Chapter Two
Mican's POV
_
"This is a shit! Bakit ba kasi ako pinipilit ni Mom na sumama sa walang kwentang camping na ito. Kasalanan ito ng mokong na Stephen na iyon, eh." pagmumurang narinig ko mula sa loob ng tent.
"Naku, pag nakita ko iyon ulit talagang bibigwasan ko talaga ang pagmumukha niya. Nakakainis ggrrrr! " buong gigil nito.
Nang silipin ko, kung sino ang naghihimutok ko. Ang ka-buddy ko pala at mukhang tina-tantrums pa rin siya, hanggang ngayon.
Ngunit dahil ihing-ihi na ako. Kinailangan ko na siyang istorbuhin. Bahala na kung magalit siya sa akin. Kaysa naman itong pantog ko ang magalit sa akin at tuloyan ng maging chronic diesease. Naku, mas mahirap iyon.
"Ahm, excuse me." tawag ko ng pansin.
Pagkuway lumingo nga siya. Ngunit kay bigat ng mukha niya.
"Tapos ka na ba d'yan? Pwede mo ba akong samahan mag wewee?" malumanay na tanong ko sa ka-buddy ko.
Kumunot ang noo niya at mas lalong nagdilim ang tingin niya. Pinukolan niya ako ng matalim ng mga titig, na kina-abot ngdalawang kilay niya.
Bigla akong nabahala say reaksyon niya't matapos sa nagsalita.
"Ano bang akala mo sa akin? Gate keeper ng comfort room?"
antipatikang turan niya.
"And besides, hindi ko naman nakikitang naka-chufon ka pa anoh? Para e consider kitang abno at isip bata. Para samahan pa kita sa labas!"
turang kinasipa ng pagiging mabait ko.
Saglit akong natameme. Habang kumikirot ang utak ko sa naririnig kong pinagsasabi niya.
Ngunit pinili kong maging maunawain. Dahil, baka siguro may pinagdaraan at problema lang siya. Kaya ganito ito kung makitungo sa iba.
'Mican, relax and smile.' kalma ko sa sarili.
Kaya imbes na makipag sukatan ng tarayan sa kanya. Nginitian ko na lang siya.
"Sige, sorry sa abala huh?" paumanhin ko bago tumalikod.
Ngunit bago paman ako tuloyang makalayo ay narinig ko ang sinabi niyang
"Ang duwag duwag. Ka laking tao. Natatakot sa dilim. Tsss." saad nito.
Kaya naimberna na ako sa kanya at nilingon ko siya.
"Hindi ako duwag! Sadyang masunorin lang ako. Hindi kagaya mo. Mataas na nga ang sungay. Ang tigas pa ng bungo!" prangkahan kong supalpal sa paghahasik niya ng masamang ugali niya.
"Anong sinabi mo?"
"Bingi ka?"
"Ulitin mo nga!" umuusok niyang banta.
"Ang sabi ko. WALA!" pabagsak kong tugon saka tinalikuran siya.
Ewan ko ba, 'di ko na alam anong klaseng camping itong napasukan ko. Hay naku! Mukhang wala naman atang matitinong tao na nandito.
Lingo ko at mag+isa ko na lang tinungo ang C.R
"Oi, pssst!" sitsit sa akin pero hindi ko pinansin.
"Oooiiii! Psssssst!" pinahaba pa nito ang sitsit niya.
Kaya nilingon ko na nga. Doon sumalubong sa akin ang matamis na ngiti at mukhang friendly naman na ka groupmate ko.
"Gusto mo, samahan na lang kita?" presenta ng may name tah na Nesa.
"Ahm, paano ka buddy mo?" lingon ko sa babaeng may Jhaizee naman na name tag.
"Nand'yan lang naman siya, eh. Malapit lang sa tent natin. Beside para naman siyang display na manikin, di ba. Tingnan mo halos 'di gumagalaw at walang naririnig. Laging nakayoko at hindi nagsasalita." saad nito na tama naman.
"Siya na lang muna ang pansamantalang kahalili mo, na maging ka buddy ni Rutch. I'm sure 'di iyan aalis d'yan." dagdag pa nito.
Binalingan ko ang sinasabi ni Nesa. At tama nga siya. Nakayuko lang ito habang abala sa kakatotok sa phone niya.
"Nesa, 'di ba lahat ng gadget ay compiscated? Bakit siya may CP na hawak?"
"Sa pagkakaalam ko. Oo, pero 'di ko alam sa iba. Baka may favoritism. Tanongin mo kaya. Kanina pa kasi iyan ganyan, eh. Physical present pero mentally absent." hagikgik nitong saad.
"Ikaw talaga oh." sita ko.
Pagkuway binalingan ko ang isa.
"Oi, Jhaizee, d'yan ka lang huh?"
Hindi ito umimik o nagtaas ng paningin. Talagang bz siya sa pag e-ML niya. Kaya umalis na lang kami.
____________________________________
Jhaizee's POV
_
Rinig ko ang pinagsasabi nang Nesa na iyon. Pero binaliwala ko na lang. Ganito talaga ako. Alof sa mga tao at gusto ko ang mag-isa. Kaysa makipagkaibigan sa iba.
Mas gusto ko pa mamuhay sa Mobile World. Kasi dito, masaya at malaya. Dito ko nalalabas ang galing ko. Dito may lugar ang isang gaya ko. Hindi tulad sa mundo ng reyalidad. Lahat magbabago, lahat iiwan din ako.
Kaya bahala sila! Basta ang gusto ko, maglaro lang ng ML.
Buti na lang talaga matalino ako at ang galing ko mang hack ng may satillite ng may satillite. Kaya ngayon, kahit andito ako sa unsearchable place, ay nagagawa ko paring maglaro ng favorite online game ko.
Ano ba naman ang mapapala ko sa boring na camping na ito? Wala namang magandang maidudulot ito sa akin. May pa rehab rehab pa si Dad na nalalaman. Sa pagiging ML addict ko. Eh wala na mang kwenta itong camping. Lahat may deffect. Lalo na ang organizer ng event natoh. Noknokan ng gahaman sa pera.
Ismid kong turan sa utak saka nagfocus na ulit sa paglalaro ng ML.
Mayamaya, kita ko na bumalik na sila at pumasok na sa Tent. Habang ako naglalaro pa rin at 'di mapigil-pigilan ang sarili sa kakalaro.
Sa ganda kasi ng takbo ng nilalaro ko. Napapashit! Damn! Fuck! ako sa ganda ng laro. Nang gumabi na masyado. Pumasok na ako sa loob ng tent. Para doon ipagpatuloy ang paglalaro ko ng ML.
Hanggang sa kalagitnaan ng pag-eenjoy ko. Hindi ko namalayang napapasipa na pala ako at 'di ko sadyang matamaan ang natutulog na si Rutch.
Napa-igik siya sakit at napabalikwas.
'Halakang bata ka!' tutop ko sa bibig sa kaba.
Matapos ay bumangon ito at buong sama akong tingin. Napatigil ako at napatingin sa kanya.
Nagmumula ang mukha niya. Habang napapatiim baga sa sobrang inis sa akin. Para siyang tigreng umaapoy sa galit na nakahandang mangagat sa akin.
"Sorry!" ngisi ko at peace sign.
"Tae ka! Ang ingay ingay mo! Kung ayaw mo matulog. Pwes, lumayas ka!" singhal niya sa akin na kinahalukipkip ko sa gilid.
Ngunit natakot man ay nagtapang-tapangan ako.
"Ayoko nga. Kung gusto mo, ikaw ang lumayas!" kabang sagot ko.
Kahit nanginginig ako sa takot. Pinilit kong tapatan siya. Kahit ayoko naman talaga ng away sa buhay.
Lalo siyang na pikon at bigla na lang tumayo. Pagkuway padamog siyang lumabas at lumakad papalayo sa tent namin.
"Di 'wag ka matulog. Bahala ka! Basta ako matutulog na ako. Bahala ka d'yan kainin ka ng multo."
Walang paki ko kung turan. Saka nakisiksik na rin sa tabi ng dalawang kasamahan ko. Para matulog na rin.
'Ay salamat at maluwang na rito.'
ngiti ko at matiwasay akong natulog.
____________________________________
Mican's POV
_
"Mican gising, nawawala ang ka buddy mo na si Rutch." pukaw sa akin ng kasamahan kong si Nesa.
Napakurap mata ako bago bahagya akong bumangon.
"Ano? Ang tigas talaga ng bungo niya. Wala ba siyang paki sa utos ng team leader natin?" himutok ko saka napakurap ng mata at ramdam ko pa ang antok na pilit humihila sa akin pabalik sa pagtulog.
"Hindi ko alam eh. Paggising ko wala na siya."
"Kainis naman siya oh. " naiinis kong kamot sa ulo at napabalikwas na nang umupo.
Muli, naalala ko ang sinabi ng team leader, na kung saan ang ka-buddy ko ay dapat nandoon rin ako.
Kaya napagdesisyonan kung hanapin siya kahit kasing tigas pa ng bakal ang ulo niya.
Saka naalala ko rin na ang sabi ni Mama sa akin, na 'wag ko raw iwanan ang kapatid ko. Kung saan siya, dapat nandoon rin ako.
Kaya mas lalo akong nakumbinsi na hanapin ang ka-buddy ko. Para 'di siya matulad sa kapatid ko, na napabayaan ko. Dahil sa pagsuway ko sa utos ni mama.
"Saan ka pupunta?" pigil ni Nesa sa akin.
"Susundan ko si Rutch. Hahanapin ko siya."
"Pero, malalim na ang gabi. Hindi ka ba natatakot?"
"Ba't naman ako matatakot. Gabi lang iyan at madilim lang ang kapaligiran. Walang nakakatakot sa kalagayan na iyan, Nesa." tugon ko.
"Saka ka-buddy ko siya, kaya kailangan ko siyang mahanap. Dahil kung saan siya. Dapat nandoon rin ako." tugon ko. Pagkuway, binuksan ko na ang sa zipper ng tent.
"Mican, wait. Sasamahan na lang kita." mahinang sabi nito sa akin na kinayango ko na rin.
Nilibot namin ang paligid at mahina naming tinatawag ang pangalan ni Rutch. Halos mahilo na kami kakaikot sa camp site. Ngunit hindi pa namin mahanap hanap si Rutch.
"Saan na kaya iyon sumuot?" naiinis kong himutok dahil inaantok na ako.
"Baka naman nagsle-sleep walk na iyon at kung saan na dinala ng mga paa niya. Kasi pati paa niya. Hindi na ma-take ang ugali niyang pasaway." kuro-kuro niya.
"Tingin mo?"
"Maybe."
"Baka naman tumungo siya roon." Sabay patama ko ng ilaw. Gamit ang flash light, sa bandang may gulod.
Kita na rin namin na may caution tape na ito, na ibig sabihin ay bawal ng lagpasan at pasokin.
"Paano ka naman nakakasiguro? Saka naku 'wag na. Nakakatakot na d'yan. Balik na lang tayo. Sabihin na lang natin sa mga facilitator natin, na nawawala siya." Hila sa akin ni Nesa.
Tatalikod na sana kami ng biglang may sumigaw sa hindi kalayuan.
"Tulong! Tulongan n'yo ako!"
Umi-echo na sigaw sa kalagitnaan ng masukal na kagubatan. Alam na alam agad namin na si Rutch iyon.
"Si Rutch." magkasabay pa naming bigkas. Matapos, magkasabay ay tumakbo na kami papatuwid sa pinagbabawal na bahagi.
Kasunod noon ay walang takot naming sinuong ang kagubatan. Habang sinusundan ang umaalingawngaw na sigaw.
"Rutch nasaan ka? Rutch!" tawag ko.
"Tulong! Tulongan n'yo ako rito!" ulit na sigaw nito, na wari ba, galing ito sa ilalim ng balon.
"Andoon, nandoon siya Mican." sabay lapit namin sa may paanan ng malaking puno.
Doon napansin namin ang isang lumang balon. Isang balon na wala namang lamang tubig.
Agad pinatamaan ko ng flash light ang loob ng balon at positive nga, Nasa baba si Rutch.
"Rutch, paano ka dyan na punta? At bakit mo sinuway ang palisiya kasi? " dungaw na paninirmon ko.
"Ano? Pagagalitan n'yo ba ako or tutulong n'yo ako?" nagawa pa niyang magsusuplada sa amin.
"Abah, nagawa mo pa talagang magtaray dyan. Kung iwanan ka na lang kaya namin dyan, huh?" naiinis na sita ni Nesa sa kamalditahan niya.
"Tara na nga Mican, bumalik na nga tayo at iwanan na natin siya dyan." sabay naming talikod.
"Hey wait, I'm just kidding. Tulongan n'yo na ako oh. Please?" maamo na niyang paki-usap.
"Eh, marunong naman pala itong makiusap eh. May pa taray taray pa kasing nalalaman. Eh, duwag at natatakot rin naman pala." pang aasar ni Nesa.
"Oh siya, teka maghahanap lang kami ng tali o kahit anong panghatak sa'yo." saad ko.
____________________________________
Writers Note:
Hello! Pa VOTE, COMMENTS and SHARE po. Thanks po!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top