Chapter 59
Chapter 59:
Hakuna Miran's Point of View.
Kinagabihan ay pumunta na ako sa dinner ng family ni Terry, naka-suot lang ako ng puting blouse at high waisted white pants. But this time I am wearing Laze's family's signature necklace.
Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Terry, habang kaharap ko ang grandparents niya at sa kabila naman ang mommy at daddy niya.
"Kumusta naman ang relasyon niyong dalawa?" Kwestyon ng lola ni Terry.
"We're good lola," matipid na sagot ni Terry.
"Why are you helping her family lola?" Sa biglaang tanong ng half sister ni Terry ay nasulyapan ko siya.
"Dahil kaibigan ko ang lola at lola niya, bakit?" Kwestyon pabalik ng lola nito.
"Nagka-issue na siya lola, bakit nandito pa rin siya?"
"Huwag ka ng makialam sa problema ng mga matatanda apo, hindi mo mauunawaan." Tahimik lang akong kumain.
"I'd like to marry that Garcia, lola." Mahinang sabi nito kaya tumaas ang kilay ko at nasulyapan ang half sister ni Terry.
"He already rejected the unica hija of the other famous family, but I'll try to talk to them." Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig.
Dami niyong alam..
As if naman magugustuhan no'n basura mong ugali like duh?
Habang kumakain ay nasamid ako ng pag-usapan nila ang tungkol sa apo, "Wala po akong balak magka-anak," pagsisinungaling ko.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ng lola ni Terry.
"Takot po ako." I lied again, nakakatakot naman talaga pero kung doon ako sa lalake na kayang ingatan ang buong pagkatao ko bakit hindi?
"Nako apo, lahat tayo dumadaan sa takot. Ganyan rin ako noon," mukhang mabait naman ang lola ni Terry unlike sa anak nito.
"Wala po talaga akong balak mag-buntis," mahinahon na sabi ko.
"As if gusto ka naming maging ina ng apo ko." Parinig ng mama ni Terry.
"Hindi ko rin naman po gustong maging lola kayo ng magiging anak ko kung sakali," mahinang sabi ko dahilan para inis na tumayo yung mommy ni Terry.
"What did you just say?!"
"Wala po." Mabilis kong bawi.
"Huwag na kayo magtalo," sita ng lola ni Terry.
Hindi ako kumportable sa kainan na 'to ngunit wala akong magawa, "Pakakasalan mo ba ako dahil gusto mong tulungan ang pamilya ko?" Bigla ay natanong ko 'yon.
"No." Sa sagot niya ay bumuntong hininga ako.
"I'm marrying you now because I like you." Napaiwas tingin ako kay Terry.
"I'll just use a powder room." Paalam ko at tumayo, matapos kong umihi ay lumabas ako ng cubicle pero natigilan ako ng makita ang half sister ni Terry.
"It's the Garcia you're kissing last time right? Does he kiss good?" Naitikom ko ang bibig sa panimula niya.
"He's a friend of mine." Matipid na sabi ko.
"Oh so by now friends are kissing?" Napatitig ako sa kaniya sa sinabi.
"Maybe?" I answered.
Tumaas ang kilay niya at iritableng tinitigan ako, "You have the guts to cheat on my brother? Really?" Galit na sabi niya, nang malakas niyang itulak ang balikat ko ay napaatras ako upang hindi mawala sa balanse.
"I'm thankful that your family will help up, but getting this in return is not good." Umawang ang labi niya at ganoon ko kabilis nasapo ang pisngi ng malakas at gigil niya akong sampalin.
"Then back off!"
"Only if I can, I will!" Singhal ko at galit siyang tinignan, "Sa tingin mo natutuwa ako sa kasal na 'to?!" Sumama lalo ang tingin niya sa akin.
"Kahit sampalin mo pa ako ng sampung beses! O ilan pa mas lalo ko lang kayong ko lang kayong kinasusuklaman lalo ka na!" Napapikit ako ng derederetso niya akong sampalin at hindi lang halos pigilan ko ang sariling saktan siya ng sa sunod na pagtulak niya ay sumalampak ako.
"Edi magsawa ka sa bugbog." Gigil na sabi niya.
Iniwan niya ako sa banyo kaya naman maingat akong bumangon at napasandal sa mismong sink, maluha luha kong inayos ang sarili ngunit basa ang suot kong pants.
Magulo ang buhok ko at namumula ang pisngi. Napahid ko ang luha ng tumulo 'yon, natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko.
Napatitig ako ng tumawag si Laze, pagkasagot ko no'n ay narinig ko kaagad ang tanong niya.
"Do you want to escape?" Napahikbi ako kaagad at tumango kahit na hindi niya makikita 'yon.
"Y-Yes."
"Alright, come out. I'm here waiting," ang bag ko ay naiwan doon sa table.
Kagat labi akong lumabas, pagkabalik sa table ay nagulat sila ng makita ang hitsura ko.
"I-I'm going." Mahinang sabi ko.
"M-Miran," hinawakan ni Terry ang kamay ko ngunit binawi ko 'yon.
"Bitiwan mo 'ko." Mahinang sabi ko.
"Did you do this to her?!" Galit na bulyaw ni Terry sa kapatid.
"I told you not to lay a finger on her." Galit na sabi ni Terry kaya huminga ako ng malalim.
"I'm leaving." Mariing sabi ko at nalakad na pero mabilis na humabol si Terry.
"Wait, Miran. I'm really sorry—"
"If you're even sorry then let me leave kasi wala ka naman ng magagawa eh!" Iritang sabi ko.
"Aalis na ako, ayoko na magtagal pa kasama 'yang kapatid mo." Galit na sabi ko.
Nagmamadali akong umalis at nang mapansin na hindi na siya humabol ay mabilis kong hinanap ang sasakyan ni Laze hanggang sa bumusina ito ay doon ako tumakbo.
Nang makasakay ay nag-aalala niya akong tinignan, "What happened?" He asked and tucked the few strands of my hair at the back of my ears.
"What's wrong babe?" His eyes were staring at my face, nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako huminga ng malalim.
"Why is your face red? Did Terry hurt you?" Umiling ako.
"Yung kapatid niya," huminga ng malalim si Laze at tsaka napasandal sa sandalan ng upuan niya at pumikit sandali.
"Next time smack her in the face," sambit niya at binuksan na ang aircon.
"Don't cry. I just got a text that they wanted me to marry that brat." Lumunok ako at ngumuso.
"What do you want to do?" He asked, "I want to eat." Huminga siya ng malalim at tumango.
"Alright," He stated.
Tahimik siyang nagmaneho, sa gitna ng pagmamaneho niya ay tumigil kami sa isang drive thru kahit na hindi ko alam kung anong bibilhin niya.
Nang nasa mismong order station na ay nalaman ko na takoyaki pala ang bibilhin niya, he bought around 24 pieces.
After buying that, agaran kong naamoy ang mabango na 'yon. Itinabi niya 'yon sa likod ay maya-maya ay tumigil kami ulit sa isang store.
"Wait for me," he calmly stated and unbuckled his seatbelt and left.
Nakatunganga ko naman siyang hinintay dahil naka-bukas rin ang aircon ng sasakyan niya, nakamot ko ang noo at sa paulit ulit na pagtawag ni Terry ay pinatay ko na ang cellphone ko.
Itinago ko 'yon sa bag ko tsaka ko isinandal ang ulo at sandaling pumikit, makalipas ang limang minuto ay bumalik na si Laze at agaran niyang inabot sa akin ang dalawang malalaking burger.
"Let's eat something unhealthy and healthy today, I have ice cream at my condo." Nang sabihin niya kung saan kami pupunta ay bahagya akong kinabahan.
Hindi dahil sa kaniya kundi dahil sa akin, what if topakin ako? Tapos..
Napailing iling ako sa naisip, hindi na ako kumibo, nang makarating sa tapat ng condo building ay naalala ko na dito rin nanunuluyan si Terry.
Nahihiya akong kumapit sa laylayan ng suot niyang longsleeves ngayon, natigilan siya at nalingon ako.
Napalunok ako ng kunin niya ang kamay ko at hawakan 'yon habang naglalakad kami papasok, sa elevator ay hindi niya binitiwan ang kamay ko.
"Change later, your pants is a bit dirty." Mahina akong natawa ng maalala na ayaw niya pala sa marumi.
Nang makarating sa condo niya ay namangha ako sa laki nito, hanggang sa tumahol si Bullet ay napangiti ako. "Take a shower, I'll provide you something to wear." Mahinahon niyang sabi, kaya naman tumango ako at ibinaba ang gamit ko sa sofa.
"You can get your towel inside the bathroom, and other necessities. Iaabot ko na lang yung gagamitin mo," ang tinig niya ay hindi ko wari kung inaantok na ba dahil 9pm na rin.
Sinunod ko siya tsaka ako pumasok sa loob, sobrang linis ng bathroom niya. Pino at wala akong matanaw na kahit isang buhok o kalat man lang. Dahil sa gutom ay binilisan ko na rin maligo.
Nang matapos ay dahan dahan akong sumilip sa banyo hanggang sa magulat ako ng biglang sumulpot si Laze. "Wear this," inabot ni Laze ang mahabang shirt niya at ang cycling shorts na sigurado kong hanggang sa taas ng tuhod ko ang haba.
Matapos ko magbihis ay napalunok ako at tsaka natignan ang sarili sa salamin, sobrang haba ng shirt niya. "I have moisturizer there," paalala niya kaya napabalik ako sa salamin at humanap ako ng moisturizer doon.
Naglagay ako sa mukha at tsaka ako lumabas ng banyo, nakita ko naman na nakaayos ang mga food sa sala table.
Para akong batang maingat na lumapit doon, hindi ko siya makita eh. Panay ang linga at sulyap ko not until the door opens and he came in with Bullet.
"I just picked up the food I ordered," paalam niya at ibinaba sa maliit na mesa ang parang bucket na may aluminum foil.
Naupo ako doon at tinitigan siya, nang buksan niya 'yon ay napalunok ako ng sobra dahil sa bango nito.
Chicken wings!
Nang maupo siya sa tabi ko ay matipid siyang ngumiti, "Does your face hurt?" Natuod pa ako sa pagkakaupo ng marahan niyang hawakan ang pisngi ko.
Titig na titig siya sa mukha ko kaya naman napaiwas tingin ako at inabot ang drinks na ginawa niya.
"Mukhang masarap 'to ah," sambit ko upang maiba ang hangin tsaka ko inabot ang chicken wings.
Nang matikman 'yon ay kumuha ako ng panibago at itinapat sa bibig ni Laze, napatitig siya sa akin at tsaka siya bahagyang humarap sa aking gawi at kinagat 'yon.
Nang bitiwan ko ay siya na ang humawak no'n pilit kong itinutuon ang atensyon sa pinanonood namin ngunit masyado akong mawawala sa focus dahil sa kamay niyang tila nakaakbay sa akin.
Habang kumakain kaming dalawa ay humiga sa paanan namin si Bullet at dahil doon ay bahagya pa akong magulat ngunit buti na lang hindi niya pansin.
"Hindi ka ba talaga sinasaktan ni Bautista?" Nalingon ko si Laze tsaka ako umiling.
"Hindi, bakit?"
"I can't punch the sister," mahinahon niyang sabi kaya mahina akong natawa.
"Pabayaan mo na," sambit ko.
"You'll sleep here?" Laze asked, dahil doon ay dahan dahan ko siyang nalingon tsaka ako nagkibit balikat.
"Sa taas yung bed ko," turo niya sa mezzanine sa kung saan nandoon ang kama niya panigurado.
Ilang mga sandali ay nakalimutan namin na magkasama kami ng bigla akong mapasigaw dahil sa nakakagulat at intense na palabas.
Tumunog ang cellphone ni Laze kaya naman napatingin ako sa kaniya, "Your sister is calling." Nakita ko ang pangalan ni Ate Janella na ipinakita niya.
"Sagutin mo." Sagot ko, tumango siya at sinagot 'yon.
Pinindot pa niya ang loud speaker para marinig ko, "Laze, hello. Sorry sa abala, kasama mo ba si Miran?" Napalunok ako at tumango.
"Yes, why?" Sagot ni Laze.
"Terry's been terribly looking for her, for hours now. Pero sige, hindi ko sasabihin na magkasama kayo." Nakahinga ako ng maluwag.
"Ah really?" Tugon lang ni Laze parang hindi interisado.
"What happened ba?" Kwestyon ni Ate Janella.
"Nandiyan siya? Pakausap," huminga ako ng malalim.
"Naririnig ka niya." Laze answered and grabbed a chicken wings, he bit the meat of it but then I noticed his dimples showing.
"Anong nangyari Miran?" Tanong ni Ate Janella.
"Nakaaway ko kasi yung kapatid niya, masama ugali eh." Sambit ko, muli ay kumain na naman si Laze kaya napatitig ako sa kaniya.
Lalo na sa labi niya ng sandaling malagyan ng sauce 'yon, napalunok ako at nakinig sa sinasabi ni Ate Janella.
"Gaga talaga 'yon, masama ugali. Akala mo naman ang ganda-ganda mukha namang espasol sa kapal ng foundation niya, sana naging cake na lang siya sa kapal ng white frosting na isinampal sa mukha niya."
Nang mapansin ni Laze ang tingin ko doon ay halos manlaki ang mata ko ng ngumiti siya at bahgyang lumapit upang madampian ang labi ko, bahagya siyang lumayo at tumango.
Gagooooooo!
Hindi ko tuloy ma-sink in sa isip ko sinasabi ni Ate Janella!
Pinanlakihan ko siya ng mata at tumikhim, "Patulan mo Miran, kasi pag hindi ingungudngod ko mukha no'n sa putik ng maging itlog maalat siya." Nakagat ko ang ibabang labi at umiwas tingin kay Laze.
"O-Opo ate," sagot ko na lang.
"Sige na, bukas na lang. Ingat kayo," wala pa man akong sinasabi ay napatay na ni Ate Janella ang call.
"Ikaw, mamaya marinig niya." Sermon ko kay Laze pero pigil ngisi niya akong tinitigan, nagpapa-inosente.
"I didn't do anything bad?" He stated, it seems like he's being playful with me so I rolled my eyes.
Pagkatapos namin kumain at manood ay tumayo na siya kaya tinulungan ko siya sa pag-aayos ng mga 'yon.
Napahikab ako at tsaka ako mag-stretch not until Laze's hand guided my waist to put me aside, kasi humaharang ako sa daan dahilan para makagat ko ang ibabang labi sa kilig na naramdaman.
"Umakyat ka na sa taas, sunod ako." Tumango ako at tsaka maliliit na hakbang lang ang ginawa ko sa sobrang lamig sa condo niya.
Maingat akong umakyat sa itaas tsaka ako maingat na naupo sa kama niya. Sobrang ganda ng condo niya, wala akong masabi. Siguro ay sariling disenyo niya ito.
May television rin siya rito ngunit hindi ganoon kalakinang flat screen, siguro ay iwas rin sa sakit ng mata. Ang salamin ay matatanaw ko ang sala pero may kurtina naman na magtatakip kung nanaisin.
Sobrang ganda ng interior and as an architect? I want his designs and ideas, freaking attractive like him.
"Hmm you're enjoying the view?" He sat beside me and roam his eyes on his mezzanine bedroom.
"Ang ganda Laze, if your design is a person. I'll date him," napangisi si Laze.
"Then date me, because it reflects me." I gasped to his response, the interior is already breathtaking but being this close to him is not making me breathe right.
"I will date you, I am dating you." I cleared my throat as I answer.
"It's already 11pm, not sleepy yet?" Nalingon ko siya sa tanong niya, "Ikaw yata ang inaantok, tignan mo yung mata mo." Turo ko sa mga 'yon dahilan para mahina siyang matawa at mapaiwas tingin.
"Do you love chemistry?" Sa kaniyang tanong ay dahan dahan akong napatango, "W-Why?"
"You love?" Tumango ako muli.
"Bakit nga?"
"Then forget hydrogen," nangunot ang noo ko ng sambitin niya ang nangunguna sa table of elements, I was about to ask why but then he dropped the bomb.
"'Cause you're my number one element." Napaisip pa ako ng matagal ngunit nang ma-realize 'yon ay pasimple akong napahawak sa pisngi ko ng mag-init 'yon.
Nang mapansin niya ang reaksyon ko ay napangiti siya, bahagyang nawala ang mga mata niya dahil naningkit 'yon ngunit dalawang dimples niya ang lumabas.
"W-Why are you doing this to me," pabulong na sabi ko at tumikhim dahil pakiramdam ko nauuhaw ako.
"You want to know why?" Nangunot ang noo ko at dahan dahan na tumango, he wanted to hid his smirk but he ended up smirking handsomely, "Because I'm in love with you."
My face automatically heats up to the point that I stood up and turned my back at him, hearing his chuckles. "Laze!" Natakpan ko ang mukha at hindi mapigilang mangiti.
"Damn, you're a tomato." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paharap at para mapaupo ako sa tabi niya.
"Kasi kasalanan mo," inis na sabi ko.
"Let's sleep, I'm already sleepy. I always sleep at 10pm but then when you came my body clock is messed up." He laid his back and placed a pillow in between the master's bed.
Ang conservative naman, ayoko nga ng harang eh.
"I'm not gonna invade your privacy, come on don't worry and sleep peacefully." He tapped the bed so I laid and faced his side para makita ko ang mukha niya.
He's being a gentleman, and conservative. Minsan hindi ko tuloy alam kung ako ba ang delikado.
"Goodnight babe," his blank stares made me remember how we first met. He caresses my face and leaned over to plant a kiss on my forehead.
Nakagat ko ang ibabang labi, pigil na pigil sa kilig ngunit tumitili na ang puso ko. "Goodnight Laze," nahihiyang sabi ko at dahil doon ay inayos niya ang pagkakakumot sa akin bago siya humiga habang nakaharap sa akin.
Halatang inaantok na siya at nilalabanan na lang 'yon, the dim lights were totally gone when he pressed a button on a remote. Ngumiti siya sa akin bago ipinikit ang mata.
Sana naman pag-gising ko wala na yung unan sa gitna, nakakainis eh.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa may kabigatan na nakapatong sa bandang tyan ko kaya naman napanguso ako at dahan dahan na nagmulat hanggang sa ma-realize ko na katabi ko si Laze natulog kagabi!
Baka ang pangit ko matulog?! Tumulo ba laway ko? Humilik ba ako?
S-Sino yung nasa tyan ko? Dahan dahan kong nilingon ang katabi ngunit wala kaya naman maingat kong tinignan ang nakapatong at halos manlumo ako ng makita ang ulo ni Bullet na nakadantay at tulog na tulog.
Ngunit napangiti ako ng magising ito sa maingat na pag-galaw ko, umayos ito ng pwesto kaya naman hinaplos ko siya at niyakap.
Nakakahiya, parang mas mabango pa si Bullet kesa sa akin. Dahan dahan ako na bumangon at tsaka napa-stretch.
Sumilip ako sa glass walls na tanging barrier, hindi ko natanaw si Laze kaya bumaba na ako ng mezzanine niya.
Pagkababa ko ay naitikom ko ang bibig ng makita ko si Laze na may hawak na vacuum, ang linis niya naman masyado.
Ngumiti siya ng makita ako, "Good morning, breakfast?" Anyaya niya kaya umiling ako.
"Banyo muna," paalam ko at tsaka nagmamadali siyang tinalikuran.
Pagkapasok sa banyo ay halos mahiya ako ng ang gulo ng buhok ko, nagsepilyo naman ako at hilamos ng mukha para magmukhang fresh.
May trabaho pala kami!
Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako, "May work tayo Laze," nanlalaki ang mata kong sabi.
"So?" Sa tugon niya ay naningkit ang mata ko.
"We need to pasok, so that we deserve our salary?" Ngumisi si Laze.
"Come on, no need to rush. Your boss is here," huminga ako ng malalim at naupo sa harap ng dining.
"Ikaw gumawa?" Tanong ko.
"As if I know how?" Napangiti ako at kinain ang adobong chicken.
"Hindi ka marunong? What do you know?" His lips parted.
"You're underestimating me, babe." Umawang ang labi ko sa kaniyang endearment.
"Ano nga?" Tugon ko.
"I can— I am not talented." Mahinang sabi niya at ngumiwi.
"I don't cook," nakagat ko ang ibabang labi ng wala sa mood niya iyong sabihin.
"Si Terry marunong magluto, masarap—" natigilan ako ng matunog niyang ibaba ang fork sa kaniyang plate dahilan para maitikom ko ang bibig at magpigil ngisi.
"I can prepare a sandwich." Mahinang sabi niya, nadidismaya.
"Sandwich lang?" I teased that made him stare at me blankly, trying to calm his temper.
"I can make a coffee, with designs. You choose, just don't compare me to that hooman." Pinigilan kong ngumisi at kumain na lang.
"The morning is so good, not until you mention that ugly dog— not you Bullet." Mabilis na sabi ni Laze ng mahinang tumahol si Bullet.
Tahimik na siyang kumain kaya naman kumain na lang rin ako, "You're cute." Biglang sabi ko dahilan para matigil siya sa pag nguya at seryoso akong titigan.
"What are you talking about?" His serious voice were making me smile, but then I stopped my lips from forming one.
"When jealous," I added that made him stop.
"I am not jealous, I don't care if he knows how to cook. You'll soon go home at my house not at his, magbukas na lang siya ng resto." Inis niyang sabi kaya napangiti ako.
"Hakuna Miran," sita niya kaya kagat labi kong pinigil ang ngiti.
"Stop teasing me," dahil sa sinabi niya ay natawa ako.
"Oo na," sagot ko at kumain na.
"Uuwi muna ako sa condo ko para magpali—"
"I bought you clothes for work," he pointed the paper bag sitting on the vacant single sofa.
"Gagi, magkano? Babayaran k—"
"Thank you is enough, but I love you is better just in case you wanted to say it already." Umawang ang labi ko sa parinig niya.
"Thank you." Mabilis na sabi ko dahilan para matitigan niya ako at napailing iling na para bang nadidismaya siya.
Pinigilan kong mangiti. "Welcome," masama pa ang loob niyang sabi kaya naman napainom na lang ako sa juice.
Pagkatapos naming kumain ay nag-ready na kami para sa work, wala naman akong sasabihin sana ngunit may undies pa na kasama kaya naman ng makalabas mg banyo ay hinarap ko siya.
"Did you pick those undies?" Sa tanong ko ay natigilan siya, nagpakita ang dimples niya kahit na hindi siya ngumingiti.
"I-I did." Napaiwas tingin siya ay nang mamula ang tenga niya ay napalunok na lang rin ako.
"I'm sorry, just changed it when you have. I-I know it's awkward but I don't like you to feel uncomfortable by wearing what you wore last night." Naglapat ang labi ko at tumango.
"Thank you."
Makalipas ang ilang araw ay naging maayos naman kami ni Laze, ngunit na-imbita ang pamilya namin sa ia-anunsyo ng Bautista.
Dahil doon ay maayos ako na nagbihis at hinanda ang sarili ko, dahil kaya sa nangyari last time? Nang makarating sa venue ay binawi ko ang palad sa pagkakahawak ni Terry.
"G-Galit pa rin ako sa nangyari last time, please lang huwag mo muna akong hawakan." Galit na sabi ko.
"Miran, I already gave her a sermon. Lola deducts her allowance, she'll apologize later." Mahinahon na sabi ni Terry kaya naman inis ko siyang nilingon.
"If your mother and your sister hates me, just cancel this wedding. You'll making me suffer." Napayuko siya at tumikhim.
"I'm apologizing in her behalf." Ngumiwi na lang ako at dumeretso na sa venue.
Nang makapasok ay natigilan ako ng makita si Laze, nagtama ang mga mata namin ngunit halos malaglag ang puso ko ng mabilis at pasimple niya akong kinindatan.
This feels illegal.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top