Chapter 83

Chapter 83:

Jeremiah Laze's Point Of View.

I was staring at our project, while in this room built in rocks. "I wanted to see the tree."  Nalingon niya ako kaagad, ngunit blangko ko siyang tinignan dahil wala akong kahit ano na maramdaman.

"Bakit?" She curiously asked.

"Let's go, I need to see it's land."  Wala siyang nagawa at napasunod sa akin, sa tahimik na paligid pagkalabas naming dalawa ay halata na medyo takot siya.

Hindi ko kasi maalala ang hitsura ng lupa na tinatayuan ng puno, mapayapa ang kalangitan kahit pa bilang ang mga bituin na nandodoon.

Nang biglang may umiyak na pusa ay halos mawala ako sa balanse nang mapatalon si Miran sa tabi ko at kumapit sa akin.

Napatitig ako sa kaniya, ang dibdib ko ay biglang bumilis ang tibok, lumakas din ito.

Napalunok ako, I tried to act normal. I glanced at her arms looks like hugging my waist, fuck. My heart's beating so loud.

"Poor kitten, how could you shout Hakuna?" I almost banged my head on the tree when I used the wrong term, it's supposed to be yell, w-why am I acting nervous?

Nang mapansin na nagulat siya ay halos maitulak niya pa ako makalayo lang ngunit nawala siya sa balanse at para naman akong mabilis na napahawak sa braso niya upang hindi siya matumba.

"You're so—" I stopped myself from telling her she's clumsy and sighed, "Let's go back." I was irritated.

"Laze." I heard her call me, napailing ako but then I felt her hand gripped on my shirt, nalingon ko siya.

"Why are you gripping so hard?"  I'm afraid she might pull my shirt.

"H-Huh?"

"There is no ghost Hakuna," mahinang sabi ko. Pansin ko naman na matatakutin talaga siyang babae, inalis ko ang pagkakahawak niya sa shirt ko.

Matinding pagpipigil ang ginawa ko nang hindi ko na binitiwan ang kamay niya.

I'm taking advantage and I know it's bad. Bullet was sleeping peacefully in my bed, sakop niya ang kalahati and I felt guilty when I pushed him over.

I lay in bed since Miran is already covering herself with a blanket.

I was standing on the corner of the hanging bridge, watching her getting excited.

Nang umabot siya sa gitna ay pinigilan ko ngumiti nang mapasigaw siya sa pag-sadya kong bigatan ang hakbang.

Nagalit siya sa akin, ngunit agaran ko na binara ang sermon niya.

Hawak niya ang cup of buko juice, habang naglalakad kami pabalik ay halos magulat ako sa malakas na tawag niya sa pangalan ko.

Ngunit nagulat ako nang basa pa ang ilong niya at paligid ng kaniyan bibig. "I-It's not my intention," I reasoned out.

"Gaanan mo kasi ang pag-apak," nagmamaktol niyang sabi at gusto ko g mapangiti dahil sa hitsura niya.

"It's a hanging bridge, no matter how light my steps will be this bridge will move. It will even move with just the wind."  I explained, I saw her rolled eyes on me.

Unbelievable.

"Ano pinaglalaban mo?" Napipikon niyang sabi.

"Ikaw," Ikaw sana, I watched her lips parted a little.

"A-Anong ako?" Nang mautal siya ay pasimple kong nakagat ang dila.

A-Anong idadahilan ko?

"Ikaw, ikaw ang kalaban ko." Walang kwentang sagot ko, nakakahiya.

Anong kahibangan pa ba Laze?

Ngayon ay nasa ilalim na kami ng tulay sa ilog, hindi naman malalim, pinag-uusapan namin ang step father niya ngunit nagtaka ako nang mapatitig siya sa akin.

"That's good," I answered but then bigla siyang tumiklay at tila may inabot sa akin ngunit dumulas ang paa niya sa bato dahilan para mawala sana kami sa balanse ngunit inagapan ko siya.

Ngunit halos pigilan ko ang sarili na huminga dahil sobrang lapit ng mga mukha namin. Kaunting tulak na lang ay magtatama na ang ilong namin.

"Hakuna,"  tawag ko sa kaniya nang mapansin ko ang pagdapo ng mga mata niya sa labi ko.

Don't do that, you're making it hard for me to resist..

Nang sulyapan niya ako ay napatingin ako sa labi niya, damn it.

Gusto ko sapuin ang mukha ko upang pigilan ang sarili, but then I found myself leaning closer to her. "Laze."  Gitla niyang tawag sa akin at napalayo.

Napahinga ako ng malalim nang umalis siya sa harapan ko.

Makalipas ang ilang mga linggo ay tumaas ang kilay ko ng makita na may bago kaming kasama sa table, ngunit mas tumaas ang kilay ko sa lalakeng nakipag-kamay pa kay Miran.

"I remember at the ball, sumakit yung mata ko sa contacts kaya nag-alis ako sandali pero—"

"No one's asking," matipid na singit ko. What's the point of telling those kinds of stories?

"Ah yeah," sangayon niya kaya blangko ko siyang tinignan.

"Anong course mo pala?" Crizel asked that man.

"Ah Mechanical Engineering." Nangunot ang noo ko, tsaka ko siya tinignan.

I don't think so..

He's wearing a Civil Engineering ID.

Ah that man was him? Yung sumilip sa hallway? The man Hakuna likes?

He looks good, but I don't care.

Dahil hindi ko na matagalan ang presensya ng lalake ay tinangay ko na si Miran paalis doon, nang nasa sasakyan niya ay tinanong niya pa ako kung nagseselos ako.

"Pinagseselosan mo ba si Yuno?" So that's his name?

Ang pangit, parang bida-bida.

"Selos?" Paglilinaw ko.

"Selos, nagseselos, jealous?" Bahagyang umawang ang labi ko, napipikon na iniiwas ang tingin sa kaniya at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.

"Hoy!"

"Halaaaaaaa!"

Sa sigaw niya ay nadismaya ako, "Shhh." Sita ko.

Matapos ay dumeretso kami sa condo ni Miran, ngunit nandoon si Yuno pero hindi nangunguna.

Nagtaka ako nang makita ang package for Hakuna Miran, nasulyapan ko naman si Janella.

Why is she like that?

Huminga ako ng malalim, dinner came, sasamahan ko sana si Miran bumili ngunit nanguna na naman yung Yuno na 'yon.

Pa-epal kingina.

Nang umalis ang dalawa ay wala ako sa mood, napipikon ako. "Laze, are we okay?" Naupo siya sa tabi ko kaya sinulyapan ko siya at tinanguan.

"Are you sure? H-Hindi ka galit sa akin?"  Nangunot ang noo ko.

"Why would I be?" Nagtatakang sabi ko.

"B-Bakit hindi mo na ako kinakausap?" Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Hindi mo na ba ako gusto?" Lalong naguluhan ako sa sinabi niya.

"What are you talking about Janella?" Paglilinaw ko.

"A-Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? S-Sabi mo babawi ka 'di ba?" Sinabi ko nga 'yon.

"Yes, sabi ko babawi ako sa'yo." Nagtatakang sabi ko.

"T-Then why does it feel like you're avoiding me?" Nagtaka ako lalo.

"I am not, I was just busy."

"Nandito naman ako pag kailangan mo 'ko, I told you babawi ako." Paglilinaw ko.

Ano bang sinasabi niya kasi?

"Janella," napaatras ako sa sofa nang lumapit siya lalo sa akin.

W-What the hell?

"I really like you." Mahinang sabi niya at nang malapit na magtama ang labi namin ay naiiwas ko ang sarili at hinayaan na lang lumapat ang labi niya sa pisngi ko.

W-What the heck?

"Janella," mahinang sabi ko. Nagulat siya.

"I'm sorry," mahinang sabi ko.

"I like someone else, I'm sorry." Napatayo ako kaagad at pumunta sa banyo.

Maya-maya ay nakabalik na ang dalawa, ngunit wala rin ako sa mood dahil mukhang close na agad ang Yuno na 'yon at si Miran.

Pero si Janella? Did she misunderstand me?

I noticed that she's been avoiding me since that day, she's cold and not jolly. Parang hindi tulad noon sa tuwing makikita niya ako ay dadaldalin at kakausapin niya na ako magdamag.

Ni tignan ngayon ay iniiwasan niya, huminga ako ng malalim at tsaka ko siya naisipang puntahan kahit anong oras na.

Nagtaka ako nang makita siyang nakabihis, ngunit naramdaman ko ang inis at irita nang mapanood ko na mag-yakap ang dalawa.

Si Yuno na naman.

I bit my lips, trying to calm myself. Bahagya akong umiwas nang natapos sila. Nang makaalis si Yuno ay natulala pa ako sandali.

Am I late? Is it too late to confess how I feel?

Napabuntong hininga ako dahil naninibago ako sa sariling nararamdaman, ang puso ko ay parang pinipiga.

I'll tell her, Ayoko mahuli.

Dumeretso ako sa condo niya, pinindot ko ang bell at nang buksan niya 'yon ay ganoon pa rin ang damit niya.

They went out on a date, hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papalapit sa akin.

Napapikit ako nang maalala kung papaano sila nagyakap kanina, I caressed her head, I'm sure she's confused.

Nang bitiwan ko siya ay napaatras siya sa akin papalayo, parang naguguluhan sa ginawa ko. I sighed and tried to answer her questions but I couldn't.

I can't even explain how I'm feeling right now, I was hurt by the thought of her liking that man so much.

"I am tired of talking, can I explain it in a different way?"  Huminga ako ng malalim.

"P-Paano? Sige." Sa pagpayag niya ay niyuko ko kaagad siya.

Ngunit nang maglapat ang labi namin ay malakas niya kaagad akong naitulak, hindi ko inaasahan.

Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili at hinalikan siya, not until someone interrupted. Sana pala sinara ko na lamang ang pinto.

Ngunit nang makita si Janella ay batid ko na masasaktan siya, dahil alam ko ang nararamdaman niya.

Ngunit alam niya rin na hindi ko siya gusto.

Ilang minuto ay bumalik sila, "Umalis ka na Laze." Utos ni Miran.

"Hakun—" hindi niya ako pinatapos dahil sinigawan niya ako bigla, bagay na ngayon ko lamang nasubukan sa kaniya.

"Umalis ka na sabi eh!" Ramdam ko ang galit sa nginig ng boses niya, at kahit ako ay nasasaktan sa pantataboy niya.

"You're making our friendship worse, if you like Janella like her! Bakir kailangang pumunta ka sa akin at gawin 'yon?" Galit niyang sumbat, mataas ang boses.

But I didn't say I like her..

I tried explaining my part but she's neglecting the truth. "May relasyon kayong dalawa, nang nakaraan lang kayo naghahalikan tapos ngayon—" panay siya pagtaas ng boses.

Hindi ako makasingit sa galit na nararamdaman niya sa akin ngayon dahil nasaktan ko ang kaibigan niya.

"I like you." Mahinang bulong ko, gusto kong huminga ng malalim, tumingala baka sakaling makahinga ako ng maayos.

"The feeling is not mutual, Laze. Umalis ka na," and that hit me hard, it hit me hard to the point that I wanted to shed tears.

Sinaktan niya ako ng sinaktan gamit ang mga masasakit niyang salita at nasasaktan ako.

Gusto ko hayaan ang sarili na ipakitang nasasaktan ako ngunit hindi ko maunawaan ang sakit. Nakakapanibago.

"How I wish I've never had the chance to feel this," I said, tumayo na ako at derederetsong lumabas ng condo niya.

Pagkalabas ay natigilan pa ako ay mahigpit na napahawak sa door knob niya.

Ah tangina, ganito ba masaktan?

Ngunit nang magpagawa ng party si Crizel at masquerade 'yon ay kinuha ko kaagad ang chance to meet her.

I'm sure Hakuna Miran will be there.

Nang mabunggo niya ako, ay alam ko na nakilala niya kaagad ako dahil sa pag-ngisi ko.

Ngunit hindi niya ako pinigilan, isinuot ko ng pasimple ang air pods na isang piraso at tinawagan ko siya.

She'll not be suspicious of me since ang titignan niya ay kausap sa cellphone at mga naka-earphones kaya nga ako nag-air pods.

Para lang hindi niya malaman na ako at yung lalake na 'yon ay iisa.

Nasa harapan niya ako ngunit hindi niya man lang ako makilala, tinawag niya pa nga akong Yuno.

Hibang ba siya? Si Laze 'to, si Laze yung binasted niya kingina, 'di naman masakit.

Parang kurot lang ng giant.

Nang dumating ang kaibigan niya na si Crizel ay hiniling ko rin na sana hindi ako nito makilala matapos ko halikan ang kaibigan niya.

Nang malasing si Miran ay napalunok ako mang sabihin ni Crizel na tatawagan nila ako.

Paano ako makakasagot ng tawag kung nasa harapan nila ako?

Aish, problem.

Magpapaalam na ako, tama. I'll just show up as me, I wish they won't notice.

But then I received Crizel's text message, kingina do I have extra clothes I could change?

Yamot!

Pumunta ako sa sasakyan ko patakbo, pumunta ako sa likod ng sasakyan ko at tsaka ko kinuha ang paper bag.

Nang makita ang black shirt ay inalis ko ang suot na polo, mabilis akong nagbihis, kinuha ko rin ang reading glasses ni Jami.

Shit.

Hindi ako handa for this, but maybe it's okay?

I waited for a few minutes and hid the clothes and my mask at the back of my car.

And this time, pinahid ko na ang labi ko using a tissue. Mahirap na.

Lasing siya at pinagmamalaki niya na hinalikan siya ng lalake na 'yon, ako naman 'yon?

"Do you like that man?" I curiously asked.

"I don't know, I like you more.." I stopped when she answered, nalingon ko siya.

Natulala ako sa mukha niya, nasapo ko ang dibdib ng malakas na tumibok 'yon. "I like you more.."

Sa pabulong niyang idinagdag ay napasandal ako sa kinauupuan ko, natulala ako sa harapan.

Shit.

Napapikit ako, ang ganda pakinggan.

"I wish you were sober when you say that," bulong ko at inayos ang pagkakaupo niya dahil nakapikit na siya.

Mukhang lasing na nga talaga.

Huminga ako ng malalim, "Janella, we both know that I like someone right?" Hindi pa ako tapos magsalita ay tumulo na ang luha niya sa mata.

"I know," mahinang sagot niya.

"I also know that you're the sender of the packages." Yumuko siya, pinaghawak ang kamay niya.

"You're really making it hard for me to choose, Laze. B-Bakit kapatid ko pa?" Napaiwas tingin siya sa akin sa kaniyang sinabi.

"I'm sorry."

"I care for you, like a sister Janella. I can't see you hurting because of me, hindi ko alam nang umpisa na magkapatid kayo. I just found out as I wanted to look for her dad." Tumango siya at huminga ng malalim.

"Ang sakit lang sorry," napaiwas tingin ako nang kahit anong punas niya sa luha niya ay wala siyang magawa dahil ayaw tumigil no'n sa pagtulo.

"P-Pwede ba huwag muna tayo mag-usap Laze? Hindi ko pa kasi matanggap." Sa pakiusap niya ay sumangayon ako, ayoko namang saktan siya.

Tulad nang plano, mabilis na dumaan ang buwan at umalis ako sa pilipinas. I settled abroad, I studied hard.

After my class natignan ko ang relos ko, shit. I'll be late for her birthday. "Mr.Garcia, you have 2 exams left! Where are you going?!" Natigilan ako at nalingon ang blonde professor namin.

"I'm sorry, prof. I-I'll just take a special exam." Pagdadahilan ko.

"There is no special exam for transfers—"

"I'll do whatever it takes, prof, I'm really sorry." Paalam ko at tumakbo na, kinuha ko ang mga gamit ko ay nagbihis na ako sa condo ko rito.

Sobrang lamig dahil 7 degrees ngayon, may snow rin at delikado bumyahe pero kailangan ko ibigay ang regalo ko sa kaniya.

I dressed up well and attended her birthday party, kahit mabilis lang ay alam ko na pagod ako dahil kulang na kulang ang tulog ko.

Hindi ko nga sigurado kung kaya ko magmaneho, kaya kahit sandali na nakasama ko siya ay sinulit ko.

Kahit hindi niya kilala kung sino ako mismo, pagkatapos ibigay ang regalo ko sa kaniya ay hindi na rin ako nagtagal.

Nahihilo rin ako ngayon dahil sa byahe, mahaba-habang byahe.

I'll see you soon, Hakuna Miran.

***

Salubong ang kilay kong tinititigan si Hakuna Miran na ngayon ay kausap ang isang lalake na client niya.

Seriously? Hindi naman sa duda ako sa skills ni Miran pero, andito ako oh?

This man is obviously flirting with my wife, ang kapal ng mukha.

"Hindi ko kasi maintindihan 'to, Architect Lapiz, pwede mo bang—"

"Ako na," inagaw ko ang blueprint.

"Doon ka na, Hakuna." Utos ko sa kaniya dahilan para wala siyang magawa. Kunot noo ko na ipinaliwanag sa lalakeng 'to kung gaano siya ka-tanga.

Very basic, hindi naiintindihan? Duda.

Pagkatapos no'n ay napairap ako at tsaka nilapitan si Miran, "Babe, let's have a rest. Kahit 1 week lang, kasal na natin next week." Nagmamaktol ko na sabi.

Tumaas ang kilay niya, "Laze, everything is settled. The wedding gown, and everything. Para saan pa yung pahinga? Halos ilang buwan ka hindi nagtrabaho." Sermon niya kaya wala akong magawa kundi ngumuso.

"Bakit hindi ka sa akin umuuwi? Asawa naman kita,"  bulong ko.

"Ang lamig tuloy ng mga gabi ko, walang kayakap—"

"Si Bullet!" Gitil niya kaya dismayado akong ngumiwi.

"Talaga Hakuna Miran?" Sumbat ko.

"Magkasama naman na tayo next week, let's just wait okay?" Kumapit siya sa braso ko ng mahigpit kaya bumuntong hininga ako.

"We're still too young,"  umiwas tingin ako sa bulong niya.

"Babe, February 14 yung wedding. I waited for almost 2 months just to marry you officially." Mahina siyang natawa.

"Why are you rushing ba kasi?" She asked, ngumiwi ako.

"I am not," pagtanggi ko pa.

"Tara na, magluluto si mama mamaya. Sa amin ka muna umuwi, hindi ka na ba sad?" Napatitig ako sa kaniya.

"Sa inyo ako matutulog?" Pagbabakasakali ko.

"Depende, kasama mo kaya family mo." Huminga ako ng malalim at dahil doon ay umuwi na kami sa kanila.

Pagkarating ay nakita ko kaagad sila mom and dad pati na si Jami na nakaupo at nakatulala sa kung saan.

Anong problema ng bata na 'to?

Nilapitan ko siya ngunit napalingon siya kaagad sa akin, "Oppa." Nakangusong tawag niya at humalik sa pisngi ko.

"Bakit ganiyan mukha mo?" Kwestyon ko.

"Ha? M-Maganda ba masyado?" My eyes widened to my sister's reply.

"N-No." Nanlaki ang mata niya sa sagot ko, "Oppa naman." Reklamo niya at naupo na muli.

"Jami," nang lumapit si Yuno ay binatukan ko siya kaagad.

"Huwag mo na tangkain pormahan yung kapatid ko, sasakalin kita." Sinamaan niya ako ng tingin at hinimas na lang ang ulo niya na aking binatukan.

"Tangina neto, akala mo 'di masakit." Maktol niya.

"Jami, palahian mo nga yung ibon ko. Ang bobo kasi, buti pa yung parrot mo mga genius." Nanlaki ang mata namin ni Jami sa sinabi ni Yuno.

"A-Anong palahian, bawal 'yon. Kasal na si Archery at Spy." Pinaglalaban ni Jami, nang bumaba si Yamato ay napangiti siya agad nang makita ako.

"Kuya Laze, sup." We made our shoulders bump each other, nakakatuwa talaga 'to.

"How's your study?" Tanong ko.

"Maayos kuya, ako pa ba?" Nang mapansin ko ang pag-iwas tingin ni Jami nang magtama ang mata nila ay nagtaka ako.

Nag-aasaran pa rin ba sila?

"Ikaw Jami, musta pag-aaral?" Natigilan si Jami at napatayo na lang.

"M-Maayos Kuya Laze." Sagot niya.

"Sigurado ka?" Tumango si Jami kaya huminga ako ng malalim.

"Are you struggling?"

"So much, oppa. Lalo na po matatapos na yung freshman years ko." Tumango ako sa sagot niya.

"Yuno, sinasabihan kita. Huwag ang kapatid ko, bata pa oh." Singhal ko.

"Sus, walang bata-bata." Nakagat ko ang ibabang labi at sinamaan siya ng tingin.

"Yamato, sabihan mo 'ko pag may boyfriend 'to ha." Natigilan si Yamato, napatikhim.

"Ako kuya? Bakit ako?" Naguguluhan na tanong niya.

"Ah magka-away ba kayo?" Tanong ko na ikinalaki nila ng mata.

"Hindi lang close kuya," sa sagot ni Yamato ay nagtaka ako, sabi na eh mukhang magka-away 'to ganto sila noong bata sila eh.

[@/n: Idea purposes]

Lumipas ang isang linggo at nasa Palawan kami ngayon, the venue is on a hotel, I mean yung kainan since dito lang talaga yung perfect venue for everything.

And one hour na akong naghihintay kay Miran, lahat kami actually, kanina pa ako nakatayo sa labasan ng simbahan na maliit rito sa Palawan.

Natanaw ko na naman si Jami na tulala kahit na si Yuno, tila ang lalim ng mga iniisip nila. Ngunit napalunok ako ng makita ko si Yamato na kabababa lang ng sasakyan, sobrang gwapong bata.

Nang ngumiti siya sa akin at lumapit ay napangiti rin ako kaagad, "Sup buddy," ngumisi siya sa sinabi ko.

"Really? My brother in law? Ikakasal na kayo." Napanguso pa siya, "Mawawalan na ako ng ate niyan, itatakbo mo eh." Natawa kaming dalawa.

"Ang gwapo natin kuya ah, saan tayo nagmana? Sabi na eh tayo dapat yung magkapatid." Ngumisi ako sa sinabi niya at tsaka ko siya inakbayan.

"Magseselos si Jami, alam mo namang gusto no'n siya lang yung kapatid ko." Pagsasabi ko ng totoo at sumulyap kay Jami.

"Hindi ba kayo bati?" Turo ko kay Jami.

"Ha? Hindi ko alam. W-Wala namang dahilan para hindi kami magbati kuya." Ngumiti pa si Yamato, inakbayan ko siya tsaka kami tumanaw sa mga sasakyan na dumaraan.

Habang nakatanaw ay nagtaka ako ng sandaliang mabalisa si Jami, habang may kausap siya sa cellphone kaya naman nag-aalala akong lumapit.

"Jami, what's wrong?" I asked.

"W-Wala oppa, may tumawag lang sa akin na kaibigan. A-After your wedding oppa, I need to go okay?" Nagtaka ako ngunit mabahiran ako ng pag-aalala sa kaniya.

"Jami, tell me the problem." Seryosong sabi ko, hinawakan ko ang pisngi niya dahil sobra siyang natataranta.

"J-Just— I'll tell you after I fix it, oppa. I promise." Huminga ako ng malalim at tumango.

"Alright, make sure. Jami." Nahihiya siyang tumango kaya inakbayan ko siya habang hinihintay ang maghahatid kay Miran.

Nang magsignal sila na malapit na ay pinapasok na kami lahat sa simbahan, bigla ay malakas na kumabog ang dibdib ko sa kaba.

Shit, this is it right?

Huminga ako ng malalim upang alisin ang kaba, ngunit bakit ang tagal niya papasukin? Baka nilalamok na siya doon.

[@/n: Idea purposes, Laze's wedding suit and Hakuna's wedding gown.]




"Excited ka na ba oppa?" Nalingon ko si Jami na maganda ang ngiti kaya naman tumango ako.

"I am, I am so excited that my knees are about to shake. Fuck—"

"Oppa, ano ba, nasa simbahan tayo." Natakpan ko ang bibig at mahinang napahingi ng kapatawaran.

"Sorry." Bulong ko.

"The best man, and the maid of honor." Nang sabihin 'yon ng coordinator ay napaayos si Yamato at Jami.

Pagkabukas ng malaking pintuan ay tila nasilaw pa kami sa liwanqg na galing sa araw sa kaniyang likuran, nakagat ko ang ibabang labi nang unti-unti ko siyang matanaw.

Ang mahabang buhok niya ay naka-kulot at naka clip ang bawat gilid no'n, nakagat ko ang ibabang labi ko ng mas matanaw ko siya lalo.

Shit..

Her hair was clipped by a golden leaf clip, and our necklace. She's wearing it beautifully. Tangina, magiging asawa ko 'tong babae na 'to ang swerte ko masyado.

Her dad was escorting her, wala pa man ay umiiyak na ang mommy ni Miran, halatang dalang dala siya dahil ikakasal na ang anak niya.

Ang puting gown na suot niya ay sobrang bumagay sa kaniya, ganito ang gusto niyang kasal, yung mga nakagisnan dahil isa 'to sa mga naging pangarap niya.

Namangha ako ng gusto ng makalapit na siya, hindi ko namalayan na sa sobrang saya ko ay naluluha na ang mga mata ko. Nang nasa harapan ko na siya ay nagmano ako sa daddy niya.

"I'll lend her beautiful hand, now, I hope you'll take care of my daughter kahit pa pasaway siya madalas."  Hinawakan ni Tito Alejandro ang kamay ni Miran habang nakapatong 'yon sa kamay ko.

Naluluha siya, "Sana ay huwag mo siyang pabayaan, dahil kung mapikon ka man sa kaniya ay pwede mo siyang ibalik sa akin. Sa akin mo lang siya ibabalik, good luck on your journey." Napangiti ako at tumango.

Nang yakapin ako nito ay tumulo na ng tuluyan ang luha ko, "Thank you po."

"Nawa'y gabayan kayo." Nang umalis na siya ay inalalayan ko si Miran na pumunta sa harapan ng pari.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya, "Oh my gosh." Rinig ko na bulong niya, napangiti ako at dahil doon ay natignan niya ako.

"L-Laze." Naluluhang sabi niya, halatang excited kaya naman gusto ko siyang yakapin ngunit tumikhim kaagad yung pari.

Inggit ba 'to?

"Sisimulan natin ang misa na ito upang gawing magkatipan sa harap ng diyos ang dalawang taong nagmamahalan ng matapat.." Maraming sinabi ang pari at hindi lahat 'yon ay naunawaan ko.

May kalaliman ang tagalog kung kaya't ngingiti-ngiti na lamang ako dahil naguguluhan, sa marami niyang sinabi ay may pinaulit pa siya bago niya kami hinayaang ilapag ang mga vows namin.

"Uhm, Jeremiah Laze Garcia.." Napangiti ako nang magkaharap kami ay tinawag niya ang buong ngalan ko.

"Mamahalin kita, araw-araw. Darating man ang oras na magsarado ang isip ko upang unawain ka, hinding hindi ako lilisan sa tabi mo." Napatitig ako sa kaniya dahil sobrang seryoso niya iyong sinabi.

"Ano mang pagsubok, hinding hindi na kita tatalikuran. May our love and respect be enough to make us stronger. I promise to you, I will be your wife, friend, and your enemy, but I will stay through your ups and downs." I bit my lips and wiped her tears, damn.

"Mananatili kang hangin, na aking kakailanganin habang buhay. Hindi ka man makita, daramdamin kita. I love you Laze."  Napangiti ako sa huling sinabi niya, gusto ko na siyang halikan kung kaya't sumubok ako ngunit tumikhim yung pari.

"Wala pa, hijo. Huwag ka excited," umawang ang labi ko ngunit natawa ang lahat kaya napailing ako at ngumiti na lang.

"Ang ganda mo, babe." Bulong ko.

"Yung vow mo hijo, mamaya na 'yan. Nababanyo na ako." Nanlaki lalo ang mata ko ngunit halos maluha si Miran sa kakatawa.

Epal naman ni father.

"Hakuna Miran Lapiz, hello." Nanlaki ang mata niya at tinitigan ako sa sinabi ko.

"We maybe started at must have been the wind, are we whirlwind lovers?" Ngumiti ako matapos sabihin ang linya ko.

"You came into my heart so fast, so I must say it must have been the wind right? Meeting you changed me a lot, but liking you brought a big impact in my life."  Hinawakan ko ang kamay niya.

Ngunit natigilan ako sa malakas na iyak, nanlaki ang mata kong napatitig kay Crizel na humahagulgol at pinatatahan ni Yuno.

"Mahiya ka naman," bulong ni Yuno ngunit rinig na rinig dahil sa echo ng simbahan.

"Hakuna, I am willing to meet all of your expectations, tell me and I'll comply. I will love you with all of my heart," She smiled, having tears on the edge of her eyes.

"If I'm an octopus and I have three hearts, I will still love you with those three hearts babe. Let's reach our goals together, mamahalin rin kita bawat paghinga ko, hanggang huling hininga ko." Nang sabihin ko 'yon ay hinalikan ko na siya sa noo.

"Mahal na mahal kita," wika ko at mabilis na napahid ang luha ko.

Tangina, nakakabakla.

"Jeremiah Laze Garcia, tinatanggap mo ba bilang iyong katipan si Hakuna Miran Lapiz?" Hingal na hingal yung pari matapos niyang sabihin 'yon.

H-How to say I do in tagalog? Damn..

Napalunok ako, nakakapagod mag-isip. "A-Ako gawa." Mahinang sagot ko at nanlaki ang mata ng pari at si Miran.

"H-Ha?"

"A-Anong ako gawa?" Tanong ng pari.

"Laze, just answer in english." Nauubusang pasensya ni Miran kaya napatikhim ako dahil medyo nagtawanan.

"I-I do." Napapahiyang sagot ko.

Ako gawa naman talaga ang tagalog ng I do ah?

"Hakuna Miran Lapiz, tinatanggap mo ba bilang iyong katipan si Jeremiah Laze Garcia?" Ngumiti si Miran at tumango.

"I do, father." Because of that, we exchanged our rings.

"Ngayon ay inaanunsyo ko ang legal na kasal ni Jeremiah Laze Garcia at Hakuna Miran Lapiz Garcia. Maari mo ng halikan ang iyong katipan habang buhay." Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi ni Miran.

Yumuko ako at inabot ang kaniyang labi, sinadya kong tagalan ang paghalik na 'yon dahil isang araw kaming hindi nagkita ni Miran.

Eh kasal naman na kami bago pa umapak sa simbahan na 'to..

Nang mawili ako ay napaayos na lang ako at tumigil sa kurot ni Hakuna Miran sa braso ko, "Aray." Bulong ko.

"Umayos ka," bulong niya naman.

"Hakuna," nang lumingon siya ay yumakap ako sa kaniya ng mahigpit, napapikit ako habang hinahaplos ang likod ng ulo niya.

"I love you so much, babe." Malambing na bulong ko sa kaniya, yumakap rin ang braso niya.

"I love you more," after sa simbahan ay pinasakay ko na si Miran sa sasakyan dahil kailangan ko hanapin ang kapatid ko.

"I'll be back, babe, I just need to check on Jami." Nakangiting paalam ko at hinalikan ang noo niya.

"Sure."

Hinanap ko si Jami, nang makita ko siya ay natataranta siyang may tinatawagan sa cellphone niya, "Jami. What's your plan?" I asked, so I know how I could help her.

"Oppa, can you call me our chopper? I just needed to head back to the city, urgent oppa." Huminga ako ng malalim at tumango.

"Alone, Jami?" Tumango siya bilang sagot.

"Sige, I hope to see you tonight, alright? Sa party," tumango siya muli sa tanong ko kaya naman tinawagan ko na upang makaalis na siya.

"Thank you oppa."

Bumalik na ako kay Miran at duneretso kami sa sasakyan, balak muna sana namin magpahinga sa hotel dahil napagod kami sa malalaang preparations.

Pagkarating ay nang nasa hallway na ay sinadya ko siyang buhatin nang pang-kasal, "Laze nakakahiya!" Pabulong niyang banta kaya napangiti ako at naglakad pa rin.

I bit my lips when I tapped the card and it gave a sound that the door is opened already, pagkatulak ko sa pinto ay sinarado ko kaagad 'yon.

Nang ideretso ko siya sa kama ay nanlaki ang mata niya, "L-Laze."  Halata man na kinakabahan siya kung kaya't yumuko ako at inabot ang labi niya.

Nang mahalikan ko 'yon ay naalalayan ko kaagad ang kaniyang bewang upang hindi siya tuluyang mapahiga sa kama. Ngunit halos ako ang mapalunok nang alisin niya ang butones ng polo ko ngunit may suot pa akong tuxedo.

Napaalis kaagad ako ng tuxedo at hinayaan siyang alisin ang suot kong polo, hindi kami tumigil sa paghahalikan at lasang lasa ko ang wine na mukhang palihim niyang ininom habang inaayusan pa lamang siya.

How naughty.

Nang maalis ang butones nang polo ko ay inalis ko 'yon nang hindi napuputol ang halikan, tsaka ko siya tuluyang pinahiga. Nang bahagya akong lumayo ay nakita ko ang inaantok niyang titig.

"W-Wala pa sa honeymoon ah," naiilang na sabi niya. Titig na titig sa akin habang pulang pula ang buong mukha, napangisi ako.

"Wala pa babe, bakit mo 'ko hinubaran?" Her eyes widened in shame, "Laze." Nagbabantang tawag niya sa pangalan ko.

"You started this," bulong ko ay muli ko na namang inabot ang kaniyang labi. Napapikit ako nang maramdaman ang palad niya sa dibdib ko, damn this feeling.

"W-Wait—" natigil ako sa muling pagsunggab sa kaniyang labi, napaayos ako ng upo nang tumayo siya at nanlaki ng husto ang mga mata ko nang alisin niya ang tali sa likod ng wedding gown niya.

"Help me kaya?" Reklamo niya kaya nakagat ko ang ibabang labi.

She's driving me crazy.

I helped her untie her gown, nang mag-loose 'yon ay ibinaba niya sa braso kung kaya't napaiwas tingin ako dahil nagbigay 'yon kaba sa akin.

Mabuti na lang kailangan magpalit for venue. Kagat ko ang labi nang makita ko ang likuran niya, "Laze. Help me," napatayo ako at tinulungan siyang ibaba 'yon.

Nang makita ko ang likod niya ay mabuti na lang may tube pa siya na suot at dobleng fitted short, bago pa man siya humarap ay yumakap na ako mula sa likod niya.

"Babe.."

"Hmm?" Tugon niya.

Dinampian ko ng halik ang kaniyang balikat, maraming beses, I was only wearing a black slacks and a belt to pair my groom tuxedo a while ago.

I was topless, nang iharap ko siya sa akin ay nagtama ang mata namin at hindi ko mapigilang hindi ngumiti, "Babe, I want your lips on mine." Nahihiya man ay nagawa niyang sabihin kaya mas lalo akong napangiti at tsaka ko siya hinapit.

Muli ko na namang hinalikan ang labi niya, ngunit hindi ko magawang magsawa, napaupo ako sa kama nang mawala sa balanse ngunit pinanatili ko ang labi naming magkadikit.

Dahil ako ang nahihirapan ay paharap ko siyang iniupo sa kandungan ko at tuluyang hinalikan, I stopped myself from groaning when she fixed on how she sit on my lap.

Hinapit ko ang bewang niya at mas hinalikan siya, bigla ay napansin ko na natututo siyang humalik, yumakap ang kaniyang braso sa batok ko at mas inilalapit ako sa kaniya.

Nang mapagod ay sandali kaming tumigil at tinitigan ang isa't isa, "W-Why are you not doing anything?" Pulang pula ang mukha niya sa naging tanong.

Nakagat ko ang ibabang labi, "Should I invade your privacy then?" Pabulong na tanong ko, nahihiya siyang umiwas tingin.

"Can you?" Sa sagot niya ay mas lalo akong kinabahan, tangina.

Tangina, anong gagawin ko? Nahihiya ako.

Pwede bang lasingin niyo muna ako? Nawawalan ako ng lakas ng loob sa sobrang laki ng respeto ko sa kaniya kahit na asawa ko na siya ay hindi ko magawang hawakan ang ibang parte ng kaniyang katawan.

Dahil hindi ako makasagot ay hinalikan ko na lamang siya, hayok na hayok kami sa halik ng isa't isa hanggang sa buhatin ko na siya at ipahiga sa kama.

Hindi niya na yata napansin, nang masabunutan niya ng kaunti ang buhok ko ay gusto kong magmura dahil sa kaba, as I was about to touch her, a knock on the door interrupted us.

"Shit." Bulong ko at napaayos kaagad.

Napakumot naman kaagad si Hakuna Miran, nag-iinit ang mga pisnging umiwas tingin. "Wait, babe." Paalam ko at kinuha ang polo ko at isa-isa na isinarado 'yon.

"Who's there?" I asked, loudly.

"Laze, anak. Kailangan na kayo sa reception in 5 minutes, mauna na kami sa baba." Narinig ko si dad ay huminga ako ng malalim.

"Yes dad, we'll follow." Tugon ko, nang umalis sila ay binalikan ko si Miran, napangiti ako.

"Kailangan tayo sa reception, babe." Tumango siya at nahihiyang bumangon dala-dala ang kumot at hinila ang paper bag na kaniyang ipapalit.

Nang makaayos siya ay nagbihis na lang rin ako sa labas ng banyo, pagkabihis ko ay napaupo ako sa sofa at nasapo ang sariling mukha sa pagkabitin.

Kay saklap..



///

@/n: Our last chapter, kindly wait for our epilogue! Thank you so much for supporting this story until the very end, Love lots!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top