PROLOGUE
Author's Note: Please read carefully, the story content may have traumatic content such as being abused, molested and words are really foul. If you think you are not allowed or it may trigger you please don't read this. I don't want you to risk your health, thank you. I am not capable of making this story perfect but I will try my best.
PROLOGUE:
Tahimik at mapayapa akong naghuhugas ng mga plato sa kusina namin na hindi ganoon kalaki, ang sementong pader na walang pintura ay aking tinitigan. Kailangan ko nga talagang mag-aral ng mabuti para mai-angat ang buhay namin nila mama at ng bunsong kapatid ko.
Habang naghuhugas ay nalingon ko si mama na mukhang aalis. "Saan ka pupunta mama? Aalis kayo ni bunso?" Tanong ko at sandaling tumigil.
"May ipabibili ka bang gamit mo ngayong 4th grading niyo na sa high school?" Tanong ni mama kaya ngumiti ako at pasimpleng lumapit sa kaniya.
"Bagong ballpen sana mama, paubos na kasi yung gamit gamit ko pa ng third grading eh." Paglalambing ko pa.
"Osya sige, aalis muna kami. Babalik rin kami kaagad," ngumiti ako at tumango tango na para bang masunurin na bata.
Nang umalis sila ay binelatan ako ng kapatid kong lalake kaya gumanti rin ako, tapos ay bumalik na sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Ewan ko ba kung nandito siguro si papa baka hindi ganito ang buhay namin, hindi ko nga siya nakilala sa personal pero sabi ni mama yung kaisa-isang picture daw ni papa ay ingatan ko.
"Miran! Ano ba't pakalat kalat ang libro mo rito!" Mabilis akong lumingon sa salas at nakita ko si Tito Jubal ang pangalawang asawa ni mama.
"Ah sandali po tatapusin ko lang po ang hugasin at aayusin ko na po yan." Paninigurado ko, suot suot pa niya ang unipormeng suot suot ng mga taekwondo instructors.
'Yon kasi ang trabaho niya, nag-aaral kasi ang bunsong kapatid ko ng taekwondo at doon sila nagkakilala ni mama. Ang tadhana nga naman pero masaya naman si mama kaya ayos lang.
"Miran ano ba!" Ngumuso ako at mabilis na iniwan muna ang hugasin tapos ay pinulot ang libro ko sa eskwela, matapos kong pulutin 'yon ay isinilid ko sa bag ko ngunit natigilan ako ng may humawak sa bewang ko dahilan para mabilis akong lumayo kay Tito Jubal.
"B-Bakit po tito?" Kinakabahan kong tanong at lumunok ngunit sobrang nailang ako ng bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.
"Miran lumapit ka nga sa akin," mahinahon niyang sabi kung kaya't sa sobrang masunurin ko ay lumapit ako ngunit halos maitulak ko siya ng halikan niya ako sa leeg.
"T-Tito ano bang ginagawa niyo?" Natatakot at kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"Wala namang masama sa ginagawa ko, 'di ba't anak na rin kita?" Lumunok ako at tsaka ko mahinang kinagat ang dila sa sobrang kaba.
"Maghuhugas na po ako," wika ko at mabilis na umalis sa salas upang maghugas ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng takpan niya ang bibig ko mula sa likod dahilan para magpumiglas ako.
Mangiyak ngiyak akong pumalag lalo na ng hawakan niya ang mga parteng hindi dapat kung kaya't pilit ko siyang itinutulak ngunit malakas siya. "Subukan mong magsumbong sa kung sino, malalagot ang nanay at kapatid mo sa akin tandaan mo yan." Banta niya mula sa tenga ko at binitiwan ako kung kaya't mula sa padilim na kalangitan ay takot na takot akong tumakbo.
"Miran!" Malakas niyang sigaw.
"Miran bumalik ka rito!" Panay ang takbo ko dahil sa takot na nararamdaman hanggang sa derederetsong pagtakbo ko ay may tali akong natakbuhan dahilan para sumubsob sa mismong daan na magaspang.
"Miss!" Tawag ng lalake ngunit panay ang iyak ko at pilit itinatayo ang sariling katawan hanggang sa may malaking aso ang naupo sa harap ko at dinilaan ang ulo ko.
"Miss," malamig na tinig ng lalake ang narinig ko hanggang sa tinulungan niya akong makaupo ay tatayo sana ako ngunit hindi ako makatayo dahil sa hapdi ng sugat ko.
"Look what you've done Bullet." Tila sinesermonan niya ang aso kung kaya't tiningala ko ang tangkad niya hanggang sa makita ng nanlalabo kong mata ang mukha nito ay napalunok ako.
"H-Hindi mo ba nakita na tumatakbo ako? Bakit ang haba haba ng tali ng aso mo!" Inis kong reklamo at panay kuskos sa mata kong may luha.
"Oh it's Bullet's fault." Napairap ako at tinignan ang aso na nakatagilid pa ang ulo kaya ngumuso ako at hinawakan siya but then the man stopped my hand.
"Your hands are dirty," itinuro niya 'yon ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko dahil walang emosyon ang mata at buong mukha niya.
"Robot ka ba?" Tanong ko tapos ay tutusukin na sana ang tuhod niya but then he stepped back.
"Your hands are dirty." He repeated.
Tinignan niya ako at tsaka siya bumuntong hininga. "Can you stand?" Tanong niya at sinilip ang mukha ko. Sinubukan ko namang tumayo at ng makatayo ay naupo ako sa bench sa gilid ng convenience store.
"Wait," wika niya at isinama ang aso pabalik sa loob ng convenience store at nang muling lumabas ay may hawak na siyang kung ano.
"This is a medicine, can you treat yourself? We're in a hurry." Maayos niya namang simabi ngunit punong puno ako ng pagtataka.
"Kung hindi ka robot, mannequin ka ba?" Tanong ko ngunit umiling siya.
"Person, I am a human." Paglilinaw niya.
"My dog is really sorry, forgive Bullet." Maayos na sabi niya at ang abo oo abo yung kulay ng mata niya! Para siyang gwapong manika, mannequin, o ano pa man.
Binuksan niya ang wallet niya at natigilan ako ng kumuha siya ng pera at ilagay sa loob mg mga gamot. "Treat your wound, My parents are doctor I bought the right medicine." Paalam niya at tangay tangay ang aso niya ay mabilis na pumara sila ng masasakyan.
Hindi pa ako nakakita ng lalakeng sobrang gwapo tulad niya, natigilan ako ng maalala ang ginawa sa akin ni Tito Jubal at doon ako natakot muli. Kinuha ko ang paper bag at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makahawak ng isang libong makunat.
Tatlong ganoon ang nakita ko at pagkatingin ko sa daan ay napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang water bottle na kasama sa binigay niya ay hinugasan ko ang sugat sa tuhod tapos ay sa siko. Ginamot ko ang sarili tulad ng sinabi niya.
Sino kaya siya? At Hakuna Miran ano ba? Bakit mo pa gustong malaman ang pangalan ng robot na 'yon halos mamatay ka nga sa takot.
///
Published: September 14, 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top