Chapter 81
Chapter 81:
Hakuna Miran's Point of View.
Their operation of catching Terry's mom has begun silently, Terry was kind of part of the plan and I'm the main target of Terry's mom.
Laze was just around and after the first try we ended up with nothing, no progress at all. That's why I'm stuck here in my home with them.
"Miran, anak, sunduin mo si Jami sa gate maya-maya at pupunta raw siya rito on the behalf of her parents." Natigilan ako sa sinabi ni mama, nagtama ang mata namin ni Laze na nakatayo lang ng deretso.
"Sige po mama," wika ko.
Kalaunan after tanghalian namin ay hinintay ko na si Jami, sa mismong gate habang bantay si Laze sa gilid. Nakapamulsa sa kaniyang suot na slacks.
"May boyfriend ba si Jami?" Pabulong na tanong ko, napatitig sa akin si Laze at umiling. "She's just 18," sagot ni Laze.
"I was 18 when you liked me?" Taas kilay ko pang sabi.
"S-She's not allowed to have a boyfriend, she's still a baby," napaiwas tingin si Laze sa sinabi. Napigilan ko ang pag-ngisi ng labi at tsaka siya tinitigan.
"Being protective?"
"N-No, I just don't trust a man that is not me or dad." Naningkit ang mata ko, "You don't trust my brother?" I asked.
"Well— Yamato is a nice man, I mean a kind man and maybe a man of his words." Naiilang na explain niya, siguro ay iniingatan niya ang mga sasabihin at gagamitin na words dahil sa kapatid ko si Yamato.
"Are they on good terms ba pero?"
"What do I know, Hakuna." Pabulong niyang sagot.
"Ikaw wala kang kwenta humagilap ng chismis, doon ka na nga." Inis na bulong ko, bahagyang humaba ang nguso niya at pasimpleng umirap ngunit napangiti ako dahil ang gwapo niya umirap.
Nang makarating si Jami ay halos mapatingin ako sa loob ng bahay ng marinig ang malakas na pag-kanta ni Yamato kaya natawa ako, okay lang maganda naman ang boses niya hindi tulad ko.
Parehas kasi sila ni daddy na magaling kumanta, isama na nila si Ate Janella ngunit hindi ako ganoon pinala sa pagkanta. Ampon nga yata talaga ako, o ayoko lang sabihin na hindi magaling kumanta si mama at sa kaniya ako nagmana.
"Good afternoon po," humalik si Jami sa pisngi ko kaya ngumiti ako.
"Ang tangkad mo na," napanguso ako sa sinabi ko sa kaniya dahilan para mangiti siya.
"Your height is tall naman na po ate, he's just taller." Turo ni Jami sa kuya niya, ngumisi ako.
"Tall na ba ang 5'4?" Pabulong na sabi ko.
"What's your height ba Jami?" I asked, natigilan siya at siniko ang kuya niya. Maybe she's not aware of her own height or it's just that his kuya knows better.
"5'6." Pabulong na sabi ni Laze.
Matangkad na kaya 'yon for girls, "My mom is 5'8 or 5'9 po ate," magalang na sabi ni Jami at matamis na ngumiti, dahil doon ay napalunok ako at napa-ayos ng buhok.
Ngunit natigilan kaming muli tatlo sa malakas na pag-kanta ni Yamato, "What a great voice," nalingon ko si Jami sa binulong niya.
"Didn't know Kuya Jeremy is a great singer," natigilan ako muli sa sinabi niya. Hindi pa ba niya naririnig kumanta si Yamato?
Yamato is a little bit talented, parehas sila ni Ate Janella but I suck at it, I don't sing, I don't play instruments, what in the world.
Pagkapasok namin sa bahay ay pinigilan kong matawa ng makita si Yamato na wala pang suot pang-itaas habang kumakanta at nakatalikod sa gawi namin.
Pinaglalaruan ang ukulele na nakuha niya bilang regalo sa akin, kinakanta niya yung Tonight by FM Static. Ang ganda rin talaga ng boses niya, ngunit natigilan ako dahil sininok si Jami.
Natakpan niya ang bibig, "Ang galing kumanta 'no, hija?" Natigilan si Jami nang kausapin siya ni mama, napatigil si Yamato at halos mamutla siya ng makita si Jami.
"Ah shit," bulong niya at nagmamadaling umakyat sa kwarto niya yakap yakap ang ukelele dahil wala nga siyang damit pang-itaas.
Napangiti ako, hindi niya pala alam na may bisita. Ang hilig kasi niyang mag-topless lalo na pag maliligo pa lang, natignan ko si Jami na sinisinok pa rin. "Kuhanan kita water," I suggested.
After getting her a water, hindi pa rin bumababa si Yamato. Pinaupo muna namin si Jami ngunit napatingin kami sa pinto ng may maliliit na katok na parang tinutuka yung pinto.
"Oh it's Archery." Sa sinabi ni Jami ay binuksan ni Laze ang pinto ngunit natigilan kami ng makita si Bullet at ang isang parrot.
Napalunok ako dahil nag-amok kaagad si Bullet at tumabi kay Laze na sana ay hindi nila mapansin, "You took him here?" Nabilib ang lahat ng tumugon ang parrot ni Jami na nagngangalang Archery.
"I did, I did." Napapikit si Jami at kung pwede niya lang sigurong batukan ang parrot ay ginawa niya na ngunit ang sinabi niya lang ay, "Bad girl."
"Archery is not bad, Archery is good." Pinaglalaban pa ng parrot kaya bumuntong hininga si Jami, "Shut up." Bulong niya rito.
"Zip.." The parrot even mimicked the sound of a closing zipper, what a clever one.
Bumaba si Yamato ay maayos na ang damit niya at basa ang buhok, mukhang naligo na, dumeretso lang siya sa kusina at parang walang nakita. "Ma, yung wallet ko nakita mo po?" Napansin ko naman na nasa center table ang wallet niya.
Inabot ko ang wallet ni Yamato at binuksan 'yon, ngunit empty ang lagayan ng picture doon at tanging pera at cards lang ang meron siya.
"Nandito Yamato!" Malakas na tawag ko sa kaniya, nalingon niya ako.
"Hindi scam?" Kalmadong tanong niya, napahawak si Yamato sa likod ng ulo niya at nasulyapan kung nagsasabi ako ng totoo.
"Nandito nga," sagot ko.
"Maya na lang," tugon niya at bumalik sa kusina.
"Yamato~" Napatingin kami sa parrot ni Jami na si Archery nang sabihin nito ang pangalan ni Yamato, napalingon si Yamato at lumabas ng kusina.
"Sino 'yon?" Ngumiwi siyang nagtanong.
"I'm sorry, I-It's my parrot." Nahihiyang sagot ni Jami at tumayo tapos ay bahagyang yumuko, ganoon pala talaga humingi ng paumanhin ang mga taga korea.
"Ah.." Naiilang na sagot ni Yamato, "Why did you call me then?" Yamato stated, staring at the parrot.
Not until the parrot flies and landed on Yamato's shoulder, nagulat pa nga si Yamato ngunit wala siyang nagawa. "Archery." Naninitang tawag ni Jami sa alaga.
"I'm really sorry for her behavior." Nahihiyang sabi na ni Jami, pulang pula ang mukha kaya ngumiti ako.
"No worries, okay lang naman kay Yamato. 'Di ba?" Pinanlakihan ko ng mata si Yamato na napangiwi at tumango.
"What do you need?" Sumbat ni Yamato sa parrot.
"Handsome, handsome," napaiwas si Yamato at tinakpan ang tenga niya ng pasimpleng tukain ang hikaw niyang itim kaya napangiti ako.
"Archery that's enough," nahihiyang tumayo si Jami at lumapit sa gawi ni Yamato, napailing na lang ako.
"Handsome!" Pagsabi pa muli ng parrot at ayaw tigilan si Yamato ngunit dahil kinuha na ni Jami ang alaga niya sa mismong balikat ay napangiti ako ng pasimpleng sermonan ni Jami ang alaga.
"You really are a bad girl, Archery." Her parrot tried murmuring something but Jami tapped her parrot's head lightly.
"Good afternoon, I got us some cake and pork belly— anak ng parrot— nandito ka pala." Natigilan si Yuno nang makita si Jami, ngumiti naman si Jami kaagad.
"Annyeong?" Bati ni Jami, kinuha ko kaagad yung cake tapos ay binuksan sa center table.
"Hindi ka man lang nagsabi," pailing na sabi ni Yuno.
"Yamato kuha ka ng plates dali!" Utos ko, ngumiwi siya kaagad at bumalik sa kusina. Lumabas siyang may dalang dessert spoon, plates and a cake knife.
Tila labag pa sa loob niyang maupo sa single sofa sa kung saan kaharap niya si Yuno, "Buti nagawa mong iwan ng maayos yung construction sa hotel na ginagawa niyo?" Kwestyon sa akin ni Yuno.
"Yung naiwan ni Laze na plano ang ginawa ko," pagsagot ko.
"Nandoon si Crizel ngayon?" Tumango ako bilang sagot, "Si Jem asan?" Nagkibit balikat ako at sinulyapan si Ate Janella na kagigising.
"Good morni— may bwisita." Bulong ni Ate Janella.
"Masyado ka na Nella." Nadidismaya at nasasaktan kuno na sabi ni Yuno kay Ate Janella, naupo si Ate Janella sa tabi ni Jami.
"Kain ka Jami," natakpan niya pa ang bibig sa paghikab.
"Paano na pala 'yan, mag-aasawa ka pa ba?" Natignan ko si Kuya Yuno sa tanong niya sa akin, "Bakit hindi?" Iritableng sagot ko.
Natignan ko si Laze na nakatayo, prente. "Alam naman nating lahat kung gaano mo kamahal si Laze, magagawa mo pa ba magmahal ng iba?" Tinaliman ko ang tingin kay Yuno.
"Edi siya pa rin papakasalan ko," napangiwi sila.
"Hindi naman pwedeng nakukulong ka sa nakaraan niyo," mahinahon na sabi ni Ate Janella.
"Mahirap 'yan, Miran." Dagdag ni Yuno, ngumiwi ako.
"Okay lang ako, huwag niyo ng pag-usapan." Suhestyon ko at tsaka ko nilingon si Laze na seryoso, natignan ko naman si Jami na kumakain na ng cake.
"Kumusta studies Yamato?" Biglang tanong ni Ate Janella, napatigil sa pag-subo si Yamato, napasulyap pa kay Jami at sa akin.
"O-Okay naman ate," wika niya.
"Kumusta nga? How's your grades? Is it good?" Naglapat ang labi ni Yamato, "I'm still getting back on it, to be honest it was hard." Seryosong sagot niya.
"I got distracted," wika niya pa.
"Do you have failing grades?" Sa pagtango ni Yamato ay umawang ng bahagya ang labi ko, I didn't know what happened.
"What really happened ba Yamato?" Tanong ko, sumeryoso rin ang mukha ko, wala akong balita kung bakit ganoon ang grades niya.
"Nothing, I just got distracted." Pabulong niyang sagot, halatang nawalan ng gana at kumain na lang.
"Pwede mo pa naman yata i-habol sa summer class?" Kwestyon ni Yuno.
"No need for summer class, I can do it this semester," sarkastiko niyang sagot at umiwas tingin. Nakakapagtaka na hindi niya man lang kinakausap o tinatawag na kuya si Yuno hindi tulad noon.
Halos hindi sila mapaghiwalay at laging magkakampi, ngunit ngayon ay pansin ko na medyo distant sila sa isa't isa. Matapos kumain ng cake ay nagdala ako ng isang slice no'n.
"I'll go upstairs," I stated and left the sala.
Nang umakyat ay sumunod si Laze kaagad, pagkapasok namin sa kwarto ay ibinigay ko sa kaniya ang cake. "Kain ka na, pakabusog ka." Naupo siya sa dulo ng bed at sinunod ako.
"I want to live normally, new year is coming. You think I could be back before the new year?" Naupo ako sa tabi niya at iniyakap ang kamay ko sa braso niya.
"I will be here with you, whatever happens. We'll be happy," napatitig siya sa akin at ngumiti.
Inakbayan niya ako at bahagyang hinapit para mahalikan sa gilid ng sintido ko. Parang kailan lang talaga ng panay ako iwas sa kaniya pero ngayon parang nakakahiya na ako na ang dikit ng dikit.
Nang may kumatok ay nanlaki ang mata ko ng biglang bukas 'yon, nagulat si Yamato. Ngunit bago pa man siya magsalita ay mabilis na may tumulak sa kaniya papasok sa kwarto namin at sinarado ni Jami ang pinto.
"Don't say a word," naitikom ni Yamato ang bibig kahit gaano siya kagulat
"W-What's the meaning of this?" Gulat na gulat niyang sabi, dahil doon ay ngumuso si Jami at lumapit sa kuya niya, natigilan kami nang hampasin niya ang kuya niya sa braso.
"Hindi ka nag-iingat oppa," inis niyang sabi.
"If mom or dad found out that you got caught, we'll be dead." Ngumiti si Laze, inalis niya ang maskara ay bahagyang napaatras si Yamato.
"Calm down, I'll explain Yamato." Lumapit ako sa kaniya, "It's a mission. Para mahuli na yung mommy ni Terry." Natigilan siya hindi ako makapaniwalang tinignan.
"Huwag ka madudulas sa kahit na kanino, pag nalaman baka kumalat." Bumuntong hininga si Yamato sa sinabi ko, "It made me sad, for real." Napaupo siya sa swivel chair ko na kaniyang hinila para upuan.
"I'm sorry if I did, but that's the only way to protect your sister." Natulala si Yamato sa kung saan, ngunit natigilan kaming lahat ng tumayo siya at halos mapangiti ako ng pa-yabang niya pang yakapin si Laze.
Tinapik tapik niya sa likod si Laze, "I'm glad you're alive kuya, akala ko habang buhay ng malulungkot yung ate ko dahil sa'yo." Humiwalay siya at ngumiti.
"How about you? When do you plan to have a girlfriend?" Nanlaki ang mata ni Yamato, ngumiwi siya kaagad at tsaka tumayo ng deretso. Anong inaamok amok nito?
"Naloko na ako, paano pa ako magmamahal?" Natigilan ako sa sinabi ni Yamato.
"Naloko ka?! Nino?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"My first girlfriend?" Patanong niyang sabi, nasulyapan ko si Jami.
"Hindi si Jami?" Pabulong na sabi ko, nanlaki ang mata niya. "Ha? Okay ka lang ate?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"F-Friends kami ate," nalingon ko si Jami sa kaniyang sinabi.
"Crush niyo naman isa't isa ah?" Pabulong na sabi ko nalingon si Laze na pailing iling parang gusto ng awatin ang bibig ko.
"Ate," sita ni Yamato.
"Si Jami na lang kasi," turo ko pa. Nangunot ang noo ni Yamato, sinuri si Jami.
Tapos ay bigla niya akong tinignan kaya nagulat ako, "Si Jami na lang?" Umaasang sabi ko.
"Ate, tama mo na 'yan." Umiling iling si Yamato at sinulyapan ulit si Jami, napansin ko naman na nailang si Jami kaya ngumuso ako.
"Labas na," utos ni Laze at tinaboy ang dalawa.
"Sinisira niyo bonding namin, labas." Nang makalabas ang dalawa ay ni-lock ni Laze ang pinto kaya napatitig ako sa kaniya.
"Let's take a nap," anyaya niya at tumalon sa kama. Umunat pa siya. Tumabi ako sa kaniya at kinapalan ang mukha kaya yumakap ako.
Makalipas ang isang araw ay nagising ako isang madaling araw, dahil sa tunog ng kalampag mula sa ibaba. Ngunit nagising ako ay wala na si Laze sa tabi ko.
Kinabahan ako at nagmamadaling tumayo ngunit nanlaki ang mata ko ng tutukan ni Jami ang leeg ng mommy ni Terry gamit ang dulo ng arrow ng isang bow. Sobrang talim no'n.
"Go ahead and make a fuss," Natignan ko si Laze na hawak ang baril at nakatutok sa mismong noo nito. Nang makita ako ni Laze ay inalis niya ang maskara at dahil doon ay nagulat ang mommy ni Terry.
"N-Napatay na kita!" Gulat na sabi nito.
"You think I'll die that easily?" Dahil doon ay nagising ang iba naming kasama, agarang naalerto si Yamato at tsaka niya kinuha ang pang-tali.
After matali yung kamay no'n ay hindi ko alam kung maiiyak ako ngunit nakahinga ako ng maluwag, may mga police na dumating at hinuli ito. Sumunod ang ibang guards at agaran naman akong niyakap ni Laze dahilan para maiyak ako.
"Oh my god what is this?" Hindi makapaniwalang sabi ng family ko.
"Buhay ka hijo," hinawakan ni mama ang mukha ni Laze at maluha luha rin silang lahat.
Natigilan ako ng hawakan ni Laze ang kamay ko, sa harapan ng magulang ko. "Mr and Mrs.Lapiz, Miran and I got married without your permission. I'll ask if I could marry her with your permission?" Tumikhim si Laze dahilan para mas maluha ako dahil naiiyak si mama.
"May I marry your Hakuna Miran?" Natigilan ako ng tumango si mama at yumakap kay Laze.
"Napakabuti mong bata noon pa man hijo, isa ka sa mga dahilan kung bakit humihinga at maayos pa ang puso ko." Napahid ko ang mga mata, hindi ko kinakaya ang saya ganoon sobrang suporta ang pamilya ko.
"S-She's just 22 years old, k-kaya niyo na ba ang buhay mag-asawa?" Hindi makapaniwalang sabi ni dad, naluluha rin.
"Kasal na nga sila," sita ni mama kaya mahina akong natawa.
"I respect your daughter Mr.Lapiz, I just want to legalize marriage so she'll experience one of the best memories she could keep." Napangiti ako at tinitigan si dad, huminga ng malalim si dad na para bang wala na siyang magagawa.
"Alright, go and be a family." Nagkamayan sila at napangiti ako nang magyakap na rin.
Pagkatapos ng maliit na diskusyon ay napili ng lahat na bumalik sa pagtulog, Laze wore something comfortable and lay down with me.
Pinaunan niya ako sa dibdib niya, naririnig ko ang malakakas na pagtibok ng puso niya ngunit ang mga titig niya sa akin ay pakiramdam ko kaya akong palutangin sa imahinasyon niya.
"Babe, let me ask you something." Nagtaka ako sa panimula niya, sa totoo lang ay inaantok na ako ng sobra.
"A-Ano?"
"When do you want to have a child?" Napalunok ako sa tanong niya, "I-If we're married. Both of us need to decide r-right?" Kinakabahan kong sagot.
Mahina siyang natawa, "You decide babe, it's your body. My only contribution is to take care of you because you'll be my wife." Sa malambing niyang sinabi ay hindi ko maiwasang hindi kiligin.
"I have questions in mind pala, Laze—"
"Babe," napapikt ako ng marahan niyang halikan ang labi ko. Ang paghiga ko sa dibdib niya ay nagbago, ihiniga niya ang ulo ko sa unan at siya ang bahagyang nag-adjust.
Humigpit ang kapit ko sa suot niyang damit, panay ang paglunok ko nang kunin niya ang kamay ko na 'yon at napapikit ako ng mariin ng bahagyang umawang ang bibig ko sa pagsunggab niya.
Paulit ulit niya lamang 'yong ginawa at nang tumigil siya ay hinahapo na ako, hinahabol ang paghinga. Nagtama ang mata namin ay napangiti siya at sumandal sa unan niya.
Para kaming napagod na na-energize, niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "It took me a while to make you mine, but at least you ended up with me." Tumulala siya sa kisame, ngunit papikit pikit na akong tinitigan ang mukha niya.
"It took me a lot of energy, and effort, but I didn't regret it. Because in the end I got you and you're always worth my effort." Bahagya ko siyang tiningala at nginitian.
"I'm sleepy," pabulong na sabi ko.
"Hmm? Sleep babe. You can now rest in my arms." His voice sounded so calm, it made me shiver but his hugs were warm.
"You're also worth the pain, Laze. You were always worth it, I love you." Antok na antok kong sabi at iniyakap ang mga braso ko sa kaniya,
"I love you more, babe. I'll love you more," bulong niya at muling hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Tuluyan ng pumikit ang nga mata ko, pero ngayon ay sa mga bisig niya na ako nakakatulog at nagpapahinga.
///
@/n: Few chapters left! Thank you for your support!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top