Chapter Nine


Nesa's POV

-
"Aray ko! Ano ba! Bitiwan mo nga ako." Hila ko sa sarili kong braso mula sa pagkakahawak ni Jhaizee sa akin.

" Pwede ba, pabayaan mo na ako at bahala ka na rin sa buhay mo! " singhal ko.

Pagkuway 'di na siya nag atubiling iwanan ako't bigla na lang siyang kumaripas ng takbo palayo sa akin.

Nagtaka man ako sa reaksyon niya. Pero pinagkibit balikat ko na lang. Siguro nga'y duwag lang talaga siya.

"Duwag!" sigaw ko pa habang bahag ang bunto't na kumaripas ng takbo.

Nang makalayo na si Jhaizee at ng tumahimik na ng bahagya ang paligid. Saka ko narinig pagtatangis ng mga ngipin na sinundan naman, ng mabangis na ungol at paghinga.

Na takot man ako sa naririnig ko sa paligid. Pinilit kong h'wag magpa-apekto

'at oo may mga flesh eater nga sa paligid. Ngunit nasa loob naman sila ng mga hawla at ano ba naman ang ikakatakot ko roon? Eh hindi naman nila ako masasaktan, kung nakakulong naman sila sa mga bakal na pintoang iyan. Hindi ba?' irip ko sa takot. Saka nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit ilang hakbang pa nga lang ang inilayo ko, ay muli akong napatigil at nagtaka kung bakit may naririnig akong mga yabag nang lakad, na wari sumusunod na likoran ko. Naririnig ko na may hila-hila itong kadena sa mga paa.

Napitlag ako't napalingon sa likuran ko. Ngunit ng aking matingnan, ay wala naman akong nakitang sumusunod o kakaiba sa likuran ko. Tangi ko lang natatanaw ay ang malamig at nakatiwangwang na paselyo.

'Ano ba iyan, nagawa pa talaga akong takutin ng sira ulong iyon.'
inis kong duda sa sira ulong si Jhaizee.

Matapos ay pumihit na ako paraharap at aakma na sana ako sa paghakbang. Nang biglang may tumulong likido sa ulo ko. Napatigil na naman ako at lalong napuno sa inis

'Gggrrrrr' gigil kong himutok pagkuwan ay kinapa ko ang bunbunan ko.

Kinapa ko ang pesteng likido. Nang makapa ko na. Nakadama ako ng pandidiri.

'Ang lagkit yuck!' ngiwi ko at tiningnan ko pa.

"Yuck!" wasiwas ko sa madilaw-dilaw na may halong berde na likido. Pagkuwan ay inamoy ko pa ito.

"Shaaackkz! Ang baho! Pweeeh! Yaaakkkhhh!" nasusuka kong duwal sa tindi ng amoy.

Nang mahimasmasan ay napatingala ako sa ibabaw, upang alamin. Kung saan iyon ng galing at dahil medyo madilim ang ceiling. Halos hindi ko ma aninig kung anong meron sa ibabaw.

Napatitig ako ng mabuti. Nilakihan ko nga ang mga mata ko at ng masipat ko. Laking gulat ko ng may nakikita akong bulto. Nanlaki lalo ang namimilog kong mga mata.
Matapos ay lalo pang bumaliktad ang sikmura ko. Saka napahugot ng malakas sabay sigaw ng

"Aaaahhhhhh!"

____________________________________

Jhaizee's POV

_
"Mama! Tulong, tulongan n'yo ako Mama!" bulahaw na iyak ko habang tumakbo ako palayo.

"Saan ba kasi ang palabas dito? Please palabasin n'yo na ako." ngawa ko habang pinaghahampas at kalampag ko na ang bawat tarangkahan na nadadaanan ko.

Nagbabakasakali na may bukas o mabuksan na safe na daan. Ngunit bawat kalampag ko ay may gumaganti rin na mga ungol at kalampag mula sa kaloob-looban, na ang ibig sabihin ay may mga flesh earter rin sa likod ng mga ito.

Hingal na hingal na ako at nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Pakiramdam ko, mukhang mamatay na ako sa dehydration at pagod. Kaya napasandal muna ako ng saglit.

Ngunit wala pa ngang sampong segundo ay may narinig akong malakas na pagkabulusok sa 'di kalayuan. Kaya napa-igtad na naman ako't napatakbo ulit.

Tuloy tuloy kong binaybay ang deritsyong paselyo. Hanggang sa may nakita akong elevator.

"Elevator, may elevator." mangiyak-ngiyak kong anas. Pagkuwa'y agad kong pinindot ang button nito para bumukas.

"C'mon bumukas ka na!" buong pagmamadali ko habang mabilis na bumababa ang count down ng number mula sa taas. Matapos ay saglit itong tumigil. Napalunok ako at kinabahan.

Nang 'di agad ito bumukas. Nilapit ko na ang tainga ko sa pintoan ng elevator. Para pakinggan kung may ingay ba sa loob nito.

Sa umpisa wala akong narinig na kakaiba. Ngunit nang magtagal parang may mga nasasagap akong ingay na nagmumula sa loob. Mga ungol, palahaw at kalampagan ng mga flesh eater.

Kaya doon palang napa-ataras na ako. Lalo pang tumalbog ang puso ko ng biglang tumunog ang open button ng elevator.

Kaya naman agad akong umatras at lumayo. Matapos ay napalunok habang nakatingin sa bumubukas na elevator. At nang ganap na nga itong bumukas, doon nagsilabasan at nagsi-unahan ang isang katirbang mga ulol.

"Waaahhhhrrrr hhhhhhrrrrr"
palahaw ng mga matatakaw na zombie. Saka nag-unahan na ito sa paglabas para dumugin ako't pag-aagawan.

____________________________________

Mican's POV

_
45 MINUTES LEFT

paalala nanaman kaya binilisan ko na ang pagkulikot ko sa monitoring gadget, na natagpuan ko sa tabi ng elevator. Mula roon nahanap ko ang insaktong kinaroroonan ni Jhaizee at Nesa.

Gamit ito, inalam ko ang daan patungo sa dalawang red dot. Nakita ko rin na isa sa red na dot ay nilapitan na nang mga blue dot, na ibig sabihin ay kulay nang isang flesh eater na nagmu-mutate na sa panibagong katangian nito.

Kaya nama'y pinagpipindot ko pa lalo ang iba pang mga icon. Para alamin at tukoyin kung anong klaseng flesh eater ba ito at paano ito mapupuksa.

Isang mabilisang common sense analysis lang ang ginawa ko. Matapos ay inintindi ang mga salitang nakasulat sa wikang englis.

Mula doon nakuha ko ang ibig sabihin ng mga icon.

Gamit ito, nahanap ko ang mga kahulogan ng bawat simbolo na meron ang gadgets at maging ang naka install na mechanics ng buong gusali ay naintindihan ko na rin ng bahagya.

Dito ko rin napag alaman, na isa kay Jhaizee at Nesa ay kaharap ngayon ang pinaka mabangis na flesh eater. Ito ang pinaka-unang specimen na pinag eksperimentohan ng mga scientist dito.

Ang specimen subject na ito'y binansagan nilang "Death Defiying" dahil sa kamandag ng virus na meron ito. Dito rin nagsimula ang mutation infection na inakala nilang magiging isang matagumpay na gamot. Gamot para sa lahat ng karamdaman at magiging solusyon sa pagpigil ng pagtanda ng isang tao.

Ngunit sa kasamang palad. Naging kabaliktaran ang naging resulta ng inimbento nila, na inakala nilang kasagotan ng panghabang buhay na kagandahang physical. Dahil ang naging resulta pala nito'y panghabang buhay na kamatayan ng buong sangkataohan.

30 MINUTE LEFT alarma na naman.

"Putik! Maubosan na ako ng oras. Kailangan ko na ngang magmadali!" saka tense na tense na pinindot ko ang open button ng elevator.

TING! tunog ng elevator ng bumukas na ito, na siyang kinaigting naman ng mga ulol na nasa loob.

"Hhmmggrrrrrwaahhh" pagwawalang tangisan nila. Matapos ay nagsiunahan sa paglabas at lapit sa akin.

"Shit!" tili ko at napakaripas ako ng takbo habang nagsisunuran na nga ang mga matatakaw na zombie.

"Waaaahhhhrrrrr" tangis nila habang hinahabol ako.

Saglit ko lang silang inilihis at nang mawaglit na ako sa paningin nila. Muli akong bumalik sa elevator. Saka nagmadali sa pagbaba.

Habang kasalukoyan ng bumababa ang kinasasakyan kong elevator. Biglang may bumagsak sa ibabaw ng sinasakyan kong elevator. Isa, dalawa, tatlo. Hanggang sa sunod sunod na nga ang mga kalabog sa ibabaw ng elevator.

Matapos ay naramdaman ko, na lang na pagbigat ng pabigat ang elevator, na naging dahilan para bumigay na nga it at tuloyang bumulosok pababa. Halos bugbog ang inabot ko sa lakas ng pagka-alog ko sa loob. Ramdam ko lakas na pagkakauntog sa ulo ko.

"Aray ang sakit!" Kapa at bahagya kong dinilat ang mata ko.

"Waaaahhhhrrr" hiyawan ng mga ulol mula sa basag na nasalamin sa bahageng ibabaw ng naturang elevator.

"Aaahh aahhhggrrwwwaarrrhh," tangisan nila habang nakalambitin ang kalahating mga katawan nila at pilit akong inaabot.

Kaya kahit lupaypay pa ako. Pinilit ko ang sarili kong makatayo para agad makalabas. Bago pa, tuloyang bumigay ang fiber glass na siyang bubuong ng evelator.

At iyon nga nang ganap na akong makalabas ay siya ring pag gumuho nito.

"Muntik na ako doon ah," hingal kong anas habang saglit na sumandal at sunod sunod na huminga ng malalim.

"Mama! Tulong, tulongan n'yo ako Mama!" naririnig kong alingaw-ngaw sa 'di kalayoan.

"Si Jhaizee,"

Matapos ay sinundan ko ang pinanggagalingan nito.

"Elevator, may elevator." muling naririnig ko na kinabahala ko. Dahil panigurado may mga lamang zombies na ang mga elevator na naririto.

"No, h'wag Jhaizee!" sigaw ko habang abot tanaw ko siya. Ngunit huli na at napindot na niya ang open button nito.

TING! saka bumukas na nga ito

"Waaahhhhrrrr hhhhhhrrrrr" salubong na tangisan at dumogan ng mga ulol sa kanya.

"Aahhhhhh!" hiyaw niya sabay tulak at karipas niya ng takbo

"Jhaizee dito!" sigaw ko sabay kaway ko at doon tumakbo na nga siya palapit sa akin.

"Mmmmiiiiiiiicccccaaaaannn takbo bilis!" tili ni Jhaizee at nagawa pa akong higitin patakbo.

Kaya naman nagpatianod na ako't nakipagtakbuhan rin.

"Si Nesa? Nasaan siya?" tanong ko habang tumatakbo kami.

"Naiwan ko siya"

"Saan?"

"Doon, sa may halimaw na aso, na lion, na parang demonyong may sungay na tao na ewan! Basta bakulaw ang itsura niya." histirikal na tugon ni Jhaizee.

"Kung ganoon, kailangan natin siyang balikan." sabay pigil ko sa pagtakbo niya.

"Ayoko, ayoko!" lingo niya at larawan sa itsura niya ang sobrang takot.

"Kailangan Jhaizee. Ka buddy mo siya."

"Noon iyon. Noong nasa camping pa tayo . Nungit ngayon nasa panganib na tayo. Ayoko ko! Ayoko pang mamatay! Besides sinabihan niya ako na bahala na ako sa buhay ko. Kaya bahala na rin siya sa buhay niya." simangot nito't tinalikuran ako.

"Jhaizee, please wag na nating ipairal ang pride at attitude natin sa mga ganitong pagkakataon. Kailangan natin ang isa't isa ngayon. Kailangan nating magkalabas rito ng magkakasama. Dahil kargo konsensya na natin ang isa't isa. Naintindihan mo ba ako?"

Napahinga siya ng malalim at saglit may iniisip.

"Sige na nga, besides tinulongan niya rin naman ako kanina, eh." naku-konsenya niyang payag.

___________________________________

Nesa's POV

_
"WAAAHHHRRRRRRRrrr!" ganting hiyaw sa akin ng halimaw at halos layasan ako ng kaluluwa ko sa lakas ng bulyaw niya.

Dilat pa akong nakatitig sa naghuhuramentado niyang mga ngipin. Halatang gigil na gigil na manakmal. Habang ako nama'y putlang putla sa nginig na nakatingala sa bakulaw niyang itsura.

May amoy siyang nakakasulasok. Sa sobrang baho pa nito'y parang mamatay na ako sa nai-inhale kong over polluted na.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Lalo pa't nakadungaw siya sa akin. Habang pinapagitnaan ako ng magkabilang paa niya. Para akong daga na nahuli ng isang gutom na pusa.

Ngatog na ngatog na ang kabuohan ng katawan ko, sa sobrang takot. At kong wala akong gagawin, baka tuloyan na nga akong mamatay sa nerbyos nito.

'Anong gagawin ko? Shit! Kailangan kong makawala sa pangit na ito.'

Pagwawala ng utak ko saka humogot ng bwelo. Pagkuwan ay padaos-os na sumuong palayo sa bakulaw. Matapos ay mabilis na gumapang at tarantang napapakapa, takbo.

"Waaahhhhgggrrrr!" habol hiyaw ng bakulaw saka bigla humugot rin ito ng malakas para sunggaban ako patalon.

"Jhaizee tulong!" saklolong sigaw ko kay Jhaizee. Matapos buong lakas na sinagad ang bwelo ko.

Tumakbo na nga ako ng matulin. Hanggang sa bigla na lang may malakas na kumalabog at bumagsak sa likuran ko. Sa lakas nito'y pakiwari ko isang elepante na nauntog sa makapal na salamin.

At nang lingonin ko nga. Nagulat ako sa aking nakita. Ang pangit na bakulaw ay bumulagta sa likuran ko at napansin ko ang makapal na salaming humarang sa dinaanan ko.

'Ngunit paano? Paano nagkaroon ng ganito rito? Saan to nang galing? Sinong may gawa nito?' pagtataka ko.

"Nesa!" sigaw ng familiar na boses mula sa likuran.

"Nesa!" ulit na tawag sa pangalan ko, na sa pagkakaalam ko'y kay Jhaizee na boses. Kaya sure ako na kay Mican ang isa.

"Mican, Jhaizee?" lingon ko sa pinanggalingan ng boses. At mula sa kaliwang bahage ng hallway nakita ko ang dalawa.

"Nesa!" sabay takbo nilang dalawa at yumakap na nga sa akin.

Naiiyak ako sa sobrang galak at saya.

"Mican, Jhaizee," iyak kong ngawa sabay yumakap ng mahigpit.

"akala ko mamatay na ako. Salamat at dumating kayo." iyak ko habang ngatog na ngatog pa ang kalamnan ko sa sobrang takot at kaba sa nangyari sa akin.

"Tahan na. Makakalabas rin tayo dito. Kaya hali na kayo. Bago pa tayo maubosan ng oras."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Sasabog ang gusaling ito sa loob ng 20 minuto."

"Ano?"

"Oo kaya tara na." pagmamadali pa ni Mican.

Matapos ay nagmadali na nga kami sa pag alis. Ngunit ng tahakin namin ang isa pang daan, ay napamaang baba kami't napatigil.

"Ang dami nila hindi tayo makakaraan d'yan. Dito tayo sa kabila." palit namin ng deriksyon ngunit ganoon pa rin ang dami ng nga mga zombie.

"Bullshit! Kailan ba ito maubos."
inis na anas ni Jhaizee.

"Iyong self defense" sabay lapit ni Mican sa pader at kumapa kapa. Tila may hinahanap siya na iwan.

"Saan na iyon? Meron dapat ito dito eh," taranta pa niyang kapa kapa sa magkabilaang pader.

"Ano bang hinahanap mo Mican at anong Self defense?"

"Basta kapain n'yo ang mga pader. Pag may nakapa kayong kakaiba iyan na 'yon." sagot niya.

"Ang alin ba?"

"Iyong magagamit nating self defense Jhaizee. Iyong binuksan ko kanina para maligtas natin si Nesa."

"Ah, iyon ba?" sabay tulong na nga namin ni Jhaizee bago pa tuloyang makalapit ang mga gutom na infected sa amin.

Ngunit wala talaga, wala kaming makita na sinasabi niya.

"Mican mukhang kailangan na nating tumakbo. Malapit na sila."

"Oo nga Mican. Mukha wala rito ang hinahanap mo." napapa-atras ko pang segunda.

"Mican, nandyan na sila." atras na rin ni Jhaizee at bumalik na nga kami sa pinanggagalingan naming deriksyon, kung saan naroroon ang bakulaw na halimaw.

Nagwawala't hinahampas ang nakaharang na salamin. Pilit nitong binabasag at winawasak ang nakaharang.

"Waaahhhhgggrrrr" palahaw ng mga flesh eater.

"WagGggggrrrrr!" huramentado naman ng bakulaw.

Nagtinginan kaming tatlo at napalunok. Dahil hindi namin alam kung ano ang pipiliing daan.

"Anong gagawin natin?"

"H-hindi ko na alam." lingo ni Mican.

Tumingala ako sa ibabaw ngunit walang kesaming madadaan. Lahat dito bakal at sementado kaya nawalan kami ng pag asa. We're trap and we're done, over here.

Kabang siksik namain sa isa't isa. Hanggang sa kakausod ko'y may naapakan akong bagay. Isang bagay na iwan ko kung ano ba 'toh. Basta bigla na lang umalingaw-ngaw ang mga katagang

WELCOME TO THE BIOCHEM CORPORATION

nagulat ako roon at buong nginig na napatingin sa paa ko. Sa takot ko. Nanigas ang buong katawan ko ni, ayaw nganag gumalaw ng katawan ko. Dahil baka pag inalis ko ang paa ko, sa na apakan kong bagay, ay bigla na lang ito sasabog ng hindi namin napaghandaan.

"Ano iyon? Sino yon?" kapit ko kay Mican sabay hila ko sa kanya.

"Guys relax, iyan yung sinasabi ko sa inyo. Sinong naka-apak sa inyo, noon?

Napatingin ako sa inapakan ko.

"Ito ba ang hinahanap mo Mics?"

Inalis ko ang paa ko at doon bumukas ang paresukat na bahagi ng sahig. Saka kusang umakyat at tumaas ang may katamtamang salamin na gadget.

"Woah! Amazing! What is this?" si Jhaizee at 'di pa mapigilan ang sariling pindotin agad ang mga icon na lumalabas. Mula sa manipis na salamin.

WARNING! YOUR UNLOCKING THE SECURITY BARRERS.

alingawngaw ng teknolohiya at nagsagitsitan lahat ng mga nakasarang tarangkahan, na yari sa bakal at nagsibukasan.

Habang lalong nagwala naman ang bakulaw na flesh eater sa kabilang banda. Pinaghahampas na nito ng paulit ulit ang salaming nakaharang sa kanya. Habang galit na galit kaming pinanlilisikan ng mga mata't nagbabaga sa galit ang panga niya.

"Ano bang ginawa mo Jhaizee! Huwag ka kasing pindot ng pindot. Putik! Alisin mo nga iyang kamay mo." hawi ni Mican at 'di na magkanda-ugaga sa pagkapa sa gadget para isara ito muli. Ngunit iwan ba't nag hu-hung na ang naturang gadget.

Habang ako nama'y palipat-lipat na napatingin sa mga pintoang bumubukas at sa halimaw na patuloy na winawasak ang salaming nakaharang sa kanya.

"Waaaahhhhrrr ahhhhrrr," ungolan ng papalabas na mga infected.

Halos napagod na ang katawan ko kakatakbo. Ubos na rin ang lakas namin. Kaya napatulala na lang ako. Habang pinagmamasdan ang mga flesh eater na may iba't ibang edad, kasarian at estado sa buhay.

Sa isip-isipan ko, mukhang biktima sila sa ekspermentong nagaganap sa lugar na ito. Dahil sa pagkakaintindi ko. May iba't ibang damit silang suot suot. May nakauniporme na estudyante, medical staff, prisoner, ordinary na tao, military at iba pa.

I'm sure, ang mga taong ito ay minsan nang naitala bilang missing sa iba't ibang bahage ng bansa, na hanggang ngayon ay 'di mahanap ng mga pamilya nila.

"Mican anong gagawin natin. Napapalibutan na nila tayo." tanong ni Jhaizee na nagpapitlag sa amin ni Mican.

Napakurap ako't napahingang malalim. Matapos ay hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko sa papalapit na mga zombie.

" Humanda kayo. Bawat palapag may kanya kanyang self defense. Ngunit hindi ko alam kong anong lalabas dito. Kaya ihanda n'yo na ang mga sarili n'yo." anika ni Mican na tinugonan namin ng tango ni Jhaizee. Matapos ay may pinindot siyang numero sa screen ng naturang gadget.

SELF DEFENSE ACTIVATED
muling alingaw-ngaw sa kabuohan ng paselyo, na sinudan ng umiigting na pagbukas ng nakakariniding tunog ng bakal. Pagkatingin ko sa kesame ay kita ko ang tatlong malalaking chainsaw wheel.

Bumukas ng kay lawak ang bakal na kesame at kasunod noon. Nagsimulang umaandar ang pag ikot ng malalaking chainsaw.

"Wwooooaaahhhh!" anas namin sa gulat sabay padapang umupo sa takot na baka matamaan kami sa matatalim na mga ngipin ng sinasabing chainsaw.

____________________________________

Mican's POV

_
Anong klaseng defense ba ito? Mukhang pati kami macha-chop chop sa chainsaw na ito, ah. Kailangan namin mag-isip ng paraan paano makaiwas sa bagay na ito.

Sabay masid ko chainsaw, saka tinansya ang palitan ng pagbaba at pataas ng naturang device. Nang makuha ko ang tyempo ay may na isip na ako.

"Jhaizee, Nesa bawat 10 segundo bumababa ang dalawang chainsaw. Habang tumataas naman ang isa sa gitna. Para malagpasan natin iyan. Kailangang maging mabilis tayo't sa pag iwas sa bagay na iyan." latag ko sa idea ko para malampasan namin ang pagsubok na ito.

"Mican teka lang. Natatakot ako." nginig na iling ni Nesa.

"Ako rin," si Jhaizee.

Hinawakan ko ang dalawang kamay nila sa magkabilaan at pinisil.

" Wala nang ibang paraan. Kailangan nating magtiwala sa kakayahan ng mga sarili natin. Kaya humanda kayo. " dagdag ko at muling pinaghandaan ang papalapit na chainsaw trap, na kasalukoyang pumuputol at pumipira-piraso sa mga katawan ng mga flesh eater.

Parang mga damo ang katawan ng mga ulol. Tila dinaanan ng malaking grass cutter. Talagang pinong nagkapira-piraso Ang mga katawan nito't iyong mga dugo nila'y bumaha sa samentadong sahig.

"Guys, humanda na kayo ayan na." hudyat ko ng matiyak kong limang dipa na lang ang layo ng mga chainsaw.

"Isa!" nag tinginan kami

"dalawa!" huminga ng malalim

"Tatlo!" sabay takbo naming tatlo at bahala na kung anong mangyayari.

Pagkuwa'y magkasabay na patihayang nagpadulas sina Jhaizee at Nesa sahig. Habang ako namay limang segundo munang tumigil at nagpahuli sa pagpadulas. Pagkuwan ay padapa akong nag padulas, pa tawid sa nag-uugong na chainsaw trap. At sa awa ng Dios ay nalagpasan nga namin ang makapigil hiningang pangyayari.

Buong pasasalamat ko pa sa dugong nagkalat mula sa zombie. Dahil nakatulong ito na maging mas madulas pa lalo ang samentadong sahig.

"Mican!" sabay akap nilang dalawa sa akin.

"Sa wakas na lagpasan natin." naluluha kong yakap rin sa kanila.

10 MINUTES LEFT

alarma na naman ng electronic system.

'Oo nga pala kailangan na naming makalabas dito.'

"Waaaahhhhrrr!" hiyaw ng galit na galit na bakulaw. Matapos ay sinundan ng malakas na pagkabasag at hulogan ng mga tipak na salamin.

"Tara na bilis," hila ko patakbo sa kanila.

"Haaaaaarrrrrrrrgggrrr!" nagpupuyos sa gigil na bulyaw ng halimaw na sinundan ng malakas na ingay ng pagdumbol.

Matapos noon ay may malakas na kalabog at pagsabog ang siyang umalingaw-ngaw sa paligid.

"Waaahhhhrrrr!" malakas na hiyaw nito na sinundan ng malalaking yabag ng takbo Pagkuwa'y may mga kalampagan at ingay mula sa naghuhulogang na mga bagay.

At sa tingin ko mukhang matagumpay ring na nawasak ng halimaw ang chainsaw trap. Kasunod noon, may mga malalaking yabag ng tapak ang siyang tumatakbo papalapit sa amin.

"Takbo bilisan n'yo!" sigaw ko sabay karipas namin palayo.

____________________________________

Writers Note:

Hello! Pa VOTE, COMMENTS and SHARE po. Thanks po

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top