sumuko at tumakbo ulit sa kwarto ko para kuhanin ang cellphone. Binuksan ko yung flashlight at naglakad na papunta sa kusina. Dali-dali akong kumuha ng baso. Hindi na rin ako magkandaugaga sa pagbukas ng ref at pagkuha ng tubig. Agad akong nagsalin sa baso at ibinalik ang pitsel sa ref.

Umiinom ako nang may marinig akong yabag ng paa na nanggagaling sa may hagdanan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan na ako. Dali-dali kong inubos ang tubig at inilagay sa lababo yung baso. Maglalakad na dapat ako palabas ng kusina nang may makita akong babae na puti ang mukha na may hawak na ilaw at papasok ng kusina.

"F*ck! Multo!" sigaw ko at nagtatatakbo sa buong kusina. Tumakbo din yung multo. Mas lalo pa akong natakot kasi mukhang hinahabol niya ako. Malapit na sana ako sa pintuan ng kusina nang biglang makabanggaan ko yung multo. Pareho kaming napasigaw ng malaglag kami sa sahig. Napahawak siya sa akin kaya nang mahulog kami ay nakaibabaw siya sa akin.

Agad kong pinulot ang nalaglag kong phone at inilawan ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na ang napagkamalan kong multo ay walang iba kung hindi si Zafyra at nakadagan siya ngayon sa akin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top