Chapter 62
Chapter 62:
Hakuna Miran's Point of View.
After a week pwede na akong makalabas, kaya naman nangangapa ako dahil hindi ko alam kung anong klaseng tao ba ako mabuti o masama.
Habang nasa bahay ay panay ako ikot at tunganga sa paligid, lalo na sa kwarto ko. Ang dami kong nakikita na hindi ko maalala.
Habang nasa sala ay natigilan ako ng dumating ang grandparents ko with that fiancé guy they told me about.
"Mom, don't force her." Natigilan ako ng sabihin 'yon kaagad ni dad.
"Miran, siya yung papakasalan mo. Kaya kayo naaksidente dahil nag-saya kayo ng gabi na 'yon. Malinaw ba?" Napatitig ako sa lalake dahil sa sinabi ni lola.
Pero hindi ko nakalimutan ang sinabi ni Robot— I mean ni Laze na huwag ako magtiwala sa sasabihin ng iba dahil gagamitin nilamg advantage ang pagwala ng memorya ko.
Sinong mas papaniwalaan ko sa kanila? "Hindi ko po siya kilala." Mahinang sabi ko at yumuko.
"Kaya nga kilalanin mo, maayos na kayo eh." Ngumiwi ako.
"Ayoko nga po maikasal, ang bata bata ko pa." Sumbat ko.
"Aba't sumasabat ka na?!" Huminga ako ng malalim.
"Lola ayoko po bastusin kayo kaya huwag niyo na po ako pilitin. Hindi ko po siya kilala at sumasakit po ang ulo ko sa tuwing nakikita ko siya." Gitil ko at tsaka aakyat na sana.
"Pag umakyat ka mapipilitan akong alisin ang pamilya niyo sa pamilya ko at pupulutin kayo sa lansangan!" Natigilan ako sa sinabi ni lola.
"Mom ano ba," sita ni dad.
"Huwag niyo naman ho sanang idaan sa ganyan, nahihirapan pa po si Miran sa nangyari sa kaniya." My mom said, pero bumaba ako at lumapit sa kanila.
"Itatakwil niyo po ang apo niyo para sa kasal? Anong klase po kayong lola?" Sumbat ko.
"Mas lalo po akong nagkaroon ng dahilan na hindiian ang kasal." Mariing sabi ko, galit na galit ito sa akin.
"Lumayas ka sa pamilya ko!" Sigaw niya.
"Sige po, kung 'yan ang gusto niyo kakalimutan kong kadugo ko kayo dahil hindi ko naman dama. Ginagamit niyo lang ako." Mariing gitil ko at umakyat sa kwarto ko.
"Miran anak!" Humabol si mama, at nang nasa kwarto na ay huminga ako ng malalim.
"Mama ayoko po talaga." Sagot ko.
Ngunit nang ngumiti siya ay natigilan ako, "Gawin mo kung anong ikakasaya mo anak, kung sa tingin mo hindi maganda 'yon sige. Naiintindihan namin huwag mo kaming iisipin dahil kaya namin ang sarili namin." Tumango ako kay mama.
"Aalis na lang po ako para hindi kayo madamay, mama. Pupunta po ako sa sinasabi ni Crizel po na condo ko raw," tumango si mama.
"Bibisitahin ka namin."
Dahil doon ay nilisan ko ang bahay pero hinatid ako ni dad sa condo na sinasabi nila, hinihintay naman ako ni Crizel sa labas ng lobby.
"Tara na," anyaya ni Crizel.
Nang makaakyat ay nagpaalam rin siya kaagad dahil sa may trabaho pa raw siya, kaya habang inaayos ko ang condo ko ay nakita ko ang mga magagandang naguhit at may pangalan ako doon kaya siguro ito ang talento ko?
Habang inaayos ang kama ay may kumatok kaya naman binuksan ko 'yon at natigilan ako ng makita ang dalawang babae, mukhang mag-ina sila.
"Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko.
"Sumama ka sa amin, mag-usap tayo sa ibaba ayoko sa makipot mong kwarto." Lumunok ako at sumangayon, pamilyar sila mukhang sila yung kasama ng fiancé ko last time.
Nang makarating sa isang cafe ay naupo ako sa harapan nila, "Ayoko talagang maikasal ka sa anak ko, pero wala akong magawa dahil gusto ka niya. Kaya pumayag ka na," mahinahon na sabi ng nanay.
"Hindi ko po siya kilala—"
"Yung Laze, fiancé ko 'yon. Pero dahil sa'yo magkagulo kami ngayon dahil galit siya sa kuya ko sa nangyari sa'yo." Napatitig ako sa mas batang babae.
"A-Anong kasalanan ko doon?" Kwestyon ko.
"You cheated with him," halos magulat ako ng hampasin niya ang mesa dahilan para makuha ang atensyon ng ibang nandito.
"I-I am not a cheater." Galit na sabi ko.
"Cheater ka! Malandi ka! Inaagaw mo sa akin ang fiance ko!" Halos masapo ko ang pisngi ng sampalin niya ako.
"Ano ba!" Sigaw ko.
"Wala akong maalala sa sinasabi mo!" Sigaw ko pa at umatras.
"Hindi mo maalala kung papaano kayo naghahalikan sa mismong engagement party niyo ni Kuya?!" Umiling ako sa naririnig.
"Hindi ako malandi, hindi ako cheater!" Tanggi ko.
"Baliw ka ba?! Paano mo masasabi eh wala ka ngang maalala!" Napatayo ako ng buhusan niya ako kaya naman galit na galit ko siyang tinignan sa pagpapahiya niya sa akin.
"Kung ipapahiya niyo lang rin pala ako hindi ko papakasalan yung kuya mo!" Sigaw ko at tsaka ko inis na kinuha ang wallet ko at lumabas na ako ng cafe pero humabol sila at sinabunutan ako.
"Ano ba!"
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko at pumalag, sa galit ko ay hinila ko ang buhok niya at tsaka ko siya itinulak.
"Isa pa!" Dinuro ko siya, ngunit nasapo ko ang ulo ng sobrang sumakit 'yon, napaluhod ako at naiyak ng may pilit akong nakikita at naririnig na boses na lalong nagpapasakit ng ulo ko.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ng iba, napapikit ako at nahihilong nagmulat.
Napakurap ako ng maraming beses ng makita ang mukha ni Laze sa ala-ala ko, b-bakit sobrang lapit niya sa akin? T-Talaga bang nag-cheat ako?
Mula sa pagkakasalampak ko ay may humawak sa braso ko at itinayo ako, nakita ko ang mukha ni Laze ngunit mas pinakasakit no'n ang ulo ko.
Mariin akong napapikit ngunit bumuntong hininga siya at kinabahan ako ng itago nito ang mukha ko sa dibdib niya. "Count sheeps." Sa sinabi niya ay nagtaka ako.
"Ano?"
"Count sheeps so you'll stop thinking," tila napasunod ako sa seryosong sinabi niya.
"Stop what you're doing, I'll make sure to pay for what you've done." Dahil doon ay nalingon ko sila, masama ang tingin nila sa akin.
"Your family is really trash, you stink from here to there. Kaya ba namatay si Alyssa dahil sa inyo?" Nangunot ang noo ko muli sa sinabi ni Laze.
"Dahil ganyan ang ugali niyo?"
"Fiancé mo ako bakit ba parang mas mahalaga yung iba kesa sa akin?!" Sigaw ng kapatid ni Terry.
"You wanna know why I agreed?" Napatitig ako kay Laze, puno ng pagtataka.
"W-Why?"
"It's because you've been torturing Miran, and I want to make you suffer." Panay ako isip ngunit wala akong maalala, para akong isang papel na hindi ko alam ang isusulat dahil wala akong maisip hindi tulad ng libro na may nilalaman na.
Nang tangayin ako ni Laze sa kung saan ay napatitig ako sa mismong sasakyan niya, "Get in." Sumakay naman ako at naupo, napatitig ako sa kaniya nang makasakay na din siya.
"S-Sino si Alyssa? Girlfriend mo?" Nagtataka kong tanong.
"Anong girlfriend? Ikaw ang girlfriend ko." Sa sinabi niya ay nanlaki ang mata ko.
"A-Anong ako eh may f-fiancé nga ako." Sagot ko pa.
"Nauna ako bago 'yong aso na 'yon," lumunok ako at mas naguluhan.
"Sabi nila nag-cheat raw ako," matipid na sabi ko.
"We really did cheat," umawang ang labi ko at napaiwas tingin.
"But they cheated first, sinaktan ka nila, hindi sila katiwa-tiwala." He explained and drove.
"T-Then w-we're in a relationship?" Naguguluhan na tanong ko dahilan para sandali niya akong sulyapan at ituon ang atensyon sa kalsada.
"I wish we were, and I also wish I could lie so I could say yes. We only have mutual feelings and about the label maybe after you cancel that damn arranged marriage." Napaiwas tingin ako sa sinabi niya.
Gugustuhin ako ng isang tulad niya?
I am not convinced, ginamitan ko ba siya ng gayuma?
He's obviously out of my league.
Tumahimik ako buong byahe at nang ihatid niya ako muli sa condo ko ay doon ko nasigurado na close kami dahil alam niya kung saan rin mismo ang pad ko.
"Let me give you a fact about this condominium," nakangiting sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.
"A-Ano?"
"I am the owner of this condominium and you had no idea the whole 5 years." Napakurap ako ng maraming beses, "T-Then I rented this without knowing the owner?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Ang reckless ko naman?" Ngumisi si Laze at naupo sa sofa.
Feel at home na feel at home.
"Obviously, that's why you need someone to protect you because you are so nice." Napaiwas tingin ako at nahihiyang kinuhanan siya ng maiinom.
"How about my payment? How much do I pay?" Nagkibit balikat si Laze.
"Hindi naman kita sinisingil dahil kusa kang nagbabayad, actually may separate bank account ako na ginagamit para doon ka magbayad." Lumunok ako, napalingon ako sa paligid.
"I-I could trust you?" Umiling si Laze.
"You can't, especially in this room just the two of us." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"Kidding," natawa siya kaya napalunok ako.
Nahihiya ako sa kaniya for some reason, "Just act tough, Hakuna. You'll be okay, masanay ka ng huwag isipin ang nararamdaman ng iba." Mahinahon niyang sabi.
"B-Bakit?" Ngunit napalunok ako ng sa pagtayo niya ay lumapit siya sa akin ng sobra.
"B-Bakit?" Napaatras ako at kinabahan.
"Because I'd rather see you mad than sad." Napakurap ako ng maraming beses ng haplusin niya ang labi ko using his thumb.
"L-Laze.." Sambit ko at mabilis na umiwas.
"I want it that way," mahinahon niyang sabi.
"Slap me if I kissed you, I want you that way. I'd rather let you push me so you could punch someone's face if they tried to." Natulala ako sa mukha niya dahil sa sinabi niya.
P-Papaano niya naiisip ang lahat ng 'yon?
"O-Okay." Matipid na sagot ko, alam ko naman na gwapo siya pero hindi ko maintindihan nangingilala pa rin ako.
"M-Maupo ka na doon," wika ko.
Sumunod naman siya at tsaka ako dahan dahan na naupo sa single sofa hindi alam ang sasabihin sa kaniya.
"I'll go then," napatingin ako agad sa kaniya.
K-Kakapaupo ko pa lang, aalis na siya?
"B-Bakit?" Kwestyon ko.
Nangunot ang noo niya ay inilihis ang suot niyang longsleeve pataas malapit sa siko niya, "What do you mean why?
"Bakit? Because you want me to stay longer?" Sa sinabi niya ay napakurap ako ng maraming beses dahil sa pag-init ng pisngi ko.
"H-Hindi ganoon, n-nagtanong lang." Umiwas tingin ako kaagad.
"Then should I leave?" He questioned and crossed his arms, nangunot ang noo ko sa patanong niyang sabi.
"Were you asking me to make you stay?" Balik tanong ko na ikinangisi ng manipis at mamula mula niyang labi bago niya sabay na itinaas taas ang kilay niya.
"W-Why would I make you stay?" Naguguluhan na tanong ko na ikinangiwi niya.
"You're really slow-witted." Sa sinabi niya ay umawang ang labi ko at inis na napatayo.
"Mind your words." Iritableng sabi ko na mas ikinangisi niya dahilan para mapuno ako ng pagtataka.
"I liked how kind you are before, but I guess I'll like how fierce you are. Goodbye," he bid his bye and waved his hand shortly and turned his back.
B-Bakit ang gulo niyang tao, hindi ko siya mabasa.
Inis akong naupo sa sofa at tinitigam ang pintong nilabasan niya, mabilis ko namang hinanap ang mga receipt nang payment ko sa condominium niya.
Did he price it high? Since maganda yung condo at nasa magandang floor?
Nang makita ang isang pouch ay kinuha ko 'yon at nakita ko na puno ng resibo lahat, inisa isa ko hanggang sa mahanap ko ang bank receipts deposit.
Naupo ako sa kama na kulay pula ang bed sheet, nang makita ang parehas na deposit ay nahulaan ko na ito 'yon.
Pero bakit ang baba? Condominium nag-rerange yata sa 8,000 pesos to 15,000 monthly 'yon at wala pang gamit.
I immediately grabbed my phone and locate his phone number, mabuti na lang at kahit hindi ko alam ang password ng cellphone ko gumana ang fingerprint.
Huminga ako ng malalim at una kong binuksan ang note pad app ng cellphone ko. Pinindot kong muli ang isang note at nakahinga ako ng maluwag nang naka-store ang passwords and pins ko.
Pero hindi ang ATM card pin ko, shit.
Napanguso ako ng tignan ang wallet ko, may bente pesos? Anong magagawa nito?
Inabot ko ang cellphone ko at tinawagan si Crizel, ngunit hindi nila sinasagot, tinawagan ko ang ate ko pero hindi rin sumasagot, lahat sila hindi sumasagot!
Inis akong pumunta sa IG, ngunit pagbukas ko no'n ay nagdilang ang anghel.
Sabi nga niya may pinagsamahan kami 'di ba? Label lang wala? Siguro alam niya pin ko?
@jl.garcia: If my surname is Garcia, can I change yours too?
Nangunot ang noo ko sa chat niya sa akin, baliw ba siya?
@jl.garcia: Babe, I'm bored.
Reply ASAP.
Ah hindi mo alam password mo sa IG account mo, how stupid of me.
@hakuna.miran: Who are you?
Pang-iinis ko sa kaniya, napatitig naman akonsa screen waiting for his reply pero hindi siya active.
Bumuntong hininga ako.
@hakuna.miran: I need your help.
I sented what I wanted and gasped for air, sana mag-reply siya kaagad. Pumikit ako sandali ngunit napamulat ako ng may tumawag kaya sinagot ko 'yon ng makita number ni Laze.
"H-Hello?"
"I just left, why do you need me?" Naitikom ko ang bibig at tsaka huminga ng malalim tanggapin ang kahihiyan.
"Just get back here," nahihiyang sabi ko.
"Do you even know where I am?" Sa sinabi niya ay mukhang nakalayo na siya.
"S-Saan?" Nakokonsensya kong tanong.
"Sa puso mo," sa sinabi niya ay nanlaki ang mata ko ngunit tumawa siya sa kabilang linya yung tawa na napakahina pero parang nakakakilig.
"S-Saan nga?"
"Lumabas ka na ng condo mo, malapit na ako." Lumunok ako at inabot ang wallet, at bag ko para lang makababa na kaagad.
Pagkababa ay halos liparin ng todo ng buhok ko ng may mabilis na nagpatakbo ng sasakyan at tumigil sa mismong harapan ko, nakapa ko pa ang dibdib sa gulat.
Nang bumukas ang bintana ay napakurap ako ng makita si Laze, "Hop in." Napalunok ako at sumakay na lang, pagkaupo ay napatitig ako sa harapan.
"Saan tayo?" Tanong ko.
"Tell me why do you need me first?" Napaisip naman ako at tsaka ko ipinakita ang wallet ko dahilan para bahagya siyang bumagal sa patakbo para sulyapan 'yon, "What?"
"Wala ng laman wallet ko."
"Ah okay—"
"Mutual naman tayo 'di ba? Alam mo siguro pin ng card ko?" Huminga ng malalim si Laze.
"Your phone, I might know. Your condo password, I do know. But your ATM? I have no idea." Sa sagot niya ay napasandal ako sa upuan.
"Wala na akong pera, naglayas pa ako sa bahay." Nanlulumo kong sabi.
"Naglayas ka? Bakit?" Tanong niya, dahan dahan na bumagal ang sasakyan at tsaka huminto sa harapan ng stop light.
"Si lola kasi, pinipilit ako ipakasal kay Terry, hindi ko naman kilala 'yon. Sumasakit pa yung ulo ko ng sobra sa kaniya." Tumikhim si Laze sa sinabi ko.
"Ako nang bahala," matipid niyang sabi at napalunok ako ng tumigil kami sa ATM machine.
Hinintay ko siya sa loob ng sasakyan niya, nang makabalik siya ay pinaandar niya na kaagad at sa mall niya ako dinala.
"Buy a grocery," lumunok ako.
"Wala akong pera, anong mabibili ng bente ko?" Tanong ko, huminga siya ng malalim.
"Cornetto." Nanlaki ng todo ang mata ko.
"Kidding, ang init ng ulo mo. Let's go," natigilan ako ng ilahad niya ang kamay at tila nakalimutan niya kaya alanganin niyang nabawi 'yon at itinaas na lamang ang buhok niya.
"Wala akong per—"
"Samahan mo na lang ako," wika niya at hinawakan ang pulsuhan ko.
Pumasok kami sa grocery store, at medyo marami ang tao humila naman siya ng push cart at tsaka siya ang nagtulak no'n. "Help me, get what you need at your condo. Nasa condo din naman ako," tumango ako at tsaka dumampot ng mga essentials.
"Hindi ba ako tumutuloy sa condo ko kaya walang gamit?" Nalingon niya ako.
"Minsan, but mostly sa rest house ka tumutuloy. No worries, I'll take you there tomorrow." Tumango ako bilang sangayon, habang naglalakad ay tinulungan niya rin ako mamili sa mga gusto niya at mostly nakikinig siya sa suggestions ko.
Nang makita ang pamilyar na cereals ay hinawakan ko ito, at some point parang kailangan ko 'yong kunin. "Do you like that?" Tanong niya ng ilagay ko 'yon sa cart.
"Parang?" Sagot ko, "Nakita ko siya kaagad parang gusto ko bilhin."
"I just figured it out," sa mahinang bulong niya ay nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"Wala." Matipid niyang sabi.
"You don't like cereal." He added that it made me stop from walking, "Seryoso ba?"
"Wala naman akong sinabing joke." Sarkastiko niyang sabi.
Nang titigan ko muli 'yon ay nasapo ko ang noo ng sumakit 'yon, "Hakuna, are you alright?" Matipid niyang tanong ngunit lalo akong napapikit ng pumasok sa isip ko ang isang lalake na tila kasing taon ni dad.
Halos tumibok ng malakas ang dibdib ko nang makaramdam ako ng takot ng babuyin ako no'n. "S-Sino siya?" Biglang sabi ko na ikinatigil ni Laze.
"Sino?"
"Y-Yung lalake na kasing t-taon ni dad," nasapo ko ang bibig ng sandaling mandiri ako.
"Don't think about it, okay?" Naiwasan ko kaagad ang pag-ayos niya sa buhok ko, nagulat naman siya kaya naitikom ko ang bibig.
"I'm sorry." Matipid siyang ngumiti at itinulak na ang cart.
"Tara.." Nahihiyang sabi ko.
Habang naglalakad ay napahinto kami ng makita ang mommy ni Terry, "Nagkalat ang mga makakati." Parinig no'n kaya naitikom ko ang bibig.
"Feel na feel maging husband and wife?" Biglang parinig pa no'n.
"Didn't know that rats are allowed in grocery store, right babe?" Halos mamula ang mukha ko nang marahan akong akbayan ni Laze at ilagay sa harap ng cart matapos niyang sabihin 'yon.
Para tuloy siyang nakayakap sa akin ngunit sumunod na lang ako, "Rat?!" Hindi namin pinansin yung nagalit na mommy ni Terry.
Did he just call me babe? Babe? Babe?!
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top