Chapter 1
Night's POV
"Walang hiya ka, Night! Binigay ko ang lahat-lahat sa'yo pero sa huli ay ganito lang ang isusukli mo!" sigaw ng babaeng kaharap ko ngayon. Hindi ko maalala ang kanyang pangalan at wala na akong pakialam sa kanya. Isa siya sa mga pinagkainteresan ko noong nakaraang linggo kaso sawa na ako sa kanya kaya pinutol ko na ang komunikasyon namin.
"Babe, it's not my fault na ibinigay mo ang lahat sa akin. I wasn't asking you to give your everything to me but yet you did. I don't owe you anything, always remember that, sweetheart," sabi ko bago inakbayan ang babaeng katabi ko na hindi ko alam ang pangalan at wala na akong planong alamin saka kami naglakad palayo.
Narinig ko pa ulit sumigaw sa inis ang babaeng iniwan ko. Paakyat na sana kami ng hagdan nang sinalubong ako nila Morgon at Gio.
"Night, breaking news ka ngayong umaga!" sigaw ni Morgon. Napailing-iling na lang kami ni Gio.
"Sige, baby. Mamaya na lang ulit," sabi ko sa babaeng kasama ko bago ko siya hinalikan.
"Tawagan mo ako ah," sabi niya bago tuluyang umakyat ng hagdan. Sinundan ko pa muna siya ng tingin bago muling humarap sa mga kaibigan kong parang naistatwa sa nasaksihan.
"Hindi ko naman alam na ganoon ka pala lumandi, Night," sabi ni Morgon. Hindi ko na lamang pinansin.
"Tawagan mo daw siya. Nakuha mo ba number niya?" tanong ni Gio.
"Syempre, hindi. Ayoko na sa kanya," sagot ko. Napahinga na lang ng malalim si Gio at pumalakpak naman ng parang tanga si Morgon.
"Akin na yun, ah! Ganda, eh!" sabi niya at nagkatinginan kami ni Gio bago bumuntong hininga.
"Kadiri ka talaga kahit kailan! Tira-tira ng iba, kukunin mo," sita ni Gio kay Morgon bago niya ito binatukan.
"Aray naman! Ano naman masama sa tira? Reuse, reduce, and recycle nga daw, 'di ba?" sabi niya at magkasunod na batok ang natanggap niya mula sa amin. "Aray! Ano, mga pare! Sapakan na lang, oh!"
"Ayaw namin. Mag-isa ka," sabi ni Gio.
"Ano ba kasi 'yang breaking news na yan?!" tanong ko habang pinagkrus ang mga braso ko.
"Pinaglaruan mo pala yung leader ng dance troupe," sabi niya na parang gulat na gulat pa.
"Anong bago dun?" tanong ni Gio.
"Wala lang. Galit lang sa kanya yung dance troupe."
"Paki ko naman," sabi ko. Akmang sasagot pa si Morgon pero tumunog na yung school bell.
"Tara," sabi ni Gio at nauna na kaming umakyat. Aalma pa sana si Morgon kaso linayasan na namin siya. Nakahabol naman agad ang mokong at kung ano-ano na naman ang pinagsasabi.
❁ ・ ❁ ・❁
"Sige, mga ulol. Kita tayo bukas," sabi ko habang pasakay sa kotse. Uwian na namin ngayon. Andito kami sa parking lot ng school.
"Sige, Night, Morgon. May date pa kami ng prinsesa ko," sabi ni Gio bago sumakay sa kaniyang kotse. Nagkatinginan na lang kami ni Morgon na parang nandidiri.
Tuluyan na akong sumakay at umalis na. Halos sabay lang kami ng mga kaibigan ko dahil nakikita ko ang mga kotse nila sa side-view and rear view mirror. Hindi rin nagtagal ay naglayo na rin ang aming mga landas.
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ni manang at sinabi niya sa aking may babaeng kinakausap daw ngayon si Dad na nagsasabing anak ko raw ang dinadala niya.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa aming bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin si dad at mom na nakatayo habang nakaupo sa sofa ang pamilyar na babaeng medyo may kalakihan na ang tiyan.
"Ano na naman ba 'to, Night!? Nakabuntis ka na naman!" bulyaw ni Dad. Hindi ko na lang siya pinansin at sa halip ay tinitigan kong maigi ang mukha nung babae.
Habang pinagmamasdan ko siya ay parang magic na naalala ko siyang muli. Isa siya sa mga babaeng naikama ko last month. Eh, kung nito lang may nangyari sa amin, dapat hindi pa medyo malaki-laki ang kanyang tiyan.
"Hindi sa akin ang dinadala niya," pagkikibit-balikat ko habang dumako ang mga mata ko kay Dad.
"Hindi ako naniniwala," sabi nito na pinagkrus pa ang mga braso.
"Huwag ka maniwala. 'Di naman kita pinipilit," sabi ko at akmang pupunta na ako sa kwarto nang biglang sumigaw muli si Dad, "Night Sage Arden, hindi pa tayo tapos!"
"Ikaw ang hindi pa tapos! Tapos na ako, Dad! Kung di ka naniniwala sa akin, bukas na bukas din magsagawa tayo ng paternity test!" sigaw ko rin pabalik at biglang tumayo ang babae.
"Hindi na po kailangan. Sigurado po akong apo niyo ang dinadala ko," sabi niya na parang sa ganoong paraan ay kakalma ang aking nanggagalaiting ama.
"Tama si Night. Bukas na bukas din ay magpapasagawa tayo ng paternity test," medyo mahinahon na saad ni Dad.
"Mabuti kung ganoon," sabi ko bago tuluyan nang pumasok sa kwarto ko.
Akala siguro ng babaeng yun na maiisahan niya ako. Pare-parehas lang sila. Pupunta sila dito na buntis at papalabasing nabuntis ko sila at alam ko namang iisa lang ang layunin nila, nais nilang makumbinsi ang tatay ko na sila ang dapat kong pakasalan dahil dala nila ang susunod na tagapagmana ng kumpanya.
❁ ・ ❁ ・❁
"Base po sa nakuha naming results ay hindi po si sir Night ang ama ni baby, " sabi ng doktor habang inaabot kay Dad ang results.
"Nagkakamali ho kayo! Si Night ang ama ng anak ko!" sigaw ng babaeng sinungaling.
"Okay na ba tayo, Dad? Aalis na ako," sabi ko bago ako naglakad papuntang labasan ng clinic.
Pasakay na ako ng kotse ko nang biglang may nagsalita sa aking likuran, "Kailangan natin mag-usap."
Humarap ako at sinalubong ako ng masamang tingin ng napakagaling kong ama.
"Sa bahay na. Ayaw kita makasama," walang ganang sabi ko.
"Aba'y bastos ka na talagang bata ka! Sumakay ka sa kotse ko ngayon din!" Galit na usal niya.
"Yung kotse ko, paano? Hindi ko 'to pwede iwan," sabi ko at huminga ng malalim si Dad bago inutusan ang driver namin na siya na ang magmaneho ng aking sasakyan at si Dad na daw ang sa sinakyan niya kanina.
"Sakay," sabi ni Dad habang sinesenyas ang pintuang binuksan niya. Wala na akong nagawa dahil kapag umangal ako ay paniguradong lalaki pa ang argumento kaya ginawa ko na lang ang palagi kong ginagawa, ang pag-intindi.
Habang nasa daan ay nanermon na naman siya. Pinaalala na naman niya sa akin na mali ang ginagawa ko at dapat itigil ko na. Napapailing-iling na lang ako sa lahat ng sinasabi niya.
"Ayoko nang may pupuntang buntis sa bahay at sasabihing apo ko ang dinadala nila, maliwanag?" Pagtatapos niya sa napakahabang litanya. Imbes na sumagot ay tumingin na lamang ako sa bintana. "Hindi ka namin pinalaki ng ganyan. Itatak mo yan sa isip mo," dagdag niya na mas lalong nagpasama ng mood ko.
"Oo dahil pinalaki niyo ako gamit ang mga kasinungalingan! Pinaniwala niyo ako na isa kayong magandang modelo ngunit pagkukunwari lang pala ang lahat!" nanggagalaiting sigaw ko at sakto naman ay tumigil na ang sasakyan dahil nakarating na pala kami sa bahay.
Agad na binuksan ko ang pintuan at dumiretso paakyat sa hagdan.
"Night!" tawag ng aking ulirang ina. Napahilamos na lang ako sa mukha ko bago ko siya hinarap.
"Ano na naman ba 'to, ha?! Mom?" galit na tanong ko at biglaang pumasok si Dad sa sala. "Ha, Dad?!"
"Ganyan ka na ba talaga! Mga magulang mo kami, anak. Bigyan mo naman kami ng respeto," sabi ni Mom.
"Ang respeto ay para sa mga mabubuting tao at ito ay hindi para sa inyo!" sigaw ko.
"Night! Punong-puno na kami sa iyo! Hindi na namin kaya! Bukas na bukas din ay sa tiya mo na ikaw titira at wala ka nang magagawa pa!" Sigaw ni Dad bago nagpunta ng kusina. Tinignan ko pa si Mom at nakita ko ang sakit na nananalantay sa kanyang mga mata. Tinalikuran ko lang siya at dumiretso na sa tanging lugar kung saan ako ligtas, ang aking kwarto.
❁ ・ ❁ ・❁
"Night, labas ka na dyan, anak. Kumain ka naman kahit konti," katok ni manang sa nakalock na pintuan ng aking kwarto.
"Sige po, manang. Ayos pa po ako. Matulog na po kayo," sabi ko at matapos ang ilang segundo ay nakarinig na ako ng papahinang mga yabag.
Napahinga na lang ako ng malalim at tumingin sa kisame. Naiisip ko na ang mangyayari sa akin sa bahay ng aking tiya.
Noong bata ako ay iniwan na rin ako sa kanya ni Mom at Dad dahil nag-abroad sila at walang mag-aalaga sa akin. Nag-aalala naman si Mom dahil ayaw niya ang mga kasambahay lang ang tumitingin sa akin.
Napakalupit ni tiya. Napakadaming bawal kapag nakatira ka sa puder niya kaya nakakasiguro ako na bawal sa kanya ang mga kalokohan ko.
Sinubukan kong mag-isip ng plano upang hindi matuloy ang nais nilang pagpapapunta sakin sa bahay ng tiyahin ko ngunit lahat ng nabubuo kong plano ay paniguradong papalpak. Bumuntong hininga na lang ako saka nagbalak na matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag at unregistered number iyon. "Hello?" pagsagot ko rito.
"Ito si Night Sage Arden, hindi ba?" tanong ng nasa kabilang linya. Napakalalim ng kanyang boses na sa tingin ko ay mga nasa edad trenta pataas na siya.
"Ako nga. Sino sila?"
"Hindi na importante kung sino ako. Ang mahalaga ay malaman mo na tutulungan kitang makaalis sa puder ng magulang mo," sabi niya na nagpataas ng kilay ko.
"At paano mo naman gagawin yun?"
"Simple lang. Pagsapit ng alas dose ay dapat nakahanda na ang gamit mo dahil nakaabang ang driver ko sa gate ng bahay niyo. Dadalhin ka niya sa bagong kotse na binili ko para sayo. Huwag ka mag-alala sa pera dahil padadalhan kita kada buwan para matustusan mo ang iyong sarili. Maghanap ka na ng matitirahan at bumili ka ng mga kailangan mo. Ako na rin ang bahala sa tiyahin mo."
"Bakit naman kita pagkakatiwalaan? Paano kung plano mo pala akong kidnapin para makakuha ng malaking pera, " saad ko at natawa lang ang nasa kabilang linya.
"Kung ayaw mo maniwala, ayos lang pero totoo ang sinasabi ko. Kaya kung gusto mo makaalis diyan, magtiwala ka lang sa akin."
"Pag-iisipan ko," sabi ko bago ibinaba ang tawag.
Pinag-isipan ko ng maigi ang kanyang sinabi at aking naisip na baka nga totoo ang kanyang isinasaad pero ano kaya ang intensyon niya kung bakit tutulungan niya ako?
Kumuha na lang ako ng mga gamit na kailangan ko. Inimpake ko lahat ng damit ko at ang mga importanteng dokumento ay inimpake ko na rin.
Hindi nagtagal ay namalayan ko na lang na nakalabas na ako ng bahay at sumakay sa isang kotse na ilalayo ako sa lugar na 'to. Maglalayo sa akin sa lugar kung saan inakala kong ligtas ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top