Chapter 69
Chapter 69:
Hakuna Miran's Point of View.
Kinaumagahan ay nagising ako ng sobrang daming phone calls sa cellphone ko, dinampot ko 'yon ngunit halos magulat ako ng makita ko si Crizel na nakaupo sa dulo ng kama.
"Ang aga-aga," mahinang sabi ko.
"Magkapatid talaga kayo ni Janella, mag-ayos ka na. Sabay-sabay na tayo mag-umagahan." Tumango ako at tumayo.
Nang maayos ang sarili ay nag-suot ako muli ng longsleeve, pagkarating sa dining table ay kalalabas lang rin ni Laze sa kwarto niya.
Nang sulyapan ko siya ay may suot pa siyang reading glasses, nang mahawakan niya 'yon ay mabilis niyang inalis at isinabit sa suot niyang t-shirt.
Naupo siya sa available seat, nahawakan pa niya ang pagitan ng mata ang matangos na bridge ng ilong niya.
Nangalay ba yung nose bridge niya dahil sa salamin?
Nang mapatingin siya sa akin ay mabilis akong napatingin sa plato ko at tsaka ako naunang kumuha ng rice. "Sino nag-luto?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Ako mare, hindi ba masarap?" Kwestyon niya.
"H-Hindi ko pa natitikman, tinanong ko lang." Nahihiyang sagot ko tsaka napalunok na lang at kumuha ng nilutong ulam ni Crizel.
Ngunit habang kumakain ay pasimple akong napapikit at sinapo ang sintido ko sa pagsakit no'n at halos bumaliktad ang sikmura ko ng makita ko ang pambababoy ng isang lalake sa akin.
Tumayo ako at mabilis na tumakbo sa banyo sa labas rito sa amin, tila sumama ang pakiramdam ko sa ala-ala na 'yon na nagbigay ng kaba at takot sa akin.
"Uy gaga, napano ka?" Pumasok sa banyo si Crizel.
"Don't tell me buntis ka na?" Nanlaki ang mata ko sa malakas na tinig ni Crizel ng sabihin 'yon.
"Ang ingay mo talaga 'no," singhal ko dahilan para matakpan niya ang bibig.
"N-Nabigla lang," sagot niya kaya umirap ako. Ngunit pagkalabas sa banyo ay natigilan ako ng nasa labas si Jem.
"Buntis ka?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.
"A-Ano bang sinasabi mo," nahihiyang sabi ko. Nasulyapan ko naman si Laze na tahimik at nakatitig lang sa plato niya. Napatitig ako sa kamay niyang sobrang higpit ng hawak sa spoon and fork niya dahilan para samaan ko ng tingin ang dalawa.
"Kumain na," mahinang sabi ko at naupo na doon ngunit tumayo si Laze at tsaka huminga ng malalim.
"I'm done eating, thanks for the food." Napakurap ako ng maraming beses ng maglakad na siya papunta sa kwarto niya.
Huminga ako ng malalim.
Kung ano ano kasi sinasabi ng dalawang 'to, iba pa tuloy inisip ni Laze.
Kumain na kami ng tahimik, makalipas ang isang linggo ay hindi na naging pala-kibo si Laze at nagsasalita na lang siya pagdating sa trabaho o sa mga mali na nagagawa namin.
Not until one day, we both argued about our work and roles. "Alam ko na ikaw yung boss namin dito, pero hindi ibig sabihin no'n hindi ka namin pwedeng itama pag may mali ka." Napipikon na sabi ko dahilan para ipagkrus niya ang braso habang salubong ang kilay.
Napansin ko ang pag-igting ng panga niya, "So?" Sumbat niya kaya umawang ang labi ko.
"Kasi panay ka puna sa mga maliliit na bagay na pwede mo namang sabihin sa maayos na paraan. Kailangan bang ipahiya mo kami sa harap ng isa't isa?" Pinagkrus ko din ang braso ko.
Inaawat naman ako ni Crizel sa paghila ng laylayan ng damit ko. "Architect Lapiz, this is how I am at work. Nagtatayo tayo ng buildings, so little things matter the most." Sumbat niya titig na titig sa akin kaya tinalasan ko rin ang tingin ko.
"And you can say it in a nice way—"
"What's that for? Does it hurt your feelings if I am blunt from saying and stating your wrongs?" Nilingon niya ang mga kasama matapos ako sumbatan.
"Natututo ba kayo pag sinasabi ko ng maayos? Hindi 'di ba? If you think I'm being too personal and mean then quit being an architect." Nakagat ko ang ibabang labi sa masakit niyang sinabi.
"Because this is how I work, and this is how I teach all of you. Kung hindi kayo takot magkamali, this building will crash before an earthquake hit this place." He tapped the table in front of us.
"Huwag tayo sa puro disenyo, let's also focus on the safety of the building. Dahil kung hindi, hindi lang isa, o dalawang tao ang mamatay naiintindihan niyo ba ako?" Sinamaan ko siya ng tingin sa galit ko.
"Now I'm asking all of you to correct me if I'm wrong, huwag niyong isipin na boss niyo ako. Tell me the truth." Huminga siya ng malalim, halatang paubos na ang pasensya.
"You're right, Architect Garcia." Sumagot si Jem.
"You're not wrong, architect."
"How about you Architect Lapiz, do you get my point or do you not?" Sinamaan ko siya ng tingin tsaka ko inis na tinalikuran siya at hindi sinagot.
Pumasok ako sa kwarto ko at hindi lumabas buong magdamag kahit gabihan na. Nakakasama ng loob, kumatok naman si Crizel ngunit ayaw ko siyang pagbuksan.
"Lumabas ka na diyan, Miran. Kumain ka na, alas nuebe na oh." Hindi ko siya pinansin, dahil sa ginawa ko kanina ay mas pinahiya ko ang sarili.
Naiirita ako kay Laze, sobra.
"Miran, kumain ka na. Nagpapalipas ka na naman," sunod sunod ang katok niya kaya humiga ako sa kama at nagtakip ng unan.
"Ayaw lumabas?" Nang marinig ko ang halo-halo na boses ay pumikit na lang ako.
Hanggang sa muli akong magising at pagbukas ko ng mga mata ay nangunot ang noo ko ng makita si Terry.
"Kauuwi ko lang," nanlaki ang mata ko at napaupo.
"Paano ka nakapasok?" Kwestyon ko.
"Laze just broke your door." Nanlaki ang mata ko at nalingon ang pinto ko na sira na ang door knob.
"Seryoso ba?" Tumayo ako at tinignan na sira nga ang door knob ko talaga!
B-Bakit niya naman kailangang sirain?
"Tapos na business trip mo?" Kwestyon ko.
"Hmm, tapos na. Next month ulit, before Christmas." Tumango ako at tsaka naupo sa kama ko.
"Bakit ka ba kasi nag-sara ng pinto at hindi kumain?" Bumuntong hininga kaagad ako, ngunit bago pa man magsalita ay inabutan niya ako ng paper bag.
"Pasalubong." Sagot niya ng mangwestyon ang mata.
"Grabe ka naman." Sabi ko ng masilip ang laman no'n.
"Thank you," sambit ko.
"Tara na, kumain ka na." Natignan ko ang oras at 11pm na pala.
Pagkalabas ay nilalantakan ko na ang tsokolate na dala ni Terry, lumapit ako sa dining table ngunit bumukas ang pinto at lumabas si Jem at Crizel.
"Ginawa niyo?" Kwestyon ko.
"Nagpa-check kay Laze," turo nila sa hawak nilang plate.
"Buti lumabas ka na?" Singhal ni Crizel.
"Hmm, natulog lang naman ako." Mahinang sabi ko.
"Kumain na din kayo," anyaya ni Terry.
"Mabait ka na? For real ba?" Tanong ni Crizel kaya nasiko ko siya.
"Hindi." Sagot ni Terry kaya natawa ako.
Buti at may pagkain pa ako, salo salo naman kaming apat na kumain hanggang sa lumabas si Laze sa kwarto.
Napaiwas tingin ako at tsaka kumain na lang, "Buntis ka ba?" Halos masipa ko sa ilalim ng mesa si Jem.
"Gago ka ba?" Inis na sabi ko.
"Nang nakaraan kasi Terry, dumuwal 'yan." Turo sa akin ni Jem, nagkatinginan kami ni Terry na hindi alam kung matatawa ba pero pilit niyang ginagawang seryoso ang mukha.
At halos manlaki ang mata ko ng bumulong si Terry sa akin. "Si Laze ama?" Bulong niya kaya inis kong binatukan ang ulo niya dahilan para manlaki ang mata niya.
"Ang sakit ah." Reklamo niya at natawa.
"Kumakain ako eh, kumakain." Turo ko sa pagkain.
"So buntis ka nga?!" Napapikit ako ng malakas na itanong 'yon ni Crizel.
"Hindi." Inis na sabi ko.
"Sus, dinedeny. Ang aga naman! Isang buwan mahigit pa lang ng ikasal kayo ah! Akala ko ba si Laz—"
"Pag hindi ka tumahimik Crizel!" Sita ko, natawa na lang si Terry.
Pagkatapos kumain ay nabusog na ako. Tumuloy naman na si Terry sa condo niya at sinabing bukas na lang kami magsabay na umuwi para hindi raw mahalata ng pamilya niya.
Kinabukasan ay hindi ko talaga kinikibo si Laze, hanggang sa pagkauwi ko sa bahay ng mga Bautista. Ngunit sa biglang pagtawag ng kumpanya kay Terry ay sinabihan niyang doon lang ako sa kwarto niya.
Ngunit habang nasa kwarto niya lang ay hindi talaga mapipigilan ang mag-ina na kantiin at saktan ako, kaya naman ginawa nila ang gusto nila at halos pumalag naman ako ngunit mas lamang sila.
Ang malakas na sampal bilang pag-ganti ng mama ni Terry ay bahagyang nabingi ang tenga ko. "Ang kapal ng mukha mong ipadampot ako sa pulis!" Sigaw ng nanay ni Terry kaya nagpigil galit ako.
"My colleagues reported you to the police station for trespassing, and bothering our workplace. Mrs.Bautista." Pagsasabi ko ng totoo.
"Kasalanan mo kasi hindi ka sumama!" Hinila nito ang buhok ko at halos matigilan ako ng pumasok si Tina na may dala na namang blade.
"Ano bang gusto niyong mangyari ha! Bakit niyo ba ako sinusugatan!?" Galit na tanong ko.
"Because you deserve it!" Sigaw ni Tina at sa pagpalag ko ay lumalim ang sugat na natamo no'n sa likod ng palad ko.
Mangiyak ngiyak kong tiniis ang hapdi no'n. "Kasalanan mo kasi pumalag ka, tanga!" Sigaw ni Tina.
"Tara na mommy." Nang iwan nila ako ay napaupo ako sa kama at tinitigan ko ang pagtulo ng dugo sa mismong sahig sa gilid ng kama ni Terry.
Napahid ko ang luha at tsaka ako tumayo, pumasok ako sa banyo upang hugasan ang sugat ngunit derederetsong tumulo ang dugo no'n kaya kumuha ako ng towel at tinakpan muna 'yon.
Sobrang hapdi, parang triple sa maliliit na daplis ng blade sa balat ko. Nang bumukas ang pinto sa banyo ay naitago ko ng pasimple ang sugat kay Terry ngunit mabilis niyang nakita 'yon.
"A-Are you hurting yourself?" Nag-aalalang tanong niya at kinuha ang towel tapos tinakpan 'yon.
"Nasugat lang ako," sagot ko.
"May b-buksan kasi sana ako, pero dumulas yung cutter." Sagot ko.
Bumuntong hininga siya at sa labas ng banyo ay siya ang gumamot sa sugat ko. Pagkatapos no'n ay napatitig siya doon.
"Mag-iingat ka sa susunod." Maayos niyang sabi, siya rin ang luminis sa dugo kaya naman mahina akong natawa.
"Daplis lang 'yan, malayo sa bituka." Sagot ko pa.
"Pag natamaan mo ang ugat, pwede kang maubusan ng dugo." Sagot niya.
"Hmm, salamat." Matipid na sabi ko matapos niyang bendahan ang palad ko.
Sa tuwing may pagkakataon ay nagagawa nila ang gusto nila, at kahit papaano ay nakakaganti ako sa paraan na gusto ko.
Kahit ganoon ang ginagawa nila ay kapalit no'n ay nagagawang maayos ang kumpanya ni lola ngunit hindi pa sapat.
Ngunit napapansin ko ang mga sugat na bago at ang luma, may mga pasa din na bahagya ay nakasanayan ko na. Tila meron sa aking nasubukan ng masaktan ng ganito noon.
Ngayong araw ay pumasok ako sa trabaho, medyo masakit lang ang ulo ko ngunit minabuti kong pumasok. Inayos ko ang blueprint na ipapasa ko for third floor plan, kasi siya na sa second floor at 4th floor.
Sobrang init rin sa site, pero dahil may suot kaming PPE ay ligtas naman kami, ngayon ay ginagawa na rin ang pool sa harapan pati na ang pool deretso sa beach.
"Okay ka lang mars?" Kwestyon ni Crizel.
"Okay lang, masakit lang ulo ko." Sagot ko at tinignan ang pool na sinesemento at sunod ay ita-tiles na nila.
"Hindi ka ba talaga ano?" Sinamaan ko ng tingin si Crizel at lalayo na sana sa kaniya pero natisod ako sa bato ngunit may humawak naman sa siko ko dahilan para hindi ako sumalampak.
Nang makita si Laze ay agaran kong nabawi ang siko at deretso na tumayo. "Sorry, thank you." Sagot ko ngunit ang abo niyang mata ay blangko lang ako tinignan at hindi na nagsalita.
Kinagabihan ay umuwi na ako dahil wala pa naman si Terry, busy rin talaga siya sa trabaho niya kaya okay lang naman. Nang papasok na ako sa kwarto ni Terry ay halos masapo ko ang ulo ng mahilo pa ako sa malakas na pagbasag ng kung anong babasagin sa ulo ko.
Napaluhod ako dahilan para masugatan ang bandang tuhod at ibang palad ko. "What happened here?" Nang marinig ang tinig ng lola ni Terry ay nagulat ito ng makita ako.
"Oh my god, what happened hija?" Tinulungan niya ako tumayo.
"Nakita namin siya mama na nakabasag, nahilo yata siya." Pag-sisinungaling ng mommy ni Terry kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh my god, ang dami mong sugat. Tawagan niyo ang doctor natin!" Natataranta na sabi ng lola ni Terry.
"What are you two doing! Call a doctor!" Galit na sabi ng lola ni Terry at nanatiling hawak ako.
Pinapasok ako sa loob ng kwarto ni Terry at pinaupo, ilang minuto ay pati si Terry nagmamadaling pumasok. "What happened bakit ang dami mo na namang sugat." Nag-aalalang sabi niya at tinignan 'yon.
"Nahilo yata ang asawa mo, hijo. Nabasag ang plato na kaniyang dala at nabasag, 'ayon ba ang nangyari hija?" Napipilitan na lang akong tumango dahil nandito ang dalawang mukhang unggoy.
"May masakit ba sa ulo mo?" Kwestyon ni Terry.
"Nasaan na ang doctor?" Tanong ni Terry.
Tatlong minuto ay umakyat ang doctor at ginamot at inalis ang mga broken glasses na nasa tuhod at palad ko.
Pilit kong hindi ininda ang ulo ko kahit na masakit 'yon dahil sa pagbasag sa ulo ko. Matapos gamutin ay pinagpahinga na muna ako ni Terry.
Lumabas naman na yung iba, "Sabihin mo pag masakit lalo ah? The doctor gave you a painkiller and antibiotics if it worsened." Tumango ako, huminga ng malalim si Terry at inalis na ang necktie niya.
Pumikit na ako dahil masama talaga ang pakiramdam ko, sunod na linggo ay hindi ako pinayagan na mag-suot ng masikip dahil sa sugat ko na naka-benda.
Hinatid ako ni Terry, iniwan niya rin ang gamot ko sa akin. "Ingat ka, susunduin na lang kita pagkauwi." Paalala niya.
"Hmm, thank you Terry." Tumango siya at bumeso lang sa pisngi ko.
"You can tell me everything, lalo na pag may problema ka." Ngumiti ako at huminga ng malalim.
He's being clueless, what if ganito yung kuya niya noon? What if Terry finds out? Hindi niya naman siguro gagawin yung ginawa ng kuya niya?
Bigla ay kinabahan ako, sa punto na kahit siya ay iniisip ko na. Hindi niya naman siguro ako ganoon ka-gusto para gawin niya 'yon. Sana nga.
Hindi naman ako kasing buti ni Alyssa. Nang tumalikod siya ay saktong nakita namin si Laze na kabababa ng sasakyan niya, lumunok ako at natigilan siya ng makita ang tuhod ko.
Nagkatinginan sila ni Terry pero ng magkalampas na sila ay lumingon si Terry at tsaka niya inginuso si Laze dahilan para matawa ako dahilan para mabawi ko agad 'yon ng makaharap ko si Laze.
"Tabi." Nanlaki ang mata ko at mabilis na gumilid.
Pumasok siya at dahil doon ay naamoy ko kaagad ang pabango niyang naiiwan sa dinadaanan niya. Napalunok ako ng ilang beses bago pumasok at pagkapasok ay halos madulas pa si Crizel na lumapit sa akin.
"Ano na namang katangahan nangyari sa'yo mare? Oh jusko!" Nasapo niya ang noo at tinignan 'yon.
"Hindi ka lang pumasok ng ilang araw ganyan na, ano nangyari diyan?" Tanong niya.
"Don't tell me you guys got hard at night?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Carl at dahil doon ay sinamaan ko siya ng tingin, agad siyang nag-peace.
"Because of that hindi ka pumasok?" Napalunok ako ng tanungin ni Laze 'yon.
"N-No, architect." Mahinang sagot ko.
"Last warning Architect Lapiz." Mariing sabi niya at dismayadong tinignan ang tuhod ko.
"Kung ano ano kasi sinabi mo!" Singhal ko kay Engineer Carl.
"A-Ask lang naman architect." Nahihiyang sabi niya at napakamot pa sa ulo.
"Asan blueprint mo? Ipasa mo na, gaga ka." Sita ni Crizel sa akin.
"Hindi ko alam na wild ka—"
"Gaga hindi nga kasi!" Inis na sabi ko at napipikon na kinuha ang nakarolyo na blueprint at kumatok sa kwarto ni Laze.
"Come in." Mahina lang 'yon ngunit narinig ko.
Pagkapasok ko ay nalingon niya ako at muling umiwas tingin, "Is that your blueprint?" Kwestyon niya.
"Yes architect." Kinakabahan na sagot ko.
"Next time don't get railed, and—"
"I said that didn't happen." Napipikon na sabi ko, ngunit ngumisi siya at tila sarkastiko ang tingin niya. Hindi ako pinaniniwalaan.
"Pumasok ka araw-araw." Matipid niyang sabi.
"Yes, architect." Wala sa mood kong sagot, he's wearing simple mocha trousers and a black shirt. Minimalist shirt. Sa simpleng pananamit niya ay malakas na kaagad ang dating niya.
"And don't come in work with that," tukoy niya sa mga benda.
"Yes architect, aksidente lang." Sagot ko.
"Hmm, you may leave. Ipapatawag kita pag may mali sa blueprint mo." Tumango ako at tumalikod na, ngunit halos mapa-daing ako ng sa paglingon ko ay tumama ang tuhod ko na may sugat sa bed frame ni Laze na kahoy.
Nakagat ko ang ibabang labi ng kumirot 'yon, "Careful." Matipid niyang sabi at tsaka ko siya nalingon.
Hindi niya man lang ako nilingon, lumabas na ako at doon ko napansin na dumugo yung benda mukhang sa katangahan ko ay bumuka ang sugat na natamo ng malaking basag.
"Uy gaga! Nadugo oh!" Malakas na sabi ni Crizel kaya ngumiwi ako at naupo sa sofa.
"Doon sa kwarto mo, kumakain sila. Dugyot," bulong ni Crizel kaya hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa ngunit inabot ko sa kwarto kahit iika ika ako.
Nang makaupo ay ngumiwi ako ng mas sumakit 'yon, "Hala shet, hindi ako marunong magpalit ng benda. Wala kasi si Jem!" Inis at natatarantang sabi ni Crizel.
"A-Ako na," sagot ko. "Gaga, tumigil ka nga isa ka ring hindi marunong. Teka!" Ang ingay niya talaga kahit kailan, "Marunong kayo mag-gamot ng na-bendahan?"
"Hindi eh, bakit?" Naki-isyoso ang dalawa naming kasama.
"Ay shala.." Natataranta na sabi ni Crizel.
"Sure na hindi niyo alam? Kahit first aid—"
"What happened?" Nang marinig ang tinig ni Laze ay pilit kong tiniis ang sakit at sana ay tumigil ang pagdugo no'n.
"O-Okay na Crizel, h-hindi na!" Malakas na sabi ko.
"Anong hinde! Kilala kita, Architect Garcia. Marunong ka 'di ba? Doctor parents mo? Baka pwede mo tignan yung sugat niya? Bumuka yata." Bumuntong hininga ako, kahit nasa labas ng pinto ko si Crizel ay ang ingay niya.
"Sino?"
"Si Kuna— si Miran." Nang pumasok sila sa kwarto ko ay pasimple kong ninais itago 'yon kay Laze.
"H-Huwag na, I just got railed lang naman 'di ba?" Sarkastikong sabi ko na ikinataas ng kilay ni Laze.
"Let me see," mahinahon niyang sabi at iniluhod ang isang tuhod niya sa carpet at tinignan 'yon.
"Ito yung tumama?" Kwestyon niya.
"Hmm, kasalanan ng kama mo." Ngiwing sabi ko.
"O-Oyyy, ano 'yan ha?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Crizel.
"H-Hindi ah!" Singhal ko.
"Kanina niyo pa ako pinag-iisipan ng masama!" Inis na sabi ko.
"A-Ah hindi ba," wika ni Crizel.
"What really happened here?" Matipid na tanong ni Laze at dahan-dahan na inaalis ang benda.
"Gagi mare, hindi pa ako kumakai—"
"Lumabas ka na." Inis na sabi ko.
"Wow, galet." Ngumiwi ako at iniiwas ang tingin ko sa sugat ng dumugo 'yon.
Tinitigan 'yon ni Laze kaya natignan ko rin, "If you guessed what happened in that wound magaling k—"
"Nabubog ka," tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
Ang galing niya naman? "Architect ka 'di ba? Ba't mo alam?" Naninigurado kong tanong.
"Because this happened to you already, on your feet." Turo niya sa talampakan ko kaya napalunok ako.
"M-Malay ko ba." Mahinang sagot ko.
"This will be painful," mahinang sabi niya.
Napapikit ang isa kong mata ngunit gusto ko pa din silipin ang ginagawa niya, nakita ko kung papaano niya tinapalan 'yon ng makapal sa benda tapos ay inalis niya ulit 'yon at doon ko napansin na hindi na siya dumudugo ng sobra.
Bumuntong hininga siya ng marinig ang mahinang daing ko sa pagdikit ng bulak na hawak niya sa sugat ko.
G-Gagoooo ang sakit!
"A-Aww, a-aray naman!" Huminga ako ng malalim ng magulat din siya sa pag-taas ng boses ko.
"Tsk." Singhal niya.
Nang balutin niya na 'yon ay napahiga na lang ako sa sobrang sakit, "Huwag mong hayaan na naka-benda ng naka-benda. If it dries a little, try removing the benda para mas mabilis matuyo." Tumango ako.
"Salamat." Ngumiwi siya,
"Hindi ka lang naalagaan ng tama, panay sugat ka na." Sa sinabi niya ay nanlaki ang mata ko at mabilis siyang tinignan ngunit tinalikuran niya na ako at tila iiling iling pa siyang lumabas ng kwarto ko.
A-Ano raw?
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top