Chapter 7

Hakuna Miran's Point of View.

Napalunok ako ng nakatayo sa harapan ko ang papa ni Laze, napakurap pa ako dahil sobrang tangkad nito at sobrang gwapo. Hindi sila nagkakalayo ni Laze, maputi rin at maganda ang tindig. "Okay Ms.Romero can you inhale for me?" Kinakabahan kong pinanood si mama.

Ms.Romero dahil hindi sila kasal ni Tito Jubal, napalunok ako at sumilip mula sa likod ni Laze ngunit nilingon niya ako at doon ko napansin na nakahawak ako sa tela ng damit niya sa bandang likod niya dahilan para umayos ako ng tayo at bitiwan 'yon.

Ngunit ganoon ako napalunok ng hawakan ni Laze ang balikat ko at ilagay ako sa harapan niya upang hindi na sumilip. After they examine my mother tumayo muli sa harap namin ang papa ni Laze.

"I am Doctor L." Pakilala niya muna at nakipagkamay sa amin kaya naman ng abutin ko 'yon ay panay lunok ko. Ang lambot.

"Ama ka pala ng nobyo ng anak ko, Jubal doc." Nanlaki ang mata ko ng sabihin 'yon ni Tito Jubal dahilan para pandilatan ng papa ni Laze si Laze at ngumisi.

"Oh I didn't know that my son has a girlfriend, I thought you are his block mate." Hindi pang-iinsulto ang tunog no'n kundi nang-aasar.

"Dad." Napipikon na sabi ni Laze ngunit wala man lang siyang emosyon na naipapakita ngunit parang alam ko bakit ganoon?

"Alright, we already met right Miran?" Dahan dahan akong tumango bilang sagot.

"I'll schedule your mom's operation this morning, since she's stable we can wait until morning." Tumango ako at matipid na ngumiti.

"You're so responsible son," napalunok ako ng mabilis na kindatan ni Doctor L si Laze kung kaya't napakurap akong muli dahil kung gwapo talaga ang papa ni Laze, hindi sila nagkakalayo.

"Dad." Mariin na sinabi 'yon ni Laze na mahinang ikinatawa ng papa niya.

"Go with me, Miran and Laze." Napalunok ako.

"A-Ako po?" Itinuro ko pa ang sarili.

"Yes," natatawang sagot ng papa niya kaya naman nahihiya akong sumunod sa kanila.

"Ah wait, come with us younger brother of Miran." Tumigil ang papa ni Laze at nilingon si Yamato.

Nahihiya namang sumunod si Yamato ngunit inakbayan siya ni Laze kaya napangiti ako at sumabay sa kanila ngunit ganoon na lang ako napalunok ng akbayan ako ng papa ni Laze.

"When did you two started dating?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"H-Hindi po."

"May misunderstandings lang po na nangyari." Paglilinaw ko.

"But then here's my son, beside you. Tell me, I'll keep it a secret." Nakangiting sabi ng papa niya kaya naman napalunok ako dahil naamoy ko ang amoy kemikal ngunit naglalaban ang pabango na suot nito.

"Hindi po talaga doc," kinakabahan kong sagot.

"Dad what are you whispering?" Laze questioned.

"Ah wala, 'di ba Miran wala?" Sa hindi inaasahan ay napatango tango ako.

"Laze anak, do you know how to drive?" Tanong ng papa ni Laze.

"What do you think of me dad? Of course I do." Laze scoffed.

"Drive for me, us I mean. Sa cafe." Doctor L said kaya naman ng makarating sa sasakyan ay sa harap silang dalawa. Si Laze at ang papa niya kami naman sa likod.

"This is illegal." Bulong ni Laze.

"I'm tired son, drive for me will you?" Natatawang sabi ng papa ni Laze.

Ng makaalis na kami ay tahimik lang kami hanggang sa smooth naman yung driving skills ni Laze after that hanggang sa makarating kami sa Cafe. Madaling araw pa rin at wala pa kaming tulog pero ayos lang hindi kami makaramdam ng antok.

Pagka-upo namin sa loob ng cafe ay nahihiya akong napalunok ng parang nang-aasar kaming sinusulyapan ng papa ni Laze. "So ano yung sinabi ng father ni Miran?" Nakangising tanong ng papa niya.

"Dad I told you we're not together." Laze cleared his throat.

"Right Yamato?"

"Yes po, ginawa lang po namin 'yon kasi pinagagalitan si ate noon kaya 'yon po yung alam ni Tito Jubal." Paglilinaw ni Yamato.

"Ah is that so? Sayang naman." Nanghihinayang na sabi ng papa ni Laze kaya nahihiya akong nag-iwas tingin.

"I thought you already got yourself a girlfriend. 'Wag ka sana sumunod sa yapak ko." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Doctor L kay Laze.

"You mean you got my mom at the age of 26 and 27 huh?" Nang-aasar na sabi ni Laze sa kaniyang ama dahilan para magsalubong ang kilay ni Doctor L at ngumisi.

"At least I waited." His father dare to said.

"Don't be to full of yourself son, you got my blood." His father stated and smirk were plastered on his lips, his smirk was stunning. Laze would be like him if it happens.

"If I got a girlfriend at the age above twenty I'll do you a favor dad, and If I did early in twenties you'll do me a favor. How about that?" Nakangising sabi ni Laze dahilan para manlaki ang mata ko ngunit pinilit kong maging normal.

"It's the first time I see you show expressions again son." Then suddenly the smirk faded and back to straight face.

Lips were both patted and his hair were pushed back it looks like he's so shy about it. "Oh galit ka na sa akin?" Tanong ng ama niya.

"No dad, buy me a food." Ngiwing sabi ni Laze.

"Order some, my treat." Nakangiting sabi ni Doctor L dahilan para mahiya ako at manatili ngunit mahina kong siniko si Yamato ng pumili na siya.

"Mahiya ka nga," bulong ko.

"No it's okay, order some. I'm sure you got hungry," nakangiting sabi ng daddy ni Laze kaya naman lumunok ako.

"Ate sabi nila huwag tanggihan ang grasya, ano ka ba." Sita ni Yamato kaya ngumiwi ako.

"Bungol, mahiya ka sabi ko eh nauuna ka pa ngang umorder." Bulong ko ngunit humagikgik siya.

"Edi sila na mauna ate, ikaw talaga." Nangyari nga ay sinabi ko na katulad na lang ng kay Yamato ang kukunin ko sa sobrang hiya.

Madaling araw na ngunit nandito kami at nasa café sa oras ng ganito. May pasok pa ako bukas ngunit kailangan ko ring magtrabaho.

"I heard you borrowed money from this café?" His father asked.

"Ah opo, advanced pay." Nahihiya kong sabi.

"They didn't gave you a loan in the hospital?" Tanong nito kaya naman umiling ako.

"Sabi po ng tito ko hindi po kami pinayagan dahil wala raw po sa hitsura namin na kaya naming magbayad." Napalingon ako kay Yamato sa sinabi niya.

"What? They did that?"

"Yes po," Yamato answered again.

"How cruel, how about we changed the place of your mother's hospital?" Natigilan ako at tinitigan si Doctor L.

"Po? Saan po?"

"Palawan," Doctor L said kaya napalunok ako.

"Malayo po, hindi po ata ako makakabisita." Mahinang sabi ko.

"It's our hospital so I can give you discount because you're Laze friend and a loan too that you can pay for how long you want." Mahinahon na sabi nito kaya naman ng sikuin ako ni Yamato ay napalunok ako.

"P-Papaano po?"

"Easy, your father will come with us with your mother so you can continue studying here." Napalunok ako at nakinig.

"We'll use the hospital's air ambulance, by that in exchange you're going to study well." Nakangiting sabi nito kaya nanatili akong nakinig.

"Okay after her emergency surgery lilipad kami papuntang Palawan." Tumango akong muli.

"Thank you doc," mahinahon kong sabi.

"In exchange make my son fall for you—"

"Dad!"

"Just kidding," nakangising sabi ng daddy niya kaya naman nakagat ko ang ibabang labi sa sobrang hiya. Umayos na kami ng dumating ang food kaya kumain kami, matapos no'n ay bumalik kami sa hospital.

"You should go home Laze, get some sleep." His father advised.

"Both of you too," napalunok ako.

"I still have a work to do Doctor L," nakangiting sabi ko.

"Thank you for helping us," I added.

"Of course, babalik na akong hospital. Laze take them home first," napaiwas tingin kaming dalawa ni Yamato ng abutan ni Doctor L si Laze ng pera.

"Ride a cab." Tinapik niya ang anak at tsaka nag-paalam sa amin ng may ngiti sa labi.

"I have a money dad—"

"Add that then," he waved while facing his back.

Nagkatinginan kaming lahat bago kami senyasan ni Laze na sumunod sa kaniya. "Magbubus na lang kami—"

"My dad told me to take you home, I mean both of you." He cleared his throat and put his arms above Yamato's shoulder.

"Let's go."

After taking us home, nag-paalam na siya na aalis na rin kaya naman lumunok ako at tsaka kami sabay naglakad ni Yamato pauwi. "Ang bait nila ate 'no?" Tanong ni Yamato kaya tumango ako.

"Wala kang gusto kay Kuya Laze ate?" Natigilan ako sa tanong ni Yamato at mabilis na umiling. "Wala syempre," sagot ko pa.

"Pero lahat ng babaeng makakakita sa kaniya ay nagkakagusto sa kaniya ate, imposibleng hindi ikaw?" Tanong niya tunog nang-aasar kaya umiling ako.

"Umidlip ka na muna may pasok ka bukas, ganoon rin ako." Paalam ko sa kanya at isinara ang pinto ng bahay.

Umaga na at ngayon ay nasa trabaho na ako, hindi rin muna ako pumasok dahil sa kailangan kong magtrabaho. Habang nagtatrabaho ay natigilan ako ng akbayan ako ni Ate Sandra. "I heard boyfriend mo daw si Sir Laze?" Nang-aasar niyang bulong.

"Huh? Hindi po ate!" Mabilis kong sabi.

"Sabi ng night shift narinig nila na sinabi ng papa ni Laze." Ngingisi ngisi niyang sabi kaya umiling ako.

"Hindi po ate, baka po babaeng kaibigan." Pag-iiba ko ng usapan.

"Imposible."

"Ate totoo po wala po akong boyfriend," paglilinaw ko.

"P-Pero kilala niyo rin po yung magulang niya?" Mahinang tanong ko.

"Hala ayos ka lang ba? Anak ni Ma'am Miyu yung mommy ni Sir Laze." Sa gulat ay muntik ko ng mabitiwan ang tray, lola ni Laze si Ma'am Miyu?!

"Huh?"

"Hindi mo alam?" Tanong ni Ate Sandra.

"H-Hindi niyo po sinabi!" Namumula ang mukha kong sabi tsaka ko binitiwan ang tray.

"Luh siya, ghorl nyare sa'yo? Seryoso hindi mo alam na apo ni Ma'am Miyu si Laze? Weh ang gaga ghorl ha." Napalunok ako ng sobra at napasandal sa stall.

"T-Tapos sinigawan ko lang si Laze? Hala!" Natakpan ko ang mukha at sobrang nagsisisi.

"Sinigawan mo?" Gulat na tanong ni Ate Sandra.

"Ayaw ni Laze na pinagtataasan siya ng boses, lagot ka!" Nanlaki ang mata ko lalo.

"Ate anong gagawin ko? Magsosorry ba ako? Bibigyan ko ba siya ng offering gift?" Sobrang natataranta kong sabi.

"Kaya pala hindi Sandoval ang apelyido niya kasi huhu ateeeeeeee." I said hysterically.

"Hayaan mo na, nangyari na. Ayusin mo na lang it's not yet late pa sis." Ngumuso ako at nagtrabaho na.

Habang nagpupunas ng mesa ay natigilan ako ng may maupo sa vacant seat na pinupunasan ko. Napalunok ako ng makita na si Laze ito. "So you didn't go to school?" He asked that made me more swallow.

"A-Ano k-kasi kailangan ko mag-work." Kinakabahan kong sagot, tumango siya sa akin at muli ay nagsalita. "But remember that your scholarship won't lasts if you'll take absents, go to school tomorrow. I'll let you borrow my notes.." He stated that made me nod.

"S-Sure I will thank you sir," mahinahon na sabi ko. Tatalikuran ko na sana siya ngunit pinigilan niya ako.

"Miran.." Dahan dahan ko siyang nilingon ngunit sinalubong ako ng mata niyang blangko, "aren't you going to get my order? It's our school lunch time." Sa sobrang hiya ay napayuko ako.

"W-What's your order sir?"

"I'd like to have some sweet and sour pork meatballs and a vegetable set." Isinulat ko 'yon at tsaka ako tumikhim.

"Drinks sir?"

"Lemonade, that's all please ready the bill already so I'll just leave later." Pinilit kong ngumiti at bahagyang yumuko para makaalis na, magmamadali akong bumalik sa counter at ibinigay ang order niya.

"Pa-ready na rin daw po ng bill," mahinahon na sabi ko.

"Ikaw mag-serve, be good girl ha." Bilin ni Ate Sandra kaya tumango tango ako, mabilis na na-ready ang order niya kaya inilagay ko na ang bill sa gilid no'n at pumunta na sa table niya.

"This is your order sir, and this is your bill." Binuksan ko na 'yon para sa kaniya, tumango tango siya at inilagay na ang pera sa lagayan ng bill kaya nag-iwas tingin ako ng may isulat pa siya doon at pirma.

Pag-aari naman 'to ng lola niya bakit kaya hindi niya nasabi?

Nang i-abot niya na 'to sa akin ay yumuko ako muli bago umalis at inabot sa cashier ang bill. Habang inaayos ang ibang order ay tinawag ako ni manager.

"Yes sir?" Tanong ko pa.

"Sir Laze is giving you a big tip huh, is it true ba?" Babakla bakla kasi ang manager namin kung kaya't nangunot ang noo ko.

"True po ang alin?"

"Na may relationship kayo ni Sir Laze? He just tipped you another 500 pesos." Nanlaki ang mata ko.

"Po? Single po ako sir. Wala po akong boyfriend at hindi ko po alam," bulong ko nahihiya.

"Talaga? Walang kahit M.U?" Umiling ako kaagad.

"Wala po talaga."

"Alright then, work hard." Nakangiting sabi nito kaya naman balik trabaho na ulit.

Lumipas ang araw ay kahit papaano naging normal ang araw ko, pumapasok ako sa school, nagtatrabaho at nailipat na si mama sa Palawan kaya kaming dalawa lang ni Yamato ang magkasama ngayon although parati niyang kasama si Laze sa comic store.

"Ate gutom na ako." Nalingon ko si Yamato na nagrereklamo na sa akin kaya bumuntong hininga ako at binuksan ang wallet ko, katatapos lang namin pinadala ang pera kay Tito Jubal kaya kakaunti lang ang natira sa amin.

Kahit allowance na galing sa school ay pinadala namin kahit para sa mga gamot lang ni mama, nakaupo kami sa kanto ng papasok sa amin ng may tumigil na cab at napalunok ako ng makita si Laze.

Salubong ang kilay ngunit blangko ang mata, natigilan kami ni Yamato ng itaas niya ang dala dalang paper bag. "Did you two eat?" He started the conversation.

"Hindi pa kuya, ikaw po?" Magalang na tanong ng kapatid ko.

"How about join me? My parents are away and so as my sister." Bigla ay tatanggi na sana ako not until kumalam ang tyan ko dahilan para mapatingin ang dalawa sa akin.

"You should join me then, it's saturday." Naglakad kami papunta sa bahay dahil dadalawa nga kami ni Yamato ay pinatuloy na namin siya at sa sala namin naisipan kumain.

Inayos na ang food sa center table dahilan para mas magutom ako sa amoy nito. "Wow tempura!" Masayang sabi ng kapatid ko kaya napangiti ako.

Ngunit bigla akong nahiya ng tignan ako ni Laze. "How's life?" He started that made me swallowed hard.

"Huh?"

"Is it hard?" Napakurap ako at alanganin na ngumiti.

"Hindi naman, kaya naman."

"Kami pa ba, lakad matatag normalin normal— joke lang." Mabilis na bawi ko ng tumaas ang kilay niya.

Naupo ako sa harap nila at kumain na rin, may rice rin na sobrang konti kaya naman kumuha pa sa kusina si Yamato. "Ang sarap kuya, saan mo 'to nabili?" Tanong ni Yamato.

"Sa cafe." Matipid niyang sagot.

"Mahal po ba?" Natawa ako sa tanong ni Yamato, pabulong pa akala mo nagpapasahan sila ng ilegal na bagay.

"N-Not really," sagot ni Laze.

"Wala kang trabaho ngayon?" Tanong ni Laze sa akin.

"Pinagpahinga muna ako ni Ma'am Miyu," nakangiting sagot ko.

"Si ate kasi nahihilo na kakatrabaho, sabi ko magpahinga siya. Sa gabi hanggang madaling araw nag-aaral, sa umaga nag-aaral tapos after klase nagtatrabaho agad.." Tila nagsusumbong na sabi ni Yamato.

"Yeah your brother is right.." Matipid na lang akong ngumiti at kumain na, kinuha ko ang buong tempura at kinagatan tumunog 'yon ng malakas kung kaya't medyo nahiya ako.

///

@/n: Hi @ivy_joves HAHAHAHAHA 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top