Chapter 74

Chapter 74:

Hakuna Miran's Point of View.

Umawang ang labi ko dahil nahirapan akong huminga ng sobra, I cupped my face and wiped my tears. Lips were trembling and couldn't be stopped.

"I'm so sorry Miran, h-hindi ko sinasadya." Nanatili siyang nakaluhod at pilit kinukuha ang kamay ko ngunit hirap na hirap akong tumayo at napalayo sa kaniya.

"M-Miran—" his voice cracked but I couldn't comfort him this time, I was also devastated.

"I-I d-don't blame you, but I can't stand you b-being in front of me Terry." Umatras ako at ang nanghihina kong tuhod ay bumigay ng makalayo ako ng ilang hakbang sa kaniya.

May humawak sa braso ko dahilan para sunod sunod akong humikbi at tingalain si Laze, hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "T-Take me out of here," umiiling iling na sabi ko.

Ilang segundo niya akong tinignan bago siya tumango at alalayan ako, he grabbed his keys while holding my arms.

Nang makalabas ng rest house ay hindi ko matigil sa pag-iyak kung kaya't nang titigan niya ako ay peke akong tumawa.

"I-I blamed myself that far, even sacrificed my own happiness because I thought it was my fault." Nakagat ko ang ibabang labi ay nasapo ang mukha nang maunawaan ang lahat ng nawala sa akin.

"A-Ang gago nila." Sininok pa ako matapos sabihin 'yon.

"Hmm." Tugon niya lang.

"Where do you want to go?" Kalmado ang boses niya kaya tinignan ko siyang humihikbi at may luha pa sa mata.

"Sa bar," sagot ko.

"Okay, ayoko doon." Umawang ang labi ko sa naging tugon niya.

"T-Tinanong mo pa ako," nakalabing sagot ko.

Kinuha niyang muli ang braso ko at dinala ako sa sasakyan niya, nang makasakay ay nag-suot ako ng seatbelt.

Naupo ako sa sasakyan niya at pasimple kong inangat ang talampakan ko sa upuan at pinatong ang baba ko sa tuhod ko.

Tahimik kaming bumyahe, "You want fresh air?" He asked, I nod as an answer he lowered the window panes and I glanced, nilipad ang buhok ko kung kaya't sumandal ako at pumikit.

Napansin ko naman ang pagbagal ng sasakyan niya, mas lumalakas ang hangin at pakiramdam ko kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Nang sandaling tumigil kami ay nangunot ang noo ko nang nasa itaas kami, dahil kita ko ang mga city lights at ang daan pati na ang ibang buildings.

Sa dulo ng tila isang bangin ay may dobleng railings kung kaya't hindi ka dederetso sa ibaba kung sakaling magkamali ka.

Bumaba ako at huminga ng malalim nang makababa sa sasakyan niya. "Laze," mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

"Maybe this is my karma from hurting you, 'no?" Natigilan siya at nilingon ako tapos ay humawak sa railings.

"Bakit ka maka-karma?" Sumbat niya.

"You never cheated on me, just cheated with me." He joked and chuckled.

"Why do I always pick the wrong choice? I should've picked you from the start." Pinagkrus ni Laze ang braso.

"Am I that good looking because you're regretting?" He asked, I know that he's showing off his looks but it's always a fact for him, he's telling the truth.

"You are really good looking," seryosong sabi ko. "But you're the only one I'm pushing away because you're giving all your everything, it's not a bad thing for me but it is for you." Umiwas tingin siya.

"That's how I am devoted to the woman I love, Hakuna Miran. But what will happen now that it's not you anymore?" Natigilan ako sa deretsong sinabi niya.

Grabe naman kadulas ang bibig nito, ang sakit magsalita ha.

"I-Ikaw, masyado ka na ha." Tumikhim siya at umiwas tingin, "Alam ko naman na sumobra rin ako noon, kaya sige lang Laze." Seryosong sabi ko.

"Hindi naman ako gumaganti, I am just being truthful." Tumahimik lang ako at idinantay ang siko ko sa railings.

Hindi na ako nagsalita pa at nanatili sa puwesto ko, umupo na ako sa damuhan ng mapagod.

"Are you mad at Terry?" He asked, hindi siya naupo directly. Oo nga pala, hindi siya yung uri ng tao na mauupo kahit saan, nang lasing lang siya.

Napigilan ko ang tawa ng maalala ang hitsura niya no'n, "Naalala mo ba noong lasing ka? Humalandusay ka sa parking lot." Natigilan siya at huminga ng malalim.

"Huwag mo na ituloy," mahinang sabi niya kaya nakagat ko ang ibabang labi.

"Tapos pinasundo kita kay Jem, pero niyakap mo ako. Hindi ka ba nahihiya?" Nagbabakasakaling tanong ko.

"Am I that drunk?" He asked.

"Oo kaya, ayaw mo sa dumi pero first time naupo ka sa semento sa parking lot." Taas kilay kong sagot, "Huwag mo na itanggi." Umiwas tingin lang siya.

"Yakap lang naman, not a big deal." Mahinang sabi niya pa kaya ngumiti ako, "Gusto mo pa ako no'n 'no?" Pangungutya ko.

"Maybe," he stated.

He was calmly staring at the city lights so I closed my mouth and stared at the city lights.

After I settle down, tumayo na ako. "Tara na," anyaya ko.

"Uuwi na?" He asked, he pocketed his hand on the slack he's wearing and stood straight.

"I need to face him, he's a witness after all," Laze nodded and agreed with what I said. Pagkasakay sa sasakyan niya ay sumandal ako at inilagay na ang seat belt ko.

Nang makarating sa rest house ay nakita ko si Terry na nakaupo kaharap si Jem at Crizel. Nang makita niya ako ay tumayo siya kaagad.

"Can we talk?" He asked, tumango ako at sinenyas ang kwarto ko ngunit natigilan ako ng hawakan ni Laze ang pulsuhan ko.

"B-Bakit?"

"Bakit sa kwarto pa?" Kwestyon niya kaya napigilan ko ang pag-guhit ng ngiti sa labi ko.

Napatikhim naman si Jem at Crizel sa tinanong ni Laze, "It doesn't mean anything, I just asked." He defended himself.

"Kasal naman sila architect, wala sigurong bawal?" Dagdag asar ni Crizel kaya pasimple kong binasa ang labi ko at huminga ng malalim.

"Privacy lang?" Sagot ko.

"Okay, sure. Tinanong ko lang." Paglilinaw niya pa lalo, at tsaka ibinulsa na ang kamay niya.

Pinigilan kong ngumisi at tsaka sinenyasan si Terry, isinarado ko 'yon kaya naman nang makaharap si Terry ay nahihiya siyang umiwas tingin.

"Hindi ako galit sa'yo," mahinahon kong sabi.

"Pero anong desisyon mo? Will you be a witness or will you just turn a blind eye on what happened?" Mahinahon na tanong ko, sasagot na sana siya ngunit biglang may kumatok sa kwarto.

Kaya binuksan ko 'yon natigilan ako ng makita si Laze, "Your blueprint, I'll start the construction." Napalunok ako at kinuha kaagad ang nakatabi na blueprint.

"Ito," sambit ko.

"Okay." Tumango ako at dahan dahan na isinarado ang pinto.

Nang harapin si Terry ay nakaupo na siya sa dulo ng kama ko. "Of course I'll go with the right choice. Kahit mahirap dahil pamilya ko ang kakalabanin ko," kalmadong sabi niya.

"Will you be okay with that?" I asked.

"Huwag mo na ako isipin, ang mahalaga maituwid ko ang pagkakamali nila." Tumango ako at tsaka naupo sa gilid, "Thank you for not getting mad at me, and I'm sorry if my family hurt you a lot." Hindi na ako umimik at tsaka huminga ng malalim.

Natigilan ako ng kunin niya ang kamay ko, tinitigan ko siya at pinanood sa gagawin niya ngunit nangunot ang noo ko ng kuhanan niya ng litrato 'yon.

"What is that for?" Mahinahon kong tanong.

Ngumiti siya at nanatiling hawak ang kamay ko, ngunit natigilan ako nang dahan dahan niyang alisin ang sing sing na suot ko.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga labi niyang nakangiti ngunit ang malungkot niyang mga mata ay pinanood ang pag-alis ng sing sing na 'yon.

"Be happy Hakuna Miran," dahan dahan niyang ibinaba ang kamay ko matapos sabihin 'yon, itinago niya na sa bulsa niya ang sing sing tapos ay inayos ang buhok ko.

"Naging masaya ako kahit na ganoon ang nangyari, ngayon ko natutunan na ang pagmamahal hindi kailangan may kapalit para mahalin mo ng tama yung isang tao."  Napakurap ako, naitikom ko ang bibig sa kaniyang sinabi.

"You should love someone without any conditions, because if you love someone unconditionally it won't be regretful." He stated, wala akong masabi.

I feel sorry for him, because he has to experience all of this.

"I didn't regret meeting you, I was grateful to meet you Miran." As he widened his arms, I hugged him.

"Thank you for being this kind Terry, I didn't e-expect this but I'm also grateful." I tapped his back three times and stood up.

"Stay here for a while, pinababantayan ng mommy mo yung condo mo." Tumango siya bilang sagot, "I will, thanks."

Tumayo na kami at inanyayaan ko na siya lumabas, dahil ayoko namang iba ang isipin ni Laze baka mas magkaroon pa siya ng dahilan para i-hate ako.

"Luto na ako dinner," paalam ni Crizel sa amin kaya naman naupo muna ako sa sofa at binuksan ang tv.

"Doon ka na sa room ni Jem tumuloy—"

"I got the smallest room," Jem stated kaya naman natigilan ako at tinignan si Terry na bahagya pang napalunok.

"Syempre bawal siya sa room ko kasi bukod sa babae ako may sampay pang mga undergarments doon." Huminga ako ng malalim, sakto namang kababalik lang ni Laze galing site.

"Anong gusto niyo sa kwarto ko na lang kasi kasal naman kami?" Kwestyon ko, napaubo si Terry at tsaka umayos ng upo.

"Osige—"

"What's the problem here?" Laze asked.

"Oo nga pala architect, you got the biggest room 'di ba? Magtabi na lang kayo ni Terry—"

"No way." Sagot ni Laze.

"We both know we hate each other right?" Tukoy ni Laze na ikinatahimik lalo ni Terry.

"No worries Terry, sa kwarto ko na lang." Inis na sabi ko.

"Architect Garcia, papayag ka no'n?" Tanong ni Crizel.

"Fine, you can stay in my room but don't lay a finger on my things." Pumasok na si Laze ng kwarto niya kaya napangisi ako.

Matapos gumawa ni Crizel ng dinner ay kumpleto kaming kumain, tahimik man ngunit masarap rin magluto si Crizel.

Pagkatapos kumain ng gabihan ay naligo si Laze sa banyo sa labas ng kwarto niya, sakto namang tapos na ako maligo kaya lumabas ako sa sala.

Tumayo ako nang makaramdam ng uhaw hanggang sa lumabas si Laze sa banyo nang naka-checkered pajamas at white shirt.

Natigilan kaming dalawa ng magkaharap, napalunok ako at nag-init ng husto ang pisngi ko ng matigil rin siya sa pagpapatuyo ng kaniyang buhok.

Umiwas tingin ako at nagmamadaling kumuha ng tubig sa kusina, habang umiinom ay naubos ko ang isang baso ngunit halos matuod ako sa kinatatayuan nang maamoy ko siya ng malapitan dahil kumuha siya ng baso at nasa likuran ko lang siya.

Shit!

Kumalma ka Miran, huwag ka masyadong magmukhang patay na patay okay?

Ibinaba ko ng maayos ang baso at humarap sa gawi niya ngunit natigilan rin siya nang sa pagharap ko ay nakaharap niya ako.

Bahagya siyang umatras kaya nagmamadali akong dumaan doon at umalis sa kusina.

Pagkapunta ko sa sala ay natigilan ako nang magbaba si Crizel ng isang bote ng liquor. "This is a gift from my manliligaw na wala akong balak sagutin." Natawa ako sa sinabi niya at naupo sa single sofa.

"Tawagin niyo si Terry," Crizel suggested as Laze sat beside Jem on the long sofa.

"Ako na," tumayo si Jem at kumatok sa kwarto nila Laze bago binuksan 'yon, ngunit nangunot ang noo ko ng lumabas si Jem na hindi kasama si Terry.

"Tulog na," sagot niya.

"Ang aga ah, alas diyes pa lang." Sumbat ni Crizel.

"Pagod siguro," tugon ni Jem at naupo na sa tabi ni Laze. May espasyo sa gitna nila, "Pulutan?" Tanong ni Jem.

"Ay demanding, umorder ka. Day off naman natin bukas eh," natawa si Jem at inabot ang cellphone niya.

"Hoy ambag nga—"

"Ako na," I insisted and yawned so I covered my mouth.

"How much did you bail me nga pala?" Natignan ako ni Laze, nagkibit balikat siya.

"Let's just talk about that next time, I'm not in a hurry to get paid." Tumango ako sa sagot niya.

"Architect laging fresh ha, umaalingasaw yung sabon at shampoo mo rito." Parinig ni Crizel at sinulyapan pa ako.

Umiling na lang si Laze at tahimik na tumingin sa tv. "Umorder na ako Miran, bayaran mo lahat ah." Tumango ako kay Jem.

"I ordered three dozen of flavored chicken wings, and 2 beefy nachos, tapos ano na yung isa yung chicharon bulaklak." Tumango ako at tsaka tumayo, "Kunin ko lang wallet ko." Paalam ko sa kanila.

Pagkakuha ay lumabas na ako at tsaka ko kinalikot ang cellphone ko. "Gusto ko pa ng food, may ipapasabay kayo?" I asked.

Scrolled through my phone and scan so I could pick, "Mare ako nga, gusto ko yung inihaw na hito ba 'yon, yung catfish." Tumango ako at umorder no'n.

"Ano pa?"

"Crispy pata, and the barbecue." Tumango ako at tsaka inorder na 'yon.

Nakusot ko pa ang mata, hinintay namin dumating 'yon at wala pang 30 minutes ay dumating na kaya nagbayad na ako.

After that we started drinking and eating, kaunti lang raw ang iinumin rito sabi ni Crizel kasi medyo malakas.

2 shots pa lang ay dama ko na ng sobra ang init na dulot no'n sa akin, ngunit sila ay nagagawa pa nilang hindi maapektuhan.

Bahagya akong lumapit at inabot ang chicken wings pero napalunok ako at napabawi kaagad ng magsabay kami ni Laze, tila dinaluyan kami ng kuryente sa pagdikit ng balat namin.

"Get it," mahinang sabi niya at lumayo na kaya kinuha ko yung last piece ng parmesan flavor.

"Thank you." Mahinang sabi ko.

Nagkekwentuhan sila at ako ay nakikitawa lang, "Ikaw na uy," inabot nila sa akin ang shot glass kaya inabot ko 'yon tsaka ko kinuha yung lemon na may kaunting salt.

Pagka-shot ko ay napangiwi ako at ginamit ang chaser, after that ay turn na ni Laze, nasa single sofa kasi ako at siya sa mahaba kaya naman magkasunod kami.

Ngunit halos mapatitig ako sa kaniya ng inumin niya 'yon nang walang chaser, bahagya lang siyang ngumiwi at sunod na shot na. "Pansin ko mare, wala na yung ring mo?" Tukoy ni Crizel tinuturo ang palasingsingan kong daliri.

"He took it off already," I said and grabbed a chips.

"Nagkukusa na," tumango na lang ako.

Umikot sa aming apat ang shot glass, wala kasi si Ruri at Carl, umalis sila after dinner. "Kayong dalawa anong plano niyo?" Tanong ni Jem.

"Kami?" Tanong ko.

"Kayo ni Laze," tukoy niya.

"Wala akong plano," matipid na sagot ni Laze.

"Ako meron," bahagyang tumaas ang kilay ni Laze sa sagot ko kaya naman pasimple akong ngumisi.

Tama si Terry, pag magmamahal ako dapat walang kondisyon, kaya kung anong desisyon niya ayos lang ang mahalaga magawa ko best ko.

Fifth shot, medyo mainit na ang pakiramdam ko, parang namumula na ako. Kumakain at kwentuhan pa rin, pag tumitigil ay nanonood kami.

7th shot, biglang lumabas si Terry, nagulat pa siya ng makita kami halatang kagigising niya lang. "Sama ka!" Bulyaw ni Crizel kaya napailing ako.

Naupo si Terry sa kabilang side ni Jem, ngayon ay nasa gitna na nila si Jem. "Hindi ako gaano iinom, isa lang." Antok niya ng sabi.

"Ang kuripot naman nito,"  reklamo ni Crizel.

After Terry's one shot, tumayo na siya at nagpaalam na matutulog na, na curious lang raw siya sa ingay namin.

10th shot ay medyo ramdam ko na ang antok, itinaas ko ang paa ko sa single sofa at idinantay ang baba ko sa tuhod. "May tama ka na?" Kwestyon ni Crizel.

Umiling naman ako, "Banyo lang." Paalam ko dahil naiihi ako, ngunit pagkatayo ko ay napalunok ako ng bahagyang mawala sa balanse.

Nagulat pa si Laze kaya nahihiya akong pumunta sa banyo, matapos bumanyo ay bumalik na ako.

Nang makarami na kami ay damang dama ko na talaga yung tama ng iniinom ko sa akin, "T-Tulog na ako," paalam ko.

Hindi ako pinansin ni Crizel at tsaka siya yumuko sa arm rest ng sofa, nasa banyo naman si Jem kaya naman pagkatayo ko ay napabalik ako sa kinauupuan dahil sa nawalan ako ng balanse.

"Can you walk?" Tinitigan ko si Laze, nang magtama ang mata namin ay awtomatiko akong napasulyap sa labi niya. Natigilan ako nang ma-urge kung kaya't umiwas tingin ako.

Pilit akong tumayo ngunit sa huli ay inalalayan na lang ako ni Laze, nang nasa kwarto na ay akala ko kaya ko na ngunit napasalampak ako sa carpet nang mag magaling.

"Tsk," dinig kong singhal niya kaya naman nang alalayan niya ako sa kama ay ngumiti ako sa kaniya.

"Goodnight," kinawayan ko siya at tsaka ko inabot ang pisngi niya ngunit ang tangkad niya.

"Why are you so tall?" Napanguso ako.

"Why are you so small?" Sa balik sumbat niya ay napangiti ako, "You're tall and I can't steal a kiss." Ngumuso ako.

"Can't you adjust?" I asked and stood up straight while holding onto his arms.

Napapikit ako at ngumuso, "Ang layo pa." 

"Miran, get to bed okay?" Pilit niya akong pinahihiga ngunit umakyat at tumayo ako sa kama dahilan para magulat siyang alalayan ako ng humawak ako sa balikat niya dahil magkasing tangkad na kami kasi nasa kama ako nakaapak.

Napangiti ako nang makita kung gaano nagitla ang mukha niya, napatitig ako sa abong mata niya. Ngumiti ako muli at hinaplos ang mukha niya ngunit iniiwas niya 'yon.

Mahina akong tumawa, "You have the angel's halo." Turo ko sa tuktok ng ulo niya.

"Hakuna Miran, sleep okay? W-We're both tipsy." Paalala niya at pilit akong inaayos ngunit mas inilapit ko siya sa akin, napansin ko ang bahagyang pag-atras niya.

"Wuv youuuu," nakangiting sabi ko at hinaplos ang makinis niyang pisngi.

"Miran." Matipid na sita niya, hinawakan niya ang kamay kong nakakapit sa balikat niya.

Pilit niyang inaalis 'yon kaya naman napatitig ako sa labi niya at tsaka ko hinaplos 'yon ay sobrang lambot, bahagya niyang iniiwas ang mukha ng subukan kong ilapit ang mukha ko.

Nangunot ang noo ko at masama siyang tinignan, "You can't do that, sleep." Sermon niya.

Ngunit marahan kong hinawakan ang mukha niya at tsaka ko inilapit ang mukha ko, sa pag-iwas niya ay pinigil ko 'yon at dinampian ng halik ang labi niya.

Pagkahiwalay ko ay nagitla pa siya, umigting ang panga niya kaya seryoso ko siyang tinignan. Damang dama ko ang antok ngunit mas akit na akit ako sa labi niya.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa pisngi niya ngunit ibinalik ko 'yon tsaka ko ipinikit ang mata at pinagdampi muli ang labi namin.

"Miran," sita niya at lumingon sa ibang labi.

Hindi ako nagpatigil at tsaka ko siya muling hinalikan kahit pa-dampi dampi lang ngunit nang sunod na ay lumayo si Laze at umiwas tingin.

"T-That's enough," mahinang sabi niya.

I leaned over to touch his face again but then I almost lost my balance while standing in my bed that made Laze hold my waist to stand me straight.

Sobrang lapit namin, salitan niyang tinitigan ang mga mata ko. Sa akmang paglayo niya ay tuluyan akong napaupo sa kama ngunit isinama ko siya.

I wrapped my arms around his neck and pressed my lips on his lips, I left a peck two times on his lips but then as I distanced my face my mouth was left open when he stared at my face and went in for a kiss.

Siniil niya ang ibabang labi ko habang ang isang braso niya ay nakaalalay pa din sa bewang ko, nang humarang ang buhok ko ay tila nakiliti ang laman loob ko nang hawiin niya 'yon using his hand and pressed his lips on mine more.

Mariin akong napapikit nang mas siilin niya ang ibabang labi ko ng ilang beses, at sunod ay ang itaas, he even guided my face to the direction he wanted so he could kiss me more.

Antok na antok akong nagmulat noong ayusin niya ang paghiga ko sa kama at tsaka niya isinampa ang isang tuhod at mas hinalikan ako, ang kamay niya ay pumunta sa likod ng tenga ko at tila sinuklayan ang buhok ko gamit ang daliri niya.

Nang ilang segundo pa ay natigilan siya, inaantok naming tinitigan ang mata ng isa't isa. "I told you, we're drunk," mahinang sabi niya at tila natauhan siyang umayos ng upo.

Antok na antok kong inabot ang unan at niyakap 'yon, narinig ko ang pagbuntong hininga niya tsaka ko siya pinanood na tumayo at lumabas ng kwarto ko nagmamadali.

He kissed really well. It makes my blood wake up and my eyes are sleepy.

I miss him more.

///

@/n: Any thoughts? 🦋🙈

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top