Chapter 75
Chapter 75:
Hakuna Miran's Point of View.
Naalimpungatan ako nang marinig na ang mga boses nila sa labas, halo halo. Inayos ko ang sarili, ngunit habang naliligo ay halos mapalunok ako nang maalala ang ginawa kagabi!
Oh my goodness!
"Sige lang! Sandal kana at huwag mong pipigilan, iiyak mo na ang lahat sa langit, iiyak mo na ang lahat sa akin!" Pagkalabas ko ng kwarto ay may hawak na gitara si Jem at kumakanta habang katabi si Terry na napapailing na lang.
"Parang gago Jeremy." Natatawang sita ni Crizel.
"Sige lang, sandal ka na at 'wag mong pipigilan, iiyak mo na ang lahat sa langit, iiyak mo na ang lahat sa akin!" Nakagat ko ang ibabang labi pinipigilang matawa.
Nang makita ako ni Terry ay natawa ako, "Ginagago ba ako nito?" Pabulong niyang tanong kaya mas natawa ako.
"Hayaan mo lang," sagot ko.
Hinanap naman ng mata ko kaagad si Laze, "Hinahanap mo si Laze?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Crizel sa gilid ko kaya tumango ako.
"Ewan, maaga siya umalis." Sagot niya pa at inayos ang suot niyang t-shirt.
"Gago mare, blackout ako kagabi. Buti nakalakad ka pa hanggang kwarto mo?" Tanong ni Crizel kaya nag-init ang pisngi ko.
"Hinatid ako ni Laze," mahina kong sagot.
"Ay wow." Bulong niya.
"Kayo ha, ano ginawa niyo?" Naningkit ang mata niya kaya umiling ako.
"Anong gagawin namin? Sasayaw?" Ngiwing sabi ko.
"Sa kama?" Nanlaki ang mata ko at malakas siyang hinampas dahilan para matawa siya at lumayo sa akin.
"Jem tama na 'yan, baka sapakin ka na ni Terry." Natatawang suhestyon ni Crizel at naupo.
Dahil doon ay umuwi muna kami ni Crizel at Jem sa bahay, naiwan na si Terry sa rest house dahil baka bumalik rin sila Ruri at Carl ngayon dahil may pasok bukas.
Pagkauwi ko ay tumakbo pababa si Yamato, "Hindi ako pinalalabas ate, okay ka lang?" Pangangamusta niya at tinignan ang mga pasa at sugat ko.
"Mga lason talaga 'yon." Inis niyang sabi.
"Bakit hindi ka nakakalabas?" Nagtatakang tanong ko.
"Dad forbid me since he's treating me as a kid, just like you but letting Ate Janella go out." Mahina akong natawa.
"Hindi rin ako nakakalabas ng walang kasama." Sambit ko.
"Mga Bautista na 'yan, akala ba nila maganda ginagawa nila." He rants which made me smile, nang makita sila mama at dad ay nagmano ako.
"Kumusta ang kalagayan mo anak?" Lumapit si mama kaya ngumiti ako at sinabi na maayos lang ako, hinarap ko naman si lolo na tahimik lang na nakatayo.
Sandali kaming nag-usap hanggang sa pagpahingain na ako sa itaas sa kwarto ko.
Habang tumitingin sa social medias ko ay natigilan ako nang makita ang story ni Laze on his IG.
Pinindot ko 'yon, tsaka ko nakita ang isang yate at nandoon nga siya kasama ang magulang at kapatid niya na si Jami.
Kailan kaya siya babalik?
Kinagabihan ay bumalik na kami sa rest house ngunit hindi pa rin umuuwi at nakakabalik si Laze kung kaya't medyo down ako.
Hindi ko ba siya makikita ngayong araw?
I viewed his stories again but I think they're having fun right now and he's not going home tonight.
Early in the morning, I got myself ready but he notified Jem that he can't go back yet until next week.
Paano na ako niyan?
At katulad ng sinabi niya ay ganoon ang nangyari, magpipitong araw na ay hindi pa rin siya nakakabalik. "Bakit kasi ako gagawa niyan? Tambak na nga ako ako pa hahandle niyan." Inis na sabi ko at ibinaba ang mahigit anim na blueprint.
"Ako na lang sana naging boss niyo kung ako rin lang gagawa lahat." Tumahimik silang lahat, kahit si Crizel ay napapakamot sa kaniyang ulo.
"G-Gumanti ka na lang mare pagkabalik-"
"Anong araw na oh, kailan ba siya babalik? Yung trabaho niya iniwan niya rito." Singhal ko pa, umiinit ang ulo ko idagdag na natin yung pressure na ako ang naging head of the construction ngayon.
"One week, yung one week niya lalagpas pa." Kinuha ko ang white board market at tsaka ko isinulat ang plano.
Ngunit nang muling bumalik yung manager ng construction ay inis na lang akong napaupo sa gitna. "What again?" Kwestyon ko.
"Architect, kulang kasi yung nasa interior. Tapos kulang din yung materyales." Nasapo ko ang noo.
"Isulat niyo yung kulang, ibigay niyo kay Architect Gonzales." Turo ko kay Crizel.
"O-Okay po architect," nahihiyang sagot no'n at muling lumabas.
Nang tumunog ang cellphone ko ay natignan ko kaagad 'yon, nang makita ko ang pangalan niya ay kumabog ng malakas ang dibdib ko at tsaka ako napatingin sa mga kasama na pinanonood ako.
Pinigilan ko ang kaba at sinagot 'yon, "Architect Lapiz?" Huminga ako ng malalim.
"Architect Garcia, when will you be back?" Pilit kong tinarayan ang boses, napatingin sa akin si Crizel.
"Let's just exchange positions na lang kaya?" Sarkastikang sabi ko, hindi siya gaano nagsalita at naririnig ko ang background niya.
"What do you mean positions? Ikaw rito, ako diyan?" He guessed that it made me roll my eyes.
"The next time you notify me late that you'll be on a vacation, without leaving your proper blueprint papalitan ko na yung pwesto mo, malinaw?" Tumikhim siya.
"Nagpaalam ako sa kumpanya, they can't even say no." He said, I rolled my eyes again.
"Oh pumayag nga sila, pero ako naman gumagawa lahat ng trabaho mo rito? May trial pa ako tomorrow." Inis na sabi ko.
"The construction is pressuring me to pass the blueprints ngayon mismo, kulang yung materials, may problema pa sa design." Nasapo ko ang noo at tsaka huminga ng malalim.
"Handle it calmly," mahinahon niyang sabi.
"Umuwi ka na kaya?" Inis na sumbat ko.
"Nasaan ka ba?" Sumbat ko nang panay marinig ko ay boses ng mga babae.
"In the middle of the sea." Sa kaniyang sagot ay ngumiwi ako.
"Mr.Garcia, ready na yung room. Hihintayin na lang kita doon." Napaayos ako ng upo nang marinig yung mahinhin na boses ng babae.
Bakit may ganoon?
Anong gagawin nila sa kwarto? Bakit siya hihintayin ng babae doon?
"Okay, I'll go down after I take this call." Rinig ko pa sa kabilang linya kaya inis kong pinatay ang tawag.
"Hindi pa siya makakauwi," iritableng sabi ko at tsaka ko kinuha ang blueprint at pumasok sa kwarto ko.
Kinagabihan ay lumabas ako at tapos ko na yung lahat ng blueprint na kailangan kaya naman lumabas ako ng mismong rest house at naglakad papunta sa site.
So I could explain how and what will they do first, idinikit ko 'yon sa mismong white board sa labas ng site matapos ko silang tipunin.
Matapos i-explain ay huminga ako ng malalim, "Okay na architect, naintindihan na namin." Matipid akong ngumiti at tumango na.
"Kumain na po kayo gabihan," paalala ko.
"Salamat ma'am."
Bumalik na ako sa loob ng rest house, nakita ko naman na busy rin sila sa ginagawa kaya kumuha ako ng maiinom sa ref. Nang makakita ng beer na in can ay kukunin ko sana ngunit may umawat sa kamay ko.
Nalingon ko siya at agaran akong natigilan ng makita si Laze, matutuwa na sana ako ngunit naalala ko ang narinig sa kabilang linya kanina.
"Buti umuwi ka pa?" Sumbat ko at kinuha na lang yung juice na naka-packets tsaka ako umabot ng straw.
"Hmm, yeah?" Tugon niya.
"Someone's getting mad, so I have to go home." Napalunok ako at natitigan siya, mukhang kadarating niya lang talaga dahil naka-itim na pantalon pa siya at itim na buttons up long sleeve polo.
Naka-black leather shoes at naka-belt pa nga eh. "Are you mad?" Naitikom ko ang bibig at tsaka ako ngumiwi at uminom na lang.
"Maligo ka na, ang baho mo." Inis na sabi ko that made his eyes widened, parang hindi niya tanggap.
"Do I?" He smelled his shirt, but I was just lying.
"I took a bath before going home," mahinang sabi niya sa sarili niya at tsaka tumalikod na pumasok sa kwarto niya ngunit agaran lang siyang napatigil ng makita si Terry sa loob.
"You're still here?" Hindi makapaniwalang sabi ni Laze, halatang dismayado.
"You can use my bathroom, sa labas na ako maliligo." Seryosong sabi ni Laze kaya napailing ako at pumunta sa sala sa kung saan nandoon sila at gumuguhit.
Bumalik ako sa kwarto ko upang ayusin rin ang mga kailangan ko, at ang dadalhin ko sa trial bukas. Ibibigay ko rin kay prosecutor yung evidence na nakuha ko sa condo ni Terry yung conversation ng kapatid at mommy niya.
Matapos ko i-organize 'yon ay lumabas ako noong makaramdam ng gutom, hindi pa man din kami kumakain.
"Gutom na ba kayo?" Kwestyon ko.
"Hindi pa," sagot ni Jem.
"Kumain kami ng sopas kanina," natatawang sabi ni Jem kaya ngumiwi ako, hindi ko alam bakit siya natatawa eh.
Pumunta ako sa kusina at naghanda, simple lang dahil kumain na pala sila kanina. "Lutuan ko na ba kayo?" Tanong ko.
Napalingon naman ako sa banyo nang may marinig akong nalaglag, ang banyo kasi ay malapit lang sa kusina at dining nasa katapat lang.
Nakaharap ako sa banyo ngayon dahil naghihiwa ako ng ingredients ngunit nagtaka talaga ako ng may maingay sa banyo.
Ano ba ginagawa niya sa loob? Chinese garter? Patintero?
Iniiwas ko na ang tingin doon, hanggang sa may malakas na tunog at sunod ay ang pagbukas ng pinto ng banyo dahilan para manlaki ang mata kong tignan si Laze na nakatalikod sa gawi ko at hawak ang door knob.
Ano nangyari?
He's only wearing his bathrobe, parang nagmadali lumabas ng banyo, sampung minutos pa lang siya napano siya?
Hawak niya pa ang towel sa isang kamay, "Ano nangyari?" Tanong ni Jem.
"Nothing," sagot ni Laze at inayos pa ang pagkakatali ng bathrobe niya habang nakatalikod ang katawan sa akin, nang maglakad siya ay napalunok ako ng sumilip ang basa niya pang dibdib.
Yung parang mas makinis pa yung dibdib na 'yon kesa sa pisngi ko.
Nagtama ang mata namin ngunit nang dumapo sa labi niya ang mata ko ay napaiwas tingin ako dahil nag-init ang pisngi ko, basa pa kasi 'yon.
Makasalanang utak.
I focused on cutting the ingredients and then turned my back on him, I started cooking my food. Ngunit natigilan ako at muli siyang nalingon na naka-bathrobe pa rin habang nag-aabang sa tapat ng kwarto niya.
"Are you done?!" He yelled outside his room.
"Come out for a bit, I'll just change." Humakbang ako pasilip dahilan para nagtataka niya akong malingon ngunit napatingin ako sa paa niya at halos mapalunok ako nang makita ang handmade gift ko sa kaniya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko, he's not wearing it on his wrist but he's been hiding it on his ankle.
This man!
Nang tignan niya ako ay napansin ko na iniiwas niya ang tingin noong malaman niya na alam ko na, pigil ngiti akong tinalikuran siya gusto kong tumalon at tumili ngunit masyado na pag ganoon.
Hindi ko na mapigilan ang ngiti habang nagluluto ako, hanggang sa biglang may tumusok sa tagiliran ko at agad kong tinaasan ng kilay si Crizel.
"Wow, nasa cooking show ka ba mare? Nakangiti habang nagluluto ah." Asar niya kaya natawa ako.
"Baka hindi masarap pag 'di nakangiti eh." Pagdadahilan ko.
"Kayo na ba ni Laze?" Biglang tanong niya kaya ngumuso ako at napailing.
"Ayan, kung nilapa mo ng siya nanghahabol." Umirap na lang ako at inayos ang patapos ko ng niluluto.
After that dahil for three naman yung food ay kumuha si Crizel para raw habang inaayos niya yung data ng lugar ay kumakain siya.
Naupo ako sa harapan ng dining, tapos kumain hanggang sa lumabas si Laze ng kwarto at natigilan ako noong maupo siya sa harapan ko.
"Hindi ka pa kumakain?" Tanong ko, umiling naman siya.
"You asked me back, do I have the time to eat?" He sarcastically asked. Tumahimik ako at pilit pinipigilan ang ngiti sa kaniyang harapan.
"Nahiya ka pa, dapat sinulit mo na. Nagalit na ako, plus na-stress na ako sa works na iniwan mo." Pagsusungit ko kuno.
"Nag-stay ka na lang sana sa kwarto na 'yon, hinintay ka niya eh." Sinulyapan ko ang mukha niya ngunit magkalapat ang labi niya'y inayos niya pa ang buhok niya na medyo basa pa.
"What do you mean?" He asked, confused.
"Yung kasama mo sa gitna ng dagat, yung tumawag sa'yo na nakahanda na yung kwarto at hihintayin ka niya." Nangunot ang noo niya, inisip 'yon at tsaka siya napatingin muli sa akin.
"Ah that.." Pabulong niyang sabi kaya ngumiwi ako pasimple at kumain na lang.
"She really waited me in my room," mahinang sabi niya kaya huminga ako ng malalim.
"Gagawin niyo naman doon..." bulong na sabi ko muli sa sarili at kumain.
"Are you mad because of that?" Natignan ko kaagad ang abo niyang mata at maraming beses na umiling iling.
"B-Bakit naman ako magagalit," mahinang sabi ko pa.
"Don't tell me you're thinking bad of me?" Nanlaki ang mata ko at umiling iling.
"Unlike you Hakuna Miran, I don't kiss-" natigilan siya nang masamid ako.
Bakit ba kasi bigla niyang pinaalala!?
"You kissed me back, so does that mean you like me back?" Ganting sumbat ko na ikinatikom ng bibig niya ngunit noong ngumisi siya ay kumabog ang dibdib ko.
"A man can always kiss back, gusto man o ayaw niya sa tao." Napalunok ako.
"I'm influenced by alcohol, maybe that's one of the reasons why?" Tinitigan ko siya tsaka ako umiwas tingin.
"Sige.." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ang sandaling 'yon, he resisted me a lot yet kahit na ganoon hindi niya pa rin ako na-resist edi may chance.
"So if another woman kisses you, you'll kiss back because you're single?" Natigilan siya, hindi na alam ang isasagot kaya ngumisi ako.
"You were swayed by me," itinuro ko siya ngunit mabilis niyang hinuli ang hintuturo ko at ibinaba 'yon.
"Pointing someone is not a good habit," dahan dahan niya pang ibinaba ang hintuturo ko kaya napanguso ako at kumain na lang.
Habang kumakain ay natigilan ako noong may mag-bell at kumatok sa entrance. "Ako na," tatayo na sana ako pero tumayo si Laze at lumapit doon.
Ngunit nang makita ang police ay natigilan ako, tumayo ako kaagad at lumapit doon. "Kailangan niyo po akong arestuhin ulit?" Kwestyon ko.
Natigilan yung police at mabilis na tumikhim at umiling, "Hindi ma'am, nandito po ba si Terry Bautista?" Napalunok ako at natignan si Laze.
"Yes officer," sagot ko.
"Pwede ba namin siyang maimbitahah sa presinto, regarding sa ibinigay niyang statement laban sa ina at kapatid niya, kailangan nilang kwestyunin ngayon dahil sa isinagot ng ina at kapatid niya." Nahirapan pang i-explain yung sasabihin ng officer kaya tinawag ni Laze si Terry.
"S-Sasama ako." Mahinang sabi ko, "Kasal pa din naman tayo sa papel Terry, mas maayos ng may kasama ka." Mahinahon na sabi ko, mabuti ng alam namin kung tuwid ba talaga.
"Wait for me, I'll get my car keys." Biglang sabi ni Laze at pumasok sa kwarto niya, nang kunin si Terry ay mabilis kong pinigilan 'yon.
Natitigan niya ako tsaka siya malungkot na tumitig sa akin, "My mom would not admit my statement and pin me Miran, I expected this already." Hinawakan ko siya sa kamay.
"Stay strong okay? Nandito pa rin ako." Ngumiti siya.
"Salamat," nang makabalik si Laze ay napalunok ako ng dumaan siya sa pagitan namin dahilan para magkahiwalay ang kamay namin na magkahawak.
Umawang ang labi ko, ngunit napangisi si Terry. "See you there, my wife-"
"Enough with the bluff, let's go." Halos mahigit ko ang sarili sa gulat noong tangayin na ako ni Laze papunta sa kotse niya.
A while ago..
Sobrang sama ng tingin ko sa mommy ni Terry, pati na sa kapatid niya. "Wala talaga kayong kinakanti? Ididiin mo talaga yung anak mo sa lahat ng pagkakamali mo?" Gigil na sabi ko after hearing her statements.
"Hindi ka naniniwala na si Terry talaga ang may gawa-"
"You're a liar, paano ako maniniwala gayung you pinned me and then now you'll say that Terry was behind this?" Galit kong sumbat.
"Para kang carousel, paikot ikot ka sa mga kasinungalingan mo. Bata lang ang matutuwa at maniniwala sa sinasabi mo." Ngumisi ito sa akin, ngunit agaran niyang binawi 'yon matapos bumalik yung police.
"Anak mo 'yon si Terry, hahayaan mo talaga siyang makulong para lang mailigtas yung sarili mo ha?!" Inis kong hinampas yung mesa na nasa pagitan namin.
Tila mangiyak ngiyak ko siyang sinamaan ng tingin, "Gagawin mong kriminal yung anak mo, matapos mo siyang saktan? Woah." I unbelievably said.
"Demonyo ka nga talag-"
"Naniniwala ka kay Terry? Na malinis ang intensyon niya? Bakit biglang nagbago yung treatment niya sa'yo after hearing about Alyssa?" Natigilan ako sa sinabi niya.
"Don't manipulate someone's mind, you're obviously the suspect." Mariing sabi ni Laze, "You have a criminal attitude," Laze added and smirked.
"I've been facing criminals since I was a child and you're no different from them." Napatitig ako kay Laze sa sinabi niya, "Let's just wait and see who'll get arrested next time." He rudely stated, smirks were plastered on his face.
"Hintayin natin ang abogado ng bawat panig," paalala ng police na nagbabantay sa amin ngayon.
Oh Ginang Bautista, kay sarap mong sabunutan at panutin.
Pinagkrus ko ang braso at inirapan sila, maya-maya ay inilabas na nila si Terry sa pinagkulungan sa kaniya.
Ngayong kaharap namin ang mama at kapatid niya ay pinili kong tumayo muna upang makapag-usap sila, nasa labas lang kami ng investigation room.
Ngunit bukas ang pinto kaya naman sumandal lang ako sa gilid, "Okay ka lang?" Natanong ko bigla kay Laze na tahimik.
"Hmm, I am just glad." He fixed his shirt and patted the wall before resting his back that made me smile.
"Glad about what?" Kwestyon ko.
"Because I don't have a mom, like her. My mom may not be the kindest of all moms but she's the best for me." Mahinang kwento niya.
"She's the type of mom who'll choose me over herself in what situation, she even risked her life just to have me." Noong lingunin niya ako ay nginitian ko siya.
Napatango tango ako, "You're blessed."
I was about to talk but then we heard the conversation inside the investigation room, "Mom, why are you doing this to me? I'm your son." Terry's voice cracked and somehow I knew how hurt he was.
"What are you even talking about, you are the one who bought the drug." Salbahe na sagot ng mommy niya.
"Tina, you know that mom asked me to buy that right?"
"Mom, don't do this to me. P-Please.." Napalunok ako noong maawa sa pakiusap ni Terry.
"Wala akong kasalanan mom."
"I just want you to surrender now and pay for your sins, just do it for me mom?" Nakagat ko ang ibabang labi, hindi kinakaya ang pagmamakaawa ni Terry sa sariling ina.
"You want to go out?" Anyaya ko, sinenyas ang labas.
Tumango naman siya kaya sabay kaming naglakad palabas, siguro nga'y sanay siyang nakapamulsa ang isang kamay niya sa suot niya. We're just wearing pambahay.
"Laze, kutsinta ka ba?" Nakatingala ako sa kaniya ngayon dahil gusto kong panoorin ang mukha niya.
"Kutsinta? What is that?" Pinigilan kong matawa sa isasagot, "Yung delicacy, yung kasama ng puto." Nangunot ang noo niya at nagkibit balikat-
"Sabihin mo na lang kasi bakit," inis na bulong ko.
"Bakit?" He asked, scratching the side of his forehead.
"Kasi parang labi mo 'yon." Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ko naiiwas ang tingin, "Labi?" Naguguluhan niyang tanong.
"Malambot at matamis.." Pabulong na sabi ko, nang tignan ko siya ay hindi niya ako makapaniwalang tinignan tsaka siya umiling iling.
"Cheesy."
"Kutsinta ka ba?" Sa balik niyang sabi ay nangunot ang noo ko, ganoon rin ba sasabihin niya?
"Bakit?" Tanong ko.
"Kasi tulad ng kutsinta hindi pa rin marunong humalik," nanlaki ang mata ko at awtomatikong nag-init ang pisngi. Sinamaan ko siya ng tingin, "Wow, flattered ako ha." Dismayadong sabi ko.
"Marunong lang magpahalik.." sa muling dinagdag niya ay nahampas ko siya sa bandang likod, ngumisi siya.
"At least matamis at malambot?" Sumbat ko na ikina-kibit ng kaniyang balikat.
Nonsense, 'di na sana ako bumanat kung lalaitin niya lang rin ang paghalik ko.
Pagkabalik namin sa loob ay mag-isa na lang ni Terry sa investigation room, "My mom won't admit it, Miran." Nalulungkot niyang sabi.
Deretsong nakatingin sa mga kamay niyang naka-posas.
"L-Let's get you out of here okay?" Tinitigan niya ako tsaka siya bumuntong hininga.
"H-Hindi na, kung hindi mapaparusahan yung mom ko kahit ako na lang. B-Baka sakaling maisip niyang anak niya ako," nakagat ko ang ibabang labi at bumuntong hininga.
Napansin ko ang pagpigil niya sa nagbabadyang luha, "Your mom should pay for her sins, hindi ikaw. Magaling na abogado yung tito niya, I'm sure makakalabas ka rito." Pagkumbinsi ko.
Matipid siyang ngumiti, "I'm okay. You can go home and take a rest." Kalmadong sabi niya kaya tinignan ko kaagad si Laze na nagulat sa pagtingin ko sa kaniya bago siya tumango at magtipa sa cellphone niya.
"Makakalabas ka dito, huwag ka na mag-alala." Tinitigan ako ni Terry, ngunit natigilan ako sa pag-abot niya sa pisngi ko.
"You should start not to care, or else it'll be hard for me to forget my feelings for you." Ngumiti siya at tsaka bahagyang dumistansya.
"Ang mahalaga ako na yung nandito at hindi ikaw, hindi ka na matatakot dahil hindi ka na nila kukunin." Nang isipin niya pa rin ang kalagayan ko ay may parte sa puso ko ang naawa sa kaniya.
Alam ko namang mahal ko si Laze, ngunit pakiramdam ko ay nasasaktan ko ang isang kaibigan dahilan para mas maging mahirap para sa akin.
Sana ay hindi na siya gaano pahirapan ng tadhana, dahil nasubukan ko na rin ang mapagod ngunit wala kang magawa kundi tanggapin ang nakatakda sa'yo.
///
"We should just part ways, now it became more complicated and hard for us."
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top