Chapter Ten


"Pagod na ako," si Jhaizee

"Ako rin," aniya naman ni Nesa

"Hanapin natin ang iba pang self defense." kapa namin sa pader at sahig.

Ngunit wala na kaming mahanap.

"Mukhang wala na ata dito!" Tarantang kapaan namin at hanapan.

"Haaaaaarrrrrrrrgggrrr," malakas na palahaw ng bakulaw.

Habang yumayanig ang kabuohan ng kinatatayuan namin, sa bawat lapat ng mga hakbang, ng paa niya.

Kaya kahit anong bilis man ng takbo namin, ay balewala lang sa malalaking hakbang na nagagawa ng bakulaw. Hanggang sa nilundagan na nga kami nang halimaw na flesh eater. Pagkuwan ay sinalubong kami ng matatalim at nagngangalit niyang mga nagtatagisang ipin nito.

"AAAAHHHHHHGGGRR!" gigil na ungol nito

"G-guys" na uutal na anas ni Nesa at napatigil kami at nanigas sa kinatatayuan.

Hindi kami makagalaw at ang tanging magagawa lang namin sa puntong ito ay ang titigan ang halimaw na nakaharang sa harapan na namin. Habang buong nginig na pinapangatugan ng mga tuhod.

"Hhhrrrrr" hingang ungol nito na siyang naghahatid sa amin ng hilakbot.

"Walang kikilos. Walang kakabahan. Guys relax," pilit kong pagpapanatag sa kanila.

Halos pigilan namin ang aming hininga. Para lang h'wag kabahan at magpanik. Ramdam ko sa sobrang nginig ay wari para na kaming yelong nanigas sa panlalamig namin. Habang iyong mga mata nami'y nakadilat at namumutla sa sindak.

Humakbang ang halimaw papalapit sa amin. Pagkuwa'y sinisimot-simot kami. Nakiramdam ito sa gagawin naming pagkilos. Sa puntong ito para kaming mga daga, na ano mang oras ay sasakmalin niya kung gugustohin ng halimaw.

Mayamaya biglang nawala ang pagiging agresibo nito. Nanatili lang siyang umikot at inaamoy kami. Tuloy napagtanto ko na mukhang hindi niya kami nakikita.

"H'wag kayong maingay." mahinang bulong ko na kina balik ng pagiging alerto ng halimaw.

"Aaahhhrr" timbagang baling pa sa akin at bigla itong dimukwang sa pagmumukha ko "Waaaahhhhrrr" gigil niyong ungol

Doon, kumperma ko na natri-trigger lang pala siya. Kapag may naririnig na ingay.

Kaya napalunok ako't napapigil hininga. Matapos pa noo'y lalo pa nitong sinimut ang pagmumukha ko.

Halos mamatay ako sa baho ng hininga ng halimaw na ito. Grabe! Ang tindi ng sangsang na umaalingasaw sa hininga niya.

Sa tindi nga'y napapiigil hinga ako. Habang nagpatuloy parin ang bakulaw sa pagsisimot sa akin.

'Shit! Magsawa aka na please!' himutok ko

Matapos nang wala na siyang marinig o maramdaman na ingay mula sa akin, ay umatras ito't tumalikod na.

Ay salamat at saka pa ako napahinga ng malalim.

Lumakad na ang halimaw papalayong sa akin. Ngunit kay Jhaizee naman ito lumapit. Lagot na!

Tatlong metro lang ang pagitan ko kay Jhaizee. Kaya nilingon ko siya't sininyasahan na h'wag siyang huminga. Tumango naman ito at maging si Nesa na rin, ay seninyasan ko tulad kay Jhaizee.

___________________________________

Jhaizee's POV

_
Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking bunbunan, sa tindi ng nginig na lumulunod sa akin ngayon.

Lalong pinagulo ng paninindak ng halimaw nito, ang kabuohan ng sistema ko.

Nang malapit na sa siya sa'kin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil sa pangit niyang pagmumukha. Sinipat ko si Mican at pinandilatan ko siya ng mga mata. Gusto kong sumigaw sa takot. Pero ayaw ng bunganga kong ngumawa. Parang napaparalisa and dila ko sa kaba.

Hanggang sa suminyas si Mican na 'wag daw akong maingay o huminga. Nagulohan ako pero sinunod ko na lang ang sabi niya. Pinikit ko ang aking mga mata. Para kahit paano'y mapakalma ko ang puso kong nagwawala sa takot.

At ayon na nga naramdaman ko na lang ang mainit na hininga ng bakulaw. Ramdam kong nakadungaw na nga ito sa harapan ng mukha ko. Matapos ay sinisimot-simot na ako't nakikiramdam na rin at nag aabang sa kahit anong ingay na maari kong gawin.

Nang wala siyang marinig, na ano mang kaluskos na mula sa akin. Humakbang ito paatras at papalayo na nga sa harapan ko. Rinig ko pa ang papalayong mga yabag ng hakbang niya.

Kaya ng matansya ko na na malayo na sa akin, ay saka pa ako nagmulat ngga ang mata.

Nang ma sure ko na nga na malayo na ito ay buong lalim akong napahinga. Kasunod ay binalingan ko si Mican, na ngayon ay nag ta-thumbs up pa sa akin. Kaya nama'y tinanguan ko siya. Habang napapakapa sa dibdib at pinangangatogan pa rin ng mga tuhod.

Ngayon naman ay kasalukoyang kay Nesa na naman nakadungaw ang flesh eater na halimaw. Kinakabahan ako para sa kanya. Dahil kong sakali man na magkamali siya ng kilos o ingay. Tiyak ay magiging meryinda siya ng impaktong ito.

Kita ko rin na maging siya'y naging tahimik at kalmado. Iyong pagpapawis niya'y hindi maampat. Nginig na nginig siya sa sobrang takot.

Nang wala ring marinig na kahit anong kaluskos ang bakulaw kay Nesa. Umatras ito ng bahagya at aakma na sanang aalis. Ngunit bigla akong na pa

"Haaa-" nababahing ako

'Lintik na!' panapigpigil ako

Dali kong piningot ang ilong ko. Para pigilan ang nararamdaman kong pagbahing. Habang si Nesa at Mican ay pinandidilitan na ako ng mga mata sa pagsaway sa akin.

"Sshh" si Mican at biglang lumingon at nangalit na naman ang bakulaw.

"GGGRRRHHHH," nang gigilaiting ngisi nito.

Muli nanamang lumakas ang kabog ng mga puso namin at napapigil hininga sa pagkabuhay ng galit na impaktong zombie. Palit lipat siya ng tingin sa amin.

Kaya naman sa abot ng aking makakaya. Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag mabahing ng tuloyan.

Ilang segundo nawala na nga ang nararamdaman kong pagbahing. Ngunit 'di ko inaasahan ang biglang paghilab ng tiyan ko. Nasinundan ng pagkulo ng bituka ko. Doon bigla na lang pumutok ng walang pasabi ang otot ko ng kay lakas.

'Ooppss sorry'. napapangiwi ako at ang baho baho pa talaga.

'Tae shit!'

"WAAAAAHHRRRR!" galit na bulyaw ng bakulaw sabay na hinablot niya si Nesa.

"Aaaahhhhhh tulong tulongan n'yo ako!" Pagpipiglas ni Nesa at nakipag tulakan at hampasan pa siya sa bakulaw.

"S-so-sorry" naiiyak at nalilitong utal kong paumanhin. Habang si Mican naman ay pilit tinulongan si Nesa na makawala sa halimaw.

____________________________________

Nesa's POV

_
"Tulong tulongan n'yo ako!" sigaw ko at mahigpit akong hinatak at hinahawakan ng bakulaw.

Nakita ko si Jhaizee na napra-praning at nagpapaikot lakad sa kinalalagyan niya.

"Tulong! Tulongan n'yo ako!" palahaw kong iyak habang pinagpupokpok ko ang mata at ulo ng bakulaw

Si Mican naman ay kasalukoyan akong tinutulongan na makawala sa litseng flesh eater na ito.

"Bitiwan mo siya!" paghahamapas ni Mican gamit ang tipak ng semento. Bahagya akong nabitiwan ng bakulaw. Kaya nama'y nagawa akong hilain ni Mican palayo sa pagkakahawak ng impakto. Kasunod noo'y nakita ko na lang na may hawak ng fire distinguisher si Jhaizee. Pagkuwa'y binumbahan niya ang mukha ng bakulaw.

Kasabay noon, tuloyan na akong nahila ni Mican pabagsak sa sahig.

"B-bilis tumayo na kayo, dali!" hingos niyang hila sa amin at kahit nahihirapan ako. Pinilit ko agad na makatayo para tumakbo.

"WAAAAHHHHHHRrrGGGRRRrr!" galit na ungol ng bakulaw at tumayo ito saka hinabol na naman kami.

Napapalingon likod ako habang tumatakbo. Hanggang sa bigla na lang ako hinila ni Mican pa upo at may dumaan sa ibabaw ng ulohan namin na Kay tulin at mabilis na kung anong bagay. Sinundan ito ng sipol na tunog. Matapos ay may sunod sunod na tunog isang timer ng isang bombang papasabog.

Bago ko pa tingnan. Tinulak ni Mican ang ulo ko padapa sa sahig at ilang segundo nga'y sumabog ito ng kay lakas.

Halos nakakayanig ang pag alingaw-ngaw ng pagsabog.
Lahat kami napasubsob sa sahig at halos mabingi sa tindi ng lakas. Ngunit ang hindi ko maintindihan. Kahit nabingi kami sa lakas ng pagsabog. Ang pinagtataka ko kung bakit hindi man lang kami nasaktan.

"Mican, Jhaizee, Nesa okey lang ba kayo?" tanong mula sa likuran namin.

Nang magtaas kami ng paningin. Lahat kami 'di makapaniwala sa nakikita.

"Rutch?" magkasabay na anas namin.

May hawak siyang armas. Isang mini basuka. Ngunit paano? Paano niya natutunan ang pag gamit ng ganitong bagay? Nakakamangha at nakakabilib naman masyado.

"Rutch samalat at binalikan mo kami." takbong akap ni Mican.

Saglit kaming nagkatinginan.

"Oh tama na ang drama. Bilisan na natin ang paglabas natin dito. Tara, dito tayo dumaan." giya niya sa amin.

Sa pinakita ni Rutch sa amin. Ngayon na pagtanto ko na mali pala ang pagkakakilala ko kay Rutch. Mali pala ang akala ko na isa siyang antipatika, maldita, walang puso at makasarili na tao. Dahil ngayon na patunayan niya sa amin na may tinatago naman pala siyang kabutihan sa puso niya.

____________________________________

Rutch's POV

_
Nang papalabas na sana ako sa balon na kinahulogan namin. Hindi ko maatim na umahon doon na hindi ko kasama ang tatlong tanga at duwag na siyang tutulong sana sa akin na umahon makaahon sa balon na ito.

Saka si Mican, kahit nakakainis siya. Pinapakonsensya naman niya ako sa pagiging makasarili ko. Kaya kahit mabigat sa kalooban ko. Bumalik ako sa para sa kanila.

Nang marating ko muli ang lugar na pinag iwanan ko kay Mican. Naabutan ko pa ang security gadget sa may elevator na nakabukas. Dahil doon nalaman ko, kung saan maaabutan si Mican.

At dahil alam ko na. Kung gaano kapanganib sa baba. Agad na akong naghanap na armas. Pang depensa ko sa mga panganib na at hahadlang sa akin.

Naghalungkat ako sa may helecopter. For sure may baril akong mahahanap. At 'yon na nga't nakakita ako ng mini basuka na may tatlong bala at isang magarang cellphone.

Ganoon paman kahit kinakabahan ako at hindi ko alam paano iyon gagamitin. Pero bahala na at susubukan ko pa rin.

Nang pababa na ako sa pinaka malalim na ground area. Gamit ang mataas na kalidad na cellphone. Mabilis kong natonton ang kinalalagyan nilang tatlo. Tapos iyon na nga at naabutan ko na ngang hinahabol sila ng isang halimaw na flesh eater. Buti na lang kahit paano'y may idea ako. Kung paano gamitin ang mini basuka na nito.

Kaya ng mamataan ko na sila na nanganganib na nga. Doon 'di na ako nagdalawang isip pa na pasabugan na ang kalaban ng basuka.

"Rutch" magkasabay nilang usal at nakapinta pa sa mga mukha nila ang pagkamangha at katotohanang hindi sila makapaniwala na binalikan ko sila.

"Rutch samalat at binalikan mo kami." takbong akap ni Mican sa akin.

At kahit nako-kornihan ako sa mga ganito. Hinayaan ko na lang muna siya.

"Oh tama na ang drama.
Bilisan na natin ang paglabas natin dito. Tara dito tayo dumaan." giya ko.

Pabalik na kami sa elevator na ginamit ko pababa sa palapag na ito. Ngunit bago pa kami makapasok muling umalarma ang mekanismo ng gusali.

1 MINUTES LEFT alingaw-ngaw nito.

Lagot, huli na para umakyat pa. Shit saan kami dadaan nito.

Binuksan ko muli ang cellphone na nahanap ko. Doon naka install ang lahat ng tungkol sa gusaling ito. Ayon sa data na nakasaad sa gadget na ito. May nag-iisang lagusan ang bahageng ito. Isang natural na pintuan na mahahanap lamang sa paanan ng malaking puno.

Pero paano? Saan? Walang puno ang naririto. Pero bahala na nga susunduan ko na lang ang nakalatag na mapa dito.

"Atras tayo, bilis. Sa kabilang daan tayo." turan ko saka tinahak at sinunod ko na nga ang nakasad na mapa.

Habang tinatakbo namin ang daan. Nagsisimula na rin magsabugan ang ibabaw na bahage ng gusali. Sunod sunod na yumayanig ang kabuohan nito. Habang patuloy na ginugupok at winawasak at bawat palapag pababa.

Panay takbo yuko ang ginawa namin. Hanggang sa matunton ko na nga ang nag-iisang daan palabas sa bahageng ito.

Ngunit nagtaka ako kung saan ko mahahanap ang malaking punong kahoy? Saka paano rin magkakaroon ng punong kahoy rito? Gayong walang araw at tubig na naririto.

Mukhang mali ata na naniwala ako sa kalokohan ng cellphone na ito.Bweset!

Napadamog ako at sinipa ko ang pintoang nakasara na tinutukoy ng mapa.

"Shit! Shit!" mura ko.

Saglit kung ginala ang paningin ko. Ang dami naman ng pintoang naririto. Paano ko mahuhulaan kung alin ang lagusan na naririto? Tanong ko.

Hanggang sa may namataan akong tarangkahan na may marka ng isang puno kahoy.

"Ayon, bilis!" pamumuno ko sa kanila at tinunga na nga namin. Sinipa ko ang pintoan at ng hindi ito nadadala sa tadyakan. Wala na akong choice kundi gamitan na lang ang dalawang huling bala ng basuka na meron ako.

"Tabi kayo." Matapos nagsitalimaan sila sa pagkubli pagkuwan ay inangat ko na ang basuka, saka pinasabugan ito.

Matapos noon, ay matagumpay ko na nga itong na buksan. Muli, may umugong na naman na pagsabog. Tansya ko malapit na ito sa palapag na kinaroroonan namin.

Ngunit kung saan pa nagkakaliwaan ang mga problema, ay mukhang sasagarin ka naman ng pagkakataon. Ang akala naming kaligtasaan na ay 'di pa pala ganap. Dahil sa pagpasok namin sa pintuang iyun ay may nakaabang pa palang mas matinding panganib.

"Waaahhhhrrrr HUhhrrrrrr Grrrr Muuaaahhhrrr" ibat ibang ungolan ng mga mababangis na flesh eater.

Mga flesh eater na ilang besis nang nagbabago ng katangian at anyo.

Napalunok kami sa mga tingin nilang kay talim at bangis.

"A-anong gagawin natin?" nahihingos na tanong ni Mican.

Saglit akong napatingin sa paligid at sa hindi ko inaasahan. Tama nga ang nasa mapa ng gadget na hawak ko. May punong kahoy nga dito.

May matandang punong kahoy nga na halos isang daang taon na atang naririto. May malalaking ugat ito sa paanan at kay yabong na mga sangay.

Tinatanglawan rin ang punong ito ng sikat ng araw, sa pamamagitan ng isang liwanag na nagmumula sa repleksyon ng apat na malalaking salamin na tumatagos naman at dumaan sapapagitan ng maliliit na light absorber na meron ang bawat palapag.

Hindi ko talaga akalain kung gaano kabobo ang nag imbento ng ideyang ito. Kung paano siya ka sakim para mag imbento ng ganitong palpak, ngunit nakakamangha ideya at pamamaraan na panatilihing buhay at mayabong ang punong pinamumugaran ng mga flesh eater na ito.

"Guys ano na? Ano ng gagawin natin? Matutusta na tayo." na tatarantang anas ni Jhaizee habang nanghihina naman si Nesa.

"Bilis, doon sa paanan ng punong iyon."

"Pa-paano? Paano natin tatawirin iyan, Rutch?"

"Saka anong gagawin natin doon?" si Jhaizee

"Matutusta pa rin tayo roon, Rutch." pagdadalawang isip ni Mican.

"Bahala na, basta."

"Ngunit paano natin tatawirin 'yan. Eh ang dami nila."

"Pasasabugan ko sila sa huling bala nito." sabay angat ko sa armas na daladala ko.

"Humanda kayo at tumakbo agad kayo pagkatapos kong pasabugan ang mga pesteng iyan." pagtuturo ko at yumango naman sila.

Huminga muna ako ng malalim matapos ay humanda na nga ako. Pagkuwan ay kinalabit ko na nga ang gatilyo at walang mintis na tumama. Matapos sumabog na ito sa mga flesh eater na nagkukumpulan at nakaharang sa daanang tatahakin namin.

Pagkuway takbohan na kami at walang bahalang nagpadulas patago sa ilalim ng malalaking ugat ng punong kahoy.

Kasunod noon ay deritsyo kaming sinalo ng malalim at malamig na tubig. Hindi ko inaasahan na tubig pala ang paanan ng punong ito.

Dalidali akong umahon at napapakapa sa paghinga. Maya-maya umahon naman sila ng sunod sunod.

"Ang lamig," napapaakap sa nginig na turan ni Nesa.

Pagkuwan ay may malakas na pagsabog at yanig, na sinundan ng malakas na ugong na papalapit ng papalapit. Mukhang malakas na apoy na tutupok sa lahat na naririto.

"Bilis sumisid kayo!" sigaw ko at wala na kaming choice kundi sumisid sa ilalim.

Niruruk ko agad ang lalim nito. Ngunit 'di ko maruruk. Nag sinyasan kami sa ilalim at napapahanap ng daan.

Isang liwanag ang nakikita namin sa may kalayuan. Hinila ko sila at tinuro ang naturang liwanag. Matapos ay nauna na ako habang hawak ko si Nesa na hinawakan naman si Jhaizee at maging si Mican.

Kahit pagod at ubos na ang lakas ko. Kailangan ko pa rin makaahon dito. Kailangan naming mabuhay at makaligtas.

Sa pagbaybay ko sa liwang na aking nakikita, ay nakahanap ako ng lagusang maglalabas sa amin sa tubig na ito. Buong bilis kong sinisidsid ang hangganan ng tubig. Hangang sa makalabas na nga kami sa lagusan at nagmadali sa pag ahon, para agad makahinga.

"D-dito! Dito may da-daan palabas." hingal kong turan nagsiahonan na nga sila.

Isang kweba na nakaharap sa baybayin ng karagatan ang aming nilabasan. Nagmadali kaming tumakbo, kahit hapo na hapo pa kami.

Buti na lang at agad kong na alala ang daang tinahak namin noong papasok pa kami sa islang ito. Iyong maliit na daongan. Iyon yong palatandaan ko na nasa tamang daan nga kami pabalik sa camp site.

"Rutch si Nesa nanghihina siya." sigaw ni Jhaizee ng biglang na tumba ito.

Kaya naman dinalohan namin siya ni Mican.

"Nesa kayanin mo. Kailangan nating makatakas sa islang ito lumaban ka." pagpapalakas loob ni Mican.

Yumango siya kahit nanghihina at namumutla na siya.

Kaya naman nagmadali na nga kami patungo sa iba pa naming kasamahan.




____________________________________

Writers Note:

Hello! Pa VOTE, COMMENTS and SHARE po. Thanks po

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top