Chapter Thirteen
Rutch's POV
_
Oo alam ko, na nagmukha akong kontrabida sa paningin ni Nesa. Ngunit kailangan ko iyong gawin para pilitin niya ang sarili niya na magpatuloy. Dahil maging ako man ay nahihirapan at gusto na ring sumuko. Lalo pa't nakakaramdam na ako ng kakaibang sakit na sumusuot sa kaibuturan ng buto ko. Iyong sugat ko sa hita pakiramdam ko, buhay ito't gumagalaw na tila may maraming bulating buhay na nagtatampisaw sa laman ko. Ang kati at sobrang masakit na may halong kirot.
Pero kailangan kong labanan ang nararamdaman ko. Kailangan kong makauwi at makatakas rito.
"Waaahhhhrrrr!" haluyhuyan ng mga matatakaw na halos kalansay na, ngunit humahabol parin sa akin.
"Bweset!" at pinilit kong tumakbo hanggang samapansin ko ang isang may kalakihang butas sa tinatahak ko na daan. Isa itong malalim na yungib.
Dahil dito nakaisip ako ng ideya. Tumigil ako at nilingon ko ang mga flesh eater. Buong tapang ko silang pinagmasdan.
"Sige halikayo lumapit kayo!" tawag ko pa sa kanila at nagsidumogan na nga sila. Nang matansya ko na, abot kamay na nila ako agad akong umatras. Pagkuway humudyat ng ilang hakbang na takbo. Matapos ay buongblakas na bumwelo ng talon. Para tumawid sa lihtas na bahage.
Doon walang kagatol-gatul na nagsihulogan ang mga flesh eater na naturang malaking biyak na butas. Wala silang kawala sa lalim ng kinabagsakan nila.
Nang wala na akong makitang panganib, nagpatuloy na ako. Naghanap na rin ako ng daan para makarating na agad sa daongan. Kung saan matatagpuan ko ang yati. Mabuti na lang at kahit paano'y narating ko ang pangpang ng dagat. Saka tinungo na nga ang sasakyang pandagat.
Papalapit na ako sa yati ng wala akong mamataan na kahit isa kina Nesa, Mican at Jhaizee.
"Dammit! Asaan na ba ang mga 'yon?" mura ko habang papasok na ako sa yati. Dalidali kong pinasok ang boarding room para subukang paandarin ang yating ito.
Napansin kong nakabukas ang pinto ng naturang silid. Kaya humanda na ako para sa nakaabang na panganib.
"Shit! Nasaan na ba kasi sila." himutok ko at para akong pusang nanghuhuli ng daga sa ginagawa kong pag-iingat.
Pagapang kong inikot ang isang cabinet table at sinilip ang kaloob looban ng biglang may kumalabog mula sa loob.
Dalidali akong gumapang para umikot sa kabilang bahage ng biglang may humarang sa akin na naka-botts at naka-leather jacket
"Aaahhhh!" tili ko ng bigla at kaba
"Rutch! Si Nesa toh." yugyog sa akin habang napahalukipkip ako sa kaba.
Nag taas ako ng paningin at nakita ko ang itsura niyang timang. May suot pa siyang sumbrero na gawa sa aluminom.
"Ano iyang sinuot mo? Para kang ewan d'yan." asi kong hampas sa inis
"Ano bang pakialam mo. Saka, depensa ko ito, sa mga halang na mga zombie na 'yon. Dahil paano na pagnakapasok sila dito at mangagat sa akin. Eh 'di, magagaya ako sa kanila?"
Hindi ako makasagot dahil may point siya.
"Kaya mas maigi na iyong handa. Para hindi nila ako makagat ng basta basta." pagmamayabang pa niya sa akin sa kasuotan niyang mukhang timang.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil pakiramdam ko ako ang pinataman niyang mangangagat sa kanya.
"Ako ba ang pinapatamaan mo?"
"Hindi, bakit zombie ka ba?" nagawa pang balik niya sa akin at imbes na sapakin siya. Biglang humilab ang sakit ng hita ko at umaakyat na ito.
Napangiwi at impit ako.
"Ahhhh!" daing ko at napatayo ako habang napahawak ng mahigpit sa lamesa na nasa tabi ko.
"Rutch? R-RUTCH!" takot pa niyang dalo sa akin.
"Get off your hand of me!" asik ko saka nag lakad ako palapit sa engine ng yati. Para simulan na itong patakbuhin.
Kailangan ko na agad makarating sa hospital para malapatan na agad ako ng gamot.
"Rutch okey ka lang ba?"
"Tingin mo, okey ako, huh? Stupid ka ba?" sabay inis kong tulak sa kanya ng bahagya sa katangahan niya.
"Don't you see I'm slowly drowning in this deadly infection, you stupid!" mura ko sabay tapon ng tingin.
Nakakainis kasi siya. Tinatanong pa ako, eh kita na nga niya na hindi ako okey.
Pagkuwa'y binaling ko na ang atensyon ko sa makina at pinagpipindot ang mga makinang kailangang buhayin. Kahit paano nama'y may alam naman ako sa yati. Dahil noon lagi naming tinatakas ni Stephen ang mini yati ng dad niya sa resort nila para mag over night ng island hopping.
Naalala ko pa naman kung paano paandarin ni Stephen ang yatch nila. Hindi ko malilimutan ang bawat detalye ng mga panahong iyon. Kaya memoryado ko, kung paano niya pinaandar ang naturang sasakyang pandagat.
Matapos pindotin ang mga starter button. Matagumpay ko ngang napabuhay ang engine nito't kasalukoyan ng umuugong.
"Rutch, Nesa!" sigaw na narinig ko mula sa labas.
"Si Mican at Jhaizee!" anas ni Nesa at nagmadali sa paglabas.
____________________________________
Mican's POV
_
ABOT tanaw na namin ni Jhaizee ang daongan at pansin ko na rin na umuusad na ang nag-iisang yati na naririto. Ibig sabihin nandito na si Nesa at Rutch panigurado.
"Bilis Jhaizee, makakatakas na tayo rito." masayang turan ko kay Jhaizee habang naiiyak naman ito sa saya.
"Oo nga Mics." paika-ika nitong takbo. Ngunit kung saan malapit na kami sa daongan ay siya namang paglabas at pagdating ng mga ulol. Para silang mga lubo na kay tatalas ng mga pang amoy.
"Ahhhrrrrrwwwwwaaarrrr!" hiyaw ng mga infected at nagsilapitan nga ito sa amin.
Kaya sagaran na naman ng lakas at bilisan ng takbohan.
____________________________________
Rutch's POV
_
"Nesa!" higit kong pigil sa kanya bago pa siya makalabas ng tuloyan.
"Si Mican at Jhaizee, Rutch" anas niya at nagmamadali pa sa paglabas.
"Teka lang," pigil ko at sinilip ko muna ang dalawa sa labas.
Doon na kita ko, na bukod sa kanilang dalawa ay may mga infected na ring humahabol sa kanila.
"Shit! Ba't 'di sila nag-iingat?" asik ko matapos ay nagmadali ako sa pagpasok sa loob ng cabin.
"Walang lalabas, hindi mo na sila maaring tulongan pa Nesa."
at pahila ko siyang hinawakan upang 'di niya magawa ang binabalak niya. Matapos ay pinalakasan ko na ang takbo ng yati.
"Rutch anong ginagawa mo? Si Mican at Jhaizee, iiwanan mo sila?" naiinis na asik niya sa akin.
Kaya binalingan ko siya't hinawakan ng mahigpit ang bibig niya.
"Infected na sila, kaya pabayaan na natin sila!" singhal ko
"Hindi!"
Nagpumiglas ito at hinila niya ang sarili niya. Kaya naghilaan na kami. Sa galit ko at inis bigla ko na lang siyang itinulak at malakas siyang lumagapak sa isang sulok.
"D'yan ka lang, walang lalabas." matapos sinara ko at kinandado ang pintoan.
"Napaka maka sarili mo! Ang salbahin mo, Rutch!"
___________________________________
Nesa's POV
_
ANG damot damot talaga niya. Pero hindi, hindi ko iiwanan sina Jhaizee at Mican. Kailangan kong makalabas dito .
Nilibot ko ng tingin ang kabuohan ng paligid at mahagilap ng aking mga mata ang isang hard keyboard na abot ko lang rin naman. Agad kong inabot ang naturang bagay. Matapos ay walang pagdadalawag isip ko na inihampas kay Rutch.
"Ahh!" igik niya at napasubsob sa manubela. Kaya dalidali na akong lumabas.
____________________________________
Mican's POV
_
"Rutch, Nesa!" magkasabay sigaw namin ni Jhaizee at 'di ko alam kung bakit 'di nila kami pinapansin.
"Nesa, Rutch tulong!" saklolo namin sa takot habang napapalingon sa dumudumog na mga infected.
"Mics mukhang iiwanan na nila tayo." iyak ni Jhaizee at yumakap na siya sa akin.
Halos limang metro na lang at maabutan na kami ng mga gutom na flesh eater. Nawawalan na ako ng pag-asa. Siguro nga pababayaan na nga nila kami ni Jhaizee. Kaya napapikit na lang ako't yumakap na rin kay Jhaizee.
"Mics"
"Jhaizee" iyakan namin habang nginig na nag-aakapan.
"Mics, Jhaizee!" sigaw na nagbigay pag-asa sa amin.
"tumalon na kayo, bilis!" dagdag niyang saad sa amin habang tinutulak niya ang extension ladder ng yati para makatawid na nga kami.
"Jhaizee mauna ka na."
"Hindi ko kakayanin Mics. Masyadong malayo iyan. Hindi ako marunong lumangoy." lingo lingo niya.
Nag isip ako ng mabilisan at buti na lang kinuha ni Nesa ang mahabang surfing board na nasa yati at dinugtong ito sa daongan.
"Bilis dito kayo tumulay."
"Jhaizee bilis mauna ka na." buhat ko sa kanya at tumawid na nga siya agad.
"Bilisan mo! Dali andyan na sila." aligagang sigaw ni Nesa.
Kaya ng makatawid na si Jhaizee ay siya namang tuloyan na pagkahulog ng surfer board at lumayo na ito sa daongan.
"Jhaizee, Nesa!" hiyaw ko sa takot na maiwan.
"Mican! Miiccaaan!" palahaw naman ni Jhaizee habang napapatalon ito sa kakangawa para sa akin.
Paglingon ko pa sa likod ko ay abot kamay na nila ako. Napapalunok ako ng sunod sunod. Habang sumisikip na ang dibdib ko sa kawalan ng pag-asa. Paano na ako ngayon? Paano na ako?
Naiiyak kong tanong sa utak.
"Mican! Tumalon ka!" sigaw sa akin at paglingon ko binato nila sa akin ang malaking lubid na nakabuhol na malaking pabilog sa dulo. Sakto para ilagay ko sa katawan ko.
Saka wala na nga akong pagdadalawang isip na talonin ang naturang inihagis nila
Habang hinihila ng yati.
Kahit kay hapdi ng pakiramdam ko sa tubig dagat ay tiniis ko ang lahat. Maka sampa lang at maka-akyat sa yati na buhay.
Ngayon kasalukoyan na akong hinihila ni Jhaizee at Nesa pagkuway buong lakas nila akong inahon. Matapos ay deritsyo akong humampas sa sahig ng yati.
"Sa-salamat" hingal kong pasasalamat habang naiiyak at hinang-hina na. Samantalang napasandal naman sina Jhaizee at Nesa sa tabi ko at sa wakas ay nagawa nga naming takasan ang bangungot na islang 'yon.
Saglit akong napapikit at panandaliang nag-ipon ng lakas. Huminga ako ng malalim at ng bitiwan ko ang paghinga ko biglang may narinig akong dumaan na sumisipol.
Sipol na mahina sa umpisa ngunit papalakas ito ng papalakas habang lumalayo.
Kasunod noon nakadami kami ng malaipo-ipo ihip ng hangin na siyang dumaan sa ulohan namin, saka biglang may sumabog na nagpayanig sa buong paligid. Sa lakas nito'y halos mabingi ako.
Matapos noon, naramdaman ko na lang na gumalaw ang yati na parang hinawi ito ng malalaking alon at sinundan ng isa pang malakas na pag sabog. Lalong umalog-alog ang yati at umiling-iling hanggang sa mahilo kami lahat.
Nang humupa na nang bahagya ang pagsabog ay inangat ko ang paningin ko. Mula sa kinalagyan namin. Kita ko ang malaking usok at malaking apoy na bumubura sa islang pinanggalingan namin.
Isa palang missile ang kanina'y naramdaman kong dumaan. Halos wala nang kabakas bakas ang naturang Isla. Parang may bulkan na sumabog at tumunaw sa islang iyon.
Napaluha ako at buong galak na nagpasalamat say Maykapal
Dahil kahit gaano kapanganib ang sinuong namin sa islang 'yon, ay nagawa naming takasan at lagpasan ang lahat na paghihirap at takot na nadinaanan namin.
"Nesa Mican Jhaizee!" tawag sa amin. Paglingon ko si Rutch. Nakangiting siya at patakbong lumapit sa amin habang bukas ang mga brasong dumalo sa amin. Matapos ay gumawad ng akap sa aming tatlo.
Kaya nagyakapan na nga kami at iyakan sa hindi matatawarang saya. Hindi ko lubos akalain na kahit hindi man kami magkasundo sa umpisa. Iba't iba man ang ugali namin. Away bati man palage, ay nagawa pa rin naming magtulongan para makatakas sa islang pinamumugaran ng epidemya.
Wakas
____________________________________
Writers Note:
Hello! Pa VOTE, COMMENTS and SHARE po. Thanks po!
Salamat sa pagbabasa po. Supportahan n'yo po sana ang susunod na story ko po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top