Chapter 67

Chapter 67:

Hakuna Miran's Point of View.

Mabilis na dumaan ang araw at tapos na ang burol ni lola, ngunit pagkatapos nang ilan pang mga araw ay natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa harap ng isang opisyal na magkakasal sa amin.

May mga pinirmahan ako at ganoon rin si Terry, nakagat ko ang ibabang labi dahil hindi ko maalis sa isipan ko si Laze. Matapos naming pumirma ay sinimulan na ang maiksing ceremony.

Malakas na kumabog ang dibdib ko habang kaharap ko si Terry na seryoso ang mukha, wala ng atrasan 'to.

Nalingon ko sila mama at dad na medyo hindi sangayon sa desisyon ko, at ang masamang tingin ni Ate Janella at Yamato ay iniiwasan ko.

Si Jem, Yuno at Crizel ay hindi rin natutuwa. "Terry Bautista, do you accept Hakuna Miran Lapiz to be your lawfully wedded wife?" Nakagat ko ang ibabang labi habang nakatingin kay Terry.

Hindi ko alam kung maiiyak ako, "I do." Napapikit ako sandali, kinakabahan.

"Hakuna Miran Lapiz, do you accept Terry Bautista to be your lawfully wedded husband?" Nanginginig ang kamay ko kung kaya't itinago ko 'yon tsaka ko nilingon sila mama.

"I-I d-do." Pagkasagot ko ay 'yon ring pagbigat ng dibdib ko, natatakot ako.

"I now officially announce, husband and wife. You may now kiss your bride," napatitig ako kay Terry sa sinabi ng opisyal.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at tsaka ako napatitig sa kaniya, he leaned over and I thought he'll kiss me on the lips but he planted it on the side of my cheeks.

Looking like he's kissing me in my lips, pagkatapos no'n ay humiwalay na siya at bumuntong hininga. Nang matapos 'yon ay pupunta kami sa bahay ng mga Bautista dahil doon ang reception.

Hinawakan ni Terry ang kamay ko pero bago pa man makarating sa sasakyan ay natigilan ako ng hawakan ni Yuno ang kamay ko at ilayo ako kay Terry.

Nagulat naman si Terry at nangunot ang noo niya, "Do you know Alyssa Leeman?" Tanong ni Yuno kaya nagtaka ako.

"S-Sino 'yon?" Tanong ko sa kaniya, ngumisi si Yuno at tinitigan ang pagbago ng reaksyon ni Terry.

"Pag nangyari kay Miran yung nangyari kay Alyssa, buong pamilya niyo isasama ko sa hukay naiintindihan mo?" Sa banta ni Yuno ay kinabahan ako.

"Wala akong kinalaman doon, Yuno Marshall." Mariing sabi ni Terry.

"Wala nga ba talaga?" Kwestyon ni Yuno.

"Wala." Ngumisi si Yuno sa sagot ni Terry.

"Babantayan ko 'to, at wala akong sinasanto kahit babae. Sana alam 'yon ng mama at kapatid mo?" Nalingon ako ni Yuno matapos bantaan si Terry.

"Isa ka pa, desisyon ka ng desisyon. Ang hirap hirap mong protektahan noon pa man, sakit ka sa ulo." Nahawakan ko ang noo ng malakas niyang pitikin 'yon.

Natulala ako sa kaniya ngunit binuksan niya ang sasakyan niya. "Sa akin ka sasabay ngayon, mauna ka na doon mag-uusap kami ng pinsan ko." Taboy ni Yuno kay Terry, tapos ay pinasakay na ako sa sasakyan niya.

Pagkapasok sa loob ay pinaandar niya na kaagad, "Lagot ka kay Laze." Sa unang sinabi niya pa lang ay mas kinabahan na ako.

"May plano naman ako Yuno, hindi lang dahil gusto ko siyang pakasalan." Mahinang sabi ko.

"Sino si Alyssa?" Kwestyon ko.

"Nasaan na siya?" Dagdag ko, nalingon niya ako at bumuntong hininga siya.

"Terry have an older brother," wika niya kaya nalingon ko siya kahit pa nagda-drive siya.

"His brother killed himself when he find out that his family tortured Alyssa, specially his mom and sister." Napalunok ako sa sinabi ni Yuno.

"Matagal mo na silang kilala?" Tanong ko.

"Hmm, bata pa lang ako." Sagot ni Yuno.

"Bakit mo kilala si Alyssa?" Kwestyon ko pa.

"She's my girlfriend from my high school days." Napalunok ako, seryoso ba siya?

"Nasaan na si Alyssa?" Tanong ko.

"Papaaano napunta si Alyssa sa pamilya nila?" Kwestyon ko.

"Ipinagkasundo si Alyssa sa kuya ni Terry, Alyssa's parents are involved in some kind of debt from them." Napansin ko ang mahigpit na paghawak niya sa manibela.

"His brother is a good man, he really liked her for real. But Alyssa and I were together that time, hindi ko matanggap na ikakasal siya sa iba dahil ano bang kaya ko? Ano bang magagawa ko." Nakagat niya ang ibabang labi sa kwento dahilan para malungkot ako.

"Huling pagkikita namin ni Alyssa ay sobrang lambing niya sa akin, 'yon na pala ang huli." Pilit niyang pinalaki ang mata na para bang iniiwasan niyang maluha.

"That night, that night when we escaped together to see each other, pagkabalik niya sa bahay mismo ng mga Bautista. She killed herself," natulala ako kay Yuno ng mabilis niyang pahirin ang luha.

"Hindi ako umiiyak, napuwing lang." Pagdadahilan niya pa at tsaka tumikhim.

"I tried everything to make their life miserable but I am penniless, so at my young age, I took a business course for a year and then entered engineering." Tumango ako.

"I handled a part of my parents' business and it grew well." Kwento niya.

"So if you can't handle it anymore, run to me. Kasi hindi pa sila bayad sa kasalanan nila sa akin," napaiwas tingin ako.

"H-Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para maipaghiganti rin ang girlfriend mo." Mahinang tumawa si Yuno, "Kung mapapahamak ka huwag na lang. Papatayin lang ako ni Laze," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Are you joking?" Singhal ko, patay patay ano ba naman si Yuno.

"Hindi," sa sagot niya ay napalunok ako.

Nang makarating sa reception ay pinagbuksan ako ni Yuno ng pinto dahil naka-puting dress ako, bago pa man makapasok sa loob ng reception ay natigilan ako ng may mabilis na sasakyan ang tumigil sa harapan namin.

Nangunot ang noo ko, ngunit bumaba si Laze at ang pagsarado niya ng pinto ng sasakyan niya ay sobrang lakas, "L-Laze." Gulat na sambit ko sa pangalan niya.

Natignan niya ang kabuohan ko at hindi niya ako makapaniwalang tinignan, "W-What is this Hakuna Miran?" Kwestyon niya.

Nalingon ko si Yuno na bumuntong hininga at napaiwas tingin na lang, "Miran, ano 'to?" Hinawakan niya ang kamay ko at nang makita ang sing sing ay tila nainis siya.

"Why are you wearing some trash?" Nakagat ko ang ibabang labi, nasasaktan sa reaksyon niya.

"Yuno?" Kwestyon ni Laze.

"It's better if you'll hear it from her," mahinahon na sabi ni Yuno.

"You married that man?" Ang titig niya sa akin ay gusto kong iwasan, kinakabahan ako ng sobra.

"Y-Yes," wika ko kasabay ng pag yuko ko.

"Hakuna Miran naman," nabitawan niya ang kamay ko kasabay no'n ay ang pagsapo niya sa sariling noo.

"L-Laze—"

"Tangina naman." Nasasaktan niyang sabi, nang muli kong salubungin ang mata niya ay natigilan ako ng makita kung papaano tumulo ng derederetso ang luha niya tapos ay basta basta akong tinalikuran.

"S-Sandali," humakbang ako ngunit mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan.

"Y-Yuno, sundan mo siya baka mapano siya sa daan." Tumango si Yuno at bumuntong hininga kaya naman napapikit ako at sinisi ang sarili.

Habang nasa reception ay hinihintay ko ang text message ni Yuno kung kumusta na si Laze, ngunit wala pa rin kaya hindi ako makakain ng maayos.

Ang bilis pa man din ng sasakyan niya, papaano kung mapano siya sa daan?

Matapos kumain ay dito ako nag-stay sa kanila, dahil nga kasal kami ay dito naman talaga ako ngunit mas lalo lang akong nagalit sa pamilya nila sa kwento ni Yuno.

Maaapi niyo ako, pero isasama ko kayo sa pagbagsak ko. "Babalik na ako sa trabaho bukas," mahinahon na sabi ko kay Terry.

"You can stay at the guest room," natigilan ako sa sinabi niya.

B-Bakit?

"S-Sige." Sagot ko.

"Magpapahinga na ako, ihatid na kita sa kwarto mo." Tumango ako at bigla ay nahiya ako, nasa likuran ko lang siya.

Nang makarating doon ay binuksan niya 'yon, "Magpahinga ka na," wika niya at tsaka ko siya tinignan muli.

"Goodnight," mahinang sabi ko.

"Goodnight," tumango ako sa tugon niya. Nang siya na ang magsarado ng kwarto ko ay napalunok ako.

Weird? Kasal naman kami pero bakit hindi niya kinukuha yung advantage?

Kinaumagahan ay maaga akong nag-ayos ngunit paglabas ko ay nandoon na si Terry. "Ihahatid na kita," tumango na lang ako.

Nang makasakay sa sasakyan niya ay napansin ko rin kung gaano kabagal yung takbo ng sasakyan niya.

Pagkarating sa site ay nakita ko si Laze na nakatayo lang at tila pinagmamasdan ang buong site.

"Sige na, may trabaho pa ako." Tumango ako kay Terry at napigil ko ang paghinga ng humalik lang siya sa pisngi ko.

Pagkababa ay pumunta na ako sa rest house at saktong nandoon si Crizel, at Jem.

"Good morning," bati ni Crizel.

"Mare, okay ka lang?" Tanong niya kaagad kaya huminga ako ng malalim.

"Kinasal ka na, paano na si Laze?" Nagkibit balikat ako at nanlumo.

Nang bumukas ang pinto ay nalingon ko kaagad 'yon pero hindi niya man lang ako tinignan. "Work hours, do your work." Laze tapped the white board thrice and sat on a swivel chair.

Naupo na rin ako dahil mukhang mainit ang ulo niya, itinaas niya ang sleeves ng suot niyang puting long sleeves polo.

Lahat ay naupo sa harapan ng mesa, nakinig lang ako sa kanila. "It's been 6 months since we started this project, and it's quite improving. After the building is done we'll proceed to the interior and the exterior." Nakinig lang ako sa sinasabi ni Laze.

"Architect Lapiz, please bring me your interior designs, Engineer Soriano yung blueprint ng rooftop, kailangan ko na."

"Yes Architect," sagot ni Jem.

"When can you pass yours, Architect Lapiz?" Napalunok ako sa sinabi ni Laze.

"G-Give me a week," mahinang sagot ko.

"No, pass it in three days." Umawang ang labi ko ngunit siniko ako ni Crizel ng sasagot pa sana.

"He's the boss." Bulong niya kaya umirap ako.

"No excuses, you need to go to work everyday, overtime or not." Mariing sabi niya at tsaka tumayo.

"As long as the site is working, you also need to work. Dismiss," tumayo ako at tsaka ko hinanap ang kwarto ko rito.

Pagkabukas ay natigilan ako ng makita ang kama na maayos, At may mga papel pa sa mesa.

Tinignan ko 'yon at nang makita ang nakasulat sa isang plates ay huminga ako ng malalim.

Isinama ko 'yon sa labas, "Crizel, ito ba 'yon?" Tanong ko, nangunot ang noo niya at ibinaba ang tasa.

"Tanong mo kay Laze," mahinang sabi niya kaya nasiko ko siya.

"Ayoko—"

"What is it?" Nalingon namin si Laze.

"Ah architect, ito raw ba 'yon?" Inabot ni Crizel 'yon, nangunot ang noo ni Laze at tsaka tinignan ang iba pang parte.

"Hmm, kulang pa." Mahinahon niyang sabi, lumunok ako at tumango.

Minabuti ko munang basahin at titigan ang mga plates at blueprints baka sakaling maalala ko sila one click and I think it worked.

After revising it, I allowed them to help me to check if it's good or bad before passing it to Laze.

Hindi siya palakibo ngayon, buong araw rin siyang hindi ngumingiti o tumatawa. Kinagabihan ay lumabas ako ng kwarto ko pero nakita ko si Laze na inaayos yung gamit niya.

"Hindi ka dito matutulog architect?" Tanong ni Jem.

"I can't, I have some errands to run." Matipid na sagot ni Laze.

"Ikaw Miran?" Tanong ni Jem.

"D-Dito," sagot ko, hindi lumingon si Laze at nanatili sa pag-aayos.

"Nagpaalam ka?" Napalunok ako sa tanong ni Jem na mahina.

"Kanino?"

"Kay Terry," bulong niya pa ngunit napaayos kami ng tayo ng malakas na ibaba ni Laze ang bag niya at tsaka siya may isinilid sa papel sa envelope.

"I'm going, don't lock the doors but lock your rooms. Babalik ako before sunrise," nasundan ko ng tingin si Laze ng paalalahan niya ang lahat.

Sinundan ko siya ng tingin at ng sumunod ako palabas ay natigilan ako ng makita si Terry, nagkasalubong sila ni Laze pero hindi sila nagkibuan.

"I just came here to drop by your food, uuwi na rin ako." Paalam niya kaagad, kinuha ko 'yon at tinignan siya.

"Thank you Terry." Matipid siyang ngumiti.

Yumuko siya upang bumeso lang, "Ingat ka rito, huwag ka ng lumabas pag gabi kahit pa pribado rito hindi mo alam kung sino-sino ang nakakapasok." Habilin niya kaya tumango ako, ngunit nalingon ko ang paglipad ng mga buhangin dahil sa pag bira ni Laze sa sasakyan niya.

"Not again," mahinang bulong ni Terry at sinulyapan ang sasakyan niyang nalagyan ng buhangin.

"Sorry." Mahinang sabi ko.

"I guess he has the right to do that, you never told him clearly." Huminga ako ng malalim at tumango, "I'll go ahead." Paalam niya.

"S-Sige, ingat ka." Ngumiti siya at tinalikuran na ako, nang makarating siya sa sasakyan niya ay pinagpag niya pa ang harapan using his bare hands.

Tsaka siya sumakay sa sasakyan niya na mukhang mamahalin pa man din, pumasok na ako sa loob at halos magulat ako ng makita si Jem at Crizel na nasa likuran ng pinto at halatang nakikinig.

"Kahit kailan talaga kayo 'no?" Nakataas ang kilay kong sabi, naitikom ni Jem ang bibig.

"Na-curious lang ako kasi nakasilip siya." Turo niya kay Crizel.

"Ito naman! Laglag!" Singhal ni Crizel at alanganin na ngumiti sa akin.

"Gusto niyo? Paghatian niyo na hindi ako gutom." Inabot ko kay Crizel 'yon tsaka ako pumasok sa kwarto ko at nag-lock.

Dumapa ako sa kama, ngunit halos maalimpungatan ako ng magising at kumakalam ang tyan ko. Bumangon ako at inabot ang cellphone ko.

Alas tres?!

Ang haba naman ng tinulog ko, alas otso lang kanina ah. Tumayo ako at binuksan ang pinto ko, tahimik na at mahinang ilaw na lang ang nakasindi ngunit napakapit ako kaagad sa sariling katawan ko ng makita ko ang anino ng nakaupo sa sala.

"S-Sino 'yan?" Kinuha ko kaagad yung walis na kahoy at idinuro 'yon.

"Sino ka?" Nanlalaki ang mata kong sabi.

Narinig ko naman ang pagbaba ng baso sa babasaging mesa sa gitna ng sofa, umiinom ba 'to?

"I won't bite," nang marinig ang boses niya ay nahihiya kong ibinaba ang walis at tumayo ng maayos.

"Are you drinking?" Tanong ko ng makita ang bote ng alak, na mukhang mamahalin at matapang.

"I'm eating liquid," umawang ang labi ko sa sarkastikong sagot niya. Dahan dahan naman akong lumapit ngunit napalunok ako ng makita kong nakabukas ang apat na butones ng polo niya dahilan para bahagyang makita ang dibdib niya.

Ngunit natigilan ako ng makita ang pulsuan niya at wala na doon ang bracelet na binigay ko, nakagat ko ang ibabang labi ko tsaka ako napaiwas tingin.

He already gave up..

"About the marriage—"

"I already accepted the fact that you don't care about me, so you decided to marry him without even thinking about my feelings.." He didn't even glance at me, "So I guess you don't need me anymore." He stated and smiled.

"I don't have plans anymore, and I won't cheat with you anymore." Nakagat ko ang ibabang labi.

"I'm not asking you to cheat w-with me—"

"As I was saying Hakuna Miran, ours already ended when you married him." Nang tignan niya ako ay napansin ko kung gaano kasakit sa kaniyang sabihin na tapos na yung amin.

"Hindi ko na alam kung ano pa bang gagawin ko kung mananatili ako, kasi parang wala lang naman eh. Wala, hindi ako kasama sa plano mo." Sagot niya, naupo naman ako sa single sofa.

"Loving you was my strength, but this time it makes me tired." Napaiwas tingin ako at pinaghawak ang dalawang kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.

"I'm sorry."

"Don't be sorry, if you choose to hurt me don't feel sorry at all. Mas masakit," nang bahagya siyang pumiyok ay pakiramdam ko maiiyak ako.

"I'm more than enough, but when it comes to you. You're making me think saan ako nagkulang, you're making me ask my worth." Nakagat ko ang ibabang labi ko at nakuha sa pagiging prangka niya sa akin.

"I'm sorry." Nanatili akong nakayuko.

"I can't even look at your damn fingers, when I asked you to marry me you said bata pa tayo. Bakit sa kaniya pumayag ka?"  Sa kwestyon niya ay nahihiya akong harapin siya lalo.

His voice were hurt, and I can't look at his face kasi baka mas patayin ako ng konsensya. "Ako na lang ba talaga yung parati mong sasaktan? Bakit? Kasi natitiis ko?" Napayuko ako sa kahihiyan.

"Hindi mo na ba ako inisip? Hindi mo ba naisip na nandito akong masasaktan?" Nakagat ko ang ibabang labi.

"Kasal 'yan. Kasal, hindi laro lang." Kinuha niya ang baso ng alak at mas ininom.

"I'm out of words Laze, I can't give you excuses anymore. I'm sorry," tinignan ko siya ngunit nagsisisi ako dahil nahuli ko siyang mabilis na pinahid ang tumutulong luha sa mata niya bago niya iniiwas ang mukha sa akin.

Hanggang sa masapo niya ang mata using his one hand and then I heard his sobbing. Natulala ako sa kaniya at tila hindi ko na alam ang gagawin ko dahil umiiyak na siya sa harapan ko.

Pilit niya mang hindi iharap sa akin ang mukha niya ay hindi niya maitatago sa akin yung nasasaktan niyang pag-iyak. Naglapat ang labi ko nang kumirot ang dibdib ko.

Tila may nakabara na ring kung ako sa lalamunan ko na pinahihirapan akong lumunok. "I-It happened already, I can't do anything anymore. I can't make myself so stupid because of you, kasi pinapabayaan mo lang ako." He tried to stop himself from sobbing.

"You became my enemy Hakuna Miran, I was fighting for us and you became my enemy and that made me lose it."  Hindi na ako nakapagsalita at pinahid na lang ang luha ko.

"Matulog ka na." Matipid niyang sabi at tinignan lamang ang baso na hawak niya.

Tumayo na ako dahil wala na rin akong maihaharap o masasabi sa kaniya dahil nasaktan ko na siya. Ngunit natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko at ganoon ako napalunok ng hilain niya ako sa tabi niya.

"H-Huli na." Natulala ako ng yakapin niya ako, sobrang higpit no'n.

"Last na.." Bulong niya, ngunit dahil doon ay sunod sunod na tumulo ang luha sa mata ko lalo na nang marinig ko ang mahinang pag-iyak niya.

"Titigil na ako, hindi na kita guguluhin pa." Mahinang sabi ni Laze.

Nang bitiwan niya ako ay hindi pa ako makatayo kaagad. Kinuha niya ang baso ng alak at ininom 'yon tsaka siya tumayo at inayos na 'yon.

Tumayo na ako at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko, nang makapasok ay nanlulumo akong napaupo sa kama ko at doon ako umiyak ng umiyak.

Hindi ko lubusang makakayanan kung ako yung nasa sitwasyon niya, pero bakit ko siya nilagay sa sitwasyon na 'yon?

Dahil ba matapang siya? Dahil kaya niyang mag-tiis? Bakit ang unfair ko sa kaniya? Bakit ko pinaparamdam sa kaniya na kulang siya?

Sino ba ako para gawin 'yon sa kaniya?

Ngunit natigilan ako ng may kumatok sa kwarto ko, lumapit ako doon at pagkabukas ko ay nanlaki ang mata ko.

B-Bakit?

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top