Chapter Twelve
Mican's POV
_
NAPAPALINGO na lang ako sa inakto ni Jhaizee. Ewan ko kung matatawa ba ako o babatukan ko siya sa pinagsasabi niya.
"Jhaizee tama na, wala kang mapapala d'yan." awat ko na.
"Mukhang nalipasan na iyan ng gutom ah." natatawa pang aasar ni Rutch.
"Pwede ba tigilan mo ako. Baka kagatin kita d'yan, eh."
"Na uulol ka na nga" pang-aasar pa nito lalo.
Habang si Nesa naman ay may nirurorok sa may kalayuan.
"Nesa, okey ka lang ba?" tanong ko ng mapansin kong may pilit siyang tinatanaw.
"Guys may paparating"
"na ano?" si Jhaizee.
"na mga tao. Ayon oh." Sabay turo niya sa may kalayuan. Kaya lumipat kami ng pwesto. Para makita ang pinagsisino niya.
"Oo nga. May paparating nga."
"Mukhang sila iyong naghatid sa atin 'di ba?" alala ni Rutch sa mga taong in charge sa yating sinakyan namin.
"Oo nga. Sila nga 'yon. Humingi tayo ng saklo." si Nesa.
"Teka, bigyan natin ng babala." si Rutch at umakyat pa ng bahagya para pumwesto ng mabuti. Matapos ay buong lakas siyang sumigaw ng
"May mga zombie!" sigaw niya sabay wagay-way niya sa kamay.
Ngunit mukhang hindi naririnig ang tatlong lalaki ang isinisigaw ni Rutch.
"Mga bingi atah sila eh." naiinis na himutok ni Jhaizee.
"Ahm guys yugyogin natin ang mga sanga ng punong kahoy. Para makita nila tayo at marinig." swestyon ni Nesa.
"Sige tama nga."
"Manong! Mag-ingat kayo, may mag zombiieee!" sabayan pa naming sigawan ngunit bingi talaga sila. Ni hindi man lang nila nagawang pansin ang paggalaw ng mga sanga ng pinong kinalalagyan namin.
Hanggang napahingal na lang kami't napagod, kakayugyog at sigaw.
"G-guys sa baba, tingnan n'yo sa baba." nanginginig na turan ni Nesa at napaaunos tingin na nga kami.
Doon napamaangbaba kami sa hindi inaasahang nagaganap. Iyong mga infected zombie. Iyong mga ngumatngat sa ahas na inihulog namin ay nagbago ang mga itsura nila.
Lalo kaming kinalabutan sa nasaksihan.
"Anong nangyayari sa kanila? Ba't nagbabago ang mga itsura nila." 'di makapaniwalang anas ni Jhaizee. Habang napalunok naman ako sa nakikita ko.
Bakit ganoon. Bakit lahat ng nakakain sa ahas na iyon ay may mga parti ng katawan nila na nagiging ahas. Iyong mga braso ng iba, nagiging katawan ng ahas. Iyong iba naman nagkaroon ng dila na parang ahas. Habang iyong iba nama'y nagmumukhang ahas ang mga itsura. Anong klaseng virus ba ito't kung ano ang kakainin nila'y nagiging ganoon sila.
"G-guys ka-kailangan nating ma-makaalis rito ba-bago ba maging ahas ang isang iyon at akyatin tayo rito." nauutal na saad ni Nesa sabay turo sa nag iisang infected sa tabi.
Kasalukoyan itong nangingisay at kita ng mga mata namin ang pagpapalit niya ng itsura at katangian. Mabilis nagbago ang hugis at struktura ng katawan ng naturang infected. Dahan dahan itong nagiging taong ahas na halimaw.
"A-anong ga-gawin natin." natatarantang yugyog ni Jhaizee at hindi na naman ito mapakali.
"Humihanon ka at makinig kayo. Kailangan nating makabalik sa baybayin. Hindi ba iyang mga lalaking paparating na iyan, ay may dalang yati. Ngayon, kailangan nating makarating sa sasakyang iyon, para makatakas tayo dito." mahinahong swesyon ni Rutch.
"Pero teka lang. Alam n'yo ba magpatakbo ng yati?"
"Ako nang bahala doon. May kunti akong alam pag dating d'yan. Basta ang mahalaga. Makaabot tayo roon ng ligtas, okey ba?" tugon ni Rutch na kinatango naman namin.
____________________________________
Rutch's POV
_
Lahat kami ay nakahanda na at nag-aabang na lang sa mga taong paparating. Nang ganap na nga silang abot tanaw mula sa kinalalagyan namin. Sinubukan pa namin silang babalaan.
"May panganib sa baba! May Zombies! Umakyat kayo sa mga puno, bilis!" sigaw namin para sa kanila.
Ngunit imbes na makinig sa sinasabi namin ay mukhang natatawa pa ang mga ito at nag aperan at halakhakan.
At talagang nagawa pa nila kaming kawayan at asarin sa mga flying kiss nila. Mga sirang ugok talaga.
"Mukhang mga bobo atah sila eh." busangot sa inis na anas ni Jhaizee.
"Mukhang tanga sila. Kaya humanda kayo para sa pagtakas natin. Wala na tayong magagawa para sa kanila." si Mican.
At nagsihanda na kami sa napagdesisyonang plano. Nang makalapit na nga ang mga magsusundo sana sa amin ay nagsidumugan naman sa kanila ang mga infected flesh eater.
Sa taas ng talahib na nakapalibot sa dindaanan ng mga ugok. Hindi nila magawang makita ang nakabadyang panganib para sa kanila.
"Waaahhhhrrrr" daingan ng mga flesh eater habang papasalubong sa tatlong mga lalakihan.
Hangang sa matitinding sakit na sigaw at palahaw na nga, ang siyang namayani sa buong paligid. Nang pagpistahan sila ng mga gutom na ma zombie.
At dahil doon. Nakuha ng tatlong ugok ang lahat ng atesyon ng mga flesh eater. Habang kami nama'y nagkaroon ng pagkakataon na bumaba't tumakas na papalayo.
"Ayan na, bilis baba!" saad ko sabay baba namin at pagkuwan ay nagsitakbohan na nga kami papalayo.
Lakad takbo ang ginawa namin habang nahuhuli naman si Nesa dahil sa pilay nito sa paa na 'di ko alam kung na paano.
"Bilis Nesa takbo!" sigaw ko ng makita ko na ang layo layo ng agwat niya mula sa amin tatlo.
Ngunit kahit nahihirapan siya'y pilit pa rin niyang binibilisan ang kilos niya.
"Ahhhhwarrrrr!" biglang may sumigaw na mga infected sa 'di kalayuan.
Nang matamaan ko ang pinanggalingan nito. Shit mga infected na mula sa secret hide out. Nagsilabasan rin pala ang mga 'toh at hindi ba sila natupok sa malakas na pagsabog?
Siguro nga, bago pa kami makalabas ay nauna na sila sa pag labas. Lalo na iyong dumaan sa white tunnel.
"Mga infected! Bilis takbo!" sabay takbo na naman namin at hinila ko na lang si Nesa.
Habang pababa na kami papuntang sa pinagdaongan ng yati. Hindi ko inaasahan na sasalubongin pala kami ng mga infected, na matagal nang nag-aabang sa lugar na iyon. Halos nalalanta na't tinutubuan na nga sila ng mga halaman sa katawan.
Halos ma decompose na sila sa mga itsura nila. Ngunit kahit buto't wala na silang laman ay buhay pa rin ito't hayok na hayok na kumain ng sariwang laman.
"Rutch Jhaizee, maghiwalay tayo. Litohin natin sila." Swesyon ni Mican.
"Sige, magkita na lang tayo sa may daongan." tugon ko at tumango naman sila saka nag iba na nga ng deriksyon si Mican at Jhaizee.
____________________________________
Jhaizee's POV
_
Letse ang dami nila. Paano sila nakalabas sa sumabog na gusaling iyon?
Taka ko habang hingal na hingal na kami kakatakbo. Ngunit kinailangan naming makarating sa daongan.
"Mican dito!" sigaw ko ng muntikan na siyang lumihis ng daan at na pra-praning sa kakatakbo.
Nakapagtataka kung bakit paparami ng paparami ang humahabol sa amin na mga flesh eater ngayon.
"Nandyan na sila, bilisan mo Mican!" sigaw ko ngunit 'di ko akalain na sa kakatakbo namin ay isa palang mapanganib na bangin ang kahahantungan namin.
"Ahhh!" buong takot na tili ko habang napapaatras ako at buong pigil na 'wag mahulog sa may katirikang pampang. Ramdam na ramdam ko Ang nginig na nanunuot sa kalamnan ko. Habang nakadungaw sa naturang bangin.
"Holy God! Jhaizee!" nginig na tili ni Mican sabay mahigpit siyang kumapit sa balikat ko't hinila ako pa atras. Papalayo sa nakakalulang bangin.
Matapos ay natataranta na kami.
"A-anong gagawin natin?" napapalingon kong tanong habang nagsusuyod at humahanap ng ligtas na madadaan. Ngunit wala na talaga. Wala na kaming takas dito. Lagot na!
"Wala tayong choice, Jhaizee. Kundi ang tumalon." tugon ni Mican habang napalunok na nakatingin sa banging may kataasan.
Saglit akong napatigil at nilingon ang nasa likod ko. Malapit na ang mga gutom na zombie, habang nanatili pa rin ang nginig sa kalamnan ko.
"Ano na Jhaizee handa kana ba?" hawak kamay ni Mican sa akin at napatinging takot lang ako sa kanya.
"Sa pagbilang ko ng tatlo tumalon ka, okey?" bigay niya ng hudyat.
Anong gagawin ko? Tatalon o magpalapa sa mga zombie? Naluluha pagtatalo ng utak ko.
"Isa!" nagsimula na siyang magbilang.
"dalawa" napalunok ako ng sunod sunod.
"tatlo!" sabay kusang tumalon ang katawan ko't tuloyan na nga kami dumaosdos pababa. Napagulong kami pababa ng bangin. Habang nagkanda galos galos. Gawa ng mga tuyong sanga na siyang sumusugat sa amin, sa bawat sabit nito sa mga katawan namin.
Iyong hinugulongan ng mga katawan pa naman ay puro mga talahib, damo, mabato at maraming nakakatusok na sanga.
Sa takot ko na naka mapaano mukha ko'y tinakip ko mga palad ko sa mukha ko para iwasang h'wag mapasama ang mga mata ko.
Nagka-untog untog rin mga ulo namin sa mga batong nadadaanan namin.
Pero bahala na. Iyong sakit at hapdi na nararamdaman namin ngayon ay okey lang. Basta mabuhay lang kami at makatakas sa islang ito, ay malaking kapalit ng lahat ng hirap na dinadanas namin ngayon.
Halos himatayin kami sa natamong bugbog.
"Jhaizee, tumayo ka na bilis!" akay ni Mican sa akin ng marating namin pariho ang paanan ng pangpang nang bangin.
Sobrang sakit ng buong katawan ko. Iyong mukha ko ramdam ko ang pamamaga at hapdi. Ang mata ko lumalabo at naniningkit na rin sa maga. Gusto ko nang maiyak at bumigay sa hirap at abot abot ng sakit na nalasap ko ngayon.
"Mican, mukhang mamatay na tayo nito. Mican." iyak ko habang pinanghinaan na talaga ako.
"Jhaizee, lumaban ka malapit na tayo. Halika na." hila niya sa akin.
"Mauna ka na Mican. Iligtas mo na ang sarili mo. H'wag muna akong isipin pa." naiiyak kong turan.
"Hindi! Hindi kita iiwan. Ngayon pa, matapos ko kayong balikan ni Nesa sa gusaling iyon Jhaizee?"
"Ano ba Mics, umalis ka na!" sigaw kong taboy sa inis at pagiging mabait niya.
"Hindi nga pwede. Sa ayaw mo't sa gusto mo, sasama ka sa akin." Sabay akay niya sa akin at pilit akong pinapasan kahit ayoko na talaga.
Ngunit sa ginagawa ni Mican sa akin ay mas naiyak ako. Lalo akong naku-konsensya sa pagiging mahina ko. Habang siya ay pinapalakas at positibo pa rin sa kabila ng lahat.
Kaya kahit ayoko na ay inusad ko na lang ang sarili para sa kanya. Pinilit ko ang sarili ko na magpatuloy.
__________________________________
Nesa's POV
_
ALAM ko sa kalagayan ko mas manganganib kami pareho. Kaya pinili kong kahit isa sa amin ay makaligtas man lang. Hingal na hingal na rin ako at pagod na.
Siguro hanggang dito na lang talaga ako. Naluluha kong pag iisip. Kaya tumigil na ako sa pagtakbo. Habang si Rutch ay na una na. Ngunit ng mapansin Nita na hindi ako nakasunod sa kanya. Lumingo siya't binalikan ako.
"Nesa, bakit ka tumigil. Halika na!" may sama sa boses niyang hila sa akin.
Takot man ako ay pilit kong maging okey at maging matapang.
"Rutch, tumakas ka na. Iligtas mo sila. Pipigilan ko ang mga humahabol sa atin. Basta tumakbo ka na!" naiiyak kong tulak sa kanya.
Ngunit lalong sumama ang mukha ni Rutch at saglit napapikit, pagkuwan ay napa hinga ng malalim.
Aakma na sana siyang lalapit sa akin ngunit bigla siyang napahawak sa hita niya at napaimpit ng sakit.
"Aray!" masakit na inda niya.
"Oh bakit anong nangyayari sayo?" Owtomatiko kong lapit sa kanya.
"Aaahhrraaayyy Nesa!" namumulang hiyaw niya sa sakit at napahawak siya ng mahigpit sa akin.
"Rutch anong nangyayari sayo?" natataranta kong tanong sa kanya habang 'di ako magkanda ugaga kung ano ang gagawin ko sa kanya.
"U-umalis na tayo dito-" nahihingal at buong sakit niyang impit. Yumango ako ng sunod sunod at akma ko sanang titingnan ang hita niyang may tali. Ngunit pinigilan niya ako at inalis niya ang kamay niya.
"K-kailangan na nating makaalis dito." pa asik niyang sabi sa akin. Matapos pinunit niya ang damit niya at itinali sa sugat niya sa hitang may nakatapal na ngang tela.
"Anong nangyari d'yan, Rutch? Nakagat ka ba?" Nginig at buong pag-alala ko para sa kanya.
Lumingo siya habang hinihingal at buong pagtitiis na hinigpitan ang pagkakatali ng sugat. Halos mamutla siya sa sakit. Tingin ko nga mukhang bangkay na siya sa putla niya.
"Gaga, hindi ito kagat. Sugat lang ito mula sa basag na salamin. Kaya tara na, kailangan nating makarating sa kabilang ibayo." tugon niya at buong lakas na tumayo at tiniis ang sakit na dulot ng sugat niya.
Hindi na ako nagsalita at pinapakiramdaman ko na lang siya.
"Doon ka dumaan" turo niya sa kabilang deriksyon.
" at sa kabila naman ako. Ililihis ko muna ang mga infected. Para hindi tayo mahihirapan sa pagtakas. Listen here, Nesa." sabay hawak niya bigla sa maliit kong baba at matalim pang tiningnan.
"Kailangan mong bilisan ang pagpunta mo sa yating sinasabi ko. Or else pag na unahan kita. Talagang iiwan kita dito! Naintindihan mo?" Yumango ako habang 'di ko maalis ang mga mata ko sa mata niya. Nirurok ko kung may sinyales na ba na pagbabago sa normal niyang mga mata.
"Tandaan mo, kailangang maunahan mo ako. Dahil kundi iiwanan kita, kuha mo?" makapangyahirang bilin niya say akin na pabanta.
Matapos ay tumalikod na siya't tumakbo sa ibang deriksyon.
Pinulot niya pa ang isang may kalakihang pamatpat at gumawa siya ng ingay. Para kunin ang atensyon ng mga flesh eater na humahabol sa amin at nagsisunuran na nga, ang 'toh sa kanya.
Nang masiguro kong wala na ngang mga infected na maaring hahabol sa akin, ay saka na aki tumakbo papunta sa sinasabing yati ni Rutch. Tiniis ko kahit masakit at paika-ika na ako sa pagtakbo.
____________________________________
Writers Note:
Hello! Pa VOTE, COMMENTS and SHARE po. Thanks po
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top