Chapter 65
Chapter 65:
Hakuna Miran's Point of View.
Nabitiwan ko ang cellphone ko tsaka ko nasapo ang sariling mukha, sunod sunod na tumulo ang luha ko at hindi ko man gustuhin ay sinisisi ko ang sarili sa pagkawala ni lola.
"A-Ate Miran bakit po?" Naitago ko ang mukha sa sariling palad ko nang magtanong si Jami at mukhang nagising ko siya sa malakas na magpigil ko ng hikbi.
"Ate, hala. May masakit po ba sa'yo?" Ramdam ko ang taranta niya, hanggang sa hindi ako makasagot dahil derederetso na akong umiyak.
"Oppa!"
"Kuya Laze! Kuya Yamato!"
"Ate Miran bakit po?" Nag-aalala na tanong ni Jami, hanggang sa narinig ko ang mabilis na yapak sa hagdan na kahoy papunta sa loft.
"What happened?" Naramdaman ko rin ang pagpunta ni Laze sa harapan ko, "Hakuna Miran, what's wrong?" Hinawakan ni Laze ang kamay ko at pilit inaalis 'yon sa mukha ko.
Nang makita ang mukha niya ay alam ko na kagigising niya lang ngunit yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib at pagsisisi ay hindi ko mai-alis sa akin.
"What happened huh?" Pinahid niya ang luha ko na mas ikinaluha ko pa lalo.
"Ate," nakita ko naman na sumilip si Yamato.
Bumuntong hininga si Yamato na hawak ang cellphone, tsaka siya nanlulumong napaupo sa gilid at tinitigan ako.
"K-Kasalanan ko." Pumiyok pa ako dahil sa pagsinok ko matapos akong humikbi ng humikbi.
Bumuntong hininga si Laze at tsaka niya hinawakan ang likod ng ulo ko at ilapit ako sa kaniya upang mayakap niya ako. "Calm down," bulong niya at hinagod ang likod ng ulo ko hanggang sa likuran ko.
"Kumalma kayo." Paalala niya.
"W-Wala na si lola," nang sabihin ko 'yon ay muli akong umiyak na parang bata na nawawala.
"W-Wala na siya, k-kasalanan ko Laze." Naramdaman ko ang pag-iling niya, "Hindi." Pagpapagaan niya sa nararamdaman ko.
Kinse minutos bago ako naubusan ng iiyak, mugtong mugto ang mata ko at hindi ako iniwan ni Laze, naupo siya sa tabi ko at hinayaan akong magluksa.
"Kailangan na natin pumunta doon ate," mahinang sabi ni Yamato.
Alas tres ng madaling araw at nanghihina ako, pag naiisip ko na wala na si lola ay nagagalit ako sa sarili ko. Hindi na lang sana ako sumagot.
Tumayo ako at inayos ang sarili ko, naupo ako sa sofa ng si Yamato na ang nag-aayos sa banyo, ipinikit ko ang mata ngunit natigilan ako ng may magpatong ng medyo basa na towel sa mata ko.
"A-Ano 'to?"
"So you'll feel comfortable in your eyes, they look puffy." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko kaya ipinikit ko ang mata dahil na-relax ang mahapdi kong mata.
Nang matapos si Yamato ay tumayo na kami, kahit si Jami ay sumama dahil ayaw niyang maiwan mag-isa sa condo ng kuya niya.
Pagkarating doon ay hindi ako makapagsalita dahil lumuluha sila dad, mama at pati na si lolo. Napayuko ako, hindi ko sila matignan sa mata sa kahihiyan na dinadanas ko.
Ngunit dumating ang pamilyang Bautista at umiiyak ang lola ni Terry, ang best friend ng lola ko, kinonsensya ako lalo. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Calm down, okay? Bawal ka ma-stress." Inakbayan ako ni Laze at itinago sa dibdib niya, nalingon kami ni mama at tumango lang siya sa akin na para bang sinasabi niyang wala akong kinalaman sa pagkawala ni lola na mas ikinaiyak ko.
"Kasalanan ito ng babaeng 'yan oh, kasalanan niya!" Natigil ako sa paghikbi ng umiiyak na ito na parang ang peke.
"Can you stop? It's not someone's fault." Sita ni Terry sa kapatid, kaya yumuko ako at nanatili na lang sa pwesto namin ni Laze.
"Ipagtatanggol mo pa 'yan kuya? Niloko ka na nga! Masyado ka ng bulag sa pagkagusto mo sa kaniya!" Kumuyom ang kamao ko dahil sa pagkarindi.
Ngunit mula sa paghagulgol ng lola ni Terry ay nanlaki ang mata ko ng mahimatay ito sa sobrang pagdamdam sa pagkawala ni lola. "M-Ma, ano bang nangyari?" Kwestyon ni Yamato.
"I-Inatake kasi ulit ang lola mo, bumili lang kami ng gamot niya at coffee pagkabalik namin nagtatakbuhan na ang mga nurse papunta sa kwarto ng lola mo at 'yon na nga anak." Muli ay naluha si mama kaya naiyak rin ako.
"Kung may sisisihin rito ikaw 'yon naiintindihan mo?! Ikaw 'yon!" Halos umawang ang labi ko ng dakmain nito ang buhok ko ngunit mas nagulat ako ng hawakan ni Laze ang pulsuhan no'n at pisilin ng sobra dahilan para mabitiwan ang buhok ko ngunit patulak na binitiwan ni Laze ang pulso no'n dahilan para sumalampak siya sa sahig.
"I'm already at the edge of my patience Ms.Bautista, please distance yourself." Seryosong sabi ni Laze at itinago ako sa gilid niya.
"I still have respect for you because you're a woman, that's the only barrier I have." Nanlumo ako at iniiwas na lang ang tingin sa nakasalampak na bunso nila.
"Tita, I'll just wait outside. Hindi rin po talaga makabubuti kay Miran ang ma-stress." Sumangayon si mama at nang mailabas ako ni Laze doon ay napaupo ako sa gilid at tsaka ako yumuko sa mga tuhod ko.
"H-Hindi kaya ng konsensya ko Laze," mahinang sabi ko habang umiiyak.
Suminghot pa ako sa sobrang pag-iyak. Narinig ko ang matunog na paghinga ni Laze at tsaka siya naupo sa harap ko ng silipin ko siya.
Mas lalo tuloy akong lumabi, ngunit natigilan ako ng alalayan niya ako. "Tara," doon kami tumigil sa sasakyan niya at para akong bata na hila hila ng nanay ko.
Nang makaupo sa sasakyan niya ay itinaas ko ang talampakan na naka-medyas pa at tsaka ko isinandal ang baba ko doon. Nalingon niya naman ako at tinutok ang aircon sa mukha kong basa ng luha at pawis.
"You're crying beautifully, no worries." Sa sinabi niya ay napanguso ako at yumuko sa tuhod ko.
"Hakuna Miran," natingala ko muli si Laze pero matipid siyang ngumiti na para bang ina-assure niya ako. "It's not your fault, okay?" Lumabi ako lalo at itinago na ang mukha ko.
Hindi na kami gaano nagtagal sa ospital dahil sinabi ni mama na ihahanda na rin naman raw yung wake ni lola, doon kami pumunta ni Laze.
Hindi nga namin alam kung kanino sumabay si Yamato at Jami dahil naiwan namin sila, "I don't like your grandmother, but I never wished something bad will happen to her." Nalingon ko si Laze.
"Bakit?"
"Because she's your grandmother, Hakuna." Nakagat ko ang ibabang labi at tila ayoko pang bumaba ng sasakyan.
Nasa harap na kami ng bahay namin at nandito na rin sila mama, pero nasa loob na sila. "Tara na," anyaya niya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Can you walk?" Kwestyon niya.
"B-Bakit hindi? H-Hindi naman ako lampa." Mahinang bulong ko at tumayo na, naglakad na si Laze at tinalikuran ako pero ng mapansin niya na hindi ako gumagalaw ay bumalik siya at hinawakan ang kamay ko.
Napakurap ako ngunit pumikit ako ng mariin ng may pumasok na ala-ala sa isip ko at madilim doon tapos may puno na malaki, may mga batong bahay rin at may pusa?
Dahil lang natakot ako sa pusa naghawak kamay na kami?
Pagkapasok sa bahay ay mabilis kong binawi ang kamay ko ng tumingin si dad sa amin, nahihiya akong lumapit sa kanila at tsaka ako yumakap.
"G-Galit ka po sa akin dad?" Kinakabahan na tanong ko ngunit yumuko si dad at tsaka matipid na ngumiti.
"Hindi anak," wika niya pa at inayos ang buhok ko.
"Magpahinga ka na, pauwi na rin ang ate mo." Tumango ako.
"Sorry po ulit," tumango lang si dad, naramdaman ko naman na sumunod si Laze kaya nang maka-akyat ay hinarap ko siya na ikinatigil ng pag hakbang niya.
"Where are you going?" I stated, nangunot ang noo niya at sinulyapan ang pintuan ng kwarto ko.
"Am I not allowed into your room?" He asked, he reached the side of his forehead and scratched it. "Nakapasok ka na ba sa kwarto ko?" Nagtatakang tanong ko.
"Not yet, but you once invited me over and I declined." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, wow. It's audacious for me..
Really Miran? Ikaw nag-aya?
"H-Halika sige," walang choice na sabi ko at tinalikuran na siya.
Nang makapasok sa kwarto ko ay mabuti na lang malinis dito, naupo naman siya sa swivel chair na nasa harapan ng study table ko.
Pinagulong niya 'yon para makalapit ng bahagya sa akin na nakaupo sa dulo ng kama ko, "Have you recovered?" Mahinahon na sabi niya sa akin, nagkibit balikat naman ako bilang sagot dahil wala akong ideya.
"I can't stop blaming myself," mahinang sagot ko.
"It's okay to blame yourself but it shouldn't last long, because it was never your fault. It just happened that when you answered a veins on her heart got clotted or burst." Ngumuso ako sa scientific explanation niya.
"Opo." Sagot ko na lang.
"It's okay to cry, but don't take it too much." Nang tumayo siya sa pagkakaupo ay naglakad siya papalapit sa akin at napatitig ako sa abo niyang mata ng ayusin niya ang buhok ko.
"Bakit ang tangkad mo?" Kwestyon ko.
"My dad is tall, my mom is also tall." Sagot ni Laze.
Napanguso naman ako sa height ko na mukhang nakuha ko kay mama, buti pa si Ate Janella kahit papaano mas matangkad sa akin mga 3-4 inch.
"What's your height ba?" I asked, napaisip naman siya at tsaka nagkibit balikat.
"I was already 6 footer when I turned 18, I'm already taller than my dad so maybe average. I don't know, ibang height ang sinusukat ko." Sa sinabi niya ay nangunot ang noo ko.
"Anong ibang height?" Mahina siyang natawa at umiling, "Nothing."
"Ilang taon ka na ba?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo alam?" Kwestyon niya, kaya umiling ako. Huminga siya ng malalim at napaisip.
"I'm 22," sa sagot niya ay napatango ako.
"Bata pa— so you started college at 17?" Tumango naman siya bilang sagot.
"I'm just ahead for months, magkasunod lang tayo." Tumango ako.
Habang nakaupo ay sandaling tumahimik ngunit napapikit ako kaagad ng may nakakabingi na tunog sa tenga ko kasabay no'n ang ala-ala na nanumbalik sa akin.
Ngunit nagtaka ako ng makita si Laze at Ate Janella, tila nagbigay 'yon ng kakaibang kirot sa dibdib ko na ikinahinga ko ng malalim.
Pagmulat ko ay nasa harapan ko na ang mukha ni Laze, bahagya akong nagulat ngunit hindi maalis sa isip ko ang naalala.
May past sila ni Ate Janella?
"May naalala ka?" Kalmadong tanong niya at naupo sa swivel chair na inilapit niya sa akin.
"Hmm."
"Laze, p-papakasalan ko na lang yata si Terry." Natigilan siya sa sinabi ko, matagal na napatitig sa mukha ko.
"W-What now?" Kwestyon niya.
"Kahit matupad ko lang naman yung last wish ni lola," lumunok siya at tsaka napaayos ng upo.
"Miran we're already set, huwag naman sanang ganyan." Matipid niyang sabi, napatitig ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at tsaka siya tinitigan, "H-Hindi ko rin naman naalala ang nararamdaman ko para sa'yo, p-paano kung hindi na b-bumalik?" Kinakabahan ako dahil sa tingin niya sa akin.
"Ibabalik ko." Pagkukumbinsi niya kaya umiwas tingin ako.
"Laze—"
"Hakuna Miran you already saw how dark his family is, masisira ka lang sa kanila." Kagat labi akong huminga ng malalim, hindi ko alam ang sasabihin.
"'Yon lang yung alam kong paraan para matahimik si lola, para mapatawad niya ako—"
"Why would she need to forgive you if you'd done nothing wrong?" Nang tignan ko siya sa mata ay nainis ako ngunit agad na nawala 'yon ng makita ko ang pangamba sa mata niya.
"Laze naman." Mahinang sabi ko.
"Ano? Dapat ba hayaan na lang na naman kita? Can't you forget their feelings? Ako naman," napaiwas siya at ihinawak ang kamay niya sa noo.
Bumuntong hininga ako, "Ayoko munang dumagdag sa isipin mo, pero ayoko sa desisyon mo. Ayoko Hakuna Miran, sana maintindihan mo." Hindi ko inalis ang titig sa mga mata niyang titig na titig rin sa akin.
Napalunok ako ng yumuko siya, "Ang tagal ko ring pinaglaban 'to," pabulong niyang sabi at tsaka ako tinalikuran at iniwan sa kwarto ko.
Kung hindi niya hahayaan mukhang kailangan kong isagawa yung kasal ng hindi niya alam..
I'm sorry Laze.
Lumipas ang oras at naayos na nila si lola sa ibaba, magkakaroon ng mga tao mamaya pagkatapos ng preparations. Nanatili lang akong nakaupo sa sofa sa kung saan natatanaw ko ang kabaong ni lola.
Ang bigat sa damdamin, mas gusto ko pang pinagagalitan niya ako palagi..
"Bakit umalis si Kuya Laze?" Nalingon ko si Yamato tsaka ako huminga ng malalim.
"I decided to marry Terry, to make Lola's wish granted." Nangunot ang noo ni Yamato.
"Ate, huwag ka naman sana magdesisyon ng dahil sa konsensya mo." Sambit ni Yamato at naupo sa tabi ko.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap kay Kuya Laze na mag-antay ng taon, tapos hindi mo man lang maiparanas sa kaniya yung pagmamahal na deserve niya," huminga ako ng malalim.
"Anong gagawin ko? Papakasalan ko lang naman siya in order for the company to grow. 'Yon lang—"
"And what about Kuya Laze? Bahala na siya sa buhay niyang masaktan samantalang kahit sabihan ka ng masakit hindi niya magawa." Halatang ayaw ni Yamato sa desisyon ko kaya ngumiwi ako.
"Edi sabihan niya ako ng masakit, hindi niyo naman ako naiintindihan—"
"Kasi walang dapat unawain sa'yo ate, huwag kang mag-sorry sa kaniya pag nasaktan mo siya kasi at the first place hindi mo naiintindihan yung nakakasakit sa kaniya." Tumayo si Yamato at padabog na umalis sa tabi ko.
Bumuntong hininga ako at nasapo ang mukha ko, sumasakit lalo yung ulo ko sa nangyayari.
Maya-maya ay nagdagsaan ang mga pumasok sa bahay at iniwasan ko kaagad ang kapatid ni Terry dahil inaasahan ko na gagawa at gagawa siya ng gulo.
Wala naman siyang respeto eh.
Habang nakaupo ay panay ang buntong hininga ko, pakiramdam ko ay kaunting kibot lang ng ibang mga tao sa akin ay maiiyak na ako.
Nang dumating si Ate Janella ay bumuntong hininga siya at yumakap sa akin, "Wala kang kasalanan, kaya tigilan mo na kakasisi sa sarili mo." Natulala ako nang pangunahah niya ako sa sasabihin.
Nakagat ko ang ibabang labi ng mabilis na magbadya ang luha sa mata ko dahilan para sunod sunod na tumulo 'yon at wala akong magawa kundi umiyak sa balikat niya na parang bata.
"H-Hindi ko sinasadya ate, h-hindi ko sinasadya."
"Hmm, wala kang kasalanan." Hinagod niya ang likod ko.
"Hindi mo sinasadya? Baliw ka nga siguro talaga 'no?" Natigil sa paghagod sa likuran ko si Ate Janella ng sumingit sa usapan yung kapatid ni Terry.
"You know what? You're not even welcome here." Galit na sabi ni Ate Janella at humiwalay sa yakap.
"So please leave, hindi ka naman kabilang sa pamilya namin." Galit niyang dagdag at tsaka inis na inipit ang buhok niya upang walang sagabal.
"Talaga ba Janella? Eh 'di ba nga may relasyon kayo ng tinuturing mong kapatid na si Jeremy Soriano?" Natigilan ako sa narinig, t-totoo ba?
"Labas ka na doon." Mariing sabi ni Ate Janella.
"Hija ano bang sinasabi mo? Huwag ka naman sanang gumawa ng kwento at gulo sa mismong wake ng lola nila." Sita ni mama kaya bumuntong hininga ako.
"Ah hindi niyo po ba alam Tita Janine? Yung relasyon ng tinuturing niyong anak at ng anak niyo?" Umawang ang labi ko ng magulat si mama at bahagyang magitla si Ate Janella.
Tumayo ako at mabilis kong hinablot yung kwelyuhan ng suot niyang itim na damit, "Kung may galit ka sa akin, huwag ka ng mandamay ng iba naiintindihan mo?" Tumaas ang tono ng boses ko at mabilis na binitiwan ang kwelyo niya ng mawalan siya ng balanse.
"At ano mamatay tao? Ano kung mandamay ako at least hindi ako pumatay ng lola ko!" Pinanlakihan ko siya ng mata sa sinabi niya, "Itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong busalsalan ko 'yan ng sili." Mariing sabi ko at tinitigan siya ng masama.
"Aww? Hindi tanggap—"
"Sinabi ng itikom mo 'yang bibig mo eh!" Sigaw ko at sinampal siya na ikinagulat niya.
"Tandaan mo 'tong sasabihin ko sa'yo, papakasalan ko 'yang kuya mo. Kaya tumahimik ka na, pero sa oras na makapasok ako sa pamilya niyo? Kayo ang hindi makakalabas." Banta ko at tsaka ko siya itinulak ng malakas.
"Miran!" Mabilis na umawat si dad matapos kong pabulong na bantaan yung kapatid ni Terry.
"Tama na anak, tama na okay? Janella. Dalhin mo na sa itaas ang kapatid mo at mag-uusap tayo pagkatapos ng wake ng lola mo." Nakagat ko ang ibabang labi sa sinabi ni dad.
H-Hindi naman namin kapatid talaga si Jem, hindi naman masama.
Nang maka-akyat ay napatitig ako kay Ate Janella. "Totoo ba yung sinabi no'n ate?" Huminga ng malalim si Ate Janella.
"Ikaw ang unang nakaalam no'n nang birthday mo." Sa sinabi niya ay napalunok ako.
"Hindi ako tutol ate," mabilis na sabi ko.
Ngumiti siya, "Alam ko, ikaw nga ang nagsabi na huwag na kaming mag-away at mamroblema na lang kinabukasan." Nakagat ko ang ibabang labi sa sinabi ni Ate Janella.
Seryoso?
"Ano mang sabihin no'n haliparot na 'yon huwag mong dibdibin, wala ka namang dibdib—"
"ATE!"
"Joke lang, huwag ka ng malungkot. I-I mean huwag ka ng malungkot na sinisisi ang sarili mo kasi wala kang kasalanan." Huminga ako ng malalim at pilit na tumango.
"Dito ka na muna, wala pa akong ligo." Mahinahon na sabi ni Ate Janella kaya tumango ako.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na rin ako para makatulong sa baba ngunit natigilan ako ng dumating ang buong pamilya ni Laze.
Nang magtama ang mata namin ay umiwas tingin kaagad siya at nakapamulsa lamang sa itim na suot niyang trousers at itim rin na polo.
Dumaan muna sila doon kaya naman nang makalapit sila sa loob ng bahay namin ay naitikom ko ang bibig at hindi sila matignan.
Ngunit awtomatiko akong natuod sa kinatatayuan ko ng pumunta si Laze sa harapan ko at nanlaki ng bahagya ang mata ko ng yumuko siya at halikan ako sa pisngi.
"My deepest condolences, Hakuna Miran." Umawang ang labi ko ng magtama ang mata naming dalawa.
Nalingon ko naman ang mga tingin ng Bautista lalo na yung kapatid ni Terry at ang nanay nito.
Napalunok ako at bahagyang yumuko sa pamilya ni Laze bilang bati na ganoon ring ginawa ni Jami dahil siya ang pinakabata doon.
"Hakuna Miran," nalingon ko muli si Laze, "Oh?" Tugon ko nilingon niya ako at tsaka siya bahagyang yumuko dahil may ibubulong.
Ngunit nang maibulong niya ang gusto sabihin ay nag-init ang mukha ko, "I love you." Lumunok ako at mabilis na napatayo ng maayos.
"C-Coffee po?" Tanong ko sa family niya na nakaupo sa sala namin.
"Huh?" Nagulat siguro sila sa biglaang alok ko.
"A-Anong drinks po gusto niyo?" Kwestyon ko.
"Ah okay lang, hihintayin na lang namin mamaya." Nakangiting sabi ng mommy ni Laze kaya ngumiti ako.
"Okay po." Hindi ko malingon si Laze ngayon, a-anong trip niya sa buhay?
Halos napatayo ako nang maayos ng biglang may mahinang sumiko sa balikat ko, inis kong nilingon si Laze pero napalunok ako kaagad ng mabilis niya akong kindatan.
P-Parang t-tanga naman alam na n-ngang nasa w-wake kami ni lola..
///
"You're unbelievable, You didn't even think of me. Am I that unimportant?"
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top