Chapter 79
Chapter 79:
Hakuna Miran's Point of View.
Nang makabawi ng lakas ay pinaalis ko na ang swero, bumaba ako at uminom ng tubig. Muli ay napatitig ako sa kabaong at sa picture na naka-frame.
Buhay si Laze, hindi siya mamatay ng ganoon lang.
Nasulyapan ko si Jami na nanatiling nakatulala, mugtong mugto ang mata at tila kulang sa tulog at kain.
Napapikit ako at naupo sa isang gilid, hahanapin ko pa rin si Laze. Natigilan ako nang tumabi sa akin ang mommy ni Laze.
"How do you feel?" Malumanay niyang tanong, bumuntong hininga ako at umiling.
"Buhay po si Laze, 'di ba po?" Huminga ng malalim ang mommy niya, "I wish," nanlumo ako ng parehas sila ng sagot ni Doctor Zai.
Tulala lang ako buong magdamag, "2 days lang yung wake ni Laze, hindi ko na kaya pang paabutin ng pasko." Napatitig ako sa mommy ni Laze.
Napaiwas tingin ako at tsaka pinipigilang maluha, ngunit napahid ko lang ang luha ko at huminga ng malalim upang pigilang maiyak.
Hindi ko lubusang matanggap.
Dumating ang araw na 'yon na sobrang bilis, matapos ang dasal ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Titig na titig ako sa dahan dahan nilang ibinababa na kabaong, panay ang iyak ng lahat ngunit tulala akong nakatitig sa mga 'yon.
Tila namamanhid ang puso ko.
Gusto ko na lang mabingi, ayokong marinig ang iyakan nila, parang mas mararamdaman ko yung sakit. Umiwas tingin ako at naglakad papaalis doon.
Tumambay ako sa malayo, yung hindi ko sila maririnig ngunit dito pa rin. Noche buena na mamayang gabi, pero hindi ko magawang ngumiti kahit isang beses.
Naupo ako doon at yumuko sa sariling tuhod ko, ang tumutunog kong cellphone ay hindi ko pinansin.
Dumilim ang kalangitan, natigilan ako nang pumatak ang tubig mula sa kalangitan. Tumayo ako at tsaka ko napansin na ilang oras na pala mula nang umalis ako doon.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kung saan inilibing si Laze, nang bumuhos ang ulan ay nanumbalik sa isip ko nang panahon na pinayungan niya ako.
Nanatili akong nakatitig doon, hanggang sa sumama ang loob ko ay tumulo ang luha ko ngunit hindi mahahalata kahit pa mag-isa ko rito ay alam kong walang makakahalata dahil sa ulan.
Ang bigat ng ulan, parang bawat patak niya ay sobrang sakit.
Sana magising na ako kung panaginip lang ito kasi hindi ko kaya, hindi ko na kaya.
Napaupo ako sa harapan ng pinaglibingan sa kaniya, nahawakan ko ang mga nakaukit niyang pangalan, kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ayung pagkahagulgol ko.
Hinaplos ko ang naka-ukit niyang pangalan sa magandang bato na nandoon sa mismong ibabaw ng pinaglibingan niya.
Laze..
Natakpan ko ang bibig, hindi kinakaya ang sakit at bigat sa dibdib. Para akong inaatake sa puso, sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
Nanatili akong nakaluhod hanggang sa mas lumakas ang ulan, sobrang lakas na wala na ako gaanong makita kahit pa may poste ng mga ilaw sa bawat ilang mga metro.
Humihikbi pa din ako ngunit tumunog ang cellphone ko, hindi ko na sana papansinin pa, ngunit pinakabog ng puso ko ang unregistered na number.
Kahit umuulan ay dahan dahan kong sinagot 'yon at tinapat sa tenga ko. "H-Hello?" Nanghihina kong tanong.
"H-Hello, s-sino 'to?" Pagod na pagod ang mata kong nagmulat sa malakas na ulan, ngunit natuod ako ng marinig ang pamilyar na boses.
"It's me." Napakurap ako ng maraming beses, napatayo ako at tsaka luminga sa buong paligid.
Ang paghikbi ko ay tumigil.
H-Hindi naman siguro ako niloloko ng kung sino?
Ngunit napatigil ako nang maaninagan ko ang isang matangkad na lalakeng nakapurong itim, naka-cap rin siya na itim.
Napaharap ako sa gawi niya, nanginginig ang labi ko, pilit tinatanaw ang mukha niya, "Laze?" Sambit ko sa kabilang linya.
"Hmm," sa tugon niya ay naluha ako.
Sinubukan kong lumapit sa kaniya ngunit nanlata ang tuhod ko ay napaluhod ako sa malambot na lupa.
"Laze," sunod sunod akong humikbi.
Bahagyang napaharap sa akin ang naaninag ko sa malakas na pag-ulan. "D-Don't come near me," ang malamig niyang tinig ay nagbigay kaba sa akin.
"Leave my tomb already," mahinang sabi niya sa kabilang linya.
"H-Hindi ko maintindihan," mahinang sabi ko.
"Hmm." Natigilan ako nang mamatay ang tawag at napanood ko siyang mabilis na umalis, napabangon ako at nagmamadaling sumunod sa kaniya.
Humabol ako sa kaniya ngunit napunta kami sa isang eskinita, hindi ko na alam ang pabalik ngunit derederetso ako at hinanap ko siya.
Ngunit sa bago paliko ay napatili ako ngunit naputol 'yon nang takpan nito ang bibig ko matapos niya akong hilain.
L-Laze?
Nang alisin niya ang takip sa bibig ko ay dahan dahan ko siyang nilingon, nang masulyapan ang mukha niya ay naiyak ako ngunit sobrang nakaramdam ako ng panghihina.
Gulantang akong napabangon, ngunit nangunot ang noo ko nang nasa isang kwarto ako sa mansion ng Sandoval, napalinga linga ako.
Si Laze? Nagkita kami ni Laze 'di ba?
Napalingon ako sa kung saan ngunit nang maalala ang libing niya kanina ay nasapo ko na lang ang mukha ko.
Nababaliw na yata ako.
Tumayo ako, dahan dahan kong binuksan ang pinto ngunit natagpuan ko na mahaba ang suot kong damit, tila ito ang pinakamadaling isuot sa akin.
Dahan dahan akong lalabas pa sana pero biglang bumukas ang pinto at nanlaki ang mata ko ng makita ko siya, napakurap ako ng maraming beses.
Tila ngayong nasa harapan ko siya ay hindi ko alam ang sasabihin, dahan-dahan niya namang isinarado ang pinto tapos ay inalis niya ang sumbrerong suot.
Napahakbang ako paatras, "Tama nga ako." Mahinang bulong ko, nang subukan niya akong hawakan ay naiiwas ko ang sarili.
"K-Kailan ka pa nakabalik?" Kinakabahan na tanong ko.
Huminga siya ng malalim, "I'll explain—"
"W-Wala ka bang balak magpakita sa akin ha?" Naglapat ang labi niya at umiling, "N-Nagsisisi ka na ba kaya pinamukha mo sa aking patay ka na? Ayaw mo na bang bumalik?" Naluluha kong sabi.
"L-Laze hinanap kita," tumulo ang luha ko, tila may nakabara sa lalamunan ko at hindi ko alam kung anong mararamdamang ngayong nasa harapan ko siya.
"Hinanap kita, p-pero paano ko hahanapin yung taong tinataguan ako?" Humakbang siya papalapit ngunit hinuli niya ang kamay ko na pilit kong iniiwas.
"Hear me out.."
"Hear me out first," gitil ko.
"Natutuwa akong buhay ka at humihinga, ngunit hindi ko maunawaan kung bakit ka nagtatago sa akin. B-Bakit mo pinamukhang patay ka na," galit na sabi ko, sumasama ang loob.
"H-Hindi mo naman kailangang umabot sa punto na ganoon kung ayaw mo sa akin!" Napapikit ako sa pagsigaw ko, "Hakuna Miran.." Malumanay niyang tawag.
"Nagmukha akong baliw, halos mabaliw ako nang makarating sa akin na wala ka na, pero pinanonood mo lang ako?!" Sa pagyakap niya ay malakas ko siyang itinulak at hinampas sa dibdib.
"Ang sama sama mo!"
"Ang sama mo Laze!" Huminga siya ng malalim, "I'm sorry." Pabulong niyang sabi.
"M-Mamaya ka na magpaliwanag, k-kasi baka hindi ko kayang intindihin yung dahilan mo." Galit na sabi ko, napaupo ako sa dulo ng kama ngunit nanatili siyang nakatayo sa harapan ko nakayuko.
"I'm really sorry, Hakuna Miran. It was my fault." Iniiwas ko ang tingin sa kaniya, muli siyang bumuntong hininga at tumikhim.
"Babalik ako mamaya," paalam niya.
Nang malakabas siya ay nasapo ko ang noo, hindi ko maintindihan, ngayong nandito na siya tsaka ko pa siya inaaway.
Anong katangahan na naman ba ang ginagawa ko?
Maybe it was also hard for him to come to me since he's expecting this outcome, tumayo ako at inayos ang sarili ko. I need to apologize.
I have to..
Pagkalabas ko ay natigilan ako nang matanaw si Laze na inaaway ni Jami, "Am I not worth your trust? You should've told me you're doing well!" Panay ang hampas ni Jami sa dibdib ni Laze.
"Anak, stop slamming your brother's chest." Sita ng daddy ni Laze.
"Then why did you hide?! I thought you were dead!" Galit na galit na sigaw ni Jami.
"Jami, stop." Inawat ng daddy nila si Jami at nanatiling nakayuko lang si Laze.
"It was Terry's mom, she's been following Hakuna Miran, ang hirap harangin ng hindi niya nalalaman." Mahinang sabi ni Laze.
Napatitig ako sa kaniya, "I was the first target, Miran is next, I need to cover my identity in order for her to stop. To be content at seeing everyone is mourning." He explains.
"Pag nalaman niyang buhay pa ako habang hindi pa siya nakukulong, she'll come at me, our close friends, our family." Bigla ay nakonsensya ako.
"Then I have the right to know, we have the right to kno—"
"No Jami, hindi mo maiintindihan." Gitil ni Laze.
"That's my point, Jeremiah Laze." Gitil ng daddy ni Luke.
"Tayo lang dapat ang nakakaalam, but then you showed yourself in front of Miran. Alam mo namang mahihirapan tayo lalo niyan," singhal ng daddy niya.
Bakit?
"You can show yourself, in private pero yung sa public place? Papaaano kung may nakakita sa'yo?" Medyo malabo pa sa akin ang usapan nila.
"I already did, dad. There is nothing I can do but to make this mission successful." Pagsagot ni Laze.
"Sometimes we have to sacrifice happiness to protect your love ones, kasi at the end happiness will come—"
"Dad." Huminga ng malalim si Laze, hindi na ako nakinig pa at bumalik sa kwarto ko.
Naghintay ako nang naghintay, hanggang sa may kumatok sa kwarto ko ay napalingon ako doon. Nang dumating si Laze ay bumuntong hininga ako, nahihiya.
"Are you still mad?" Malumanay niyang tanong, dahan dahan naman akong umiling. Naglakad siya papalapit at naupo sa tabi ko, huminga ako ng malalim.
"You need to be careful, I still need to catch Terry's mom since she's a threat." Tumango ako, "Naiintindihan ko na." Pagsasabi ko.
"H-How?"
"Basta," sagot ko.
"Hindi ko pwedeng ipaalam sa kung sino na buhay ka 'di ba? For your own safety too," tumango naman siya, inabot niya ang kamay ko.
"Glad it didn't leave a scar," napansin niya siguro yung nasinit mula sa pagsabog.
"How about you? Did you get hurt?" Kwestyon ko.
"A little," matipid niyang sagot.
"We'll be fine right?" Paninigurado ko, inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko tapos ay iniyakap ko ang mga braso sa bewang niya.
Umakbay ang braso niya at ipinatong niya ang baba sa tuktok ng ulo ko. "We will, after this we'll settle down." Tumango ako at isinaldal ang pisngi ko sa dibdib niya.
"I'm glad you're o-okay, and alive." Pabulong kong sabi, "I was asleep for a day," kwento niya kaya tiningala ko siya.
"Ano ba nangyari?"
"I don't have an idea, to be honest. I just found out after someone tried to stab me after confiscating my phone and wallet," bahagyang umawang ang labi ko.
So that's the story of that man they thought was his body? "So that man is in your grave?" Kwestyon ko.
"Nope, my grave is empty." Paunti unti ay nalinawan ako, inayos niya ang buhok na humaharang sa abo niyang mata.
"Then why did you call me if you're not supposed to?" Natigilan siya at natitigan ako, "I can't watch you in that state anymore," sobrang hina ng sagot niya.
"I can't die, if you'll be like that." Mahina akong natawa at tsaka ko inabot ang pisngi niya.
"I miss you." Natigilan ako dahil naunahan niya ako sa sasabihin, bahagya pang umawang ang labi ko ngunit matipid siyang ngumiti.
"I love you, my woman." Nag-init ng husto ang pisngi ko sa malambing niyang sinabi, ang dimple niya ay lumabas ng paglapatin niya ang labi, nababalisa sa pagtitig ko sa kaniya.
It makes my heart flutter..
"I'm out of words," bulong ko na mahina niyang ikinatawa, he fixed my hair and tucked it in on the back of my ears.
Staring, and observing, "We're still together before Christmas, what's your gift?" Sa tanong niya ay nanlaki ang mata ko.
"Oo nga pala," gitil ko.
Pabiro niya akong sinamaan ng tingin, ngunit napapikit ako nang halikan niya ang gilid ng sintido ko. "It's me," bulong niya at tinagalan ang dampi no'n.
"Hmm, I know it's you and it was always you." Pabulong na sabi ko at bahagyang idiniretso ang likod ko upang abutin ang labi niya ngunit hindi ko magawa dahilan para hawakan ko ang pisngi niya at dampian ang labi niya.
Napapikit siya at hinayaan ako, pagkapikit ko ay napangiti ako at itinago ang sarili dahil sa kilig na nararamdaman ng puso ko.
Parang pinipiga yung apdo ko sa saya.
Pagkatapos no'n ay sabay kaming lumabas ng kwarto, mangunguna sana ako ngunit hinuli niya ang kamay ko at pinaghawak 'yon dahilan para makagat ko ang ibabang labi at hawakan rin ang kamay niya.
Bumaba kami sa hagdan, hanggang sa dumating si Doctor Zai na naka-simpleng puting t-shirt at nagulat pa ng makita ako.
"Oh.."
Humaba ang nguso ko, napakamot naman siya sa batok niya. "They made me lie," turo niya kaagad sa parents ni Laze at kay Laze kaya matipid akong ngumiti.
"Naiintindihan ko naman po," ngumiti siya at tsaka hinawi ang buhok niya.
"Laze, taas." Turo ni Doctor Zai agaran naman akong humawak ng mahigpit sa kamay ni Laze.
"Let's go," anyaya ni Laze at tinangay rin ako kaya umakyat kami muli.
Nang sa kwarto niya na ay natigilan ako ng marahan niyang bitiwan ang kamay ko matapos halikan ang likuran ng palad ko, pigil ngiti ako dahil naniningkit ang mata ni Doctor Zai na nakatingin sa amin.
"Gagamutin kita sa harapan niya?" Turo ni Doctor Zai sa akin.
"She's married to me," tukoy ni Laze.
Nanlaki ang mata ko at nahihiyang umiwas tingin, "Ah 'yan yung dahilan kung bakit suspendido si Sandoval ng isang buwan.."
Na-suspend si prosecutor dahil sa ginawa niya na 'yon? "Really?" Sambit ni Laze.
"Oo, pero mukhang masaya naman siya dahil nag bakasyon pa sila ni Saji." Kwento nito kaya naman napalunok ako at naupo na lang sa isang gilid.
"Help me," tawag sa akin ni Doctor Zai kaya tumayo ako at lumapit.
"Sige, magpabasa ka pa ule sa tubig ulan. Bibiyakin ko na 'tong tagiliran mo." Banta ni doc kaya naman nakagat ko ang dila ng gupitin lang ni doc ang damit ni Laze na itim.
"Dumikit," padaing na sabi ni Laze.
"Tatay mo talaga nakakapikon, kaya ka namang gamutin aba'y ako na raw para may silbe ako sa lipunan." Napigilan ko ang pagbungisngis ng ikwento 'yon ni Doctor Zai.
"Hindi ba niya alam na sa taon kong 'to, tinatawag pa akong daddy ng isang high school student?"
"He's right Tito, your son calls you daddy right?" Ngumiwi si Doctor Zai sa sagot ni Laze.
"I mean ladies, and teens."
"Like Sierah?" Dagdag ni Laze.
"Don't speak, baka ibaon ko 'to sa ribs mo." Dahil doon ay natawa na ako at napailing na lang si Laze ngunit noong alisin ang bandage na nakatakip ay napaiwas tingin ako ng makita ang tahi ng malaking sugat ni Laze.
"What a fail stab, put some ointment after I removed the stitches, sayang abs kung may peklat." Napaiwas tingin ako lalo dahil doon.
He's not lying, but I still love Laze even if it's full of scars.
"How's Tita Lauren?" Kwestyon ni Laze, hindi ko kilala ang tinutukoy niya ngunit baka asawa ni Doctor Zai.
"She's good, beautiful and hot headed." Malambing man ang sagot ay hindi ko alam kung puri ba o pang-iinis 'yon kung maririnig.
Pagkatapos gamutin ni Laze ay napahiga siya ng deretso at tinakpan ang mukha, siguro ay masakit ng sobra dahil may pinahid bago takpan.
"Labas na ako," paalam ni Doctor Zai.
Nang makalabas ay nagmamadali akong kumuha ng pwede niyang suotin, at kulay black pa 'yon. Malaki naman yung shirt na nakuha ko kaya dahan-dahan ko siyang pinaupo.
"Ingat," paalala ko.
Nang maisuot sa kaniya ay inabot kami ng mahigit apat na minuto, nakakapagod pala mag-ingat. Tinitigan ko siyang nakahiga.
"What's your wish?" Natigilan ako at mas napatitig sa kaniya, "My wish? It's already granted. I wished your safety," matipid na sagot ko.
Ngumiti siya at tumango, "Thank you."
"Ba't ka magt-thank you ha, dapat naman talaga safe ka." Singhal ko ngunit mahina lang siyang tumawa.
Nang makapagpahinga siya ay niyaya ko na siyang bumaba dahil maya-maya magsisimula na ang noche buena.
Saradong sarado ang buong bahay, umalis na rin si Doctor Zai dahil babyahe pa siya papuntang Palawan.
Tahimik lang si Jami, panay tipa sa cellphone kaya nalingon niya ako nang mapansin na nakatitig ako sa kaniya.
"Nag-ask po si Kuya Yamato kung nasaan ka, sabi ko po kasama ka namin." Mabilis niyang sabi kaya tumango ako.
"Pakisabi nasira kasi yung cellphone ko dahil sa malakas na ulan," ngumiti siya at matipid na tumango.
Pagkatapos no'n ay masayang naghain ang lola ni Laze, "Sa new year doon tayo sa Palawan okay?" Suhestyon nito kaya hindi ako makasagot.
"Sure lola," sagot ni Laze at naupo na.
Sobrang dami ng handa, at nakahain sa hapag kainan, kakaunti lamang kami ngunit ang daming pagkain. May pork belly na mukhang na-letchon.
May iba't ibang uri pa at dalawang cake, "Sana sa susunod ay kasama natin ang kapatid mo anak." Hiling ng lola ni Laze.
"Makakasama naman natin sa new year mom, hindi niya rin kasi alam yung tungkol kay Laze." Hindi na ako gaano nag-focus sa pakikinig.
"Jami, tama na kaka-cellphone." Isang sita lamang ng mommy nila ay tumayo na si Jami at naupo sa katabi ng kuya niya.
Kumain na kami ng mga handa at hindi ko inaasahan na bahagya kaming mapaparami, natapos kaming kumain ng mga alas onse na.
Sandali pa kaming tumambay, napatitig naman ako sa mga regalo sa ilalim ng puno, nahihiya ako dahil wala akong gift kay Laze at sa iba pang myembro.
Pwede pa naman akong humabol bukas, ngunit hindi ko na ma-tansya kaya naman hiniram ko ang iPad ni Laze at nag-browse.
Habang nakaupo ay inaya niya akong umakyat kaya naman pagkapasok sa kwarto niya ay naupo ako sa dulo ng kama niya at umorder ng gifts for his family and my family na rin for delivery lahat.
I bought Laze a silver watch and sent it to this address. Nang mapansin ko ang oras ay napangiti ako nang sampung minuto na lang ang natitira at pasko na.
Naka-sandal naman si Laze sa headboard ng kama niya at nakapikit, hindi ko na muna siya inabala at nag-browse lang ako ng gift for myself.
Hanggang sa may kumalabit sa akin kaya nalingon ko si Laze ngunit nagulat ako ng may maliit na kahitang nakaharap sa mismong mukha ko.
Napanood ko ang pagbukas no'n ay kinabahan ako ng sobra, "L-Laze.." sambit ko sa kaniyang pangalan ngunit matipid siyang ngumiti.
"Merry Christmas," napakurap ako ng maraming beses at bahagyang napaharap sa kaniya, nakangiti ang labi niya ngunit punong puno ng sinseridad ang mga tingin.
Nang makita ko ang sing-sing na may bato o diamond sa gitna na naka-usli ay napatitig ako sa mga abo niyang mata.
"I want to stay with you for the rest of my life, Hakuna Miran." He stated, a serious tone in his voice made my heart flutter and flutter.
"I'm not being cheesy, or overreacted but I badly wanted to make you wear this ring as a sign of my love, and a promise to marry you whenever we wanted or felt to be tied to each other legally." His lips trembled because he's nervous.
His breathing was a little heavy, his eyes were dark gray and his pupils were dilated as it admires me so much.
I am speechless, and about to cry because of the overflowing happiness I feel.
"Take this as my gift for you," napakurap ako ng maraming beses.
"L-Laze," naiiyak kong sambit sa pangalan niya ngunit masaya siyang ngumiti.
"I am really nervous as I'm not a romantic person, and I'm afraid you might reject me even though we're married." He explains.
"I am not forcing you to marry me this instant, since we're still young and a lot of adventures are waiting for us." Natatarantang sabi niya pa, bahagya rin siyang napaayos ng upo.
"But I want to make you feel how much I love you by making you wear this ring, and I-I r-really wanted to marry you." Nahihiya siya ngunit sobrang saya ko sa inaasta niya ngayon.
Is he afraid I might say no?
Si Laze na 'yan, Jeremiah Laze.
Sino ako para humindi?
"S-So t-think wisely, Hakuna Miran, will you let me love you endlessly?" Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ako ngumiti.
"Please, love me endlessly." Bahagya pang nanlaki ang mata niya sa sagot ko ngunit ngumiti siya at masayang bumangon ng maayos ngunit napangiwi siya ng sumakit ang tahi niya.
"I-Ingat." Paalala ko, muli siyang ngumiti at inalis ang sing-sing sa kahita at isinuot 'yon sa akin.
"I'll show you how deep my affection and make you feel it," napalunok ako ng hapitin niya ako sa bewang upang bahagyang mapalapit sa kaniya.
Hindi ko maalis sa mga mata niya ang tingin ngunit, awtomatikong bumaba ang mga mata ko sa kaniyang labi nang alalayan niya ang batok ko upang tumingala ng bahagya.
Nagkatitigan muna kami bago siya matunog na ngumisi at tsaka ko naramdaman ang mariing paghalik niya sa labi ko hanggang sa pag-siil niya rito.
Napakapit ako sa kaniyang balikat noong salitan niyang siilin ang labi ko sa mariin at bahagyang mabilis na pamamaraan.
Ang puso ko ay mabilis na tumibok, nang mas laliman niya ang halik. Bagay na ngayong beses niya lamang ipinaranas.
Habang mas lumalalim ang paghalik niya ay tila nagawa kong sundan ang pag-galaw ng labi niya dahilan para tularan ko 'yon upang maging tugon, ngunit mabilis akong napayuko sa balikat niya ng bumukas ang pinto.
"Oh my god! I'm sorry anak!" Ang tinig ng mommy niya ay nagbigay ng matinding kahihiyan sa akin, napalunok ako ay napapakurap dahil sa init ng pisngi ko.
"How I wish, I locked the goddamn door." Mahinang bulong niya kaya naman napalunok ako at pinigilang mangiti lalo na nang hayaan niya akong magtago sa balikat niya na bahagyang nakayuko.
He's so annoyed because it was interrupted, right?
///
@/n: Advance Happy New Year! Stay safe every one and stay tuned! Thank you for your endless support, love lots! ❤️😭
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top