Chapter 8
Hakuna Miran's Point of View.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na aalis muna si Yamato at si Laze kaya hinayaan ko muna sila at nag-ayos muna ako ng bahay, kahit papaano ay nakakahinga ako ng maluwag.
Wala si Tito Jubal na gagawa ng masama sa akin, kampante ako ngunit nag-aalala ako sa lagay ni mama ngunit magaling na doctor ang papa ni Laze kaya medyo nabawasan ang worries ko.
Makalipas ang trenta minuto ay nag-alala na ako ng wala pa rin si Yamato at Laze dahil sabi nila sandali lang raw silang mawawala ngunit heto sila, wala pa rin. Tatawagan ko na sana ngunit narinig ko kaagad ang tahol ng aso at nakilala ko kaagad 'yon.
"Bullet?" Kwestyon ko ngunit nangunot ang noo ko ng makitang may kagat ito na eco bag sa bibig at natigilan ako ng kasunod niya ang dalawa.
"Anong nangyari?" Tanong ko may dala silang mga eco bag.
"Anong dala niyo?" Kinuha ko sa bibig ni Bullet ang pinaka-maliit na eco bag at inilagay sa center table.
"Saan kayo galing?"
"Ah ate ano 'to binigay kasi ng lolo ni Kuya Laze eh naglalakad kami tapos tumigil yung sasakyan ng lolo niya ate tapos sinama kami sa mall tapos nilibre kami ate." Natatarantang sabi ni Yamato kaya nangunot ang noo ko.
"Yung totoo," wika ko.
Tinignan ko si Laze, alam kong hindi niya ugaling magsinungaling. "Don't look at me like that, it's true." Mabilis niyang sabi kaya naman binuksan ko ang eco bag ma dala ni Bullet at halos umawang ang labi ko ng makita ang laman nito.
"Kakaiba ka Yamato, ikaw namili nito?" Nanlalaki ang mata kong tanong.
"Ha? Ate hinde! Nahihiya nga ako eh! Hindi ko alam na lolo niya si Sir Vince!" Napalunok ako muli.
"Ah."
"I told you not to tell," sita ni Laze kaya lumunok ako.
"My grandfather is a wise man, he treats me like this before. S-So it's not weird right?" Paglilinaw sa akin ni Laze kaya tinignan kong muli ang eco bag.
"B-Bakit may chicken rito? Pork belly? Sabihin mo sa akin Yamato—"
"Si Sir Vince talaga dumampot niyan ate! Bumili rin kasi siya ng para sa kaniya tapos po sabi niya paglutuan na lang daw natin si Kuya Laze!" Natataranta nitong sabi kaya nasapo ko ang noo at napaupo.
"Nakakahiya," bulong ko.
"H-Hey, h-hindi lang si Yamato ang nilibre ni lolo. Even Jami's friend." Paglilinaw niya.
"Thank you," wika ko.
"Ayusin na natin 'to ate." Nakangiting sabi ni Yamato at inilabas ang ibang snacks sa eco bag, junk foods, biscuits. Pancake mixture, may drinks pa.
May groceries may meat, fish, at mga gulay. Even seasonings. "Nakakahiya," bulong ko ulit.
"I'll pay you soo—"
"I guess you should worry about living first, get used to it before paying me." Mabilis niyang sabi kaya napalunok ako at napatitig sa kaniya, he looks so serious with his blank stare.
"Okay."
"Thanks."
After that Laze decided to go home late and it's already 10 PM when he left, while I stayed in my room and rest for a while before pushing myself more and more the next day.
Malapit na dumating ang exam week at kinakabahan na ako, naglalakad ako papunta sa classroom not until makasalubong ko si Crizel. Ngumiti ako at kinawayan siya ngunit natigilan ako ng hindi niya ako pansinin at basta basta na lang lampasan.
"Huh?"
"Okay lang kaya siya?" Bulong ko sa sarili at nilingon ang dinaanan niya.
"Crizel!" Malakas na tawag ko at patakbong lumapit sa kaniya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko, nag-aalala ng sandaling tumigil siya. Ngunit halos lumipad ako ng malakas niya akong itulak dahilan para sumalampak ako sa sahig.
Napakurap ako at mahinang napadaing. "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong, ang lakas niya papaano nangyari 'yon?
"Pwede ba? Huwag mo nga akong kausapin. Hindi ako kumakausap ng mababang tao tulad mo," nagitla ako ng sinabi niya iyon ng may bahid ng galit bago ako tinalikuran hanggang sa tignan ako ng maraming tao.
Tinulungan kong tumayo ang sarili at nahihiyang umalis sa hallway na 'yon, si Crizel na kasi ang katabi ko at minsan na lang si Laze dahil nahihiya rin ako. Nang makapasok sa classroom ay nakita kong nakaupo na si Crizel kaya naman naglakad ako papunta sa kaniya.
Nang makaupo sa tabi niya ay natigilan siya. "May p-problema ka ba?" Mahinang bulong ko sa kaniya ngunit ibinaba niya ang ballpen sa tabi ng libro at nilingon ako.
Nahihiya ko namang nilingon ang kasama ngunit bukod kay Laze na tahimik at walang pakialam sa mundo, hindi niya kami nagawang tignan. "Crizel.." Nahihiya kong sabi.
"Okay ka lan—"
"Hindi ka ba nakakaintindi?" Singhal niya malakas 'yon dahilan para mahiya akong muli, tumayo siya at umalis sa tabi ko kung kaya't napabuntong hininga ako.
Pinagtitinginan ako ng lahat dahil sa nangyari, ano kayang nangyari? May nasabi ba akong mali? Dumaan ang isang klase ay hindi ko na ginawang pumunta sa cafeteria dahil hindi ako pinapansin ni Crizel.
What's wrong?
After break time ay bumalik na ang lahat kaya naman nagklase na ulit kami half day lang naman ang klase ngayon kaya okay na rin, kakausapin ko na lang siya mamaya dahil baka gumaan na ang pakiramdam niya.
After classes ay nilapitan ko kaagad si Crizel. "Sorry na? May nasabi ba akong mali?" Kinakabahan na sabi ko ngunit tumigil rin sa paglakad ang lahat ng tumigil siya at lingunin ako.
"Ganoon ka ba katanga?" Umawang ang bibig ko sa sumbat niya.
"Huh? May naibigay ba akong maling impormasyon kaya ka nagagalit?" Tanong ko ulit, pinagkrus niya ang braso at tinitigan ako.
"Mukha kang basura, hindi mo ba nakikita yung uniform natin? Hindi bagay sa'yo." Muli ay napalunok ako, sobrang nagtataka.
Sa sobrang conscious ko ay tinignan ko ang uniform namin. "Yung presensya mo nakakasira ng araw, kaya huwag mo akong kausapin. Mahirap ka lang at mayaman ako," napaatras ako ng may dumaan sa gitna namin.
Ngunit ng lingunin ko siya ay nakapamulsa siya bago kami hinarap, blangko ang tingin niya kay Crizel. "You're pathetic," wika ni Laze at walang emosyon sa mukha.
"Huh?" Gulat na sabi ni Crizel.
"I hate someone who brags about how rich she is, and then stepped on other people's lives." Napalunok ako ng tignan ako ni Laze.
"And I think our uniform suits her well, than you." Nanlalait na sabi ni Laze at sinenyasan akong sumunod kaya sa sobrang hiya ay patakbo akong humabol sa kaniya.
Ang gulat sa mukha ng mga classmates namin ay hindi maipinta, is it the first time that Laze talk in front of the class? Kaya ganoon na lang sila nagulat? Ngayon lang ata siya nagsalita ng may kinakausap at malakas ang boses.
"What happened?" Tanong niya.
"Hindi ko nga alam eh, wala naman akong ginawa eh." Nakangusong sabi ko.
"Kaya ko nga siya tinatanong eh," wika ko pa. Tumango lang siya at naglakad na.
"Saan ka pupunta? Uuwi ka na ba?" Mahinahon na tanong ko ay nakikiramdam sa buong paligid.
"I'm going to eat," he stated.
"Sa cafe?" Tumango siyang muli kaya naman ng sumakay siya sa bus ay sumabay kaagad ako at nag tap ng card ngunit nag-red ito at doon ko nalaman na wala ng laman ang card ko.
"Malas naman—" Tiningala ko kaagad si Laze ng i-tap niya muli ang card niya at senyasan akong sumunod, naupo ako sa tabi niya at tsaka sumandal at sandaling pumikit.
Inaantok ako eh, nang makarating sa cafe ay naupo na siya habang ako ay dumeretso sa likod ng cafe para magpalit ng uniform. Matapos magpalit ay ngingisi ngisi si Ate Sandra na nakatitig sa akin kaya lumapit ako sa kaniya.
"Bakit po?"
"Sabay kayo pumasok ni Sir Laze ha," nang-aasar na wika nito kaya alanganin ang tumawa.
"Classmate po kami, sa iisang school, same schedule hindi po malabo." Nakangiting explain ko ngunit ngumisi ito lalo at naglakad papaalis kaya naman natigilan ako ng makaharap si Jem.
"Totoo ba?" Nangunot ang noo ko at dahil mas matangkad siya sa akin ay effort rin na tumingaka ako kahit kaunti.
"Alin na naman?"
"Boyfriend mo si Laze?" Bulong niya kaya nanlaki ang mata ko ay hinampas siya sa braso.
"Isa ka rin, hindi nga. Hindiii." Mariin na sabi ko ngunit ngumisi siya.
"Nice, may chance pa." Ngiti niyang sabi at naglakad na papaalis kaya nangunot ang noo ko. May chance pa ang alin?
"You think so?" Natigilan ako at muling nilingon si Jem ngunit kaharap niya na si Laze kaya naman nangunot ang noo ko ngunit tinawag na ako ni Ate Sandra dahil biglang dagsaan ang students galing sa school namin.
"Ikaw daw server ng VIP table sis, punta ka na doon." Utos ni Ate Sandra kaya naman nilingon at tinanaw ko ang pinakadulong mesa na pahaba, pumunta ako doon at nakangiting hinarap sila.
"What's your order ma'a—" natigilan ako ng makita si Crizel kasama ang ibang friends niya.
"What's your order ma'am?" I tried to be normal, although marami akong gustong itanong. Tumaas ang kilay niya kaya naman ngumiti ako. "We need water, we're 8 people so bring 8." Ngumiti ako at bahagyang yumuko.
Pumunta ako sa kusina at nag-request ng tubig, kumuha ako ng 8 glasses at dalawang pitsel ng tubig na malamig. Nang makabalik ay ibinaba ko 'yon sa table nila ngunit natigilan ako sa sinabi ni Crizel. "I don't want our water cold." Mahinahon niya na sabi kaya ngumiti ako.
"Yes ma'am." Ibinalik ko sa dalang tray ang dalawang pitsel at bumalik tapos ay sinabi kong muli 'yon ngunit pagkabalik ko ay magsalita ang isa. "I wanted mine cold please," she stated kaya ibinaba ko ang isang pitsel at bumalik sa counter.
"Ate isang malamig na pitsel nga po," nangunot ang noo ni Ate Sandra.
"Problema ng mga 'yon?" Tanong niya.
"Gusto raw ng isa malamig ate," ngiting sabi ko.
"Hindi ka naiirita?" Tanong niya kaya umiling ako.
"Friend ko po yung isa doon kaya hindi po at trabaho ko po ito." Paglilinaw ko ngumiti si ate at inabot na sa akin, ng makabalik doon ay hindi naman nila ininom ang tubig.
"Pwede makahingi ng extra tissue?" Tanong ng isa kaya ngumiti ako.
"Sure ma'am wait po," wika kong muli at bumalik sa counter.
"Ate extra tissue raw po." Nakakunot na ang noo ni Ate Sandra at inabutan ako dala dala ko na ang isang pakete ay ibinigay ko 'yon.
"May extra seat ba kayo? Para sa isa pa naming friend." Tanong ng isang babae kaya ngumiti ako ulit at binuhat ang isang upuan.
"Thanks." She stated and once again mukhang oorder na sila.
"Can we have this set 8 the one with unli iced red tea." Ngumiti ako at isinulat 'yon.
"I'll be right back ma'am, I'll process your order now." Nakangiting sabi ko at bumalik sa counter tapos ay ibinigay ko na kay Ate Sandra ito kaya naman ng muli akong kailanganin sa ibang table ay ibinigay ko ang kailangan nila.
"Oppa!" Napalingon ako ng marinig ang pamilyar na boses, ang ganda talaga ni Jami ang puti at ang kinis pa niya kahit malayuan.
"Mm?" Ngumiti ako at ibinaling na sa trabaho ang atensyon ko.
Habang kumukuha ng order ay natigilan ako ng makita si Crizel sa table nila Laze nakatayo sa gilid. "Hi Jami!" Bati nito kay Jami kaya naman nakinig na ako sa nagbibigay ng order.
"Uh hi? Do I know you po?" Tanong ni Jami pabalik kaya napalunok ako.
"Huh? Hindi mo na ako kilala?" Tanong ni Crizel tila napapahiya siya sa grupo ng kaibigan.
"Baka nakalimutan lang siguro hehehe, may I know who you po?" Magalang si Jami, her voice was so calm and soft. Nakaka-comfort parehas sila ng mommy niya.
"Classmate ako ni Laze since first year high school, Crizel." Pagpapakilala ni Crizel.
"Classmate mo pala oppa, pansini—"
"I don't know her." Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Laze kaya naman aalis na sana ako sa table para pumunta sa counter ngunit bigla akong tinawag ni Jami.
"Ate Miran!" Nakangiting sabi nito kaya lumapit ako.
"What's your order ma'am?" Ngumiti siya at itinuro ang order niya.
"I'd like to have this ate, and then this sweet, tapos ito pong shake—"
"Mom told me not to feed you too much sweet Jami, pick other than those sugar foods." Maawtoridad na sabi ni Laze kaya ngumiti ako, nahihiyang bumalik si Crizel sa seat nila after no'n.
"Oppa one lang? This cupcake please?" Jami pleaded that made Laze sigh and just nodded kaya isinulat ko na 'yon.
"Anything else ma'am? Sir?" Tanong ko.
"I just need something cold, decide for me." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Laze.
"A-Ako mamimili?" Pabulong na tanong ko.
"Yeah, you know the menu more than I do. Do me a favor Miran." Ngumiti ako at tumango tango.
"How about this strawberry milk ice cream with cherries?" Tumango siya kaya isinulat ko na 'yon at nag-paalam na ako para magawa na agad ang order nila.
A week later, it's already exam week normal daw sa mga part time workers na magkaroon ng 3 days day off every exam week so we can review for three days. Mabuti na lang at may isang libo ako sa wallet dahil naipadala ko na kay mama ang ibang pera.
"Yamato! Bumaba ka na nga diyan!" Malakas na sigaw ko mula sa ibaba ng bahay nandoon sila sa kwarto niya kasama si Laze at naglalaro ng kung ano mang computer games.
Pasimuno kasi si Laze, pinakilala ang PS4 sa kapatid ko.
"Ate mamaya na po! On game po kami!" Malakas na sumbat nito kaya inabot ko ang pamalo ni mama na manipis na kahoy at tsaka ako umakyat sa itaas.
Binuksan ko ang kwarto at parehas nila akong nilingon ng pumasok ako. "Kakain na sa ibaba sinong mag-aadjust ikaw Yamato o yung mainit na pagkain?!" Malakas na sigaw ko.
"A-Ako ate, ako Kuya Laze sabi sa'yo kakain na eh. Hehehehe." Alanganin niyang sabi at ibinaba ang controller tapos ay hinila si Laze kaya naman hinintay ko silang patayin ang pinaglalaruan at bumaba.
Madalas nga si Laze rito, panay sila magkasama ni Yamato hindi ko nga alam kung ako ba yung kapatid ni Yamato o si Laze eh.
Nagsimula na kaming kumain at hindi ko alam kung gusto ba ni Laze o kumakain ba si Laze ng ganitong klaseng pagkain. "W-What kind of weird creature is this?" Napalunok ako at tinignan ang tinutukoy niya.
"Meat yan kuya," sagot ni Yamato.
"Uhm is this a pet? Or wild animal? I didn't seem to know it's breed." Nakagat ko ang ibabang labi dahil Chicken Gizzards ang kinakain niya o kilala bilang balunbalunan.
"Huh? Hindi mo alam 'yan kuya? Organ yan." Nanlaki ang mata ni Yamato ng clueless talaga si Laze.
"Organ of?"
"Chicken Gizzard, tikman mo masarap yan." Nakangiting sabi ko, niluto ko kasi ito sa adobo, napalunok siya at nilingon ang aso niyang kumakain ng dog food na may isang buong legs ng manok.
"Taste it." Suhestyon ko at ng sundin niya ay tinignan ko ang reaksyon niya.
"Well it's not bad, it's good." He said while chewing it kaya napangiti ako at kumain na rin.
"Kuya bakit kaya ganoon? Ang yaman niyo naman pero bakit hindi kayo matapobre? Madalas sa mayayaman masasama ugali pero kayo hindi." Curious na tanong ng kapatid ko kay Laze.
"We are raised well, showing bad manner means we lacked discipline." Mahinahon na sabi ni Laze.
"We can show some of attitudes but not bad manners." Napatango tango ako ng maunawaan ang sinabi niya.
"We can be short tempered but we can't disrespect other people who deserves to be respected." Namangha ako sa patakaran ng disiplina sa kanila.
"Our grandparents might really cut everything for us to be disciplined." Ngumiti ako.
"Ang ganda ng family niyo 'no? May tatay, may nanay, may lolo at lola." Bigla ay nalungkot ako ng lumaki akong hindi kilala ang papa at mga lola lolo ko.
"Why?" Tanong niya.
"Nakakainggit lang, lumaki kasi kaming walang pagmamahal ng tatay." Matipid akong ngumiti.
"Hindi ko na nga maalala ang hitsura ng papa ko dahil sobrang bata ko pa ng nakasama siya." Nakangiting sabi ko.
"Wala kaming balita, hindi ko alam." Sagot ko na lang at kumain na.
Maybe someday, masabi rin ni mama sa akin ang pangalan ng papa ko. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o kumusta siya wala kaming balita dahil pag oo magsusumbong ako sa kaniya.
Sasabihin ko kung gaano ako natatakot sa ginagawa ni Tito Jubal..
///
@/n: Last update for tonight, enjoy and keep safe love lots 🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top