Chapter 11
"Fafi @Night Sage Arden tara laro!" sabi ni Morgon sa group chat naming magkakaibigan. Saturday ngayon at hindi naman sila nag-aya lumabas. Gusto ko sanang umalis kaso maliit nga lang ang allowance ko ngayon kaya hindi pwede gumasta.
Nagrereview lang ako ngayon para sa college entrance tests and scholarships. Kailangan ko galingan kasi mag-isa na lang ako. Hindi rin tumatawag yung lalaking tutulong daw sa akin.
"Nagrereview ako dito. Kayo na lang," reply ko.
"Sipag naman. Saglit lang pramis! May bago kami nadiscover na laro ni Gio," sabi ni Morgon.
"Ano naman yun?" tanong ko.
"Download mo Among Us. Masaya siya laruin," sagot ni Gio kaya nagpunta ako ng app store at dinownload yung sinasabi nilang laro. Nang matapos yun ay binuksan ko agad yun at hinanap ang instructions kung paano lalaruin.
Isa lang sa dalawa ang pwede mo maging role. It's either crewmate or impostor. Ang objective ng crewmate ay gumawa ng tasks habang ang impostor naman ay papatay, magsasabotage, at pwede rin sila dumaan sa vents.
"Paano niyo naman nadiscover yung laro na 'to?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Lolo Night uso po sa peysbuk yan opo," sagot ni Morgon.
"Daming daldal nitong mga 'to. ZNMG code pumasok na kayo bago ko ipublic," sabi ni Gio kaya bumalik na ako dun sa laro at tinype ang code na sinabi niya.
Nang makapasok sa server ay naglakad-lakad ako at nakita ko yung laptop. Pinindot ko yung customize button at pinili yung color black. Sa hat naman ay yung bear ears ang pinili ko.
Napuno naman na yung server after ilang minutes kaya nakapaglaro na kami. Unang sabak ko pa lang ay impostor na agad ako.
Nung una ay medyo naninibago pa ako kaya puro sabotage lang ang ginagawa ko pero nang may nakasama akong isang player sa electricity room ay sinubukan ko siyang i-kill tapos biglang pasok sa vent at naghanap ng lulusutan na walang tao.
Nagpatawag sila ng meeting at tamang tanong lang ako dun ng "sino?" at sabi ng "skip na lang natin".
Pagkabalik sa laro ay bigla akong nakarinig ng malakas na music mula sa kabilang kwarto na sa pagkakaalam ko ay hindi pa pinauupahan nila Zafy. Nagtaka ako pero hindi na lang pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglalaro.
May isang player na nakakita sa akin na pumatay. Alam kong mag-eemergency meeting siya kaya inunahan ko na at nireport yung katawan na pinatay ko tapos friname up ko yung nakahuli sa akin kaya siya yung natanggal.
Mga ilang minuto lang ang nakalipas bago naggame over at ako ang nanalo. Iniscreenshot ko yun at nilagay sa ig story ko na may caption na, "Nice game @noahmorningark @pomeriggio." Naglagay pa ako ng number 1 na gif sticker.
"Taena! Paniwalang-paniwala pa ako sa mga fineframe up mo tapos ikaw pala impostor," reply ni Morgon sa story ko.
"Ang galing, pre! Si Morgon nung una niyang sabak na impostor nakita namin agad nung pumatay siya. Bobo kasi! Patay lang ng patay," reply ni Gio.
Natawa ako at nagbalak na mag-aya ulit nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Night," dinig kong tawag ni Zafy.
Linapag ko naman yung phone ko sa kama at pinagbuksan siya.
"Tara, lunch," sabi niya bago nanguna na maglakad. Sinundan ko naman siya.
"Uy, Fafi Night!" bati ni Chen nang makita ako.
Nanlaki naman ang mata ko nang makita si Kai at Chen na nakaupo sa dining. "Nandito pala kayo," sabi ko.
"Yep! Mag-oovernight kami dito!" sabi ni Kai. Kaya pala malakas yung pasounds sa kabilang kwarto. Baka dun sila matutulog.
"Ahh, I see," sagot ko at naupo na.
"Akala ko naman gamit ang nakalimutan mo," sabi ni Chen na nakatingin kay Zafy. "Tao pala." Baling niya sa akin bago ako nginitian.
"Manahimik ka nga." Inirapan siya ni Zafy pero tinawanan lang si Zafy nito.
"Oh, Night hijo! Nandito ka pala! Akala ko ay umalis ka kaya hindi na kita natawag para kumain," ani Tita na galing sa kusina.
"Wala ka pa palang plato diyan, wait kuha lang ako," sabi ni Zafy bago tumayo at kumuha ng plato, kutsara, at tinidor.
Nilapag niya sa harap ko ang mga gamit bago naglakad pabalik sa upuan niya.
"Ang caring naman," pang-aasar ni Chen kay Zafy nang makaupo ito. Mahina akong natawa dahil dun.
"Maiwan ko muna kayo dito ah, pupunta lang ako saglit sa grocery dahil kulang na pala yung supply natin dito. Pagkatapos niyong kumain ay ilagay niyo nalang sa lababo yung pinagkainan niyo, ako na maghuhugas pagbalik ko," bilin ni Tita.
"Sige ma, ingat po kayo," sabi ni Zafy.
Nang makaalis si Tita ay nagsimula na kaming kumain. Unusual ang naging salo-salo namin dahil daldal ng daldal si Chen.
"Muntik ko nang makalimutan na dito nga pala nakatira si Night," sabi ni Chen. "Kamusta naman stay mo dito, Fafi Night?" tanong niya sakin.
"Okay naman. Mabait naman mga parents ni Zafy," sagot ko.
"Buti naman! Eh si Zafy, mabait naman ba sayo?" tanong niya.
"Oo naman. Friends na kami niyan ni Zafy eh," sagot ko bago inilipat ang tingin kay Zafy.
"Wow, friends!" sabay na ani Chen at Kai bago natawa.
"Sana all friends," dagdag ni Chen.
"Bakit? Gusto mo bang maging friends din kayo ni Morgon? Pwede naman kitang tulungan," suggestion ko na naging dahilan para matawa si Zafy.
"Friends? Kami ni Morgon? Eww, no thanks," agad na tanggi ni Chen.
"Maka-eww ka naman diyan! Kunwari ka pa, gusto mo rin naman!" pang-aasar ni Zafy.
"Grab the oppurtunity sis! Chance mo na yan!" sabi naman ni Kai.
"Tigilan niyo ko ah, ayoko nga sabi eh!" sigaw ni Chen. "Kumain na nga lang kayo."
"Tignan mo 'to, siya 'tong dadaldal-daldal kanina tapos kami pa ang pinatahimik," sabi ni Zafy bago ipinagpatuloy ang pagkain.
Natahimik na si Chen matapos nun kaya nakapaglunch din kami in peace. Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay kaming nagpunta sa lababo para ilapag yung pinagkainan namin doon.
"Zafy, una na muna ako sa kwarto may gagawin pa ko eh," paalam ko nang mailapag ang pinagkainan ko. Naalala ko kasing dapat ay magrereview pa ako.
"Sige lang, ako na bahala dito," sabi niya kaya nginitian ko siya at naglakad na pabalik sa kwarto ko.
Naupo na ako sa kamay at nagpatay ng cellphone para hindi na kulitin nila Morgon at saka nagreview.
❁ ・ ❁ ・❁
Nagising ako nang makarinig ng mga katok. Napaupo ako ng maayos at tinignan ang paligid ko.
Nakatulugan ko pala ang pagrereview.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan bago tumayo para pagbuksan yung kumakatok at nang makitang wala namang tao sa tapat ng pintuan ay lumabas ako ng konti para sumilip sa gilid at nakita ko si Zafy na pabalik na sa kabilang kwarto.
"Bakit?" tanong ko.
"Nakakagulat ka naman! Akala ko wala ka diyan, eh," sabi niya. "Ano kasi, inaaya ka nila Chen, manonood kasi kami ng movie. Gusto mo bang sumama?" tanong niya.
Tinitigan ko pa siya saglit dahil medyo di ko naprocess yung sinabi niya. Medyo bangag dahil kakagising. "Sure, tara," sagot ko nang makapagisip-isip bago lumabas sa kwarto ko at sumunod sa kanya.
"Uyy, Night! Nandiyan ka pala! Tara, tara nood tayo!" masiglang sambit ni Kai.
"Ang saya naman! Buti nandito ka Night boring na kasi kasama 'tong dalawang kaibigan ko eh," sabi ni Chen. Binigyan naman siya ng masamang tingin nung dalawa.
"Upo na kayo," sabi ni Kai.
Sa sahig kami naupo. Nasa harap namin ang coffee table na may lamang snacks at drinks.
Nasa pinakakanan ako habang katabi ko si Zafy at nasa kaliwa niya sila Chen at Kai.
"Tara dali, picture tayo!" sabi ni Chen na nilabas mula sa bulsa niya ang phone niya.
"Ahh, kayo nalang. Picturan ko nalang kayong tatlo," sabi ko.
"Hindi, dapat kasama ka! Selfie nalang tayo!" sabi ni Chen. "Night, oh! Ikaw maghawak since ikaw nasa pinakadulo," sabi niya sakin bago ibinigay ang phone niya.
"Loka ka! Si Night pa talaga pinaghawak mo ng phone! Bakit hindi sakin, eh nasa pinakadulo rin naman ako?" tanong ni Kai.
"Dapat mukha ni Night unang makikita at sa kanya dapat naka focus! I-feflex ko lang na may kasama tayong pogi!" sabi ni Chen. Natawa naman ako.
"Tsk, May Morgon naman kasi, lumilihis ka pa," sabi ni Zafy.
"Luh sis, wag ka magselos sakin! Friends lang tingin ko kay Fafi Night!" pang-aasar ni Chen na inirapan lang ni Zafy. "Tsaka wala akong paki kay Morgon, wag mo na siyang sinasali sa usapan at nababadtrip ako."
"Oh, dali na! Magppicture lang ang tagal tagal pa!" reklamo ni Kai. "Game na, Night!"
Bumuntong-hininga ako dahil sa kakulitan nila bago itinaas yung camera. Nagngitian naman kaming lahat sa camera.
"Okay na yan," sabi ko matapos kumuha ng tatlong pictures at binalik kay Chen yung phone.
"Yey! Thank you, Night!" Excited na tinignan ni Chen yung mga picture tapos ay nagtipa dun sa phone niya. "Night, ano username mo sa ig? I-tatag kita sa IG story ko!"
"At I-istory pa nga," bulong ni Kai.
"Moonlight_sage," sagot ko.
"Ay! Ang creative ng username ah! Bet!" sabi ni Chen habang nag-type na sa phone niya.
After a few seconds, nagnotif na sa akin na minention ako ni Chen sa story niya.
Iviniew ko yung story. Picture lang namin yun na may caption na, "Sleepover with @zafy.ainsley @mikaila and special guest @moonlight_sage ♥️"
"Di ka pa pala namin finofollow Night!" sabi ni Chen. "Ay wow! Daming followers! Sana all famous."
"Di naman," sagot ko.
"Ayan! Finollow na kita!" sabi ni Chen at nagnotif na nga sa akin yun. "Follow back mo ko ah, nagpaparami ako followers eh!"
"Sure," sabi ko at finallow back siya. Sinuggest naman ng instagram mga accounts ni Kai at Zafy kaya finollow ko na rin. "Follow back niyo ko, Zafy, Kai."
"Okay, done!" sabi ni Kai. "Grabe sa 10k followers, teach me your ways naman po!"
"Hindi ko rin alam, karamihan naman diyan di ko kilala, baka dahil nadadala sila sa charms ko," nakangising sambit ko.
"Yabang," dinig kong bulong ni Zafy. "Ayan, okay na rin."
"Tara, nood na tayo!" sabi ni Kai.
"May Netflix naman dito, di ba, Zafy?" tanong ni Chen habang kinakalikot ang remote at TV.
"Oo. Nakalogin na dyan," sagot ni Zafy.
"Anong papapanoorin natin?" tanong ko.
"Four Sisters and a Wedding," sagot ni Kai.
"Yun na naman?!" alma ni Zafy.
"Wala kang pake, Zafyra Ainsley. Favorite namin ni Kai 'to," sabi ni Chen.
"Anong movie yun? Di ko pa napapanood," sabi ko.
Gulat naman akong tinignan ni Kai at Chen. "Saang planeta ka galing at hindi mo alam ang pinaka-iconic movie on planet earth na Four Sisters and a Wedding?" tanong ni Chen.
"Dyan yung famous line ni Bea Alonzo na, "Bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?"." sabi ni Kai na ginaya ang pag-arte nung artista na sinasabi nila. "Naging meme kaya yun at hanggang ngayon widely used," dagdag niya.
"Filipino movie yan, noh?" tanong ko.
"Hindi, Japanese siya, Night. Japanese. Syempre Pinoy!" sagot ni Chen.
Natawa ako. "Sorry na! Hindi kasi ako nanonood ng Filipino movies. Medyo corny para sa akin. More on Hollywood movies gusto ko."
Napasinghap si Kai at Chen. "Dapat mahalin mo ang sariling atin!" sigaw ni Chen.
"Eh, kayo nga gustong-gusto niyo yung mga koreanong hilaw na yun. Kapangalan niyo pa!" bwelta ko.
"Hoy! Foul yun, ah!" sabi ni Kai na tinawanan ko lang.
"Manood na nga tayo. Ang dadaldal niyo!" sabi ni Zafy at pinindot na ang play sa remote.
Pagkasimulang-pagkasimula ng palabas ay saka namang tunog ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Morgon yun.
"Wait lang," paalam ko sa kanila bago lumabas ng kwarto.
"Istorbo ka," sabi ko kay Morgon pagkasagot na pagkasagot.
"Porket kasama mo mga bagong BFF mo," sabi niya.
"Selos ka? Tsaka paano mo nalaman?" Napangisi ako.
Halata namang natigilan siya dahil matagal bago siya sumagot. "IG stories ni Zafy," sagot niya.
"Kahit si Chen nag-story nun?" Huli ka ngayon!
"Akala ko si Zafy, eh. Malay ko ba si ano pala."
"Bakit hindi mo masabi pangalan?" pang-aasar ko. "Ang tapang mo, ah! Nagviview ka ng IG stories ng crush mo. Tsk! Tsk!"
"Anong crush?! Hoy, Night! Hindi ko crush yun, noh! Tsaka wala naman mangyayari kung tinignan ko stories niya. Hindi naman ako nagreact," depensa niya.
"Bobo! Nakikita niya kung sino nagviview ng stories niya," sabi ko bago natawa. "Hindi mo alam?"
"Alam ko!"
"Weh?"
"Bahala ka na nga dyan! Nababad trip ako sayo," sabi niya bago ako binabaan ng linya. Hinintay ko muna makarecover ako mula sa pagkakatawa ng sobra bago pumasok ulit sa kwarto.
Ang bobo kasi ni Morgon, eh! Laptrip!
"Tagal mo!" reklamo ni Chen.
"Sorry. Kausap ko kasi baby mo," sagot ko. Inasar naman ni Kai si Chen.
"Ewan ko sa inyo! Dapat hindi na natin hinintay si Night," sabi ni Chen bago pinindot ang play.
Nagsimula ang pelikula sa apat na magkakapatid na sila Teddie, Bobbie, Alex, at Gabbie. Humiling sila kay Baby Jesus na magkababy brother. Fast forward ng ilang years tapos inannounce ng bunso nilang si CJ na ikakasal na siya kaya umuwi si Teddie na galing Spain, Bobbie na galing New York, at Alex na nasa Pilipinas lang pero hindi na nakikitira kila Gabbie, CJ, at sa mama nila.
Tumakbo lang ang kwento sa apat na magkakapatid na gustong-gusto pigilan yung kasal ni CJ dahil sa four months pa lang silang magkarelasyon ng girlfriend nito.
Tawang-tawa ako palagi dahil napakakulit nung apat na magkakapatid. Naluha naman ako nung scene kung saan nagkaaminan na sila ng tunay na estado ng pamumuhay. Medyo natawa lang ako kay Bobbie dahil sa famous line niya pero more on nalungkot ako sa scene na yun.
"Maganda, di ba?" sabi ni Chen sa akin nang matapos ang palabas.
"Oo na! Hindi na pala corny ang Pinoy movies," pagsuko ko.
Pumalakpak si Kai. "Isa pang movie, dali!" utos niya kay Chen.
"Mamaya na. Refill muna tayo ng pagkain dyan," sabi ni Zafy bago tumayo at naglakad palabas. Sumunod na lang kami at wala nang umangal dahil gusto rin namin mamili ng kakainin.
❁ ・ ❁ ・❁
"Wala munang matutulog kasi may gagawin pa tayo," sabi ni Chen na niyugyog ang nakahiga nang si Kai. Plano ko na rin dapat bumalik sa kwarto kaso naisipan kong sakyan na lang ang trip ni Chen.
"Hoy, babaita! Wala ka bang planong magpahinga kasi di na talaga kaya ng katawan ko," reklamo ni Kai.
"Magigising ka sa gagawin natin. Pramis!" sabi ni Chen bago naglakad papunta sa maleta niya at naglabas ng isang box.
"Ano yan?" tanong ko nang ilapag niya sa sahig.
"Lie detector?" basa ni Zafy sa nakasulat sa box. Natawa naman ako sa itsura nung bata dun sa kahon. Nakapatong yung kamay niya dun sa lie detector tapos parang gulat na gulat itsura niya.
"Matutulog na lang ako kaysa makuryente," sabi ni Kai at nahiga ulit.
"Wala kang choice, Mikaila kaya tumayo ka dyan kasi walang exemption dito," ani Chen at hinatak-hatak ang braso ni Kai.
Wala namang nagawa si Kai kaya umupo na lang ulit siya sa lapag. Inilabas na ni Chen yung laruan at ipinwesto sa gitna nung coffee table.
"Gaano ba kaacurate 'to?" tanong ni Kai bago nilapitan yung laruan. "Ikaw nga, Zafy." Hinatak ni Kai yung kamay ni Zafy at sapilitang isinuot doon.
"Ayoko!" sabi ni Zafy at binawi ang kamay.
"Huwag kang KJ! Tetest lang natin kung accurate 'to," sabi ni Kai. Wala naman nang nagawa si Zafy dahil dinaganan ni Kai yung kamay niya. "Pangit ba si Chen?" tanong ni Kai. Natawa kaming pareho ni Zafy.
Tinignan ni Chen ng masama si Kai. "Ikaw kaya sumagot nung tanong na yun at nang makuryente ka! Ang ganda-ganda ko kaya! Liars kayo kasi di niyo na lang aminin na sobrang ganda ko na tipong nahiya si Liza Soberano dahil ang ganda ko talaga!"
"Oo, pangit si Chen," sagot ni Zafy na hindi pinansin ang mahabang sentimyento ng kaibigan.
Pinindot na ni Kai yung parang start button tapos hinintay namin kung masashock si Zafy pero hindi siya nakuryente.
"Weh, Zafy? Nashock ka niyan. Ayaw mo lang umamin!" kontra ni Chen.
"Eh, sa hindi nga ako nakuryente. Pangit ka lang talaga," bwelta ni Zafy kaya natawa kami ni Kai.
"Hoy, bruha! Ikaw naman," sabi ni Chen kay Kai at sapilitan na isinilid ang kamay ni Kai dun sa detector.
"Ayusin niyo buhay niyo," sabi ni Kai.
Tumikhim si Chen. "Crush mo ba si Gio?"
Kumunot ang noo ni Kai. "Saan nanggaling yun?"
"Sagutin mo na lang!"
"No, never. May girlfriend si Gio and I only consider him as a friend. Yes, nagclick kami pero I can't see him as more than just a friend. Yung personality niya is perfect lang talaga para tropahin. Ramdam ko rin na mabuti siyang kaibigan. Di ba, Night?" Tinignan ako ni Kai kaya binigyan ko siya ng tango bilang sagot.
"Isa pa, hindi siya yung ideal guy ko. Gwapo siya, oo. Siya yata may pinakamalakas na dating sa kanilang tatlo," sabi niya kaya napaismid ako. Narinig ko namang mahinang natawa si Zafy. "Pero hindi ko talaga makita yung mga gusto kong quality ng lalaki sa kanya."
"Naging talkshow na, sis. Sasagutin mo lang dapat ng yes or no, pinahaba mo pa," sabi ni Chen bago pinindot yung start button at dahil sa sinabi na yun ni Kai, hindi na ako nagulat nang hindi siya na-electric shock nung laruan.
"Gaga, ikaw na," sabi ni Kai at inilapag sa harap ni Chen ang detector. Wala namang alinlangang isinilid ni Chen ang kamay doon.
"Sino magtatanong?" ani Zafy.
Agad naman akong nakaisip ng magandang tanong para sa kanya. "Ako," sagot ko.
"Fafi Night, alam mong mahal kita kaya pakiayos, ah?" pakiusap ni Chen. Tinawanan ko lang siya.
"Huwag mo ayusin, Night," sabi ni Zafy.
"Ikaw porket sinabihan ko si Night ng mahal ko siya selos ka na agad!" sita ni Chen kay Zafy.
"Hindi ako nagseselos," bwelta ni Zafy.
"Sure ka?" pang-aasar ko kaya hinampas niya ako sa likod. Agad akong napahawak sa parteng pinalo niya dahil sobrang sakit. Tinignan ko siya ng masama at nakipaglaban rin siya ng titigan sa akin.
"Game na! Gusto ko makuryente 'tong si Chen," sabi ni Kai kaya napatingin kami sa kanila.
"Sadista ka," sabi ni Chen.
"Okay," panimula ko. "Crush mo ba si–"
"Crush na naman? Elementary ba tayo?" reklamo ni Zafy.
Tinignan ko siya "Ano ba dapat?"
"Gusto, mahal, mga ganun!" sagot niya.
Tumango-tango ako bago ibinalik ang tingin kay Chen. "Gusto mo ba si Morgon?" biglaang bagsak ko ng tanong.
"Nice one, Night," sabi ni Kai at nakipag-high five sa akin.
"So happy kayo dun? Syempre, hindi!" sagot ni Chen at pinindot na ni Kai yung start.
Mga ilang segundo rin kami naghintay ng magiging resulta at ang naging resulta ay, "Aray! Sh*t! Ang sakit!" reklamo ni Chen na tinanggal ang kamay sa detector. Inasar-asar naman namin siya dahil ibig sabihin nagsinungaling siya. "Ayoko na! Sinungaling yung detector," sabi ni Chen at akmang ibabalik na yung laruan sa box.
"Saglet! Ginusto mo yung laro na 'to, di ba? Dyan lang yan!" sabi ni Kai.
"Matutuwa si Morgon nito," sabi ko.
"Hindi nga kasi! Wala talaga akong gusto sa kanya!" pangdedepensa ni Chen.
"Nagsalita na ang lie detector, sis. Huwag mo na itanggi," sabi ni Zafy kaya pare-pareho kaming natawa.
"Babawian kita, Night. Kala mo, ah!" sabi ni Chen at sapilitang ipinuslit ang kamay ko sa detector.
"Hindi niyo pa naman ako gaanong kilala kaya wala kayong maayos na matatanong." Nagkibit-balikat ako.
Ngumisi si Chen. "Yun ang akala mo."
"Nakakatakot ka, besh! Huwag kang ngumiti ng ganyan," puna ni Kai sa ngisi ni Chen. Hindi naman siya pinansin nito.
"Night," panimula niya. "May possibility ba na ligawan mo si Zafy at maging for real ang ZafIght?" tanong ni Chen.
"ZafIght amp*ta," bulong ni Zafy.
Natawa ako. "Seryoso ka sa tanong na yan?" tanong ko at tumango si Chen. "Hindi. Walang chance. Never mangyayari," sagot ko.
"Sure?" tanong ni Chen at tumango ako bilang sagot.
Pinindot na niya ang start at hinintay namin ang resulta. Laking gulat ko naman nang maramdaman kong parang biglaang tinusok ako ng napakaraming karayom. Inunderestimate ko ang lakas ng laruan na yun kasi masakit at nakakagulat talaga kapag nakuryente ka na nito.
"Sh*t! Aray!" sigaw ko habang tinatanggal ang kamay ko sa laruan. Halos ibalibag ko na yun dahil ayaw matanggal sa kamay ko.
Nang matapos ay tinignan ko sila Chen. Tawang-tawa sila ni Kai at tinutukso-tukso pa kami ni Zafy at nang dumako ang tingin ko kay Zafy, nakita kong nakatingin lang siya sa akin.
Nanlaki ang mata niya sa gulat. Pati ako ay nanlaki ang mata dahil sa nangyari. Nailang tuloy ako sa kanya dahil sa naging resulta nung lie detector. Gusto kong itanggi kaso hindi ako makapagsalita at hindi ko din alam ang sasabihin.
Pesteng laruan yan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top