Chapter 6
Hakuna Miran's Point of View
Kinaumagahan ay nagmadali akong pumasok dahil late ako nagising. Late na kasi namin natapos ni Laze ang mga ginawang assignments, dala-dala ko ang lagayan ng mga 'to at tsaka ako mabilis na sumakay sa bus.
Nang nasa school na ay nakasabay ko si Crizel papunta sa room, mabuti na lang at kaunti pa lang ang tao ng makapasok kami. Tatabi sana ako kay Laze ngunit hinila ako ni Crizel sa ibang upuan dahilan para mapanguso.
After discussion ay nagpaalam na ako kay Crizel at lumapit kay Laze, nakangiti ako habang siya ay blangko lang na nakatingin sa akin kaya naman napalunok ako. "Pasabay?"
Hindi siya sumagot at basta basta na lang naglakad kaya napanguso ako at humabol, habang naglalakad papunta sa cafeteria ay pilit kong sinasabayan ang lakad niya at mabuti na lang medyo binagalan niya. "Laze, ano yung sinasabi nilang opening ball? Anong gagawin doon?" Mahinang tanong ko at sinulyapan ang mga nakatingin sa amin.
"For college, a ball." Matipid niyang sagot habang nakatingin lang sa dinaraanan namin kaya naman lumunok ako.
"Lahat?"
"College," paglilinaw niya kaya tumango na lang ako.
"Laze I just wonder, are we friends?" Sobrang hina ng tanong ko at doon siya tumigil sa paglalakad, tapos ay nilingon ako.
"Ah hindi ba, classmates lang oo sabi ko nga eh ikaw naman." Mabilis kong sabi at iniwas na ang tingin sa kaniya dahil sa hiyang nararamdaman.
His eye color suits him well, his pupils are dilated when he's focusing and when he's not his eyes are more gray. His black hair are fixed by his fingers, he looks decent.
He sat down in front of a circular table with 4 seats, we let our bags occupy the two available seats. "Laze—"
"Your phone is actually ringing, kanina pa." Mabilis kong sabi tinignan niya 'yon at hindi na pinansin kaya naman tinignan ko ang caller.
"I-It's your mom."
"I know," matipid niyang sagot at sumandal na.
"Hindi ka oorder doon?" Turo ko pa.
"No, let them deliver my food." Nangunot ang noo ko sa sagot niya.
"It's self service here right?"
"They won't mind," bigla ay nadismaya ako sa pinakita niya.
"Ako na ang kukuha—"
"Let them."
"Laze nakakahiya sa kanila." Mahinahon kong sabi ngunit tinignan niya ako ng deretso.
"I said let them, if you don't want seeing me like this. Leave." Malamig niyang sabi dahilan para malakas na kumabog ang dibdib ko, it's the first time he acted rude in front of me.
Wala akong nagawa hanggang sa padabog siyang tumayo at lumapit sa counter, luh? Galit na ba siya dahil doon? Hindi ko na nga siya pinilit kunin 'yon napagdesisyonan niya lang.
"There, happy?" He looks really irritated, he's not showing any emotions but I wonder why it feels like I'm seeing it.
"H-Hindi naman kita pinili—"
"Then do you want me to give it back?" Sumbat niya kaya napatikom ang bibig ko at umiling. Mas nagtaka ako ng hindi naman siya kumain. "Hindi ka kakain?"
"Can't you just eat Miran?" Lumunok ako at alanganin na kinuha ang order niya, hindi na ako nagsalita pinanonood ko lang siyang titigan ang cellphone niyang tunog ng tunog dahil sa tawag ng mama niya.
Ngunit ng cellphone ko na ang nagring ay sinagot ko ito kahit na unknown number. "Hello, si Miran ba ito?" Awtomatiko akong napatingin kay Laze ng marinig ko ang boses ng mama niya.
"Opo, si Miran po."
"Are you with Laze right now? He's not answering any of my text and phone calls kasi. Is he okay?" His mom is really worried, papaano niya nagagawang balewalain ito?
"Yes po."
"Can you hand him the phone right now Miran? I'm sorry ha."
"Sure po, wait po." Tinignan ko si Laze at inabot ang cellphone ko sa kaniya.
"Mama mo," senyas ko pabulong.
Wala siyang nagawa kundi tanggapin 'yon ay itapat sa tenga niya ang cellphone ko. "What again?" Napalunok ako ng ganoon niya sagutin ang mama niya.
"Mom, I'm a freaking college student how can I do it?" Napatitig ako sa kaniya, I can't see any emotions right now but then my mind is keep on telling me he's mad.
"Sorry," mahina niya ng sabi. I stopped myself when I figured out he's guilty.
"S-Sorry mom, don't cry. I'm really sorry." Natigilan ako ng ibaba niya ang cellphone ko at napahilot sa sintido.
After that incident, he never spoke about his personal life. He never did actually, I was just being illusionist. After my part time job, dumeretso na ako sa comic book store, but then he's not there kaya naman mag-isa lang akong nag-aral hanggang sa matapos ko na ay umuwi na ako but to find out that mama is in the hospital.
Kahit gabing gabi na ay sumugod ako sa hospital, sa city hospital nila dinala si mama at sobrang nag-aalala ako ngayon. Nang makarating sa emergency room ay nakikita kong umiiyak si Yamato dahilan para kabahan ako. "What happened?"
"Mama." Pagtawag ko kay mama hanggang sa magmulat siya at tignan ako.
"Mama anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo mama?" Hinawakan ko siya sa kamay ngunit hindi niya nagawang sumagot.
"Ate k-kailangan ni mama ng operasyon." Bigla ay nanghina ang tuhod ko dahilan para mapalunok ako at piliting tumayo.
"H-Huh?"
"M-May sakit sa puso si mama, ate." Nang umiyak ang kapatid ko ay naluha ako, tinitigan ko si mama na halatang nanghihina kung kaya't yumuko ako at idinikit ang palad niya sa mga pisngi ko.
"Mama lalaban ka ha? Ako ng bahala sa babayarin. Basta magpagaling ka mama." Tumulo ang luha ko ng makita kong pati paghinga niya ay nahihirapan siya.
"Si Tito Jubal nasaan?" Tanong ko.
"Kaalis niya lang ate, para humanap ng pera." Pinahid ko ang luha sa sagot ni Yamato.
"Tignan mo ng mabuti si mama ha? M-Magtatrabaho ako ngayon. O-Overtime." Natigilan si Yamato.
"Ate alas dose na ng umaga.."
"Ayos lang, magkano yung gamot na kailangan ni mama?" Saktong dumating ang doctor.
"Doc magkano po yung gamot para ngayong araw? Pwede ko po bang malaman?" Natigilan ang doctor at bumuntong hininga, sakto ay inabot niya sa akin ang reseta at may presyo na doon.
Napalunok ako ng makitang lagpas lagpas 20k ang mga gamot na 'yon. Inayos ko ang sarili at nagpaalam muna kay mama. "Mama babalik ako, hintayin mo ako ha?" Ngumiti pa ako ng pilit at patakbong umalis ng hospital.
Malapit lapit lang naman ang cafe na pinagtatrabahuan ko kung kaya't nang makarating ako doon ay nagulat sila. "Oh late na bakit nandito ka pa? May shift ka ba ngayon?" Tanong ng isa sa nakakatandang kasama namin.
"Ah hindi po ate, pero pwede po ba akong magtrabaho ngayon? Kailangan lang po talaga. K-Kailangan ko lang po talaga ng pera ngayon." Pakiusap ko.
"Hala eh wala kasi si Ma'am Miyu ngayon, panigurado ay nagpapahinga na siya." Nag-aalangan na sabi nito kaya napabuntong hininga ako.
"Sige na po, kahit walong oras lang o anim po. K-Kailangan ko lang po talaga," pakiusap ko pa.
Napatitig sa amin ang ibang kasamahan namin, sobrang nahihiya ako pero kailangan ko talaga. "What are you doing?" Napalingon ako ng may magsalita kaya naman ng malingon si Laze ay huminga ako ng malalim.
"H-Hindi mo na kailangang makialam rito," mahinahon kong sabi.
"Sir Laze," bati ng iba.
"I'm asking, what are you doing? Do you know what time is it?" Kwestyon niya kaya napasapo ako sa mukha.
"Hindi mo na nga kailangang mamroblema pa rito. If you're studying then study." Pikon na pikon kong sabi at tinignan ang mga kasama ko.
"Please po? Kahit bukas niyo na po i-notify si Ma'am Miyu." Pakiusap ko pa.
"H-Hindi kasi kami pwedeng—" natigilan ako ng bigla ay may humawak sa pulsuhan ko at hilain ako papunta sa walang taong lugar ng cafe. "Laze ano ba nakikiusap ako sa kanila!" Galit na gitil ko dahilan para matigilan siya.
"I'm asking you what's happening Miran." Mariing sabi niya.
"And why do you need to know about it!? I have a problem and I'm going to solve it. Don't ask questions kasi ng ikaw ang may problema hindi ako nag-tanong!" Galit na sigaw ko, tinitigan niya ako kaya naman napayuko ako.
"Just solve your problem and don't mind me." Paglilinaw ko.
"I am not your friend, you're not responsible of my problems." Ang titig niya sa akin ay nanatiling blangko, aalis na sana ako ngunit pinigilan niya akong muli at ihinarap sa kaniya.
"Ano ba—"
"You're not my friend, but I am your friend. So tell me the problem and I'll help you figure it out." He said and waited for my answers.
Hindi niya ako kaibigan, pero kaibigan ko siya? Nilalagnat ba siya? Ang gulo niya kausap.
"No need, parating ikaw na lang yung nandiyan para tulungan ako—"
"But at least I'm here?" Sumbat niya.
"Then why are you helping me? You're not that type of person. Why are you helping m—"
"Because I am worried. Is that enough?" Napalunok ako sa sagot niya.
"I don't see i—"
"It's because I can't show it. I badly wanted to show it but I can't! I can't even have the emotions I wanted everyone to see and it's a curse!" He raised his voice for the first time that made me stung.
"A-Ano.." Napalunok ako.
"S-Sorry." Bumuntong hininga ako at hindi na dinagdagan pa ang mga salitang hindi niya dapat naririnig.
"Sorry."
"Just tell me what happened, I'll help." Sa sobrang dala siguro sa nararamdaman ay kusa na lang siyang naupo at parang pagod na pagod na ipinatong ang siko niya sa mesa at tinignan ako.
"Nasa hospital si mama, kailangan niya ng gamot." Bulong ko.
"Kailangan kong magtrabaho para doon." Mahinang sabi ko.
"Help me have part time job in this cafe, that's all." I answered.
"Alright, wait me there. Don't follow me." He said and left without giving me a chance to talk, I waited for him to comeback but then he came back after 10 minutes and it feels long.
"I already told them, you can talk to them and wait for Mrs.Sandoval's decision." Laze scoffed that made me nod and ran away from him, dumeretso ako sa mga kasama ngunit natigilan ako ng may envelope silang hawak.
"Ma'am Miyu decided to just lend you some money, tell us how much will you need? Just pay it na lang daw." Maayos na sabi ng mas nakakataas sa amin.
"Kailangan ko po ng two weeks salary, papasok po ako bukas para magtrabaho." Natigilan ako ng tumango sila at tsaka pumasok sa loob matapos no'n ay tsaka dumating sa likuran ko si Laze.
"How about I'll go with you at the hospital? How's Yamato?" He mentioned my brother.
"He's okay but not well okay," bulong ko nanlalamig ang kamay.
Tumango lang siya at maya maya ay inabot na sa akin ang envelope kaya naman yumuko ako at nagpasalamat. Kahit late na ay sumama si Laze gusto niya daw masigurado na okay lang rin si Yamato kaya hinayaan ko na, ng makabalik ay nandoon na si Tito Jubal.
"Oh Miran— anong oras na ba't kasama mo pa ang nobyo mo." Sita ni Tito Jubal kaya napalunok ako.
"Tinulungan niya po akong humanap ng pera, ito na po. Kakaunti lang po 'yan pero kukuha pa po ako mamaya sa bangko." Magalang na sagot ko.
"S-Sige, naghahanap pa ng cardiologist ang mga doctor rit—"
"My dad. My dad is a cardiologist, maybe he can help?" Napatingin ako kaagad kay Laze sa sinabi niya.
"Talaga kuya? Dito po ba doctor ang papa mo?" Umiling si Laze bilang sagot sa tanong ni Yamato.
"I can contact him right now," sagot niya.
"Kuya pwede po ba? Pwede po bang tawagan mo ang papa mo para pagalingin niya si mama?" Napalunok ako ng kapatid ko mismo ang maki-usap.
"Okay." Laze replied and then walk away that made me breathe comfortably.
Hindi ko makalimutan yung sinabi niya kanina, I feel so guilty, I am guilty. After 5 minutes bumalik na siya kinakabahan ako sa balitang sasabihin niya. "On the way.." nakahinga ako ng maluwag at napapikit.
"Salamat kuya, salamat po talaga." I heard Yamato.
Nakatulala lang ako sa harapan ni mama na natutulog ngayon, ang pangamba ko sa dibdib ay hindi nawala. "Lumabas na muna kayo para magpahangin, isa lang ang pwede sa emergency room." Tito Jubal said kaya wala kaming nagawa kundi tumayo.
Habang naglalakad papalabas ay tumigil si Yamato. "Ate, uuwi po muna ako sandali para i-check ang bahay at kumuha ng gamit ni mama. Kuya Laze bantayan mo po muna ang Ate ko kasi matatakutin siya." Pinilit maging masigla ni Yamato kaya tinapik ko siya sa balikat.
"Ingat ka pauwi," wika ko.
"Salamat ate, Kuya Laze salamat po." Tumango lang si Laze kaya naman ng makalabas ng hospital ay naupo muna kami sa labas ng hospital sa kung saan may puno at mga upuan.
"I actually don't know what to feel in this kind of situation, I'm clueless." Napalingon ako kay Laze sa sinabi niya.
"I only open up to my younger sister, I didn't expect to tell that much to you." Napalunok ako ng makita na nalulungkot siya ngunit mas nagtaka ako ng alam ko 'yon kahit hindi pinakikita ng emosyon o mukha niya.
"But are you sad?" Bulong ko.
Natigilan siya at dahan dahan akong nilingon. "I am," sagot niya.
"I don't know how did I end up being like this, emotionless. I can't express my feelings, I don't know what should I feel, I don't even know what to do when everyone is crying and there I am. Curiously thinking why can't I feel a thing? But pain." Bigla ay nalumgkot ako para sa kaniya.
I never know, tapos ininsulto ko pa siya about it. Hindi ko alam na malaki pala ang impact no'n sa kaniya, ang insensitive ko. "Sorry for using it against you, I didn't know." Napayuko ako at nasapo ang sariling noo.
"I understand," bulong niya.
"But I don't understand how I felt worried," natigilan ako sa sinabi niyang muli. He glanced at me and smile that made me stung.
"Y-You smiled?" Tanong ko, but then there he is he touched his lips wondering if he did. Until he sighed and shook his head denying the fact that he did.
"I never expected this." Bulong niya sa sarili, tsk akala ba niya bingi ako? Rinig na rinig siya sa lalim ng boses niya.
"One day, people will understand why are you like that and they won't even talk about it. Hindi lahat pero kahit iisa lang amg makaintindi sa'yo sobrang laki na tulong na." Mahinahon kong sabi.
"Mm." Tanging tugon niya.
"Miran, you can pay me late. We'll be stuck on architect for more than 5 years." His eyes became soft, he stares at the stars.
"I'll be stuck with you for more than 5 years." He said that made me swallowed hard, I can't say a word. Ang tibok ng puso ko ay kinakabahan kaya siguro mabilis.
"T-Thank you." Mahinang sabi ko at sumandal sa bench at sandaling pumikit upang kumalma ang sarili.
I never expected that he's someone who will be with me at this kind of situation. A man who's emotionless but can make a lot of perspective view.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top