Chapter 80

Chapter 80:

Hakuna Miran's Point of View.

Christmas morning, I chose to leave their house as I needed to meet my parents and friends since today is Christmas, for sure nag-aalala sila sa akin.

"I wanted to drop you off," mahinang sabi ni Laze. Pinaiikot ikot ang susi sa kaniyang daliri habang nakaupo at nakapatong ang siko sa dalawang tuhod.

"No, anak." A gentle tap on Laze's shoulder and he sighed to his mom, nakagat ko ang ibabang labi.

"Your dad will drop her off, with Jami." Nilingon ng mommy niya si Jami na tahimik na nakaupo tila nagulat sa pagkarinig niya sa pangalan niya.

"Tara na ba?" Tanong ng daddy ni Laze.

"Kayo po ba, 9am pa lang naman po." Sandaling natigilan yung daddy ni Laze at nasulyapan ang kamay ko sa kung saan nandoon sa ring finger ko yung sing sing.

"Hmm, is that a wedding ring or an engagement?" Natigilan yung yung mommy ni Laze at si Jami.

Napatayo si Jami at sumulyap, "Maybe a wedding ring? They're married after all." Hula ng mommy ni Laze.

"Engagement dad," sagot ni Laze.

"Our marriage is legal but I want to marry her in front of her family soon," Laze explains.

"Okay, that's great. There is no objection right?" Siniko ng mommy ni Laze ang daddy ni Laze kaya naman napangiti ako.

"Why would I object, malaki na sila." Sagot ng daddy ni Laze.

"Tara na, I'm sure your parents are worried." Tumango ako at sumunod, nauna naman silang lumabas at bago pa man ay hinawakan ni Laze ang kamay ko bago pa ako maglakad.

"Oh?" Gulat na tugon ko.

"Goodbye kiss?" Turo niya sa pisngi.

"Let's chat with each other on instagram. If they asked, tell them you knew my password." Paalala niya kaya tumango ako, bahagya siyang yumuko upang makahalik ako sa pisngi niya.

Nang tumingkayad na ako at hahalik sa pisngi niya ay kaunti na lang dadampi na sana ngunit agaran siyang lumingon at umayos ng tayo, nagulat ako dahil labi namin ang nagdampi.

Ngumiti siya at isinenyas na ang daan papalabas, "Ingat. I'll always be around you. If you're outside," ngumiti ako ay tumango.

"Babye.." Patalikod akong naglakad at kumaway sa kaniya.

Natigilan siya at ginaya ang pagkaway ko, nang makalabas ay sumakay na ako sa sasakyan nila. Nang maihatid ako sa harap ng bahay namin ay natigilan ako ng abutan ako ni Jami ng paper bag.

"Ano 'to?" Nakangiting tanong ko.

"Cellphone po, pinabibigay ni kuya." Bakit hindi pa si Laze ang nagbigay? Ngumiti ako.

"Salamat," nakangiting sabi ko.

"Ingat ate," paalam niya.

"Pasok po muna kayo," anyaya ko. Natigilan yung daddy nila tsaka tumango, "Let's meet your parents then, tara 'nak." Anyaya nito kaya napangiti ako at hinintay sila na sabayan ako.

Pagkapasok namin sa bahay ay napatayo si mama at bumati sa kanila, sakto namang kagagaling ni Yamato sa itaas. "Nakauwi ka na pala ate," mahinang sabi ni Yamato.

"Magandang umaga po." Bati ni Yamato.

"Magandang umaga rin, binata na pala ang bunso." Nakangiting sabi ng daddy ni Laze, matipid lang na ngumiti si Yamato at tsaka sila pinaupo sa sala namin.

"Maupo ka muna Miran," habilin ni mama kaya naupo rin ako.

"Kumusta naman? Wala bang bumabagabag sa inyo?" Naupo si dad sa hindi kalayuan sa kanila.

"Ayon nga, nang gabi lang may nagmamasid na nakamotor sa labasan namin. Kaya nag-alala ako rito buti kasama niyo si Miran." Nahihiya kong pinaghawak ang kamay.

"Tulad niyo ay hindi naman kami bihasang ipagtanggol ang mga sarili namin, kaya kahit ang mga bata na lamang ang huwag mapahamak." Ngumiti ang daddy ni Laze.

"I will deploy guards, but please don't question their identity and let them wear something to cover their identities." Nang magkatinginan kami ng daddy ni Laze ay bahagyang nahulaan ko ang plano niya.

"Salamat Luke," wika ni dad.

"Ako lang 'to," halos makurot ni mama si dad ng kumindat ang daddy ni Laze dahilan para madismaya si dad.

"Salamat talaga Luke," kinamayan pa ni dad ang daddy ni Laze.

"Man, we're in laws." Nakangiting sabi ng daddy ni Laze, nag-usap pa sila kaunti hanggang sa tumayo na si Jami.

"Daddy, pahangin lang po ako." Maayos na paalam niya kaya nasulyapan ko si Yamato na seryoso lang ang mukha.

Pagkatapos nila mag-usap ay umalis na rin sila Jami at ang daddy niya, kaya naman natigilan ako nang abutan ako nila mama ng regalo.

"Pauwi na ang ate mo at si Jem, susunod rin si Yuno at Crizel." Tumango ako kay mama.

"Okay ka na ba ate?" Natignan ko si Yamato.

"Wala naman akong magagawa Yamato," bulong na sabi ko.

"Ang bilis talaga, hindi ako makapaniwala." Nanlulumo niya rin na bulong, "Nalulungkot ako." Dagdag niya at tumingala sa kisame.

Buhay si Laze, hintayin mo lang yung pagkakataon.

Kalaunan ay dumating sila at inabot nila ang gifts nila sa akin, huminga ako ng malalim at tsaka ngumiti. "Salamat, Merry Christmas."

"Ma! May parcel raw!" Nalingon namin si Yamato at alam ko na 'yan yung mga regalo ko sa kanila.

"Oh galing kay Ate Miran," sambit ni Yamato matapos pumirma at binuhat lahat ng parcel papalapit sa amin.

"Ano 'to mare?" Tanong ni Crizel.

"Gift?" Sambit ko.

"Ay gaga salamat," ngumiti ako at sabay sabay naming binuksan ang mga regalo, pagkatapos no'n ay natigilan ako ng may mga nakapulos itim na kumatok sa pinto namin.

"Ayan na yata yung mga guards dad," hula ni Yamato. May suot silang mga half face mask, labi lamang ang kita.

Hinanap ng mata ko kaagad si Laze at nang mamataan ko siya ay pinigilan kong mangiti lalo na nang magtama ang mata namin.

"Dalawa sa loob ng bahay, lima sa labas." Utos ng isang guard sa mga kasama.

Nang sa loob si Laze ay natuwa ako ng bahagya, "Kung lalabas kayo, obligado ho kayong samahan." Mukhang mabilis silang naunawaan ng buong pamilya ko.

"Pag matutulog po ay kahit sa labas lang ng pinto o hagdan." Hindi na ako nakinig at umakyat na sa kwarto ko upang i-chat siya.

=Jeremiah Laze Sandoval Garcia=

@jl.garcia: Typing huh?

@hakuna.miran: Excited ka naman. Syempre nag-iisip ng sasabihin sa'yo. Sama ka mamaya?

@jl.garcia: Hmm, where?

@hakuna.miran: Sa puso mo, charot.

@jl.garcia: Let's go then, I'll give you a tour. ;)

@hakuna.miran: Hoy ano yung pakindat, babantayan mo ba ako sa labas ng room ko? Do you want to come in?

@jl.garcia: Is that a trick? Should I decline in order to pass?

@hakuna.miran: Anong trick trick, inaaya kita kung gusto mo sumama sa kwarto ko. Ano nga?

@jl.garcia: We'll see, babe.

Napalunok ako sa pagtawag niya ng babe, nasapo ko ang mukha at napatili ng pasikreto.

Hindi ko na siya ni-replyan tsaka ako pasimpleng lumabas ng kwarto pero halos mapaayos ako ng tayo ng nakatayo na siya sa gilid ng pinto ko.

Magsasalita na sana ako pero kalalabas lang ni Yamato sa kwarto niya sa kabilang dulo, kinawayan niya kaagad ako. "Gusto mo ice cream ate?" Anyaya ni Yamato.

"Bibili ka ba?" Tanong ko.

"Oo ate, bakit?" Balik tanong niya.

"Ako na, papasama ako sa guard." Turo ko sa nakatayo sa pinto, "May car ka 'di ba?" Matipid na tango lang ang isinagot ni Laze.

"Sure ka ate?" Tumango naman ako.

Naglakad kami ni Laze na nasa likuran ko lang siya, nang makarating sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya pa ako kaya naman napangiti ako at sumakay.

Pagkasakay niya ay halos makagat ko lalo ang ibabang labi noong abutin niya ang kamay ko sa mismong kandungan ko, pinaghawak niya 'yon at isang kamay siyang nagmaneho.

Nang paliko ay namangha ako dahil isang kamay lamang ang nasa manibela niya ngunit nagawa niyang iikot ang steering wheel ng sasakyan at hindi lang successful pa.

"Anong una mong gagawin—"

"Ask questions later, babe. Someone's following us," ngumisi ang labi niya kaya naman nanlaki ang mata ko.

Nalingon ko ang likuran at may isang naka-motorsiklo ang nakabuntot sa likuran namin, "We can't do a scene, it's still early." Pagsasabi ni Laze, humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"C-Can you drive while holding my hand?" Kinakabahan na sabi ko, nasulyapan niya ako at tsaka siya napangisi.

Nanlaki ang mata ko ng bilisan niya ang pagmamaneho, "You can trust my driving skills." He mouthed and glanced at the side mirror.

Nang matigil kami sa maraming tao ay pinagbuksan niya ako ng pinto, pagkababa namin ay pumasok ako sa bilihan ng ice cream.

"Careful," bulong niya at tsaka pasimpleng humiwalay sa akin.

Kumuha ako ng maliit na shopping basket at tsaka ako namili ng ice creams, nalingon ko naman si Laze na tahimik lang na nagmamasid sa buong paligid.

Pagkakuha ko ng ice creams ay nag-bayad na ako sa counter, pagkatapos ay inilagay 'yon sa ice box sa dami ng binili ko. Binuhat 'yon ni Laze at tsaka kami lumabas.

Habang naglalakad ay nanlaki ang mata ko ng may maramdaman akong malamig na tumagos sa damit ko, ganoon katalas. Napansin ko na hindi tumigil sa paglalakad si Laze, hanggang sa makita ko siyang bumalik dala ang dalawang magkapatong na 1.5kg of ice cream.

Nagtama ang mata namin, nang ngumiti ang labi niya ay huminga ako ng malalim. "Huwag kang papalag," hindi ko malingon ang lalakeng gumawa sa akin nito.

"Sumama ka sa akin ng tahimik— argh! Gago ka ah!" Dahil doon ay napalayo sa akin yung lalake, natitigan ko si Laze na binendahan yung kamao niya.

"Sinong gago?" Nangunot ang noo ko ng ituro ni Laze ang ice cream.

"Ikaw 'tong paharang harang, paano mo papalitan yung mga natapon na ice cream? I-dedeliver ko 'yan." Nagtaka yung lalake, bahagya akong umatras sa gawi ng lalake.

"Anong natapon! Ikaw 'tong bumunggo sa akin!" Sigaw ng lalake na naitago ang kutsilyo niya.

"Bayaran mo 'yan, delivery man lang ako." Nakagat ko ang ibabang labi ko at tsaka nasulyapan yung lalake.

"K-Kuya hinohold up ako niyan!" Turo ko.

"Huliin niyo!" Sigaw ko pa, dahil doon ay naalerto ang mga tao at pinagtulungan ang lalake na 'yon, mabilis naman na kinuha ni Laze ang kamay ko at hinila paalis doon.

Sumiksik kami sa maraming tao papunta sa sasakyan namin, at nang makasakay ay nasapo ko ang dibdib sa kaba. "You good?" Napangiti na lang ako at tsaka natawa.

"Hmm, okay lang."

"Masaya ka?" Sa sarkastikong tanong niya ay napairap ako.

"Ang gago mo 'no—" nanlaki ang mata ko noong lumapat ang labi niya sa labi ko, mabilisan.

"G-Gago—" naputol muli ang mura ko sa gulat noong halikan niya na ang labi ko ng mahigit ilang segundo.

"Laze!" Napalo ko siya sa dibdib, napangiti siya at tsaka sinindi na ang sasakyan niya.

"Don't say bad words, I'll kiss you in exchange."  He said in a low tone, wearing the same smirk.

"Are your clothes ripped?" Dahil doon ay nalingon ko ang tagiliran.

"Slight?" Tugon ko at itinago na 'yon.

Napalunok ako noong sandali niya muna akong titigan, ngunit nag-akyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko sa sinabi niya. "I have a beautiful wife," hinaplos niya pa ang pisngi ko.

"L-Laze naman," bulong na sabi ko nahihiya.

"Let's go babe?" Nakurap ako ng maraming beses.

"T-Tara na syempre," tugon ko at nag-suot ng seatbelt.

Nang makauwi ay binuhat ni Laze ang ice cream at hinayaan si Yamato na ilagay ang lahat ng 'yon sa ref. "Mare, okay ka lang?" Nalingon ko sa gulat si Crizel.

"Huh?"

"Oo, a-ayos lang." Sagot ko.

"Miss mo na siya?" Nangunot ang noo ko ngunit agaran kong naunawaan ang tinutukoy niya, "Si Laze?" Kwestyon ko.

"Oo," tumango naman ako.

Nasulyapan ko pa si Laze na tahimik lang na nakatayo sa isang gilid, "Nasa maayos na lugar naman na siya, kaya huwag ka ng magmukmok okay? Magkikita rin kayo sa tamang panahon." Lumabi ako at tsaka napatingin ulit kay Laze.

Nakokonsensya ako.

"I'm sure pinanonood ka niya nasaan man siya ngayon," dagdag niya pa kaya tumango tango ako.

"Panigurado."

"Sige na, kakain na ng dinner mamaya, kumain ka na sa tamang oras okay?" Tumango ako na parang bata at tsaka ako pasimpleng umakyat sa kwarto ko.

Nang makaakyat ay sinulyapan ko ang kasunod, nang makita si Laze ay sinenyasan ko siya. Mabilis naman siyang lumapit at pagkapasok niya sa kwarto ko ay nahampas ko pa siya sa braso.

"Kailangan na nating mahuli yung mother ni Terry," pabulong na sabi ko.

"Hmm, mauubos na rin ang tauhan niya at siya na ang susugod sa'yo any time at any moment." Mahinahon niyang explain, naupo siya sa dulo ng kama ko at inalis ang maskara niya pansamantala.

Nang makita ang gwapo niyang mukha ay namangha akong muli, ang lakas ng dating may maskara man o wala. Tahimik lang naman siya, napahikab ako dahil sa antok ngunit kumalam rin ang tyan ko sa gutom.

"Are you hungry?" He asked.

"Hmm, gutom na." With tango tango pa na parang bata na kinakausap ng magulang niya.

Ngunit nanlaki ang mata ko ng may kumatok, "Miran!" Malakas niyang tawag.

Si Crizel..

Hinila ko si Laze at tsaka ako tumanaw sa banyo, "Dito ka." Mahinang bulong ko, napatitig siya sa akin ng tanawin ang banyo ko.

Nang pabukas na ang pinto ay naisarado ko na lamang ang banyo kasama siya, "Nasa banyo ka mare?!" Malakas niyang tanong mula sa labas.

"Oo! Wait mo na lang ako diyan—" naputol ang sasabihin ko ng maingat na hinawakan ni Laze ang likuran ng ulo ko at sumandal 'yon sa pinto.

Umawang ang labi ko noong halikan niya ang ibabang labi ko, siniil niya 'yon na para bang wala ng mamaya, nanlaki pa ang mga mata ko dahil nagsasalita si Crizel ngunit wala akong maunawaan.

Ang kabog ng dibdib ko ay mas dinagdagan niya noong sapuin ni Laze ang pisngi ko at mas itingala ako upang kas mahalikan niya, salitan.

Nang tumigil siya ay pinanlakihan ko siya ng mata tsaka ako napalingon sa labas dahil nagsasalita si Crizel. "Bakit hindi ka na sumasagot diyan hoy! Nag-aalala ako!" Nanlaki ang mata ko kaya inabot ko ang mouthwash at nagpanggap na kanina pa nagmumulumog.

Sinamaan ko ng tingin si Laze, lumabas ako at mabilis na isinara ang pinto sa banyo ko. Itinuro ko ang sarili, napatango si Crizel.

"Ba't ka namumula?" Tanong niya at hinipo pa ang noo ko, nang matapos ay pumunta ako sa basurahan at doon na lamang ibinuga ang laman ng bibig ko.

"Maanghang," sagot ko.

"Ah mint kasi 'yan eh." Sagot niya.

"Nag mouthwash ako kasi kumain ako ng garlic kanina, ayoko namang maging amoy bawang." Pagdadahilan ko.

"Wow, mouthwash limang minuto mare?" Napalunok ako.

"Walang limang minuto 'yon, 2 minutes lang. Natagalan lang ako sa banyo kasi nag-brush pa ako." Tumango tango siya at tsaka ko natanaw ang plato na nasa bed ko.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Pa-gamit nga ng cr mare naiihi—"

"Kaya nga ako sa labas nag-mouthwash kasi may ipis, tapos yung gagamba." Pagsisinungaling ko.

"Oh gago? Yuck!" Reklamo niya kaya pinigilan kong matawa.

Ano ba namang kasinungalingan 'yan, "Mare kutsinta, gawa ni Tita Janine." Nang banggitin niya 'yon ay natigilan kami ng may tumunog sa cr.

"Yung ipis 'yon," sagot ko.

"Malaki ba?" Tumango ako mga three times.

"Sobra."

Kutsinta? Kutsinta?!

Diyan nagsimula ang kahihiyan ko, at 'yan lang yung ginawa namin kanina. Jusko naman, Laze kasi.

Alanganin akong ngumiti, "Favorite mo yata 'to, nabanggit ni Yamato." Pilit akong ngumiti at tumango.

"Masarap kasi, malambot at matamis." Napapikit ako ng pasimple sa sagot ko.

"Oo nga eh, sige na kumain ka na. Naiihi na talaga ako," paalam niya.

Kumaway ako at nagkunyareng kumain na ng kutsinta ngunit kumagat lang naman ako ng kaunti. Nang makalabas siya ay nagmamadali akong nag-lock ng pinto.

Tsaka ako lumapit sa banyo at tsaka ako nakahinga ng maluwag, "Ikaw kasi," paninisi ko sa kaniya.

"Oh?" Gulat niyang tugon.

"B-Bakit mo kasi g-ginawa 'yon, napaisip pa tuloy siya." Naiilang na sabi ko, ngunit dahil sa pilit niyang maging seryoso kahit na gusto niyang ngumiti ay nahuli ko ang dimples niya.

"Hmm, mouthwash." Nang ngumisi ang labi niya ay pinanlakihan ko siya ng mata.

"S-Shut up." Nag-init ng husto ang mukha ko.

"Mo—"

"Enough." Gigil na sabi ko at iniiwas ang sarili sa kaniya, nakakahiya!

Malakas nga pala ang pandinig ng isang 'to, muntikan ng mawala sa isip ko.

"What's that?" Tukoy niya sa dala ni Crizel, nang lapitan niya 'yon ay sandali akong napapikit. "Ah your favorite.." nilingon ko siya ng masama ang tingin.

"Laze, huwag mo akong simulan." Ubos na ubos ang pasensya kong sabi.

Nang kagatin niya ang ibabang labi ng pasimple ay umiwas tingin kaagad ako, kinuha ko ang maskara niya at inabot. "Isuot mo na, labas." Turo ko sa pinto, bahagyang nanlaki ang mata niya.

"Hakuna Miran?" Hindi makapaniwalang tawag niya sa pangalan ko.

"O-Oh bakit, pinalalabas lang kita para hindi ka pag-isipan." Pagdadahilan ko, tumaas ang isang kilay niya at sinuot ang maskara.

"Bakit ako pag-iisipan Hakuna Miran? Kaya kong pag panggapin ang isa na tumayo sa labas at ng hindi sila magduda." Napalunok ako.

Oo nga naman Hakuna Miran, nasaan ang isip mo?

"K-Kakain pa naman tayo sa baba, g-gusto mo ba dito tayo sa kwarto kumain?" Napatitig siya sa akin ng ilang segundo, ngunit napalunok ako noong alisin niya ang butones ng suot at tsaka siya tumikhim.

"A-Anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong.

"I'm just unbuttoning the three buttons, it's hard to breathe you know?" Inosente niyang sagot kaya napalunok ako muli at alanganin na tumawa.

"O-Oo, sige. Dito ka na lang, diyan ka sa bathroom okay habang wala ako."  Tumango siya kaya naman lumabas na ako ngunit natigilan ako noong makita si Yuno.

"H-Hello." Kumaway pa ako, nangunot ang noo niya ngunit natigilan ako nang akbayan niya ako.

"Yuno!" Singhal ko.

"Namiss kita!" Nakangiting sabi niya, nakagat ko ang ibabang labi at nagtatakang tinignan ang mata niya.

"Ano lasing ka ba?" Kwestyon ko.

"Hindi?" Patanong niya rin na sagot.

Nang tumunog ang cellphone niya habang nakaakbay siya sa akin ay dinukot niya 'yon sa bulsa niya, napasilip naman ako. "May girlfriend ka na?" Tanong ko.

"Huh? Wala pa. Hindi pa ako gusto," natatawang sabi niya kaya naman nang sulyapan ko ang cellphone niya ay nakita ko na si Jami ang tumatawag.

"Wait, sagutin ko lang." Paalam niya.

"You called?" Nangunot ang noo ko, bakit siya tatawagan ni Jami?

Nalingon ko naman si Yamato na kabababa lang ng hagdan, tila inaantok pa. Nang makita niya ako ay pilit siyang ngumiti, ngunit nalungkot ako noong mapansin na hindi na ganoon kasaya yung ngiti niya tulad ng noon.

Nang mga bata-bata pa siya.

"Yamato," tawag ko.

"Kumusta ka naman?" Nangunot ang noo niya tapos ay mahinang natawa.

"Bakit mo ako kinukumusta ate? Ikaw nga dapat yung kinukumusta ko." Ngumiti ako at iniyakap ang braso ko sa waist niya.

"Ikaw wala ka bang girlfriend?" Natigilan siya sa tanong ko.

"Wala ka pang naging girlfriend?" Gulat na sabi ko.

"M-Meron ate," sagot niya.

"Oh bakit hindi mo man lang pinakilala?" Alanganin siyang ngumiti at noong mag-peace sign siya ay nabatukan ko.

"Ang masikreto mo na, hindi na tayo tulad ng dati. Crush mo pa nga si Jami noo—"

"Ate, hindi." Seryosong sagot niya.

"Gago, anong hindi!" Sumbat ko.

"Hindi ate, huwag kang ganyan." Tumaas ang kilay ko, "Dahil nga sa kaniya gusto mo rin sumama sa akin mag part time job sa cafe ng lola niya. Sinungaling 'to," natigilan siya at naayos ang buhok.

"Oh dalawang taon pa lang nakakalipas ng matuli ka no'n." Nanlaki ang mata niya at umiling iling.

"Ate bata pa ako no'n, 14 years old. Tapos siya dose ate, dose." Singhal niya.

"Oh naging crush mo nga 'di ba?" Natigilan siya at tsaka ako nginiwian at tinalikuran.

"Dalaga na 'yon, pwede na ligawan!" Pahabol ko.

"Bahala ka ate," reklamo niya.

Nang pumunta siya sa ref ay pasimple ko siyang sinundan pero ang loko ay natulala sa hawak niyang ice cream.

Ano namang iniisip nito?

"Mama si Yamato yung ref oh! Lalabas yung lamig! Sayang kuryente!" Nagulat siya sa pagsigaw ko, tumayo siya kaagad ay sinarado yung ref.

Naningkit ang singkit niyang mata, "Papansin." Bulong niya.

"Si Yuno nandiyan," turo ko pa.

"Hindi ko tinatanong," matipid niyang sagot ay tumaas ang kilay ko.

"Magkaaway ba kayong dalawa?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot niya naman.

"Oh tumawag nga si Jami sa kaniya?" Natigilan siya sa sinabi ko, tapos bigla ay nadukot niya sa bulsa niya ang cellphone.

Nangunot ang noo niya, "Akyat na muna ako ate," paalam niya dala-dala ang ice cream.

Dahil doon ay kumuha na ako ng food, inilagay ko sa tray. "Ang dami naman niyan 'nak." Nalingon ko si mama.

"M-Ma tinatamad kasi ako umakyat baba, kaya pwede po bang sa taas ako ng kwarto ko kakain?"  Natigilan si mama.

"Kung 'yan ang paraan mo basta kumakain ka." Ngumiti ako.

"Thank you ma," tinulungan niya akong ayusin yung food tray kaya naman pumunta muna ako kay Yuno.

Pero nagtaka ako dahil may kausap pa rin siya sa telepono. "Anong gagawin ko diyan?" Dahan-dahan akong naglakad.

"Anong kainin, edi ikaw. Ay Liezel Jami, don't you dare try me."  Nangunot ang noo ko at pasimple siyang siniko, nalingon niya naman ako.

"Sige na, babye na. Mamaya na lang, hmm sure." Nang ibaba niya ang tawag ay pinaningkitan ko siya ng mata.

"Anong sabi ni Jami?" Tanong ko.

"Wala." Sagot niya matipid.

Tumaas ang kilay ko, "Nahanap mo mommy ni Terry?" Tanong ko.

"Hindi pa, pero nakausap ko na si Terry. Susubukan niya raw gawing bait yung sarili niya," huminga ako ng malalim at tumango.

"Sige, ingat ka." Paalam ko.

"Hmm, labas tayo sa susunod." Tumango ako at kinawayan siya.

"You don't look so well," natigilan siya sa sinabi ko at matipid na ngumiti.

Nang makuha ang tray ay umakyat na ako sa itaas, maingat. Nang ma-lock ang pinto ay lumabas si Laze ng banyo. Napansin ko nakan na new shower siya.

"That's sus my beautiful wife," nanlaki ang mata ko at mabilis na ibinaba ang tray at lumapit sa kaniya.

"Let's dry your hair," pag-iiba ko sa usapan at kinuha ko ang blower.

Naupo ako sa bed, pauupuin ko sana siya sa carpet ngunit natigilan ako noong mahiga siya sa kandungan ko.

Hinigaan niya naman ang dry towel, "Bakit ganyan?"

"I'm tired," mahinang sabi niya nakapikit habang nakahiga ang ulo niya sa kandungan ko, pasimple akong napanguso at sinindi ang blower.

Ginamit kong suklay ang daliri ko sa malambot niyang buhok, napangiti ako dahil sobrang lambing niya.

Nang bahagya ng matuyo ay nagmulat siya, kinuha niya ang blower at itinabi ngunit halos mapahiga ako sa kama noong bahagya siyang tumalon para mayakap ako.

"Laze," mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Nakagat ko ang ibabang labi dahil mas yumakap siya, "Let's eat." Ngunit yumakap siya at napapikit ako noong halikan niya ang noo ko.

"Babe," natigilan ako sa pagtawag niya.

"A-Ako ba?" Nangunot ang noo niya at seryoso akong tinitigan.

"Hakuna Miran may iba pa ba?" Sarkastiko niyang sagot kaya napangiti ako.

"Hmm bakit babe?" Sinubukan kong lambingan ang tinig dahilan para mapalayo siya sa akin.

Ngunit lumabas ang dimples niya hindi pa man siya ngumingiti, "Babe naman." Napatitig ako sa kaniya nang umiwas tingin siya at halos matawa ako dahil tinakpan niya ang mukha.

"Oy kinikilig ka?" Asar ko.

"N-No, n-natawa lang." Tanggi niya.

"Kinikilig ka," turo ko sa mukha niya.

"Patingin nga!" Pabulyaw na sabi ko ngunit mahina, nang alisin ay pinigilan kong mangiti ng labanan niya ang titig ko.

"Tingin nga babe.." Gumalaw ang adams apple niya, umiwas tingin kaya naman natawa ako ng malakas.

"Kinikilig oh." Turo ko pa at sinapo ang pisngi niya, dahil doon ay bahagyang umawang ang labi niya.

"Ang gwapo gwapo naman ng babe ko—"

"That's enough babe, I love you." Dahil sa sinabi niya ay ako ang nag-init ang pisngi at tsaka napaawang ang labi.

"Laze." Banta ko.

"Yes, I know you love me too." Pinanlakihan ko siya ng mata pero proud siyang ngumiti at nagkibit balikat.

He got the last ace card.

///

@/n: Any thoughts? Konti na lang ❤️ move forward na tayo sa series #2: Our Solicitous Heart (Published)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top