Chapter Six
Nesa's POV
_
Hindi ako makapaniwala na ganito pala ka intense ang mararanasan naming adventure, excitement at thrill, na sinasabi ni Rutch.
Pakiramdam ko pa'y pinapatay na ako sa bangungot. Grabe ang thrill na ito. Yanig pati DNA ng pagkatao ko.
Talagang nanunuot nginig ko hangang bone marrow. Tila ba sa tense ng pangyayari ay ginagataan ako na parang ulam na bulalo. Ganoon ka tindi ang pressure nf takot bumabalot amin ngayon.
Hindi pala biro ang ganitong pangyayari. Nakakapagod, nakakasagad ng lakas at boses. Halos mamaos na nga ako, kakaiyak at tili sa sindak.
"Jhaizee, anong gagawin natin ngayon?" naiiyak kong hikbi.
"Shhh, h'wag kang panghinaan. Tatagan natin ang mga sarili natin, Nesa." hagod niya sa likuran ko at niyakap niya ako.
Ramdam ko, na maging siya'y takot na takot rin.
"Kumusta na kaya si Mican at Rutch. Buhay pa kaya sila?" naalala ko.
"Hindi ko alam. Baka wala na sila." hikbi ni Jhaizee, na kinaiyak na nga namin pareho.
"Paano na tayo ngayon?"
"Hindi ko alam," napapasinghot sa sipong hikbi ni Jhaizee. Nang biglang may kumalabog sa ibabaw ng elevator namin. Kasunod noo'y may sira ulong kumakalampag mula roon.
Isa
Dalawa
Tatlo
"Aaaahhh!" tili nanaman namin.
At dumadami pa ang kalampagan na sinundan ng malakas na hampas.
"Ano 'yon? Ano 'yon Nesa?" buong nginig na yugyog ni Jhaizee sa akin.
At dumami pa lalo ang kalabog sa ibabaw namin. Tila mga zombie na nagsitalunan kula sa ibabaw ng kinasasakyan namin.
"Aaahh!" hiyawan namin at yakapan.
Matapos may pinagpupokpok ng mga ulol ang salamin na nagsisilbi emergency exit sa ibabaw ng elevator.
Pagkatingala namin. Dahan dahan nang nababasag ito. Matapos ay nagsipasokan ang mga malilikot na kamay na puro dugoan at sugatan. Mga kamay ng mga infected.
Nag-unahan pa sila pagtatangkang pag-abot sa amin, mula sa taas. Winawagayway pa nila ang mga nalalantang kamay nila. Pilit kaming inaabot. Buti na lang talaga at mga bobo sila't hindi nila naisipang paisa-isang puasok. Dahil maging sila'y nag unahan at agawan sa pagpasok sa butas na iyon. Kung kaya't wala pa, ni isa sa kanila ang nakababa.
Ngunit kung tuloyan nilang mababasag ang salamin. Tiyak ay tuloyan na rin itong bibigay at lahat sila'y babagsak sa kinalalagyan nami. Panigurado ay malalapa na nga nila kami.
Iyong mga itsura pa nila'y gigil na gigil na wasakin ang salaming kinakalampag nila. Para silang mga lion na naglalaway sa amin.
"Aaahhwwwaargggrrr," muling pagwawala ng mga ulol.
Nagsiunahan pa ang bawat isa sa kanila sa pagpaalo gamit ang mga kamao. Mabuksan at makapasok lang sa kinalalagyan namin.
Habang kami naman ni Jhaizee ay napapaakap sa isa't isa. Tarantang isinisiksik ang mga sarili sa isang sulok. At walang humpay na inuubos ang mga boses sa kakasigaw sa takot.
Nginig na nginig ako. Wala akong ibang maisip na gawin. Kundi ang mapadali pa lalo ang pagbaba ng elevator.
Binalingan ko ulit ang up and down button, na tangin iyon lang meron ang sinasakyan namin ito.
Agad ko itong inabot. Matapos ay pinindot ko nang pindot ito. Hanggang sa masira ito't sumabog.
Pagkuwan ay, tuloyan ng bumulosok ang elevator pababa.
"Waaaaahhhh!" hiyaw na namin namin habang napapakapit sa isa't isa.
Matapos ay malakas itong bumagsak sa matigas na kinabagsakan nito. Halos maalog kami sa loob. Para kaming sardinas na niyugyog at pinag uumpog.
Halos bumaliktad ang utak ko sa nangyari. Habang si Jhaizee namay nasusuka at napapakapa sa ulo. Ramdam ko ang mga sakit at hapdi ng mga sugat at bugbog na natamo ko.
Pero dahil 'di mawala sa utak ko ang mga zombie sa ibabaw namin, ay mabilis kong nilabanan ang panghihina ko.
Pinilit kong inalerto ang utak ko at pinalakas ang sarili.
"Jhaizee bilis, lumabas na tayo!" Hila ko sa nanghihina niyang katawan.
"Aray ko ang sakit ng balakang ko Nesa." inda niya at inakay ko na siya.
Hindi ko alam kung anong lugar kinabagsakan namin. Basta ang alam ko. Makakalabas lang kami dito at makatakas, ay okey na.
"Waaaarrrhhh," Ungol mula sa ibabaw at unti unti nang bumibigay at bumababa ang naturang bubong na salamin.
Nagsidutdotan na, sa pag aagawan na mauna. Ang mga matatakaw na zombie. Habang mabangis na nagngangalit ang mga ngipin nila.
"Jhaizee, andyan na sila. Tumayo ka, bilis!" hila ko sabay akay ko palabas sa kanya.
Matapos ay nakadungaw na nga mga ulol na zombie sa ibabaw namin. Kaya taranta na nga naming pinagtulongang itulak ang sirang pintoan ng elevator.
ISANG may ka diliman, na 'di ko matukoy kung anong klaseng lugar ang pinasukan namin.
Ang nakikita ko'y malamig na inabandonang na lugar.
"Anong lugar ba ito Nesa. Bakit ang dilim sa bahageng ito?" si Jhaizee habang sapo niya ang sumasakit niyang tagiliran.
"Hindi ko alam. Basta maglakad na lang tayo. Baka may makakatulong sa atin dito." tugon ko. Habang akay ko si Jhaizee.
____________________________________
Rutch's POV
PAPALAPIT na ko sa tatlong tao na natanaw ko, mula sa kabilang bahage. Siguro naman ay may buhay pa, na medical staff dito. And maybe isa sila roon.
Patakbo ko silang nilapitan.
"Sir? Sir tulong!" tawag ko sa mga atensyon nila. Ngunit nang lingonin ako ng tatlong lalaki.
Napatigil ako sa pagtakbo ko. Matapos ay napaatras ng bahagya. Napamaang ako sa kaba habang napatakip bibig at nginig na napatitig sa dalawa.
Gusto kong sumigaw sa takot. Ngunit nanigas ang dila ko, sa kadahilang ang pangit pala mga mukha. May warak silang mga mukha. Habang bumubula sa dugo ang mga bibig nila.
"S-si-" napuputol hiningang kong turan hangang sa tumangis ito ng
"Waaahhhhrrrrmmmggrr"
Matapos ay buong bangis na humarap sa akin habang nagngangalit ang mga ngiping nakukulayan na ng dugo.
Sa itsura nila, tila sabik na sabik na silang lumapa at ngumatngat ng lamnan. Napahingi ako ng malalim at napaatras. Habang itong tatlong mga pangit nama'y lumalapit sa akin ng dahan dahan.
"Dyan lang kayo! H'wag kayong lalapit!" utos ko sa kanila.
Ngunit ngumisi lang sila na parang asong ulol at mas lalo pang tumahol ng
"Waaahhhhgggrrrr," saka may nagsilabasan pang gaya nila. Mula sa kabilang silid.
'Ayon dami nila. Ano bang nangyari San kanila? Ba't sila nagkaganito lahat?' tanong ko saka kinailangan ko ng tumakbo. Bago pa nila ako mahawakan at malapa.
___________________________________
Mican's POV
_
PAGKABALIK ko. Kita ko si Rutch na tumatakbo pabalik na rin sa deriksyon ko.
Ibig nitong sabihin tama nga, ang hinala ko. Mga infected na rin ang mga taong nakita namin, kanina.
Mukhang wala na nga sigurong matinong tao na nandito. Bukod sa amin at kay Nesa at Jhaizee, kung sakali mang buhay pa sila.
Nalungkot ako sa isipang iyon.
At kung sakaling infected na nga, ang lahat na mga taong naririto. Kailangang maiwasan namin na h'wag makagat o mahawakan mang lang nila. Kung ayaw naming mahawaan gaya ng nangyari sa kanila.
Habang tanaw ko si Rutch. Ako namay napatigil. Napalingon ako at humanap ng ibang paraan. Dahil bawat lagusan na pinuntahan namin ay may nakaharang na, na mga infected.
Sa tingin ko'y kesame ang maari naming daanan. Kaya agad kung tiningala ito.
Ngunit bweset! Walang kesami ang gusaling ito. Sadyang samentado ang ceiling ng lugar na ito ah. Paano na?
"Aaawhhhrrr," alingawngaw na nagmumula sa likuran ko.
At ng lingonin ko.
'Putik! Iyong infected na humahabol sa akin, nandyan na sila. Lagot na, mako- corner na kami.'
Napalinga-linga ako sa paligid.
"Tangina! Wala na ditong madadaan." mura ko ng makumperma kong wala na nga kaming takas.
'Anong gagawin ko? Putik na hinayupak! Mukhang katapusan na nga namin dalawa. Putik na pinilipit! Bweset!'
mura ng utak ko habang mga mata ko na ma'y, naghahanap ng kahit ano. Hanggang sa mahagip ko ang isang electronic gadget na nakadikit sa pader.
"Ayon!" daldali kong nilapitan at binuksan ito. Dahil alam ko may purpose ito kung bakit ito nandito.
Pinagpipindot ko ito. Ngunit hindi gumagana.
'Paano ba?' hampas ko hangang sa matamaan ito sa kamay ko. Doon gumana ito at napagtanto ko na palm censor pala ang naturang gadgets.
Lumabas agad ang laser scanner ng makabagong teknolohiyang kagamitan. Matapos ay kinuhanan ang mukha. Kasunos noon ay biglang nagsalita ang electronic machine.
"Enter your code number." saad nito.
Hindi ko alam kung ano ito at pera saan ito. Basta bahala na.
Hindi ko rin alam kung anong code ang ibibigay ko. Basta pipindot lang ako ng pipindot ng kahit anong mga random numbers at ino-OK ko na. Ngunit ang sinasabi lang nito'y
"Access denied. You need to enter the exact combination." saad nito.
"Putik na! Ano ba kasing code nito!" taranta kong pinagpipindot ng kahit anong combination.
Ngunit ganoon pa rin. Denied pa rin.
'Huta!'
"Mi-mican nandyan na sila!" hiyaw ni Rutch habang tumatakbo ito't papalapit sa akin. Napapasindak ako sa taranta.
Ngunit pilit nag-isip ng iba pang number combination.
"C'mon pumasok ka na please!" paki-usap ko sa machine habang binibilisan ang pagpasok ng panibagong combination.
"Miiiccaaan!" tiling hiyaw na nito.
Kaya nilingon ko si Rutch. Doon nakita ko na nahawakan na pala siya nang isa sa mga infected.
At kasalukoyan na siyang nakikipaghilaan at tulakan sa mga ito.
"Mican tulongan mo ako!" buong piglas na paghiyaw ni Rutch. Habang buong lakas niyang tinutulak ang mukha ng mga infected. Pilit pinipigilan na h'wag siyang makagat.
Lalo akong nawendang at nababaliw sa pangyayari. Maging ako ay 'di alam anong uunahain at gagawin. Kung sasaklolohan ko ba siya o ipagpatuloy ko ang ginagawa kong ito.
"Mican, letse ka! Tulongan mo ako. Pag ako naging zombie! Ako ang unang kakagat sayo! TANDAAN MO IYAN!" sigaw niya habang pinagsisipa niya mga zombies.
Nang nilingon ko ang kabilang dako. Kita kong papalapit na rin ang lupon ng mga infevted. Wala na kaming ibang madadaanan pa. Kaya pindot ko ulit ng pindot. Ngunit wala pa ring nangyayari. Sa inis ko'y hinampas ko ang electronic gadget. Saka tinakbo si Rutch para saklolohan na lang muna.
Halos liparin ko pa sa bilis ang paglapit ko kay Rutch. Matapos ay, ora mismo, agad ko siyang hinatak. At hinila pabalik sa direksyon na pinanggalingan ko.
Halos 'di kami magkanda-ugaga kakatakbo. Makalayo lamang sa mga infected na iyon.
"Bilis, tumayo ka Rutch!" tili ko ng madapa siya.
Pagkuway kapa-kapang tumayo at nagpatuloy sa pagtakbo. Hanggang sa wala na nga kaming mapupuntahan. Napagitnaan na kami ng mga walkers.
Kasalukoyan kaming nasa tapat ng electronic gadget na pilit kong kinulikot kanina. Wala na kaming madadaanan pa. Bawat lagusan ay may nagkukumpolan na, na mga infected walker.
"We're dead!" anas ni Rutch.
Habang habol hiningang napahinga. Napalunok ako at muling nilingon ang gadget na kanina'y pinipindot ko. Alam ko may imporateng papel iyon. Kaya't naniniwala pa rin ako, na may milagrong manyayari ngayon sa amin.
Kaya muli kong nilapitan ang electronic gadget. Nag-isip ako ng number combination. Ngunit kung kailan ko kailangang mag isip. Saka naman na me-mental block ang utak ko.
"Mican ano nah!" iritang sigaw ni Rutch sa akin habang napapahanda sa paglapit muli ng mga walker sa amin. Humanda pa siya na parang makikipag boxing. Ngunit kahit anong lakas niya manuntok wala iyon sa mga zombie na kalaban namin.
'Last code combination please, utak magbigay ka.' napapatalon kong turan sa utak ko.
saka naalala ko si Dean na lage akong sinasabihan ng "GOD IS GOOD ALL THE TIME" sa t'wing may problema ako na gusto ko ng sukoan. Iyon ang laging paalala niya sa akin.
"Tama!" saka iyon na lang ang naisip kong code combination. Matapos ay sinubukan ko na ngang pindotin ang code na iyon.
"3 2 4 3 3 4" bilang ng bawat litra ng katagang iyon. Pagkuwa'y pinindot ko ang Enter. Saglit nag loading ito.
"Mican nandyan na sila!" tili ni Rutch at...
____________________________________
Writers Note:
Hello! Pa VOTE, COMMENTS and SHARE po. Thanks po
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top