Chapter Eight


Nesa's POV

_
Habang papasok ng kami sa madilim na lugar na siyang kinabagsakan namin ni Jhaizee. Hindi ko mapigilan ang nag-uumapaw na sa dibdib ko. Habang papasok kami ay siya namang pag kabog lalo ng puso ko.

Iyong mga palahaw at ungol kasi naririnig namin sa hindi mawaring pinagmumulan, ay mas lalong naghahatid ng kilabot sa pandama namin.

Pakiramdam ko'y sandamakmak ang nakatinggang mga infected na bahageng ito. Lalo kaming pinagatugan ng mga tuhod. Nang mapansin pa namin ang mga naglalakihang, nakahilirang tarangkahan.

"Anong klaseng lugar ba ito, Nesa? Ba't ang lansa ng amoy?" takip ni Jhaizee sa ilong niya.

"Grabe, nakakasuka. Mukhang mamamatay tayo nito sa baho." dagdag niyang himutok na gumawa ng pag alingaw-ngaw sa kabuohan ng aming binabagtasan. Kaya nama'y lalong lumakas ang kalampagan at ungolan, na nagmumula sa nakakandadong mga pintoan.

Nanlaki ang mga mata namin at napatakip bibig.

"Sshhh," saway ko sabay takip ko sa bibig ni Jhaizee at saglit kaming tumahimik.

Nang makahinahon kami ay huminahon rin ang palahawan ng mga nagwawalang ulol.

"H'wag kang maingaw, Jhaizee. Mukhang naririnig nila tayo." bulong ko na sinundan naman niya nang tango.

"Anong gagawin natin?" ngatog niyang bulong.

"Hindi ko alam." halukipkip namin sa isa't isa sa takot. Habang patuloy lang kami sa paglalakad.

Sa totoo lang hindi namin alam kung saan kami tutungo. Wala kaming maisip na ideya, kung ano ba talaga ang gagawin namin sa mga oras na ito. Basta ang magagawa lang namin ay maglalakad ng maglalakad. Bahala na kung saan kami mapadpad.

"Saan ba tayo talaga tayo lalabas nito? Si Rutch kasi eh. Kasalanan niya ito!" nanggigil pang paninisi ni Jhaizee.

Napahinga ako ng malalim.

"Wala na tayong magagawa Jhaizee, andito na tayo. Mabuti pa maghanap na lang tayo ng paraan, para makalabas dito." tugon ko habang napaikot tingin sa kinahintuan naming eskinita.

Sa bahaging ito, ay may tumatanglaw na, na maliit na bombelyang kulay dilaw. Kahit papaano'y may linawanag na Rin at nagagawa na naming makita ang itsura ng paligid.

Napagtanto ko na, mukhang nasa drainage area kami o kung nagkakamali man ako'y nasa pinaka underground kami ng gusaling ito. Mukhang ito ang unang palapag.

At sa dulo ng aming tinatahak na daan. Kita ko mula sa kinatatayuan namin. Ang naiibang bakal na pintoan bukod sa lahat. Nakadama ako ng saya at pag-asa. Dahil baka ito na nga ang hinahanap naming pintuan palabas.

Agad akong nabuhayan ng dugo at napangiti. Bumuhos ang pag asa ko sa puso ko.

"Ayon, may pintoan. Bilis Jhaizee, baka iyan na ang daan palabas dito." masigla kong takbo.

Ngunit ng maaninag ko ang nakasulat sa tarangkahan. Napatigil ako't napalunok.

"Shit!" anas ko ng mabasa ko ang mga katagang

DON'T OPEN. LOTS OF INFECTED INSIDE

WARNING! DANGEROUS INSIDE. DONT YOU DARE TO OPEN IT.

"Ohw shit!" bulalas ni Jhaizee at napa-atras pa siya sa takot.

"Paano na? Paano na tayo makakalabas nito? Kung totoo nga ang nakasulat na 'yan?" puno ng pagkadismaya kong himutom at ramdam ko Ang pumipitik na kirot sa utak ko. Pagod na ko't gutom na. Pakiramdam ko mukhang mababaliw na ako sa kinahinatnan naming ito.

Kaya lalo akong na dismaya at tuloyang natunawan ng sa pag-asa. Sa galit at dismaya ko'y nagwala na ako.

"Kailangan nating makalabas dito!" hiyaw ko sabay hila kong pagwawala sa bakal na kandado.

"We need to get out of here! I need to get out of here!" buong lakas kong hiyaw sabay pagwawala ko.

Sa tindi ng galit ko'y pinaghahampas ko ang bakal na pintoan, na mas lalo namang kinalakas rin ng mga kalampagan at palahaw na ungolan sa buong paligid.

"Nesa, maghunosdili ka nga! Tama na! Gusto mo bang makalabas dito ng buhay o patay na katulad nila, huh!" pigil ni Jhaizee sa akin.

"Makakalabas tayo dito ng buhay, Jhaizee! At mangyayari lang iyon kapag nabuksan natin ang pintuang ito!" giit ko habang lumakad ako't tumalikod. Para maghanap ng magagamit na pamokpok sa naturang padlock at ng makita ko ang isang nakausling tipak ng matigas na samento'y, agad ko itong kinuha.

Pagkuwan ay walang pag aaksaya ng oras. Agad kong sinimulan ang pagpokpok ng naturang kandado.

"Nesa, stop it. Hindi kaba nag iisip, huh? Naintindihan mo ba ang nakasulat sa pintoang iyan, huh?"

"Oo naintindihan ko! Pero Kung 'di natin ito bubuksan. Habang buhay naman tayong makukulong rito. Pareho pa rin ang kahahantungan natin. Mamatay at mamatay pa rin tayo, Jhaizee." singahal ko sa katotohanan.

"Pwede ba. Mag isip ka!"

"Ano pang pag-iisipan ko, huh?" singahal ko na sinuklian niya ng malakas na sampal.

____________________________________

Jhaizee'di POV

_
NAWAWALAN na talaga siya ng katinuan. Sira ba siya? Alam na nga niyang may panganib na nakaabang, ay talagang bubuksan pa talaga niya.

Kaya kailangan ko na siyang gisingin. Humugot ako ng isang malakas at nakakagising na pampamulat

Sa malutong na sampal na lumapat sa pisngi niya'y sakto na par siya'y magising sa kahibangan niya.

Matapos mapahawak sa kumikirot niyang pisngi, ay sinamaan niya ako ng tingin. Galit itong nagtapon ng tingin sa akin. Pagkuwa'y binitiwan niya ang hawak niyang semento. Saka bigla akong tinalikuran at mabilis na humakbang palayo sa akin.

"Nesa, teka lang! Sorry!" paumanhin ko sa kanya. Mukhang napalakas ko ata ang sampal ko. Lagot at nagalit na nga siya.

"Nesa hintay!" ngunit hindi na niya ako pinansin. Kasunod pa noo'y tumakbo na siya palayo sa akin.

"Ano ba naman. Nesa, hintayin mo ako. I'm sorry, okey?" paumanhin ko saka tatakbo na sana ako sa pagsunod. Nang biglang sumagitsit ang pintoang kanina'y pilit binubuksan ni Nesa.

Napatigil ako't napalingon sa pintoang iyon. Mula sa kinatatayuan ko. Kita ko ang dahan dahang pagbukas ng bakal na tarangkahan. Iyong tunog ng pagbukas pa'y nakakarindi sa pandinig.

Sa umpisa dahan dahan lang itong bumubukas. Ngunit hindi naglaon ay mabilis na itong bukas. Hanggang sa humampas na nga, pabukas ang dahon ng tarangkahan. Matapos, isang makapal na alikabok ang nadungawan ko.

Napalunok ako't kabang kaba kung ano kayang lalabas sa pintuang ito?

'Mga Zombies kaya? Ano tatakbo na ba ako?' tanong pa ng utak kong nababaliw na. Habang itong katawan ko nama'y di makagalaw at muli ay na napaparalisa na naman sa kaba.

"Waaahhhhrrrr," mabangis na palahaw isang malaking halimaw.

Takot man ako. Ngunit nagawa kong sipati ang umuungol sa likod ng makapal na usok na nagmumula sa alikabok.

Doon, dahan dahang kong na aaninag ang paglabas ng isang malaking kamay. Na siyang humawak sa gilid ng pintuan.

Isang kamay ng 'di ko matukoy kong hayop pa ba o tao na zombie pa kaya. Hanggang sa tuloyan na ngang humupa ang makapal na usok at doon ko napagtanto kung anong klaseng halimaw ito.

Sa paglinaw ng nakikita ko. Isang
nalalantang kamay ng hindi ko mawari kong kamay pa ba ito ng to o isa itong kamay ng halimaw.

May mahahaba itong kuko at payat na mga daliri. Tansya ko parang kalansay na ito halos. Lalo akong hnilakbutan ng bigla itong umalolong ng kay lakas.

Iyong alulung niya'y nagdadala ng ngatog sa mga tuhod ko.

Lalo akong nagimbal sa takot ng biglang nitong itinambad ang nakakahilakbot nitong pagmumukha sa paningin ko.

Halos lumipad ang kaluluwa ko sa nakita kong kay pangit pangit. Tapos iyong mga ngipin niyang kay tutulis at nagngangalit pa sa talim, ay halos nagpaluwa sa puso ko sa sobrang nerbyos.

Halos layasan na ako ng espiroto ko, sa intense na nararamdaman ko. Saka ng makapitlag ay buong lakas akong napahiyaw ng malakas.

"Aaaaaaahhhhh!" hiyaw ko sa pagmumukha nitong mukhang aso. Ngunit may kurbang katawan ng tao na nalalanta't naagnas na.

"N-nesa!" gulantang sa tawag matapos ay huminga muli ng malalim at tumili ng

"Nesaaaaaa!"

"WAARRRRRHHHH!" ganting palahaw naman nito na animo'y bintilador sa lakas ng hangin ng paghiyaw niya at parang imbornal ang amoy ng hanging ibinubuga.

Matapos pa'y hinabol na ako nang bakulaw.

"N-nesa Nesa takbo!" higit ko sa kanya ng maabutan ki siya. Ngunit umiwas siya kaya napagiwanan ko na siya.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw pa niyan anas habang kumaripas pa ako ng takbo lalo.

"Salikod mooooo!" sigaw ko para sa kanya habang patuloy lang sa pagtakbo.

____________________________________

Mican' POV

_
WINDANG NA WINDANG na ang utak ko habang gulantang naman ang mga kalamnan ko sa buong taranta. Halos 'di ko maderi-deritsyo ang code sa kabang lumulupig sa akin. Hindi ko alam kong tama ba ang pinipindot ko. Basta ng maka-anim lang ako ng pindot, ay kasunod na noon ang pag pindot ng ENTER.

ACCESS GRANTED!

mabikis na saad ng electronic gadget. Pagkuwan ay may mabilis na sumagitsit sa likod ko. Pagkalingon ko napatakip bibig ako sa bilis ng pangyayari. Matapos saglit napatulala na nakanganga at diring diri sa nasaksihan.

Napakapa ako sa dibdib ko at saglit napatingin kay Rutch. Lalo akong kinabahan ng makita ko si Rutch na may nakadagan na infected sa ibabaw niya. Tapos 'yong salamin, ang bilis sumulpot at humati sa mga infected na zombies. Na halos makalapit na kay Rutch kanina ah. Ngunit sa isang kisap mata ko lang. Agad hinati ng makapal na salamin ang mga zombies. Grabe!

Maang ko, sa sobrang mangha at nginig na dinalohan si Rutch.

"R-rutch, o-okey ka lang b-ba?" nauutal kong tanong kay Rutch.

____________________________________

Rutch's POV

_
ALAM ko kataposan ko na nga. Kaya't ng magsugoran sa akin ang mga gutom na zombie sa akin. Wala na akong ibang magawa kundi ang pumikit. Ngunit bago ko pa man maramdaman ang mga kagat nila, ay may narinig akong mabilis na sumagitsit na bagay.

Matapos noon, ang sunod ko na lang na naramdaman ay may dumagan na sa akin na katawan. Amoy bulok ito't nakakasuka sa sobrang baho.

Agad akong nagmulat ng mata at napa-igtad sa napagsinong dumagan. Nandiri ko't itinulak ang mga hating katawan ng mga infected.

Matapos noon ay napa-atras ako sobrang pandidiri.

"Ahh! aaaahhh!" buong hilakbot kong sigaw.

Sa kalunos-lunos na nangyari San Marcos zombie ay para silang mga burger bun na perpektong pinaghahati.

"R-rutch, o-okey ka lang b-ba?" nauutal na tanong Mican.

Nilingon ko siya't yumango ako. Pagkuway, muling tiningnan ang galit na galit na mga ulol sa kabilang bahage.

"Rutch ha-halika na. Tumakas na tayo." nginig pang dugtong ni Mican, kaya naman umusad na rin ako.

Ngunit bago pa ako makapihit paharap kay Mican. Napa-igik ako sa sakit at humihilab na kirot sa hita ko.

"Aaraay!" inda ko sabay hawak ko sa namamanhid kong hita.

"Rutch nakagat ka ba?" natatakot pa niyang lapit sa akin.

"Hindi, hindi ako nakagat." iling ko dahil ayoko. Ayokong makagat ng mga pesteng zombie na ito.

Matapos ay nilapitan niya ako't tiningnan niya ang tama ko sa may hita. Maging ako'y kinabahan rin, na baka nga nakagat nga ito't magging infected na rin, gaya ng mga ulol na iyon.

"May sugat ka Rutch," saad niya nakinahinga ko ng maluwag.

"hindi ito kagat. Sugat lang ito mula sa matalim na bagay."

pagkuway pinunit ni Mican ang damit niya. Para itali pansamantala sa sugat ko.

"Aarraayy! Ano ba dahan dahan lang!" hiyaw ko sa higpit ng pagkakatali niya.

"Okey na, tapos na, halika na!" sabay akay ni Mican sa akin. Pagkuwan ay nagmadali na nga kami sa pagsunod ng sketch palabas.

____________________________________

Mican's POV

_
Mula sa nilabasan namin kanina ni Rutch. Pinasok ko muli ang code ng passage.

Doon napag alaman namin na bawat passage pala, ay may kanya kanyang self defense na siyang mag te-terminate sa mga infected, na maaring makalabas sa pinaglalagakan nito.

Hanggang sa marating na nga namin ang parking area ng chopper na ibig sabihin, palabas na kami sa tunnel.

"Mican, sa wakas na gawa natin. Makakalabas na nga tayo." buong galak at naluluhang turan ni Rutch.

"Oo Rutch, ngunit paano si Nesa at Jhaizee?" buong pag-alala ko.

"Wala na tayong magagawa sa kanila Mican. Humingi na lang tayo ng saklolo." hila ni Rutch sa akin nang biglang bumukas ang nakatagong digital tracker. Mula sa pintuan ng elevator.

WARNING! ONE HOUR LEFT AND IT WILL AUTOMATICALLY TERMINATE THE ENTIRE BUILDING.

paalam ng digital gadget.

"umalis na tayo dito Mican." hila niya sa akin at alam ko mabigat sa puso ko ang umalis na hindi kasama si Nesa at Jhaizee.

Ngunit paano kung tama si Rutch. Paano nga kung hindi naman si Nesa at Jhaizee ang nasa underground?

Pagdadalawang isip ko. Habang hinihila ako ni Rutch palabas.

HUMAN IS DETECTED BELOW THE GROUND. I REPEAT. ABOUNDONE THE BUILDING. ABOUNDONE THE BUILDING.

alarma nito.

Napalingon ako at lalong lumakas ang kutob ko na si Nesa at Jhaizee nga ito.

50 MINUTES LEFT!

alarma nanaman nito habang nagsisimula ng mag count down.

"Mican ano? Sasabog na ang building. Kailangan na nating makalayo." higit niya sa akin at natigil ako't hinila ko siya.

"Mauna ka na Rutch. Babalikan ko sila." naluluha kong desisyon.

"Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait, huh?" galit niyang asik.

"Hindi sila makakalabas doon, kung hindi natin sila babalikan. Kung ayaw mo silang saklolohan. Pwes! Paabayaan mo ako na tulongan sila." pangkokonsensya ko sa kanya.

Saglit pa siyang nag-isip.

"sige bahala ka!" talikod niya at nagawa talaga niyang tumakbo palabas.

Napatalikod ako't buong bahalang bumalik sa loob ng gusali. Habang dismayadong dismayado sa inasal ni Rutch.

'Talagang wala siyang paki sa iba. Napakamakasarili talaga niya.'

himutok ko at napalingo na lang sa inasal niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top