Chapter 63

Chapter 63:

Hakuna Miran's Point of View.

Nang makalayo ay umatras si Laze para makaalis ako sa pwesto namin, nahihiya naman akong humawak sa gilid ng cart at napapansin ko ang pag-titig niya sa akin tsaka siya umiwas tingin.

Matapos naming mamili ay kahit frozen goods meron, may binili rin siyang meat and vegetables.

"Have you ever tried samg— ah yeah I forgot." May itatanong sana siya ngunit parang may na-realize siya kaya tumayo lang ako sa gilid niya nakasilip sa mga pinamili.

Nang malingon niya ako ay nangunot ang noo niya ngunit blangko akong tinitigan ng mata niya.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong niya.

"Sumisilip." Sagot ko.

"Get in here," natigilan ako ng gumilid siya at ilagay ako sa bandang harapan niya.

Hinintay namin ma-punch lahat ng pinamili hanggang sa ilagay ang iba sa box at ang iba naman ay sa paper bag.

I was about to pick up the paper bag but then he picked it up and put it on a cart. Hindi ko naisip 'yon.

Sumunod lang ako sa kaniya, sa paglalakad namin ay tumigil kami sa isang shop at pet shop pala.

"May pet ka?" Tumango siya bilang sagot.

"Anong pangalan niya? Anong pet?"

"You actually know him," napakurap ako ng maraming beses at sinundan na lang siyang bumili ng dog food, treats, at yung mga nakalata lata na pagkain ng aso.

Nang bayaran niya 'yon ay lumabas na kami muli, para akong bata na sumasabay sa malalaking hakbang niya.

Nang makarating sa parking lot, isa-isa niyang inilagay sa likod 'yon at tsaka ako tumulong,"I can do this, sumakay ka na." He stated.

Nililingon lingon ko naman siya sa likuran ngunit halos manlaki ang mata ko ng may lalakeng kaharap siya at may hawak na baril.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumabas. "Laze!"

"Get inside the car, Hakuna." Mariing sabi niya hindi inaalis ang tingin sa lalake.

"You can come if you want to save him," nakangising sabi ng lalake na naka-pulos itim at naka-suot ng itim na cap dahilan para hindi ko gaano mamukaan.

"Get inside Hakuna," Mahinahon na pakiusap ni Laze kaya napatitig ako.

Huminga ako ng malalim at tsaka umatras, I should listen right? What if may mangyaring masama sa kaniya?

"B-Baka—"

"Trust me on this one, okay? Get inside," huminga ako ng malalim at sinunod siya, nanatili akong nakalingon sa kanila.

Umiwas tingin ako dahil sobra sobra na akong kinakabahan at pinasasakit no'n ang ulo ko.

Ngunit pagkalingon ko ay natigilan ako ng wala na yung lalake at pasakay na si Laze, pagkasakay niya ay hinarap ko siya kaagad. "Nasaktan ka?" Nag-aalala na tanong ko.

Nilingon ako ni Laze matapos isindi ang makina, "I'm okay." Umiwas tingin na siya at tsaka ilang minuto lang ay mabilis niya ng pinaandar ang sasakyan.

Hindi siya umiimik, at deretso lang sa daan ang tingin niya. Panay sulyap lang siya sa side mirror ng sasakyan sa gawi ko, nang makarating sa mismong condo building ko ay natigilan pa siya.

"I can't leave you here, sumama ka na sa akin." Nanlaki ang mata ko ngunit nang seryoso niya akong tignan ay tumikom ang bibig ko at hindi na umimik, pinaandar niya ang sasakyan at halos mamangha ako sa ganda ng isang condo building.

"Do you live here?" I asked.

"Hmm." Sa matipid niyang tugon ay bigla akong nahiya, tila nawala siya sa mood.

Lahat ng groceries ay binuhat niya at kinuha ko na lang ang ibang paper bag na ibinigay niya na lang, sabay kaming naglakad pataas.

Pagka-akyat ay isang tap lang ang isang card at bumukas na 'yon kaya naman napasunod ako kaagad not until someone barked at me.

Dahan dahan kong nalingon 'yon at nabago kaagad nito ang mood ko ng lumingkis ang katawan niya sa akin at wumagayway ang buntot niya.

"Bullet, calm down." Laze stated and placed his groceries above his counter, sumunod ako at inilagay ko rin 'yon doon.

"Ang ganda naman ng bahay mo," nakangiting sabi ko at natanaw ang mezzanine.

"This is not my house, but one of my homes." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya hanggang sa sulyapan niya ako.

"Sit here," he tapped the space beside him but I sat on the single sofa that made him sighed.

"Do you know how to cook?" Sa biglaang tanong niya ay nagkibit balikat ako, "Wala akong maalala na nagluto ako, pero siguro naman marunong ako magluto bago mawalan ng ala-ala?" Tumango tango siya.

"Alright, try to cook." Tumayo naman ako at dumeretso sa kusina upang sumubok.

Habang inaayos ay natigilan ako ng magsalita si Laze, "If you're going outside, or need to leave tell me first. Okay?" Nangunot ang noo ko.

"Bakit?"

"So I have an idea," wika niya. That ended the conversation so I focused on making food, tried doing an experiment.

Nang makagawa ng putahe ay hindi ko maalala kung anong tawag doon, pero pork siya na may sauce na matamis na maasim hindi ko mawari.

May patatas rin, hindi naman siya adobo. "What's this?" He asked, and got himself a spoon to taste.

Napatitig ako sa kaniya, hinihintay ang reaksyon niya hanggang sa maningkit ang mata niya at tumango. "Letchon paksiw?" Nagkibit balikat ako.

"Let's eat," anyaya niya at inayos ang table.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok siya sa banyo na may hawak na towel, "Maliligo ka?" Kwestyon ko.

"Yup, sama ka?" Nanlaki ang mata ko.

"Of course not!"

"I'm kidding!" Malakas na sagot niya dahil baka hindi kami magkarinigan.

"Oh damn you don't have extra clothes," nang marinig ko na sabihin niya 'yon sa loob ng banyo ay napangiti ako at tsaka umiling iling na lang.

Why is he acting cute?

Naupo ako sa entertainment area niya at hinawakan ang cellphone ko hanggang sa may tumawag sa cellphone ko at hindi ko kilala ang numero ngunit ginawa kong sagutin 'yon.

"Good evening ma'am, paano po yung gagawin namin sa site? Hindi pa po kasi kayo bumibisita baka po ma-delay yung construction ng isang linggo." Nangunot ang noo ko sa tinig lalake.

"P-Po?"

"S-Si Architect Lapiz ho ba ito?" Tumikhim ako ng marinig ang apelyido ko.

"O-Opo."

"Yung site po sa Tagaytay ma'am, yung bahay po." Naguguluhan talaga ako.

"Sandali po, tatawag po ako pabalik."

"Sige ma'am," tugon no'n kaya naman dahan dahan akong lumapit sa pinto dahil sampung minuto naman na ang nakalipas pwede ko na siguro siya tanungin.

"Laze." Dalawang beses pa ako kumatok sa banyo.

"Hmm?" Tugon niya mukhang malapit lang siya sa pinto ngayon.

"May tumawag sa aki—" Naputol ang sasabihin ko sa gulat ng mabilis niyang buksan ang pintuan sa banyo at nagpupunas pa siya ng buhok niya.

Napakurap ako ng maraming beses, "Who called you?" Kwestyon niya.

"Y-Yung site raw sa tagaytay," pagtuloy ko sa sinasabi kanina.

"Ah the project, I'll join you. Wait for me," tumango na lang ako at gumilid, pagkaraan niya sa gilid ko ay naamoy ko pa ang shampoo niya o sabon hindi ko alam.

Muntik pa akong mapapikit ng maamoy ko 'yon, nakakahiya.

Umakyat siya sa itaas kaya naman hinintay ko na lang siya sa ibaba, pagkababa niya ay hinarap niya ako. "What did they tell you?" He asked, out of curiosity.

"Ano raw susunod nilang gagawin sa site, baka raw ma-delay na." Sagot ko.

"Ah, do you have your blueprint? Or do they have it?" Nagkibit balikat ako bilang sagot dahil hindi ko maalala.

"Ako na bahala," sagot niya at kinuha ang number sa akin.

Tinawagan niya 'yon, kaya nakaharap lang ako sa kaniya, nag-aabang ng balita.

"Yes, good evening. This is Architect Garcia, I already visit the site once," sa sinabi niya ay nangunot ang noo ko so nakasama ko na siya diyan?

"Alright, I can go on her behalf since I kind of study the blueprint. Tomorrow, yes." Pagkatapos no'n ay ibinaba niya na ang telepono at tinitigan ako.

"Let's get your blueprint," anyaya niya at inilahad ang palad sa akin.

"Saan?"

"At your condo, get your things and stay here for tonight." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"D-Dito?"

"Hmm, occupy my bed. Dito na ako sa sofa," turo niya sa kinauupuan kanina.

"P-Pero—"

"I won't deprive your privacy, no worries." He stated and looked around before getting a black cap and placing it on my head.

"Let's go." Sumunod ako kaagad sa kaniya.

Bumaba kami sa parking lot, mabilis niya naman na nahanap ang sariling sasakyan kaya hindi ko na siya hinayaan na pagbuksan ako, pagkaupo ay isinuot ko na ang seatbelt ko.

Gayun rin siya na sinulyapan pa ako, sumandal naman ako at nang umandar 'yon ay nakaramdam ako kaagad ng antok. "Nakakaantok naman sa sasakyan mo Laze," matipid na sabi ko at ipinikit ang mga mata.

"Hmm," tugon niya lang.

Habang nasa daan kami ay parang mas lalo kong nadama ang antok, nagmulat ako at nilingon si Laze na tila inaantok na rin. "Something's wrong," sa sinabi niya ay binagalan niya ang patakbo.

"Huh?" Inaantok kong tanong.

"Do you have your phone?" Umiling ako bilang sagot.

"Hindi, anong problema?" Tanong ko, nag-aalala.

"Can you start a call? Using the car's tablet. Call my lola." Inaantok man ay ginawa ko ang sinabi niya hanggang sa biglang may ibinulong si Laze.

"Damn those maggots." Nangunot ang noo ko at sa isang ring no'n ay sinagot kaagad.

"I can't stay slow, Hakuna hold on tight." Kinabahan ako lalo at napahawak, sakto namang sinagot ang tawag.

"B-Bakit?"

"I'll explain later," he answered back and grabbed some Bluetooth earphones and put them on his left ear.

"Lola, I need your help." Sa panimula niya ay nalingon ko ang dalawang sasakyan na naka-sunod sa amin.

"Two unknown cars were following us and worse they put something on my aircon, it's making me so sleepy." Sobra akong kinabahan sa winika niya, kung ganoon kaya ako inantok dahil sa naamoy ko?

"Okay lola, I'll open the windows. I'm afraid that accident will follow if I get too sleepy." Nalingon ko ang dalawang sasakyan.

"M-Malapit na sila," sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang nanonood ako ng intense action movie ngunit ngayon ako mismo nasa kinalalagyan ng intense movie na 'yon.

"Lola, hurry up. I'll go slower, inaantok na ako." Bumagal ang patakbo niya ngunit pinigilan kong huminga upang hindi na ako makalanghap pa ng inilagay nila sa sasakyan ni Laze.

Ngunit napapansin ko na ang madalas na pagpikit ni Laze, "Focus Laze." Paalala ko dahilan para pilit niyang imulat ang mata at tumango tango.

Nang makita ang isang van sa harapan ng kalsada ay bumagal kami lalo, at halos makahinga ako ng maluwag ng matanaw ko ang lola ni Laze at lolo niya.

Ang mga sasakyan na humahabol ay mabilis na umikot para iwasan kami, inalis ni Laze ang seatbelt pagkatapos niyang ihinto ang sasakyan.

"Okay ka lang?" Kwestyon niya at hinarap ako kaya tumango ako.

Pansin ko naman ang sobrang pungay niyang mata, parang kaunti na lang ay itutulog niya na. Lumabas kami at nang makalabas si Laze ay lumapit kaagad sa kaniya ang lolo niya ngunit pagkaharap ni Laze ay awtomatiko akong nag-alala.

"B-Bakit?" Lumapit ako sa pag-aalala ngunit mabuti ay nasalo kaagad si Laze ng lolo niya.

"A-Ano pong nangyari?" Kwestyon ko.

"Mabilis gumana sa kaniya yung pampatulog dahil sa kaniya halos nakatutok ito." Napatingin ako sa tinitignan ng lolo niya at doon ko nakita ang tila diffuser ng usok para makuha at maikalat ng aircon sa loob.

"Sumama kayo sa akin, ikaw hija hindi ka ba nahihilo?" Tanong nito.

"I-Inaantok po." Sagot ko.

Inalalayan si Laze at inilagay sa likod ng van ngunit napalunok ako ng patabiin ako kay Laze, "Umidlip ka na muna hija, nang mawala yung gamot na nalanghap niyo okay?" Mahinahon ang tinig ng lola niya.

Makalipas ang oras ay bigla akong nagising ngunit nasa isang kwarto na ako na hindi ko kilala, tumayo naman ako at inaalala kung papaano ako nakarating sa malambot na kama na 'to.

Maingat akong naglakad, noong makalabas ay natigilan ako ng makita ang lola ni Laze.

"Gising ka na pala hija, pupunta ka ba kay Laze?" Dahan dahan naman akong tumango, nang dalhin niya ako sa kwarto ay natigilan ako ng umalis na rin siya.

Iiwan niya ako rito? Baka iba isipin ni Laze pag gising na siya.

Nailibot ko naman ang paningin ngunit pinukaw ng isang maskara ang atensyon ko dahilan para lapitan ko 'yon.

Nang subukan kong hawakan ay mabilis kong mahawakan ang gilid ng ulo ng sumakit 'yon ng sobra sa puntong kahit idaing at iluhod ko ay hindi nababawasan.

Sa pagpikit ko ay may mga naalala at tila naririnig ko sila sa isip ko, halos umawang ang labi ko sa sakit ngunit tila isang masayang ala-ala ang binibigay at pinakikita sa akin.

Sino 'yon?

Pagmulat ko ay unti-unting nanlabo ang paningin ko sa lalakeng nakaluhod sa harap ko at tila kinakausap ako.

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng tinig. "Ano bang nangyari kagabi?"

"I mean bakit sumakit ng sobra yung ulo niya hijo? Nagtalo ba kayo?" Mahinahon na kwestyon ng tinig babae.

"No lola, I swear. I was woken up because I heard her groan in pain." Dahan dahan akong naupo ngunit nakita ko na naka-swero ang likod ng palad ko.

"Hakuna Miran, ayos ka lang ba?" Tanong ng lola ni Laze kaya dahan dahan akong tumango.

"Naalala mo ba ang nangyari sa'yo?" Napaisip ako at tsaka tumango.

"Opo, yung maskara po na nasa kwarto ni Laze." Napatitig pa ako kay Laze.

"Ah, I wore that mask on our college night for the last five years."  Kung ganoon matagal na talaga kaming may nararamdaman sa isa't isa dahil naghalikan kami no'n?!

Sa limang taon na 'yon never kaming nagkaroon ng relasyon? Bakit kami naghalikan?

"Makakalabas ka rin naman ngayon hija, si Laze na ang bahala sa lahat. Makinig ka na lang muna sa kaniya," nakangiting sabi ng lola niya kaya ngumiti ako at nagpasalamat.

Nang umalis ang lola niya ay napabalik ako sa kama at pumikit, hindi makapaniwala sa naalala, halikan mismo? Binibigyan niyo ako ng hiya.

Ako pa nag-yaya, sana hindi ko na lang naalala.

Pagkalabas sa ospital ay maayos naman ako ngunit hindi ko matignan si Laze sa kahihiyan na nararamdaman, pupunta kami sa site ngayon dahil nasa sasakyan lang naman raw ako.

Nang makarating ay inilibot ko ang paningin sa may bahay, sa harapan no'n at bakuran ay plantsado ang gawa.

"Sama na ako," mabilis na sabi ko at basta bastang bumaba ng sasakyan, pagkababa ay natigilan kami ni Laze ng makita si Terry sa loob.

"You came too," sambit ni Terry.

"Yeah, You think I'm dumb?" Sa sinagot ni Laze ay napatikhim ako.

"Sa akin ayaw mo, hindi mo rin naman siya naalala bakit siya pwede?" Natigilan ako sa tanong ni Terry sa akin.

"Maybe you don't look trustworthy at all?" Sagot ni Laze na ikinasama ng tingin ni Terry sa kaniya, "What the fuck is wrong with you? Hindi kita kinakausap—"

"By just staring at you, I can already say.." Laze's sarcasm is so irritating. If I were Terry I would totally kill him, he's so cool with his sentences.

Magiging speechless ka.

"Laze, you better back off. She's mine." Mariing sabi ni Terry kaya nangunot ang noo ko.

"I'm yours? I can't be owned. Because this is my body, only I can have this." Tinitigan ko siya ng derekta matapos sabihin 'yon.

"Please Terry, huwag ka ng dumagdag sa isipin ko. Is the phrase ''I don't like you' not enough to make you stop?" Napatitig sa akin si Terry sa sinabi ko, ngunit natigilan ako ng makita ang lola ko sa likuran niya pati na ang magulang ni Terry.

"Hakuna Miran ano ba't nagbago ang ugali mo?" Sarkastika akong tumawa sa tanong ni lola.

"Maybe this lady was so weak before to the point that even in this little change magtaka kayo?" Sumbat ko.

"Yung trabaho ko po ang ipinunta ko rito, hindi ang personal na problema ng pamilya ko." Mariing sabi ko, nilingon ko si Laze.

"Tara na," anyaya ko at lalampasan sana sila pero mabilis na hinuli ni lola ang siko ko at ibinalik ako sa harapan niya dahilan para huminga ako ng malalim at pigilin ang pagputol ng pasensya ko.

"Bastos ka ah. Pinapakain kita, dala-dala mo ang apelyido ng pamilya natin para ganyanin mo ako ay wala kang karapatan!" Huminga ako ng malalim.

"Mrs.Lapiz, itinakwil niyo na ho. 'Di po ba?" Kwestyon ko na ikinasingkit lalo ng mata niya.

"Kung ganoon matuto ka magbalik ng pabor! Pamilya mo pa rin kami!" Sumisigaw na siya at naiirita ako.

"Kung pamilya ko ho kayo tama po bang ipilit niyo na maikasal ako alang alang sa ikasasaya niyo?" Sumbat ko.

"Siguro nga'y sobrang tanga ko noon para pumayag sa kagustuhan niyo pero ngayon, ayoko po. Ayoko sa kaniya." Mariing sabi ko not until a palm slapped my face.

Napapikit ako, "Mabuti na sigurong hindi pa muna magtagpo ang landas natin, dahil baka mas makabastos ako ng nakakatanda sa akin." Mariing sambit ko at nilampasan siya ngunit hinila niya ako dahilan para inis ko siyanh harapin.

"Tigilan niyo po ako! Kasi wala kayong kwentang pamilya!" Masama ang loob na sabi ko, ngunit awtomatiko akong nag-alala ng biglang sapuin ng lola ko ang dibdib niya habang ituturo pa lang sana ako.

"L-Lola?" Kinabahan ako ng mahirapan siyang huminga, "Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ng mommy ni Terry kaya naman hindi ako makapaniwala.


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top