Chapter 60

Chapter 60

Hakuna Miran's Point of View.

On the dinner table, I met Laze's mom and it's lips smiled on me. "Good evening po," bati ko ng makalapit ngunit bumeso ito.

"The necklace suits you," nakangiting sabi nito kaya bahagya akong namula, "Thank you po pala." Tumango ito.

"Ate Miran," lumapit sa akin si Jami at kumapit sa braso ko.

"Miss mo na si Yamato?" Biglang sabi ko dahilan para matigilan siya at gulat akong tinignan.

"Si Kuya Yamato po?" Tumango ako.

"Crush mo 'yon sabi ni Laze," pagbibiro ko dahilan para manlaki ang mata niya.

"Ate hindi po, kuya po ang tingin ko doon. Parati niya nga po akong inaaway," napangiti ako at tumango na.

"Sige na, nandiyan na yung family ng fiancé ko." Ngumuso si Jami at tumango.

"Pabura mo na kay Kuya Laze ate," bulong niya kaya ngumisi ako.

Dahil doon ay naupo na kami, kaharap ko si Laze ang mga titig niya sa akin ay gusto kong taguan.

Titig pa lang kikiligin na buong pagkatao mo.

While in the middle of the dinner, nagsalita yung lola nila Terry. "The engagement of my granddaughter and the Sandoval's grandson will be officially announced tonight." Nang marinig ko 'yon ay tumaas ang kilay ko sa narinig.

I wanted to ask Laze why did he agree. Tinitigan ko si Laze, nagtatanong ngunit matipid siyang tumango at tumikhim.

Nang tignan ko ang kapatid ni Terry ay nakangisi ito at tila inaasar ako, iniiwas ko na lang ang tingin sa kaniya at tsaka ako kumain walang gana.

Hindi ko maintindihan, "This ring officiates—"

"I'm not into wearing jewelries, specially rings." Sa sinabi ni Laze ay naiilang na tumawa ang lola ni Terry.

"Okay hijo," napalunok ako sa mabait na tugon no'n.

Sandali akong nagpaalam para bumanyo, at inaasahan ko na susunod ang kapatid ni Terry. "You're gonna hurt me again?" I stated.

"Nope, but I'm here to tell you that, that Garcia will be mine." Ngumisi ito sa akin sa sinabi.

"Wala akong pakialam." Mariing sagot ko.

"Do you like him? You do right?" Kumuyom ang kamao ko at tsaka ko siya tinitigan.

"What do you get by torturing me?" I stated.

"Wala, satisfying?" Umirap ako at tsaka iniwan na sana siya pero pinigil niya ang pulsuhan ko.

"Mamatay ka sa inggit," mahinang sabi niya tsaka siya pumasok sa isang cubicle kaya inis akong lumabas ng banyo not until someone grabbed my waist.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Laze, "I told you to expect meeting me everywhere?" Huminga ako ng malalim ng maalala na pumayag siya sa kasal nila no'n.

"Huwag mo 'komg hawakan," inis na sabi ko.

"You're mad?" He innocently asked.

"Dapat ba mag-celebrate ako na ikakasal ka rin? Hindi pa nga solved yung akin gagatungan mo rin. Pakasalan mo na lang 'yon," inis na gitil ko at lumayo sa kaniya.

"Hmm.." Inis ko siyang tinignan sa reaksyon.

"Bahala ka nga diyan, hindi ka nakalatuwa." Galit na sabi ko at lalabas na sana pero hinuli niya ang kamay ko at inilapit sa kaniya.

"I will not marry her," nakangiting sabi niya.

"If I will marry someone, it must be you. Okay?" Naitikom ko ang bibig at nakakunot noong tinitigan siya.

"B-Bakit ka pumayag?"

"To avenge you?" Ngumisi siya ay halos mapapikit ako kaagad ng marahan niyang siilin ang ibabang labi ko.

Napahawak ako sa sleeves ng suot niyang polo, napatiklay ako ng bahagya siyang lumayo. Nang tumigil siya ay sinalubong ko ang mapupungay na abo niyang mata.

Bigla ay nakaramdam ako ng antok dahil sa sandaling halik niya, grabe, grabe na talaga!

"Go first," he wiped my lips clean and wiped his on the lines of his lip line.

"I wish you're lipstick is kiss proof." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya naman naiilang akong lumabas at nagmamadali.

Ang kabog ng dibdib ko ay sobrang bilis at lakas para akong tumakbo ng mabilis at matagal.

Pagkabalik sa seats ay nagtaka si lola sa tagal ko, "I'm sorry lola. Nagpahangin lang po ako sandali," matipid na explain ko.

"Baka masyado kang nabigla sa announcement?" Pasiring kong tinignan ang half sister ni Terry at tsaka ako mahinang tumawa.

"Yung apo niyo po kasi Mrs.Bautista, nagsisimula na naman ng away." Pagsusumbong ko.

"Is decreasing your allowance not enough?" Striktong sabi ng lola nila kaya pasimple akong ngumisi.

Nang dumating si Laze ay nagtama ang mata namin ngunit mabilis akong nag-iwas tingin, nakakahiya na parang naghabol ako ng palayo na siya.

Nakakahiya.

Nang tumunog ang cellphone ko ay natignan ko kaagad 'yon ngunit halos napatay ko kaagad yung screen ng mabasa ang IG message.

@jl.garcia: Don't worry, I'll kiss you later.

Nag-init ng sobra ang mukha ko dahilan para mapainom ako ng wine na iniinom namin.

Pagkatapos ng dinner na 'yon ay gusto sana akong ihatid ni Terry pero ako na ang tumanggi.

"Sasabay na lang ako sa parents ko," ngunit napatitig ako sa kaniya mg hawakan niya ang kamay ko.

"What?"

"I'm really sorry, Miran." Huminga ako ng malalim at tumango.

"Uuwi na ako." Mahinang sabi ko.

Mabuti na lang at lumapit sa akin si Ate Janella, pero sa kalagitnaan ay natigilan kami ng humabol ang half sister ni Terry.

"Oh? Ikaw na naman?" Inis na sabi ni Ate Janella.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko rito kaya umalis ka na," sambit no'n sa ate ko dahilan para tumaas ang kilay ni Ate Janella.

"Talaga? Tingin mo ba magugustuhan ka ni Laze? Mangarap ka sa dilim." Asar ni Ate Janella.

"He already agreed." Mariing sabi nito.

"Mga tanga talaga, bibilis mauto. Edi sige pakasasa ka kay Laze, nawa'y mapamahal siya sa'yo dahil kung hindi good luck." Palaban na sabi ni Ate Janella.

"Talaga ba Janella? Balita ko hanggang ngayon single ka pa rin wala bang nanliligaw sa'yo?" Mahinang natawa si Ate Janella.

"A lot of guys do love me, but I don't pick someone just because it suits or it likes me. How pathetic. Tara na Miran, hayaan mong tumahol ang pangit." Pang aasar lalo ni Ate Janella at hinila na ako.

Nang makarating sa sasakyan namin ay pinagkrus ni Ate Janella ang mga braso, "Ang sasama ng ugali. Akala mo ang ganda ganda." Mahina ko siyang nasiko ng maalala na nandito sila lola.

"What? Totoo naman. Bwisit na half 'yon, cheater yung mommy niya kaya siya nabuo. Pasalamat nga siya mabait yung daddy daddy niya ngayon." Nakagat ko ang ibabang labi at sinulyapan si lola na nakataas ang kilay.

"Iwan mo na 'yong Terry na 'yon, doon ka kay Laze. Mabait na, maalaga pa bukod sa lahat hindi masama ugali ng pamily—"

"Janella, ano ba't ganyan kakasama ang lumalabas sa bibig mo?" Naitikom ko ang bibig ng magsalita na si lola.

"Ay nandiyan po kayo," gulat na sabi ni Ate Janella.

"Kanina pa, at narinig ko ang mga pinagsasabi mo. Ano't ganyan kasasama ang lumalabas sa bibig mo, Alejandro hindi mo man lang sitahin." Sermon ni lola sa kanila.

"Like what's the point? Sitahin man o hindi lola it will never change. Masama talaga ugali no'n." Singit ni Yamato at sinuot ang earphones niya.

"Isa ka pa Yamato, ikaw ang bunso at inaasahan—"

"Don't leave your expectations high from me lola, I will never meet them." Yamato's voice changed as he matures.

Dating loko-loko at palabiro biglang nagbago, hindi ko rin alam. Ganoon siguro pag tumatanda?

"You're just lucky my sister is kind and considerate." Nagalit si lola kay Yamato ngunit ang loko ay mas nilakasan ang suot na earphones.

"Ang babastos ng mga anak mo Alejandro! Tanging si Miran lang ang marunong gumalang pati na 'yang si Jem kahit na palamunin mo lan—"

"Really lola?" Mukhang nagpantig ang tenga ni Ate Janella sa narinig.

"Palamunin? How could you call him like that?" Galit na sabi ni Ate Janella.

"I'm good, n-no worries." Jem tried to calm my sister but that's really absurd.

"Wala ka pong karapatan na tawagin siyang ganoon, because my mom and my dad never called him like that. Stop making us your puppet!" Nakagat ko ang ibabang labi.

"Calm down anak," mahinang sabi ni mama.

"Mom, you should've said that." Dad defended us.

"Ano't napaka-aarte niyo? Tunay naman ang sinasabi ko!" Singhal ni lola.

"I don't want to disrespect you but you deserve it." Inis na sabi ni Janella.

"Stop the car!" Ate Janella slammed the door.

"Janella anak," pagpapakalma ni mama.

"I said stop the car if you don't like me to jump the hell out of here!" She yelled at the driver that made the driver stop.

"Anak."

"No mom, let me leave." Ubos na ubos ang pasensya ni Ate Janella.

"I'll go with her," mahinahon na sabi ni Jem.

"So do I," Yamato opened the door so I got no choice.

"Ako rin po," paalam ko at bumaba na.

"Mga anak niyo sutil!" Galit na sigaw ni lola.

"Mainis ka, pakialam ko." Inis na singhal ni Ate Janella.

Dahil doon ay nanatili kami sa gitna ng daan not until another van and a car stopped.

Nangunot ang noo ko ng makita na gamit ni Laze ang BMW car niya.

"Problem?" He asked.

Halos mahiya ako ng bumaba din ang pamilya niya. "Kind of," sagot ko.

"Let's go then," Laze stated.

"Huh?"

"Sumakay ka na sa akin," napalunok ako sa sinabi niya.

"May space pa kami, Jami doon ka na sumakay sa kuya mo kasama ang Ate Miran mo at ang bunso niyang kapatid." Maayos na sabi ng mom ni Laze.

"Mommy bakit ako ang lilipat kay oppa?" Naguguluhan na sabi ni Jami.

Pero prente lang na naglakad si Yamato at nauna pang sumakay sa akin sa likuran. "Init ng ulo no'n," mahinang sabi ko kay Laze.

"What happened?" Laze curiously asked.

"Mamaya na, Jami let's go." Anyaya ko, dahil doon ay wala siyang nagawa at napasunod na lang sa harap pa sana siya mauupo pero humarang si Laze.

"Oppa kapatid mo 'ko." Nakangusong sabi nito.

"That's my girl's seat, Jami. Sit at the back," dahil doon ay pinagbuksan ni Laze ang kapatid na halatang naiilang kay Yamato.

Pinagbuksan din ako ni Laze, nang makasakay ay tutok si Yamato sa hawak niyang cellphone habang naka-suot ng earphones.

"What happened?" Laze asked and drove down the road.

"Yung half sister ni Terry, inaway kami. Tapos ayon nagalit siya narinig ni lola, sinakyan ni Yamato, nagalit lalo si lola tinawag niyang palamunin si Jem kaya nag-kagulo na." Pag-kwento ko.

"Kilala mo naman 'yan si Yamato, mula ng kay Tito Jubal wala na siyang pakialam kundi isipin at unahin kapatid niya."  Napatango si Laze.

Nasulyapan ko si Yamato ngunit narinig ko pa ang music niya sa lakas, "Baka mabingi naman 'to."  Bulong ko sa sarili.

"Come with us first, mom didn't enjoy the dinner she's cook with lola." Halos mahiya ako nang sandaling abutin ni Laze ang palad ko sa hita ko at doon hawakan 'yon.

Dahan dahan ko naman na nasulyapan si Jami na napaiwas tingin na lang, napalunok ako at nahihiyang umiwas tingin.

This is not the right time to blush!

Nang makarating sa kanila ay natigilan si Yamato at inalis ang earpiece niya, nalingon ko naman si Jami na halos naka-sulok na ang noo dahil nakatulog.

"Can you woke her up?" Kwestyon ni Laze kay Yamato, natigilan si Yamato at nilingon si Jami.

Tinapik niya ito sa braso, "Jami." Pagtawag niya rito at bahagya pa niyang hinarap.

Huminga ng malalim si Yamato, he unlocked the door and goes out. Lumabas na rin kami at nang pumunta siya sa side ni Jami ay halos magulat pa ako ng sa pagbukas ni Yamato ay sinalo niya ang nagulat na si Jami.

Gagong bata 'to!

"Wide awake?" Nanlaki pa ang mata ni Jami na napalayo kaagad kay Yamato at tsaka bumaba na ng sasakyan, "Y-You could just wake me up." Nagkibit balikat si Yamato at tinalikuran na si Jami.

Sa pinto ay natanaw ko sila Ate Janella at Jem na kasama ang family nila Laze, sinabayan naman ako ni Yamato.

"I miss going here," pabulong niyang sabi sa akin.

"Miss ka ba," bulong na sagot ko.

"Ate naman," ngiwing sabi niya halatang wala sa mood kaya natawa ako at pilit siyang inakbayan kahit na matangkad siya, hindi na nga sila nagkakalayo ni Laze eh.

Halatang si Yamato na ang nahirapan kaya siya na ang umakbay sa akin, "Hirap ng sitwasyon niyo ni Kuya Laze, kami lang ba nakakaalam?" Tumango ako bilang sagot.

"Grabe, hindi ako makapaniwala na siya si Sha, bakit kaya Sha? Teka tanong ko nga." Paalam ni Yamato at lumapit kay Laze.

"Kuya, bakit pala Sha yung name mo?" Kwestyon ni Yamato dahilan para matigilan si Jami.

"Sha yung name niya kasi kilala siya bilang Sharp shooter sa undergro—"

"Jami." Naninita na sabi ni Laze, sharp shooter saan?

"Sharp shooter?" Kwestyon ko.

"Kuya, malalaman din naman ni Ate Miran." Mahinahon na sabi ni Jami.

"Kahit na," sagot ni Laze.

"Sharp shooter sa babae?" Sa tanong ni Yamato ay napalunok si Laze at napatingin kaagad sa akin dahilan para panlakihan ko siya ng mata.

"Of course not," He answered.

"Weh?" Pasimple akong napairap at tsaka ng makapasok ay nag-mano pa ako sa lola at lolo ni Laze.

"Have a rest first, late dinner na natin 'to." Nakangiting sabi ng mommy ni Laze.

"Mommy, do you have ingredients ba? Or we need to use the 24/7 grocery?" Malambing pa rin ang mommy ni Laze sa lola nila, ang ganda lang ng pamilya nila.

"I guess we need to buy some, daan na rin tayo ng cake sa cafe." Nakangiting sabi ng mommy nito.

"Let's go then, samahan na namin kayo." Inakbayan ng lolo nila ang daddy ni Laze tsaka nila inabot ang susi.

"Anak, make sure to make them feel fresh before dinner. Make them use the guest rooms." Bilin ng mommy nito at nginitian ako, napalingon si Laze sa amin at mukhang binilang kami ng mga mata niya.

"Shower muna kayo, galing kasi tayo sa dinner ng germs." Nakagat ko ang ibabang labi ay pinigilan kong matawa sa sinabi ni Laze.

"Takot na takot sa germs kuya," pailing iling na sabi ni Jami.

"Tara na," inakbayan ako ni Laze kaya natuod ako.

"Hoy," turo ni Jem sa amin.

"What?" Kwestyon ni Laze.

"Sa iisang kwarto kayo?"  Napangisi ako, "Inggit ka? Bigyan mo nga ng sariling kwarto." Asar ko pa.

"G-Gagi 'to," pinanlakihan niya ako ng mata at tsaka sinenyas yung iba using his eyes, hindi naman malalaman.

"Alright, Jami asikasuhin mo si Yamato—"

"Oppa!" Singhal ni Jami at nag-usap silang dalawa sa lenggwahe na hindi ko maintindihan, napailing iling na lang ako tsaka ako umawat sa dalawa.

"Tama na," mahinahon na sabi ko.

"Dudugo na ilong ko, tama na."

"Hindi ka lang maka-chismis eh," bulong ni Ate Janella kaya napairap ako.

"Tara na, follow me." Anyaya ni Laze kaya sumunod kaming lahat sa kanila, may sariling kwarto si Jem at Ate Janella, kahit na si Yamato ay meron rin.

Ako naman ay wala, "If you're uncomfortable you can use your sisters room since it has two bed." Tumango ako bilang sagot.

"Doon na lang ako—" napigil ko ang pag-hinga ng hawakan ni Laze ang kamay ko, umiling siya at tsaka hinila ako papasok sa kwarto niya dahilan para pigil ngiti ako.

"Akala ko ba—"

"Stay here," Laze stated.

"Just shower here, sa labas na ako." Paalam niya at tsaka siya kumuha ng mga pair of shirts, nagtaka ako ng abutan niya ako ng isang shirt.

"I wore this already," nakagat ko ang ibabang labi.

"Amoy bagong laba naman?" Kwestyon ko, at inamoy 'yon.

Umawang ang labi ni Laze at hindi ako makapaniwalanh tinitigan, "Of course. Nasuot ko na 'yan pero it's already washed. Miran," napailing iling si Laze kaya ngumiwi ako.

"Sige na, oo na alis ka na." Taboy ko.

"I'll get you things from Jami, maligo ka na." Paalam niya at lumabas, napatitig naman ako sa buong kwarto niya at halos mapalunok ako ng makita ang maskara na suot niya ng unang meet namin as Sha.

Napalunok ako ng makita rin na naka-hanger ang sinuot niya ng gabing 'yon na para bang may sentimental value 'yon.

Hindi na ako naglibot tsaka ako dumeretso sa banyo, pagkatapos ko maglinis ng katawan ay sumilip ako sa pinto. Laze automatically handed me a paper bag.

Dahil doon ay nagbihis na ako, may undies pa na hindi pa nabubuksan ay naka-sealed pa sa pouch, pair 'yon mukhang medyo malaki pa sa sukat ni Jami kaya hindi pa nagagamit.

Pagkalabas ko ay nanlaki ang mata ko't mabilis na napatalikod ng walang pantaas si Laze na nakatalikod sa gawi ko. "Hindi ka nagsabi n-na magbibihis ka," naiilang na sabi ko.

"What to see? I have nothing to hide," mahinahon niyang wika.

Ang ganda kaya ng likod niya, dapat itago niya. "W-Wala ba, k-kahit na nasa iisang k-kwarto tayo." Naiilang na sabi ko.

"Ah does my back making you uncomfortable?" Nanlaki ang mata ko at umiling with hand shaking.

"Wala! Hindi, k-kwarto mo naman 'to." Ngunit natuod ako ng sandaling maramdaman ko ang paghinga niya sa likuran ko.

"Calm down, you're stuttering a lot." Napalayo ako kaagad na para bang sobra akong nagpapanic.

"I said calm down, not panic more." He chuckled and wore his necklace again.

"Why are you that scared? Mas matakot ka dapat sa aso— again Bullet, not you." Natawa ako ng parang nagtatampo na namang tumahol si Bullet.

"You're not just a dog or a pet to me, bumaba ka na. Susunod kami, come on Bullet." Tila nagkakaintindihan sila ng pagbuksan ni Laze si Bullet ng pinto.

Tumahol muli si Bullet ay lumabas na, "Tayo rin bumaba na Laze, tara." Para hindi na mauwi sa kung saan ay iniyakap ko ang mga braso sa braso niya at tinangay siya palabas.

Nang makababa ay may towel pa sa batok si Yamato, pumipindot pindot na naman sa cellphone niya silang dalawa ni Jem ay naglalaro na naman ng kung ano.

Naupo ako sa tabi ni Jem pero mabilis akong inangat ni Laze na parang bata at iniupo sa single sofa. "Don't bother them playing," ngumuso ako makikipindot lang sana.

"Kayo na ba?" Tanong ni Ate Janella bigla kaya napalunok ako, pasimple namang inakbayan ni Jem si Janella at tinakpan ang bibig.

"Hu—" pinalo palo ni Ate Janella sa braso si Jem.

"Daldal eh," sita ni Jem.

"Tayo lang naman nandito at isa pa who would tell this?" Kwestyon ni Ate Janella.

"Hindi ko alam, mutual feelings but label is not yet confirmed." Seryosong sagot ni Laze.

"Bakit?"

"Kasi meron pa si Bautista," ngiwing sagot ni Laze.

"Hindi pa alam ni Crizel?"

"Oo," sagot ni Jem at tsaka kinuha ang tasa ng juice at uminom.

Nang makarating ang parents ni Laze ay nagsimula na sila maghanda, hanggang sa tumawag sa akin si Terry ay tumahimik sila ng sagutin ko 'yon.

"I'm really disappointed Miran, I'm trying my best but then you're with the Garcia." Naitikom ko ang bibig sa panimula niya.

"I-I'm with my friends, and Laze is part of it." I explained.

"Let's not lie, I'm outside their house and I watched you two held hands." Napalunok ako at tsaka huminga ng malalim.

"Come out, let's talk." He stated, "Okay." Matipid na sabi ko at pinatay ang tawag, napatitig sa akin ang lahat.

"Labas muna ako," mahinahon na sabi ko.

"Nasa labas siya?" Tanong ni Ate Janella.

"Oo ate, labas muna ako. Huwag na kayo sumunod baka mag-away away pa." Matipid na sabi ko at tsaka tinalikuran silang lahat, nang makalabas ay nakasandal si Terry sa kotse niya.

Lumapit naman ako, pero halos manlaki ang mata ko at maitulak siya ng marahas niya akong halikan. "Terry!" Singhal ko at itinulak siya pero itinulak niya ako sa sasakyan niya at tsaka pilit akong hinalikan lalo.

"Terry ano ba!?" Galit na sabi ko at nang makalayo ay nasampal ko siya, hanggang sa buksan niya ang sasakyan at ipasok ako sa loob.

"Terry!" Sigaw ko at pilit lumabas pero mukhang ni-lock niya na 'yon, nang makasakay siya ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan, ngunit ganoon ako napatingin sa likod ng makita kong magmadali si Laze na sumakay sa sasakyan ng daddy niya.

"Terry ano bang ginagawa mo!" Galit na sigaw ko sa kaniya, "Itigil mo yung sasakyan baka maaksidente tayo! Nakainom ka Terry ano ba!" Galit na sigaw ko at nakakapit ng sobra sa hawakan at sa seatbelt ko.

Halos kumabog ng sobra ang dibdib ko nang mas bumilis pa siya dahil napapalingon siya sa likuran sa kung saan humahabol si Laze. "Terry!"

"Mag-habulan kami kung gusto niya," mahinang sabi ni Terry at tutok sa daan.

"Itigil mo 'to, nilalabag mo yung batas trapi—"

"Wala akong pakialam!" Sigaw niya at mas inapakan ang gas dahilan para mas bumilis kami, umabot ng sampung minuto ang habulan hanggang sa bigla na lamang may maliwanag na sumalubong sa amin na lumiko.

"Shit!"  Tumama ang ulo ko sa salamin ng sandaling biglaan kaming umiwas ngunit ganoon naging kabilis ang pangyayari ng sandaling magdilim ang paningin ko.


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top